Ang mga Dulot ng mga napakagagandang Pangalan ni Allah sa Buhay Ko
Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang Pagpapala at Pangangalaga sa Propeta natin na si Muhammad at sa lahat ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.
Tunay na ang pinakakapita-pitagan sa mga nilalayon, ang pinakakapaki-pakinabang sa mga kaalaman, ang pinakamarangal sa mga ito, at ang pinakamataas sa mga ito ay ang kaalaman sa napakagagandang mga pangalan ni Allah - kamahal-mahala at kapita-pitagan Siya - at napakatataas na mga katangian Niya. Iyon ay dahil sa ang mga ito ay nagpapakilala sa mga tao sa Panginoon nila - napakamaluwalhati Niya - na siya ring pinakamarangal na kaalaman.
Bahagi ng awa Niya - napakamaluwalhati Niya - na ang paniniwala sa Kanya at pagkakilala sa Kanya ay ginawa Niya na nakatanim sa kalikasan ng pagkalalang sa tao at sa mga isip sa kabuuan.
Sinabi ni Allah: “[Manatili sa] likas na pagkalikha ni Allah na nilalang Niya ang mga tao ayon doon. Walang pagpapalit sa pagkakalikha ni Allah. Iyan ay ang matuwid na Relihiyon, ngunit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (Qur'an 30:30)
Sinabi naman ng Propeta (Pagpalain at pangalagaan siya ni Allah): “Bawat sanggol ay ipinanganganak ayon sa likas na pagkalikha ngunit ang mga magulang nito ay ginawa silang hudyo at kristiyano ...” Hadith.
Ang pagtatanim ng Aqidah sa mga kaluluwa ng mga bata ay higit na madali kaysa sa paglihis nila kapag lumaki sila.
Ang Sugo (Pagpalain at pangalagaan siya ni Allah) ay natuturo noon ng Aqidah sa mga kabataan at mga nakatatanda, nang sa gayon ay makikilala ng bata ang Diyos na sinasamba upang ibigin Siya, pagkatapos ay tumatalima sa Kanya at katakutan Siya. “Ang mangmang sa isang bagay ay hindi makapagbibigay ng halaga rito.”
Tunay na tayo, sa pag-aaral ng napakagagandang mga pangalan at mga katangian, ay hindi tumitigil sa mga aspetong lantay na pangkaisipan (abstract intellectual aspects) bagkus ipinagbubuklod ang aspetong pangkaalam, panggawain, pagsamba, at anumang hinihiling nito na mga resultang pampananampalataya at pangkaasalan na nagbubunga ng lakas ng pananampalataya, lakas ng pag-asa, at lakas ng kagandahan ng saloobin kay Allah. Sa pamamagitan niyon ay liligaya ang tao sa Mundo at Kabilang-buhay.
Naglalaman ang aklat na ito ng napakagagandang mga pangalan ni Allah na nasaad sa Marangal na Qur’an at sa mga Hadith ng Sugo (pagpalain at pangalagaan siya ni Allah) at naglalaman din ng pagpapaliwanag sa bawat pangalan na itinaguri ni Allah - kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya - sa mataas na sarili Niya, sa paraang maaaring magbukas kung loloobin Niya sa mga puso at mga isip ng kabataang Muslim upang matalos ang matayog na mga kahulugan. Si Allah - kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya - ay walang katulad na anuman. Siya ay ang Nakaririnig, ang Maalam.
îîî
Unang Bahagi
Ang Pagpapaliwanag sa Sinabi ni Allah:
“Taglay ni Allah ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito.”
Sinasabi ni Ibnu al-Qayyim, kaawaan siya ni Allah:
“Ang mga pangalan ni Allah ay pawang mga pangalan ng pagdakila, papuri, pagbubunyi, at pagluluwalhati. Dahil doon, ang mga ito ay napakagaganda. Ang mga katangian Niya naman ay pawang mga katangian ng kalubusan. Ang mga pang-uri sa Kanya ay pawang mga pang-uri ng pagpipitagan. Ang mga gawa Niya ay pawang batay sa karunungan, awa, kapakanan, at katarungan.”
Sinabi ni Ibnu alQayyim sa sinabi ni Allah na “Sabihin mo: ‘Dumalangin kayo kay Allah o dumalangin kayo sa Napakamaawain; sa alin man sa mga ito kayo dumalangin, taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda.’” (Qur'an 17:110): “Ibig sabihin: Tunay na kayo ay dumadalangin lamang sa nag-iisang Diyos, kahit pa man marami ang mga pangalang Niyang napakagaganda.”
Ang pagdalangin sa pamamagitan ng mga pangalang ito ay tumatalakay sa:
Ang panalangin ng pagsamba
Ang panalangin ng paghiling
Dumadalangin tayo para sa bawat kahilingan ayon sa kung ano ang naaangkop sa kahilingang iyon.
Sinasabi ng isang dumadalangin, halimbawa: “O Allah, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako. Tunay na Ikaw ang Mapagpatawad, ang Maawain. Tustusan Mo ako, o Tagapagtustos! Maging mabait Ka sa akin, o Ikaw na Mabait.” At mga tulad nito.
îîî
Ikalawang Bahagi
Ang Pagpapaliwanag sa Hadith:
“Tunay na mayroong siyam na pu’t siyam na Pangalan si Allah.”
Ayon kay Abu Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi: “Tunay na mayroong siyam na pu’t siyam na pangalan si Allah. Ang sinumang bumilang ng mga ito ay papasok sa Paraiso.”
Ang kahulugan nito: Na ang pangungusap na “Ang sinumang bumilang ng mga ito ay papasok sa Paraiso” ay hindi nangangahulugan na ang pangalan niya siyam na pu't siyam lamang.
Hinggil sabi niya na “Ang sinumang bumilang ng mga ito”
Nabanggit ng mga may kaalaman tungkol dito ang sumusunod:
Ang pagbilang sa mga ito at ang pagsasaulo sa mga ito
Ang pag-unawa sa mga kahulugan ng mga ito
Ang pag-alam sa mga dulot nito sa Sansinukob, buhay, at puso
Ang pagdalangin kay Allah -- kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya -- sa pamamagitan ng pagsambit sa mga ito, at ang pagsamba kay Allah sa pamamagitan ng mga ito -- napakamaluwalhati Niya
îîî
Ikatlong Bahagi
Ang Metodolohiya ng Ahl as-Sunnah wa al-Jama’ah sa Tawhid al’Asma’ wa as-Sifat
Itinayo ang metodolohiyang ito sa tatlong pundasyong matatag. Ang sinumang sumunod sa mga ito ay maliligtas sa pagkaligaw, ayon sa kapahintulutan ni Allah.
Ang pagkakaila para kay Allah -- kapita-pitagan at kataas-taasan Siya -- na makawangis ng anuman sa mga katangian Niya ang anuman sa mga katangian ng mga nilikha. Sinabi ni Allah: “Walang katulad sa Kanya na anumang bagay,” (Qur'an 42:11)
Ang pananampalataya sa anumang paglalarawan ni Allah sa sarili Niya.
Ang pagputol sa pagmimithing matalos ang lubusan paglilinaw sa kahulugan dahil ito ay imposible yamang nagsabi si Allah: “Hindi sila makasasaklaw sa Kanya sa kaalaman.” (Qur'an 20:110)
îîî
Ikaapat na Bahagi
Ang Mga Magagandang Pangalan ng Allah
ADH-DHĀHIR | AL-`ALĪY | AL-ḤAYY | AR-RAḤMĀN | AL-MATĪN | AL-MALĪK | AL-KHĀLIQ | AL-ḤAFĪDH | AL-MU`ṬĪ | AR-RAQĪB | AL-ḤASĪB | AL-MU’MIN | AL-GHAFFĀR | AL-WĀRITH | |
AL-ĀKHIR | AṬ-ṬAYYĪB | AL-MUTAKABBIR | AL-ḤAKĪM | AL-QAWĪY | AL-MĀLIK | AR-RAFĪQ | AL-ḤĀFIDH | AL-BĀSIṬ | AL-FATTĀḤ | AL-WAKĪL | AN-NAṢĪR | AL-GHAFŪR | AL-MU’AKHKHIR | |
AL-AWWAL | AL-ḤAMĪD | AS-SALĀM | AL-KHABĪR | AL-MUQTADIR | AL-MALIK | AL-LAṬĪF | AL-MUḤĪṬ | AL-QĀBIḌ | AL-ḤAKĪM | AL-WADŪD | ASH-SHAKŪR | AL-`AFŪW | AL-MUQADDIM | |
AL-AḤAD | AL-MAJĪD | AL-QUDDŪS | AL-`ALĪM | AL-QADĪR | AL-QAYYŪM | AL-BIRR | AL-MUḤSIN | AL-MUQIT | AL-HĀDĪ | AL-MAWLĀ | ASH-SHĀKIR | AS-SATĪR | AL-JABBĀR | |
AL-WĀḤID | AL-`ADHĪM | AS-SUBBŪḤ | AL-`ĀLIM | AL-QĀDIR | AL-WĀSI` | AL-JAWWĀD | AL-MUṢAWWIR | AR-RAZZĀQ | AL-MUBĪN | AL-WALĪY | AL-MUJĪB | AL-ḤAYY | AL-QAHHĀR | |
AR-RABB | AL-KABĪR | AL-MUTA`ĀL | AL-BAṢĪR | AR-RA’ŪF | AL-GHANĪY | AL-AKRAM | AL-BĀRI’ | AR-AR-RĀZIQ | AL-ḤAQQ | AL-ḤĀSIB | AL-QARĪB | AL-ḤALĪM | AL-QĀHIR | |
ALLĀH | AL-BĀṬIN | AL- A`LĀ | AS-SAMĪ` | AR-RAḤĪM | AL-`AZĪZ | AL-KARĪM | AL-KHALLĀQ | AL-MUHAYMIN | AL-WAHHĀB | ASH-SHAHĪD | AṢ-ṢAMAD | ASH-SHĀFĪ | AT-TAWWĀB | AL-KAḞIL |
Ikalimang Bahagi
Pagpapaliwanag ng mga napakagagandang Pangalan ni Allah at ang mga Dulot sa Pananampalataya
(الله)
معناه في حق الله :
هو المعبود الحق والاسم الأعظم جامع لجميع الأسماء الحسنى .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الله) :
محبة الله محبة عظيمة تقدم على محبة النفس والأهل والدنيا جميعا.
îALLĀH
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang karapat-dapat sambahin at ang pinakadakilang pangalang sumasaklaw sa lahat ng napakagagandang mga pangalan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na ALLĀH:
Ang pag-ibig kay Allah ay dakilang pag-ibig na inuuna sa pag-big sa sarili, pamilya, at mundo, sa lahat ng mga ito.
(الرب)
معناه في حق الله :
هو المربي والمدبر والمنعم والمالك والسيد لجميع عباده .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الرب).
التوكل على الله وحده في جلب المنافع ودفع المضار.
îAR-RABB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang Tagapag-alaga, ang Tagapamahala, ang Tagapagbiyaya, ang May-ari, ang Pinapanginoon ng lahat ng mga lingkod Niya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RABB:
Ang pananalig kay Allah lamang sa pagkamit ng mga kapaki-pakinabang at pagtaboy sa mga nakapipinsala.
)الواحد) و( الأحد)
معنى الواحد في حق الله :
هو الفرد الذي لم يكن معه آخر .
معنى الأحد في حق الله :
منفرد بالربوبية والألوهية لا شريك له .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الواحد) و(الأحد) :
إفراد الله بالدعاء والمحبة والتعظيم والخوف والرجاء والتوكل وإفراده بجميع أنواع العبادة.
îAL-WĀḤID at AL-AḤAD
Ang kahulugan ng Al-WĀḤID patungkol kay Allah:
Ang namumukod-tangi na walang ibang kasama.
Ang kahulugan ng AL-AḤAD patungkol kay Allah:
Namumukod-tangi sa Pagkapanginoon at sa Pagkadiyos na walang katambal.
Kabilang sa mga epekto ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WĀḤID at AL-AḤAD:
Ang pagbubukod-tangi kay Allah sa panalangin, pag-ibig, pagdadakila, pagkatakot, pag-asa, at pananalig, at ang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pag-uukol ng lahat ng uri ng pagsamba.
(الأول ) و (الآخر)
معنى الأول في حق الله :
هو الذي ليس قبله شيء .
معنى الآخر في حق الله :
هو الذي ليس بعده شيء.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( الأول) و(الآخر) :
الافتقار إلى الله في كل الأمور فهو المبتدئ بالفضل والإحسان .
îAL-AWWAL at AL-ĀKHIR
Ang kahulugan ng AL-AWWAL patungkol kay Allah:
Ang walang nauuna sa Kanya na anuman.
Ang kahulugan ng AL-ĀKHIR patungkol kay Allah:
Ang walang nahuhuli sa Kanya na anuman.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-AWWAL at AL-ĀKHIR:
Ang pangangailangan kay Allah sa lahat ng mga bagay-bagay sapagkat Siya ang nagpapasimula sa kabutihang-loob at kagandahang-loob.
(الظاهر) و(الباطن)
معنى الظاهر في حق الله :
هو المطلع على الأسرار الكون وهو العلي فوق كل شيء فلا شيء أعلى منه.
معنى الباطن في حق الله :
هو الذي يعرف باطن الأمور سرائرها وخفاياها ودقائق الأشياء
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الظاهر) و(الباطن) :
إصلاح القلوب : لأنه يعرف ظاهر الأمور.
îADH-DHĀHIR at AL-BĀṬIN
Ang kahulugan ng ADH-DHĀHIR patungkol kay Allah:
Ang nakakaalam sa mga lihim ng Sansinukob, at ang mataas sa ibabaw ng bawat bagay kaya naman walang anumang higit na mataas kaysa sa Kanya.
Ang kahulugan ng AL-BĀṬIN patungkol kay Allah:
Ang nakababatid sa mga bagay-bagay na nakalingid, sa mga lihim ng mga ito, sa mga nakakubli sa mga ito, at sa mga kaliit-liitang detalye ng mga ito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na ADH-DHĀHIR at AL-BĀṬIN:
Ang pagsasaayos ng mga puso dahil Siya ay nakaaalam sa katuturan ng mga bagay-bagay.
) الكبير)
معناه في حق الله :
هو الموصوف بصفات المجد والعظمة والكبرياء الذي هو أعظم وأكبر من كل شيء .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الكبير)
ذكر الله تعالى بالتكبير عند ركوب وعند صعود الأماكن المرتفعة وفي الصلاة وفي الآذان والأذكار.
AL-KABĪR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang tinagurian ng mga katangian ng Kaluwalhatian, Kadakilaan, at Karangalan na pinakadakila at pinakamalaki kaysa sa lahat ng mga bagay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-KABĪR:
Ang pag-alaala [o pagbanggit] kay ALLAH sa pamamagitan ng pagsabi ng AllĀhu Akbar[1] sa pagsakay, sa pag-akyat sa matataas na mga lugar, sa pagdarasal, at sa pagsasagawa ng adhĀn at pagsambit ng mga dhikr.[2]
(العظيم)
معناه في حق الله :
ذو العظمة والجلال وسلطانه ومن عظمته أن السموات والأرض في كف الرحمن أصغر من الخردلة.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( العظيم) :
تعظيم أمره سبحانه ونهيه.
AL-`ADHĪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagtataglay ng kadikalaan, karapatang pagpipitaganan, at kapamahalaan. Bahagi ng kadakilaan Niya na ang mga langit at lupa ay nasa palad Niya, na parang higit na maliit pa sa buto ng mustasa.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-`ADHĪM:
Ang pagdakila sa ipinag-uutos Niya at [pangingilag] sa ipinagbabawal Niya.
(المجيد)
معناه في حق الله :
كثير الإحسان إلى عباده بما يفيضه عليهم من الخيرات .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( المجيد) :
تمجيده سبحانه واللهج بذكره والثناء عليه بالتهليل والتحميد والتسبيح والتكبير .
AL-MAJĪD
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang maraming magmagandang-loob sa Kanyang mga lingkod sa pamamagitan ng ibinubuhos Niya sa kanila na mabubuting bagay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL- MAJĪD:
Ang pagluwalhati sa Kanya, ang palagiang pagbanggit sa Kanya, at ang pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng Lā ilaha illa -llāh, alḥamdu lillāh, subḥānallāh, at Allāhu Akbar.[3]
(الحميد)
معناه في حق الله :
هو المحمود الذي استحق الحمد في السراء والضراء وفي جميع أفعاله وأقواله .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحميد) :
كثرة ذكره سبحانه وخاصة الأذكار التي تضمنت حمده .
AL-ḤAMĪD
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang pinupuri na karapat-dapat purihin sa kaginhawahan at kahirapan, at sa lahat ng mga ginagawa at mga sinasabi.
Kabilang sa mga epekto ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAMĪD:
Ang kadalasan ng pagpanggit at pag-alaala sa Kanya lalo na sa mga panalanging naglalaman ng pagpupuri sa Kanya.
(الطيب)
معناه في حق الله :
الطاهر والسليم من الخبث .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الطيب) :
أن نختار أطيب الصحاب وأطيب الأعمال وأطيب الأقوال : لأن الله طيب لا يقبل إلا طيب .
AṬ-ṬAYYĪB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang Dalisay at Ligtas sa anumang kasamaan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AṬ-ṬAYYĪB:
Na pipiliin natin ang pinakamabuti sa mga kasamahan, ang pinakamabuti sa mga gawain, at ang pinakamabuti sa mga salita dahil si Allah ay mabuti at walang tinatanggap kundi mabuti.
( العلي) و (الأعلى) و (المتعال)
معناه في حق الله :
هو ذو العلو والارتفاع على خلقه .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (العلي) و(الأعلى) و(المتعال):
الحذر من العلو في الأرض بغير الحق وتجنب ظلم العباد : لأن العبد مهما ظهر وقهر فإن الله فوقه يراه سبحانه.
AL-`ALĪY, AL- A`LĀ, at AL-MUTA`ĀL
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang may kataasan at pangingibabaw sa mga nilikha Niya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-`ALĪY, AL- A`LĀ, at AL-MUTA`ĀL:
Ang pag-iingat sa pagmamataas sa lupa nang walang katuwiran at ang pag-iwas sa paggawa ng kawalang-katarungan sa mga tao dahil ang isang tao, gaano man siya manaig at mangibabaw, tunay na si Allah ay nasa itaas niya na nakakakita sa kanya.
(السبوح)
معناه في حق الله :
يسبحه وينزهه كل من في السموات والأرض .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( السبوح) :
كثرة ذكر الله وتسبيحه .
AS-SUBBŪḤ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Niluluwalhati Siya at pinaniniwalaang dalisay sa kapintasan ng lahat ng nasa mga langit at lupa.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AS-SUBBŪḤ:
Ang madalas na pag-alaala at pagbanggit kay Allah at pagluwalhati sa Kanya.
( القدوس)
معناه في حق الله :
هو الطاهر المنزه من العيوب.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (القدوس):
محبته سبحانه وتعظيمه وإجلاله : لأنه سبحانه المتصف بصفات الكمال والجلال والمنزه عن النقائص والعيوب.
AL-QUDDŪS
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang Dalisay na malayo sa kapintasan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QUDDŪS:
Ang pag-ibig sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, ang pagdakila sa Kanya, at ang pagpipitagan sa Kanya dahil Siya ay nagtataglay ng mga katangian ng kalubusan, karapatang pagpitaganan, ang malayo sa mga kakulangan at mga kapintasan.
(السلام)
معناه في حق الله :
هو السالم من كل نقص وعيب.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (السلام)
إفشاء السلام وكف الأذى , قال صلى الله عليه وسلم : ( المسلم من سلم المسلمون من لسانه ويده)
AS-SALĀM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah
Ang ligtas sa bawat pagkukulang at kapintasan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AS-SALĀM:
Ang pagpapalaganap ng kapayapaan at ang pagpigil sa pamiminsala. Nagsabi ang Sugo ni Allah (sallallahu alayhi wa sallam): “Ang Muslim
ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa kanyang dila at kamay niya.”
(المتكبر)
معناه في حق الله :
العظيم المتعالي عن صفات خلقه عن الظلم وعن الشر وعمن كل سوء .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المتكبر):
التواضع لعباد الله وعدم التكبر عليهم وترك احتقارهم.
AL-MUTAKABBIR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang Dakilang Pagkataas-taas na malayo sa mga katangian ng mga nilalang Niya: malayo sa kawalang-katarungan, malayo sa kasagwaan, at malayo sa bawat kasamaan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUTAKABBIR:
Ang pagpapakumbaba sa mga lingkod ni Allah, ang hindi pagmamalaki sa kanila, at ang paghinto sa paglait sa kanila.
(الحي)
معناه في حق الله :
الدائم والباقي الذي لا يموت .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحي)
-الاستعداد للآخرة والسعي لنيل مرضاة الله عز وجل في الحياة الخالدة في جنات النعيم.
AL-ḤAYY
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang namamalagi at ang nananatiling hindi namamatay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAYY:
Ang paghahanda sa Kabilang-buhay at ang pagsisikap para makamtan ang kasiyan ni Allah, kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya, sa buhay na walang hanggan sa mga Hardin ng Paraiso.
(السميع)
معناه في حق الله :
هو الذي يسمع السر والنجوى سواء عنده الجهر والخفوت والنطق والسكوت.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (السميع)
المحافظة على اللسان ، بأن لا ينطق ما يسخط الله.
AS-SAMĪ`
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang naakakarinig sa lihim at bulong; magkatulad para sa Kanya ang malakas na tinig at ang mahinang tinig, at ang pagbigkas at ang pananahimik.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AS-SAMĪ`:
Ang pangangalaga sa dila na hindi bumigkas ito ng ikagagalit ni Allah.
(البصير)
معناه في حق الله :
هو الذي يبصر كل شيء وإن رق وصغر فيبصر دبيب النملة السوداء في الليلة الظلماء على الصخرة الصماء.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (البصير):
من علم أن الله عز وجل يراه فليحسن عمله وعبادته.
AL-BAṢĪR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nakakakita sa bawat bagay gaano man kanipis at kaliit nito. Nakikita Niya ang paggapang ng itim na langgam sa madilim na gabi sa ibabaw ng napakatigas na bato.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-BAṢĪR:
Ang sinumang nakaaalam na si Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – ay nakakakita sa kanya, pagbubutihin niya ang kanyang gawain at ang pagsamba niya.
(العالم) و (العليم)
معناه في الله :
العالم بكل من في السموات والأرض ولا يخفى عليه شيء منها.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (العالم) و(العليم):
حب العلم والعلماء : لأن الله عليم يحب كل عليم ومن أحب العلم فقد أحب الله.
AL-`ĀLIM at AL-`ALĪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nakakaalam sa lahat ng sinumang nasa mga langit at lupa at walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-`ĀLIM at AL-`ALĪM:
Ang pag-ibig sa kaalaman at mga maalam dahil si Allah ay Maalam na umiibig sa bawat maalam. Ang sinumang umibig sa kaalaman ay umibig nga kay Allah.
(الخبير)
معناه في حق الله :
هو الذي لا يتحرك شيء في الكون ولا يسكن ولا يضطرب نفس ولا يطمئن إلا ويكون عنده خبر عنه سبحانه.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الخبير)
علمنا بأن الله يرى ويعلم كل شيء ومطلع وخبير فعلينا أن نحفظ جوارحنا عن كل ما يغضبه سبحانه وتعالى .
AL-KHABĪR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-KHABĪR:
Walang bagay na gumagalaw sa Sansinukob, ni tumitigil sa paggalaw; walang kaluluwang nababagabag, ni napapanatag, malibang nagtataglay Siya ng kabatiran hinggil doon, napakamaluwalhati Niya.
Nalalaman natin na si Allah ay nakakakita at nakaaalam sa bawat bagay, nakatatalos at nakababatid kaya naman kailangan nating pangalagaan ang mga kilos natin laban sa lahat ng mga
ikinagagalit Niya – napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya.
(الحكيم)
معناه في الله :
هو الذي لا يعمل ولا يقول إلا الصواب .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحكيم)
الإيمان والتصديق والتسليم بأن أوامره ونواهيه محتوية على عناية الحكمة.
AL-ḤAKĪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang hindi gumagawa at hindi nagsasalita kung hindi tama.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAKĪM:
Ang pananampalataya, ang paniniwala, at ang pagsuko sa mga kautusan Niya at mga ipinagbabawal Niya na nilalaman ng pangangalaga sa karunungan.
(الرحمن)و ( الرحيم )
معنى الرحمن في حق الله :
هو ذو الرحمة لجميع الخلائق
معنى الرحيم في حق الله:
رحمة خاصة للمؤمنين.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الرحمن) و( الرحيم):
التخلق بصفة الرحمة لعموم الخلق مسلمهم وكافرهم.
AR-RAḤMĀN at AR-RAḤĪM
Ang kahulugan ng AR-RAḤMĀN patungkol kay Allah:
Ang may awa sa lahat ng mga nilikha.
Ang kahulugan ng AR-RAḤĪM patungkol kay Allah:
Ang may awang nalaan lamang sa mga mananampalataya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RAḤMĀN at AR-RAḤĪM:
· Ang pagsasa-ugali ng kaasalan ng pagkaawa sa kabuuan ng mga nilikha: sa mga Muslim sa kanila at mga di-Muslim sa kanila.
(الرؤوف)
معناه في حق الله :
أن الله رءوف بجميع عباده والرأفة أعلى معاني الرحمة.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( الرؤوف) :
أن يلجأ الإنسان إلى الله باسمه الرؤوف داعيا ومناديا طالبا منه أن يرأف به ويرحمه.
AR-RA’ŪF
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Na si Allah ay Mahabagin sa lahat ng mga lingkod Niya. Ang pagkahabag ay pinakamataas sa mga kahulugan ng awa.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RA’ŪF:
Na dudulog ang tao kay Allah sa pamamagitan ng pangalan Niyang AR-RA’ŪF (ang Mahabagin), na dumadalangin, nanambitan, at humihiling na kahabagan at kaawaan siya.
(القادر) و (القدير) و (المقتدر)
معناه في حق الله :
هو القادر على خلق السموات والأرض والقادر على أن يحيى ويميت وقادر على كل شيء ولا يمتنع عليه شيء.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ) القادر) و( القدير) و(المقتدر) :
على الإنسان أن لا يغتر بقوته ويكثر من قول " لا حول ولا قوة إلا بالله "
AL-QĀDIR, AL-QADĪR, at AL-MUQTADIR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang may kakayahan sa paglikha sa mga langit at lupa, ang may kakayahang magbigay ng buhay at bumawi ng buhay, at ang may kakayahang sa bawat bagay at walang anumang imposible sa Kanya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QĀDIR, AL-QADĪR, at AL-MUQTADIR:
Tungkulin ng tao na hindi magpalinlang sa kanyang lakas at dalasan niya ang pagsabi ng “Walang pagkilos at lakas maliban kay Allah lamang.”
(القوي)
معناه في حق الله :
هو الذي لا يغلبه غالب ولا يفوته هارب.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (القوي) :
التواضع والبعد عن إيذاء الناس.
AL-QAWĪY
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang hindi nagagapi ng isang manggagapi at hindi nalulusutan ng isang tumatakas.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QAWĪY:
Ang pagpapakumbaba at ang paglayo sa pamiminsala sa kapwa tao.
(المتين)
معناه في حق الله :
الشديد القوي.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المتين)
عدم الخوف من المخلوق : لأن المخلوق ضعيف لا يملك لنفسه ضرا ولا نفعا.
AL-MATĪN
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang matindi, ang malakas.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MATĪN:
Ang hindi matakot sa nilikha dahil ang nilikha ay mahina na hindi nagtataglay ng kapangyarihang magdulot sa sarili ng nakasasama o nakabubuti
(العزيز)
معناه في حق الله :
هو المنيع الذي لا يناله أحد من المخلوقات وقهر جميع الموجودات .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (العزيز):
العزة في الدين بالتواضع والعفو , قال صلى الله عليه وسلم : ( ما زاد عبدا بعفو إلا عزا وما تواضع أحد لله إلا رفعه)
AL-`AZĪZ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang matatag na hindi mapipinsala ng isa man sa mga nilikha at nanaig sa lahat ng mga umiiral.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-`AZĪZ:
Ang karangalan sa relihiyon ayon sa pagpapakumbaba at pagpapaumanhin. Nagsabi ang Propeta (Ṣallallahu alayhi wa sallam): “Walang nadagdag sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan; walang isa mang nagpakumbaba kay Allah na hindi Niya iniangat.”
(الغني)
معناه في حق الله :
هو الذي عنده كل شيء ويرزق بغير حساب ولا يحتاج لأحد في شيء والكل محتاج إليه.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الغني) :
الاستغناء بالله وحده والتعفف والزهد عما في أيدي الناس.
AL-GHANĪY
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagtataglay ng bawat bagay, nagtutustos nang walang sukat, at hindi nangangailangan sa isa man sa anumang bagay samantalang ang lahat ay nangangailangan sa Kanya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-GHANĪY:
(الواسع)
معناه في حق الله :
أي أن الله واسع في علمه وفي قوته ورحمته وفي كل شيء .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الواسع) :
التخلق بهذه الصفة بأن يكون الإنسان واسع الخلق واسع الصدر موسع على عباده .
AL-WĀSI`
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Na si Allah ay ay malawak sa kaalaman Niya, lakas Niya, at awa Niya sa bawat bagay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WĀSI`:
Ang pagsasabuhay ng ganitong katangian upang ang tao ay maging malawak sa pag-uugali at maluwg ang puso at nagpapaluwag sa mga tao.
(القيوم)
معناه في حق الله :
هو الذي لا ينام ولا يحتاج لأحد وكلنا محتاجون إليه وهو القائم على جميع المخلوقات يديرها ويحفظها .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (القيوم):
الاستعانة والاستغاثة باسمه ( الحي القيوم ) كما جاء في الحديث : (يا حي يا قيوم برحمتك استغيث).
AL-QAYYŪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang hindi natutulog at hindi nangangailangan sa isa man samantalang lahat tayo ay nangangailangan sa Kanya. Siya ang tagapagtaguyod sa lahat ng mga nilikha, na pinangangasiwaan Niya at iniingatan Niya ang mga ito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QAYYŪM:
Ang pagpapatulong at ang pagpapasaklolo sa pamamagitan ng pangalan Niyang AL-ḤAYY, AL-QAYYŪM (Ang Buhay, ang Tagapagpanatili) gaya ng nasaad sa Ḥadīth: “O Buhay, o Tagapagpanatili sa iyong awa ay nagpapasaklolo ako!”
(الملك) و(المالك) و(المليك)
معنى الملك في حق الله :
الذي لا ملك فوقه ولا شيء إلا دونه.
معنى المالك في حق الله :
هو المالك لجميع الأشياء والمتصرف فيها.
معنى المليك في حق الله :
هو الذي يكون له الأمر والنهي والمتصرف بالفعل .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الملك) و(المالك) و(المليك):
الاعتصام بالله الملك الحق وحده سبحانه.
AL-MALIK, AL-MĀLIK, at AL-MALĪK
Ang kahulugan ng AL-MALIK patungkol kay Allah:
Ang [Diyos na] wala nang hari sa ibabaw Niya at walang anuman na hindi nasa ilalim Niya.
Ang kahulugan ng AL-MĀLIK patungkol kay Allah:
Ang nagmamay-ari sa lahat ng mga bagay at tagapamahala sa mga ito.
Ang kahulugan ng AL-MALĪK patungkol kay Allah:
Ang nagtataglay ng [karapatan sa] pag-uutos at pagbabawal, at Siya ang may kapangyarihan na mag-uutos at magbabawal at ang tagapamahala sa mga gawain.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MALIK, AL-MĀLIK, at AL-MALĪK:
Ang pagkapit kay Allah, ang Haring totoo – napakamaluwalhati Niya.
(الكريم) و( الأكرم)
معنى الكريم في حق الله :
هو الذي يعطي ولا يبالي كم أعطى .
معنى الأكرم في حق الله :
كثير الخير .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الكريم) و( الأكرم)
التخلق بخلق الكرم.
AL-KARĪM at AL-AKRAM
Ang kahulugan ng AL-KARĪM patungkol kay Allah:
Ang nagbibigay at hindi pumapansin kung ilan ang ibinigay Niya.
Ang kahulugan ng AL-AKRAM patungkol kay Allah:
Nag-aangkin ng maraming mabuting biyaya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-KARĪM at AL-AKRAM:
Ang pagsasabuhay ng ugaling pagkamapagbigay.
)الجواد(
معناه في حق الله :
هو الذي عم جوده جميع الكائنات .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه )الجواد(
التحلي بصفة الجود وذلك بمساعدة الآخرين بالمال والبدن والصبر .
AL-JAWWĀD
Ang kahulugan ng AL-JAWWĀD patungkol kay Allah:
Ang [Diyos na] sumaklaw ang kagandahang-loob Niya sa lahat ng mga nilalang.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-JAWWĀD:
Ang pagtataglay ng katangian ng kagandahang-loob at iyon sa pamamagitan ng pag-alalay sa ibang mga tao sa pamamagitan ng yaman, pangangatawan, at pagtitiis.
(البر)
معناه في حق الله :
هو العطوف على عباده المحسن إليهم .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (البر) :
أن الله جل شأنه بر يحب البر ويأمر بالأخلاق الحسنة.
AL-BIRR
Ang kahulugan ng AL-BIRR patungkol kay Allah:
Ang mapagmalasakit sa mga lingkod Niya at ang nagmamagandang-loob sa kanila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-BIRR:
Na si Allah – kapita-pitagan ang kalagayan Niya – ay mabuti: iniibig Niya ang kabutihan at ipinag-uutos Niya ang magagandang mga kaasalan.
( اللطيف)
معناه في حق الله :
هو الذي يوصل إليك ما تحب في رفق من حيث لا تشعر.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( اللطيف):
التعامل مع الناس بلطف.
AL-LAṬĪF
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpaparating sa iyo ng anumang naiibigan mo sa kabaitang hindi mo nararamdaman.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-LAṬĪF:
Ang pakikitungo sa mga tao ng may kabaitan.
(الرفيق)
معناه في حق الله :
هو الميسر والمسهل لأسباب الخير
. من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه( الريق)
التخلق صفة الرفق مع النفس ومع الخلق , قال صلى الله عليه وسلم :( إن الرفق لا يكون في شيء إلا زانه ولا ينزع من شيء إلا شانه.
AR-RAFĪQ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpapadali at ang nagpapagaan sa mga kadahilanan na matamo ang mabuti.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RAFĪQ:
Ang pagsasabuhay ng ugaling ng mahinahon sa sarili at sa mga nilalang. Nagsabi ang Propeta (Ṣallahu `alayhi wa sallam): “Tunay na ang pagkamahinahon ay walang naidudulot sa isang bagay kundi kagandahan at walang naaalis mula sa isang bagay kundi kasagwaan.”
(الخالق) و(الخلاق)
معنى الخالق في حق الله :
المبدع للخلق.
معنى الخلاق في حق الله :
كثرة الخلق .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الخالق) و( الخلاق) :
تعظيم الله وإجلاله عندما ترى مخلوقاته العظيمة في الآثار وفي الأنفس.
AL-KHĀLIQ at AL-KHALLĀQ
Ang kahulugan ng AL-KHĀLIQ patungkol kay Allah:
Ang nagpasimula sa paglikha.
Ang kahulugan ng AL-KHALLĀQ patungkol kay Allah:
Ang marami sa paglikha.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-KHĀLIQ at AL-KHALLĀQ:
Ang pagdakila kay Allah at ang pagpipitagan sa Kanya kapag nakikita mo ang mga dakilang nilikha Niya sa mga dulot ng mga ito at sa kanilang mga sarili.
البارئ))
معناه في حق الله :
هو الذي خلق الخلق بريئا من التفاوت أي خلقهم خلقا مستويا ليس فيه اختلاف.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (البارئ) :
شكر الله بالقول والعمل على نعمة الخلق والإيجاد وطاعته .
AL-BĀRI’
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang lumikha sa nilikha na malayo sa pag-iiba-iba, ibig sabihin: nilikha Niya sila sa pagkakalikhang magkapantay na walang pagkakaiba.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-BĀRI’:
Ang pagpapasalamat kay Allah sa salita at gawa dahil sa biyaya ng pagkakalikha at pagpapairal at sa pagtalima sa Kanya.
(المصور)
معناه في حق الله :
هو الذي أنشأ خلقه على صور مختلفة ليتعارفوا بها .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المصور) :
معرفة قدرة الله وأن خلق الله العظيم محكم ولا يستطيع مخلوق أن يخلق نفسه.
AL-MUṢAWWIR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang gumawa sa mga nilikha sa magkakaibang mga anyo upang magkakilalahan sila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUṢAWWIR:
Ang pagkakaalam sa kakayahan ni Allah na ang dakilang pagkakalikha ni Allah ay tumpak at hindi makakaya ng isang nilikha na likahin ang sarili niya.
( المحسن)
معناه في حق الله :
هو الذي يعطي النعم الكثيرة التي لا تعد ولا تحصى أحسن كل شيء خلقه .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( المحسن)
التحلي بصفة الإحسان والسعي لأن يكون العبد من المحسنين الذين يحبهم الله .
AL-MUḤSIN
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagbibigay ng maraming biyaya na hindi mabibilang at hindi masusukat; hinusayan Niya ang pagkakalikha sa bawat bagay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUḤSIN:
Ang pagtataglay ng katangian ng pagmamagandang-loob at ang pagsusumikap na ang tao ay maging kabilang sa mga nagmamagandang-loob na iniibig ni Allah.
)المحيط)
معناه في حق الله :
هو محيط بالإنسان كلها علما وقدرة ورحمة .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه )المحيط)
الخوف من الله والحياء منه ومراقبته في كل لحظة وخطوة.
AL-MUḤĪṬ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang sumasaklaw sa tao sa lahat ng bagay: sa kaalaman, kapangyarihan, at awa.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUḤĪṬ:
Ang takot kay Allah, ang pagkahiya sa Kanya, ang pagsasaalang-alang sa Kanya bawat saglit at bawat hakbang.
(الحافظ) و(الحفيظ) :
معنى الحافظ في حق الله :
هو الصائن عبده من أسباب التهلكة في أمور دينه ودنياه.
معنى الحفيظ في حق الله :
يحفظ السموات والأرض وما فيهن.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحافظ) و(والحفيظ) :
الأخذ بأسباب حفظ الله العبد وأعظمها توحيده سبحانه وفعل ما يحبه ، قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : ( احفظ الله يحفظك )
AL-ḤĀFIDH at AL-ḤAFĪDH
Ang kahulugan ng AL-ḤĀFIDH patungkol kay Allah:
Ang nag-iingat sa lingkod Niya laban sa mga kadahilanan ng kapahamakan sa mga bagay-bagay kaugnay sa relihiyon nito at buhay nito sa mundo.
Ang kahulugan ng AL-ḤAFĪDH patungkol kay Allah:
Ang nangangalaga sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤĀFIDH at AL-ḤAFĪDH:
Ang paggamit ng mga kadahilanan ng pangangalaga ni Allah sa lingkod Niya at ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagsampalataya sa kaisahan Niya – napakamaluwalhati Niya – ang paggawa ng naiibigan Niya. Nagsabi ang Sugo ni Allah (ṢallallĀhu `alayhi wa sallam): “Pangalagaan mo ang tungkulin kay Allah, pangangalagaan ka Niya.”
(المهيمن)
معناه في حق الله :
هو المطلع على خفايا وخبايا الصدور الذي أحاط بكل شيء علما .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المهيمن).
يثمر مراقبة الله عز وجل في السر والعلانية والخوف منه سبحانه .
AL-MUHAYMIN
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nakababatid sa mga itinatago at mga ikinukubli ng mga puso, ang nakasasaklaw sa bawat bagay sa kaalaman.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUHAYMIN:
Nagbubunga ng pagsasaalang-alang kay Allah, kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya, sa kalagayang palihim at hayagan, at pagkatakot sa Kanya – napakamaluwalhati Niya.
(الرازق) و( الرزاق)
معناه في حق الله :
هو الميسر والمسهل لأسباب الخير.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه(الريق) .
التخلق صفة الرفق مع النفس ومع الخلق , قال صلى الله عليه وسلم :(إن الرفق لا يكون في شيء إلا زانه ولا ينزع من شيء إلا شانه) .
AR-RĀZIQ at AR-RAZZĀQ
Ang kahulugan ng AR-RĀZIQ patungkol kay Allah:
Ang tumutustos sa mga nilikha dahil itinakda Niya ang mga panustos sa kanila limampung libong taon bago pa nilikha ang mga langit at lupa.
Ang kahulugan ng AR-RAZZĀQ patungkol kay Allah:
Ang maraming magbigay ng panustos.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RĀZIQ at AR-RAZZĀQ:
Ang pananampalataya na si Allah ay ang Palatustos ay naglalayo sa puso sa pagkamaramot at kakuriputan.
(المقيت)
معنى في حق الله:
أنه يعطي كل إنسان وحيوان قوته .
من الأثار الإيمانية باسمه سبحانه (المقيط) :
التوجه إلى الله وحده في طلب القوت والرزق وبخاصة قوت القلوب من الإيمان.
AL-MUQīT
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Na Siya ay nagbibigay sa bawat tao at hayop ng pagkain nito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUQīT:
Ang pagtuon kay Allah lamang sa paghingi ng pagkain at panustos at lalo na sa pagkain ng puso na pananampalataya.
(القابض) و(الباسط)
معنى القابض في حق الله:
هو الذي يمسك الرزق.
معنى الباسط في حق الله :
هو الذي يبسط الرزق.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (القابض) و(الباسط) :
الحذر من استعمال ما بسط الله في معاصيه بل الواجب شكر الله عز وجل بالقلب واللسان والعمل.
AL-QĀBIḌ at AL-BĀSIṬ
Ang kahulugan ng AL-QĀBIḌ patungkol kay Allah:
Ang pumipigil sa panustos.
Ang kahulugan ng AL-BĀSIṬ patungkol kay Allah:
Ang nagbibigay ng panustos.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QĀBIḌ at AL-BĀSIṬ:
Ang pag-iingat na magamit ang ibinigay ni Allah sa mga pagsuway sa Kanya, bagkus ang tungkulin ay ang pasalamatan si Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – sa puso, salita, at gawa.
(المعطي)
معناه في حق الله :
عطاؤه واسع ليس له حدود يشمل كل العطايا والهبات وأعظمها عطية الإيمان.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المعطي) :
السخاء بما في اليد وإعطاؤه لمستحقه من الفقراء المحتاجين.
AL-MU`ṬĪ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang pagbibigay Niya ay malawak, walang mga hangganan, sumasaklaw sa lahat ng mga bigay at mga kaloob, at ang pinakadakila sa mga ito ay ang kaloob na pananampalataya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MU`ṬĪ:
Ang pagiging mapagbigay sa anumang mayroon at ang pagbibigay nito sa karapat-dapat dito na mga maralitang nangangailangan.
· (الوهاب)
معناه في حق الله :
كثير المواهب وهو الذي يجود بإعطاء من غير طلب ثواب من أحد.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الوهاب) :
التخلق بهذه الصفة وذلك بأن يهب المؤمن ما وهبه الله عز وجل من مال أو جاه أو علم للمحتاجين إليه.
AL-WAHHĀB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang maraming mga ipinagkakaloob at ang masagana sa pagbibigay na walang hinihinging gantimpala mula sa isa man.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WAHHĀB:
Ang pagsasa-ugali ng katangiang ito at iyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mananampalataya mula sa ipinagkaloob sa kanya ni Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – na yaman, o impluwensiya, o kaalaman, sa mga nangangailan nito.
(الحق)
معناه في حق الله :
كل ما يقوله سبحانه وتعالى حق وكل ما يعدنا به الرحمن من نعيم في الآخرة إن شاء الله حق.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحق) :
أن كل ما يقوله ربنا سبحانه وهو حق وفيه الخير والسعادة في الدنيا والآخرة ، فعلينا أن نتواضع للحق ننقاد إليه لأن الخير كله في الحق.
AL-ḤAQQ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang lahat ng sinasabi Niya – napakamaluwalhati at pagkataas-taas Niya – ay katotohanan, at ang lahat ng ipinangangako Niya sa satin na kaginhawahan sa Kabilang-buhay ayon sa kalooban Niya ay katotohanan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAQQ:
Na ang lahat ng sinasabi ng Panginoon natin – napakamaluwalhati Niya – ay katotohanan at naglalaman ng kabutihan at kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay, kaya tungkulin nating magpakumbaba sa katotohanan at magpaakay tungo roon dahil ang lahat ng kabutihan ay nasa katotohanan.
(المبين)
معناه في حق الله :
هو المبين لعباده الأعمال الموجبة لثوابه والأعمال الموجبة لعقابه.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المبين) .
محبته سبحانه المتجلية في رحمته حيث أبان لهم الحق والآيات من الآفاق وفي الأنفس الدالة على وجوده ووحدانيته .
AL-MUBĪN
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang naglilinaw sa mga lingkod Niya sa mga gawaing nagsasanhi ng gantimpala Niya at sa mga gawaing nagsasanhi ng parusa Niya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUBĪN:
Ang pag-ibig Niya na lumilitaw sa awa Niya yamang nilinaw Niya sa mga tao ang katotohanan at ang mga tanda mula sa malalayong mga dako at sa mga sarili nila, na nagpapatunay sa Kanyang pag-iral at kaisahan Niya.
(الهادي)
معناه في حق الله :
هو الذي يهدي عباده ويدلهم إلى سبيل الخير والشر وهو الذي أعطى كل مخلوق وعضو شكله وهيئته ثم هداه لما خلقه له من الأعمال فالرجل للمشي والد للعمل واللسان للكلام .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الهادي) :
سعى المؤمن إلى أن يكون هاديا إلى الله وذلك لنشر العلم والدعوة إلى الله وإرشاد الناس إلى الحق .
AL-HĀDĪ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpapatnubay sa mga lingkod Niya at gumagabay sa kanila sa landas patungo sa kabutihan at palayo sa kasamaan at ang nagbibigay sa bawat nilikha at bahagi ng katawan nito ng hugis nito at anyo nito at pagkatapos ay pinatnubayan Niya ito para sa mga gawaing layon ng pagkakalikha Niya rito kaya
naman ang paa ay para sa paglalakad, ang kamay ay para sa paggawa, ang dila ay para sa pagsasalita.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-HĀDĪ:
Ang pagsisikap ng mananampalataya na maging tagapatnubay tungko kay Allah at iyon sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman, pag-aanya tungo kay Allah, at paggabay sa mga tao sa katotohanan.
(الحكيم )
معناه في حق الله :
الذي يحكم بين عباده في الدنيا والآخرة بعدله .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحكم ) :
الرضا بحكم الله عز وجل وأنه لا أحسن منه حكما .
AL-ḤAKĪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang humahatol sa mga tao sa Mundo at Kabilang-buhay at gumagawad ng katarungan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAKĪM:
Ang pagkalugod sa kahatulan ni Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – at walang higit na mahusay kaysa sa Kanya sa paghatol.
(الفتاح)
معناه في حق الله :
هو الذي يفتح أبواب الرحمة والرزق لعباده .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الفتاح) :
التضرع دائما لله تعالى الذي بيده مفاتيح كل شيء .
AL-FATTĀḤ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagbubukas sa mga pintuan ng awa at panustos sa mga lingkod Niya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-FATTĀḤ:
Ang pagsusumamo palagi kay Allah – pagkataas-taaas Niya – na nasa kamay Niya ang mga susi ng bawat bagay.
(الرقيب)
معناه في حق الله :
المراقب لجميع أحوالكم وأعمالكم .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الرقيب) :
السعي إلى حفظ القلب والسمع والبصر واللسان والجوارح كلها: لأن الله رقيب علينا .
- AR-RAQĪB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang tagasubaybay sa lahat ng mga kalagayan ninyo at mga gawain ninyo.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AR-RAQĪB:
Ang pagsisikap na pangalagaan ang puso, ang pandinig, ang paningin, ang dila, ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, dahil si Allah ay Tagapagsubaybay sa atin.
(الشهيد)
معناه في حق الله :
هو المطلع على جميع الأشياء وقد أحاط علمه بكل شيء يشهد لعباده وعلى عباده بما عملوا .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الشهيد) :
الإيمان بأن شهادة الله عز وجل أعظم شهادة.
ASH-SHAHĪD
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nakababatid sa lahat ng mga bagay at sumasaklaw ang kaalaman Niya sa bawat bagay, at sasaksi Siya para sa mga lingkod Niya at laban sa Kanyang mga lingkod ayon sa ginawa nila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na ASH-SHAHĪD:
Ang pananampalataya na ang pagsaksi ni Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – ay pinakadakilang pagsaksi.
(الحاسب)
معناه في حق الله :
هو الذي أحصى كل شيء من الأعمال إحصاءً دقيقاً .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحاسب) :
علينا أن نحاسب أنفسنا في أقوالنا وأفعالنا .
- AL-ḤĀSIB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang bumibilang sa bawat bagay kaugnay sa mga gawain ng tao ayon sa tumpak ng pagkabilang.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤĀSIB:
Tungkulin nating tuusin ang mga sarili natin sa mga salita at mga gawain natin.
( الولي) و(المولى)
معناه في حق الله :
المتولي الأمر القائم به .
معنى المولى في حق الله :
هو الناصر المعين.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( الولي) و(المولى) :
السعي إلى نيل ولاية الله عز وجل بتقوى الله والتقرب إليه بالعمل الصالح .
AL-WALĪY at AL-MAWLĀ
Ang kahulugan ng AL-WALĪY patungkol kay Allah:
Ang tagapagtangkilik ng kapakanan at ang nagsasagawa nito.
Ang kahulugan ng AL-MAWLĀ patungkol kay Allah:
Ang tagaagapay, ang tagatulong.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WALĪY at AL-MAWLĀ:
Ang pagsisikap na matamo ang pagtangkilik ni Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – sa pamamagitan ng pangingilag sa pagkakasala sa Kanya at pagpapakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng matuwid na gawa.
(الودود)
معناه في حق الله :
ذو محبة لمن أناب وتاب إليه يوده ويحبه.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الودود) :
الحرص على الاتصاف بهذا الوصف بأن يكون ودود يحِب .
AL-WADŪD
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang may pag-ibig sa sinumang nagbabalik-loob at nagsisisi sa Kanya: minamahal Niya ito at iniibig Niya ito.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WADŪD:
Ang sigasig na magtaglay ng katangiang ito na maging mapagmahal at umiibig.
(الوكيل)
معناه في حق الله :
يتولى أولياؤه فيسرهم لليسرى ويجنبهم العسرى ويكفيهم أمورهم.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الوكيل) :
الاعتماد على الله مع غاية الثقة في كفايته ومقدرته .
AL-WAKĪL
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Itinataguyod Niya ang mga tinatangkilik Niya kaya naman pinadadali Niya sa kanila ang ikinagiginhawa, pinaiiwas Niya sa kanila ang kahirapan, at pinasasapat Niya sa kanila ang mga pangangailangan nila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WAKĪL:
Ang pagsandig kay Allah kalakip ng sukdulang pagtitiwala sa kasapatan Niya at kakayahan Niya.
(الحسيب)
معناه في حق الله :
الذي يحفظ أعمال عبده من خير وشر ويحاسبهم إن خيرا فخير وإن شرا فشر والكافي عبده والهموم والغموم.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحسيب):
1- اللجوء إلى الله لرفع الهم والغم .
2- الخوف من الله عز وجل ومحاسبة النفس والاستعداد لحساب الله بعمل الطاعات .
AL-ḤASĪB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagtatala sa mga gawain ng lingkod Niya na mabuti at masama at tutuusin Niya sila: kung mabuti ang ginawa, mabuti ang ganti; at kung masama ang ginawa ay masama ang ganti; ang makasasapat sa lingkod Niya kaalinsabay ng mga mga alalahanin at mga lumbay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤASĪB:
1. Ang pagdulog kay Allah para pawiin ang alalahanin at ang lumbay.
2. Ang pagkatakot kay Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – ang pagtutuos sa sarili, at ang paghahanda sa pagtutuos ni Allah sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima sa Kanya.
(الصمد)
معناه في حق الله :
هو السيد الذي يقصد إليه في الحوائج والنوازل ندعوه ليلاً ونهاراً ليطعمنا ويسقينا ويرزقنا.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الصمد) :
محبة الله عز وجل الذي تقصد إليه الخلائق لقضاء الحاجات وتفريج الكربات : لأنه سبحانه القادر على ذلك .
AṢ-ṢAMAD
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang pinapanginoon na dinudulugan sa sandali ng mga pangangailangan at mga kalamidad: dumadalangin tayo sa Kanya sa gabi’t araw upang tayo ay pakainin Niya, painumin Niya, at tustusan Niya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AṢ-ṢAMAD:
Ang pag-ibig kay Allah -- kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – na dinudulugan ng mga nilikha para tugunin ang mga
pangangailangan at pawiin ang mga dalamhati dahil Siya ay may kakayahang gawin iyon.
(القريب)
معناه في حق الله :
هو القريب من جميع الخلق يعلمه قريب لمن يدعوه بالإجابة .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه(القريب) :
خفض الصوت في الدعاء لأن الله قريب.
AL-QARĪB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang malapit sa lahat ng nilikha: nalalaman Niya na sila at malapit Siya sa sinumang dumadalangin sa Kanya ng tugon sa kahilingan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QARĪB:
Ang pagpababa ng boses sa pananalangin dahil si Allah ay malapit naman.
(المجيب)
معناه في حق الله :
الذي يجيب على القليل بالكثير
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المجيب) :
أن ندعو الله عز وجل ونحن موقنين بالإجابة .
AL-MUJĪB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang tumutugon ng marami sa kakaunting panalangin.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUJĪB:
Na manalangin tayo kay Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – habang tayo ay nakatitiyak na tutugunin.
(الشاكر- الشكور)
معناه في حق الله :
هو الذي يشكر القليل من الطاعة ويثيب عليه الكثير من الثواب.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( الشاكر- الشكور) :
أن الله سبحانه وتعالى شكور يحب الشاكرين له والشاكرين لعباده المحسنين
ASH-SHĀKIR at ASH-SHAKŪR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpapasalamat sa kakaunting pagtalima sa Kanya at naggagantimpala roon ng maraming gantimpala.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na ASH-SHĀKIR at ASH-SHAKŪR:
Na si Allah – napakamaluwalhati at pagkataas-taas Niya -- ay mapagpasalamat at iniibig Niya ang mga nagpapasalamat sa Kanya at ang mga nagapapasalamat sa nagmamagandang-loob na mga lingkod.
(النصير)
معناه في حق الله :
هو الذي ينصر المسلمين على أعدائهم .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (النصير) :
الثقة في نصر الله لعباده المؤمنين وعدم الرهبة من الكافرين .
AN-NAṢĪR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang tumutulong sa mga Muslim laban sa mga kaaway nila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AN-NAṢĪR:
Ang pagtitiwala sa tulong ni Allah sa mga mananampalatayang lingkod Niya at ang kawalan ng pagkasindak sa mga tumatangging sumampalataya.
(المؤمن)
معناه في حق الله :
هو الذي وهب الأمن لعباده .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (المؤمن) :
أن يتصف المؤمن بصفة السلامة وكف الشر وعدم إيذاء الناس بحيث يأمن الناس شره .
AL-MU’MIN
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagkakaloob ng katiwasayan sa mga lingkod Niya.
· Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MU’MIN:
Na magtataglay ang isang mananampalataya na katangain ng kapayapaan, ng pagpipigil sa kasamaan, at ng hindi pamiminsala
sa mga tao kung saan ang mga tao ay ilalayo sa posibleng magagawang kasaam niya.
(الشافي)
معناه في حق الله :
يشفي الصدور من الشبهة والشكوك والأبدان من الأمراض .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الشافي) :
محبة الله الذي لا يكشف الضر إلا هو فلا شافي إلا شفاؤه .
ASH-SHĀFĪ
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Pinagagaling Niya ang mga puso mula sa maling akala at mga pagdududa at ang mga katawan mula sa mga sakit.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na ASH-SHĀFĪ:
Ang pag-ibig kay Allah na walang ibang nag-aalis ng kapinsalaan kundi Siya sapagkat walang nagpapagaling maliban sa pagpapagaling Niya.
(الحليم)
معناه في حق الله :
هو الذي يصفح مع القدرة .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحليم) :
مجاهدة النفس للتخلق بهذا الخلق الكريم , فهو سبحانه يحب عباده الحلماء.
AL-ḤALĪM
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpapaumanhin sa kabila ng kakayahang magparusa.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤALĪM:
Ang pagpupunyagi sa sarili upang isabuhay ang marangal na kaasalang ito sapagkat Siya – napakamaluwalhati Niya – ay umiibig sa mga mapagtimpiing lingkod Niya.
(الحي) و (الستير)
معنى الحي في حق الله :
كثير الحياء .
معنى الستير في حق الله
ساتر على عباده فلا يفضحهم.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الحي) و (الستير) :
أن نستحي من الله من أن يرانا على حالة يكرهها أو، نستر على عباد الله ومن ستر مسلما ستره الله .
AL-ḤAYY at AS-SATĪR
Ang kahulugan ng AL-ḤAYY patungkol kay Allah:
Ang mahiyain.
Ang kahulugan ng AS-SATĪR patungkol kay Allah:
Ang tagapagtakip sa kahihiyan ng mga lingkod Niya kaya naman hindi sila ipinahihiya.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-ḤAYY at AS-SATĪR:
Na mahiya tayo kay Allah na makita Niya tayo sa isang kalagayang kinasusuklaman Niya, o pagtatakpan natin ang kahihiyan ng mga lingkod ni Allah sapagkat ang sinumang nagtakip sa kahihiyan ng isang Muslim ay pagtatakpan ni Allah ang kahihiyan niya.
(العفو)
معناه في حق الله :
هو الذي يمحو السيئات ويتجاوز عن المعاصي .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (العفو) :
العفو عن من ظلمنا والتجاوز عن من سفه علينا .
AL-`AFŪW
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang bumubura sa masasagwang gawa at nagpapaumanhin sa mga pagsuway.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-`AFŪW:
Ang pagpapaumanhin sa umapi sa atin at ang pagpapalampas sa nagwawalang-hiya sa atin.
(الغفور) و (الغفار)
معناه في حق الله :
هو الذي يستر ذنوب عباده ويغطيهم بستره .
معنى الغفار في حق الله :
هو الذي يغفر ذنوب عباده مرة بعد مرة .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الغفور) و (الغفار):
مجاهدة النفس والتخلق بخلق الصفح عن الناس وستر الأخطاء ومقابلة السيئة بالحسنة .
AL-GHAFŪR at AL-GHAFFĀR
Ang kahulugan ng AL-GHAFŪR patungkol kay Allah:
Ang nagtatakip sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya at pinagtatakpan Niya sila sa pamamagitan ng pagtatakip-sala Niya.
Ang kahulugan ng AL-GHAFFĀR patungkol kay Allah:
Ang nagpapatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya nang paulit-ulit.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-GHAFŪR at AL-GHAFFĀR:
Ang pagpupunyagi sa sarili upang isabuhay ang kaasalan ng pagpapaumanhin sa mga tao, pagtatakip sa mga kamalian ng iba, at pagganti ng magandang gawa sa masagwang gawa.
(التواب)
معناه في حق الله :
هو الذي يوفق عباده للتوبة ثم يتقبلها منهم ويعفو عن خطاياهم .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (التواب) :
طلب التوبة من الله سبحانه وتعالى وغفران الذنوب إلا الله ولا يقبل التوبة إلا الله وحده .
AT-TAWWĀB
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang nagpapatnubay sa mga lingkod Niya para sa pagsisi, pagkatapos ay tinatanggap Niya ito mula sa kanila at pinagpapaumanhinan sila sa mga kamalian nila.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AT-TAWWĀB:
Ang paghiling kay Allah – napakamaluwalhati at pagkataas-taas Niya -- na tanggapin ang pagsisisi yamang walang nagkakaloob ng kapatawaran sa mga pagkakasala kundi si Allah at walang tumatanggap sa pagsisisi kundi si Allah lamang.
(القاهر-القهار)
معناه في حق الله :
هو الذي خضعت له الرقاب وذلت له الجبابرة وقهر كل شيء .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (القاهر-القهار) :
إفراد بالعبادة والتعلق بالله وحده والتوكل عليه سبحانه .
AL-QĀHIR at AL-QAHHĀR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang pinagpapakumbabaan ng mga tao, sumailalim sa Kanya ang mga makapangyarihan, at nanaig sa bawat bagay.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-QĀHIR at AL-QAHHĀR:
Ang pagbubukod-tangi kay Allah sa pagsamba, ang pagkapit sa Kanya lamang, at ang pananalig sa Kanya – napakamaluwalhati Niya.
(الجبار)
معناه في حق الله :
هو العالي على خلقه وهو الذي جبر خلقه على ما أراد فما شاء وقع وما لم يشأ لم يكن وهو الجابر للقلوب المنكسرة وللضعيف العاجز.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الجبار) .
تعظيم الله عز وجل والخوف منه والتواضع له بقبول حكمه والتواضع للخلق وترك التكبر عليهم.
AL-JABBĀR
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang mataas sa mga nilikha Niya, ang nagpasunod sa mga lingkod Niya sa anumang ninais Niya sapagkat ang anumagn niloob Niya ay magaganap at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi mangyayari, at ang bumubuo sa nadurog na mga puso at mahina na walang kakayahan.
· Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-JABBĀR:
Ang pagdakila kay Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – ang pagkatakot sa Kanya, ang pagpapakumbaba sa Kanya sa pamamagitan ng pagtanggap sa kahatulan Niya, ang pagpapakumbaba sa kapwa, at ang pagtigil sa pagmamalaki sa kanila.
( المقدم) و(المؤخر)
معنى المقدم في حق الله :
هو المنزل للأشياء منازلها يقدم ما شاء منها ويؤخر ما شاء .
معنى المؤخر في حق الله:
هو الذي يؤخر من يشاء بمقتضى حكمته .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه ( المقدم) و(المؤخر) :
التعلق بالله وحده وأن نعلم أن التقدم الحقيقي النافع يكون إلى طاعة الله وجنته وترك كل ما يؤخره .
AL-MUQADDIM at AL-MU’AKHKHIR
Ang kahulugan ng AL-MUQADDIM patungkol kay Allah:
Ang naglalagay sa mga bagay sa mga kalalagyan ng mga ito: pinauuna Niya ang niloob Niya sa mga ito at pinahuhuli Niya ang niloob Niya.
Ang kahulugan ng AL-MU’AKHKHIR patungkol kay Allah:
Ang nagpapahuli sa sinumang niloob Niya ayon sa hinihiling ng karunungan Niya.
· Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-MUQADDIM at AL-MU’AKHKHIR:
Ang pagkapit kay Allah lamang at dapat nating malaman na tunay na pagkaunang napakikinabangan ay patungo sa pagtalima kay Allah at sa Paraiso Niya at iwanan ang bawat makapagpapahuli tungo sa Kanya.
(الوارث)
معناه في حق الله :
هو الباقي بعد فناء الخلق .
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الوارث) :
السعي في هذه الدنيا للتقرب إلى الله بالعلم النافع والعمل الصالح حتى نفوز بالجنة التي يورثها الله عز وجل للمتقين.
AL-WĀRITH
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang matitira matapos malipol ang mga nilikha.
· Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-WĀRITH:
Ang pagsisikap sa Mundong ito para mapalapit kay Allah sa pamamagitan ng kaalamang napakikinabangan at gawang matuwid upang makamit nati ang Paraiso na ipamamana ni Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – para sa mga nangingilag magkasala.
(الكفيل)
معناه في حق الله :
المتكفل بأرزاقهم وحاجتهم.
من الآثار الإيمانية باسمه سبحانه (الرب):
تفويض جميع الأمور لله سبحانه وتعالى.
AL-KAFīL
Ang kahulugan nito patungkol kay Allah:
Ang mapagkakatiwalaan sa mga panustos at pagtugon ng mga pangangailangan.
Kabilang sa mga dulot ng pananampalataya sa pangalan Niya – napakamaluwalhati Niya – na AL-KAFīL:
Ang ipagkatiwala ang lahat ng mga kapakanan kay Allah – napakamaluwalhati at pagkataas-taas Niya.
îîî
Pagwawakas
Ang pagpupuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang, na nagpadali sa akin sa paghahandada ng isang simpleng aklat na ito tungkol sa Napakagagandang mga Pangalan ni Allah, na lumilitaw ang kahalagahan sa panahon nating ito na dumami ang mga ligalig, ang mga maling pagkaunawa, ang mga mahalay na hilig na mapanganib na ipinalalaganap ng ilang higanting tagapagbalita.
Ang pinakamalaking nagtataboy sa mga sakit pangkaluluwa na ito ay ang pagkakilala kay Allah – kamahal-mahalan at kapita-pitagan Siya – sa pamamagitan ng mga pangalan at mga katangian Niya, at ang mga dulot nito sa mga puso at mga gawain. Ang pagtatanim nito sa kaluluwa ng mga bata ay isa sa mga paraaan ng pagharap sa mga ligalig na ito. Sinasabi ni Imam Ibnu Al-Qayyim – kaawaan siya ni Allah:
“Ang sinumang nagnanais na tumaas ang gusali niya, kailangan niyang patibayin ang mga pundasyon nito at ang mga kayarian nito sapagkat tunay na ang taas ng gusali ay nasusukat sa tibay ng mga pundasyon at mga kayarian nito. Ang pagtatanim ng paniniwala at mataas na saloobin sa mga kaluluwa ng mga bata ay ang pundasyon ng pananampalataya na itinatayo sa ibabaw nito ang mga gawain, ang mga kalagayan, at ang mga kaasalan. Kung gaanong humihina ang pundasyong ito, gayon humihina ang itinayo sa ibabaw nito.”
Hinihiling ko sa Kanya – napakamapagpala at napakataas Niya – na pakinabangan nawa ito at gawin Niya nawa ito na wagas na inuukol sa marangal na mukha Niya.
Pagpapalain ni Allah at pangalagaan ang Propeta nating si Muhammad sampu ng lahat ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya.
Mga Reperensiya
1. النهج الأسمى في شرح الأسماء الحسنى (Ang Napakataas na Daan sa Paglilinaw sa Napakagagandang mga Pangalan) ni Muḥammad Al-Ḥamūd An-Najdīy
2. ولله الأسماء الحسنى فادعوه بها (Kay Allah ang Napakagagandang mga Pangalan kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito) ni `Abdul`azīz Nāṣir al-Jalīl
3. أسماء الله الحسنى للنشء (Ang Napakagagandang mga Pangalan ni Allah para sa Kabataan) ni Doktor Aḥmas Ḥasan Ṣubḥiy
4. الأسماء الحسنى تصنيفا ومعنى (Ang Napakagagandang mga Pangalan: Pag-uuri at Kahulugan) ni Mājid `Abdullāh Āl `Abduljabbār
îîî