96 - Al-Alaq ()

|

(1) Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,
Bumigkas ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,

(2) lumikha sa tao mula sa isang malalinta.

(3) Bumasa ka samantalang ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay,

(4) na nagturo sa pamamagitan ng panulat,

(5) nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.

(6) Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis

(7) dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.

(8) Tunay na tungo sa Panginoon mo ang pagbabalikan.

(9) Nakakita ka ba sa sumasaway

(10) sa isang lingkod kapag nagdasal ito?

(11) Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,

(12) o nag-utos ng pangingilag magkasala?

(13) Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya o tumalikod siya?

(14) Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita?

(15) Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:

(16) isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.

(17) Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.

(18) Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].

(19) Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].