<     >  

10 - Yunus ()

|

(1) Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ang mga talata ng Aklat na marunong.

(2) Ang mga tao ba ay may pagtataka na nagkasi Kami sa isang lalaking kabilang sa kanila [na sinasabihan] na: "Magbabala ka sa mga tao at magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya na ukol sa kanila ay isang pangunguna sa kalamangan sa ganang Panginoon nila?" Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na malinaw."

(3) Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono, na nangangasiwa sa kapakanan. Walang anumang tagapagpamagitan kundi nang matapos ng pahintulot Niya. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo, kaya sumamba kayo sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?

(4) Tungo sa Kanya ang babalikan ninyo sa kalahatan, bilang pagpangako ni Allāh ng totoo. Tunay na Siya ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos mag-uulit nito upang gumanti sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya.

(5) Siya ang gumawa sa araw bilang tanglaw at sa buwan bilang liwanag at nagtakda Siya rito ng mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. Hindi lumikha si Allāh niyon kundi ayon sa katotohanan. Nagdedetalye Siya ng mga tanda para sa mga taong umaalam.

(6) Tunay na sa pagsasalitan ng gabi at maghapon at anumang nilikha ni Allāh sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga taong nangingilag magkasala.

(7) Tunay na ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag rito, at ang mga sa mga tanda Namin ay mga pabaya,

(8) ang mga iyon ay ang Apoy ang kanlungan nila dahil sa dati nilang nakakamit.

(9) Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nagpapatnubay sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pananampalataya nila. Dadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog sa mga hardin ng kaginhawahan.

(10) Ang panalangin nila doon ay "Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh" at ang pagbati nila roon ay "Kapayapaan." Ang panghuli sa panalangin nila ay na "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."

(11) Kung sakaling ipamamadali ni Allāh para sa mga tao ang kasamaan gaya ng pagpapamadali sa kanila sa kabutihan ay talaga sanang winakasan sa kanila ang taning nila. Ngunit nagpapabaya Kami sa mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.

(12) Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pagpawi] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan ipinaakit para sa mga nagpapakalabis ang dati nilang ginagawa.

(13) Talaga ngang nagpahamak Kami sa mga salinlahi bago pa ninyo noong lumabag sila sa katarungan samantalang naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga patunay na malinaw ngunit hindi naging ukol na sumampalataya sila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.

(14) Pagkatapos gumawa Kami sa inyo bilang mga kahalili sa lupa nang matapos nila upang tumingin Kami kung papaano kayong gagawa.

(15) Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: "Magdala ka ng isang Qur’ān na iba rito o magpalit ka nito." Sabihin mo: "Hindi nagiging ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."

(16) Sabihin mo: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana Siya nagpaalam nito sa inyo sapagkat namalagi nga ako sa inyo nang tanang-buhay bago pa nito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?"

(17) Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin.

(18) Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh." Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa? Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila."

(19) Walang iba dati ang mga tao kundi nag-iisang kalipunan, saka nagkaiba-iba sila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila hinggil sa anumang kaugnay roon ay nagkakaiba-iba sila.

(20) Nagsasabi sila: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?" Kaya sabihin mo: "Ang Lingid ay ukol kay Allāh lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay."

(21) Nang nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa nang matapos ng isang kariwaraan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang panlalansi sa mga tanda Namin. Sabihin mo: "Si Allāh ay higit na mabilis sa panalalansi." Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang ipinanlalansi ninyo.

(22) Siya ay ang nagpahayo sa inyo sa katihan at karagatan hanggang sa nang kayo ay naging nasa mga sasakyang-dagat at naglayag ang mga ito kasama sa kanila sa pamamagitan ng isang hanging kaaya-aya at natuwa sila rito, may dumating naman sa mga ito na isang hanging bumubugso at dumating sa kanila ang mga alon mula sa bawat pook. Nagpalagay sila na sila ay pinalibutan. Dumalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabi]: "Talagang kung paliligtasin Mo kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat."

(23) Ngunit noong pinaligtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang pananampalasan ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang, bilang natatamasa sa buhay na pangmundo. Pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan ninyo saka magbabalita Kami sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.

(24) Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo ay gaya ng tubig lamang na pinababa Namin mula sa langit, saka humalo dito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao at ang mga hayupan. Hanggang sa nang kunin ng lupa ang palamuti nito, nagayakan ito, at nagpalagay ang mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya rito ay dumating naman dito ang utos Namin sa gabi o maghapon, saka gumawa Kami rito bilang aning para bang hindi ito lumago kahapon. Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

(25) Si Allāh ay nag-aanyaya sa Tahanan ng Kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.

(26) Ukol sa mga gumawa ng maganda ang pinakamaganda at isang karagdagan. Walang lulukob sa mga mukha nila na mga alikabok ni isang kaabahan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili.

(27) Ang mga nagkamit ng mga masagwang gawa, ang ganti sa masagwang gawa ay katumbas sa tulad nito at may lulukob sa kanila na isang kaabahan. Walang ukol sa kanila laban kay Allāh na anumang tagapagsanggalang. Para bang tinakpan ang mga mukha nila ng mga piraso mula sa gabi bilang nagpapadilim. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili.

(28) Sa araw na kakalap Kami sa kanila sa kalahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: "[Manitili] sa lugar ninyo, kayo at ang mga pantambal ninyo," at magpapahiwalay Kami sa pagitan nila. Magsasabi ang mga pantambal nila: "Hindi kayo dati sa amin sumasamba,

(29) saka nakasapat si Allāh bilang saksi sa pagitan namin at ninyo. Tunay na kami noon sa pagsamba ninyo ay talagang mga nalilingat."

(30) Doon susulitin ang bawat tao sa ipinauna niya. Ibabalik sila kay Allāh, ang Tagatangkilik nilang totoo. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa.

(31) Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"

(32) Kaya gayon si Allāh, ang Panginoon ninyong Totoo. Kaya ano pa matapos ng katotohanan kundi ang pagkaligaw? Kaya paano kayong inililihis?"

(33) Gayon nagindapat ang hatol ng Panginoon mo sa mga nagpakasuwail, na sila ay hindi sumasampalataya.

(34) Sabihin mo: "Kabilang kaya sa mga pantambal ninyo ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Kaya paanong nalilinlang kayo?"

(35) Sabihin mo: "Kabilang kaya sa mga pantambal ninyo ang nagpapatnubay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpapatnubay para sa katotohanan. Kaya ang nagpapatnubay ba tungo sa katotohanan ay higit na karapat-dapat na sundin o ang hindi nagpapatnubay maliban na pinapatnubayan? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?"

(36) Walang sinusunod ang higit na marami sa kanila kundi isang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Tunay na si Allāh ay Maaalam sa anumang ginagawa nila.

(37) Hindi nangyaring ang Qur’ān na ito ay magawa-gawa ng bukod pa kay Allāh, subalit [naging] pagpapatotoo sa nauna rito at pagdedetalye sa Kasulatan, na walang pag-aalinlangan hinggil dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.

(38) O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: "Kaya magdala kayo ng isang kabanatang tulad nito at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh, kung kayo ay mga tapat."

(39) Bagkus nagpasinungaling sila sa hindi sila pumaligid sa kaalaman niyon at hindi pa nakarating sa kanila ang pagpapakahulugan niyon. Gayon nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan.

(40) Kabilang sa kanila ang sumasampalataya rito at kabilang sa kanila ang hindi sumasampalataya rito. Ang Panginoon mo ay higit na maalam sa mga tagatiwali.

(41) Kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: "Ukol sa akin ang gawain ko at ukol sa inyo ang gawain ninyo. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo."

(42) Kabilang sa kanila ang mga nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakapag-uunawa?

(43) Kabilang sa kanila ang tumitingin sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapatnubay sa mga bulag kahit pa man sila ay hindi nakakikita?

(44) Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga tao sa anuman subalit ang mga tao sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

(45) Sa araw na kakalap Siya sa kanila, para bang hindi sila namalagi maliban sa isang bahagi ng maghapon habang nagkakakilalahan sila sa gitna nila. Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh at sila dati ay hindi mga napatnunubayan.

(46) Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapayao nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos si Allāh ay Saksi sa anumang ginagawa nila.

(47) Para sa bawat kalipunan ay may sugo. Kaya kapag dumating ang sugo nila ay huhusga sa pagitan nila ayon pagkamakatarungan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan.

(48) Magsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"

(49) Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni Allāh. Para sa bawat kalipunan ay may taning.Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna."

(50) Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung pumunta sa inyo ang pagdurusang dulot Niya sa magdamag o maghapon? Sa ano nagmamadali mula roon ang mga salarin?

(51) Pagkatapos ba kapag naganap ito ay mananampalataya kayo rito? Ngayon ba, samantalang kayo nga dati rito ay nagmamadali?"

(52) Pagkatapos sasabihin sa mga lumabag sa katarungan: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pananatiling-buhay. Ginagantihan kaya kayo ng maliban pa sa ayon sa dati ninyong nakakamit?"

(53) Nagpapabalita sila sa iyo kung totoo ba ito? Sabihin mo: "Siya nga; sumpa man sa Panginoon ko, tunay na ito ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makalulusot."

(54) Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa ay talagang tutubos siya nito. Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Huhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan.

(55) Pakaalamin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Pakaalamin, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

(56) Siya ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.

(57) O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya.

(58) Sabihin mo: "Sa kagandahang-loob ni Allāh at sa awa Niya, doon ay magalak sila; ito ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila."

(59) Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa pinababa ni Allāh para sa inyo na panustos, saka gumawa kayo mula rito ng ipinagbabawal at ipinahihintulot?" Sabihin mo: "Si Allāh ba ay pumayag sa inyo, o laban kay Allāh ay gumagawa-gawa kayo?"

(60) Ano ang pagpapalagay ng mga gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa Araw ng Pagbangon? Tunay na si Allāh ay talagang may kagandahang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.

(61) Hindi ka nasa isang pinagkakaabalahan, hindi ka bumibigkas mula sa bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa ng anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong nagsasagawa kayo niyon. Walang nawawaglit buhat sa Panginoon mo na kasimbigat ng isang katiting sa lupa ni sa langit, ni higit na maliit kaysa roon ni higit na malaki malibang nasa isang talaang malinaw.

(62) Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.

(63) [Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh.

(64) Ukol sa kanila ang balitang nakagagalak sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Walang pagpapalit sa mga salita ni Allāh. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.

(65) Huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila. Tunay na ang karangalan ay ukol kay Allāh sa kalahatan. Siya ang Madinigin, ang Maalam.

(66) Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi sumusunod sa mga pantambal ang mga dumadalangin sa bukod pa kay Allāh. Hindi sila sumusunod kundi sa palagay at wala silang [ginagawa] kundi naghahaka-haka.

(67) Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.

(68) Nagsabi sila: "Gumawa si Allāh ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na anumang katunayan dito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?

(69) Sabihin mo: "Tunay na ang mga gumawa-gawa hinggil kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay."

(70) Isang natatamasa sa Mundo, pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos magpapalasap Kami sa kanila ng pagdurusang matindi dahil dati silang tumatangging sumampalataya.

(71) Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko sa mga tanda ni Allāh ay kay Allāh naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga pantambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin.

(72) Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop.”

(73) Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya sa daong. Gumawa Kami sa kanila bilang mga kahalili at lumunod Kami sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan.

(74) Pagkatapos nagpadala Kami, nang matapos niya, ng mga sugo sa mga tao nila at naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay. Ngunit hindi naging ukol sa mga iyon na sumampalataya sa pinasinungalingan ng mga iyon bago pa niyan. Gayon Kami nagpipinid sa mga puso ng mga lumalabag.

(75) Pagkatapos nagpadala Kami, nang matapos nila, kina Moises at Aaron kay Paraon at sa konseho nito kalakip ng mga tanda Namin, ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong salarin.

(76) Kaya noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na malinaw."

(77) Nagsabi si Moises: "Nagsasabi ba kayo sa katotohanan noong dumating ito sa inyo: Panggagaway ba ito? Hindi magtatagumpay ang mga manggagaway."

(78) Nagsabi sila: "Dumating ka ba sa amin upang magbaling sa amin palayo sa natagpuan namin sa mga ninuno namin at maging ukol sa inyong dalawa ang kadakilaan sa lupa gayong kami sa inyong dalawa ay hindi mga naniniwala?"

(79) Nagsabi si Paraon: "Magdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam."

(80) Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."

(81) Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: "Ang inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali.

(82) Nagsasakatotohanan si Allāh sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin."

(83) Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kay Paraon at sa konseho ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga nagpapakalabis.

(84) Nagsabi si Moises: "O mga tao ko, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh, sa Kanya kayo manalig kung kayo ay naging mga Muslim."

(85) Kaya nagsabi sila: "Kay Allāh ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag sa katarungan,

(86) at iligtas Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."

(87) Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: "Magtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya."

(88) Nagsabi si Moises: "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa konseho niya ng gayak at mga yaman sa buhay na pangmundo, Panginoon namin, upang magligaw sila palayo sa landas Mo. Panginoon namin, pumawi Ka sa mga yaman nila at magpatindi Ka sa mga puso nila para hindi sila manampalataya hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit."

(89) Nagsabi Siya: "Sinagot na ang panalangin ninyong dalawa kaya magpakatuwid kayong dalawa at huwag nga kayong dalawa susunod sa landas ng mga hindi nakaaalam."

(90) Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat. Kaya pinasundan sila ni Paraon at ng hukbo niya dala ng paglabag at pangangaway. Hanggang sa nang umabot sa kanya ang pagkalunod ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga Muslim."

(91) Ngayon ba samantalang sumuway ka nga noon pa man, at ikaw dati ay kabilang sa mga tagatiwali?

(92) Kaya sa araw na ito, ililigtas ka Namin sa katawan mo upang ikaw para sa sinumang papalit sa iyo ay maging isang tanda. Tunay na marami sa mga tao sa mga tanda Namin ay talagang mga nalilingat.

(93) Talaga ngang nagpatahan Kami sa mga anak ni Israel sa pinatatahanang angkop at nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay saka hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon.

(94) Kaya kung ikaw ay nasa isang pagdududa sa pinababa Namin sa iyo ay magtanong ka sa mga bumabasa ng Kasulatan bago mo pa. Talaga ngang dumating sa iyo ang katotohanan mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nag-aalangan.

(95) Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh sapagkat magiging kabilang ka sa mga lugi.

(96) Tunay na ang mga nagindapat sa kanila ang hatol ng Panginoon mo ay hindi sumasampalataya,

(97) kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tanda, hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit.

(98) Kaya bakit kasi walang pamayanang sumampalataya kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito maliban sa mga tao ni Jonas. Noong sumampalataya sila ay nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon.

(99) Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kabuuan nila sa kalahatan. Kaya ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sa sila ay maging mga mananampalataya?

(100) Hindi naging ukol sa isang kaluluwa na sumampalataya ito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Naglalagay Siya ng karumihan sa mga hindi nakapag-uunawa.

(101) Sabihin mo: "Tumingin kayo kung ano ang nasa mga langit at lupa." Hindi nagdudulot ang mga tanda at ang mga mapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya.

(102) Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa tulad ng mga araw ng mga lumipas bago pa nila? Sabihin mo: "Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay."

(103) Pagkatapos magliligtas Kami sa mga sugo Namin at sa mga sumampalataya. Gayon bilang tungkulin sa Amin na paliligtasin Namin ang mga mananampalataya.

(104) Sabihin mo: "O mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa sa Relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, subalit sumasamba ako kay Allāh na nagpapapanaw sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya."

(105) [Ipinag-uutos] na: "Magpanatili ka ng mukha mo sa Relihiyon bilang makatotoo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal.

(106) Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

(107) Kung sasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi nito kundi Siya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang tagatulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.

(108) Sabihin mo: "O mga tao, dumating nga sa inyo ang katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Ako sa inyo ay hindi isang pinananaligan."

(109) Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo at magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh. Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagahatol.

<     >