<     >  

19 - Maryam ()

|

(1) Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād.

(2) Ang pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias

(3) noong nanawagan siya sa Panginoon niya sa isang panawagang kubli.

(4) Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.

(5) Tunay na ako ay nangamba sa mga kaanak kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,

(6) na magmamana sa akin at magmamana mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang lugod.

(7) [Sinabi sa kanya:] "O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya noong bago pa niyan ng isang kapangalan."

(8) Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang ang maybahay ko ay baog at umabot na ako sa katandaan bilang hukluban?"

(9) Nagsabi [ang anghel]: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan, samantalang hindi ka dati isang bagay."

(10) Nagsabi ito: "Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda." Nagsabi siya: "Ang tanda mo ay na hindi ka magsalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog."

(11) Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya mula sa dasalan saka nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.

(12) [Sinabi:] "O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas." Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,

(13) ng pagsinta mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,

(14) isang nagpapakabuti sa mga magulang niya, at hindi naging isang mapaniil na masuwayin.

(15) Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.

(16) Bumanggit ka sa Aklat kay Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.

(17) Saka gumawa siya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang tabing, saka nagsugo Kami sa kanya ng espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.

(18) Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala."

(19) Nagsabi ito: "Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking dalisay."

(20) Nagsabi siya: "Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?"

(21) Nagsabi ito: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana."

(22) Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.

(23) Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: "O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan."

(24) Saka may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.

(25) Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.

(26) Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao."

(27) Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: "O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!

(28) O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapang-apid."

(29) Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: "Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?"

(30) Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.

(31) Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.

(32) [Gumawa Siya sa akin] bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang mapaniil na malumbay.

(33) Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay."

(34) Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na hinggil dito ay nag-aalangan sila.

(35) Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.

(36) [Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid."

(37) Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan.

(38) Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.

(39) Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.

(40) Tunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at tungo sa Amin sila pababalikin.

(41) Banggitin mo sa Aklat si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.

(42) [Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: "O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?

(43) O ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalamang hindi pumunta sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.

(44) O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang masuwayin.

(45) O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain para ikaw para sa demonyo ay maging isang katangkilik."

(46) Nagsabi ito: "Tumututol ka ba sa mga diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal."

(47) Nagsabi siya: "Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw.

(48) Hihiwalay ako sa inyo at sa anumang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay."

(49) Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.

(50) Nagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng isang mataas na pagbanggit ng kagandahan.

(51) Banggitin mo sa Aklat si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.

(52) Nanawagan Kami sa kanya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at nagpalapit Kami sa kanya, na nakikipagtapatan.

(53) Nagkaloob Kami sa kanya mula sa awa Namin ng kapatid niyang si Aaron bilang propeta.

(54) Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako at naging isang sugong propeta.

(55) Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.

(56) Banggitin mo sa Aklat si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.

(57) Nag-angat Kami sa kanya sa isang pook na mataas.

(58) Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay bumabagsak sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak.

(59) Saka may humalili, nang matapos nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya,

(60) maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.

(61) [Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa Lingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating.

(62) Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng kabalbalan maliban sa kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon.

(63) Iyon ay ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilaging magkasala.

(64) [Sabihin mo, O Gabriel:] "Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin.

(65) Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?"

(66) Magsasabi ang tao: "Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?"

(67) Hindi ba nakaaalaala ang tao na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan, samantalang hindi siya dati isang bagay?

(68) Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.

(69) Pagkatapos talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan kung alin sa kanila ang pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa pagkapalalo.

(70) Pagkatapos talagang Kami ay higit na maalam sa mga higit na naaangkop doon sa pagsunog.

(71) Walang kabilang sa inyo malibang sasapit doon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.

(72) Pagkatapos magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.

(73) Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?"

(74) Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita!

(75) Sabihin mo: "Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig hanggang sa kapag nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa at maaaring ang Oras [ng pagkabuhay] kaya makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo."

(76) Nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.

(77) Saka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: "Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?"

(78) Nakabatid ba siya sa Lingid o nakagawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan?

(79) Aba'y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig.

(80) Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang bukod.

(81) Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos upang magkaroon sila ng isang dangal.

(82) Aba'y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.

(83) Hindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?

(84) Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.

(85) Sa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.

(86) Maghahatid Kami sa mga salarin tungo sa Impiyerno sa isang pagkauhaw.

(87) Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.

(88) Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."

(89) Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.

(90) Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at bumabagsak ang mga bundok nang durug-durog,

(91) dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng anak.

(92) Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng anak.

(93) Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.

(94) Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.

(95) Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.

(96) Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.

(97) Kaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala at magbabala ka hinggil dito sa mga taong palaban.

(98) Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi! Nakadarama ka kaya mula sa kanila ng isa man o nakarinig ka sa kanila ng isang tunog?

<     >