<     >  

26 - Ash-Shu'araa ()

|

(1) Ṭā. Sīn. Mīm.

(2) Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw.

(3) Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.

(4) Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.

(5) Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong baba, malibang sila rito ay mga umaayaw.

(6) Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.

(7) Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?

(8) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(9) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(10) [Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: "Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan,

(11) ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?"

(12) Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.

(13) Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron.

(14) Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila ako."

(15) Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.

(16) Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,

(17) na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel."

(18) Nagsabi iyon: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon?

(19) Gumawa ka ng kagagawan mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging tumanaw ng utang na loob."

(20) Nagsabi siya: "Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw.

(21) Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.

(22) Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!"

(23) Nagsabi si Paraon: "At ano ang Panginoon ng mga nilalang?"

(24) Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak."

(25) Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: "Hindi ba kayo nakikinig?"

(26) Nagsabi siya: "Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna."

(27) Nagsabi iyon: "Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw."

(28) Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa."

(29) Nagsabi iyon: "Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo."

(30) Nagsabi siya: "Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?"

(31) Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

(32) Kaya pumukol siya ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.

(33) Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.

(34) Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.

(35) Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?"

(36) Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,

(37) na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam."

(38) Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.

(39) Sinabi sa mga tao: "Kayo kaya ay mga magtitipon?

(40) Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig."

(41) Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: "Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?"

(42) Nagsabi iyon: "Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin]."

(43) Nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."

(44) Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: "Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig."

(45) Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.

(46) Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.

(47) Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,

(48) ang Panginoon nina Moises at Aaron."

(49) Nagsabi iyon: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama."

(50) Nagsabi sila: "Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.

(51) Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya."

(52) Nagkasi Kami kay Moises: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan."

(53) Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:

(54) "Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.

(55) Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.

(56) Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat."

(57) Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,

(58) at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.

(59) Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.

(60) Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw].

(61) Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan."

(62) Nagsabi siya: "Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin."

(63) Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala.

(64) Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.

(65) Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.

(66) Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba.

(67) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(68) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(69) Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham,

(70) noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?"

(71) Nagsabi sila: "Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho."

(72) Nagsabi siya: "Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?

(73) O nakapagpapakinabang sila sa inyo o nakapipinsala sila?"

(74) Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon."

(75) Nagsabi siya: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba:

(76) kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna?

(77) Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,

(78) na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin;

(79) na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;

(80) at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;

(81) na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;

(82) na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala.

(83) Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.

(84) Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].

(85) Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.

(86) Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.

(87) Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:

(88) sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,

(89) maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.

(90) Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala.

(91) Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya.

(92) Sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyong sinasamba

(93) bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?

(94) Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon: sila at ang mga nalilisya,

(95) at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.

(96) Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:

(97) "Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,

(98) noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.

(99) Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.

(100) Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan,

(101) ni kaibigang malapit.

(102) Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.

(103) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(104) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(105) Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo

(106) noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

(107) Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

(108) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(109) Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

(110) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(111) Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?"

(112) Nagsabi siya: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?

(113) Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.

(114) Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.

(115) Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw."

(116) Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin."

(117) Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.

(118) Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya."

(119) Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.

(120) Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.

(121) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(122) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(123) Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo

(124) noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

(125) Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

(126) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(127) Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

(128) Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo

(129) at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?

(130) Kapag dumaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga maniniil.

(131) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(132) Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.

(133) Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,

(134) at ng mga hardin at mga bukal.

(135) Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

(136) Nagsabi sila: "Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.

(137) Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna.

(138) Kami ay hindi mga pagdurusahin."

(139) Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(140) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(141) Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo

(142) noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

(143) Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

(144) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(145) Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

(146) Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay

(147) sa mga hardin at mga bukal,

(148) at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?

(149) Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.

(150) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(151) Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis,

(152) na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.

(153) Nagsabi sila: "Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.

(154) Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."

(155) Nagsabi siya: "Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang araw na nalalaman.

(156) Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan."

(157) Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.

(158) Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(159) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(160) Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo

(161) noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

(162) Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

(163) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(164) Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

(165) Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga nilalang

(166) at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag.

(167) Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin."

(168) Nagsabi siya: "Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.

(169) Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila."

(170) Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,

(171) maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.

(172) Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.

(173) Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan.

(174) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(175) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(176) Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan sa mga isinugo

(177) noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

(178) Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

(179) Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

(180) Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

(181) Maglubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.

(182) Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.

(183) Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.

(184) Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.

(185) Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang.

(186) Walang iba ka kundi isang taong tulad naming. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.

(187) Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."

(188) Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo."

(189) Kaya nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

(190) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

(191) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(192) Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.

(193) Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan

(194) sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala

(195) sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw.

(196) Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.

(197) Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel?

(198) Kung sakaling nagbaba Kami nito sa isa sa mga dayuhan

(199) saka bumigkas siya nito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.

(200) Gayon Kami nagsingit nito sa mga puso ng mga salarin.

(201) Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.

(202) Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

(203) Kaya magsasabi sila: "Tayo kaya ay mga ipagpapaliban?"

(204) Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?

(205) Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?

(206) Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.

(207) Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?

(208) Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala

(209) bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.

(210) Hindi nagbabaan kalakip nito ang mga demonyo.

(211) Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya.

(212) Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.

(213) Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.

(214) Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.

(215) Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.

(216) Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo."

(217) Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,

(218) na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka

(219) at sa paggalaw-galaw sa mga nagpapatirapa.

(220) Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

(221) Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?

(222) Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,

(223) habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.

(224) Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.

(225) Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,

(226) at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,

(227) maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya nang matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila.

<     >