<     >  

44 - Ad-Dukhaan ()

|

(1) Ḥā. Mīm.

(2) Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,

(3) tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala.

(4) Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,

(5) bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,

(6) bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

(7) Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatitiyak.

(8) Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.

(9) Bagkus sila sa isang pagdududa ay naglalaro.

(10) Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw.

(11) Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit.

(12) Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa; tunay na Kami ay mga mananampalataya.

(13) Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating na sa kanilang isang Sugong malinaw?

(14) Pagkatapos ay tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: "Isang tinuruang baliw."

(15) Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik.

(16) Sa Araw na susunggab Kami ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.

(17) Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal,

(18) na [nagsasabi]: "Ipaubaya ninyo sa akin ang mga lingkod ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan –

(19) at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.

(20) Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.

(21) Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin."

(22) Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.

(23) Kaya [nag-utos si Allāh]: "Kaya maglakbay ka kasabay ng mga lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan."

(24) Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.

(25) Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal,

(26) mga pananim at pinanatilihang marangal,

(27) at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!

(28) Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao.

(29) Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.

(30) Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak

(31) mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis.

(32) Talaga ngang pumili Kami sa kanila ayon sa kaalaman higit sa [lahat ng] mga nilalang.

(33) Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.

(34) Tunay na ang mga ito ay talagang nagsasabi:

(35) "Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin.

(36) Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung nangyaring kayo ay mga tapat."

(37) Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa sa kanila, na ipinahamak Namin? Tunay na sila ay mga salarin noon.

(38) Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro.

(39) Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

(40) Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama,

(41) sa Araw na hindi magpapakinabang ng anuman ang isang tagatangkilik sa isang tinatangkilik at hindi sila iaadya,

(42) maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.

(43) Tunay na ang puno ng Zaqqūm

(44) ay pagkain ng makasalanan.

(45) Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan

(46) gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.

(47) [Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.

(48) Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig.

(49) Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.

(50) Tunay na ito ay ang dati ninyong pinag-aalinlanganan."

(51) Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,

(52) sa mga hardin at mga bukal,

(53) na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan.

(54) Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.

(55) Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay.

(56) Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno

(57) bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.

(58) Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

(59) Kaya mag-abang ka; tunay na sila ay mga nag-aabang.

<     >