<     >  

6 - Al-An'aam ()

|

(1) Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba].

(2) Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa putik, pagkatapos nagpasya Siya ng isang taning. May isang taning na tinukoy sa ganang Kanya. Pagkatapos kayo ay nag-aalangan.

(3) Siya ay si Allāh [ang Diyos] sa mga langit at sa lupa. Nakaaalam Siya sa lihim ninyo at kahayagan ninyo at nakaaalam Siya sa nakakamit ninyo.

(4) Walang pumupunta sa kanila na isang tanda mula sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw

(5) sapagkat nagpasinungaling nga sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng dati nilang kinukutya.

(6) Hindi ba nila napag-alaman kung ilan ang ipinahamak Namin, bago pa nila, na salinlahi na nagbigay-kapangyarihan Kami sa mga iyon sa lupa habang hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo? Nagsugo Kami sa langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at gumawa Kami sa mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, saka nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at nagpasimula Kami, nang matapos nila, ng salinlahing iba.

(7) Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo ng isang aklat na nasa isang kalatas saka humipo sila nito ng mga kamay nila ay talaga sanang nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw."

(8) Nagsabi sila: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel?" Kung sakaling nagpababa Kami sa kanya ng isang anghel ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin, pagkatapos hindi sila palulugitan.

(9) Kung sakaling gumawa Kami sa kanya na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya na isang lalaki at talaga sanang nagpalito Kami sa kanila ng ikinalilito nila.

(10) Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.

(11) Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain, pagkatapos tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapasinungaling."

(12) Sabihin mo: "Kanino ang anumang nasa mga langit at mga lupa?" Sabihin mo: "Sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa. Talagang magtitipon nga Siya sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya.

(13) Sa Kanya ang anumang nanahan sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

(14) Sabihin mo: "Sa iba pa kay Allāh ba gagawa ako bilang katangkilik, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, at Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain?" Sabihin mo: "Tunay na ako ay inutusan na maging una sa nagpasakop." Huwag ka ngang magiging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].

(15) Sabihin mo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan."

(16) Ang sinumang pinalihis palayo roon sa Araw na iyon ay naawa nga Siya rito. Iyon ay ang pagkatamong malinaw.

(17) Kung sumasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi para rito kundi Siya. Kung sumasaling Siya sa iyo ng isang kabutihan, Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

(18) Siya ay ang Tagalupig sa ibabaw ng mga lingkod Niya at Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid.

(19) Sabihin mo: "Aling bagay ang pinakamalaki sa pagsasaksi?" Sabihin mo: "Si Allāh ay saksi sa pagitan ko at ninyo. Ikinasi sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito. Tunay na kayo ba ay talagang sumasaksi na may kasama kay Allāh na mga ibang diyos?" Sabihin mo: "Hindi ako sumasaksi." Sabihin mo: "Siya ay nag-iisang Diyos lamang at tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo."

(20) Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakakikilala sa kanya gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya.

(21) Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya? Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.

(22) Sa araw na kakalap Kami sa kanila sa kalahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: "Nasaan ang mga itinambal ninyo na dati ninyong inaakala?"

(23) Pagkatapos walang [tugon sa] pagsusulit sa kanila kundi na nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon ay hindi mga tagapagtambal."

(24) Tumingin ka kung papaanong nagsinungaling sila laban sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.

(25) Kabilang sa kanila ang nakikinig sa iyo ngunit naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung makikita nila ang bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito. Hanggang sa kapag dumating sila sa iyo, makikipagtalo sila sa iyo. Magsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna."

(26) Sila ay sumasaway laban sa kanya at lumalayo sa kanya. Hindi sila nagpapahamak kundi sa mga sarili nila ngunit hindi nila nararamdaman.

(27) Kung sakaling makakikita ka kapag patitigilin sila sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila: "O kung sana kami ay pababalikin at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ng Panginoon Natin at maging kabilang sa mga mananampalataya!"

(28) Bagkus lumitaw sa kanila ang dati nilang ikinukubli bago pa nito. Kung sakaling isinauli sila ay talaga sanang nanumbalik sila sa isinaway sa kanila. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.

(29) Nagsabi sila: "Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo, at kami ay hindi mga bubuhayin."

(30) Kung sakaling nakakikita ka kapag pinatayo sila sa Panginoon mo ay magsasabi Siya: "Hindi ba ito ang totoo?" Magsasabi sila: "Opo, sumpa man sa Panginoon namin." Magsasabi Siya: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya."

(31) Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh, na hanggang sa nang dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan ay magsasabi sila: "O panghihinayang namin dahil sa nagpabaya tayo kaugnay rito," habang sila ay nagdadala ng mga pasanin nila sa mga likod nila. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!

(32) Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?

(33) Nalalaman nga Namin na tunay na talagang nagpapalungkot sa iyo ang sinasabi nila ngunit tunay na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga tagalabag sa katarungan ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.

(34) Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin. Walang tagapalit sa mga salita ni Allāh. Talaga ngang may dumating sa iyo na balita ng mga isinugo.

(35) Kung nangyaring bumigat sa iyo ang pag-ayaw nila saka kung nakaya mo na maghanap ng isang lagusan sa lupa o isang hagdan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang tanda, [gawin mo]. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang tinipon Niya sila sa patnubay, kaya huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang.

(36) Tumutugon lamang ang mga nakaririnig. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh, pagkatapos tungo sa Kanya sila pababalikin.

(37) Nagsabi sila: "Bakit kasi walang ibinaba sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya na magbaba ng isang tanda subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam."

(38) Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa ni ibong lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang mga kalipunang mga tulad ninyo. Wala Kaming pinabayaan sa Aklat na anumang bagay. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila kakalapin sila.

(39) Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay mga bingi at mga pipi na nasa mga kadiliman. Ang sinumang loloobin ni Allāh ay magliligaw Siya rito at ang sinumang loloobin Niya ay maglalagay Siya rito sa isang landasing tuwid.

(40) Sabihin mo: "Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh o pumunta sa inyo ang Huling Sandali? Sa iba pa kay Allāh ba kayo dadalangin kung kayo ay mga tapat?"

(41) Bagkus sa Kanya kayo dadalangin saka papawi Siya sa idinadalangin ninyo sa Kanya kung niloob Niya at kakalimutan ninyo ang itinatambal ninyo.

(42) Talaga ngang nagsugo Kami sa mga kalipunan bago mo pa saka nagpataw Kami sa kanila ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba.

(43) Ngunit bakit kasi hindi – noong dumating sa kanila ang parusa Namin – sila nagpakumbaba? Subalit tumigas ang mga puso nila at ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang dati nilang ginagawa.

(44) Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila, nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng bawat bagay, na hanggang sa nang natuwa sila sa ibinigay sa kanila ay dumaklot Kami sa kanila nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalulumbay.

(45) Kaya pinutol ang kahuli-hulihan sa mga taong lumalabag sa katarungan. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

(46) Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung kumuha si Allāh sa pandinig ninyo at mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay Allāh ang magdudulot sa inyo nito?" Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, pagkatapos sila ay lumilihis.

(47) Sabihin mo: "Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan o lantaran? [May] ipinahahamak pa kaya kundi ang mga taong tagalabag sa katarungan?"

(48) Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.

(49) Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay sasaling sa kanila ang pagdurusa dahil sa dati silang nagpapakasuwail.

(50) Sabihin mo: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin." Sabihin mo: "Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? Hindi ba kayo nag-iisip-isip?"

(51) Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.

(52) Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.

(53) Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: "Ang mga ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh sa kanila sa gitna namin?" Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat?

(54) Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga tanda Namin ay sabihin mo: "Kapayapaan ay sumainyo." Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob nang matapos nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain.

(55) Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda at upang mapaglinawan ang landas ng mga salarin.

(56) Sabihin mo: "Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo: "Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan."

(57) Sabihin mo: "Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod."

(58) Sabihin mo: "Kung sakaling nasa ganang akin ang minamadali ninyo ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin sa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan."

(59) Taglay Niya ang mga susi ng Lingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at dagat. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.

(60) Siya ay ang bumabawi sa inyo sa gabi at nakaaalam sa nagawa ninyo sa maghapon. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo roon upang makatapos ng isang taning na tinukoy. Pagkatapos tungo sa Kanya ang babalikan ninyo. Pagkatapos magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.

(61) Siya ay ang Tagalupig sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga tagapag-ingat hanggang sa kapag dumating sa isa sa inyo ang kamatayan, babawiin ito ng mga sugo Namin, at sila ay hindi nagpapabaya.

(62) Pagkatapos isasauli sila kay Allāh, ang Tagatangkilik nilang totoo. Pansinin, ukol sa Kanya ang paghahatol, at Siya ay ang pinakamabilis sa mga tagatuos.

(63) Sabihin mo: "Sino ang magliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at dagat, na dumadalangin kayo sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim, [na nagsasabi]: "Talagang kung paliligtasin Niya kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat."

(64) Sabihin mo: "Si Allāh ay magliligtas sa inyo mula roon at mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo ay nagtatambal."

(65) Sabihin mo: "Siya ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusa mula sa ibabaw ninyo o mula sa ilalim ng mga paa ninyo, o na magpalito sa inyo [para maging] mga pangkatin at magpalasap sa ilan sa inyo ng kabangisan ng iba pa." Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, nang sa gayon sila ay makauunawa.

(66) Nagpasinungaling dito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanan. Sabihin mo: "Hindi ako sa inyo isang pinananaligan."

(67) Para sa bawat balita ay isang tinitigilan, at malalaman ninyo.

(68) Kapag nakakita ka sa mga tumatalakay [sa pagpapabula] sa mga talata Namin ay umayaw ka sa kanila hanggang sa tumalakay sila sa isang pag-uusap na iba roon. Kung magpapalimot nga sa iyo ang demonyo ay huwag kang manatili, matapos ng pagkaalaala, kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.

(69) Walang kailangan sa mga nangingilag magkasala na pagtutuos sa mga ito sa anuman subalit bilang paalaala, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.

(70) Hayaan mo ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo. Magpaalaala ka nito na baka may mapariwarang isang kaluluwa dahil sa nakamit niya, na walang ukol sa kanya bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kahit tubusin niya ng bawat pantubos ay hindi iyon kukunin mula sa kanya. Ang mga iyon ay ang mga napariwara dahil sa nakamit nila. Para sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya.

(71) Sabihin mo: "Dadalangin ba kami sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa amin at hindi nakapipinsala sa amin? Panunumbalikin kami sa [dinaanan ng] mga sakong namin matapos noong pumatnubay sa amin si Allāh, gaya ng hinalina ng mga demonyo sa lupa na litung-lito habang mayroon siyang mga kasamahang nag-aanyaya sa kanya tungo sa patnubay, [na nagsasabi]: Pumunta ka sa amin." Sabihin mo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay. Inutusan tayo upang magpasakop tayo sa Panginoon ng mga nilalang,

(72) at na magpanatili kayo ng pagdarasal at mangilag kayong magkasala sa Kanya." Siya ay ang tungo sa Kanya kakalapin kayo.

(73) Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa Araw na magsasabi Siya na mangyari saka mangyayari ito, ang sabi Niya ay ang katotohanan. Sa Kanya ang paghahari sa Araw na iihip sa tambuli. [Siya] ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid.

(74) [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niyang si Āzar: "Gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mo sa isang pagkaligaw na malinaw."

(75) Gayon Kami nagpapakita kay Abraham ng kaharian ng mga langit at lupa at upang siya ay maging kabilang sa mga nakatitiyak.

(76) Kaya noong tumakip sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala. Nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: "Hindi ko naiibigan ang mga lumulubog."

(77) Kaya noong nakita niya ang buwan na sumisikat ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi nagpatnubay sa akin ang Panginoon ko, talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong ligaw."

(78) Kaya noong nakita niya ang araw na sumisikat ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko; ito ay higit na malaki;" ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo.

(79) Tunay na ako ay nagbaling ng mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang makakatotohanan, at ako ay hindi kabilang sa mga tagapagtambal."

(80) Nangatwiran sa kanya ang mga kalipi niya. Nagsabi siya: "Nangangatwiran ba kayo sa akin hinggil kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa akin? Hindi ako nangangamba sa anumang itinatambal ninyo sa Kanya malibang may niloloob ang Panginoon ko na isang bagay. Sumasaklaw ang Panginoon ko sa bawat bagay sa kaalaman. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala?"

(81) Papaanong mangangamba ako sa anumang itinambal ninyo samantalang hindi kayo nangangamba na kayo ay nagtambal kay Allāh ng hindi Siya nagbaba sa inyo ng isang katunayan? Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan, kung kayo ay nakaaalam?

(82) Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang kawalang-katarungan, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang katiwasayan at sila ay mga napapatnubayan.

(83) Iyon ay ang katwiran Namin; nagbigay Kami nito kay Abraham laban sa mga kalipi niya. Nag-aangat Kami ng mga antas ng sinumang niloloob Namin. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam.

(84) Nagkaloob Kami sa kanya kina Isaac at Jacob, na sa bawat isa ay nagpatnubay Kami. Kay Noe ay nagpatnubay Kami bago pa niyan at sa kabilang sa mga supling niyang sina David, Solomon, Job, Jose, Moises, at Aaron. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.

(85) Sina Zacarias, Juan, Jesus, at Elias ay lahat kabilang sa mga maayos.

(86) Kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot, sa lahat ay nagtangi Kami sa mga nilalang.

(87) [Nagpatnubay Kami] sa kabilang sa mga ama nila, mga supling nila, at mga kapatid nila. Humirang Kami sa kanila at nagpatnubay Kami sa kanila tungo sa isang landasing tuwid.

(88) Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.

(89) Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga taong sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya.

(90) Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh, kaya sa patnubay nila ay tumulad ka. Sabihin mo: "Hindi ako nanghihingi sa inyo dahil dito ng isang pabuya; walang iba ito kundi isang pagpapaalaala para sa mga nilalang."

(91) Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya noong nagsabi sila: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman." Sabihin mo: "Sino ang nagpababa sa kasulatang ihinatid ni Moises bilang liwanag at patnubay para sa mga tao? Gumagawa kayo roon bilang mga pahina, na naglalantad kayo [ng ilan] nito at nagkukubli kayo ng marami. Tinuruan kayo ng hindi nalaman ninyo ni ng mga magulang ninyo." Sabihin mo: "Si Allāh [ay nagpababa]." Pagkatapos hayaan mo sila sa masamang pagtatalakay nila habang naglalaro sila.

(92) Ito ay Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, na tagapagpatotoo sa nauna rito at upang magbabala ka sa ina ng mga nayon at sa sinumang nasa paligid nito. Ang mga sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay sumasampalataya rito; at sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga.

(93) Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagsabi: "Nagkasi sa akin" samantalang hindi nagkasi sa kanya ng anuman, at sinumang nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh." Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng hindi totoo at kayo noon sa mga tanda Niya ay nagmamalaki."

(94) Talaga ngang dumating kayo sa Amin bilang mga bukod-tangi gaya ng paglikha Namin sa inyo sa unang pagkakataon. Umiwan kayo sa mga iginawad Namin sa inyo sa likuran ng mga likod ninyo. Hindi Kami nakakikita kasama sa inyo ng mga tagapagpamagitan ninyo na inakala ninyo na sila sa inyo ay mga katambal [kay Allāh]. Talaga ngang nagkaputul-putol [ang ugnayan] sa pagitan ninyo at nawala sa inyo ang dati ninyong inaangkin.

(95) Tunay na si Allāh ay tagapabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay, at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si Allāh, kaya paanong nalilinlang kayo?

(96) [Siya ay] ang tagabuka ng madaling-araw at gumawa sa gabi bilang pamamahinga at sa araw at buwan bilang pagtutuus-tuos. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.

(97) Siya ay ang gumawa para sa inyo ng mga bituin upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga kadiliman ng katihan at dagat. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam.

(98) Siya ay ang nagpaluwal sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa saka [nagbigay ng] isang pinagtitigilan at isang pinaglalagakan. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umuunawa.

(99) Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng halaman ng bawat bagay, saka nagpalabas mula rito ng mga luntian, na nagpapalabas mula sa mga ito ng mga butil na nagkakapatung-patong at mula sa mga punong datiles mula sa bunga ng mga ito ng mga buwig na naaabot, at ng mga hardin ng mga ubas, ng mga oliba, at mga granada, na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Tumingin kayo sa mga bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at sa paghinog ng mga ito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

(100) Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal – ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito – at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang inilalarawan nila.

(101) Tagapagpasimula ng mga langit at lupa, paano mangyayaring mayroon siyang anak samantalang hindi naman nangyaring mayroon siyang asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam.

(102) Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; walang Diyos kundi Siya, ang Tagalikha ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.

(103) Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Nakatatalos, ang Mapagbatid.

(104) May dumating nga sa inyo na mga hayag na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang nakakita ay para sa sarili niya [ang pakinabang]; at ang sinumang nabulag ay laban dito [ang pinsala]. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat.

(105) Gayon Kami nagsasarisari ng mga talata at upang magsabi sila na nag-aral ka at upang maglinaw ka nito para sa mga taong umaalam.

(106) Sumunod ka sa ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo – walang Diyos kundi Siya – at umayaw ka sa mga tagapagtambal.

(107) Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila nagtambal. Hindi Kami gumawa sa iyo para sa kanila na isang mapag-ingat. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

(108) Huwag kayong mang-alipusta sa mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh para mag-alipusta sila kay Allāh dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinang-akit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa.

(109) Nanumpa sila kay Allāh ng mariin sa mga panunumpa nila na talagang kung may dumating sa kanila na isang tanda ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo: "Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang. Ano ang nagpaparamdam sa inyo na kapag dumating ito ay hindi sila sasampalataya?"

(110) Pumipihit Kami sa mga puso nila at mga paningin nila kung paanong hindi sila sumampalataya rito sa unang pagkakataon at nagpapabaya Kami sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.

(111) Kahit pa Kami ay nagbaba sa kanila ng mga anghel, kumausap sa kanila ang mga patay, at kumalap sa kanila ng bawat bagay nang harapan, hindi sila naging ukol na sumampalataya maliban na niloob ni Allāh, subalit ang higit na marami sa kanila ay nagpapakamangmang.

(112) Gayon Kami gumawa para sa bawat propeta ng kaaway na mga demonyo ng tao at jinn, na nagkakasi ang iba sa kanila sa iba pa ng palamuti ng sinasabi bilang panlilinlang. Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa iyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila,

(113) at upang mahilig doon ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at upang malugod sila roon, at upang magkamit sila ng anumang sila ay mga magkakamit.

(114) Kaya sa iba pa ba kay Allāh maghahangad ako ng isang hukom samantalang Siya ay ang nagpababa sa inyo ng Aklat bilang dinidetalye? Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakaaalam na ito ay ibinaba mula sa Panginoon mo sa katotohanan kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nag-aalangan.

(115) Nalubos ang Salita ng Panginoon mo sa katapatan at katarungan. Walang tagapalit sa mga Salita Niya. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

(116) Kung tatalima ka sa higit na marami sa mga nasa lupa ay magliligaw sila sa iyo palayo sa landas ni Allāh. Sumusunod sila sa pagpapalagay lamang at sila ay nagsasapantaha lamang.

(117) Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.

(118) Kaya kumain kayo mula sa binanggit ang pangalan ni Allāh roon, kung kayo sa mga tanda Niya ay mga mananampalataya.

(119) Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo kumakain mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nagdetalye nga Siya sa inyo ng ipinagbawal Niya sa inyo, maliban sa anumang napilitan kayo roon? Tunay na may marami na talagang nagliligaw sa pamamagitan ng mga pithaya nila nang walang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa mga tagalabag.

(120) Iwan ninyo ang nakalantad sa kasalanan at ang nakakubli rito. Tunay na ang mga nagkakamit ng kasalanan ay gagantihan sa dati nilang nagagawa.

(121) Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon. Tunay na ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal.

(122) Ang sinumang noon ay patay saka bumuhay Kami sa kanya at naglagay Kami sa kanya ng isang liwanag na naglalakad siya sa pamamagitan nito sa mga tao ay gaya ba ng sinumang ang paghahalintulad sa kanya ay nasa mga kadiliman, na hindi lalabas mula sa mga ito? Gayon ipinaakit para sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa.

(123) Gayon Kami nagtalaga para sa bawat pamayanan ng pinakamalaki sa mga salarin nito upang manlansi sila rito ngunit hindi sila nanlalansi maliban sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam.

(124) Kapag may dumating sa kanila na isang tanda ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa bigyan kami ng tulad sa ibinigay sa mga sugo ni Allāh." Si Allāh ay higit na maalam kung saan Siya maglalagay ng pasugo Niya. May tatama sa mga nagpakasalarin na isang pagmamaliit sa ganang Allāh at isang pagdurusang sukdulan dahil sa sila noon ay nanlalansi.

(125) Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magpatnubay ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na pagkaasiwa na para bang umaakyat siya sa kalangitan. Gayon naglalagay si Allāh ng kasalaulaan sa mga hindi sumasampalataya.

(126) Ito ay landasin ng Panginoon mo: tuwid. Nagdetalye nga Kami ng mga tanda para sa mga taong nakapag-aalaala.

(127) Ukol sa kanila ang tahanan ng kaligtasan sa piling ng Panginoon nila. Siya ay Katangkilik nila dahil sa dati nilang ginagawa.

(128) [Banggitin mo] ang araw na kakalap Siya sa kanila sa kalahatan: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo [ng pagliligaw] sa tao at jinn." Magsasabi ang mga katangkilik nila kabilang sa tao: "Panginoon namin, nagtamasa ang ilan sa amin sa iba pa at umabot kami sa taning na itinaning Mo para sa amin." Magsasabi Siya: "Ang Apoy ay tuluyan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam.

(129) Gayon Namin ipinatatangkilik ang iba sa mga tagalabag sa katarungan sa iba pa dahil sa dati nilang ginagawa.

(130) O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na sumasaysay sa inyo ng mga tanda Ko at nagbababala sa inyo ng pakikipagkita sa Araw ninyong ito? Magsasabi sila: "Sumaksi kami laban sa mga sarili namin." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo, at sumaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya.

(131) Iyon ay dahil hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak sa mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan habang ang mga naninirahan sa mga ito ay mga nalilingat.

(132) Lahat ay may mga antas ayon sa ginawa nila. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa mga ginagawa nila.

(133) Ang Panginoon mo ay ang Walang-pangangailangan, ang May Awa. Kung loloobin Niya ay pupuksain Niya kayo at ipahahalili Niya matapos ninyo ang loloobin Niya, gaya ng pagpaluwal Niya sa inyo mula sa mga supling ng mga ibang tao.

(134) Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang pupunta, at kayo ay hindi mga makapagpapahina.

(135) Sabihin mo: "O mga tao ko, gumawa kayo ayon sa paraan ninyo; tunay na ako ay gumagawa; saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng kahihinatnan sa Tahanan. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan."

(136) Nagtalaga sila ukol kay Allāh ng isang bahagi mula sa nilalang Niya na pananim at mga hayupan saka nagsabi sila: "Ito ay ukol kay Allāh," ayon sa pag-aangkin nila: "at ito ay ukol sa mga pantambal natin [kay Allāh]." Ang anumang ukol sa mga itinambal nila ay hindi nakararating kay Allāh; at ang anumang ukol kay Allāh, ito ay nakararating sa mga itinatambal nila. Kay sagwa ang ihinahatol nila!

(137) Gayon ipinang-akit sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila [kay Allāh] ang pagpatay sa mga anak nila upang magpahamak ang mga ito sa kanila at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang ginagawa-gawa nila.

(138) Nagsabi sila: "Ang mga ito ay mga hayupan at mga pananim na bawal, na walang kakain sa mga ito kundi ang sinumang niloloob natin," ayon sa pag-aangkin nila. May mga hayupang ipinagbawal ang mga likod ng mga ito at may mga hayupang hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa [pagkakatay sa] mga ito, dala ng isang paggawa-gawa [ng kasinungalingan] sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila sa anumang dati nilang ginagawa-gawa.

(139) Nagsabi sila: "Ang nasa mga tiyan ng mga hayupan na ito ay nakalaan para sa mga lalaki namin at ipinagbabawal sa mga maybahay namin. Kung ito ay [isinilang na] isang patay, sila rito ay magkakatambal." Gaganti Siya sa paglalarawan nila; tunay na Siya ay Marunong, Maalam.

(140) Nalugi nga ang mga pumatay sa mga anak nila dala ng isang kahunghangang walang kaalaman at nagbawal sa itinustos sa kanila ni Allāh dala ng paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban kay Allāh. Naligaw nga sila at sila noon ay hindi mga napatnubayan.

(141) Siya ay ang nagpalabas ng mga hardin na mga binalagan at hindi mga binalagan, ng mga datiles at mga pananim na nagkakaiba-iba ang lasa ng mga ito, at ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Kumain kayo mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng tungkulin ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis.

(142) May mga hayupang [nilikhang] bilang tagapasan at bilang munti. Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh at huwag kayong sumunod sa mga hakbang ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.

(143) [Lumikha ng] walong pares. Mula sa mga tupa ay may dalawa at mula sa mga kambing ay may dalawa. Sabihin mo: "Ang dalawang lalaki ba ay ipinagbawal Niya o ang dalawang babae o ang nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? Magbalita kayo sa akin ng isang kaalaman kung kayo ay mga tapat."

(144) Mula sa mga kamelyo ay may dalawa at mula sa mga baka ay may dalawa. Sabihin mo: "Sa dalawang lalaki ba ay nagbawal Siya o sa dalawang babae o sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? O kayo ba noon ay mga saksi noong nagtagubilin sa inyo si Allāh nito? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan upang magligaw sa mga tao nang walang kaalaman. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan."

(145) Sabihin mo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi sa akin ng isang ipinagbabawal sa isang tagakain na kakain niyon maliban na ito ay maging isang patay, o dugong ibinubo, o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaan o isang kasuwailang inaalay sa iba pa kay Allāh. Ngunit ang sinumang napilitan nang hindi naghahangad ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain."

(146) Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng bawat may mga buong kuko. Mula sa mga baka at mga tupa ay nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng dalawang [uring] ito maliban sa anumang kinapitan ng mga likod ng dalawang [uring] ito o ng mga bituka nito o anumang nahalo sa buto. Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil sa paglabag nila. Tunay na Kami ay talagang Tapat.

(147) Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak ngunit hindi naitutulak ang kaparusahan Niya palayo sa mga taong salarin."

(148) Magsasabi ang mga nagtambal: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin at hindi sana kami nagbawal ng anuman." Gayon nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila hanggang sa lumasap sila ng kaparusahan Namin. Sabihin mo: "Mayroon kaya sa ganang inyo na anumang kaalaman para magpalabas kayo niyon sa Amin? Sumusunod kayo sa pagpapalagay lamang. Walang iba kayo kundi nagsasapantaha."

(149) Sabihin mo: "Ngunit kay Allāh ang katwirang masidhi kaya kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama."

(150) Sabihin mo: "Maglahad kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal nito, saka kung sumaksi sila ay huwag kang sumaksi kasama sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay habang sila sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba]."

(151) Sabihin mo: "Halikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan." Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.

(152) Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa kalakasan niya. Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan ayon sa pagkamakatarungan. Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa sa isang may pagkakamag-anak. Sa kasunduan kay Allāh ay magpatupad kayo. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.

(153) Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.

(154) Karagdagan, nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan bilang paglulubos para sa gumawa ng maganda, bilang pagdedetalye para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay sasampalataya.

(155) Ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan,

(156) dahil [baka] magsabi kayo: "Pinababa lamang ang Kasulatan sa dalawang pangkatin bago pa namin at tunay na kami noon, sa pag-aaral nila, ay talagang mga nalilingat,"

(157) o [dahil baka] magsabi kayo: "Kung sakaling kami ay pinababaan ng kasulatan, talaga sanang kami ay naging higit na napatnubayan kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa. Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis palayo sa mga ito? Gaganti Kami sa mga lumilihis palayo sa mga tanda Namin ng kasagwaan ng pagdurusa dahil sila noon ay lumilihis.

(158) Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta ang Panginoon mo o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo? Sa araw na pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo ay hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan. Sabihin mo: "Maghintay kayo; tunay na Kami ay mga naghihintay."

(159) Tunay na ang mga naghati-hati sa relihiyon nila at sila ay naging mga sekta, hindi ka kabilang sa kanila sa anuman. Ang nauukol sa kanila ay nasa kay Allāh lamang. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa.

(160) Ang sinumang naghatid ng gawang maganda ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, at ang sinumang naghatid ng gawang masagwa ay hindi siya gagantihan maliban ng tulad nito; at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.

(161) Sabihin mo: "Tunay na ako ay pinatnubayan ng Panginoon ko tungo sa landasing tuwid – isang relihiyong tama, na kapaniwalaan ni Abraham bilang makakatotohanan. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal."

(162) Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang –

(163) walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."

(164) Sabihin mo: "Sa iba pa ba kay Allāh maghahangad ako bilang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba."

(165) Siya ay ang gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa. Nag-angat Siya sa iba sa inyo higit sa iba sa mga antas upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon mo ay mabilis ang parusa at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

<     >