<     >  

75 - Al-Qiyaama ()

|

(1) Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.

(2) Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.

(3) Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?

(4) Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.

(5) Bagkus nagnanais ang tao para magmasamang-loob sa harapan niya.

(6) Nagtatanong siya: "Kailan ang Araw ng Pagbangon?"

(7) Kaya kapag nagitla ang paningin

(8) at nagdilim ang buwan,

(9) at ipinagsama ang araw at ang buwan;

(10) magsasabi ang tao sa Araw na iyon: "Saan ang matatakasan?"

(11) Aba’y hindi! Wala nang kublihan.

(12) Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.

(13) Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.

(14) Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.

(15) Kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.

(16) Huwag kang magpagalaw ng dila mo kasabay nito upang magmadali ka nito.

(17) Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito at ang pagpapabigkas nito.

(18) Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka sa pagpapabigkas nito.

(19) Pagkatapos tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito.

(20) Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay

(21) at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.

(22) May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,

(23) tungo sa Panginoon nila ay nakatingin.

(24) May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.

(25) Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.

(26) Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,

(27) at sasabihin: "Sino ang lulunas?"

(28) Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.

(29) Pupulupot ang binti sa binti.

(30) Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.

(31) Ngunit hindi siya nagpatotoo at hindi siya nagdasal,

(32) subalit nagpasinungaling siya at tumalikod siya.

(33) Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.

(34) Kasawian ay ukol sa iyo saka kasawian!

(35) Pagkatapos kasawian ay ukol sa iyo saka kasawian!

(36) Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya na nakaligtaan?

(37) Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?

(38) Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].

(39) Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.

(40) Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?

<     >