60 Tanong Hinggil sa mga Patakaran ng Regla at Nifās
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad bin `Abdillāh sampu ng mag-anak niya at mga kasamahan niya at sinumang tumahak sa landas niya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagsisimula...
Kapatid kong Muslimah!
Dala ng pagsasaalang-alang sa dami ng mga pagtatanung-tanong na dumarating sa mga maalam hinggil sa pumapatungkol sa mga patakaran ng regla kaugnay sa mga pagsamba, nagmagaling kami na tumipon ng mga tanong na nauulit-ulit palagi at madalas na nagaganap nang walang pagpapakalawak sa paliwanag. Iyon ay dala ng pagkaibig sa pagpapaiksi.
Kapatid kong Muslimah!
Nagsigasig kami sa pagtipon ng mga ito upang ang mga ito ay maging naaabot ng kamay mo palagi. Iyon ay dahil sa kahalagahan ng pagkaunawa sa Batas ni Allāh at upang sumamba ka kay Allāh batay sa kaalaman at pagkatalos.
Tawag-pansin: Maaaring lumitaw sa sinumang bumubuklat ng aklat sa unang pagkakataon na ang ilan sa mga tanong ay nauulit-ulit subalit matapos ng pagmuni-muni makatatagpo siya na mayroong karagdagang kaalaman sa isang pagsagot bukod sa ibang pagsagot. Minagaling namin ang hindi magwalang-bahala sa mga ito.
Heto nga at basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga kasamahan niya sa kalahatan.
T 1: Kapag nahinto sa regla ang babae matapos ng fajr (madaling-araw) kaagad-agad, titigil ba siya -sa nakasisira ng ayuno- at mag-aayuno sa araw na ito at ang araw [ng ayuno] niya ay magiging tanggap sa kanya o magiging kailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng araw na iyon?
S 1: Kapag nahinto sa regla ang babae matapos ng pagsapit ng fajr (madaling-araw), ang mga maalam kaugnay sa imsāk (pagtigil sa nakasisira ng ayuno) niya ng araw na iyon ay may dalawang pahayag:
Ang Unang Pahayag: Na ito ay nag-oobliga sa kanya ng imsāk (pagtigil sa nakasisira ng ayuno) sa natitira sa araw na iyon subalit hindi tutuusin ito na tanggap sa kanya bagkus kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno. Ito ay ang tumanyag mula sa madhhab (doktrina) ni Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh).
Ang Ikalawang Pahayag: Na ito ay hindi nag-oobliga sa kanya ng imsāk sa natitira sa araw na iyon dahil ito ay isang araw na hindi natutumpak ang pag-aayuno niya rito dahil sa pagiging siya sa simula nito ay may regla na hindi kabilang sa mga kailangang mag-ayuno. Kapag hindi ito natutumpak, walang natitira sa imsāk na isang katuturan. Ang panahong ito ay isang panahon na hindi naaangkop kaugnay sa kanya dahil siya ay inuutusan ng pagtigil-ayuno sa simula ng maghapon; bagkus ipinagbabawal sa kanya ang pag-aayuno rito sa simula ng maghapon.
Ang legal na pag-aayuno ay ang pagtigil sa mga nakasisira sa pag-aayuno bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.
Ang pahayag na ito, gaya ng natutunghayan mo, ay higit na matimbang kaysa sa pahayag hinggil sa pagkakaobliga ng imsāk. Batay sa kapwa pahayag, inoobliga sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng araw na ito.
T 2: Kapag nahinto sa regla ang may regla at nagsagawa siya ng ghusl matapos ng ṣalāh sa fajr at nagdasal siya at nabuo niya ang ayuno ng araw niya, kinakailangan ba sa kanya ang pagbabayad sa ayuno nito?
S 2: Kapag nahinto sa regla ang may regla kahit pa iisang minuto bago ng pagsapit ng fajr subalit nakapagtiyak siya ng kawalang-regla, tunay na kapag siya ay nasa Ramaḍān, tunay na inoobliga sa kanya ang pag-aayuno. Ang pag-aayuno niya sa araw na iyon ay magiging tumpak. Hindi inoobliga sa kanya ang pagbabayad sa ayuno nito dahil siya ay nag-ayuno habang siya ay walang regla. Kung hindi siya nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos ng pagsapit ng fajr ay wala namang maisisisi.
Gayon din ang lalaki – kung sakaling siya ay junub (kailangan ng paligo) dahil sa isang pakikipagtalik o isang wet dream at kumain ng saḥūﷺ at hindi nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos ng pagsapit ng fajr, ang pag-aayuno niya ay magiging tumpak.
Sa puntong ito, nagnanais ako na tumawag-pansin sa isa pang usapin para sa mga babae kapag dinatnan sila ng regla samantalang sila ay nakapag-ayuno na sa araw na iyon. Tunay na ang ilan sa mga babae ay nagpapalagay na ang regla – kapag dinatnan sila nito matapos ng pagtigil-ayuno nila bago sila nagdasal ng `ishā̄' – ay nasira ang ayuno sa araw na iyon.
Ito ay walang batayan. Bagkus tunay na ang regla, kapag dinatnan siya nito kahit pa man isang saglit matapos ng paglubog ng araw, tunay na ang ayuno niya ay lubos at tumpak.
T 3: Kinakailangan ba sa babaing may nifās na mag-ayuno at magdasal kapag nahinto siya sa pagdurugo bago ng apatnapung araw [matapos manganak]? [Ang nifās ay ang pagdurugo bago o matapos manganak ang babae.]
S 3: Oo. Kapag nahinto sa pagdurugo ang may nifās bago ng apatnapung araw [matapos manganak], tunay na kinakailangan sa kanya na mag-ayuno kapag iyon ay sa Ramaḍān, kinakailangan sa kanya na magdasal, at pinapayagan sa asawa niya na makipagtalik sa kanya dahil siya ay walang pagdurugo. Wala sa kanya ang humahadlang sa pag-aayuno at wala ang humahadlang sa pagkatungkulin ng pagdarasal at sa pagpapahintulot ng pakikipagtalik.
T 4: Kapag ang babae ay may buwanang kinahiratiang regla na 8 araw o 7 araw, pagkatapos nagpatuloy sa kanya nang isang beses o dalawang beses ang higit doon, ano ang hatol?
S 4: Kapag ang kinahiratiang regla ng babaing ito ay 6 o 7 araw, pagkatapos humaba ang yugtong ito at naging 8 o 9 o 10 o 11 araw, tunay na siya ay mananatili na hindi nagdarasal hanggang sa mahinto siya sa regla. Iyon ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naglimita ng isang takdang limit sa regla. Nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya):
﴿وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡمَحِيضِۖ قُلۡ هُوَ أَذٗى...﴾ [البقرة: 222]
{Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: "Ito ay pinsala...} (Qur'ān 2:222) Kaya kapag ang pagdurugong ito ay nananatili, tunay na ang babae ay nasa kalagayan niya hanggang sa mahinto siya sa regla at makapagsagawa siya ng ghusl, pagkatapos magdarasal siya. Kapag dumating ang regla sa kanya sa kasunod na buwan nang kulang doon, tunay na siya ay magsasagawa ng ghusl kapag nahinto siya sa regla kahit pa hindi ito naging ayon sa naunang yugto.
Ang mahalaga ay na ang babae, kapag ang regla ay nariyan sa kanya, ay hindi magdarasal, maging ang regla man ay naaayon sa naunang kinahiratiang regla o labis dito o kulang dito; at kapag nahinto siya sa regla ay magdarasal siya.
T 5: Ang babaing may nifās ay mananatili ba nang 40 araw na hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno o ang isinasaalang-alang ay ang pagtigil ng pagdurugo sa kanya, na kapag tumigil ito ay naging dalisay siya at makapagdarasal? Ano ang pinakamaikling yugto ng kawalan ng pagdurugo?
S 5: Ang babaing may nifās ay walang nilimitahang panahon. Bagkus kapag ang pagdurugo ay nariyan, maghihintay siya, hindi siya magdarasal, hindi siya mag-aayuno, at hindi makikipagtalik sa kanya ang asawa niya.
Kapag nakita niya ang kawalan ng pagdurugo – kahit pa man bago ng ika-40 [araw matapos manganak] at kahit pa man hindi siya naghintay kundi nang 10 o 5 araw – tunay na siya ay makapagdarasal, makapag-aayuno, at makakatalik ng asawa niya, at walang maisisisi roon.
Ang mahalaga ay na ang nifās ay isang bagay na nadarama, na nakakapit ang mga patakaran sa pagkakaroon nito o kawalan nito. Kaya kapag ito ay naging naririyan, napagtitibay ang mga patakaran nito; at kapag nadalisay ang babae mula rito, lumalaya siya mula sa mga patakaran nito.
Subalit kung sakaling lumabis ang nifās sa 60 araw, tunay na siya ay nagiging isang may istiḥāḍah (pagdurugo na hindi dahil sa regla o nifās). Maghihintay siya sa tagal na umaayon sa kinahiratian ng regla niya lamang, pagkatapos magsasagawa siya ng ghusl at makapagdarasal siya.
T 6: Kapag may mga kaunting spotting ng dugo na lumabas mula sa babae sa maghapon ng Ramaḍān at nagpatuloy sa kanya ang pagdurugong ito sa kahabaan ng buwan ng Ramaḍān habang siya ay nag-aayuno, ang pag-aayuno niya ay tumpak ba?
S 6: Oo, ang pag-aayuno niya ay tumpak. Hinggil naman sa mga spotting na ito, walang anuman ang mga ito dahil ang mga ito ay mula sa mga ugat. Naiulat nga buhat kay `Alīy bin Abī Ṭālib na siya ay nagsabi: "Tunay na ang mga bahid na ito na gaya ng balinguyngoy ng ilong ay hindi isang regla." Gayon din ang nababanggit buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
T 7: Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās bago ng fajr at hindi siya nakapagsagawa ng ghusl kundi matapos ng fajr, tutumpak ba ang pag-aayuno niya o hindi?
S 7: Oo, tutumpak ang pag-aayuno ng babaing may regla kapag nahinto siya sa pagdurugo bago ng fajr at hindi siya nakapagsagawa ng ghusl kundi matapos ng pagsapit ng fajr, at gayon din ang may nifās, dahil siya sa sandaling iyon ay kabilang sa mga kailangang mag-ayuno. Siya ay kawangis ng sinumang may kalagayang junub; na kapag sumapit ang fajr habang ito ay junub, tunay na ang pag-aayuno nito ay tumpak. Batay ito sabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿...وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ...﴾[البقرة: 187]
{Kaya ngayon ay makipagtalik kayo sa kanila at maghangad kayo ng isinatungkulin ni Allāh para sa inyo. Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw.} (Qur'ān 2:187) Nang nagpahintulot si Allāh (napakataas Siya) ng pakikipagtalik hanggang sa bago luminaw ang fajr, naoobliga mula roon na hindi mangyari ang pagsasagawa ng ghusl kundi matapos ng pagsapit ng Fajr. Batay ito sa Hadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay inaabutan ng madaling-araw na junub dahil sa pakikipagtalik sa maybahay niya at siya ay mag-aayuno. Nangangahulugan na siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi nakapagsagawa ng ghusl dahil sa pagkajunub kundi matapos ng pagsapit ng madaling-araw.
T 8: Kapag nakadama ang babae ng pagdurugo at hindi ito lumabas bago ng paglubog ng araw o nakadama siya ng pananakit ng kinahiratiang regla, matutumpak ba ang pag-aayuno niya sa araw na iyon o kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno niyon?
S 8: Kapag nakadama ang babaing walang regla ng pagdating ng regla habang siya ay nag-aayuno subalit ito ay hindi lumabas malibang matapos ng paglubog ng araw o nakadama siya ng pananakit ng pagreregla subalit ito ay hindi lumabas malibang matapos ng paglubog ng araw, tunay na ang pag-aayuno niya sa araw na iyon ay tumpak. Hindi kailangan sa kanya ang pag-uulit nito kapag ito ay isang tungkulin at hindi nawawalang-saysay ang gantimpala rito kapag ito ay isang kusang-loob.
T 9: Kapag nakakita ang babae ng isang pagdurugo at hindi siya nakatiyak na ito ay isang pagdurugo ng regla, ano ang hatol sa pag-aayuno niya sa araw na iyon.
S 9: Ang pag-aayuno niya sa araw na iyon ay tumpak dahil ang batayang panuntunan ay ang kawalan ng regla hanggang sa luminaw sa kanya na ito ay regla.
T 10: Paminsan-minsan, nakakikita ang babae ng isang bahagyang bakas ng dugo o isang lubhang kaunting spotting na nagkahiwa-hiwalay sa mga oras ng araw na iyon. Magkaminsan nakakikita siya niyon sa oras ng kinahiratiang regla samantalang ito ay hindi pa dumating at magkaminsan nakakikita siya niyon sa iba pa sa oras ng kinahiratiang regla. Kaya ano ang hatol sa pag-aayuno niya sa kapwa kalagayan?
S 10: Nauna na ang sagot sa tulad ng tanong na ito kanina subalit nanatili na kapag ang mga spotting na ito ay sa mga araw ng kinahiratiang regla, na itinuturing ang mga ito bilang bahagi ng pagreregla na nalalaman niya, tunay na ito ay regla.
T 11: Ang may regla at ang may nifās ay kakain at iinom ba sa maghapon ng Ramaḍān?
S 11: Oo, kakain sila at iinom sila sa maghapon ng Ramaḍān subalit ang pinakamarapat ay na iyon ay maging lihim kapag sa piling niya ay may isang kabilang sa mga bata sa bahay dahil iyon ay magreresulta ng pagkalito para sa kanila.
T 12: Kapag nahinto sa pagdurugo ang may regla o ang may nifās sa oras ng `aṣﷺ, inoobliga ba sa kanya ang ṣalāh na ḍ̆uhr kasama sa `aṣﷺ o walang inoobliga sa kanya kundi ang `aṣﷺ lamang?
S 12: Ang matimbang na pahayag hinggil sa usaping ito ay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `aṣﷺ lamang dahil walang patunay sa pagkatungkulin ng ṣalāh na ḍ̆uhr [dito]. Ang batayang panuntunan ay ang pag-iwas sa pagkakasisi. Pagkatapos tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa `aṣﷺ bago lumubog ang araw ay nakaabot nga sa `aṣﷺ." Hindi nabanggit na naabutan ang ḍ̆uhr. Kung sakaling ang [ṣalāh na] ḍ̆uhr ay kinakailangan dito, talaga sanang nilinaw ito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); at dahil ang babae, kung sakaling nagregla siya matapos ng pagpasok ng oras ng ḍ̆uhr, ay hindi inoobliga kundi ng pagbabayad sa ṣalāh na ḍ̆uhr, hindi sa ṣalāh na `aṣﷺ, bagamat ang ḍ̆uhr ay naisasama sa `aṣﷺ. Walang pagkakaiba sa pagitan nito at ng anyo na naganap sa tanong tungkol dito.
Batay rito, ang matimbang na pahayag ay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `aṣﷺ lamang dahil sa pagkapatunay ng teksto at analohiya rito. Gayon din ang pumapatungkol hinggil sa kung sakaling nahinto siya sa regla bago ng paglampas ng oras ng `ishā̄', tunay na walang inoobliga sa kanya kundi ang ṣalāh na `ishā̄' at hindi inoobliga sa kanya ang ṣalāh na maghrib.
T 13: Ang ilan sa mga babae na nakukunan ay hindi nawawala sa sumusunod na kalagayan: maaari na makunan ang babae bago ng pagkabuo ng fetus at maaari na makunan siya matapos ng pagkabuo nito at pagkalitaw ng anyo rito. Kaya ano ang hatol sa ayuno niya sa araw na iyon na nakunan siya at sa ayuno sa mga araw na nakakita siya ng pagdurugo?
S 13: Kapag ang fetus ay hindi nabuo, tunay na ang pagdurugo niyang ito ay hindi pagdurugo ng nifās. Batay rito, tunay na siya ay mag-aayuno at magdarasal at ang ayuno niya ay tumpak.
Kapag ang fetus ay nabuo na, tunay na ang pagdurugo ay pagdurugo ng nifās, na hindi ipinahihintulot sa kanya na magdasal sa sandaling ito at ni na mag-ayuno.
Ang panuntunan sa usaping ito o ang tuntunin dito ay na kapag ang fetus ay nabuo na, ang pagdurugo ay pagdurugo ng nifās; at kapag hindi ito nabuo, ang pagdurugo ay hindi pagdurugo ng nifās. Kapag ang pagdurugo ay pagdurugo ng nifās, tunay na ipinagbabawal sa kanya ang anumang ipinagbabawal sa may nifās; at kapag ito ay iba pa sa pagdurugo ng nifās, tunay na hindi ipinagbabawal sa kanya iyon.
T 14: Ang paglabas ng dugo mula sa nagdadalang-tao sa maghapon ng Ramaḍān ay nakaaapekto ba sa pag-aayuno niya?
S 14: Kapag lumabas ang dugo ng regla at ang babae ay nag-aayuno, tunay na ang ayuno niya ay nasisira batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?" Dahil dito, ibinibilang natin na ang regla ay kabilang sa mga nakasisira ng ayuno at ang nifās ay tulad nito. Ang paglabas ng dugo ng regla at nifās ay isang tagasira ng ayuno.
Ang paglabas ng dugo mula sa nagdadalang-tao sa maghapon ng Ramaḍān, kapag ito ay regla, tunay na ito ay gaya ng regla ng hindi nagdadalang-tao – ibig sabihin: nakaaapekto ito sa pag-aayuno – at kung ito ay hindi regla, tunay na ito ay hindi nakaaapekto.
Ang regla na maaaring maganap sa nagdadalang-tao ay na ito ay isang regular na regla na hindi napuputol sa kanya magmula ng nagdalangtao siya; bagkus dumarating ito sa kanya sa mga nakahiratiang panahon niya. Kaya ito ay isang regla batay sa matimbang na pahayag, na napagtitibay para rito ang mga patakaran ng regla.
Kapag naputol ang pagdurugo sa kanya, pagkatapos siya matapos niyon ay naging nakakikita ng isang pagdurugo na hindi ang nakahiratiang pagdurugo, tunay na ito ay hindi nakaaapekto sa ayuno niya dahil ito ay hindi isang regla.
T 15: Kapag nakakita ang babae sa panahon ng kinahiratiang regla niya ng isang pagdurugo sa isang araw at sa sumusunod dito ay hindi siya nakakikita ng pagdurugo sa hinaba-haba ng maghapon, ano ang kailangan sa kanya na gawin niya?
S 15: Ang hayag ay na ang kawalang-regla o ang panunuyong ito na nangyari sa kanya sa mga araw ng pagreregla niya ay isang kasunod ng regla kaya hindi ito maituturing bilang kawalang-regla. Batay rito, nanatili siya na pinagbabawalan ng ipinagbabawal sa may regla. Nagsabi naman ang iba sa mga may kaalaman na ang sinumang nakakikita ng isang pagdurugo sa isang araw at ng kawalang-pagdurugo sa isang araw, ang pagdurugo ay isang regla at ang kawalang-pagdurugo ay isang kawalang-regla hanggang sa umabot ito sa 15 araw. Kapag umabot ito sa 15 araw, ang matapos nito ay magiging dugo ng istiḥāḍah. Ito ay ang tumanyag mula sa madhhab (doktrina) ni Imām Aḥmad bin Ḥanbal (kaawaan siya ni Allāh).
T 16: Sa mga huling araw ng pagreregla at bago ng kawalang-regla, hindi nakakikita ang babae ng isang bakas ng dugo. Mag-aayuno ba siya sa araw na iyon samantalang hindi siya nakakita ng white mens (leukorrhea) o ano ang gagawin niya?
S 16: Kapag bahagi ng kinahiratiang regla niya na hindi siya makakita ng white mens (leukorrhea), gaya ng natatagpuan sa iba sa mga babae, tunay na siya ay mag-aayuno. Kung bahagi naman ng kinahiratiang regla niya na makakita siya ng white mens (leukorrhea), tunay na siya ay hindi mag-aayuno hanggang sa makakita siya ng white mens.
T 17: Ano ang hatol sa pagbigkas ng may regla at may nifās ng Qur'ān sa pagbabasa at sa pagsasaulo sa sandali ng pagkakailangan, gaya ng kung siya ay isang estudyante o isang tagapagturo?
S 17: Walang maisisisi sa babaing may regla o may nifās sa pagbigkas ng Qur'ān kapag ito ay dahil sa isang pangangailangan, gaya ng babaing tagapagturo o nag-aaral na bumibigkas ng bahagi nito sa gabi o maghapon?
Hinggil naman sa pagbigkas [na hindi kinakailangan] – tumutukoy ako sa pagbabasa ng Qur'ān dahil sa paghahangad ng pabuya o gantimpala sa pagbigkas – ang pinakamainam ay na hindi niya gawin ito dahil ang marami sa mga may kaalaman o ang pinakamarami sa kanila ay nagtuturing na ang may regla ay hindi pinahihintulutan na bumigkas ng Qur'ān.
T 18: Naoobliga ba ang may regla na magpalit ng mga kasuutan niya matapos ng paghinto ng regla niya sa kabila ng pagkakaalam na hindi niya nabahiran ito ng dugo ni ng karumihan?
S 18: Hindi inoobliga sa kanya iyon dahil ang pagreregla ay hindi nagpaparumi ng katawan. Ang dugo ng regla ay nagpaparumi lamang sa nasagian nito lamang. Dahil dito, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga babae, kapag nabahiran ang mga damit nila ng dugo ng regla, na maghugas sila nito at magdasal sila sa mismong mga damit nila.
T 19: May isang babaing tumigil-ayuno sa Ramaḍān nang 7 araw habang siya ay may nifās. Hindi siya nagbayad sa ayuno hanggang sa dinatnan na siya ng ikalawang Ramaḍān. Nawaglit sa kanya mula sa ikalawang Ramaḍān ang pitong araw [na ayuno] habang siya ay nagpapasuso. Hindi siya nakapagbayad sa ayuno sa kadahilanan ng karamdaman na nasa kanya. Ano ang kailangan sa kanya at nalapit na ang pagpasok ng ikatlong Ramaḍān? Magpabatid kayo sa amin, gantimpalaan kayo ni Allāh.
S 19: Kapag ang babaing ito ay gaya ng nabanggit niya tungkol sa sarili niya na siya ay nasa isang karamdaman at hindi nakakakaya ng pagbabayad sa ayuno, tunay na siya, kapag nakaya na niya, ay mag-aayuno, dahil siya ay may maidadahilan, kahit ka pa man dumating ang ikalawang Ramaḍān. Kapag naman walang maidadahilan para sa kanya at nagdadahi-dahilan lamang siya at nagwawalang-bahala, tunay na hindi pinapayagan sa kanya na magpahuli ng pagbabayad sa ayuno ng Ramaḍān hanggang sa ikalawang Ramaḍān. Nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Kailangan sa akin noon ang [magbayad sa] ayuno ngunit hindi ko nakakaya na magbayad doon kundi sa Sha`bān."
Batay rito, kailangan sa babaing ito na magmasid sa sarili niya. Kapag walang maidadahilan para sa kanya, siya ay nagkakasala. Kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh at magdali-dali sa pagbabayad sa anumang nasa pananagutan niya na pag-aayuno. Kung siya ay may maidadahilan, walang maisisisi sa kanya kahit pa man nahuli siya ng isang taon o dalawang taon.
T 20: Ang ilan sa mga babae ay dinadatnan ng kasunod na Ramaḍān gayong sila ay hindi nag-ayuno ng ilang araw mula sa naunang Ramaḍān. Ano ang kinakailangan sa kanila?
S 20: Ang kinakailangan sa kanila ay ang pagbabalik-loob kay Allāh mula sa gawang ito dahil hindi pinapayagan sa sinumang kailangan sa kanya ang pagbabayad sa ayuno ng Ramaḍān na magpahuli nito hanggang sa kasunod na Ramaḍān nang walang maidadahilan. Batay ito sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Kailangan sa akin noon ang [magbayad sa] ayuno ngunit hindi ko nakakaya na magbayad doon kundi sa Sha`bān."
Ito ay nagpapatunay na hindi maaari ang pagpapahuli niyon hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān. Kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) mula sa ginawa niya at magbayad sa ayuno sa mga araw na naiwan niya matapos ng kasunod na Ramaḍān.
T 21: Kapag niregla ang babae nang ala-una ng tanghali, halimbawa, habang siya ay hindi pa nakapagdasal ng ḍ̆uhr, inoobliga ba sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon matapos maging walang regla?
S 21: Hinggil dito ay may pagkakaibahan sa pagitan ng mga maalam. Mayroon sa kanila na nagsasabing tunay na hindi inoobliga sa kanya na magbayad sa ṣalāh na ito dahil siya ay hindi nagpabaya at hindi nagkasala yayamang tunay na pinapayagan sa kanya na magpahuli ng ṣalāh hanggang sa huling bahagi ng oras nito. Mayroon naman sa kanila na nagsasabing tunay na inoobliga sa kanya ang pagbabayad, ibig sabihin: ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh ay nakaabot nga sa ṣalāh."
Ang pag-iingat ukol sa kanya ay na magbayad siya rito dahil ito ay iisang ṣalāh, na walang pahirap sa pagbabayad dito.
T 22: Kapag nakakita ang nagdadalang-tao ng isang pagdurugo isang araw o dalawang araw bago manganak, titigil ba siya sa pag-aayuno at pagdarasal dahil dito o ano?
S 22: Kapag nakakita ang nagdadalang-tao ng pagdurugo isang araw o dalawang araw bago manganak at may kasama ritong isang pananakit ng tiyan (labor), tunay na ito ay nifās, na titigil siya dahil dito sa pagdarasal at pag-aayuno. Kapag naman hindi nagkaroon kasama rito ng isang pananakit ng tiyan (labor), tunay na ito ay isang sirang dugo, na walang pagsasaalang-alang dito at hindi nakapipigil sa kanya sa pag-aayuno at pagdarasal.
T 23: Ano po ang opinyon mo sa paggamit ng mga gamot na pumipigil sa buwanang dalaw para sa pag-aayuno kasabay ng mga tao?
S 23: Ako ay nagbibigay-babala laban dito. Iyon ay dahil ang mga gamot na ito ay may mabigat na kapinsalaan, na napagtibay sa ganang akin iyon sa pamamagitan ng mga manggagamot. Sasabihin sa babae: "Ito ay isang bagay na itinadhana ni Allāh sa mga babaing anak ni Adan. Kaya masiyahan ka sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at mag-ayuno ka kung kailan walang hadlang. Kapag nagkaroon ng tagahadlang, tumigil-ayuno ka bilang pagkalugod sa itinakda ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."
T 24: May isang babaing matapos ng dalawang buwan ng nifās at matapos na nahinto siya sa regla, nagsimula naman siyang nakakikita ng ilan sa mga maliit na spotting ng dugo. Kaya titigil ba siya sa pag-aayuno at hindi magdarasal? O ano ang gagawin niya?
S 24: Ang mga problema ng mga babae sa regla at nifās ay parang isang dagat na walang baybayin. Kabilang sa mga kadahilanan niyon ang paggamit ng mga gamot na ito na pampigil sa pagdadalang-tao at pampigil sa regla. Ang mga tao noon ay hindi nakaaalam ng tulad sa maraming pinoproblemang ito. Tumpak na ang pamomroblema ay hindi natigil na naririyan mula ng pagpapadala sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); bagkus magmula ng nariyan ang mga babae, subalit ang dami nito ayon sa anyong ito na nalagay ang tao sa kalituhan sa paglunas sa mga problema niya ay isang bagay na nakalulungkot sa kanya. Subalit ang pangkalahatang panuntunan ay na ang babae, kapag nahinto siya sa pagdurugo at nakakita ng kawalang-pagdurugo na natitiyak sa regla at sa nifās – tinutukoy ko sa kawalang-pagdurugo kaugnay sa regla ang paglabas ng white mens, na isang puting likido na nalalaman ng mga babae – ang anumang [nakikita] matapos ng kawalang-pagdurugo na isang pagkamalakayumanggi o isang pagkadilaw o isang spotting o isang pamamasa, ito sa kabuuan nito ay hindi isang regla kaya hindi ito nakapipigil sa pagdarasal, hindi nakapipigil sa pag-aayuno, at hindi nakapipigil sa pakikipagtalik ng lalaki sa maybahay niya dahil ito ay hindi isang regla. Nagsabi si Umm `Aṭīyah: "Kami noon ay hindi nagtuturing sa pagkadilaw o pagkamalakayumanggi bilang anuman." Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy. Nagdagdag naman si Imām Abū Dāwud: "…matapos ng kawalang-pagdurugo." Ang kawing ng salaysay ay tumpak. Batay rito, makapagsasabi tayo: "Ang bawat nangyari matapos ng paghinto ng regla na natitiyak kabilang sa mga bagay na ito, tunay na ang mga ito ay hindi nakapipinsala sa babae at hindi nakapipigil sa kanya sa pagdarasal niya, pag-aayuno niya, at pakikipagtalik ng asawa niya sa kanya subalit kinakailangan na hindi siya magmadali hanggang sa makita niya ang paghinto ng regla dahil ang ilan sa mga babae, kapag natuyo ang dugo sa kanila, ay nagdadali-dali at nagsasagawa ng ghusl bago makakita ng paghinto ng regla. Dahil dito, ang mga kababaihan ng mga Kasamahan ay nagpapadala sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng kursuf, na tumutukoy sa bulak na may dugo [ng regla], saka nagsasabi siya sa kanila: "Huwag kayong magmadali hanggang sa makakita kayo ng puting malauhog."
T 25: Ang ilan sa mga babae ay nagdurugo nang tuluy-tuloy. Paminsan-minsan, napuputol ito nang isang araw o dalawang araw, pagkatapos nanunumbalik ito. Kaya ano ang hatol sa kalagayang ito kaugnay sa pag-aayuno, pagdarasal, at nalalabi sa mga pagsamba?
S 25: Ang nalalaman sa ganang marami sa mga may kaalaman ay na ang babae, kapag may kinahiratiang regla at nagwakas ang kinahiratiang regla niya, tunay na siya ay magsasagawa ng ghusl, magdarasal, at mag-aayuno. Ang nakikita matapos ng dalawang araw o tatlong araw ay hindi isang regla dahil ang pinakamaikling kawalang-regla sa ganang mga maalam na ito ay 13 araw.
Nagsabi ang ilan sa mga may kaalaman: "Tunay na siya, kapag nakakita siya ng pagdurugo, ito ay regla. Kapag nahinto siya sa pagdurugo, siya ay walang regla, kahit pa ito ay hindi naging 13 araw sa pagitan ng dalawang pagreregla."
T 26: Alin sa dalawa ang mainam para sa babae: na magdasal siya sa mga gabi ng Ramaḍān sa bahay niya o sa masjid, lalo na kapag doon ay may mga pangangaral at pagpapaalaala? Ano po ang pagpapanuto mo sa mga babae na nagdarasal sa mga masjid?
S 26: Ang pinakamainam ay na magdasal siya sa bahay niya batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga bahay nila ay higit na mabuti para sa kanila." Ito ay dahil sa ang paglabas ng mga babae ay hindi naliligtas mula sa tukso sa marami sa mga pagkakataon, kaya ang pagiging ang babae ay tumitigil sa bahay niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa lumabas siya para magdasal sa masjid. Ang mga pangaral at ang panayam ay maaaring matamo sa pamamagitan ng cassette tape.
Ang pagpapanuto ko sa mga babaing nagdarasal sa masjid: na lumabas sila sa mga bahay nila nang hindi mga nagtatanghal ng gayak at hindi mga nakapabango.
T 27: Ano ang hatol sa pagtikim ng pagkain sa maghapon ng Ramaḍān habang ang babae ay nag-aayuno?
S 27: Ang hatol dito ay walang masama rito dahil sa panawagan ng pangangailangan dito subalit siya ay magbubuga ng tinikman niya.
T 28: May isang babaing nasaktan sa isang aksidente, habang siya ay nasa simula ng pagdadalang-tao, kaya nalaglag ang fetus resulta ng matinding pagdurugo (bleeding). Kaya pinapayagan ba sa kanya na tumigil-ayuno o magpatuloy ng pag-aayuno? Kapag tumigil-ayuno siya, may kasalanan sa kanya?
S 28: Makapagsasabi tayo: Tunay na ang nagdadalang-tao ay hindi nagreregla, gaya ng sinabi ni Imām Aḥmad. Nalalaman lamang ng mga babae ang pagdadalang-tao dahil sa pagkaputol ng regla. Ang regla, gaya ng sinabi ng mga may kaalaman, ay nilikha ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) dahil sa kasanhian ng pagdudulot-sustansiya sa fetus sa tiyan ng ina nito. Kaya kapag lumitaw ang pagdadalang-tao, natitigil ang pagreregla.
Subalit ang isa sa mga babae ay maaaring magregla nang tuluy-tuloy ayon sa kinahiratiang regla niya gaya noong bago ng pagdadalang-tao. Kaya ito ay hinahatulan na ang regla niya ay isang tumpak na pagreregla dahil nagpatuloy sa kanya ang regla at hindi naapektuhan ito ng pagdadalang-tao. Ang reglang ito ay isang tagapigil ng bawat pinipigil ng regla ng hindi nagdadalang-tao, isang tagapag-obliga ng anumang inoobliga nito, at isang tagapag-alis ng obligasyon ng anumang inaalisan nito ng obligasyon.
Sa madaling salita: ang dugo na lumalabas mula sa nagdadalang-tao ay dalawang uri:
May isang uri na hinahatulan na ito ay isang regla, na siyang nagpapatuloy sa babae gaya ng bago ng pagdadalang-tao, kaya ang kahulugan niyon ay na ang pagdadalang-tao ay hindi nakaapekto roon, kaya naman ito ay regla.
Ang ikalawang uri ay isang pagdurugo na biglang lumitaw sa pagdadalang-tao, na maaaring dahil sa isang kadahilanang nangyayari o isang pagdadala ng isang bagay o isang pagkalaglag ng isang bagay at tulad nito. Ito ay dugo niya, na hindi isang regla. Ito lamang ay isang dugo ng ugat. Batay rito, hindi ito nakapipigil sa kanya sa pagdarasal ni sa pag-aayuno; bagkus siya ay nasa kahatulan ng mga babaing walang regla.
Subalit kapag kinailangan mula sa pangyayari na lumabas ang bata o ang dinadalang-tao sa tiyan niya, tunay na siya ay ayon sa sinabi ng mga may kaalaman. Kung may lumabas at may luminaw nga rito na isang kaanyuan ng tao, tunay na ang dugo niya matapos ng paglabas nito ay ibinibilang na isang nifās, na titigil siya rito sa pagdarasal at pag-aayuno at iiwas sa pakikipagtalik sa kanya ang asawa niya hanggang sa mahinto siya sa pagdurugo.
Kung lumabas ang fetus habang ito ay hindi inanyuang-tao, tunay na [ang dugong] ito ay hindi dugo ng nifās; bagkus ito ay isang dugo ng kasiraan, na hindi nakapipigil sa kanya sa pagdarasal ni sa pag-aayuno ni sa iba pa sa dalawang ito.
Nagsabi ang mga may kaalaman: "Ang pinakamaikling panahon na lumilinaw rito ang pag-aanyong-tao ay 81 araw dahil ang fetus na nasa tiyan ng ina nito ay gaya ng sinabi ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at siya ay ang tapat at ang kinikilalang tapat: "Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw. Pagkatapos ito ay magiging isang malalinta tulad niyon. Pagkatapos ito ay magiging isang kimpal ng laman tulad niyon. Pagkatapos ipadadala rito ang anghel at uutusan ng apat na pananalita saka itatakda ang panustos niya, ang taning niya, ang gawain niya, at [ang pagiging] malumbay o maligaya."} Hindi maaari na inanyuang-tao ito bago niyon. Ang kadalasan ay na ang pag-aanyong-tao ay hindi lumilinaw bago ng 90 araw, gaya ng sinabi ng ilan sa mga may kaalaman.
T 29: Ako po ay isang babaing nakunan sa ikatlong buwan magmula ng isang taon. Hindi ako nagdasal hanggang sa nahinto ako sa pagdurugo gayong sinabi nga sa akin na: "Kailangan sa iyo na magdasal." Kaya ano po ang gagawin ko samantalang ako ay hindi nakaaalam nang eksakto sa bilang ng mga araw?
S 29: Ang nalalaman sa ganang mga may kaalaman ay na kapag nakunan ang babae matapos ng tatlong buwan, tunay na siya ay hindi magdarasal dahil kapag nakalaglag ang babae ng isang fetus na may luminaw nga rito na isang kaanyuan ng tao, tunay na ang dugo na lumalabas mula sa kanya ay dugo ng nifās, na hindi siya magdarasal sa sandaling ito.
Nagsabi ang mga maalam: Maaaring luminaw ang kaanyuan ng fetus kapag nalubos dito ang 81 araw. Ito ay higit na maikli kaysa sa tatlong buwan. Kaya kapag nakatiyak siya na nalaglag ang fetus matapos ng tatlong buwan, tunay na ang dumapo sa kanya ay isang pagdurugo ng kasiraan, na hindi itinitigil ang pagdarasal dahil dito.
Ang tagapagtanong na ito ay kailangan sa kanya na magsaalaala sa sarili niya sapagkat kapag ang fetus ay nalaglag bago ng 80 araw, tunay na siya ay hindi magbabayad sa ṣalāh; at kapag naman siya ay hindi nakaaalam kung ilan ang nakaligtaan niya, tunay na siya ay magtatantiya, magsisiyasat, at magbabayad sa ṣalāh batay sa nangingibabaw sa palagay niya na siya ay hindi nagdasal.
T 30: May isang tagapagtanong na nagsasabing tunay na siya, magmula ng kinailangan sa kanya ang pag-aayuno, ay nag-aayuno sa Ramaḍān subalit siya ay hindi nagbabayad sa ayuno ng mga araw na tumitigil-ayuno siya dahilan sa buwanang dalaw at dahil sa kawalang-kaalaman niya sa bilang ng mga araw na tumigil-ayuno siya. Kaya naman siya ay humihiling ng paggabay sa kanya tungo sa kinakailangan sa kanya na gawin ngayon.
S 30: Nagpapalungkot sa atin na maganap ang tulad nito sa mga kababaihan ng mga mananampalataya sapagkat tunay na ang pag-iwan na ito – tumutukoy ako sa pag-iwan ng pagbabayad sa anumang kinakailangan sa kanya na pag-aayuno – ay maaaring isang kawalang-kaalaman at maaaring isang pagwawalang-bahala. Ang dalawang ito ay kapahamakan dahil ang gamot ng kawalang-kaalaman ay kaalaman at pagtatanong. Hinggil naman sa pagwawalang-bahala, tunay na ang gamot nito ay ang pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang pagsasaalang-alang sa Kanya, ang pangamba sa parusa Niya, at ang pagdadali-dali tungo sa anumang naroon ang pagkalugod Niya.
Kaya kailangan sa babaing ito na magbalik-loob siya kay Allāh mula sa ginawa niya, na humingi siya ng tawad, at na magsiyasat siya sa mga araw na nakaligtaan niya sa abot ng makakaya niya saka magbayad siya sa ayuno sa mga ito. Sa pamamagitan nito, nag-aalis siya ng paninisi sa kanya at naghahangad naman tayo na tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya.
T 31: Ano ang hatol kapag nagregla ang babae matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh? Kinakailangan ba sa kanya na magbayad rito kapag nahinto siya sa regla at gayon din kapag nahinto siya sa regla bago ng paglampas ng oras ng ṣalāh?
S 31: Una: Ang babae, kapag nagregla siya bago ng pagpasok ng oras: matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh, ay tunay na kinakailangan sa kanya, kapag nahinto siya sa regla, na magbayad sa ṣalāh na iyon na niregla siya sa oras niyon kapag hindi siya nakapagdasal niyon bago dumating sa kanya ang regla. Iyon ay batay sa sabi ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh ay nakaabot nga sa ṣalāh." Kaya kapag nakaabot ang babae mula sa oras ng ṣalāh ng singtagal ng isang rak`ah, pagkatapos nagregla siya bago siya makapagdasal, tunay na siya, kapag nahinto siya sa regla, ay inoobliga ng pagbabayad sa [ṣalāh na] iyon. Ikalawa: Kapag nahinto siya sa pagreregla bago ng paglampas ng oras ng ṣalāh, tunay na kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na iyon. Kung sakaling nahinto siya sa regla bago sumikat ang araw nang singtagal ng isang rak`ah, kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na fajr. Kung sakaling nahinto siya sa regla bago ng paglubog ng araw nang singtagal ng isang rak`ah, kinakakailangan sa kanya ang ṣalāh na `aṣﷺ. Kung sakaling nahinto siya sa regla bago ng hatinggabi nang singtagal ng isang rak`ah, kinakailangan sa kanya ang pagbabayad sa ṣalāh na `ishā̄'. Saka kung nahinto siya sa regla matapos ng hatinggabi, hindi kinakailangan sa kanya ang ṣalāh na `ishā̄' at kailangan sa kanya na magdasal ng fajr kapag dumating ang oras nito. Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿فَإِذَا قَضَيۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمۡۚ فَإِذَا ٱطۡمَأۡنَنتُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا١٠٣﴾[النساء: 103]
{Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103) Ibig sabihin: isang tungkulin tinakdaan ng isang nilimitahang oras na hindi pinapayagan sa tao na magpalampas ng ṣalāh sa oras nito ni na magsimula nito bago ng oras nito.
T 32: Dumating sa akin ang buwanang kinahiratiang regla sa sandali ng ṣalāh. Ano po ang gagawin ko? Magbabayad po ba ako sa ṣalāh para sa yugto ng pagreregla?
S 32: Kapag nangyari ang pagreregla matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh – gaya ng pagreregla kalahating oras matapos ng paglihis ng katanghaliang-tapat, halimbawa – tunay na siya, matapos na nahinto sa pagreregla, ay magbabayad sa ṣalāh na ito na pumasok ang oras nito habang siya ay walang regla. Batay ito sa sabi Niya (napakataas Siya):
﴿... إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا١٠٣﴾[النساء: 103]
{...Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103) Hindi siya magbabayad sa ṣalāh para sa oras ng pagreregla batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mahabang ḥadīth: "HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?" Nagkaisa sa hatol ang mga may kaalaman na siya ay hindi magbabayad sa ṣalāh na nakaalpas sa kanya sa sandali ng yugto ng pagreregla. Hinggil naman sa kapag nahinto siya sa regla at may natitira sa oras [ng isang ṣalāh] nang singtagal ng isang rak`ah o higit pa, tunay na siya ay magdarasal [ng ṣalāh ng] oras na iyon na nahinto siya sa regla roon. Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa `aṣﷺ bago lumubog ang araw ay nakaabot nga sa `aṣﷺ." Kaya kapag nahinto siya sa regla sa oras ng `aṣﷺ o bago ng pagsikat ng araw at may natitira bago ng paglubog ng araw o pagsikat nito nang singtagal ng isang rak`ah, tunay na siya ay magdarasal ng `aṣﷺ sa unang kaso at ng fajr sa ikalawang kaso.
T 33: Ang ina ko ay umabot sa edad na 65 taon. Mayroon siyang 19 taon na hindi siya nagsilang ng mga anak. Ngayon, mayroon siyang pagdurugo na tumagal na ng 3 taon. Ito ay mukhang isang karamdaman na dumating sa kanya sa yugtong iyon. Dahil siya ay sasalubong sa pag-aayuno, papaano ang ipapayo ninyo sa kanya at papaano ang gagawin ng tulad niya?
S 33: Ang hatol sa tulad ng babaing ito na dumanas ng pagdurugo (hemmorage) ay na titigil siya sa ṣalāh at ayuno ayon sa haba ng naunang kinahiratiang regla niya bago ng pangyayaring ito na dinanas niya. Kaya kung bahagi ng kinahiratiang regla niya na ang regla ay dumarating sa kanya sa simula ng bawat buwan sa tagal na 6 araw, halimbawa, tunay na siya ay mananatili sa simula ng bawat buwan sa tagal na 6 araw na hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno, saka kapag nagwakas ito ay magsasagawa siya ng ghusl, makapagdarasal siya, at makapag-ayuno.
Ang pamamaraan ng ṣalāh para sa babaing ito at mga tulad niya ay na siya ay maghuhugas ng ari niya nang lubusan, magtatapal siya rito, at magsasagawa siya ng wuḍū'. Gagawin niya iyon matapos ng pagpasok ng oras ng ṣalāh na tungkulin. Gayon din, gagawin niya iyon kapag nagnais siya na magdasal ng sunnah sa hindi mga oras ng mga ṣalāh na tungkulin.
Sa kalagayang ito, at dahil sa hirap para sa kanya, pinapayagan sa kanya na ipagsama niya ang ṣalāh na ḍ̆uhr sa ṣalāh na `aṣﷺ at ang ṣalāh na maghrib sa ṣalāh na `ishā̄' nang sa gayon ang gawain niyang ito ay iisa para sa dalawang ṣalāh: ang ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣﷺ, iisa para sa dalawang ṣalāh: ang ṣalāh na maghrib at `ishā', at iisa para sa ṣalāh na fajr. Sa halip na gumawa siya niyon nang limang beses, gagawa siya niyon nang tatlong beses. #Uulitin ko ito sa muli kaya magsasabi ako: Kapag nagnanais siya na magsagawa ng ṭahārah, maghuhugas siya ng ari niya, at magtatapal siya rito ng isang pantapal o kawangis nito nang sa gayon mangaunti ang lumalabas. Pagkatapos magsasagawa siya ng wuḍū', magdarasal siya ng ḍ̆uhr na apat na rak`ah, ng `aṣﷺ na apat na rak`ah, ng maghrib na tatlong rak`ah, ng `ishā' na apat na rak`ah, at ng fajr na dalawang rak`ah. Ibig sabihin: siya ay hindi magpapaikli [ng mga ṣalāh] gaya ng inaakala ng ilan sa madla. Subalit pinapayagan sa kanya na magsama ng dalawang ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣﷺ at ng dalawang ṣalāh na maghrib at `ishā'. Ang ḍ̆uhr kasama ng `aṣﷺ ay maaaring pinahuhuli o pinauuna; at gayon din ang maghrib kasama ng `ishā', maaaring pinahuhuli o pinauuna. Kapag nagnais siya na magdasal ng sunnah sa pamamagitan ng wuḍū' na ito, walang maisisisi sa kanya.
T 34: Ano ang hatol sa pananatili ng babae sa Masjid na Pinakababanal (Masjid al-Haram), habang siya ay may regla, para makinig ng mga panayam at mga khuṭbah?
S 34: Hindi pinapayagan sa babaing may regla na manatili sa Masjid na Pinakababanal ni sa iba pa rito na mga masjid subalit pinapayagan sa kanya na dumaan sa masjid, kumuha ng pangangailangan mula rito, at anumang nakawangis niyon, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah nang nag-utos siya rito na maghatid ng khamrah[1]saka nagsabi ito: "Tunay na ito ay nasa masjid at tunay na ako ay may regla." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang pagreregla mo ay hindi nasa kamay mo." Kaya kapag dumaan ang may regla sa masjid, habang siya naman ay ligtas na makapatak ng dugo sa masjid, walang maisisisi sa kanya.
Hinggil naman sa kung siya ay nagnanais na pumasok at manatili, ito ay hindi pinapayagan.
Ang patunay roon ay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos sa mga babae sa ṣalāh sa `īd na lumabas sila patungo sa dasalan ng `īd (ang mga babaing may edad, ang mga birhen, at mga may regla) ngunit siya ay nag-utos na humiwalay ang mga may regla sa dasalan. Kaya nagpatunay iyon na ang may regla ay hindi pinapayagan na manatili sa masjid para makinig ng khuṭbah o makinig ng aralin at mga panayam.
T 35: Ang likido ba na lumalabas mula sa babae – puti man o dilaw – ay ṭāhir (dalisay ayon sa Islām) o najis (marumi ayon sa Islām)? Kinakailangan ba rito ang wuḍū' sa kabila ng pagkakaalam na ito ay lumalabas nang tuluy-tuloy? Ano ang hatol kapag ito ay naging paputul-putol, lalo na at ang karamihan sa mga babae – higit sa lahat ang mga edukada – ay nagtuturing doon bilang isang likas na pamamasa (wetness), na hindi inoobliga dahil dito ang wuḍū'?
S 35: Ang hayag sa akin matapos ng pagsasaliksik ay na ang likidong lumalabas mula sa babae – kapag hindi ito lumalabas mula sa pantog (bladder) at lumalabas lamang mula sa matris – ay ṭāhir subalit ito ay nakasisira sa wuḍū' kahit pa ito ay ṭāhir dahil hindi isinasakundisyon sa tagasira ng wuḍū' na ito ay maging isang najis. Ang utot nga ay lumalabas mula sa anus gayong wala itong katawan at sa kabila niyon ay nakasisira sa wuḍū'.
Batay rito, kapag lumabas iyon mula sa babae habang siya ay may wuḍū', tunay na iyon ay nakasisira ng wuḍū'. Kailangan sa kanya ang magpanibago nito.
Kung iyon ay naging tuluy-tuloy, tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū' subalit magsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh kapag pumasok ang oras niyon, magdarasal siya sa oras na ito na pinagsagawaan niya ng wuḍū' para sa ṣalāh na mga tungkulin at mga sunnah, makapagbabasa siya ng Qur'ān, at makagagawa siya ng niloob niya mula sa anumang pinapayagan sa kanya. Nagsabi rin ang mga may kaalaman ng tulad nito kaugnay sa sinumang may kawalan ng pagpigil ng ihi. Ito ay ang hatol sa likido: sa punto ng ṭahārah, iyon ay ṭāhir; at sa punto ng pagsira niyon sa wuḍū', iyon ay tagasira ng wuḍū', maliban na iyon ay maging tuluy-tuloy sa kanya. Kung iyon ay naging tuluy-tuloy, tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū' subalit kailangan sa babae na magsagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh maliban sa matapos ng pagpasok ng oras at na magtatapal siya.
Hinggil naman sa kung ito ay napuputol at naging bahagi ng kinahiratiang regla nito na maputol ito sa mga oras ng ṣalāh, tunay na siya ay magpapahuli ng ṣalāh hanggang sa oras na napuputol ito hanggat hindi siya natatakot sa pagkalampas ng oras; ngunit kung natatakot siya sa pagkalampas ng oras, tunay na siya ay magsasagawa ng wuḍū', magtatapal siya, at pagkatapos ay magdarasal.
Walang kaibahan sa pagitan ng kaunti at marami sapagkat ito sa kabuuan nito ay lumalabas mula sa labasan ng ihi kaya nakasisira ang kaunti nito at ang marami nito, na kasalungatan naman sa lumalabas mula sa nalalabing bahagi ng katawan gaya ng dugo at suka sapagkat tunay na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū': hindi ang kaunti niyon at hindi ang marami niyon.
Hinggil naman sa paniniwala ng ilan sa mga babae na iyon ay hindi nakasisira ng wuḍū', ito ay wala akong nalalamang batayan maliban sa isang sabi ni Ibnu Ḥazm (kaawaan siya ni Allāh) sapagkat tunay na siya ay nagsabi: "Tunay na ito ay hindi nakasisira ng wuḍū'" subalit siya ay hindi bumanggit para rito ng isang patunay. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah o sa mga sabi ng mga Kasamahan, talaga sanang ito ay naging isang katwiran.
Kailangan sa babae na mangilag magkasala kay Allāh at magsigasig sa ṭahārah niya sapagkat tunay na ang ṣalāh ay hindi tinatanggap nang walang ṭahārah kahit pa man magdasal siya ng isandaang beses. Bagkus tunay na ang ilan sa mga maalam ay nagsasabi: "Tunay na ang nagdarasal nang walang ṭahārah ay tumatangging sumampalataya dahil ito ay bahagi ng pangungutya sa mga tanda ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya)."
T 36: Kapag nagsagawa ng wuḍū' para sa isang ṣalāh na tungkulin ang babae na lumalabas mula sa kanya ang likido nang tuluy-tuloy, natutumpak ba sa kanya na magdasal ng niloob niya na mga sunnah o magbasa ng Qur'ān sa pamamagitan ng wuḍū' ng ṣalāh na tungkulin na iyon hanggang sa oras ng kasunod na ṣalāh na tungkulin?
S 36: Kapag nagsagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh na tungkulin mula sa simula ng oras, ukol sa kanya na magdasal ng anumang niloob niya na ṣalāh na mga tungkulin at mga sunnah at magbasa ng Qur'ān hanggang sa pumasok ang oras ng ibang ṣalāh.
T 37: Natutumpak ba na magdasal ang babaing iyon ng ṣalāh na ḍuḥā sa pamamagitan ng wuḍū' para sa fajr?
S 37: Hindi natutumpak iyon dahil ang ṣalāh na ḍuḥā ay tinakdaan ng oras kaya hindi makaiiwas sa pagsasagawa ng wuḍū' para rito matapos ng pagpasok ng oras nito dahil ang babaing ito ay gaya ng may istiḥāḍah. Nag-utos nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa may istiḥāḍah na magsagawa ito ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh.
Ang oras ng ḍ̆uhr ay mula sa paglihis ng katanghaliang-tapat hanggang sa oras ng `aṣﷺ.
Ang oras ng `aṣﷺ ay mula sa pagkalampas ng oras ng ḍ̆uhr hanggang sa paninilaw ng araw at bago ng pagkalubog ng araw.
Ang oras ng maghrib ay mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa paglaho ng takipsilim.
Ang oras ng `ishā’ ay mula sa paglaho ng takipsilim hanggang sa hatinggabi.
T 38: Natutumpak ba na magdasal ang babaing ito ng tahajjud kapag nagwakas ang hatinggabi sa pamamagitan ng wuḍū' ng `ishā'?
S 38: Hindi. Kapag nagwakas ang hatinggabi, kinakailangan sa kanya na magpanibago ng wuḍū'. Sinabi ring hindi inoobliga sa kanya na magpanibago ng wuḍū'. Ito ang matimbang.
T 39: Ano ang kahuli-hulihang oras ng ṣalāh na `ishā'? Papaano maaaring makaalam nito?
S 39: Ang kahuli-hulihang oras ng ṣalāh na `ishā' ay ang hatinggabi. Nalalaman iyon sa pamamagitan ng paghati sa dalawang hati [ng mga oras] sa pagitan ng paglubog ng araw at pagsapit ng madaling-araw. Ang unang kalahati ay natatapos rito ang oras ng `ishā' at natitira ang huling kalahati ng gabi; hindi ito oras ng ṣalāh, bagkus patlang sa pagitan ng `ishā' at fajr.
T 40: Kapag nakapagsagawa ng wuḍū' ang babaing lumalabas mula sa kanya ang likido nang paputul-putol at matapos ng pagkasagawa niya ng wuḍū' at bago ng ṣalāh niya ay muli na namang lumabas ito, ano ang kailangan sa kanya?
S 40: Kapag ito ay paputul-putol, maghintay siya hanggang sa dumating ang oras na napuputol ito roon. Kapag naman siya ay hindi nagkaroon ng isang malinaw na kalagayan, na minsan ay lumalabas at minsan ay hindi, siya ay magsasagawa ng wuḍū' matapos ng pagpasok ng oras at magdarasal; at walang anumang kailangan sa kanya.
T 41: Ano ang inoobliga para sa nabahiran ang katawan o ang damit mula sa likidong iyon?
S 41: Kapag ito ay ṭāhir, tunay na walang inoobliga sa kanya na anuman. Kapag ito ay najis – ito ang lumalabas mula sa pantog – tunay na kinakailangan sa kanya na maghugas nito.
T 42: Kaugnay sa wuḍū' dahil sa likidong iyon, sasapat ba ang paghuhugas ng mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' lamang?
S 42: Oo, sasapat iyon kaugnay sa anumang siyang ṭāhir, na lumalabas mula sa matris hindi mula sa pantog.
T 43: Ano ang kasanhian hinggil sa hindi pagkapaabot buhat sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang ḥadīth na nagpapatunay sa pagkasira ng wuḍū' dahil sa likidong iyon gayong ang mga babaing kasamahan ay nagsisigasig noon sa paghiling ng fatwā sa mga nauukol sa relihiyon nila?
S 43: Dahil ang likido ay hindi dumarating sa bawat babae.
T 44: Ang sinumang kabilang sa mga babae na hindi nagsasagawa ng wuḍū' dahil sa kawalang-kaalaman niya ay ano ang kailangan sa kanya?
S 44: Kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at magtanong sa mga may kaalaman hinggil doon.
T 45: May nag-uugnay sa iyo ng pahayag hinggil sa hindi pagsasagawa ng wuḍū' dahil sa likidong iyon?
S 45: Ang nag-uugnay buhat sa akin ng pahayag na ito ay hindi tapat. Ang hayag ay na siya ay nakaintindi mula sa sabi ko na tunay na ito ay ṭāhir, na ito ay hindi nakasisira ng wuḍū'.
T 46: Ano ang hatol sa likidong malakayumanggi na lumalabas mula sa babae isang araw o humigit-kumulang bago ng pagreregla, at maaaring ang lumalabas ay maging nasa isang anyong sinulid na manipis na itim o kayumanggi o tulad niyon? Ano ang hatol kung sakaling ito ay matapos ng pagreregla?
S 46: Ito, kapag ito ay kabilang sa mga pasimula ng pagreregla, ay regla. Nalalaman iyon sa pamamagitan ng mga pananakit at kabag na dumarating sa may regla sa kinahiratian.
Hinggil naman sa likidong malakayumanggi matapos ng regla, maghihintay siya hanggang sa maglaho ito dahil ang likidong malakayumanggi na karugtong sa regla ay regla. Batay ito sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Huwag kayong magmadali hanggang sa makakita kayo ng puting malauhog." Si Allāh ay higit na maalam.
*
T 47: Papaanong magdarasal ang may regla ng dalawang rak`ah para sa iḥrām? Pinapayagan ba sa babaing may regla ang pag-uulit-ulit ng pagsambit ng mga talata ng Marangal na Qur'ān nang palihim o hindi?
S 47: Una: Nararapat na malaman natin na ang iḥrām ay walang ṣalāh para rito sapagkat tunay na hindi nasaad buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabatas sa Kalipunan niya ng isang ṣalāh para sa iḥrām: hindi sa sabi niya, hindi sa gawa niya, at hindi sa pagsang-ayon niya. Ikalawa: Tunay na ang may reglang babaing ito na nagregla bago magsagawa ng iḥrām ay maaari sa kanya na magsagawa ng iḥrām habang siya ay may regla dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos kay Asmā' bint `Umays na maybahay ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) nang nagkaroon siya ng nifās sa Dhulḥulayfah. Nag-utos ito sa kanya na magsagawa siya ng ghusl, magpasador siya ng isang tela, magsagawa siya ng iḥrām – ganito ang may regla rin – manatili siya sa iḥrām niya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsagawa siya ng ṭawāf sa Ka`bah at magsagawa siya ng sa`y.
Hinggil sa sabi niya sa tanong: Ukol ba sa kanya na magbasa ng Qur'ān? Oo, ang may regla ay may karapatan na magbasa ng Qur'ān sa sandali ng pangangailangan o kapakanan. Hinggil naman sa walang pangangailangan o kapakanan, na nagnanais lamang siya na magbasa nito bilang pagpapakamananamba at bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh, ang pinakamaganda ay hindi siya magbasa nito.
T 48: May nagbiyahe na isang babae para sa ḥajj at dinatnan siya ng buwanang kinahiratiang regla niya magmula ng limang araw mula sa petsa ng biyahe niya. Matapos ng pagdating niya sa mīqāt, nagsagawa siya ng ghusl at nagpasya siyang magsagawa ng iḥrām samantalang siya ay hindi pa nahinto mula sa kinahiratiang regla. Nang pagdating niya sa Makkah Mukarramah, nanatili siya sa labas ng Ḥaram at hindi siya gumawa ng anuman sa mga gawain ng ḥajj o `umrah. Nanatili siya sa Minā nang dalawang araw. Pagkatapos nahinto siya sa regla, nagsagawa siya ng ghusl, at nagsagawa siya ng lahat ng mga gawain ng `umrah habang siya ay walang regla. Pagkatapos nanumbalik ang pagdurugo sa kanya habang siya ay nasa ṭawāf ng ifāḍah para sa ḥajj ngunit siya ay nahiya at kumumpleto ng mga gawain ng ḥajj. Hindi siya nagpabatid nito sa walīy niya malibang matapos ng pagdating niya sa bayan niya. Ano ang hatol doon?
S 48: Ang hatol kaugnay rito ay na ang pagdurugo na dinanas niya sa ṭawāf ng ifāḍah, kapag ito ay pagdurugo ng regla na nakaaalam siya sa kalikasan nito at mga pananakit nito, tunay na ang ṭawāf ng ifāḍah ay hindi natumpak. Inoobliga sa kanya na manumbalik sa Makkah upang magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah kaya magsasagawa siya ng iḥrām ng `umrah mula sa mīqāt, magsasagawa siya ng `umrah na may ṭawāf at sa`y, at magpapaikli siya ng buhok, pagkatapos magsasagawa siya ng ṭawāf ng ifāḍah.
Hinggil naman sa kapag ang pagdurugong ito ay hindi pagdurugo ng regla, ang dugong likas na nakikilala, at lumitaw lamang ito dahil sa katindihan ng siksikan o pagkasindak o anumang nakawangis niyon, tunay na ang ṭawāf niya ay natutumpak sa ganang hindi nagsasakundisyon ng ṭahārah sa pagsasagawa ng ṭawāf.
Kung hindi maaari sa kanya ang bumalik sa unang kaso yayamang siya ay nasa isang malayong bayan, ang ḥajj niya ay tumpak dahil siya ay hindi nakakakaya ng higit pa kaysa sa nagawa niya.
T 49: May dumating na isang babaing nagsagawa ng iḥrām ng `umrah at matapos ng pagdating niya sa Makkah ay niregla siya samantalang ang maḥram niya ay napilitang magbiyahe kaagad at wala siyang isang kasama sa Makkah. Ano po ang hatol?
S 49: Magbibyahe siya kasama niyon at mananatili siya sa iḥrām niya, pagkatapos babalik siya kapag nahinto siya sa regla. Ito ay kapag siya ay nasa Kaharian ng Saudi Arabya dahil ang pagbabalik ay madali at hindi nangangailangan ng pagpapakapagod ni ng pasaporte at tulad nito.
Kapag naman siya ay isang dayuhan at hihirap sa kanya ang pagbabalik, tunay na siya ay magtatapal (napkin), magsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa ng sa`y, magpapaikli ng buhok, at tatapos ng `umrah niya sa mismong biyahe dahil ang ṭawāf niya sa sandaling iyon ay naging isang pangangailangan at ang pangangailangan ay nagpapahintulot ng ipinagbabawal.
T 50: Ano po ang hatol sa babaing Muslim na nagregla sa mga araw ng ḥajj niya? Makasapat po ba sa kanya ang ḥajj na iyon?
S 50: Ito ay hindi maaaring masagot malibang malaman kung kailan siya nagregla. Iyon ay dahil sa ang ilan sa mga gawain ng ḥajj ay hindi nahahadlangan ng regla samantalang ang iba sa mga ito ay nahahadlangan nito. Ang ṭawāf ay hindi niya maaaring isagawa malibang habang siya ay walang regla. Ang anumang iba roon kabilang sa mga gawain ng ḥajj ay maaaring gawin kasabay ng pagreregla.
T 51: Talaga ngang nagsagawa ako ng pagtupad sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj noong nakaraang taon. Tumupad ako sa lahat ng mga gawain ng ḥajj bukod sa ṭawāf ng ifāḍah at ṭawāf ng pamamaalam yayamang may isang maidadahilang legal na humadlang sa akin sa dalawang ito. Bumalik ako sa bahay ko sa Madīnah sa kundisyon na manumbalik ako isang araw upang magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah at ṭawāf ng pamamaalam. Dahil sa isang kamangmangan mula sa akin, kumalas nga ako mula sa bawat bagay [na bawal sa sandali ng iḥrām] at gumawa ako ng bawat bagay na ipinagbabawal sa sandali ng iḥrām. Nagtanong ako tungkol sa pagbabalik ko upang magsagawa ng ṭawāf ngunit sinabi sa akin: "Hindi natutumpak para sa iyo na magsagawa ng ṭawāf sapagkat nakasira ka na nito. Kailangan sa iyo ang pag-uulit, ibig sabihin: ang pag-uulit ng ḥajj sa muli sa darating na taon kalakip ng pag-aalay ng isang babaing baka o isang babaing kamelyo. Kaya ito po ba ay tumpak? Mayroon po bang iba pang solusyon? At ano po iyon? Nasira po ba ang ḥajj ko? Kailangan po ba sa akin ang pag-uulit nito? Magpabatid po kayo sa akin tungkol sa kinakailangang gawin. Pagpalain po kayo ni Allāh.
S 51: Ito rin ay kabilang sa kasawian na nangyayari mula sa fatwā nang walang kaalaman. Ikaw sa kalagayang ito ay nangangailangan na bumalik sa Makkah at magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah lamang. Hinggil naman sa ṭawāf ng pamamaalam, hindi kailangan sa iyo ang ṭawāf ng pamamaalam hanggat ikaw ay may regla sa sandali ng paglabas mula sa Makkah. Iyon ay dahil ang may regla ay hindi inoobliga sa kanya ang ṭawāf ng pamamaalam. Batay ito sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa gawain nila ay [ṭawāf] sa Bahay [ni Allāh] ngunit siya ay nagpaumanhin sa may regla." Sa isang salaysay ni Imām Abū Dāwud: "...na ang kahuli-hulihan sa gawain nila sa Bahay [ni Allāh] ay ang ṭawāf." Ito ay dahil sa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong ipinabatid sa kanya na si Ṣafīyah ay nagsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah, ay nagsabi: "Kaya makahahayo na siya, samakatuwid." Kaya nagpatunay ito na ang ṭawāf ng pamamaalam ay pinalalampas sa may regla. Hinggil naman sa ṭawāf ng ifāḍah, walang pag-iwas sa iyo rito. Yayamang kumalas ka mula sa bawat bagay [na bawal sa sandali ng iḥrām] dahil sa kamangmangan, tunay na ito ay hindi makapipinsala sa iyo dahil ang mangmang na gumagawa ng isang anuman mula sa mga ipinagbabawal sa iḥrām ay walang anuman sa kanya. Batay ito sa sabi Niya (napakataas Siya):
﴿... رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذۡنَآ إِن نَّسِينَآ أَوۡ أَخۡطَأۡنَاۚ ...﴾[البقرة: 286]
{Panginoon namin, huwag Kang manisi sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} (Qur'ān 2:286) Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya): "Ginawa Ko nga." Ang sabi pa Niya:
﴿...لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٞ فِيمَآأَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡقُلُوبُكُمۡۚ...﴾[الأحزاب: 5]
{Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo.} (Qur'ān 33:5) Kaya ang lahat ng mga ipinagbabawal na pinigil ni Allāh (napakataas Siya) sa nagsagawa ng iḥrām, kapag nakagawa siya nito, habang di-nakaaalam o nakalilimot o napipilitan, ay walang anuman sa kanya; subalit kapag naglaho ang naidadahilan niya, kinakailangan sa kanya na kumalas buhat sa anumang ikinalito niya.
T 52: Ang babaing may nifās – kapag nagsimula ang nifās niya sa araw ng tarwiyah at nakakumpleto siya ng mga haligi ng ḥajj bukod sa ṭawāf at sa`y ngunit siya ay nakapansin na siya ay nahinto sa regla sa simula pa matapos ng 10 araw – ay magsasagawa ba ng ṭahārah, magsasagawa ng ghusl, at magsasagawa ng natitirang haligi ng ḥajj, na siyang ṭawāf ng ḥajj?
S 52: Hindi pinapayagan sa kanya na magsagawa ng ghusl at magsagawa ng ṭawāf hanggang sa makatiyak siya sa kawalang-regla. Ang naiintidihan mula sa tanong nang nagsabi siya ng "sa simula pa" ay na siya ay hindi nakakita sa kawalang-regla nang kumpleto ngunit walang makaiiwas na makakita siya ng kawalang-regla nang kumpleto. Kapag nahinto siya sa regla, magsasagawa siya ng ghusl at magsasagawa ng ṭawāf at sa`y.
Kung nagsagawa siya ng sa`y bago ng ṭawāf, walang maisisisi dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinanong kaugnay sa ḥajj tungkol sa sinumang nagsagawa ng sa`y bago magsagawa ng ṭawāf saka nagsabi naman siya na walang maisisisi.
T 53: May isang babaing nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj mula sa Sayl habang siya ay may regla. Noong nakarating siya sa Makkah, pumunta siya sa Jeddah dahil sa isang pangangailangan niya. Nahinto siya sa regla sa Jeddah, nagsagawa siya ng ghusl, at nagsuklay siya ng buhok niya, pagkatapos nilubos niya ang ḥajj niya. Kaya ang ḥajj niya ay tumpak ba? May inoobliga ba sa kanya na anuman?
S 53: Ang ḥajj niya ay tumpak at walang anumang kailangan sa kanya.
T 54: Ako ay papunta sa `umrah. Dumaan ako sa mīqāt habang ako ay may regla kaya hindi ako nagsagawa ng iḥrām. Nanatili ako sa Makkah hanggang sa nahinto ako sa regla saka nagsagawa ako ng iḥrām sa Makkah. Kaya ito ba ay pinapayagan? O ano ang gagawin ko? Ano ang kailangan sa akin?
S 54: Ang gawaing ito ay hindi pinapayagan. Ang babaing nagnanais magsagawa ng `umrah ay hindi pinapayagan na lumampas sa mīqāt malibang nasa iḥrām, kahit pa siya ay may regla. Tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām habang siya ay may regla. Magaganap ang iḥrām niya at magiging tumpak. Ang patunay para roon ay na si Asmā' bint `Umays na maybahay ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nanganak samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanunuluyan sa Dhulḥulayfah, na nagnanais magsagawa ng Ḥajj ng Pamamaalam. Nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Papaano po ang gagawin ko?" Nagsabi naman siya: "Magsagawa ka ng ghusl, magpasador ka ng isang tela, at magsagawa ka ng iḥrām." Ang pagdurugo ng regla ay gaya ng pagdurugo ng nifās. Kaya magsasabi tayo sa babaing may regla kapag dumaan siya sa mīqāt at siya ay nagnanais na magsagawa ng `umrah o ḥajj: "Magsagawa ka ng ghusl, magpasador ka ng isang tela, at magsagawa ka ng iḥrām." Ang pagpapasador ay nangangahulugan na siya ay maglalagay sa ari niya ng napkin at magdidikit nito, pagkatapos magsasagawa ng iḥrām, maging sa ḥajj man o `umrah, subalit siya, kapag nakapagsagawa ng iḥrām at nakarating sa Makkah, ay hindi pupunta sa Bahay [ni Allāh] at hindi magsasagawa ng ṭawāf doon hanggang sa mahinto siya sa regla. Dahil dito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah nang nagregla ito sa sandali ng pagsasagawa ng `umrah: "Gumawa ka ng ginagawa ng mga tagapagsagawa ng ḥajj ngunit huwag kang magsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa mahinto ka sa regla." Ito ay salaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy rin: "Bumanggit si `Ā'ishah na siya, noong nahinto sa regla, ay nagsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] at ng sa`y sa Ṣafā at Marwah." Kaya nagpatunay ito na ang babae, kapag nagsagawa ng iḥrām ng ḥajj o `umrah habang siya ay may regla o dinatnan siya ng regla bago ng pagsasagawa ng ṭawāf, ay hindi magsasagawa ng ṭawāf at hindi magsasagawa ng sa`y hanggang sa mahinto siya sa regla at makapagsagawa ng ghusl.
Kung sakali namang nagsagawa siya ng ṭawāf habang siya ay walang regla at matapos na nakatapos siya ng pagsasagawa ng ṭawāf ay dinatnan naman siya ng regla, tunay na siya ay magpapatuloy, magsasagawa ng sa`y kahit pa man sa kanya ay may regla, magpuputol ng buhok niya, at tatapos ng `umrah niya dahil ang sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah ay hindi isinasakundisyon para rito ang ṭahārah.
T 55: Talaga ngang dumating ako at ang maybahay ko mula sa Yanbu para magsagawa ng `umrah subalit nang pagdating ko sa Jeddah ay nagregla ang maybahay ko subalit ako ay nakakumpleto ng `umrah nang mag-isa, na wala ang maybahay ko. Kaya ano ang hatol kaugnay sa maybahay ko?
S 55: Ang hatol kaugnay sa maybahay mo ay na manatili siya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsasagawa siya ng `umrah niya. Ito ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagregla si Ṣafīyah (malugod si Allāh dito), ay nagsabi: "Mag-aantala ba sa atin siya?" Nagsabi sila: "Tunay na siya ay nagsagawa na ng ṭawāf ng ifāḍah." Nagsabi naman siya: "Kaya makahahayo na siya, samakatuwid." Kaya ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-aantala ba sa atin siya?" ay isang patunay na kinakailangan sa babae na manatili – kapag nagregla ito bago ng ṭawāf ng ifāḍah – hanggang sa mahinto ito sa regla, pagkatapos magsasagawa ito ng ṭawāf.
Gayon din ang ṭawāf ng `umrah, tulad ito ng ṭawāf ng ifāḍah dahil ito ay isang haligi ng `umrah. Kaya kapag nagregla ang tagapagsagawa ng `umrah bago ng pagsasagawa ng ṭawāf, maghihintay siya hanggang sa mahinto siya sa regla, pagkatapos magsasagawa siya ng ṭawāf.
T 56: Ang mas`ā (pinagsasagawaan ng sa`y) ay bahagi ba ng Ḥaram? Lalapit ba roon ang may regla? Kinakailangan ba sa sinumang pumasok sa Ḥaram mula sa mas`ā na magdasal ng ṣalāh ng pagbati sa masjid?
S 56: Ang lumilitaw ay na ang mas`ā ay hindi bahagi ng Ḥaram. Dahil doon, gumawa sila ng isang pader na naghihiwalay sa pagitan ng mas`ā at Ḥaram subalit ito ay isang maikling pader. Walang duda na ito ay mabuti para sa mga tao dahil kung sakaling ipinasok ito sa Ḥaram at ginawang bahagi nito, talaga sanang ang babae, kapag nagregla siya sa pagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf at sa`y, ay mapipigilan na magsagawa ng sa`y.
Ang maibibigay ko na fatwā ay na siya – kapag nagregla siya matapos ng pagsasagawa ng ṭawāf at bago ng pagsasagawa ng sa`y – ay magsasagawa ng sa`y dahil ang mas`ā ay hindi itinuturing na bahagi ng Ḥaram.
Hinggil naman sa ṣalāh ng pagbati sa masjid, sinasabi nga: "Tunay na ang tao – kapag nagsagawa siya ng sa`y matapos ng ṭawāf, pagkatapos nanumbalik siya sa masjid – ay magdarasal niyon. Kung sakali namang nakaiwan siya ng ṣalāh ng pagbati sa masjid, walang anuman sa kanya. Ang pinakamainam ay na samantalahin niya ang pagkakataon at magdasal siya ng dalawang rak`ah dahil sa dulot ng ṣalāh sa lugar na ito na kainaman.
T 57: Nagsagawa ako ng ḥajj at dumating sa akin ang buwanang dalaw ngunit nahiya ako na magpabatid sa isa man. Pumasok ako sa Ḥaram saka nagdasal ako, nagsagawa ako ng ṭawāf, at nagsagawa ako ng sa`y. Kaya ano po ang kailangan sa akin, sa pagkakaalam na dumating ito matapos ng nifās?
S 57: Hindi ipinahihintulot sa babae, kapag siya ay may regla o may nifās, na magdasal, maging sa Makkah man o sa bayan niya o sa alinmang lugar. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa babae: "HIndi ba kapag nagregla siya ay hindi siya magdarasal at hindi siya mag-aayuno?" Nagkaisa nga ang mga Muslim sa hatol na hindi ipinahihintulot sa isang may regla na mag-ayuno at hindi ipinahihintulot sa kanya na magdasal.
Kailangan sa babae na gumawa niyon na magbalik-loob kay Allāh at na humingi ng tawad dahil sa naganap sa kanya.
Hinggil naman sa pagsasagawa ng ṭawāf niya sa kalagayan ng pagreregla, ito ay hindi tumpak. Hinggil naman sa pagsasagawa ng sa`y niya, tumpak ito dahil ang matimbang na pahayag ay ang pagpayag sa pagpapauna ng sa`y sa ṭawāf sa ḥajj. Batay rito, kinakailangan sa kanya na mag-ulit ng pagsasagawa ng ṭawāf dahil ang ṭawāf ng ifāḍah ay isang haligi mula sa mga haligi ng ḥajj. Hindi maisasagawa ang ikalawang pagkalas [sa iḥrām] malibang sa pamamagitan nito.
Sa pagbase rito, tunay na ang babaing ito ay hindi makikipagtalik sa asawa niya – kung siya ay nakapag-asawa – hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf at hindi magpapakasal – kung siya ay hindi nakapag-asawa – hanggang sa makapagsagawa siya ng ṭawāf. Si Allāh (napakataas Siya) ay pinakamaalam.
T 58: Kapag nagregla ang babae sa Araw ng `Arafah, ano ang gagawin niya?
S 58: Kapag nagregla ang babae sa Araw ng `Arafah, tunay na siya ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng ḥajj, gagawa ng ginagawa ng mga tao, at hindi magsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa mahinto siya sa regla.
T 59: Kapag nagregla ang babae matapos ng pagbato sa Jamrah Al-`Aqabah at bago magsagawa ng ṭawāf ng ifāḍah habang siya ay nakaugnay sa asawa niya kasama sa isang pangkatin, ano ang kailangan sa kanya na gawin kalakip ng pagkakaalam na hindi maaari sa kanya ang bumalik matapos ng paglalakbay niya?
S 59: Kapag hindi maaari sa kanya ang bumalik, tunay na siya ay magpapakaingat, pagkatapos magsasagawa ng ṭawāf dahil sa pangangailangan at walang anumang kailangan pa sa kanya, at magkukumpleto ng nalalabi sa mga gawain ng ḥajj.
T 60: Kapag nahinto sa pagdurugo ang may nifās bago ng 40 araw, tutumpak ba ang ḥajj niya? Kapag hindi siya nakita ng paghinto ng pagdurugo, ano ang gagawin niya kalakip ng pagkakaalam na siya ay naglalayon ng pagsasagawa ng ḥajj?
S 60: Kapag nahinto sa pagdurugo ang may nifās bago ng 40 araw, tunay na siya ay magsasagawa ng ghusl, magdarasal, at gagawa ng ginagawa ng mga walang regla hanggang sa magsagawa ng ṭawāf dahil ang nifās ay walang limit sa pinakakaunting araw nito. Hinggil naman sa kapag hindi siya nakakita ng paghinto ng pagdurugo, tunay na ang ḥajj niya ay tumpak din subalit hindi siya magsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa mahinto siya sa pagdurugo dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumigil sa may regla sa pagsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] at ang nifās ay tulad ng regla kaugnay rito.
Pauna. 4
sa Regla Kaugnay sa Pagdarasal at Pag-aayuno. 6
Ilan sa mga Patakaran sa Ṭahārah sa Ṣalāh. 35
Ilan sa mga Patakaran sa Pagreregla Kaugnay sa Ḥajj at `Umrah. 42
Talaan ng mga Nilalaman. 55
[1] Ang khamrah ay karpet na pinagpapatirapaan ng nagdarasal. Tinawag ito na khamrah dahil ito ay nagtatabon ng mukha, ibig sabihin: nagtatakip.