Ang Relihiyon ng Katotohanan ()

Abdur Rahman bin Hamad Al-Umar

 

Ang Relihiyon ng Katotohanan

|


  

  

 Ang Relihiyon ng Katotohanan

  

Akda ng Kainaman ni Shaykh

`Abdurraḥmān bin Ḥammād Al-`Umar


Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain

 Ang Panimula at ang Paghahandog

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa lahat ng mga sugo ni Allāh. Sa pagsisimula...

Ito ay isang paanyaya tungo sa kaligtasan, na inihahain ko sa bawat nakapag-uunawa sa Kairalan, lalaki man o babae, habang nag-aasam kay Allāh, ang Mataas, ang May-kakayahan, na magpaligaya Siya sa pamamagitan nito sa sinumang naligaw sa landas at gumantimpala Siya sa akin at sa bawat sinumang nakilahok sa paglathala nito ng pinakamasaganang gantimpala. Sinasabi ko habang si Allāh ang pinagpapatulungan:

Alamin mo, o taong nakapag-uunawa, na walang kaligtasan at walang kaligayahan para sa iyo sa buhay na ito at sa buhay na pangkabilang-buhay matapos ng kamatayan malibang kapag nakakilala ka sa Panginoon mo na lumikha sa iyo, sumampalataya ka sa Kanya, at sumamba ka sa Kanya lamang; kapag nakakilala ka sa Propeta mo, na ipinadala ng Panginoon mo sa iyo at sa lahat ng mga tao, saka sumampalataya ka sa kanya at sumunod ka sa kanya; at kapag napag-alaman mo ang Relihiyon ng Katotohanan na ipinag-utos sa iyo ng Panginoon mo, sumampalataya ka rito, at gumawa ka ayon dito.

Ang aklat na ito na nasa pagitan ng mga kamay mo, Ang Relihiyon ng Katotohanan, ay naglalaman ng paglilinaw para sa mga dakilang bagay-bagay na ito, na kinakailangan sa iyo ang makaalam nito at ang gumawa ayon dito. Binanggit nga sa talababa ang kakailanganin ng ilan sa mga salita at mga usapin na karagdagan ng paglilinaw, na sumasalig doon sa kabuuan niyon sa pananalita ni Allāh (napakataas Siya) at mgaḥadīth ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ang dalawang ito ang kaisa-isang sanggunian ng Relihiyon ng Katotohanan na hindi tumatanggap si Allāh mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito.

Iniwan ko na ang bulag na paggaya-gaya na nagligaw sa marami sa mga tao; bagkus bumanggit ako ng isang kabuuan ng mga sektang naligaw na nag-aangkin na ang mga ito ay nasa katotohanan, samantalang ang mga ito ay malalayo roon, upang makapag-ingat sa mga ito ang mga mangmang sa kalagayan ng mga ito kabilang sa mga kaanib ng mga ito at iba pa sa kanila. Si Allāh ay kasapatan sa akin at kay inam ang Pinananaligan!

Sinabi ito at isinulat ito ng nangangailangan ng paumanhin ni Allāh (napakataas Siya) na si

`Abdurraḥmān bin Ḥammād Al-`Umar

Propesor sa mga Kaalamang Panrelihiyon


 Ang Unang Kabanata: Ang Pagkakilala kay Allāh,[1] ang Tagalikhang Sukdulan

Alamin mo, O taong nakapag-uunawa, na ang Panginoon mo na lumikha sa iyo mula sa kawalan at nag-alaga sa iyo sa pamamagitan ng mga biyaya ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang mga nakapag-uunawang mananampalataya kay Allāh Ta`ālā[1]ay hindi nakakita sa Kanya sa pamamagitan ng mga mata nila subalit sila ay nakakita sa mga patotoong nagpapatunay sa kairalan Niya at na Siya ay ang Tagalikhang Tagapangasiwa ng lahat ng mga umiiral, kaya nakakilala sila sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Kabilang sa mga patotoong ito:

 Ang Unang Patotoo:

Ang Sansinukob, ang tao, at ang buhay, ang mga ito ay mga bagay na nangyayari na may simula at katapusan at nangangailangan sa iba pa. Ang nangyayari at ang nangangailangan sa iba pa ay hindi makaiiwas na ito ay isang nilikha. Ang nilikha ay hindi makaiiwas na may tagalikha. Ang Tagalikhang Sukdulang ito ay si Allāh. Si Allāh ay ang nagpabatid tungkol sa banal na sarili Niya, na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapangasiwa sa lahat ng mga umiiral. Ang pagpapabatid na ito ay dumating mula kay Allāh (napakataas Siya) sa mga kasulatan Niya na pinababa Niya sa mga sugo Niya.

Nagpaabot nga ang mga sugo ni Allāh ng pananalita Niya sa mga tao. Nag-anyaya sila sa mga ito tungo sa pananampalataya sa Kanya lamang. Nagsabi si Allāh sa Aklat Niya, ang Dakilang Qur'ān:

﴿إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ﴾ [الأعراف:54].

{Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 7:54)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Marangal na Talata:

Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa mga tao sa kalahatan na Siya ay Panginoon nila na lumikha sa kanila at lumikha sa mga langit at lupa sa anim na araw;[2]at nagpapabatid Siya na Siya ay lumuklok[3]sa trono Niya.

Ang trono ay nasa ibabaw ng mga langit. Ito ay ang pinakamataas sa mga nilikha at ang pinakamalawak sa mga ito. Si Allāh ay nasa ibabaw ng tronong ito habang Siya ay kasama ng lahat ng mga nilikha sa kaalaman Niya, pagdinig Niya, at pagkakita Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa kanila. Nagpapabatid si Allāh (kapita-pitagan ang pumapatungkol sa Kanya) na Siya ay gumawa sa gabi na bumabalot sa maghapon sa pamamagitan ng dilim niyon at sumusunod dito nang nagmamabilis. Nagpapabatid Siya na Siya ay lumikha ng araw, buwan, at mga bituin, at gumawa ng mga ito sa kalahatan bilang mga pinaamo na umiinog sa mga orbita ng mga ito ayon sa utos Niya. Nagpapabatid Siya na sa Kanya lamang ang paglikha at ang pag-uutos, na Siya ay ang Sukdulan, ang Lubos sa sarili Niya at mga katangian Niya, na nagbibigay ng maraming kabutihang palagian, at na Siya ay ang Panginoon ng mga nilalang, na lumikha sa kanila at nag-alaga sa kanila sa pamamagitan ng mga biyaya.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمِنْ آيَاتِهِ اللَّيْلُ وَالنَّهَارُ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ لَا تَسْجُدُوا لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَاسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ﴾ [فصلت:37].

{Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.} (Qur'ān 41:37)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Marangal na Talata:

Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) na kabilang sa mga tanda Niyang nagpapatunay roon ang gabi, ang maghapon, ang araw, at ang buwan. Sumasaway Siya laban sa pagpapatirapa sa araw at buwan dahil ang dalawang ito ay mga nilikha gaya ng iba pa sa dalawang ito na mga nilikha. Ang nilikha ay hindi natutumpak na sambahin. Ang pagpapatirapa ay isang uri ng pagsamba. Nag-uutos si Allāh (napakataas Siya) sa mga tao sa talatang ito, gaya ng pag-uutos Niya sa kanila sa iba pa sa talatang ito, na magpatirapa sila sa Kanya lamang dahil Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapangasiwa, ang karapat-dapat para sa pagsamba.

 Ang Ikalawang Patotoo:

Na Siya ay lumikha ng lalaki at babae kaya ang pag-iral ng mga babae at mga lalaki ay isang patunay kay Allāh.

 Ang Ikatlong Patotoo:

Ang pagkakaiba-iba ng mga wika at mga kulay sapagkat walang umiiral na dalawa na ang tinig nilang dalawa ay iisa o ang kulay nilang dalawa ay [lubusang] iisa, bagkus hindi makaiiwas na may pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito.

 Ang Ikaapat na Patotoo:

Ang pagkakaiba-iba ng mga kapalaran sapagkat itong isa ay mayaman, itong isa naman ay maralita, itong isa ay pangulo, at itong isa naman ay pinangunguluhan samantalang bawat isa sa kanila ay may pagkaunawa, isip, kaalaman, at sigasig sa hindi niya natamo na yaman, dignidad, at magandang asawa subalit hindi nakakakaya ng isa man na magkamit ng bukod pa sa

itinakda ni Allāh para sa kanya. Iyon ay dahil sa isang dakilang kasanhian na ninais ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).[4]Ito ay ang pagsusulit sa mga tao sa pamamagitan ng isa't isa sa kanila at ang paglilingkod ng iba sa kanila sa iba pa nang sa gayon hindi masayang ang mga kapakanan nila sa kalahatan.

Ang hindi tinakdaan ni Allāh ng isang kapalaran sa Mundo, nagpabatid si Allāh (napakataas Siya) na Siya ay nag-iimbak para rito ng kapalaran nito bilang karagdagan sa kaginhawahan nito sa Paraiso kapag namatay ito sa pananampalataya kay Allāh, bagamat si Allāh ay nagkaloob sa maralita ng mga bentaha na tinatamasa nito bilang bentahang pangsikolohiya at pangkalusugan sa kadalasan, na hindi natatagpuan sa marami sa mga mayaman. Ito ay bahagi ng karunungan ni Allāh at katarungan Niya.

 Ang Ikalimang Patotoo:

Ang pagtulog at ang nagkakatotoong panaginip na nagpapatalos si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) dito sa natutulog ng isang bahagi ng lingid bilang pagbabalita ng nakagagalak o bilang pagbabala.

 Ang Ikaanim na Patotoo:

Ang kaluluwa na walang nakaaalam sa reyalidad nito kundi si Allāh lamang.

 Ang Ikapitong Patotoo:

Ang tao at ang nasa katawan niya na mga pandama, nervous system, utak, sistemang panunaw, at iba pa roon.

 Ang Ikawalong Patotoo:

Nagbababa si Allāh ng ulan sa lupang patay para tumubo ang mga halaman at ang mga punong-kahoy na nagkakaiba-iba sa mga hugis ng mga ito, mga kulay ng mga ito, mga kapakinabangan ng mga ito, at lasa ng mga ito. Ito ay kakaunti sa 100 patotoo na binanggit ni Allāh (napakataas Siya) sa Qur'ān, na ipinabatid Niya na ang mga ito ay mga patunay na nakasalalay sa kairalan Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapangasiwa sa lahat ng mga umiiral.

 Ang Ikasiyam na Patotoo:

Ang naturalesa na nilalang ni Allāh ang tao ayon doon ay sumasampalataya sa kairalan ni Allāh, ang Tagalikha nito at ang Tagapangasiwa nito. Ang sinumang nagkaila niyon ay nandaraya lamang sa sarili niya at nagpapalumbay rito. Kaya ang komunista,[5]halimbawa, ay namumuhay sa Mundong ito nang miserable. Ang hantungan niya matapos ng kamatayan ay tungo sa Impiyerno bilang ganti sa pagpapasinungaling niya sa Panginoon niya na lumikha sa kanya mula sa wala at nag-alaga sa kanya sa pamamagitan ng mga biyaya, maliban kung nagbalik-loob siya kay Allāh at sumampalataya Rito, sa Relihiyon Nito, at Sugo Nito.

 Ang Ikasampung Patotoo:

Ang pagpapala ay ang pagdadamihan sa ilan sa mga nilikha gaya ng mga tupa. Ang kabaliktaran ng pagpapala ay ang kabiguan gaya ng sa mga aso at mga pusa.

***

Kabilang sa mga katangian ni Allāh (napakataas Siya) ay na Siya ay:

Ang Una na walang simula, na Buhay na Namamalagi, na hindi namamatay at hindi nagtatapos, na Walang-pangangailangan na umiiral sa pamamagitan ng sarili Niya, na hindi nangangailangan sa iba pa sa Kanya, at Nag-iisa na walang katambal sa Kanya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ (1) اللَّهُ الصَّمَدُ (2) لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ (3) وَلَمْ يَكُن لَّهُ كُفُوًا أَحَدٌ (4)[الإخلاص:1-4].

{1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan]. 3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. 4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."} (Qur’ān 112:1-4)

 Ang Kahulugan ng mga Talata:

Noong nagtanong ang mga tagatangging sumampalataya sa Pangwakas sa mga Isinugo tungkol sa katangian ni Allāh, nagpababa si Allāh sa kanya ng kabanatang ito at nag-utos sa kanya rito na magsabi sa kanila:

"Si Allāh ay nag-iisang walang katambal. Si Allāh ay ang Buhay, ang Namamalagi, ang Tagapangasiwa. Sa Kanya lamang ang soberenyang walang-takda sa Sansinukob, mga tao, at bawat bagay; at sa Kanya lamang kinakailangan na bumalik ang mga tao sa pagtugon sa mga pangangailangan nila."

Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. Hindi natutumpak na magkaroon Siya ng lalaking anak o babaing anak o ama o ina. Bagkus nagkaila Siya para sa sarili Niya niyon sa kabuuan niyon nang pinakamatinding pagkakaila sa kabanatang ito at iba pa rito dahil ang pagkakasunud-sunod at ang panganganak ay kabilang sa mga katangian ng nilikha. Tumugon nga si Allāh sa mga Kristiyano sa sabi nilang: "Si Kristo ay Anak ng Diyos," sa mga Hudyo sa sabi nilang: "Si `Uzayr ay Anak ng Diyos," at sa iba pa sa kanila sa sabi ng mga iyon na: "Ang mga anghel ay mga babaing anak ng Diyos." Nagkondena Siya sa kanila ng bulaang sabing ito.

Nagpabatid Siya na Siya ay lumikha kay Kristo Jesus (sumakanya ang pangangalaga) mula sa isang ina nang walang isang ama dahil sa kapangyarihan Niya, tulad ng pagkakalikha Niya kay Adan na ama ng Sangkatauhan mula sa alabok at tulad ng pagkakalikha Niya kay Eva na ina ng Sangkatauhan mula sa tadyang ni Adan saka nakita nito iyon sa tabi nito. Pagkatapos lumikha Siya ng mga supling ni Adan mula sa punlay ng lalaki at babae saka lumikha Siya ng bawat bagay sa simula mula sa wala. Gumawa Siya matapos niyon para sa mga nilikha ng isang kalakaran at isang sistema na walang nakakakayang isa man na magpaiba sa mga ito maliban pa sa Kanya. Kapag nagnais si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na magpaiba mula sa sistemang ito ng anuman ay magpapaiba Siya nito kung paano Niyang loloobin.

Nagpairal din Siya kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga) mula sa isang ina nang walang ama at gumawa rin Siya rito na nagsasalita habang ito ay nasa duyan pa. Gumawa rin Siya sa tungkod ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) na maging isang ahas na sumisibad at noong ipinampalo nito [ang tungkod na] iyon sa dagat ay nabiyak ang dagat saka naging daanan na tumawid mula roon ito at ang mga kalipi nito. Bumiyak din Siya sa buwan para sa Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan). Gumawa Siya sa mga punong-kahoy na bumabati rito kapag naparaan ito sa mga iyon. Gumawa Siya sa hayop na sumasaksi rito sa pagkasugo [nito] sa isang tinig na naririnig ng mga tao sapagkat nagsasabi iyon: "Sumasaksi ako na ikaw ay Sugo ni Allāh." Nagpalakbay Siya rito [isang gabi] sakay ng Burāq mula sa Masjid na Pinakababanal (Al-Masjid Al-Ḥarām) patungo sa Masjid na Pinakamalayo (Al-Masjid Al-Aqṣā). Pagkatapos ipinanhik ito sa langit habang kasama nito si Anghel Gabriel hanggang sa umabot ito sa ibabaw ng langit saka kumausap dito si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at nagsatungkulin Siya rito ng pagdarasal. Bumalik ito sa Masjid na Pinakababanal (Al-Masjid Al-Ḥarām) sa lupa at nakita nito sa daan nito ang mga naninirahan sa bawat langit. Iyon sa kabuuan niyon ay sa iisang gabi bago ng pagsapit ng madaling-araw. Ang kasaysayan ng Pagpanhik at Panggabing Pagpapalakbay ay napatanyag sa Qur'ān, mga ḥadīth ng Sugo, at mga aklat ng kasaysayan.

***

Kabilang sa mga katangian ni Allāh (napakataas Siya) na ipinanlarawan Niya sa sarili Niya at ipinanlarawan ng mga sugo Niya:

1. Ang pagdinig, ang pagkakita, ang kaalaman, ang kakayahan, at ang pagnanais. Nakaririnig Siya at nakakikita Siya ng bawat bagay. Hindi natatabingan ang pandinig Niya at ang pagtingin Niya ng isang tabing.

Nakaaalam Siya ng anumang nasa mga sinapupunan, anumang ikinukubli ng mga dibdib, at anumang nangyari at anumang mangyayari. Siya ay ang May-kakayahan na kapag nagnais ng isang bagay ay magsasabi rito ng "Mangyari" saka mangyayari ito.

2. Ang pagsasalita ng anumang niloloob Niya kapag niloob Niya. Kumausap nga Siya kay Moises (sumakanya ang pangangalaga) at kumausap Siya sa pangwakas sa mga sugo na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan). Ang Qur'ān ay pananalita ni Allāh: ang mga titik nito at ang mga kahulugan nito. Nagpababa Siya nito sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan). Kaya ito ay isang katangian kabilang sa mga katangian Niya at hindi isang nilikha gaya ng sinasabi ng mga ligaw na Mu`tazilah.[6]

3. Ang mukha, ang mga kamay, ang pagluklok, ang pagbaba,[7]ang pagkalugod, at ang pagkagalit [ay kabilang sa mga katangian Niya] sapagkat Siya ay nalulugod sa mga mananampalatayang lingkod Niya at nagagalit sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagagawa ng mga nagpapaobliga sa pagkagalit Niya. Ang pagkalugod Niya at ang pagkagalit Niya ay gaya ng nalalabi sa mga katangian Niya: hindi nakawawangis ng mga katangian ng nilikha, hindi binibigyang-pakahulugan, at hindi inilalarawan ang kahulugan.

Napagtibay sa Qur'ān at Sunnah na ang mga mananampalataya ay makakikita kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng mga mata sa mga paningin nila sa mga espasyo ng [Araw ng] Pagbangon at sa Paraiso. Ang mga katangian ni Allāh (napakataas Siya) ay dinetalye sa Dakilang Qur'ān at mga ḥadīth ng Marangal na Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kaya sumangguni ka.

***

Ang dahilan na alang-alang dito ay nilikha ni Allāh ang mga anak ng tao at jinn

Kapag nakaalam ka, O nakapag-uunawa, na si Allāh ay ang Panginoon mo na lumikha sa iyo, alamin mo na si Allāh ay hindi lumikha sa iyo sa isang kawalang-kapararakan; lumikha lamang Siya sa iyo para sa pagsamba sa Kanya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ (56) مَا أُرِيدُ مِنْهُم مِّن رِّزْقٍ وَمَا أُرِيدُ أَن يُطْعِمُونِ (57) إِنَّ اللَّهَ هُوَ الرَّزَّاقُ ذُو الْقُوَّةِ الْمَتِينُ (58)[الذاريات:56-58].

{56. Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin. 57. Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin. 58. Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.} (Qur'ān 51:56-58)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata:

Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa unang talata na Siya ay lumikha sa jinn[8]at mga anak ng tao upang sumamba sila sa Kanya lamang at nagpapabatid Siya sa dalawang talata na ikalawa at ikatlo na Siya ay Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya sapagkat hindi Siya nangangailangan mula sa kanila ng isang panustos ni isang pagpapakain dahil Siya ay ang Palatustos, ang Malakas, na walang panustos para sa mga tao at iba pa sa kanila malibang mula sa ganang Kanya sapagkat Siya ay ang nagbababa ng ulan at nagpapalabas ng mga panustos mula sa lupa.

Hinggil naman sa mga iba pang nilikha na nasa lupa, nagpabatid nga si Allāh (napakataas Siya) na Siya ay lumikha sa mga ito alang-alang sa tao upang magpatulong sa pamamagitan ng mga ito sa pagtalima sa Kanya at makitungo sa mga ito ayon sa Batas ni Allāh. Ang bawat nilikha, ang bawat paggalaw, at ang bawat pagtigil sa Sansinukob, tunay na si Allāh ay nagpairal nito dahil sa isang kasanhiang nilinaw Niya sa Qur'ān. Nakaaalam sa mga ito ang mga maalam sa Batas ni Allāh: bawat isa ayon sa sukat ng kaalaman niya. Pati na ang pagkakaiba-iba ng mga edad, mga panustos [na natatanggap], mga pangyayari, at mga kasawiangpalad, lahat ng iyon ay nangyayari ayon sa pahintulot ni Allāh upang subukin ang mga nakapag-uunawang lingkod Niya. Kaya ang sinumang nalugod sa itinakda ni Allāh, nagpasakop sa Kanya, at nagpakasipag sa gawain na nagpapalugod sa Kanya, ukol dito ang pagkalugod mula kay Allāh at ang kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay matapos ng kamatayan. Ang sinumang hindi nalugod sa pagtatakda ni Allāh, hindi sumuko sa Kanya at hindi tumalima sa Kanya, ukol dito mula kay Allāh ang pagkainis at ukol dito ang kalumbayan sa Mundo at Kabilang-buhay.

Humingi tayo kay Allāh ng pagkalugod Niya at nagpapakupkop tayo sa Kanya mula sa pagkainis Niya.

***

Ang Pagbubuhay Matapos ng Kamatayan, ang Pagtutuos, ang Pagganti sa mga Gawa, at ang Paraiso at ang Impiyerno

Kapag nakaalam ka, O nakapag-uunawa, na si Allāh ay lumikha sa iyo para sa pagsamba sa Kanya, alamin mo na si Allāh ay nagpabatid sa lahat ng mga kasulatan Niya na pinababa Niya sa mga sugo Niya na Siya ay bubuhay sa iyo para maging buhay matapos ng kamatayan at gaganti sa iyo sa gawa mo sa tahanan ng pagganti matapos ng kamatayan. Iyon ay dahil ang tao ay lilipat sa pamamagitan ng kamatayan mula sa tahanan ng paggawa at pagkalipol, ang buhay na ito, tungo sa tahanan ng pagganti at pamamalagi, ang anumang matapos ng kamatayan. Kaya kapag nalubos ang yugto na itinakda ni Allāh para sa tao na ipamuhay nito, mag-uutos si Allāh sa Anghel ng Kamatayan saka dadakutin niyon ang kaluluwa nito mula sa katawan nito para mamatay ito matapos makatikim ng pait ng kamatayan bago ng paglabas ng kaluluwa nito mula sa katawan nito. Hinggil sa kaluluwa, tunay na si Allāh ay maglalagay nito sa tahanan ng kaginhawahan, ang Paraiso, kung ito ay isang mananampalataya kay Allāh, na isang tagatalima sa Kanya. Hinggil naman sa kung ito ay isang tagatangging sumampalataya kay Allāh, na isang tagapagpasinungaling sa pagbubuhay at pagganti matapos ng kamatayan. Maglalagay nito si Allāh sa tahanan ng pagdurusa, ang Impiyerno, hanggang sa dumating ang tipanan ng katapusan ng Mundo saka sasapit ang Huling Sandali. Mamatay ang bawat natira sa mga nilikha kaya walang matitira kundi si Allāh lamang. Pagkatapos bubuhayin ni Allāh ang mga nilikha sa kabuuan nila, pati na ang hayop. Magpapanumbalik Siya ng bawat kaluluwa sa katawan nito matapos na magpanumbalik Siya ng katawan nang buo gaya ng pagkalikha rito sa unang pagkakataon. Iyon ay upang magtuos Siya sa mga tao at gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila: sa lalaki at babae, pangulo at pinangunguluhan, at mayaman at maralita sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man. Gaganti para sa nalabag sa katarungan mula sa pinsala ng tagalabag nito sa katarungan. Kahit ang mga hayop, gaganti para sa mga ito mula sa pinsala ng sinumang lumabag sa mga ito sa katarungan. Gaganti para sa ilan sa mga ito mula sa pinsala ng iba. Pagkatapos magsasabi Siya sa mga ito: "Maging alabok kayo!" dahil ang mga ito ay hindi papasok sa isang paraiso ni isang impiyerno. Gaganti Siya sa mga ng tao at jinn: sa bawat isa ayon sa gawa nito. Kaya magpapapasok Siya sa Paraiso sa mga mananampalataya sa Kanya, na tumalima sa Kanya at sumunod sa mga sugo Niya, kahit pa man sila ay ang pinakamaralita sa mga tao; at magpapapasok Siya sa Impiyerno sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling, kahit pa man sila ay ang pinakamayaman sa mga tao at ang pinakamadignidad sa mga ito sa Mundo. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِندَ اللَّهِ أَتْقَاكُمْ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ﴾ [الحجرات:13].

{Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)

Ang Paraiso ay ang tahanan ng kaginhawahan. Doon ay may mga uri ng kaginhawahan na hindi nakakaya ng isa man na ilarawan. Doon ay may isang daang antas, na bawat antas ay magkakaroon ng mga nakatira ayon sa sukat ng lakas ng pananampalataya nila kay Allāh at pagtalima nila sa Kanya. Ang pinakamaliit na antas sa Paraiso ay bibigyan ang mga maninirahan doon ng kaginhawahan tulad ng kaginhawahan ng pinakamaginhawang hari sa Mundo nang makailang ibayo.[9]

Ang Impiyerno – kumupkop sa atin si Allāh laban doon – ay ang tahanan ng pagdurusa sa Kabilang-buhay matapos ng kamatayan. Doon ay may mga uri ng pagdurusa at parusang panghalimbawa na magpapahilakbot ng mga puso ang pagbanggit niyon at magpapaiyak ng mga mata.

Kung sakaling ang kamatayan ay umiiral sa tahanang pangkabilang-buhay, talaga sanang mamamatay ang mga maninirahan sa Impiyerno sa payak na pagkakita niyon subalit ang kamatayan ay nag-iisang ulit na lumilipat ang tao mula sa buhay na pangmundo tungo sa pangkabilang-buhay. Nasaad nga sa Dakilang Qur'ān ang buong paglalarawan sa kamatayan, pagbubuhay, pagtutuos, pagganti, Paraiso, at Impiyerno. Sa nabanggit natin ay may pagtukoy roon.

Ang mga patunay sa pagbubuhay matapos ng kamatayan, pagtutuos, at pagganti ay lubhang marami. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Dakilang Qur'ān:

﴿مِنْهَا خَلَقْنَاكُمْ وَفِيهَا نُعِيدُكُمْ وَمِنْهَا نُخْرِجُكُمْ تَارَةً أُخْرَىٰ﴾ [طه:55]

{Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.} (Qur'ān 20:55)

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَضَرَبَ لَنَا مَثَلًا وَنَسِيَ خَلْقَهُ قَالَ مَن يُحْيِي الْعِظَامَ وَهِيَ رَمِيمٌ﴾ [يس:78].

{Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: "Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?"} (Qur'ān 36:78-79)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿زَعَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَن لَّن يُبْعَثُوا قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ وَذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ﴾ [التغابن:7].

{Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali."} (Qur'ān 64:7)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata:

1. Sa unang talata, nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na Siya ay lumikha ng mga anak ng tao mula sa lupa. Iyon ay nang lumikha Siya sa ama nilang si Adan (sumakanya ang pangangalaga) mula sa alabok. Nagpapabatid Siya na Siya ay magpapanumbalik sa kanila rito [sa lupa] sa mga libingan matapos ng kamatayan bilang karangalan para sa kanila. Nagpapabatid Siya na Siya ay magpapalabas sa kanila mula rito [sa lupa] sa isa pang pagkakataon kaya lalabas sila sa mga libingan nila bilang mga buhay, mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan sa kanila, para tumuos Siya sa kanila at gumanti Siya sa kanila.

2. Sa ikalawang talata, tumutugon si Allāh sa tagatangging sumampalataya na nagpapasinungaling sa pagbubuhay, na nagtataka sa pagkabuhay ng mga buto matapos ng pagkapuksa ng mga ito. Tumutugon si Allāh dito kaya nagpapabatid Siya na Siya ay magbibigay-buhay sa mga [butong] ito dahil Siya ay ang nagpaluwal ng mga ito sa unang pagkakataon mula sa kawalan.

3. Sa ikatlong talata, tumutugon si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay matapos ng kamatayan, sa haka-haka nilang tiwali. Nag-uutos si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) na manumpa ito sa Kanya sa kanila ng isang panunumpang binigyang-diin na Siya ay bubuhay sa kanila, magbabalita sa kanila hinggil sa ginawa nila, at gaganti sa kanila dahil doon; at na iyon ay madali sa Kanya.

Nagpabatid si Allāh sa iba pang talata na Siya, kapag bumuhay Siya sa mga tagapasinungaling sa pagbubuhay at Impiyerno, ay magpaparusa sa kanila sa apoy ng Impiyerno at sasabihin sa kanila:

﴿ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنتُم بِهِ تُكَذِّبُونَ﴾ [السجدة:20].

{Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito.} (Qur'ān 32:20)

Wastong Pagtatala ng mga Ginagawa at mga Sinasabi ng Tao

Nagpabatid nga Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na Siya ay nakaalam na sa sasabihin ng bawat tao at gagawin nito na kabutihan o kasamaan nang palihim o hayagan. Nagpabatid Siya na Siya ay nagtala na niyon sa Tablerong Pinag-iingatan sa piling Niya bago Siya lumikha ng mga langit, lupa, tao, at iba pa. Nagpabatid Siya na Siya, sa kabila nito, ay nagtalaga nga sa bawat tao ng dalawang anghel: isa sa dakong kanan nito na nagtatala ng mga magandang gawa at ang iba pa sa dakong kaliwa nito na nagtatala ng mga masagwang gawa. Walang nakalulusot sa dalawang ito na anuman. Nagpabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na ang bawat tao ay bibigyan sa Araw ng Pagtutuos ng talaan nito na itinala roon ang mga sinabi niya at ang mga ginawa niya para basahin ang mga ito nang hindi makapagkakaila mula sa mga ito ng anuman. Ang sinumang magkakaila ng anuman ay magpapabigkas si Allāh sa pandinig nito, paningin nito, mga kamay nito, mga paa nito, at balat nito hinggil sa lahat ng ginawa nito.

Sa Dakilang Qur'ān ay may paglilinaw niyon nang may pagdedetalye. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿مَّا يَلْفِظُ مِن قَوْلٍ إِلَّا لَدَيْهِ رَقِيبٌ عَتِيدٌ﴾ [ق:18]

{Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang mapagmasid na nakalaang [magtala].} (Qur'ān 50:18)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَإِنَّ عَلَيْكُمْ لَحَافِظِينَ (10) كِرَامًا كَاتِبِينَ (11) يَعْلَمُونَ مَا تَفْعَلُونَ (12)[الانفطار:10-12].

{10. Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, 11. na mararangal na mga tagasulat. 12. Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.} (Qur'ān 82:10-12)

Ang pagpapaliwanag sa mga talata:

Nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na Siya ay nagtalaga sa bawat tao ng dalawang anghel: isa sa dakong kanan nito na mapagmasid na nagtatala ng mga magandang gawa niya at ang iba pa sa dakong kaliwa nito na nakalaan na nagtatala ng mga masagwa nito. Nagpapabatid si Allāh sa dalawang huling talata na Siya ay nagtalaga sa mga tao ng mga marangal na anghel na nagtatala ng lahat ng gawa nila. Nagpabatid Siya na Siya ay naglagay para sa mga [anghel na] ito ng kakayahan sa pag-alam sa lahat ng mga gawa nila at pagtatala ng mga ito gaya ng nalaman na Niya at naitala na Niya sa nasa Kanya sa Tablerong Pinag-iingatan bago Siya lumikha sa kanila.

Pagsaksi:

Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Sumasaksi ako na ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo, na ang Huling Sandali ay darating nang walang pag-aalinlangan dito, na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan para sa pagtutuos at pagganti, at na ang bawat ipinabatid ni Allāh sa Aklat Niya o sa bibig ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay totoo.

Nag-aanyaya ako sa iyo, O nakapag-uunawa, tungo sa pananampalataya sa pagsaksing ito, pagpapahayag nito, at paggawa ayon sa kahulugan nito sapagkat ito ay landas ng kaligtasan.

 Ang Ikalawang Kabanata: Ang Pagkakilala sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Kapag nakaalam ka, O nakapag-uunawa, na si Allāh ay ang Panginoon mo na lumikha sa iyo at na Siya ay bubuhay sa iyo para gumanti sa iyo sa gawa mo, alamin mo na si Allāh ay nagsugo sa iyo at sa lahat ng mga tao ng isang Sugo at nag-utos sa iyo ng pagtalima rito at pagsunod dito. Nagpabatid si Allāh na walang landas para sa pag-alam sa tumpak na pagsamba sa Kanya malibang sa pamamagitan ng pagsunod sa Sugong ito at ng pagsamba sa Kanya sa pamamagitan ng Batas Niya na ipinasugo Niya rito.

Ang Marangal na Sugong ito na kinakailangan sa lahat ng mga tao ang manampalataya sa kanya at ang sumunod sa kanya ay ang Pangwakas sa mga Isinugo at ang Sugo ni Allāh sa mga tao sa kalahatan, si Muḥammad, ang Propetang iliterato (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagbalita ng nakagagalak hinggil sa kanya sina Moises at Jesus (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) sa higit sa apatnapung bahagi ng Bibliya, na binabasa ng mga Hudyo at mga Kristiyano bago nila pinaglaruan at pinilipit ang aklat na ito.[10]

Ang Marangal na Propetang ito na winakasan ni Allāh sa pamamagitan nito ang [pagpapadala ng] mga sugo Niya at ipinadala Niya ito sa mga tao sa kalahatan ay si Muḥammad bin `Abdullāh bin `Abdulmuṭṭalib Al-Hāshimīy Al-Qurashīy (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pinakamadignidad at ang pinakatapat na lalaki sa pinakamadignidad na lipi sa balat ng lupa na nagbuhat mula sa lahi ng propeta ni Allāh na si Ismael na anak ng propeta ni Allāh na si Abraham. Ipinanganak ang Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Makkah noong taong 570 CE. Sa gabi na ipinanganak siya, sa sandali ng paglabas niya mula sa tiyan ng ina niya, may tumanglaw sa Sansinukob na isang dakilang liwanag na gumulantang sa mga tao at itinala sa mga aklat ng kasaysayan. Nataob ang mga anito ng [liping] Quraysh na sinasamba nila sa tabi ng Ka`bah sa Makkah. Nayanig ang Bulwagan ni Khosrow, ang hari ng Persiya, at nagbagsakan mula rito ang mahigit sampung beranda. Namatay ang apoy ng mga Persiyano na sinasamba nila samantalang hindi pa namatay ito bago niyon nang dalawang libong taon.

Ang lahat ng ito ay isang pagpapahayag mula kay Allāh (napakataas Siya) sa mga naninirahan sa lupa hinggil sa pagkapanganak ng Pangwakas sa mga Isinugo na wawasak sa mga anito na sinasamba bukod pa kay Allāh. Mag-aanyaya siya sa mga Persiyano at mga Romano sa pagsamba kay Allāh lamang at pagpasok sa Totoong Relihiyon Nito. Kapag tumanggi sila, makikibaka siya sa kanila at ang sinumang sumusunod sa kanya saka magpapawagi sa kanya si Allāh laban sa kanila at magpapalaganap ng Relihiyon Nito na siyang liwanag Nito sa lupa. Ito ang nangyari talaga matapos na ipinadala ni Allāh ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito batiin ng kapayapaan).

Nagtangi nga si Allāh sa pangwakas sa mga sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) mula sa mga kapatid nitong mga sugo bago niya sa pamamagitan ng mga pagkatangi, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:

Una: Na siya ang Pangwakas sa mga Isinugo kaya matapos niya ay wala nang sugo ni propeta.

Ikalawa: Ang pagkapanlahat ng mensahe niya sa lahat ng mga tao sapagkat ang mga tao sa kabuuan nila ay Kalipunan ni Muḥammad. Ang sinumang tumalima sa kanya at sumunod sa kanya ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa kanya ay papasok sa Impiyerno. Kahit ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay mga naaatangan ng tungkulin ng pagsunod sa kanya. Ang sinumang hindi sumunod sa kanya at hindi sumampalataya sa kanya, iyon ay isang tagatangging sumampalataya kina Moises at Jesus at sa lahat ng mga propeta. Sina Moises at Jesus at ang lahat ng mga propeta ay mga walang-kaugnayan sa bawat taong hindi sumusunod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil si Allāh ay nag-utos sa kanila na magbalita ng nakagagalak hinggil sa kanya at mag-anyaya sa mga kalipunan nila sa pagsunod sa kanya kapag ipinadala siya ni Allāh at dahil ang relihiyon niya na ipinadala siya ni Allāh dahil dito ay ang relihiyon na ipinadala ni Allāh dahil dito ang mga sugo Niya. Ginawa ni Allāh ang kalubusan nito at pinadali Niya ito sa panahon ng Marangal na Sugo, ang Pangwakas sa mga Isinugo. Kaya hindi pinapayagan [ni Allāh] para sa isa man matapos ng pagpapadala kay Muḥammad na yumakap sa isang relihiyong iba pa sa Islām, na ipinadala siya dahil dito ni Allāh, dahil ito ay ang kumpletong relihiyon na nagpawalang-bisa si Allāh sa pamamagitan nito sa lahat ng mga relihiyon at dahil ito ay ang pinag-iingatang relihiyon ng katotohanan.

Hinggil naman sa Hudaismo at Kristiyanismo, ang mga ito ay relihiyong pinilipit na hindi gaya ng kung paanong pinababa ito ni Allāh. Kaya ang bawat Muslim na tagasunod ni Muḥammad ay itinuturing na tagasunod nina Moises at Jesus at ng lahat ng mga propeta. Ang bawat labas sa Islām ay itinuturing na isang tagatangging sumampalataya kina Moises at Jesus at sa mga propeta, kahit pa nag-angkin siya na siya ay kabilang sa mga tagasunod nina Moises at Jesus!

Dahil dito, may isang pangkat ng mga pantas ng mga Hudyo at mga pari ng mga Kristiyanong nakapag-uunawa na nagpapakatarungan na nagmabilis sa pagsampalataya kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpasok sa Islām.

***

Ang mga Himala[11]ng Sugo (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Binilang nga ng mga maalam sa talambuhay ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mga himala niyang nagpapatunay sa katapatan ng mensahe niya. Umabot ang mga ito sa higit sa isang libong himala, na kabilang sa mga ito ang sumusunod:

1. Ang tatak ng pagkapropeta na pinatubo ni Allāh sa pagitan ng mga balikat niya na mababasang: Muḥammad Sugo ni Allāh, na nasa anyo ng mga butlig.[12]

2. Ang paglililim ng mga ulap sa kanya kapag naglakad siya sa ilalim ng araw ng mainit na tag-init.

3. Ang pagluwalhati ng mga munting bato sa mga kamay niya at ang pagbati ng mga punong-kahoy sa kanya.

4. Ang pagpapabatid niya hinggil sa mga pangnakalingid na mangyayari sa katapusan ng panahon at heto nangyayari na nang unti-unti alinsunod sa ipinabatid niya.

Ang mga bagay-bagay na pangnakalingid na ito na mangyayari matapos ng pagpanaw ng Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa wakas ng Mundo, na ipinatalos ni Allāh sa kanya at ipinabatid, ay nakatala sa mga aklat ng ḥadīth at mga aklat ng mga tanda ng Huling Sandali, tulad ng An-Nihāyah (Ang Wakas) ni Ibnu Kathīﷺ‬, aklat na Al-Akhbāﷺ‬ Al-Musha`ah Fī Ashrāṭ As-Sā`ah (Ang mga Ibinunyag na mga Pabatid Hinggil sa mga Tanda ng Huling Sandali), at ng Abwāb Al-Fitan wal-Malāḥim (Mga Paksa ng mga Sigalot at mga Digmaan) sa mga aklat ng ḥadīth. At ang mga himalang ito ay kawangis sa mga himala ng mga propeta bago niya.

Subalit si Allāh ay nagtangi sa kanya ng isang himalang pangkaisipang mananatili sa mga pahina ng panahon hanggang sa katapusan ng Mundo, na hindi nagbigay nito si Allāh sa iba pa sa kanya kabilang sa mga propeta. Ito ay ang Dakilang Qur'ān na pananalita ni Allāh na naggarantiya si Allāh ng pag-iingat nito kaya hindi nakakakaya ng kamay ng pagpilipit na makaabot dito. Kung sakaling tangkain ng isa na magpaiba ng isang titik mula rito, talagang mabubunyag iyon sapagkat heto ang daang milyong kopya ng Qur'ān sa mga kamay ng mga Muslim, na walang naiibang isa man sa iba pa ni sa nag-iisang titik.

Hinggil naman sa mga kopya ng Bibliya, ang mga ito ay nagdadamihan na nagkakaiba-iba ang iba sa mga ito sa iba pa dahil ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay naglaru-laro rito at pumilipit dito sa ipinagkatiwala ni Allāh sa kanila na pag-ingatan nila. Hinggil naman sa Qur'ān, hindi ipinagkatiwala ang pag-iingat nito sa isa man bukod sa Kanya. Bagkus naggarantiya Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ng pag-iingat nito gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾ [الحجر:9].

{Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.} (Qur'ān 15:9)

Ang Pangkaisipang Patotoo at ang mga Patunay Mula sa Pananalita ni Allāh (Napakataas Siya) na ang Qur'ān ay Pananalita ni Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh

Kabilang sa mga lohikal na pangkaisipang patotoong nagpapatunay na ang Qur'ān ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya) at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay na si Allāh ay humamon sa mga tagatangging sumampalataya ng [liping] Quraysh noong nagpasinungaling sila kay Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) gaya ng iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapagpasinungaling sa mga propeta sa mga naunang kalipunan. Nagsabi sila na ang Qur'ān ay hindi pananalita ni Allāh. Humamon sa kanila si Allāh na maglahad ng tulad nito ngunit nawalang-kakayahan sila bagamat ito ay nasa wika nila, bagamat sila ay ang pinakamatatas sa mga tao, at bagamat nasa gitna nila ang malalaki sa mga orador, ang mga mahusay magsalita, at ang mga maestro ng mga manunula. Pagkatapos humamon Siya sa kanila na maglahad ng sampung kabanatang tulad nito na ginawa-gawa ngunit nawalang-kakayahan sila. Pagkatapos humamon Siya sa kanila na maglahad ng iisang kabanata ngunit nawalang-kakayahan sila. Pagkatapos nagpahayag Siya ng kawalang-kakayahan nila at kawalang-kakayahan ng lahat ng jinn at tao sa paglalahad ng tulad nito, kahit pa man sila ay naging tagatulong ng isa't isa sa kanila sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿قُل لَّئِنِ اجْتَمَعَتِ الْإِنسُ وَالْجِنُّ عَلَىٰ أَن يَأْتُوا بِمِثْلِ هَٰذَا الْقُرْآنِ لَا يَأْتُونَ بِمِثْلِهِ وَلَوْ كَانَ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ ظَهِيرًا﴾ [الإسراء:88].

{Sabihin mo: "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn para maglahad ng tulad ng Qur’ān na ito ay hindi sila makapaglalahad ng tulad nito at kahit pa ang iba sa kanila para sa iba pa ay naging mapagtaguyod."} (Qur’ān 17:88)

Kaya kung sakaling ang Qur'ān ay mula sa pananalita ni Muḥammad o ng iba pa sa kanya kabilang sa mga tao, talagang nakaya sana ng iba pa sa kanya kabilang sa mga alagad

ng wika niya na mga matatas na maglahad sila ng tulad nito subalit ito ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya). Ang kalamangan ng pananalita ni Allāh at ang katayugan nito higit sa pananalita ng tao ay gaya ng kalamangan ni Allāh sa tao.

Yayamang hindi nagkaroon si Allāh ng isang katulad, hindi nagkaroon ang pananalita Niya ng isang katulad. Dahil dito, lumilinaw na ang Qur'ān ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya) at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh dahil ang pananalita ni Allāh ay hindi nailalahad maliban ng isang sugo mula sa ganang Kanya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِّن رِّجَالِكُمْ وَلَٰكِن رَّسُولَ اللَّهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا﴾ [الأحزاب:40]

{Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur'ān 33:40)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا كَافَّةً لِّلنَّاسِ بَشِيرًا وَنَذِيرًا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ﴾ [سبأ:28]

{Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 34:28)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَالَمِينَ﴾ [الأنبياء:107]

{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.} (Qur'ān 21:107)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata:

1. Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa unang talata na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay Sugo Niya sa mga tao sa kabuuan nila at na ito ay ang pangwakas sa mga propeta Niya sapagkat matapos nito ay wala nang propeta. Nagpapabatid Siya na Siya ay pumili rito para magdala ng mensahe Niya at upang maging pangwakas ng mga sugo Niya dahil Siya ay nakaaalam na ito ay ang pinakaangkop sa mga tao para roon.

2. Nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa ikalawang talata na Siya ay nagsugo ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) para sa mga tao sa kalahatan: sa puti at itim at sa Arabe at di-Arabe. Nagpapabatid Siya na ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam sa katotohanan. Dahil dito, naligaw sila at tumanggi silang sumampalataya dahil sa kawalan ng pagsunod nila kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

3. Nakikipag-usap si Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa ikatlong talata saka nagpapabatid Siya rito na Siya ay nagsugo rito bilang awa sa Daigdig sa kalahatan, kaya ito ay awa ni Allāh na ipinarangal Niya sa mga tao. Kaya ang sinumang sumampalataya kay Muḥammad at sumunod dito, tumanggap nga siya ng awa ni Allāh at ukol sa kanya ang Paraiso. Ang sinumang hindi sumampalataya kay Muḥammad at hindi sumunod dito, tumanggi nga siya sa awa ni Allāh at naging karapat-dapat sa Impiyerno at masakit na pagdurusa.

Isang Panawagan Para sa Pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niyang si Muḥammad (Basbasan Niya Ito at Pangalagaan)

Dahil dito, nag-aanyaya kami sa iyo, O nakapag-uunawa, tungo sa pananampalataya kay Allāh bilang Panginoon at sa Sugo Niyang si Muḥammad bilang Sugo. Nag-aanyaya kami sa iyo tungo sa pagsunod sa kanya at paggawa ayon sa Batas niya, na ipinadala siya ni Allāh kalakip nito: ang Relihiyong Islām na ang pinagmumulan ay ang Dakilang Qur'ān – ang pananalita ni Allāh – at ang mga ḥadīth ng Pangwakas sa mga Isinugo, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na napagtibay buhat sa kanya, dahil si Allāh ay nagsanggalang sa kanya [sa kamalian], kaya hindi siya nag-uutos maliban ng inuutos ni Allāh at hindi siya sumasaway maliban ng sinasaway ni Allāh. Kaya sabihin mo mula sa isang pusong nagpapakawagas: "Sumampalataya ako na si Allāh ay Panginoon ko at Diyos ko – tanging Siya," at sabihin mo: "Sumampalataya ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh," at sundin mo siya sapagkat tunay na walang kaligtasan para sa iyo kundi sa pamamagitan niyon.

Magtuon nawa sa akin si Allāh at sa iyo sa kaligayahan at kaligtasan. Amen.

***


 Ang Ikatlong Kabanata: Ang Pagkakilala sa Relihiyon ng Katotohanan, ang Islām

Kapag nakaalam ka, O nakapag-uunawa, na si Allāh (napakataas Siya) ay ang Panginoon mo na lumikha sa iyo at tumustos sa iyo; na Siya ay ang Diyos, ang Nag-iisa, ang Totoo, na walang katambal sa Kanya, na kinakailangan sa iyo na sumamba sa Kanya lamang, at nakilala mo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay Sugo ni Allāh sa iyo at sa lahat ng mga tao; alamin mo na hindi tutumpak ang pananampalataya mo kay Allāh (napakataas Siya) at sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) malibang kapag nakilala mo ang Relihiyong Islām, sumampalataya ka rito, at gumawa ka ayon dito dahil ito ay ang relihiyon na kinalugdan ni Allāh (napakataas Siya), ipinag-utos Niya sa mga sugo Niya, ipinadala Niya dahil dito ang Pangwakas sa kanila na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga tao, at inobliga Niya sa kanila ang paggawa ayon dito.

***

 Ang Pagpapakilala sa Islām

Nagsabi si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang Pangwakas sa mga Isinugo at ang Sugo ni Allāh sa mga tao sa kalahatan: {Na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng pagdarasal, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mong [magkaroon] patungo roon ng isang landas.}[13]

Kaya ang Islām ay ang relihiyong pandaigdigan na ipinag-utos ni Allāh sa lahat ng mga tao. Sumampalataya rito ang mga sugo ni Allāh at nagpahayag sila ng pag-anib nila sa Islām para kay Allāh. Nagpahayag si Allāh (napakataas Siya) na ito ay ang totoong relihiyon at na hindi Siya tumatanggap mula sa isa ng isang relihiyong iba pa rito sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya):

﴿إِنَّ الدِّينَ عِندَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ﴾ [آل عمران:19]

 {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَن يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَن يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾ [آل عمران:85]

{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.} (Qur'ān 3:85)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Dalawang Talata:

1. Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) na ang relihiyon para sa Kanya ang Islām lamang.

2. Sa ikalawang talata, nagpabatid Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na Siya ay hindi tatanggap mula sa isa ng isang relihiyong iba pa sa Islām, na ang mga maligaya matapos ng kamatayan ay ang mga Muslim lamang, at na ang mga namamatay sa [relihiyong] iba pa sa Islām ay mga lugi sa tahanang pangkabilang-buhay at pagdurusahin sa Impiyerno.

Dahil dito, nagpahayag ang lahat ng mga propeta ng pag-anib nila sa Islām para kay Allāh at nagpahayag sila ng kawalang-kaugnayan nila sa sinumang hindi umanib sa Islām. Kaya ang sinumang nagnais kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng kaligtasan at kaligayahan ay pumasok siya sa Islām at sumunod siya sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang sa gayon siya ay maging isang totoong tagasunod nina Moises at Jesus (sumakanilang dalawa ang basbas at ang pangangalaga) dahil sina Moises, Jesus, at Muḥammad, at ang lahat ng mga sugo ni Allāh ay mga Muslim. Nag-anyaya silang lahat tungo sa Islām dahil ito ay ang Relihiyon ni Allāh, na ipinadala Niya sila dahil dito. Hindi natutumpak para sa isa man na nariyan matapos ng pagpapadala sa Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa katapusan ng Mundo, na tumawag siya sa sarili niya bilang Muslim para kay Allāh – at hindi tatanggapin ni Allāh mula sa kanya ang pag-aangking ito – malibang kapag sumampalataya siya kay Muḥammad bilang Sugo mula sa ganang kay Allāh, sumunod siya rito, at gumawa siya ayon sa Qur'ān na pinababa ni Allāh dito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Dakilang Qur'ān:

﴿قُلْ إِن كُنتُمْ تُحِبُّونَ اللَّهَ فَاتَّبِعُونِي يُحْبِبْكُمُ اللَّهُ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ﴾ [آل عمران:31].

{Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur'ān 3:31)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Talata:

Nag-uutos si Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad na magsabi sa sinumang nag-aangkin ng pag-ibig kay Allāh: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh nang totohanan, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay hindi iibig sa inyo at hindi magpapatawad sa inyo ng mga pagkakasala ninyo malibang kapag sumampalataya kayo sa Sugo Niyang si Muḥammad at sumunod kayo rito."

Ang Islām na ito na ipinadala ni Allāh dahil dito ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan ay ang Islām na buo, masaklaw, mapagparaya, na binuo ni Allāh at kinalugdan Niya para sa mga lingkod Niya bilang relihiyon at hindi Siya tatanggap mula sa kanila ng isang relihiyong iba pa rito. Ito ay ibinalita ng mga propeta at sinampalatayanan nila. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Dakilang Qur'ān:

﴿الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا﴾ [المائدة:3].

{Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Talata:

Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa marangal na talatang ito na pinababa Niya sa Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) habang siya ay nakatigil kasama ng mga Muslim sa `Arafāt sa Makkah sa ḥajj ng pamamaalam, habang sarilinang nakikipag-usap sila at dumadalangin sila kay Allāh. Iyon ay sa huling bahagi ng buhay ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos na nagpawagi sa kanya si Allāh, lumaganap ang Islām, at nabuo ang pagkababa ng Qur'ān.

Nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay bumuo para sa mga Muslim ng relihiyon nila at lumubos sa kanila ng biyaya Niya sa pamamagitan ng pagpapadala sa Sugong si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) at pagpapababa ng Dakilang Qur'ān dito. Nagpapabatid Siya na Siya ay nalugod sa Islām para sa kanila bilang relihiyon, hindi maiinis dito magpakailanman, at hindi tatanggap mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito magpakailanman.

Nagpapabatid Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na ang Islām na ipinadala Niya dahil dito ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan ay ang relihiyon na buo, masaklaw, naaangkop sa bawat panahon, pook, at kalipunan sapagkat ito ay ang relihiyon ng kaalaman, kadalian, katarungan, at kabutihan. Ito ay ang metodolohiyang maliwanag, buo, matuwid para sa sarisaring larangan ng buhay sapagkat ito ay relihiyon at estado na narito ang metodolohiyang totoo para sa pamamahala, paghatol, pulitika, lipunan, at ekonomiya, at para sa anumang kakailanganin ng sangkatauhan sa buhay nilang pangmundo. Ito ay ang naglalaman ng kaligayahan nila sa buhay pangkabilang-buhay matapos ng kamatayan.

***


 Ang mga Haligi ng Islām

Ang Islām na buo na ipinadala ni Allāh dahil dito ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay nakatayo sa limang haligi. Ang tao ay hindi nagiging isang totoong Muslim hanggang sa sumampalataya siya sa mga ito at magsagawa ng mga ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh,

2. Magpanatili ng pagdarasal,

3. Magbigay ng zakāh,

4. Mag-ayuno sa Ramaḍān,

5. Magsagawa ng ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh kung nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.[14]

 Ang Unang Haligi

Ang Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh

Ang pagsaksing ito ay may kahulugang kinakailangan sa Muslim ang makaalam nito at ang gumawa ayon dito. Hinggil naman sa nagsasabi nito sa pamamagitan ng dila niya samantalang hindi nakaaalam sa kahulugan nito at hindi gumagawa ayon dito, tunay na siya ay hindi nakikinabang dito.

Ang kahulugan ng [Adhikaing] "Walang Diyos kundi si Allāh" ay "walang sinasamba ayon sa karapatan sa lupa ni sa langit kundi si Allāh lamang" sapagkat Siya ay ang Totoong Diyos at ang bawat diyos na iba pa sa kanya at walang-kabuluhan. Ang diyos ay nangangahulugang ang sinasamba.

Ang sumasamba sa iba pa kay Allāh ay isang tagatangging sumampalataya kay Allāh, na tagapagtambal sa Kanya, kahit pa man ang sinasamba niya ay isang propeta o isang katangkilik [ni Allāh] at kahit pa man dahil sa katwiran ng pagpapakalapit-loob sa pamamagitan nito kay Allāh (napakataas Siya) at ng pagsusumamo sa Kanya dahil ang mga tagapagtambal na kinalaban ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi sumamba sa mga propeta at mga katangkilik [ni Allāh] malibang dahil sa katwirang ito. Subalit ito ay isang katwirang walang-kabuluhan na tinatanggihan dahil ang pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya) at ang pagsusumamo sa Kanya ay hindi sa pamamagitan ng pagbaling ng pagsamba sa iba pa sa Kanya. [Ito ay] tanging sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya; sa pamamagitan ng mga gawaing maayos na ipinag-utos Niya gaya ng pagdarasal, pagkakawanggawa, pag-alaala [sa Kanya], pag-aayuno, pakikibaka, pagsasagawa ng ḥajj, pagsasamabuting-loob sa mga magulang, at tulad niyon; at sa pamamagitan ng pagdalangin ng mananampalatayang buhay na nakadalo sa kapatid nito kapag dinalanginan nito.

Ang pagsamba ay maraming uri. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:

 1. Ang Pagdalangin:

Ito ay ang paghiling ng mga pangangailangan na walang nakakakaya sa mga ito kundi si Allāh (napakataas Siya) tulad ng pagpapababa ng ulan, pagpapagaling sa maysakit, at pagpapahupa ng mga dalamhati na hindi nakapagpapahupa ng mga ito ang nilikha; at tulad ng paghiling ng Paraiso at kaligtasan mula sa Impiyerno, paghiling ng mga anak, panustos, at kaligayahan, at tulad niyon.

Kaya ito sa kabuuan nito ay hindi hinihiling kundi mula kay Allāh sapagkat ang sinumang humiling ng anuman kabilang doon mula sa nilikha, buhay man o patay, ay sumamba nga siya roon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) – habang nag-uutos sa mga lingkod Niya ng pagdalangin sa Kanya lamang at habang nagpapabatid na ang pagdalangin ay isang pagsamba – na ang sinumang magbaling nito sa iba pa sa Kanya, ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ﴾ [غافر:60]

{Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.} (Qur'ān 40:60)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya) habang nagpapabatid na ang sinumang iba sa Kanya kabilang sa mga dinadalanginan ay hindi nakapagdudulot para sa isa man ng isang pakinabang ni isang pinsala, kahit pa man sila ay mga propeta o mga katangkilik [ni Allāh]:

﴿قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُم مِّن دُونِهِ فَلَا يَمْلِكُونَ كَشْفَ الضُّرِّ عَنكُمْ وَلَا تَحْوِيلً﴾ [الإسراء:56 ]

{Sabihin mo: "Dumalangin kayo sa mga inaakala ninyo bukod pa sa Kanya sapagkat hindi sila nakapangyayari sa pagpawi ng pinsala palayo sa inyo ni ng isang paglilipat."} (Qur'ān 40:56)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَأَنَّ الْمَسَاجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا مَعَ اللَّهِ أَحَدًا﴾ [الجن:18]

{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.} (Qur'ān 72:18)

 2. Ang pag-aalay, ang pamamanata, at ang paghahandog ng mga handog.

Kaya hindi natutumpak na magpakalapit-loob ang tao sa pamamagitan ng pagpapadanak ng dugo [ng hayop] o sa pamamagitan ng isang paghahandog ng isang handog o sa pamamagitan ng isang pamamanata malibang kay Allāh lamang. Ang sinumang nag-alay sa iba pa kay Allāh, gaya ng sinumang nag-aalay sa libingan o sa jinn, ay sumamba nga sa iba pa kay Allāh at naging karapat-dapat sa sumpa ni Allāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ﴾ [الأنعام:162]

{Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang –} (Qur'ān 6:162)

Nagsabi naman ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ni Allāh ang sinumang nag-alay para sa iba pa kay Allāh."[15]

Kapag may nagsabing isang tao kay Polano: "Kailangan sa akin ng isang panata, kung may nangyari sa akin na ganito, na magkawanggawa ako ng ganito o na gumawa ako ng ganito," ang panatang ito ay isang pagtatambal (shirk) kay Allāh dahil ito ay isang panata para sa isang nilikha. Ang panata ay isang pagsamba na hindi nagiging [ukol] kundi kay Allāh. Ang panatang isinasabatas ay na magsabi: "May tungkulin sa akin kay Allāh na isang panata na magkawanggawa ako ng ganito o na gumawa ako ng ganito na pagtalima kapag may nangyari sa akin na ganito."

 3. Ang pagpapasaklolo, ang pagpapatulong, at ang pagpapakupkop[16]

Kaya hindi nagpapasaklolo, hindi nagpapatulong, at hindi nagpapakupkop kundi kay Allāh lamang. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Marangal na Qur'ān:

﴿إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ﴾ [الفاتحة:5]

{Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.} (Qur'ān 1:5)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ الْفَلَقِ (1) مِن شَرِّ مَا خَلَقَ (2)[الفلق:1-2]

{1. Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway 2. laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya} (Qur'ān 113:1-2)

Nagsabi naman ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na hindi nagpapasaklolo sa akin at nagpapasaklolo lamang kay Allāh."[17]Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh; at kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh."[18]

Ang taong buhay na nakadalo ay natutumpak na hingan ng saklolo at hingan ng tulong sa bagay na nakakakaya siya nito lamang. Hinggil naman sa pagpapakupkop, hindi nagpapakupkop kundi kay Allāh lamang. Ang patay at ang nakaliban ay hindi pinagpapasaklolohan at hindi pinagpapatulungan nang tandisan dahil ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman, kahit pa man ito ay naging isang propeta o isang katangkilik [ni Allāh] o isang hari.

Ang Lingid ay walang nakaaalam kundi si Allāh (napakataas Siya). Kaya ang sinumang nag-angkin na siya raw ay nakaaalam sa Lingid, siya ay isang tagatangging sumampalataya na kinakailangan ang magpasinungaling sa kanya. Kung sakaling nanghula siya ng isang bagay saka naganap naman, iyon ay bahagi ng pagkakataon. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula ng hinaharap o isang palahula ng nakaraan saka naniniwala siya rito sa sinasabi nito, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad."[19]

Ang pananalig, ang pag-aasam[20], at ang pagpapakumbaba, kaya hindi mananalig ang tao kundi kay Allāh, hindi siya mag-aasam kundi kay Allāh, at hindi siya magpapakumbaba kundi kay Allāh lamang.

Kabilang sa nakapagpapalungkot ay na marami sa mga nauugnay sa Islām ay nagtatambal kay Allāh sapagkat dumadalangin sila sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga buhay na dinadakila at kabilang sa mga nakalibing sa mga libingan, nagsasagawa ng ṭawāf sa mga libingan ng mga ito, at humihiling mula sa mga ito ng mga pangangailangan nila. Ito ay isang pagsamba sa iba pa kay Allāh, na ang tagagawa nito ay hindi isang Muslim, kahit pa nag-angkin siya ng [pagkaanib sa] Islām, nagsabi siya na walang Diyos kundi si Allāh at si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, nag-ayuno siya, at nagsagawa siya ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَلَقَدْ أُوحِيَ إِلَيْكَ وَإِلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِكَ لَئِنْ أَشْرَكْتَ لَيَحْبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ﴾ [الزمر:65]

{Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga nauna pa sa iyo na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65)

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّهُ مَن يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنصَارٍ﴾ [المائدة:72].

{Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur’ān 5:72)

Nag-utos si Allāh (napakataas Siya) sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya at batiin ng kapayapaan) na magsabi sa mga tao:

﴿قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَمَن كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ رَبِّهِ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَالِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدًا﴾ [الكهف:110].

{Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."} (Qur'ān 18:110)

Ang mga mangmang na ito ay nalinlang ng mga maalam ng kasagwaan at pagkaligaw, na nakaalam ng ilan sa mga sangay [ng Islām] at namangmang sa Tawḥīd na siyang pundasyon ng relihiyon kaya sila ay naging nag-aanyaya sa Shirk dala ng kamangmangan mula sa kanila sa kahulugan nito sa ngalan ng pamamagitan (shafā`ah) at pampalapit (wasīlah). Ang katwiran nila kaugnay roon ay ang mga tiwaling pagbibigay-pakahulugan sa ilan sa mga teksto at mga ḥadīth na ginawa-gawa – sa matandang panahon at makabagong panahon – hinggil sa Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan), ang mga kuwento, ang mga nakita sa panaginip na tinahi-tahi para sa kanila ng demonyo, at ang anumang nakawangis doon na mga kaligawan na tinipon nila sa mga aklat nila upang ipang-ayuda nila sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh dala ng pagsunod sa demonyo at sa pithaya at dala ng bulag na paggaya-gaya sa mga magulang at mga ninuno gaya ng kalagayan ng mga sinaunang tagapagtambal.

Ang pampalapit (wasīlah) na ipinag-utos sa atin ni Allāh na hangarin natin ay nasa sabi Niyang:

﴿وَابْتَغُوا إِلَيْهِ الْوَسِيلَةَ﴾ [المائدة:35]

{maghangad kayo tungo sa Kanya ng pampalapit} (Qur'ān 5:35).

Ito ay ang mga maayos na gawain gaya ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagdarasal, pagkakawanggawa, pag-aayuno, pagsasagawa ng ḥajj, pakikibaka, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, pakikipag-ugnayan sa kaanak, at tulad niyon. Hinggil naman sa pagdalangin sa mga patay at pagpapasaklolo sa kanila sa sandali ng mga kariwaraan at mga dalamhati, ito ay isang pagsamba sa kanila, sa iba pa kay Allāh.

Ang pamamagitan ng mga propeta, mga katangkilik [ni Allāh], at iba pa sa kanila kabilang sa mga Muslim na pinahihintulutan ni Allāh sa pamamagitan ay katotohanang sinasampalatayanan natin subalit ito ay hindi hinihiling mula sa mga patay dahil ito ay isang karapatan para kay Allāh, na hindi nangyayari sa isa malibang ayon sa pahintulot Niya (napakataas Siya). Kaya humihiling nito ang naniniwala sa kaisahan ni Allāh mula kay Allāh (napakataas Siya), na nagsasabi: "O Allāh, magpamagitan Ka sa akin ng Sugo Mo at mga lingkod Mong maaayos" at hindi nagsasabi:"O Polano, mamagitan ka para sa akin" dahil ito ay isang patay at ang patay ay hindi hinihilingan ng anuman magpakailanman. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿قُل لِّلَّهِ الشَّفَاعَةُ جَمِيعًا لَّهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ﴾ [الزمر:44]

{Sabihin mo: "Sa kay Allāh ang [pagpapahintulot ng] pamamagitan *nang lahatan. Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo."} (Qur'ān 39:44)

Kabilang sa mga Bid`ah na ipinagbabawal na sumasalungat sa Islām at na sinaway ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tumpak na ḥadīth sa Dalawang Ṣaḥīḥ at mga Sunnah ang paggawa ng mga masjid at mga ilaw sa mga libingan, ang pagpapatayo [ng estruktura] sa mga ito, ang pagpipintura sa mga ito, ang pagsusulat sa mga ito, ang paglalagay ng mga takip sa mga ito, at ang pagdarasal sa sementeryo. Ang lahat ng ito ay sinaway ng Marangal na Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagsamba sa mga nakalibing sa mga ito.

Sa pamamagitan nito, lumilinaw na bahagi ng pagtatambal kay Allāh ang ginagawa ng mga mangmang – sa tabi ng ilan sa mga libingan sa marami sa mga bayan [ng mga Muslim] tulad ng libingan ni Al-Badawīy at ni Sayyidah Zaynab sa Ehipto, libingan ni Al-Jaylānīy sa Iraq, mga libingang iniugnay sa sambahayan [ng Propeta] (malugod si Allāh sa kanila) sa Najaf at Karbalā' sa Iraq, at mga iba pang libingan sa marami sa mga bayan [ng mga Muslim] – gaya ng pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng mga ito, paghiling ng mga pangangailangan mula sa mga nakalibing sa mga ito, at paniniwala sa pakinabang at pinsalang dulot nila.

Lumilinaw na ang mga ito, dahil sa gawain nilang ito, ay mga tagapagtambal na mga ligaw, kahit pa nag-angkin sila ng [pagkaanib sa] Islām, nagdasal sila, nag-ayuno sila, nagsagawa sila ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh], at bumigkas sila ng [pagsaksing] "Walang Diyos kundi si Allāh at si Muḥammad ay Sugo ni Allāh" dahil ang tagabigkas ng [pagsaksing] "Walang Diyos kundi si Allāh at si Muḥammad ay Sugo ni Allāh" ay hindi itinuturing na isang naniniwala sa kaisahan ni Allāh hanggang sa makaalam siya ng kahulugan nito at gumawa ayon dito, gaya ng naunang paglilinaw niyon. Hinggil naman sa di-Muslim, tunay na siya ay pumapasok sa Islām sa simula ng pagbigkas niya nito at tinatawag siya na isang Muslim malibang luminaw mula sa kanya ang sumasalungat dito na pananatili niya sa Shirk gaya ng mga mangmang na ito o pagkakaila niya ng anuman mula sa mga tungkulin sa Islām matapos ng paglilinaw ng mga ito sa kanya o pananampalataya niya sa isang relihiyon na taliwas sa Relihiyong Islām.

Ang mga propeta at ang mga katangkilik[21][ni Allāh] ay mga walang-kaugnayan sa sinumang dumadalangin sa kanila at nagpapasaklolo sa kanila dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nagsugo ng mga sugo Niya para mag-anyaya sa mga tao tungo sa pagsamba sa Kanya lamang at mag-iwan sa pagsamba sa sinumang iba sa Kanya – maging isang propeta man o isang katangkilik [ni Allāh] o iba pa sa dalawang ito.

Ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga katangkilik na tumutulad sa kanya ay hindi sa pagsamba sa kanila dahil ang pagsamba sa kanila ay isang pangangaway sa kanila; ang pag-ibig lamang sa kanila ay nasa pagtulad sa kanila at pagtahak sa pamamaraan nila. Ang tunay na Muslim ay umiibig sa mga propeta at mga katangkilik [ni Allāh] subalit siya ay hindi sumasamba sa kanila.

Tayo ay sumasampalataya na ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kinakailangan sa atin higit sa pag-ibig sa sarili, kabiyak, anak, at mga tao sa kalahatan.

***

Ang Pangkat na Maliligtas

Ang mga Muslim ay marami sa bilang subalit sila ay kaunti sa reyalidad. Ang mga pangkating nauugnay sa Islām ay marami, na umaabot sa 73 pangkat. Ang bilang ng mga kaanib ng mga ito ay isang bilyon at higit pa[22]subalit ang pangkating Muslim sa totoo ay nag-iisa. Ito ay ang naniniwala sa kaisahan ni Allāh (napakataas Siya) at tumatahak sa pamamaraan ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan nito sa pinaniniwalaan at maayos na gawain, gaya ng ipinabatid hinggil doon ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sabi nito: {"Nagkahati-hati ang mga Hudyo sa pitumpu't isang pangkat, nagkahati-hati ang mga Kristiyano sa pitumpu't dalawang pangkat, at magkakahati-hati ang kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkat na ang kabuuan ng mga ito ay sa Impiyerno maliban sa nag-iisa." Nagsabi ang mga Kasamahan: "Sino po sila, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakabatay sa tulad ng anumang ako ay nakabatay sa araw na ito at ang mga Kasamahan ko."[23]

Ang bagay na nakabatay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan Niya ay ang paniniwala sa kahulugan ng [Adhikaing] "Walang Diyos kundi si Allāh at si Muḥammad ay Sugo ni Allāh"; ang paggawa ayon dito sa pamamagitan ng pagdalangin kay Allāh lamang; ang pag-aalay at ang pamamanata kay Allāh lamang; ang pagpapasaklolo, ang pagpapatulong, at ang pagpapakupkop kay Allāh lamang; ang paniniwala sa pakinabang at pinsala dahil sa Kanya lamang; ang pagsasagawa ng mga haligi ng Islām nang may pagpapakawagas sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya); at ang paniniwala sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, pagbubuhay, pagtutuos, Paraiso, at Impiyerno, at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito na sa kabuuan nito ay mula kay Allāh (napakataas Siya). Ang pagpapahatol sa Qur'ān at Sunnah sa sarisaring larangan at ang pagkalugod sa hatol ng dalawang ito; ang pakikipagtangkilikan sa mga katangkilik ni Allāh at ang pakikipag-away sa mga kaaway Niya; ang pag-aanyaya tungo sa Kanya, ang pakikibaka sa landas Niya, at ang pagkakaisa roon; ang pagdinig at ang pagtalima sa katangkilik ng kapakanan ng Muslim kapag nag-utos ito ng nakabubuti; ang pagsasabi ng salita ng katotohanan saan man sila; ang pag-ibig sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mag-anak niya at ang pagtangkilik sa kanila; ang pag-ibig sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan), ang pagpapauna sa kanila ayon sa sukat ng kalamangan nila, ang pagdalangin ng pagkalugod sa kanila sa kalahatan, ang pagpipigil [sa paghuhusga] tungkol sa anumang napagtalunan sa pagitan nila,[24]at ang hindi paniniwala sa paninirang-puri sa ilan sa kanila ng mga mapagpaimbabaw, yaong paninirang-puri na naglalayon ang mga ito ng pagpapawatak-watak sa mga Muslim at nalinlang naman dito ang ilan sa mga maalam nila at mga mananalaysay nila kaya pinagtibay ito ng mga ito sa mga aklat ng mga ito dala sana ng magandang layunin gayong ito ay mali.

Ang mga nag-aangkin na sila ay kabilang sa sambahayan [ng Propeta] at tinatawag na mga "sayyid" ay kailangan sa kanila na magpakatiyak sa katumpakan ng kaangkanan nila dahil si Allāh ay sumumpa sa sinumang nag-uugnay ng kaangkanan sa hindi ama nito. Kaya kapag napagtibay ang kaangkanan nila, kailangan sa kanila na tumulad sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mag-anak niya sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, mag-iwan ng mga pagsuway, hindi malugod sa pagyukod ng mga tao sa kanila at paghalik sa mga tuhod nila at mga paa nila, at na hindi sila magbukod ng sarili sa mga kapwa nila mga Muslim sa pamamagitan ng isang natatanging kasuutan dahil iyon sa kabuuan niyon ay sumasalungat sa [kalakarang] nakabatay ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at siya ay walang-kaugnayan doon at ang pinakamarangal na pinakamapangilag magkasala sa ganang kay Allāh.

Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya pangalagaan Niya ng isang pangangalaga.

***

Ang paghahatol at ang pagbabatas ay isang karapatan para kay Allāh lamang at yayamang ang batas ay nagiging ang katarungan, ang pagkaawa, at ang kainaman.

Bahagi ng kahulugan ng [Adhikaing] "Walang Diyos kundi si Allāh" na kinakailangan ang paniniwala rito at ang paggawa ayon dito ay na ang paghahatol at ang pagbabatas ay isang karapatan para kay Allāh lamang. Kaya naman hindi pinapayagan para sa isa sa mga tao na maglagay ng isang batas na sumasalungat sa pagbabatas ni Allāh sa alinmang usapin kabilang sa mga usapin, hindi pinapayagan para sa Muslim na humatol ayon sa iba pa sa pinababa ni Allāh, hindi pinapayagan para sa kanya na malugod sa hatol na sumasalungat sa Batas ni Allāh, at hindi pinapayagan para sa isa man na magpahintulot ng ipinagbawal ni Allāh o magbawal ng ipinahintulot ni Allāh. Kaya ang sinumang gumawa niyon nang nananadya sa pagsalungat o nalugod dito, siya ay isang tagatangging sumampalataya kay Allāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَن لَّمْ يَحْكُم بِمَا أَنزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ﴾ [المائدة:44]

{Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44)

***

 Ang Katungkulan ng mga Sugo na Ipinadala ni Allāh Dahil Doon

Ito ay ang pag-aanyaya sa mga tao tungo sa Adhikain ng Tawḥīd – Walang Diyos Kundi Allāh – at ang paggawa ayon sa ipinahihiwatig nito: ang pagsamba kay Allāh lamang at ang paglabas sa pagsamba sa nilikha at batas nito tungo sa pagsamba sa Tagalikha at Batas Niya lamang nang walang katambal para sa Kanya.

Ang sinumang nagbasa ng Qur'ān nang may isang pagmumuni-muni at isang paglayo sa bulag na paggaya-gaya ay makatatalos nang lubusan na ang nilinaw nating iyon ay ang katotohanan at makatatalos na si Allāh ay nagtakda ng ugnayan ng tao sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at sa nilikha. Ginawa ni Allāh na ang ugnayan ng mananampalatayang lingkod Niya sa Kanya ay na sumamba ito sa Kanya sa pamamagitan ng lahat ng mga uri ng pagsamba kaya naman hindi ito magbabaling mula sa mga ito ng anuman sa iba pa sa Kanya. Ginawa ni Allāh na ang ugnayan ng mananampalataya sa mga propeta at mga maayos na lingkod Niya ay ang pag-ibig sa kanila nang isang pag-ibig na nakasunod sa pag-ibig sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at ang pagtulad sa kanila. Ginawa ni Allāh na ang ugnayan ng tao sa mga tagatangging sumampalataya na kaaway Niya ay ang pagkamuhi sa kanila dahil Siya ay namumuhi sa kanila, na mag-anyaya ito sa kanila, sa kabila nito, tungo sa Islām at maglinaw ito sa kanila nang harinawa sila ay mapatnubayan, na makibaka sa kanila ang mga Muslim kapag tumanggi sila sa Islām at tumanggi sila sa pagpapasailalim sa kahatulan ni Allāh hanggang sa hindi magkaroon ng sigalot at ang relihiyon sa kabuuan nito ay maging ukol kay Allāh. Kaya ang mga kahulugang ito ng Adhikain ng Tawḥīd – Walang Diyos Kundi si Allāh – ay kinakailangan sa Muslim na makaalam ng mga ito at na gumawa ayon sa mga ito upang siya ay maging isang totoong Muslim.

Ang Kahulugan ng Pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh

Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay na makaalam ka at maniwala ka na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh sa mga tao sa kalahatan; na siya ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugo na hindi pinasisinungalingan, bagkus tinatalima at sinusunod, na ang sinumang tumalima sa kanya ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa kanya ay papasok sa Impiyerno; na makaalam ka at maniwala ka na ang pagtanggap ng pagbabatas, maging sa mga rituwal ng mga pagsamba na ipinag-utos ni Allāh o sa sistema ng pamamahala at pagbabatas sa sarisaring larangan o sa pagpapahintulot at pagbabawal ay hindi magiging [maaari] malibang sa pamamagitan ng Marangal na Sugong ito na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya ay ang Sugo ni Allāh, ang tagapagpaabot tungkol kay Allāh at ng Batas Nito. Kaya naman hindi pinapayagan para sa Muslim na tumanggap ng isang pagbabatas na dumating mula sa iba pa sa daan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَا آتَاكُمُ الرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَاكُمْ عَنْهُ فَانتَهُوا وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾ [الحشر:7]

{Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 59:7)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤْمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيْنَهُمْ ثُمَّ لَا يَجِدُوا فِي أَنفُسِهِمْ حَرَجًا مِّمَّا قَضَيْتَ وَيُسَلِّمُوا تَسْلِيمًا﴾ [النساء:65]

{Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang pinagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].} (Qur'ān 4:65)

 Ang Kahulugan ng Dalawang Talata:

1. Nag-uutos si Allāh sa unang talata sa mga Muslim na tumalima sila sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng iniutos nito sa kanila at tumigil sila sa lahat ng sinaway nito sa kanila dahil ito ay nag-uutos lamang ng inuutos ni Allāh at sumasaway lamang ng sinasaway Niya.

2. Sa ikalawang talata naman ay sumusumpa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa banal na sarili Niya na hindi tutumpak ang pananampalataya ng isang tao sa Kanya at sa Sugo Niya hanggang sa magpahatol ito sa Sugo sa anumang napagtalunan sa pagitan nito at ng iba pa,[25]pagkatapos nalulugod ito sa hatol Niya at nagpapasakop ito sa ayon dito o laban dito. Nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos Namin, ito ay tatanggihan."[26]

***


 Panawagan

Kapag nakaalam ka, O nakapag-uunawa, sa kahulugan ng [Adhikaing] "Walang Diyos kundi si Allāh, si Muḥammad ay Sugo ni Allāh" at nakaalam ka na ang pagsaksing ito ay ang susi ng Islām at ang pundasyon nito na pinagtayuan nito, sabihin mo mula sa isang pusong nagpapakawagas: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh" at gumawa ka ayon sa kahulugan ng pagsaksing ito upang magtamo ka ng kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay at upang maligtas ka mula sa pagdurusang dulot ni Allāh matapos ng kamatayan.

Alamin mo na kabilang sa hinihiling ng pagsaksi "na walang Diyos kundi si Allāh, si Muḥammad ay Sugo ni Allāh" ang pagsasagawa sa nalalabi sa mga Haligi ng Islām dahil si Allāh ay nagsatungkulin ng mga haliging ito sa Muslim upang sumamba ito sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito nang may katapatan at pagpapakawagas alang-alang sa Kanya (napakataas Siya). Ang sinumang nag-iwan ng isang haligi mula sa mga ito nang walang maidadahilang isinasabatas, lumabag nga siya sa kahulugan ng "walang Diyos kundi si Allāh" at hindi itinuturing na tumpak ang pagsaksi niya.

***

 Ang Ikalawang Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Pagdarasal

Alamin mo, O nakapag-uunawa, na ang ikalawang haligi mula sa mga Haligi ng Islām ay ang pagdarasal. Ito ay limang pagdarasal sa araw at gabi, na isinabatas ni Allāh (napakataas Siya) upang maging isang pang-ugnay sa pagitan Niya at ng Muslim, na sarilinang nakikipag-usap sa Kanya sa mga ito at dumadalangin sa Kanya, at upang maging isang tagasaway para sa Muslim laban sa kahalayan at nakasasama kaya nakakamit para sa kanya ang sikolohikal at pisikal na kapahingahan, na magpapaligaya sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.

Nagsabatas nga si Allāh para sa pagdarasal ng kadalisayan (ṭaharāh) sa katawan, mga kasuutan, at lugar na pagdarasalan kaya nagpapakalinis ang Muslim sa pamamagitan ng tubig na kadali-dalisay mula sa mga karumihan (najāsah), tulad ng ihi at dumi, upang magdalisay siya ng katawan niya mula sa pisikal na karumihan at ng puso nila mula sa espirituwal na karumihan.

Ang pagdarasal ay ang tukod ng Relihiyon. Ito ay ang pinakamahalaga sa mga Haligi ng Islām matapos ng Dalawang Pagsaksi. Kinakailangan sa Muslim na mangalaga sa mga ito magmula sa edad ng pagbibinata [o pagdadalaga] hanggang sa mamatay siya. Kinakailangan na mag-utos siya nito sa asawa niya at mga anak niya magmula sa edad na pitong taon upang mahirati sila rito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ الصَّلَاةَ كَانَتْ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ كِتَابًا مَّوْقُوتًا﴾ [النساء:103]

{Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ وَذَٰلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ﴾ [البينة:5]

{Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga *makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng Zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.} (Qur'ān 98:5)

 Ang Pabuod na Kahulugan ng Dalawang Talata:

1. Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa unang talata na ang pagdarasal ay isang tungkuling iniatas sa mga mananampalataya at na kailangan sa kanila na magsagawa ng mga ito sa mga oras ng mga ito na itinakda para sa mga ito.

2. Sa ikalawang talata ay nagpapabatid si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na ang utos na ipinag-utos Niya sa mga tao at nilikha Niya sila alang-alang doon ay na sumamba sila sa Kanya lamang at magpakawagas sila sa Kanya sa pagsamba nila, at na magpanatili sila ng pagdarasal at magbigay sila ng zakāh sa mga naging karapat-dapat.

Ang pagdarasal ay kinakailangan sa Muslim sa lahat ng mga kalagayan niya pati na sa kalagayan ng pangamba at sakit kaya tunay na siya ay magdarasal ayon sa abot ng kakayahan niya nang nakatayo o nakaupo o nakahiga. Kahit pa kung sakaling hindi niya makaya maliban sa isang pagsenyas sa pamamagitan ng mata niya o sa pamamagitan ng puso niya, tunay na siya ay magdarasal sa pamamagitan ng pagsenyas. Nagpabatid nga ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nag-iiwan ng pagdarasal ay hindi isang Muslim, lalaki man o babae, sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang pagdarasal kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."}[27]

 Ang Limang Dasal ay ang Sumusunod:

Ang dasal sa madaling-araw (fajr), ang dasal sa tanghali (ḍ̆uhr), ang dasal sa `aṣﷺ‬ (hapon), ang dasal sa takipsilim (maghrib), at ang dasal sa gabi (`ishā’).

Ang oras ng dasal sa madaling-araw (fajr) ay nagsisimula sa paglitaw ng liwanag ng umaga sa silangan at nagtatapos sa sandali ng pagsikat ng araw. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito hanggang sa huling sandali ng oras nito. Ang oras ng dasal sa tanghali (ḍ̆uhr) ay nagsisimula mula sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat hanggang sa ang anino ng isang bagay ay maging kasinghaba nito matapos ng katanghaliang-tapat. Ang oras ng dasal sa hapon (`aṣﷺ‬) ay nagsisimula matapos ng pagtatapos ng oras ng ḍ̆uhr hanggang sa paninilaw ng araw. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito hanggang sa huling sandali ng oras nito; bagkus dinadasal ito hanggat ang araw ay dalisay na puti. Ang oras ng dasal sa takipsilim (maghrib) ay nagsisimula matapos ng paglubog ng araw at nagtatapos sa paglaho ng pulang takipsilim. Hindi ipinahuhuli ito hanggang sa huling sandali ng oras nito. Ang oras ng dasal sa gabi (`ishā’) ay nagsisimula matapos ng pagtatapos ng oras ng dasal sa maghrib hanggang sa huling sandali ng gabi nang hindi ipinahuhuli matapos nito.

Kung sakaling nagpahuli ang Muslim ng iisang dasal sa oras nito hanggang sa nagtapos iyon nang walang legal na hadlang na labas sa pagnanais niya, tunay na siya ay nakagawa nga ng isang mabigat na pagkakasala na kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh at hindi bumalik [sa gayon]. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿فَوَيْلٌ لِّلْمُصَلِّينَ (4) الَّذِينَ هُمْ عَن صَلَاتِهِمْ سَاهُونَ (5)[الماعون:4-5].

{4. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal, 5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,} (Qur'ān 107:4-5)

***

 Ang mga Patakaran sa Ṣalāh

 A. Ang Kadalisayan

Bago pumasok ang Muslim sa pagdarasal ay hindi makaiiwas para sa kanya sa kadalisayan kaya maglilinis muna siya ng labasan ng ihi o dumi kung may lumabas mula rito na ihi o dumi, pagkatapos magsasagawa siya ng wuḍū'.

Ang Wuḍū'. Maglalayon siya sa puso niya [na magsagawa] ng kadalisayan at hindi siya bibigkas ng layunin dahil si Allāh ay maalam nito at dahil ang Sugo (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay hindi bumigkas nito. Magsasabi siya ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh). Pagkatapos magmumumog siya at sisinghot ng tubig sa ilong niya at magsisinga nito. Maghuhugas siya ng buong mukha niya. Pagkatapos maghuhugas siya ng mga kamay niya kasama ng mga braso at mga siko simula sa kanan. Pagkatapos magpapahid siya sa buong ulo niya ng mga kamay niya at magpapahid siya sa mga tainga niya. Pagkatapos maghuhugas siya ng mga paa niya kasama ng mga bukungbukong simula sa kanan.

Kapag may lumabas mula sa tao na ihi o dumi o utot matapos na magpakadalisay siya o naglaho ang ulirat niya dahil sa isang pagkatulog o isang pagkahimatay, tunay na siya ay mag-uulit ng pagpapakadalisay kapag nagnais siya na magdasal. Kung ang Muslim ay junub na lumabas mula sa kanya ang punlay dahil sa isang pagnanasang seksuwal kahit pa man dahil sa panaginip, maging lalaki man o babae, tunay na siya ay magpapakadalisay sa pamamagitan ng ghusl (pagpaligo) ng buong katawan niya dahil sa pagiging junub. Ang babae naman, kapag nahinto ang regla o ang pagdurugo, ay kakailanganin sa kanya na magpakadalisay sa pamamagitan ng ghusl (pagpaligo) ng buong katawan niya dahil ang nagregla at ang nagdurugo ay hindi tutumpak ang pagdarasal nilang dalawa at hindi kakailanganin sa kanilang dalawa ang pagdarasal hanggang sa magpakadalisay silang dalawa. Nagpagaan nga si Allāh sa kanilang dalawa sapagkat nag-alis Siya sa kanilang dalawa ng bayad-pagsasagawa sa nakaligtaan nilang dalawa sa mga araw ng pagreregla at pagdurugo. Hinggil naman sa anumang iba pa roon, kinakailangan sa kanilang dalawa ang bayad-pagsasagawa sa anumang nakaligtaan nilang dalawa gaya ng lalaki.

Ang sinumang nawalan ng tubig o nakapipinsala sa kanya ang paggamit nito gaya ng maysakit, tunay na siya ay magpapakadalisay sa pamamagitan ng tayammum. Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng tayammum ay [ganito]: maglalayon siya ng pagdadalisay sa puso niya at sasambit siya ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh). Pagkatapos tatapik siya ng mga kamay niya sa alabok nang iisang pagtapik at magpapahid siya ng mga ito sa mukha niya. Pagkatapos magpapahid siya sa ibabaw ng kanang kamay ng kaliwang palad at magpapahid siya sa ibabaw ng kaliwang kamay niya ng kanang palad. Sa pamamagitan nito, siya ay nakapagpakadalisay na. Ang tayammum na ito ay ukol sa bawat isa na nagreregla at nagdurugo kapag natigil silang dalawa [sa regla o pagdurugo], ukol sa junub, at ukol sa sinumang nagnanais magsagawa ng wuḍū' sa sandali ng pagkawala ng tubig o pangangamba sa paggamit nito.

 Ikalawa: Ang Pamamaraan ng Pagdarasal

 1. Ang Dasal sa Madaling-araw

Ito ay dalawang rak`ah. Haharap ang Muslim, lalaki man o babae, sa dako ng qiblah, ang [kinaroroonan ng] Ka`bah na nasa Masjid na Pinakababanal sa Makkah. Maglalayon siya sa puso niya na magdasal ng dasal sa madaling-araw (fajr) at hindi niya bibigkasin ang layunin. Pagkatapos ay magsasagawa siya ng takbīﷺ‬, na nagsabi ng Allāhu Akbar (si Allāh ay pinakadakila). Pagkatapos bibigkas siya ng du`ā'u -l'istiftāḥ (panalangin ng pagbubukas), na kabilang dito [ang ganito]: "Subḥānāka -llāhumma wa-biḥamdika, wa-tabāraka -smuka wa-ta`ālā jadduka, wa-lā ilāha ghayruka, a`ūdhu billāhi mina -sh-shayṭāni -ﷺ‬-rajīm (Kaluwalhatian sa Iyo, o Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo, napakamapagpala ang pangalan Mo at napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos kundi Ikaw. Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)." Pagkatapos bibigkas siya ng panimula ng Qur'ān, ang Fātiḥah:

﴿بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَl,الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ أهدنا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ صِرَاطَ الَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ الْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا الضَّالِّينَ﴾  [الفاتحة:1-7]

{1. Bismi -llāhi -ﷺ‬-raḥmāni -ﷺ‬-raḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain). 2. Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l-`ālamin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang), 3. Ar-raḥmāni -ﷺ‬-raḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain), 4. Māliki yawmi -d-dīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng (Pagtutumbas). 5. Iyyāka na`budu wa iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong). 6. Ihdina -ṣ-ṣirāṭa -l-mustaqīm (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. Ṣirāṭa -lladhīna an`amta `alayhim ghayri -l-maghḍūbi `alayhim wa la -ḍ-ḍāllin (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw).} (Qur'ān 1:1-7)

Hindi makaiiwas na bumigkas ang nagdarasal ng Qur'ān sa wikang Arabe[28]ayon sa kakayahan. Pagkatapos magsasabi siya ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila), yuyukod siya para magbaba ng ulo niya at likod niya, at maglalagay siya ng mga palad niya sa mga tuhod niya. Pagkatapos magsasabi siya ng subḥāna rabbiya -l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan). Pagkatapos aangat siya habang nagsasabi ng sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya) saka kapag nakatigil siya habang nakatayo ay magsasabi siya ng rabbanā wa laka -l-ḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Pagkatapos magsasabi siya ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) at magpapatirapa sa lapag sa mga dulo ng mga daliri ng mga paa niya, mga tuhod niya, mga palad niya, at noo niya at ilong niya. Pagkatapos magsasabi siya sa pagkakapatirapa ng subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas). Pagkatapos uupo siya habang nagsasabi ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) at magsasabi, kapag nakaupo, ng rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin). Pagkatapos magsasabi siya ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila), magpapatirapa sa lapag sa muli, at magsasabi ng subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas). Pagkatapos babangon siya patayo habang nagsasabi ng Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila). Pagkatapos bibigkas siya ng Fātiḥah gaya ng nauna [na pagbigkas] sa unang rak`ah. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīﷺ‬ at yuyukod. Pagkatapos aangat siya, pagkatapos magpapatirapa siya, pagkatapos uupo siya, pagkatapos magpapatirapa siya sa muli habang nagsasabi sa mga posisyong iyon ng sinabi niya sa unang pagkakataon.

Pagkatapos uupo siya at magsasabi [ng ganito]: At-taḥīyātu lillāhi wa­-ṣ-ṣalawātu wa­-ṭ-ṭayyibāt, as-salāmu `alayka ayyuha -­n-nabīyu wa-raḥmatu -­llāhi wa-barakātuh, as-salāmu `alaynā wa `alā `ibādi ­llāhi ­-ṣ-ṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa -­llāh, wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawa. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.) Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīma wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīma wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Mabunyi. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Mabunyi.) Pagkatapos lilingon siya sa kanan niya habang nagsasabi ng as-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh). Pagkatapos lilingon naman siya sa kaliwa niya habang nagsasabi ng as-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh). Sa pamamagitan nito nalubos ang dasal sa madaling-araw.

 2. Ang Dasal sa Tanghali (Ḍ̆uhr), ang Dasal sa Hapon (`Aṣﷺ‬), at ang Dasal sa Gabi (`Ishā’)

Tunay na ang bawat isa sa mga ito ay apat na rak`ah. Magdarasal siya ng unang dalawang rak`ah tulad ng pagdarasal ng dalawang rak`ah ng [dasal sa] madaling-araw subalit siya – kapag nakaupo siya matapos ng dalawang [rak`ah na] ito para sa tashahhud at nagsabi ng tulad sa sinabi niya sa pagkakaupo niya [sa dasal sa madaling-araw] bago ng pagbati – ay hindi babati; bagkus tatayo at magsasagawa ng dalawang rak`ah tulad ng unang dalawang rak`ah. Pagkatapos uupo siya sa ikalawang pagkakataon para sa tashahhud, magsasabi ng sinabi niya sa unang pagkakaupo niya, at dadalangin ng basbas kay Propeta Muḥammad. Pagkatapos babati siya [habang lumilingon] sa kanan niya, pagkatapos sa kaliwa niya naman gaya ng pagbati niya sa dasal sa madaling-araw.

 3. Ang Dasal sa Takipsilim (Maghrib)

Ito ay tatlong rak`ah. Magdarasal siya ng unang dalawang rak`ah tulad ng nauna [na mga dasal]. Pagkatapos uupo siya at magsasabi ng sinabi niya sa pagkakaupo niya sa ibang mga dasal subalit siya ay hindi babati bagkus tatayo, magsasagawa ng ikatlong rak`ah. Magsasabi siya at gagawa siya rito ng tulad sa sinabi niya at ginawa niya sa [nauna] bago nito. Pagkatapos uupo siya matapos na magpatirapa ng ikalawang pagpapatirapa. Magsasabi siya sa pagkakaupo niya ng sinabi niya sa pagkakaupo sa bawat dasal. Pagkatapos babati siya [habang lumilingon] sa kanan niya, pagkatapos sa kaliwa niya. Kapag nag-ulit-ulit ang nagdarasal ng sinasabi niya sa pagkakayukod niya at pagkakapatirapa niya, ito ay higit na mainam.

Ang mga lalaki ay kinakailangan na magdasal ng limang tungkuling dasal na ito sa isang konggregasyon sa masjid. Pangungunahan sila ng isang imām (namumuno sa dasal) na pinakamahusay sa kanila sa pagbigkas ng Qur'ān, pinakamaalam sa kanila sa pagdarasal, at pinakamaayos sa kanila sa relihiyon. Magpapalakas ang imām ng pagbigkas sa pagkakatayo niya bago ng pagyukod sa dasal sa madaling-araw at sa unang dalawang rak`ah sa dasal sa paglubog ng araw at sa gabi. Makikinig naman sa kanya ang sinumang nasa likuran niya.

Ang mga babae ay magdarasal ng mga ito sa mga bahay nang may pagbabalot at pag-iingat. Babalutin [ng babae ng kasuutan] ang buong katawan niya pati ang mga kamay at ang mga paa dahil siya sa kabuuan niya ay `awrah maliban ang mukha niya at uutusan siya na magtakip nito sa mga lalaki dahil ito ay isang tuksong nakikilala siya dahil dito kaya makapipinsala siya. Kapag naibigan ng Muslimah na magdasal sa masjid, walang hadlang dito sa kundisyon na lumabas siya na nakabalot at hindi nakapabango. Magdarasal siya sa likuran ng mga lalaki upang hindi siya makatukso sa kanila at hindi siya matukso sa kanila.

Kailangan sa Muslim na magdasal kay Allāh nang may pagpapakumbaba, kababaang-loob, at pusong nakadalo habang napapanatag sa pagkakatayo niya, pagkakayukod niya, at pagkakapatirapa niya, habang hindi nagmamabilis, hindi naglilikot, hindi nag-aangat ng paningin niya sa langit, hindi nagsalita ng iba pa sa [pagbigkas ng] Qur'ān at mga sinasambit sa dasal, habang ang bawat bagay ay nasa posisyon nito,[29]dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nag-utos ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Kanya.

Sa araw ng Biyernes, magdarasal ang mga Muslim ng dasal sa Biyernes na dalawang rak`ah, na nagpapalakas ang imām ng pagbigkas sa dalawang [rak`ah na] ito tulad ng dasal sa madaling-araw. Magtatalumpati muna siya bago niyon ng dalawang talumpati, na nagpapaalaala sa dalawang [talumpating] ito sa mga Muslim at nagtuturo sa kanila ng mga nauukol sa relihiyon nila. Kinakailangan sa mga lalaki ang dumalo rito kasama ng imām. Ito ang dasal sa tanghali sa araw ng Biyernes.

***

 Ang Ikatlong Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Zakāh

Nag-utos nga si Allāh sa bawat Muslim na nagmamay-ari ng yamang umaabot sa niṣāb[30]na maglabas ng zakāh ng yaman niya bawat taon para magbigay nito sa mga naging karapat-dapat dito na mga maralita at iba pa sa kanila kabilang sa mga pinapayagan ang pagbibigay ng zakāh sa kanila, gaya ng nilinaw sa Qur'ān.

Ang niṣāb ng ginto ay 20 mithqāl at ang niṣāb ng pilak ay 200 dirham o ang nakatutumbas doon na salapi. Ang mga inaalok ng pangangalakal, na mga paninda ayon sa mga uri ng mga ito, kapag umabot ang halaga ng mga ito sa isang niṣāb, ay kinakailangan sa tagapagmay-ari ng mga ito na magpalabas ng mga zakāh ng mga ito kapag lumipas sa mga ito ang isang taon. Ang niṣāb ng mga butil at mga bunga ay 300 ṣā`. Ang real estate na nakalaan para ibenta ay kinukunan ng zakāh ang halaga nito. Ang nakalaan sa pagpapaupa lamang ay kinukunan ng zakāh ang upa nito. Ang kantidad ng zakāh sa ginto, pilak, at mga inaalok ng pangangalakal ay 2.5% sa bawat taon; at sa mga butil at mga bunga ay 10% sa lupang pinatubigan nang walang pahirap gaya ng pinatutubigan ng tubig ng mga ilog o mga bukal na dumadaloy o mga ulan at 5% naman para sa pinatubigan nang may pahirap gaya ng pinatutubigan ng mga pang-angat ng tubig.

Ang oras ng pagpapalabas ng zakāh ng mga butil at mga bunga ay ang pag-ani ng mga ito. Kaya kung sakaling ang pag-ani ng mga ito sa isang taon ay dalawang ulit o tatlong ulit, talagang kakailanganin dito na kunan ng zakāh ng mga ito para sa bawat pag-ani. Sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay may zakāh na nilinaw ang mga kantidad ng mga ito sa mga aklat ng mga patakaran ng Islām kaya sumangguni ka. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ وَذَٰلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ﴾ [البينة:5]

{Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga *makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.} (Qur'ān 98:5)

Sa pagpapalabas ng zakāh ay may pagpapaaya-aya para sa mga kaluluwa ng mga maralita, may pagtugon para sa pangangailangan nila, at may pagpapalakas sa mga bigkis ng pag-ibig sa pagitan nila at ng mga mayaman.

Hindi tumigil sa hangganan ng zakāh ang Relihiyong Islāmiko sa usapin ng pagpapanagutang panlipunan at pagtutulungang pampananalapi sa pagitan ng mga Muslim; bagkus nag-obliga si Allāh sa mga mayaman ng pagsustento sa mga maralita sa sandali ng taggutom at nagbawal sa Muslim na mabusog samantalang ang kapit-bahay niya ay nagugutom. Nag-obliga si Allāh sa Muslim ng zakāh ng pagtigil-ayuno (zakātulfiṭﷺ‬), na inilalabas sa araw ng pagdiriwang ng pagtigil-ayuno (`īdulfiṭﷺ‬), na isang ṣā` ng [pangunahing] pagkaing kinakain sa isang bayan para sa bawat tao pati na sa bata at tagapaglingkod, na ilalabas para sa kanya ng tagangkilik niya. Nag-obliga si Allāh sa Muslim na magbigay ng panakip-sala ng panunumpa[31]kapag nanumpa ito na gumawa ng isang bagay ngunit hindi niya nagawa. Nag-obliga si Allāh sa Muslim na tumupad sa isinasabatas na panata nito. Humimok si Allāh sa Muslim ng [pagbibigay ng] kawanggawang kusang-loob. Nangako Siya sa mga tagagugol sa landas Niya alang-alang sa mga layunin ng pagsasamabuting-loob ng pinakamainam na ganti. Nangako Siya sa kanila na pag-iibayuhin Niya para sa kanila ang pabuya ng maraming ibayo: ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad nito hanggang pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo.

***

 Ang Ikaapat na Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Pag-aayuno

Ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramaḍān, ang Ikasiyam na Buwan Mula sa mga Buwan ng Taon na Panghijrah

 Ang Pamamaraan ng Pag-aayuno

Maglalayon ang Muslim ng pag-aayuno bago luminaw ang madaling-araw. Pagkatapos titigil siya sa pagkain, pag-inom, at pakikipagtalik – ang ugnayang seksuwal – hanggang sa lumubog ang araw, pagkatapos titigil-ayuno siya. Gagawin niya iyan sa loob ng mga araw ng buwan ng Ramaḍān. Magnanais siya sa pamamagitan niyon ng lugod ni Allāh (napakataas Siya) at pagsamba sa Kanya.

 Sa pag-aayuno ay may mga kapakinabangan na hindi maiisa-isa, na ang pinakamahalaga sa mga kapakinabangan nito ay ang sumusunod:

* Ito ay isang pagsamba kay Allāh at isang pagsunod sa utos Niya. Nag-iiwan ang tao ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya alang-alang kay Allāh kaya ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pangingilag magkasala kay Allāh (napakataas Siya).

* Hinggil naman sa mga kapakinabangang pangkalusugan, pang-ekonomiya, at panlipunan ng pag-aayuno, ito ay lubhang marami na walang nakatatalos sa mga ito kundi ang mga nag-aayuno bunsod ng pinaniniwalaan at pananampalataya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ (183) أَيَّامًا مَّعْدُودَاتٍ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِّنْ أَيَّامٍ أُخَرَ وَعَلَى الَّذِينَ يُطِيقُونَهُ فِدْيَةٌ طَعَامُ مِسْكِينٍ فَمَن تَطَوَّعَ خَيْرًا فَهُوَ خَيْرٌ لَّهُ وَأَن تَصُومُوا خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ (184) شَهْرُ رَمَضَانَ الَّذِي أُنزِلَ فِيهِ الْقُرْآنُ هُدًى لِّلنَّاسِ وَبَيِّنَاتٍ مِّنَ الْهُدَىٰ وَالْفُرْقَانِ فَمَن شَهِدَ مِنكُمُ الشَّهْرَ فَلْيَصُمْهُ وَمَن كَانَ مَرِيضًا أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِّنْ أَيَّامٍ أُخَرَ يُرِيدُ اللَّهُ بِكُمُ الْيُسْرَ وَلَا يُرِيدُ بِكُمُ الْعُسْرَ وَلِتُكْمِلُوا الْعِدَّةَ وَلِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ (185)[البقرة:183-185]

{183. O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala. 184. [Mag-ayuno ng] mga araw na bilang; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain sa mga dukha; ngunit ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, ito ay higit na mabuti para sa kanya. Ang mag-ayuno kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. 185. Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan. Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya nito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang, upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur'ān 2:183-185)

***

Kabilang sa mga patakaran ng pag-aayuno na nilinaw ni Allāh (napakataas Siya) sa Qur'ān at nilinaw ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga ḥadīth [ang sumusunod]:

1. Na ang maysakit at ang manlalakbay ay titigil-ayuno at magbabayad-ayuno sa mga ibang araw matapos ng Ramaḍān para sa mga araw na tumigil-ayuno. Ganito rin ang nagreregla at ang dinurugo, hindi tutumpak ang pag-aayuno nila; bagkus titigil-ayuno sila sa mga araw ng pagreregla at pagdurugo at magbabayad-ayuno sila para sa mga araw na tumigil-ayuno sila.

2. Gayon din ang nagdadalang-tao at ang nagpapasuso, kapag nangamba sila para sa mga sarili nila o mga anak nila, titigil-ayuno sila at magbabayad-ayuno.

3. Kung sakaling nakakain ang nag-aayuno o nakainom habang nakalilimot, pagkatapos nakaalaala siya, tunay ang pag-aayuno niya ay tumpak dahil ang pagkalimot, ang pagkakamali, at ang [marahas na] pagpilit ay pinagpaumanhinan na ni Allāh para sa Kalipunan ni Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ngunit kinakailangan na ilabas niya ang nasa bibig niya.

***


 Ang Ikalimang Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Ḥajj

Ito ay ang pagsasagawa ng ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh isang beses sa tanang buhay. Ang anumang nadagdag, ito ay isang pagkukusang-loob. Sa ḥajj ay may mga kapakinabangan na hindi maiisa-isa:

A. Na ito ay isang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng kaluluwa, katawan, at yaman.

B. Na dito ay may pagtitipon ng mga Muslim mula sa bawat lugar. Nagkikita sila sa iisang lugar, nagsusuot sila ng iisang kasuutan, at sumasamba sila sa iisang Panginoon sa iisang panahon. Walang pagkakaiba sa pagitan ng isang pangulo at isang pinangunguluhan, ng isang mayaman at isang mahirap, at ng isang puti at isang itim. Ang lahat ay nilikha ni Allāh at mga lingkod Niya. Kaya naipatatamo sa mga Muslim ang pagkakakilalahan at ang pagtutulungan. Nagsasaalaala sila ng araw na bubuhayin sila ni Allāh sa kalahatan at kakalapin Niya sila sa iisang larangan para sa pagtutuos. Kaya naman naghahanda sila para sa matapos ng kamatayan sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh (napakataas Siya).

Ang pakay ng paglibot (ṭawāf) sa paligid ng Ka`bah – ang qiblah ng mga Muslim, na nag-utos sa kanila si Allāh ng pagdako roon sa bawat pagdarasal saan man sila naroon – at ang pakay ng pagtigil (wuqūf) sa mga iba pang lugar sa Makkah sa mga oras ng mga ito na itinakda para sa mga ito, sa `Arafāt at Muzdalifah, at ng pananatili sa Minā, ang pakay roon ay ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) sa mga binanal na lugar na iyon ayon sa anyong ipinag-utos ni Allāh.

Hinggil naman sa Ka`bah mismo, mga lugar na iyon, at lahat ng mga nilikha, tunay na ang mga ito ay hindi sinasamba, hindi nakapagpapakinabang, at hindi nakapipinsala. Ang pagsamba ay tanging ukol kay Allāh lamang. Ang Tagapagpakinabang at ang Tagapinsala ay si Allāh lamang. Kung sakaling hindi nag-utos si Allāh ng pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay [Niya], talaga sanang hindi tumumpak para sa Muslim na magsagawa ng ḥajj dahil ang pagsamba ay hindi ayon sa opinyon at pithaya at alinsunod lamang sa pag-oobliga ni Allāh (napakataas Siya) [ayon sa nasaad] sa Aklat Niya at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَلِلَّهِ عَلَى النَّاسِ حِجُّ الْبَيْتِ مَنِ اسْتَطَاعَ إِلَيْهِ سَبِيلًا وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ﴾ [آل عمران:97]

{Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.} (Qur'ān 3:97)[32]

Ang pagsasagawa ng `umrah ay kinakailangan sa Muslim isang beses sa tanang buhay, maging kasama man ng ḥajj o sa alinmang oras. Ang pagdalaw sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīna ay hindi kinakailangan sa ḥajj ni sa alinmang oras. Ito lamang ay itinuturing na kaibig-ibig, na gagantimpalaan ang nagsasagawa nito at hindi parurusahan ang di-nagsasagawa nito. Hinggil naman sa ḥadīth na: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj saka hindi dumalaw sa akin ay umiwas nga sa akin," ito ay hindi tumpak; bagkus isang kasinungalingang ginawa-gawa hinggil sa Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan).[33]

Ang pagdalaw na naglalakbay alang-alang doon [ang Muslim] ay isinasabatas para sa [pagdalaw sa] Masjid [ng Propeta]. Kaya kapag nakarating doon ang tagadalaw at nagdasal siya roon ng pagbati [sa masjid], sa sandaling iyon isinasabatas sa kanya ang pagdalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at babati siya rito, na nagsasabi: Assalāmu `alayka yā rasūla -llāh (Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Sugo ni Allāh) nang may magandang asal at pagbababa ng tinig. Hindi siya hihiling ng anuman mula rito; bagkus babati siya at lilisan siya, gaya ng pag-uutos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa Kalipunan nito at gaya ng ginawa ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).

Hinggil naman sa mga tumitindig sa tabi ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may kababaang-loob gaya ng kalagayan ng pagtindig nila sa dasal at humihiling sa kanya ng mga pangangailangan nila o nagpapasaklolo sa kanya o humihiling ng pagpapagitna niya sa kay Allāh, ang mga ito ay mga tagapagtambal kay Allāh (napakataas Siya) at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay walang-kaugnayan sa kanila. Kaya mag-ingat ang bawat Muslim laban sa paggawa niyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o sa iba pa sa kanya. Pagkatapos dadalaw siya sa mga libingan ng dalawang kasamahan ng Propeta na sina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Pagkatapos dadalaw siya sa mga nakalibing sa Al-Baqī` at mga martir. Ang legal na pagdalaw sa mga Muslim na nakalibing sa mga libingan ay ang bumabati sa mga ito ang tagadalaw sa mga patay, nanalangin siya kay Allāh para sa kanila, nagsaalaala siya ng kamatayan, at lumilisan siya.

 Ito ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj at `Umrah:

Pipili muna ang tagapagsagawa ng ḥajj ng kaaya-ayang ipinahihintulot na gugulin. Umiiwas ang Muslim sa mga kinikitang ipinagbabawal dahil ang ipinagbabawal na gugulin ay isang kadahilanan ng pagtanggi sa ḥajj ng tagapagsagawa nito at sa panalangin nito. Nasaad nga sa ḥadīth ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bawat laman na tumubo mula sa isang bawal, ang Impiyerno ay higit na marapat dito."[34]Pipili siya ng maayos na kasamahan na mga alagad ng Tawḥīd at Pananampalataya.

***

Ang mga Mīqāt

Kapag nakarating sa mīqāt, magsasagawa ng iḥrām mula roon. Kung nasa isang kotse o tulad nito at kung nasa eroplano, magsasagawa ng iḥrām kapag nalapit sa mīqāt bago lumampas dito.

 Ang mga mīqāt na ipinag-utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao na magsagawa mula sa mga ito ng iḥrām ay lima:

1. Dhulḥulayfah (Abyāﷺ‬ `Alīy) para sa mga naninirahan sa Madīnah;

2. Al-Juḥfah (malapit sa Rābigh) para sa mga naninirahan Sirya, Ehipto, at Moroko;

3. Qarnulmanāzil (As-Sayl o Wādī Muḥrim) para sa mga naninirahan sa Najd, Ṭā’if, at mga nasa dako nila;

4. Dhātu`irq para sa mga naninirahan sa Iraq;

5. Yalamlam para sa mga naninirahan sa Yemen.

Ang mga naparaan sa mga mīqāt na ito na hindi mga naninirahan sa mga ito, ang mga ito ay [magsisilbing] mga mīqāt para sa kanila, na magsasagawa sila ng iḥrām mula sa mga ito. Ang mga naninirahan sa Makkah at ang mga taong ang mga tahanan ay nasa loob ng mga hangganan ng mga mīqāt ay magsasagawa ng iḥrām sa mga tahanan nila.

***

 Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Iḥrām

Itinuturing na kaibig-ibig na magpakalinis, magpakadalisay, at magpabango bago magsagawa ng iḥrām. Pagkatapos magsusuot ng kasuutan ng iḥrām sa mīqāt. Ang nakasakay sa eroplano ay maghahanda sa bayan niya, pagkatapos magpapasya ng layunin, at sasambit ng talbiyah[35]kapag nalapit sa mīqāt o natapat doon. Ang kasuutan ng iḥrām kaugnay sa lalaki ay tapis (izāﷺ‬) at balabal (ridā') na hindi mga tinahian, na ipambabalot niya sa katawan niya nang hindi nagtatakip ng ulo niya. Hinggil naman sa babae, para sa iḥrām niya ay walang kasuutang natatangi. Kinakailangan lamang sa kanya palagi na magsuot ng mga damit na maluwang na nakatatakip, na walang pantukso sa mga ito sa alinmang kalagayang nakikita siya ng mga tao. Hindi siya magsusuot, kapag nakapagsagawa siya ng iḥrām, ng isang tinahian sa mukha niya at mga kamay niya gaya ng niqāb at mga guwantes. Magtatakip lamang siya ng mukha niya kapag nakakita siya ng lalaki sa gilid ng belo niya na nasa ulo niya, gaya ng ginawa ng mga ina ng mga mananampalataya at mga maybahay ng mga Kasamahan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Pagkatapos matapos magsuot ang tagapagsagawa ng ḥajj ng kasuutan ng iḥrām, maglalayon siya sa puso ng [pagsasagawa ng] `umrah. Pagkatapos sasambit siya ng talbiyah dito, na nagsasabi ng: "Labbayka `umrah (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah)" at magtatamasa[36]siya nito hanggang sa pagsasagawa ng ḥajj. Ang [ḥajj na] tamattu` ay ang pinakamainam dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito sa mga Kasamahan niya, nag-obliga sa kanila nito, at nagalit sa nag-atubili sa pagpapatupad ng utos niya, maliban sa may kasamang handog[37]sapagkat tunay na mananatili ito sa [ḥajj na] qirān gaya ng ginawa ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] qirān ay ang nagsasabi sa talbiyah niya ng: "Labbayka `umratan wa ḥajjā (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah at ḥajj)." Hindi nakakalas ang iḥrām niya hanggang sa makapag-alay ng handog niya sa araw ng pagdiriwang ng pag-aalay.

Ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] ifrād ay ang naglalayon ng pagsasagawa ng ḥajj lamang at nagsasabi ng: "Allāhumma labbayka ḥajjā (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng ḥajj)."

***

 Ang mga Bagay-bagay na Ipinagbabawal sa Tagapagsagawa ng Iḥrām

Kapag nagpasya ang Muslim ng layunin ng [pagsasagawa ng] iḥrām, magiging bawal sa kanya ang sumusunod:

1. Ang pakikipagtalik at ang mga motibo nito gaya ng paghalik at paghipo nang may pagnanasa, ang pagsasalita hinggil doon, ang pakikipagkasunduan ng kasal sa babae, at ang pagdaraos ng kasal sapagkat ang muḥrim (nagsagawa ng iḥrām) ay hindi nagpapakasal at hindi nagkakasal.

2. Ang pag-aahit ng buhok o ang pagkuha ng anuman mula rito.

3. Ang pagpuputol ng mga kuko.

4. Ang pagtatakip ng ulo ng lalaki ng dumidikit dito samantalang ang pagpapalilim naman sa payong, kubol, at sasakyan ay walang hadlang.

5. Ang pagpapabango at ang pag-amoy ng pabango.

6. Ang pangangaso sa ilang kaya hindi mangangaso at hindi gagabay para rito.

7. Ang pagsusuot ng lalaki ng bagay na tinahian at ang pasusuot ng babae ng isang bagay na tinahian sa mukha nito at mga kamay nito. Makapagsusuot ang lalaki ng sandalyas ngunit kung hindi siya nakatagpo nito ay makapagsusuot siya ng tsinelas.

Kung sakaling nakagawa siya ng anuman mula sa mga ipinagbabawal na ito dala ng kamangmangan at pagkalimot, aalisin niya ito at walang anuman [na pananagutan] sa kanya.

Kapag nakarating ang muḥrim (nagsagawa ng iḥrām) sa Ka`bah, magsasagawa siya roon ng ṭawāf (paglibot) ng pagdating[38]nang pitong ikot. Magsisimula siya mula sa tapat ng Batong Itim. Ito ay ang ṭawāf ng `umrah niya. Ang [pagsasagawa ng] ṭawāf ay walang itinatanging panalangin; bagkus sasambit siya ng dhikr (panalangin ng pag-alaala) kay Allāh at mananalangin siya sa pamamagitan ng [pananalitang] naging madali para sa kanya.[39]Pagkatapos magdarasal siya ng dalawang rak`ah [para sa pagkakasagawa] ng ṭawāf sa likuran ng maqām[40]kung naging madali iyon at kung hindi naman ay [magdarasal] sa alinmang lugar mula sa Kabanal-banalan [na Masjid sa paligid ng Ka`bah]. Pagkatapos lalabas siya patungo sa mas`ā saka magsisimula siya sa Ṣafā, aakyat siya roon, haharap siya sa qiblah, magsasabi siya ng: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)," magsasabi siya ng: "Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)," at mananalangin siya. Pagkatapos magsasagawa siya ng sa`y (paglalakad saka pagtakbo saka paglalakad) patungo sa Marwah, aakyat siya roon, haharap siya sa qiblah, magsasabi siya ng: "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)," sasambit siya ng dhikr (panalangin ng pag-alaala) kay Allāh, at mananalangin siya. Pagkatapos babalik siya sa Ṣafā hanggang sa makalubos siya ng pitong pagtawid, na ang pagpunta niya ay isang pagtawid at ang pagbalik ay isang pagtawid. Pagkatapos magpapaiksi siya ng buhok ng ulo niya. Ang babae naman ay puputol sa mga dulo ng buhok niya ng kasing haba ng isang pulgada. Sa pamamagitan nito nagtapos ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] tamattu`, nakalas ang iḥrām niya, at naipahintulot sa kanya ang bawat bagay na naging bawal sa kanya dahil sa iḥrām.[41]

Kung sakaling nagregla ang babae o nanganak siya bago ng pagsasagawa ng iḥrām o matapos nito, tunay na siya ay magiging isang tagapagsagawa ng [ḥajj na] qirān. Magsasagawa siya ng talbiyah ng isang `umrah at isang ḥajj [na magkaugnay] matapos magsagawa ng iḥrām gaya ng iba pa sa kanya kabilang sa mga tagapagsagawa ng ḥajj dahil ang pagreregla at ang pagdurugo ay hindi nakapipigil sa pagsasagawa ng iḥrām ni ng wuqūf sa mga mash`ar; tanging nakapipigil ang dalawang ito ng pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah lamang. Kaya gagawa siya ng bawat ginagawa ng mga tagapagsagawa ng ḥajj maliban sa ṭawāf sapagkat tunay na siya ay magpapahuli nito hanggang sa madalisay siya [sa regla o pagdurugo]. Kung nadalisay siya bago ng pagsasagawa ng iḥrām ng mga tao sa ḥajj at [bago] ng paglabas nila papunta sa Minā, tunay na siya ay maliligo, magsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa ng sa`y, magpapaikli ng buhok, at kakalas sa iḥrām ng `umrah niya. Pagkatapos magsasagawa siya ng iḥrām kasabay ng mga tao sa ḥajj kapag nagsagawa sila ng iḥrām sa ikawalong araw [ng Dhulḥijjah]. Kung nagsagawa ng iḥrām ang mga tao sa ḥajj bago siya madalisay, tunay na siya ay maging isang tagapagsagawa ng [ḥajj na] qirān. Magsasagawa siya ng talbiyah kasama ng mga tao habang siya ay nasa iḥrām niya. Gagawa siya ng bawat ginagawa ng mga tagapagsagawa ng ḥajj gaya ng paglabas papuntang Minā, pagsasagawa ng wuqūf (pagtigil) sa `Arafāt at Muzdalifah, pagsasagawa ng ramy (pagbato), pag-aalay, at pagpapaikli [nang bahagya ng buhok] mula sa ulo niya sa araw ng pagdiriwang ng pag-aalay. Kapag nadalisay siya, maliligo siya, magsasagawa siya ng ṭawāf ng ḥajj, at magsasagawa ng sa`y ng ḥajj.

Ang ṭawāf at ang sa`y na ito ay sasapat para sa ḥajj ng babae at `umrah niya. Nangyari rin iyon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya). Nagpabatid sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang ṭawāf niya at ang sa`y niya matapos ng tanghali ay sasapat sa kanya para sa ḥajj niya at `umrah niya noong nagsagawa siya kasama ng mga tao ng ṭawāf ng paglisan (ifāḍah) at nagsagawa ng sa`y dahil ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] qirān [sa pamamagitan ng pag-uugnay] ng `umrah at ḥajj, gaya ng tagapagsagawa ng [ḥajj na] ifrād, ay walang kailangan sa kanya kundi nag-iisang ṭawāf[42]at nag-iisang sa`y. [Ito ay] batay sa pagpayag ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa kanya niyon, batay sa gawa niya, at batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ibang ḥadīth: "Pumasok ang `umrah sa ḥajj hanggang sa Araw ng Pagbangon." Si Allāh ay higit na maalam.

Kapag dumating ang ikawalong araw ng buwan ng Dhulḥijjah, magsasagawa ng iḥrām ang mga tagapagsagawa ng ḥajj mula sa mga tinutuluyan nila sa Makkah sa ḥajj tulad ng pagsasagawa nila ng iḥrām mula sa mga mīqāt. Magpapakalinis sila, pagkatapos magsusuot sila ng kasuutan ng iḥrām. Pagkatapos maglalayon ang tagapagsagawa ng ḥajj, lalaki man o babae, ng ḥajj. Pagkatapos magsasagawa siya ng talbiyah, na nagsasabi ng: "Allāhumma labbayka ḥajjā (O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng ḥajj)." Iiwas siya sa naunang nabanggit na mga ipinagbabawal sa [sandali ng] iḥrām hanggang sa makabalik siya mula sa Muzdalifah sa Minā sa araw ng pag-aalay.[43]Magsasagawa siya ng pagbato (ramy) sa Jamrah Al-`Aqabah. Magpapaahit ang lalaki ng ulo niya at ang babae naman ay magpapaikli ng buhok nito.

Kaya kapag nakapagsagawa ng iḥrām ang tagapagsagawa ng ḥajj sa ikawalong araw ng buwan ng Dhulḥijjah, pupunta siya kasama ng mga tagapagsagawa ng ḥajj sa Minā, magpapagabi siya roon, at magdarasal siya roon ng bawat dasal sa oras nito nang may pagpapaikli (qaṣﷺ‬) nang walang pagsasama (jam`). Kapag sumikat ang araw sa araw ng `Arafah, paparoon siya kasama ng mga tagapagsagawa ng ḥajj sa Namirah at mananatili siya roon hanggang sa makapagdasal kasama ng imām, o [mananatili ] sa lugar na kinaroroonan niya, sa konggregasyon ng ḍ̆uhr at `aṣﷺ‬ nang may pagpapaikli (qaṣﷺ‬) at pagsasama (jam`). Pagkatapos paparoon siya sa `Arafah matapos ng paglihis ng katanghaliang-tapat. Kung paparoon siya sa `Arafah mula sa Minā kaagad-agad at titigil doon, ipinahihintulot ito. Ang `Arafah sa kabuuan nito ay mawqif (tinitigilan).

Magpaparami ang tagapagsagawa ng ḥajj sa `Arafah ng pagsambit ng dhikr kay Allāh (napakataas Siya), pagdalangin, at paghingi ng tawad. Dadako siya sa qiblah hindi sa bundok dahil ang bundok ay walang iba kundi isang bahagi ng `Arafāt. Hindi natutumpak ang pag-akyat doon bilang pagpapakamananamba at hindi pinapayagan ang paghipu-hipo sa mga bato niyon sapagkat tunay na ito ay isang ipinagbabawal na bid`ah.

Hindi lilisan ang tagapagsagawa ng ḥajj mula sa `Arafah hanggang sa lumubog ang araw. Pagkatapos matapos ng paglubog ng araw, lilisan ang mga tagapagsagawa ng ḥajj patungo sa Muzdalifah. Kapag nakarating sila roon ay magdarasal sila ng maghrib at `ishā' nang may pagsasama at pag-aantala [ng maghrib], magpapaikli sila ng `ishā', at magpapamagdamag sila roon. Kapag sumapit ang madaling-araw ay magdarasal sila ng fajr at sasambit sila ng dhikr kay Allāh. Pagkatapos paparoon sila sa Minā bago ng pagsikat ng araw. Kapag nakarating sila sa Minā ay magsasagawa sila ng pagbato (ramy) sa Jamrah Al-`Aqabah, matapos ng pagsikat ng araw, ng pitong munting bato na nakahahawig sa laki ng garbansos: hindi malaki at hindi maliit. Hindi pinapayagan ang pagbato roon ng tsinelas dahil ito ay isang paglalaru-laro na ipinang-aakit ng demonyo at pagtikis[44]sa demonyo dahil sa pagsunod sa utos ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), patnubay niya, at pag-iwan sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya.

Pagkatapos matapos ng pagsasagawa ng ramy, mag-aalay ang tagapagsagawa ng ḥajj ng handog niya. Pagkatapos magpapaahit ang lalaki ng ulo niya at ang babae naman ay magpapaikli ng buhok nito. Kung magpapaikli [ng buhok] ang lalaki, pinapayagan ito subalit ang pag-aahit ay higit na mainam nang tatlong ulit. Pagkatapos magsusuot siya ng [karaniwang] damit niya at naipahintulot na para sa kanya ang bawat anumang ipinagbawal sa kanya sa [sandali ng] iḥrām maliban sa pakikipagtalik. Pagkatapos lilisan siya papuntang Makkah, magsasagawa siya ng ̣ṭawāf ng ḥajj, magsasagawa siya ng sa`y. Sa pamamagitan nito, naipahintulot na sa kanya ang bawat anuman pati ang pakikipagtalik. Pagkatapos babalik siya sa Minā para manatili roon sa nalalabi sa araw ng `īd at dalawang araw matapos nito kasama ng dalawang gabi ng dalawang ito, na nagpapagabi sa Minā bilang tungkulin. Magsasagawa siya ng ramy sa tatlong Jamrah sa ika-11 araw at ika-12 araw [ng Dhulḥijjah] matapos ng paglihis ng araw mula sa katanghaliang-tapat. Magsisimula siya sa Al-Jamrah Aṣ-Ṣughrā na katabi ng Minā, pagkatapos sa Al-Jamrah Al-Wusṭā, pagkatapos sa Al-Jamrah Al-`Aqabah na pinagsagawaan niya ng ramy sa araw ng `īd. Ang bawat Jamrah ay babatuhin niya ng pitong munting bato habang nagsasabi ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" sa bawat pagbato. Ang mga munting bato [na pambato sa] mga Jamrah ay kukunin niya sa tinutuluyan[45]niya sa Minā. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang lugar sa Minā ay manunuluyan sa kung saan nagtatapos ang mga kubol.

Kapag nagnais siya na lumisan mula sa Minā matapos magsagawa ng ramy sa ika-12 araw [ng Dhulḥijjah], maaari sa kanya iyon. Kung nagpahuli naman siya hanggang sa ika-13 araw, ito ay pinakamainam at magsasagawa siya ng ramy matapos ng paglihis ng katanghaliang-tapat. Kaya kapag ninais niya ang maglakbay, magsasagawa siya ng ṭawāf ng widā` (pamamaalam) sa Ka`bah, pagkatapos maglalakbay siya matapos nito kaagad. Ang babaing nireregla at dinurugo, kapag siya ay nakapagsagawa na ng ṭawāf ng ḥajj at nakapagsagawa na ng sa`y, hindi kailangan sa kanya ang ṭawāf ng widā` (pamamaalam).

Kung sakaling nagpaliban ang tagapagsagawa ng ḥajj ng pag-aalay ng handog hanggang sa ika-11 araw o ika-12 araw o ika-13 araw [ng Dhulḥijjah], pinapayagan sa kanya iyon; at kung sakaling nagpaliban siya ng ṭawāf ng ḥajj at sa`y hanggang sa makalisan siya mula sa Minā, pinapayagan sa kanya iyon; subalit ang pinakamainam ay ang [pagsasagawa ayon sa] naunang nabanggit na paglilinaw nito.

Si Allāh ay pinakamaalam. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at pangalagaan.

***


 Ang Pananampalataya

Talaga ngang nag-obliga si Allāh (napakataas Siya) sa Muslim na sumampalataya sa bukod pa sa pananampalataya sa Kanya, sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at sa mga Haligi ng Islām. Nag-obliga Siya sa Muslim na sumampalataya sa mga anghel Niya[46]at mga kasulatan Niya[47]na pinababa Niya sa mga sugo Niya at na winakasan Niya sa pamamagitan ng Qur'ān, ipinawalang-bisa Niya sa pamamagitan nito, at ginawa Niya bilang tagapangibabaw sa mga ito; at na sumampalataya sa mga sugo Niya mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan sa kanila na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) dahil ang mensahe nila ay iisa; ang relihiyon nila ay iisa, ang Islām; at ang Tagapagsugo nila ay iisa, si Allāh na Panginoon ng mga nilalang. Kaya naman naoobliga ang Muslim na sumampalataya na ang mga sugo na binanggit ni Allāh sa Qur'ān ay mga sugo ni Allāh sa mga nagdaang kalipunan nila at sumampalataya na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pangwakas sa kanila at ang Sugo Niya sa mga tao sa kalahatan; at na ang mga tao, matapos ng pagpapadala sa kanya, sa kabuuan nila ay kalipunan para sa kanya, pati na ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang iba pa sa mga ito kabilang sa mga alagad ng mga iba pang relihiyon dahil ang lahat ng sinumang nasa lupa ay kalipunan [na sakop] ni Muḥammad, na mga naoobliga sa ganang kay Allāh sa pagsunod sa kanya.

Sina Moises at Jesus at ang lahat ng mga sugo ay mga walang-kaugnayan sa sinumang hindi sumusunod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi pumapasok sa Islām dahil ang Muslim ay isang mananampalaaya sa lahat ng mga sugo at isang tagasunod sa kanila. Ang sinumang hindi sumampalataya kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi sumunod dito, at hindi pumasok sa Relihiyong Islām, siya ay isang tagatangging sumampalataya sa lahat ng mga sugo, na isang tagapagpasinungaling sa kanila, kahit pa man nag-angkin siya na siya ay isang tagasunod sa isa sa kanila. Nauna nang nabanggit ang mga patunay hinggil doon mula sa pananalita ni Allāh sa Ikalawang Kabanata.

Nagsabi ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay siya nang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."[48]

Kinakailangan sa Muslim na sumampalataya sa pagbubuhay matapos ng kamatayan, pagtutuos, pagganti, Paraiso, at Impiyerno; at kinakailangan sa kanya na sumampalataya sa pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya).

 Ang Kahulugan ng Pananampalataya sa Pagtatakda

Na naniniwala ang Muslim na si Allāh (napakataas Siya) ay nakaalam na sa bawat bagay at nakaalam na sa mga gawain ng mga tao bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa at isinulat Niya ang kaalamang iyon sa Tablerong Pinag-iingatan sa piling Niya. Nakaaalam ang Muslim na ang anumang niloob ni Allāh ay nangyari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyari at na si Allāh ay lumikha ng mga tao para sa pagtalima sa Kanya, naglinaw nito sa kanila, nag-utos sa kanila nito, sumaway sa kanila laban sa pagsuway sa Kanya, naglinaw nito sa kanila, at gumawa para sa kanila ng kakayahan at kalooban, na nabibigyang-kapangyarihan sila sa pamamagitan nito sa paggawa ng mga ipinag-uutos Niya kaya nakakamit para sa kanila ang gantimpala at sa paggawa ng mga pagsuway sa Kanya kaya nagiging karapat-dapat sila sa parusa.

Ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh (napakataas Siya). Hinggil naman sa mga pagtatakda na hindi gumawa si Allāh para sa mga tao ng isang kalooban sa mga ito ni isang pagpili at pinangyayari Niya lamang sa kanila sa kabila ng pagnanais nila tulad ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang ipinilit sa kanila tulad ng karalitaan, sakit, mga kasawiangpalad, at tulad nito, tunay na si Allāh ay hindi naninisi dahil doon at hindi nagpaparusa dahil doon sa tao, bagkus nagpapabuya Siya rito ng isang dakilang pabuya dahil sa mga kasawiangpalad, karalitaan, at sakit kapag nagtiis ito at nalugod ito sa pagtatakda Niya.

 Ang lahat ng naunang nabanggit na ito ay kinakailangan sa Muslim na sumampalataya rito.

Ang pinakadakila sa mga Muslim sa pananampalataya kay Allāh, ang pinakamalapit sa kanila mula sa Kanya, at ang pinakamataas sa kanila sa katayuan sa Paraiso ay ang mga Muḥsin (tagagawa ng maganda), na mga sumasamba kay Allāh, dumadakila sa Kanya, at nagpapakumbaba sa Kanya na para bang sila ay nakakikita sa Kanya, hindi sumusuway sa Kanya sa lihim nila at paglalantad nila, at naniniwala na Siya ay nakakikita sa kanila saan man sila naroon. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ginagawa nila, mga sinasabi nila, at mga layunin nila kaya naman tumatalima sila sa utos Niya at umiiwan sila sa pagsuway sa Kanya. Kapag may naganap mula sa isa sa kanila na isang kamalian na sumasalungat sa utos ni Allāh, nagbabalik-loob siya kay Allāh mula roon ayon sa isang tapat na maagang pagbabalik-loob, nagsisisi siya sa kamalian niya, humihingi siya ng tawad kay Allāh, at hindi nanunumbalik. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ اللَّهَ مَعَ الَّذِينَ اتَّقَوا وَّالَّذِينَ هُم مُّحْسِنُونَ﴾ [النحل:128]

{Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga gumagawa ng maganda.} (Qur'ān 16:128)

***

 Ang Kalubusan ng Relihiyong Islām

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Dakilang Qur'ān:

﴿الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا﴾ [المائدة:3]

{Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ وَيُبَشِّرُ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا كَبِيرًا﴾ [الإسراء:9]

{Tunay na ang Qur’ān na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop at nagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki,} (Qur'ān 17:9)

Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) tungkol sa Qur'ān:

﴿وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِّكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ﴾ [النحل:89]

{Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur'ān 16:89)

Sa tumpak na ḥadīth, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nag-iwan nga ako sa inyo sa puting daan na ang gabi rito ay gaya ng maghapon dito, na walang liliko palayo rito matapos ko malibang isang masasawi."[49]Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nag-iwan ako sa inyo ng dalawang bagay na hindi kayo maliligaw hanggat kumakapit kayo sa dalawang ito: ang Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng Sugo Niya."[50]

 Sa mga Naunang Nabanggit na Talata:

Nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) sa unang talata na Siya ay bumuo para sa mga Muslim ng Relihiyon nilang Islām kaya walang kakulangan dito magpakailanman at hindi ito mangangailangan ng isang karagdagan magpakailanman sapagkat ito ay naaangkop sa bawat panahon, lugar, at kalipunan. Nagpapabatid Siya na Siya ay lumubos ng biyaya Niya sa mga Muslim sa pamamagitan ng Relihiyong ito na dakila, buo, mapagparaya; sa pamamagitan ng mensahe ng pangwakas sa mga isinugo na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan); at sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa Islām at pag-aadya sa mga alagad nito laban sa sinumang nakikipag-away sa kanila. Nagpapabatid Siya na Siya ay nalugod sa Islām para sa mga tao bilang relihiyon kaya hindi Siya maiinis dito magpakailanman at hindi Siya tatanggap mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito magpakailanman.

Sa ikalawang talata, nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) na ang Dakilang Qur'ān ay isang buong metodolohiyang nasaad dito ang paglilinaw na totoong tagalunas sa mga nauukol sa Relihiyon at Mundo sapagkat walang kabutihan malibang gumabay ito ayon doon at walang kasamaan malibang nagbigay-babala ito laban doon. Ang bawat usapin at ang bawat suliraning pandatihan o pangkasalukuyan o panghinaharap, tunay na ang tumpak na makatarungang panlutas para roon ay nasa Qur'ān. Ang bawat panlutas para roon na sumasalungat sa panlutas ng Qur'ān, iyon ay isang kamangmangan at isang kawalang-katarungan.

Kaya naman ang kaalaman, ang pinaniniwalaan, ang pulitika, ang sistema ng pamamahala at paghuhukom, ang sikolohiya, ang sosyolohiya, ang ekonomiya, ang sistema ng mga kaparusahan, at ang iba pa roon kabilang sa kinakailangan ng sangkatauhan, ang lahat ng iyon ay nilinaw na ni Allāh sa Qur'ān at sa pananalita ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ayon sa pinakabuong paglilinaw, gaya ng ipinabatid Niya (napakataas Siya) hinggil doon sa nabanggit na talata kung saan nagpabatid Siya na:

﴿(وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِّكُلِّ شَيْءٍ)[النحل:89].

{Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay,} (Qur'ān 16:89)

Sa kasunod na kabanata ay may dinetalyeng pinaigsing paglilinaw ng kalubusan ng Relihiyong Islām at ng metodolohiya nitong masaklaw, buo, at matuwid.

***

 Ang Ikaapat na Kabanata: Ang Metodolohiya ng Islām

 Una: Hinggil sa Kaalaman

Ang una sa kinakailangan na ipinag-utos ni Allāh sa tao ay na matuto ito ng kaalaman. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿فَاعْلَمْ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ وَاسْتَغْفِرْ لِذَنبِكَ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مُتَقَلَّبَكُمْ وَمَثْوَاكُمْ﴾ [محمد:19]

{Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo.} (Qur'ān 47:19)

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿يَرْفَعِ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنكُمْ وَالَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ دَرَجَاتٍ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ﴾ [المجادلة:11]

{mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.} (Qur'ān 58:11)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَقُل رَّبِّ زِدْنِي عِلْمًا﴾ [طه:114]

{at magsabi ka: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman."} (Qur'ān 20:114)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ﴾ [الأنبياء:7]

{Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 21:7)

Nagsabi naman ang Pangwakas sa mga Isinugo, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa tumpak na ḥadīth: "Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin sa bawat Muslim."[51]Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kalamangan ng tagaalam sa tagasamba ay gaya ng kalamangan ng buwan sa gabi ng kabilugan [nito] sa nalalabi sa mga tala."[52]

 Ang kaalaman sa Islām ay nahahati sa mga bahagi alinsunod sa pagkaobligasyon nito:

 Ang Unang Bahagi:

Isang tungkuling obligasyon sa bawat tao, lalaki man o babae, na walang mapagpapaumanhinang isa man sa kamangmangan hinggil dito: ang pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya), ang pagkakilala sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan), at ang pagkakilala sa anumang nag-obliga [sa tao] mula sa Relihiyong Islām.[53]

 Ang Ikalawang Bahagi:

Isang tungkulin ng kasapatan na kapag nagsagawa nito ang sinumang makasasapat, maaalis ang pagkakasala sa mga nalalabing tao at sa panig ng mga nalalabing tao ay nagiging isang kaibig-ibig hindi kinakailangan. Ito ay ang kaalaman hinggil sa mga patakaran ng Batas ng Islām, na nagbibigay-kakayahan sa tagapagtaglay nito para sa pagtuturo, paghuhukom, at paghahatol. Ganito rin ang kaalaman hinggil sa kinakailangan ng mga Muslim gaya ng mga industriya at mga propesyong kinakailangan sa mga pumapatungkol sa buhay nila kaya maoobliga ang katangkilik ng kapakanan ng mga Muslim, kapag hindi nakatagpo ng sinumang sasapat, na gumawa para sa paghahanap ng mga maalam na matatamo sa pamamagitan ng mga ito ang kasapatan ng mga Muslim sa anumang kinakailangan para sa buhay nila.

 Ikalawa: Hinggil sa Pinaniniwalaan

Nag-utos si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) na magpahayag sa mga tao sa kalahatan na sila ay mga alipin ni Allāh lamang, na kinakailangan sa kanila na sumamba sa Kanya lamang. Nag-utos Siya sa kanila na umugnay sila sa Kanya nang direktahan at walang tagapagpagitna sa pagsamba nila sa Kanya, gaya ng naunang paglilinaw niyon sa kahulugan ng: "Walang Diyos kundi si Allāh." Nag-utos Siya sa kanila na manalig sila sa Kanya lamang, huwag silang mangamba maliban sa Kanya, at huwag silang mag-asam maliban sa Kanya lamang dahil Siya lamang ay ang Tagapagpakinabang, ang Tagapinsala; at na maglarawan sila sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan na ipinanlarawan Niya sa sarili Niya at ipinanlarawan ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), gaya ng naunang paglilinaw nito.

 Ikatlo: Hinggil sa Pagkakaugnay sa Pagitan ng mga Tao

Nag-utos si Allāh sa Muslim na siya ay maging isang taong maayos na nagpupunyagi para sa pagsagip sa Sangkatauhan mula sa dilim ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng Islām. Dahil dito, nagsagawa ako ng pag-aakda ng aklat na ito at paglathala nito bilang pagsasagawa sa ilan sa kinakailangan.

Nag-utos si Allāh na ang pagkakaugnay na nag-uugnay sa Muslim sa iba pa sa kanya ay ang pagkakaugnay ng pananampalataya kay Allāh kaya naman umiibig siya sa mga lingkod ni Allāh, na mga maayos, na mga tagatalima kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man sila ay pinakamalayo sa mga tao [sa pagkakamag-anak]; at nasusuklam siya sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at mga tagasuway kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man sila ay pinakamalapit sa mga tao [sa pagkakamag-anak]. Ito ay ang pagkakaugnay na nagsasama sa mga nagkakahiwa-hiwalay at nagbubuklod sa mga nagkakaiba-iba, na taliwas sa pagkakaugnay ng kaangkanan, bayan, at mga kapakanang materyalistiko sapagkat tunay ang mga ito ay pagkabilis-bilis na nagkakalamat.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿لَّا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ يُوَادُّونَ مَنْ حَادَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَوْ كَانُوا آبَاءَهُمْ أَوْ أَبْنَاءَهُمْ أَوْ إِخْوَانَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ﴾ [المجادلة:22]

{Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila.} (Qur'ān 58:22)

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِندَ اللَّهِ أَتْقَاكُمْ﴾ [الحجرات:13]

{Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.} (Qur'ān 49:13)

Nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa unang talata na ang mananampalataya kay Allāh ay hindi umiibig sa mga kaaway ni Allāh, kahit pa sila ay pinakamalapit sa mga tao [sa kanya].

Nagpapabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa ikalawang talata na ang pinakamarangal sa mga tao sa ganang Kanya, na iniibig para sa Kanya, ay ang tagatalima sa Kanya mula sa alinmang lahi ito at mula sa alinmang kulay.

Nag-utos nga si Allāh (napakataas Siya) ng katarungan sa kaaway at kaibigan. Nagbawal Siya ng kawalang-katarungan sa sarili Niya at gumawa Siya nito na ipinagbabawal sa pagitan ng mga lingkod Niya. Nag-utos Siya ng pagkamapagkakatiwalaan at katapatan at nagbawal Siya ng kataksilan. Nag-utos Siya ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang, pakikipag-ugnayan sa mga kaanak, paggawa ng maganda sa mga maralita, at pakikilahok sa mga gawaing pangkabutihan. Nag-utos Siya ng paggawa ng maganda sa bawat bagay pati na sa hayop sapagkat nagbawal nga Siya ng pagdudulot ng pagdurusa rito at nag-utos Siya ng paggawa ng maganda rito.[54]Hinggil naman sa mga hayop na nakapipinsala gaya ng mapangagat na aso,[55]ahas, alakdan, daga, lawin, at tuko, tunay na ang mga ito ay pinapatay para mapigil ang kasamaan ng mga ito ngunit hindi pinagdurusa ang mga ito.

 Ikaapat: Hinggil sa Pagmamasid at Tagapangaral Pampuso Para sa Taong Mananampalataya

Nasaad ang mga talata sa Dakilang Qur'ān na naglilinaw sa mga tao na si Allāh ay nakakikita sa kanila saan man sila naroon, na Siya ay nakaaalam sa lahat ng mga gawain nila at nakaaalam sa mga layunin nila, at na Siya ay mag-iisa-isa sa kanila ng mga ginawa nila at mga sinabi nila. Ang mga anghel Niya ay mga kumakasama sa kanila, na nagtatala ng bawat anumang namumutawi mula sa kanila sa lihim at paglalantad. Si Allāh ay magtutuos sa kanila sa bawat ginagawa nila at sinasabi nila at nagbigay-babala sa kanila ng masakit na parusa Niya kapag sumuway sila sa Kanya sa buhay na ito at sumalungat sila sa utos Niya. Kaya iyon ay naging isang pinakamalaking tagapigil para sa mga mananampalataya kay Allāh, na humahadlang sa kanila sa pagkasadlak sa mga pagsuway sa Kanya kaya tumitigil sila sa mga krimen at mga pagsalungat dala ng pangamba kay Allāh (napakataas Siya).

Hinggil naman sa hindi nangangamba kay Allāh at gumagawa ng mga pagsuway kapag nakakaya sa mga ito, gumawa nga si Allāh para sa kanya ng isang takdang parusa na sasawata sa kanya sa buhay na ito. Ito ay ang utos ni Allāh sa mga Muslim na mag-utos sila ng nakabubuti at sumaway sila ng nakasasama. Kaya naman nakararamdam ang bawat Muslim na siya ay pananagutin sa harapan ni Allāh sa bawat kamaliang nakikita niya na ang iba sa kanya ay gumagawa niyon, nang sa gayon sumaway siya rito laban sa paggawa niyon sa pamamagitan ng bibig niya kapag hindi siya nakakaya sa pagpigil dito sa pamamagitan ng kamay niya. Nag-utos si Allāh sa katangkilik ng kapakanan ng mga Muslim[56]na magpatupad ng mga takdang parusa sa mga tagasalungat, na mga kaparusahan ayon sa laki ng mga krimen ng mga tagagawa nito. Naglinaw ng mga ito si Allāh (napakataas Siya) sa Qur'ān at naglinaw ng mga ito ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga ḥadīth nito at nag-utos ng pagpapatupad ng mga ito sa mga salarin. Sa pamamagitan nito, lalaganap ang katarungan, ang katiwasayan, at ang kariwasaan.

 Ikalima: Hinggil sa Pagpapanagutan at Pagtutulungang Panlipunan

Nag-utos si Allāh sa mga Muslim ng pagtutulungan sa anumang nasa kanila, pangmateryal at pangmoral, gaya ng naunang paglilinaw niyon sa paksa ng zakāh at mga kawanggawa. Nagbawal si Allāh (napakataas Siya) sa Muslim na manakit ng mga tao sa pamamagitan ng alinmang uri mula sa mga uri ng pananakit. Kahit ang nakasasakit sa daan ay ipinagbabawal sa Allāh at nag-utos Siya sa Muslim na mag-alis nito kapag nakakita nito kahit pa man ang naglagay nito ay iba pa at nangako Siya sa kanya ng pabuya roon kung paanong nagbanta rin Siya ng parusa sa nananakit.

Nagsatungkulin si Allāh (napakataas Siya) sa mananampalataya na umibig siya para sa kapatid niya ng gaya sa iniibig niya para sa sarili niya at masuklam siya para rito ng kinasusuklaman niya para sa sarili niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَتَعَاوَنُوا عَلَى الْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ وَلَا تَعَاوَنُوا عَلَى الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾ [المائدة:2]

{Magtulungan kayo sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 5:2)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ إِخْوَةٌ فَأَصْلِحُوا بَيْنَ أَخَوَيْكُمْ﴾ [الحجرات:10]

{Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya magpayapa kayo sa pagitan ng mga kapatid ninyo.} (Qur'ān 49:10)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿ لَّا خَيْرَ فِي كَثِيرٍ مِّن نَّجْوَاهُمْ إِلَّا مَنْ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوْ مَعْرُوفٍ أَوْ إِصْلَاحٍ بَيْنَ النَّاسِ وَمَن يَفْعَلْ ذَٰلِكَ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ فَسَوْفَ نُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا﴾ [النساء:114]

{Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti o isang pagsasaayos sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan.} (Qur'ān 4:114)

Nagsabi naman ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."[57]Nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dakilang talumpati niya,[58]na ibinigay niya sa huling bahagi ng buhay niya sa ḥajj ng pamamaalam, habang nagbibigay-diin sa pamamagitan nito ng ipinag-utos niya bago pa niyon (sa salaysay ni Imām Aḥmad): {"O mga tao, pansinin, tunay na ang Panginoon ninyo ay nag-iisa at tunay na ang ama ninyo ay nag-iisa; pansinin, walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni para sa isang pula higit sa isang itim ni para sa isang itim higit sa isang pula, maliban sa pangingilag magkasala. Nakapagpaabot ba ako?" Nagsabi sila: "Nakapagpaabot ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan)."}[59]Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo ay bawal [labagin] gaya ng pagkabawal [labagin] ng araw ninyong ito, sa bayan ninyong ito, sa buwan ninyong ito, hanggang sa araw na makikipagkita kayo sa Panginoon ninyo. Pansinin, nakapagpaabot kaya ako?" Nagsabi sila: "Opo." Kaya nag-angat siya ng daliri niya tungo sa langit at nagsabi: "O Allāh, sumaksi Ka."}[60]

 Ikaanim: Hinggil sa Pulitikang Panloob

Nag-utos si Allāh sa mga Muslim na magtalaga sila sa mga sarili nila ng isang tagapanguna na pangangakuan nila ng katapatan sa pamumuno at nag-utos Siya sa kanila na magkaisa sila at huwag silang magkahati-hati para sila ay maging isang kalipunang iisa. Nag-utos sa kanila si Allāh ng pagtalima sa tagapanguna nila at mga pinuno nila malibang kapag nag-utos ang mga ito ng pagsuway kay Allāh sapagkat walang pagtalima para sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha.

Nag-utos si Allāh sa Muslim, kapag siya ay nasa isang bayang hindi siya nakakakaya roon na maglantad ng Relihiyong Islām at mag-anyaya tungo rito, ng utos Niya[61]na lumikas mula roon papunta sa bayan ng Islām, ang bayang pinamamahalaan sa lahat ng mga nauukol ng Batas ng Islām at pinamamahalaan ng isang pinunong Muslim ayon sa [patakarang] pinababa ni Allāh.

Ang Islām ay hindi kumikilala ng mga hangganang panrehiyon at mga nasyonalidad na panlahi o pambansa. Ang nasyonalidad lamang ng Muslim ay ang Islām. Ang mga lingkod ay ang mga lingkod ni Allāh. Ang lupa ay ang lupa ni Allāh na lumilipat-lipat dito ang Muslim nang walang tagatutol, sa kundisyon na sumunod siya sa Batas ni Allāh at kapag sumalungat siya rito sa anuman ay pangyayarihin sa kanya ang kahatulan ni Allāh. Nasa paggawa ayon sa Batas ni Allāh at pagpapatupad ng mga takdang parusa Niya[62]ang estabilidad ng katiwasayan, ang pagkamatuwid ng mga tao, ang pangangalaga sa mga buhay nila, ang kaligtasan ng mga dangal nila at mga ari-arian nila, at ang kabutihan sa kabuuan nito, kung paanong nasa paglihis dito ang kasamaan sa kabuuan nito.

Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga isip sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga pampalasing, mga pampalango, at mga pampalupaypay.[63]Gumawa Siya ng isang takdang parusa sa tagainom ng pampalasing, ang paghagupit ng 40-80 hagupit sa tuwing gumawa siya niyon, bilang pagsawata para sa kanya, bilang pangangalaga para sa isip niya, at bilang pagsasanggalang para sa mga tao laban sa kasamaan niya.

Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga buhay ng mga Muslim sa pamamagitan ng ganting-pinsala (qiṣāṣ) laban sa tagalabag nang wala sa katwiran, kaya naman papatayin ang pumatay. Isinabatas sa mga pagkasugat ang ganting-pinsala kung paanong isinabatas para sa Muslim ang pagtatanggol sa sarili niya, dangal niya, at ari-arian niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَلَكُمْ فِي الْقِصَاصِ حَيَاةٌ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾ [البقرة:179]

{Ukol sa inyo sa ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:179)

Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa ari-arian niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa relihiyon niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa buhay niya, siya ay isang martir. Ang sinumang pinatay dahil sa pagtatangol sa mag-anak niya, siya ay isang martir."

Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga dangal ng mga Muslim sa pamamagitan ng isinabatas Niya na pagbabawal sa pagsasalita sa sandali ng pagkaliban ng Muslim ng pananalitang kasusuklaman nito malibang ayon sa katotohanan at sa pamamagitan ng isinabatas Niya na takdang parusa sa tagasirang-puri na nagbibintang sa Muslim ng krimeng pangkaasalan tulad ng pangangalunya at sodomiya nang hindi nagpapatunay niyon ayon sa isang legal na pagpapatunay.

Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga kaangkanan laban sa pagkahalu-halo [ng mga ito] na hindi isinasabatas.[64]Nagsanggalang Siya sa mga dangal na madungisan ito ng krimeng pangkaasalan sa pamamagitan ng pagbabawal sa pangangalunya ayon sa isang malaking pagbabawal, ng pagtuturing dito na kabilang sa pinakamalaki sa malalaking kasalanan, at ng paggawa ng isang kaparusahang tagapagsawata sa tagagawa nito kapag nalubos ang mga kundisyon ng pagpapatupad sa kanya ng takdang parusa ng pangangalunya.

Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga ari-arian sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagnanakaw, pandaraya, pagsusugal, panunuhol, at iba pa roon na mga kinikitang ipinagbabawal; at sa pamamagitan ng isinabatas Niya na kaparusahan sa magnanakaw at mandarambong sa daan: ang kaparusahang tagapagsawata, na siyang pagputol [ng kamay] kapag nalubos ang mga kundisyon, o pagpaparusa sa kanya sa pamamagitan ng magsasawata sa kanya kapag hindi nalubos ang mga kundisyon sa kanya sa kabila ng pagkapatunay ng pagnanakaw.

Ang nagsabatas ng mga takdang parusang ito ay si Allāh, ang Maalam, ang Marunong. Siya ay pinakamaalam sa anumang naaangkop sa mga kalagayan ng nilikha Niya at Siya sa kanila ay pinakamaawain. Gumawa nga Siya ng mga takdang parusang ito bilang panakip-sala para sa mga pagkakasala ng mga salarin kabilang sa mga Muslim at bilang pagsanggalang para sa lipunan laban sa kasamaan nila at kasamaan ng iba pa sa kanila. Ang mga namimintas sa pagpatay sa pumatay at pagputol ng kamay ng magnanakaw ay kabilang sa mga kaaway ng Islām at mga mapagpanggap nito. Namimintas lamang sila sa pagputol ng isang maysakit na bulok na bahagi ng katawan, na kapag hindi pinutol ay kakalat ang kabulukan nito sa lipunan sa kalahatan nito,[65]samantalang kaalinsabay mismo nito nagmamagaling sila sa pagpatay sa mga inosente alang-alang sa mga layunin nilang labag sa katarungan.

 Ikapito: Hinggil sa Pulitikang Panlabas

Nag-utos si Allāh sa mga Muslim at mga tagatangkilik ng mga kapakanan nila na mag-anyaya sila sa hindi mga Muslim tungo sa Islām upang sumagip sila sa mga ito sa pamamagitan ng Islām, mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya kay Allāh at mula sa kalumbayan ng pagkatampisaw sa mga materyalismo ng makamundong buhay na ito at pagkakait ng kaligayahang espirituwal na tinatamasa nang totohanan ng mga Muslim. Kaya naman ang utos na ito ni Allāh sa Muslim ay na siya ay maging isang maayos na tao na nagpapakinabang sa lahat ng mga anak ng tao sa pamamagitan ng kaayusan niya at magsikap sa pagsagip sa mga tao sa kalahatan, na taliwas naman sa mga pantaong metodolohiya sapagkat ang mga ito ay humihiling sa tao na maging isang maayos na mamamayan lamang, at iyan ay bahagi ng mga patunay sa kabulukan ng mga ito at kakulangan ng mga ito at sa kaayusan ng Islām at kalubusan nito.

Nag-utos si Allāh sa mga Muslim na maghanda sila para sa mga kaaway ni Allāh ng makakaya nila na lakas upang ipananggalang nila sa Islām at mga [kapwa] Muslim at ipanindak nila sa kaaway ni Allāh at kaaway nila. Pumayag din si Allāh para sa mga Muslim na magsagawa ng mga kasunduan sa hindi mga Muslim kapag nanawagan ang pangangailangan doon ayon sa tanglaw ng Batas ng Islām. Nagbawal si Allāh sa mga Muslim ng pagsira sa kasunduan na pinagtibay nila sa kaaway nila malibang kapag nagsimula ang kaaway sa pagsira nito o gumawa ito ng nag-oobliga [sa pagsira] niyon sapagkat tunay na sila ay magpapaabiso rito ng pagsira [sa kasunduan].

Bago ng pagsisimula ng pakikipaglaban sa hindi mga Muslim, nag-utos si Allāh sa mga Muslim na mag-anyaya sila muna sa mga kaaway nila tungo sa pagpasok sa Islām sapagkat kung tatanggi ang mga ito ay hihilingan nila sa mga ito ang [magbayad ng] jizyah at ang magpasailalim sa kahatulan ni Allāh[66]ngunit kung tatanggi pa sila ay mangyayari ang pakikipaglaban hanggang sa walang mangyaring ligalig[67]at mangyaring ang relihiyon sa kabuuan nito ay ukol sa Kanya.

Sa sandali ng pakikipaglaban, nagbawal si Allāh sa mga Muslim ng pagpatay sa mga bata, mga babae, mga matanda, at mga monghe na nasa mga sambahan ng mga ito maliban sa mga nakikilahok sa mga nakikipaglaban sa pamamagitan ng ideya o gawain. Nag-utos Siya sa kanila na makitungo sila sa mga bihag nang may paggawa ng maganda. Mula rito, maiintidihan natin na ang pagsakop sa Islām ay hindi ninanais dito ang paghahari at ang pananamantala at ninanais lamang dito ang pagpapalaganap ng katotohanan, ang awa sa nilikha, at ang pagpapalabas sa mga tao mula sa pagsamba sa nilikha tungo sa pagsamba kay Allāh, ang Tagalikha.

 Ikawalo: Hinggil sa Kalayaan

 A. Ang Kalayaan sa Pinaniniwalaan

Sa Relihiyong Islām, nagbigay si Allāh sa sinumang pumapasok sa ilalim ng pamamahala nito kabilang sa hindi mga Muslim ng kalayaan sa pinaniniwalaan matapos na nalubos ang paglilinaw sa Islām sa kanya at matapos na inanyayahan siya rito. Kaya kung pumili siya sa Islām, narito ang kaligayahan niya at ang kaligtasan niya; at kung pumili naman siya ng pananatili sa relihiyon niya, pumili nga siya para sa sarili niya ng kawalang-pananampalataya, kalumbayan, at pagdurusa sa Impiyerno. Sa pamamagitan nito, nalahad na sa kanya ang katwiran at wala siyang isang maidadahi-dahilan sa harapan ni Allāh (napakataas Siya). Sa sandaling iyon, hahayaan siya ng mga Muslim sa pinaniniwalaan niya sa isang kundisyon na magbayad siya ng jizyah nang kusang-loob habang siya ay nanliliit, magpasailalim siya sa mga patakaran ng Islām, at hindi magtanghal ng mga sagisag ng kawalang-pananampalataya niya sa harapan ng mga Muslim.

Hinggil naman sa Muslim, hindi matatanggap mula sa kanya matapos ng pagpasok sa Islām ang pagtalikod dito sapagkat kung sakaling tumalikod siya, ang ganti lamang sa kanya ay ang pagpatay. Iyon ay dahil siya ay naging isang hindi na naaangkop para manatili dahil sa pagtalikod niya sa katotohanan matapos ng pagkakilala rito, maliban na magbalik-loob siya kay Allāh (napakataas Siya) at bumalik sa Islām.[68]

Kung ang pagtalikod niya ay dahil sa pagkagawa ng isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng Islām, magbabalik-loob siya mula sa tagasirang iyon sa pamamagitan ng pag-iwan nito, pagkamuhi rito, at paghingi niya ng tawad kay Allāh (napakataas Siya).

 Ang mga tagasira sa Islām ay marami, na ang pinakatanyag sa mga ito ay ang sumusunod:

Ang pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya). Ito ay na gumawa ang tao kasama kay Allāh ng isa pang diyos, kahit pa man sa pamamagitan ng paggawa rito bilang tagapagpagitna sa pagitan niya at ni Allāh, na dumadalangin siya roon at nagpapakalapit-loob doon. Magkatulad na kumilala man siya sa pagkadiyos nito sa isang pangalan at sa isang kahulugan ng pagkakilala niya sa kahulugan ng diyos at pagsamba, gaya ng mga tagapagtambal ng Panahon ng Kamangmangan, na mga sumamba sa mga anito na sumisimbolo para sa mga maayos na tao dahil sa paghiling ng pamamagitan ng mga ito; o hindi man siya kumilala na ito ay isang diyos kasama kay Allāh at na ang pagsamba niya rito ay isang pagsamba dito gaya ng mga tagapagtambal na nauugnay sa Islām na hindi tumatanggap sa sinumang nag-anyaya sa kanila tungo sa Tawḥīd, habang mga nag-aakala na ang pagtatambal ay ang pagpapatirapa sa anito lamang o na magsabi ang tao sa isang bagay na iba pa kay Allāh: "Ito ang diyos ko."

Kaya sila ay gaya ng umiinom ng alak at tumatawag dito ng iba sa pangalan nito. Nauna na ang paglilinaw sa kalagayan nila. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿فَاعْبُدِ اللَّهَ مُخْلِصًا لَّهُ الدِّينَ (2) أَلَا لِلَّهِ الدِّينُ الْخَالِصُ وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مِن دُونِهِ أَوْلِيَاءَ مَا نَعْبُدُهُمْ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَا إِلَى اللَّهِ زُلْفَىٰ إِنَّ اللَّهَ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ فِي مَا هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي مَنْ هُوَ كَاذِبٌ كَفَّارٌ (3)[الزمر:2-3]

{2. ...kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. 3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga tagapagtangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya.} (Qur'ān 39:2-3)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

﴿ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِهِ مَا يَمْلِكُونَ مِن قِطْمِيرٍ (13) إِن تَدْعُوهُمْ لَا يَسْمَعُوا دُعَاءَكُمْ وَلَوْ سَمِعُوا مَا اسْتَجَابُوا لَكُمْ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُونَ بِشِرْكِكُمْ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثْلُ خَبِيرٍ (14)[فاطر:13-14]

{13. ...Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. 14. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng isang Mapagbatid.} (Qur'ān 35:13-14)

1. Ang hindi pagtuturing ng kawalang-pananampalataya sa mga tagapagtambal at sa iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya gaya ng mga Hudyo, mga Kristiyano, mga ateista, mga Mago, at mga mapagmalabis na namamahala nang hindi ayon sa pinababa ni Allāh at hindi nalulugod sa kahatulan ni Allāh. Kaya ang sinumang hindi nagtuturing ng kawalang-pananampalataya nila, matapos ng pagkaalam niya ng pagtuturing ni Allāh ng kawalang-pananampalataya sa kanila, ay tumangging sumampalataya.

2. Ang panggagaway na nagpapaobliga ng malaking shirk. Kaya ang sinumang gumawa nito o nalugod dito, matapos ng pagkaalam niya ng kawalang-pananampalataya ng tagagawa nito, ay tumangging sumampalataya.

3. Ang paniniwala na may isang batas o isang sistema na iba pa sa Islām na higit na maganda kaysa sa Batas ng Islām o na ang kahatulan ng iba pa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na maganda kaysa sa kahatulan nito o na pinapayagan ang paghatol ayon sa iba pa sa kahatulan ni Allāh.

4. Ang pagkamuhi sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o sa anumang nalalaman na ito ay bahagi ng Batas niya.

5. Ang pangungutya[69]sa anumang nalalaman na ito ay bahagi ng Relihiyong Islām.

6. Ang pagkasuklam sa pagwawagi ng Islām o ang pagkagalak sa pagbaba nito.

7. Ang pagtangkilik sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig sa kanila at pag-aadya sa kanila samantalang siya ay nakaaalam na ang tagapagtangkilik nila ay kabilang sa kanila.

9. Ang paniniwala na siya ay makakaya sa paglabas palayo sa Batas ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay nakaaalam na hindi natutumpak para sa isa ang paglabas palayo rito sa alinmang usapin kabilang sa mga usapin.

9. Ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh. Kaya ang sinumang umayaw sa Islām matapos ng pagpapaalaala sa kanya, habang hindi nag-aaral nito at hindi gumagawa ayon dito, ay tumangging sumampalataya.

10. Ang pagkakaila sa isang patakaran mula sa mga patakaran ng Islām na napagkaisahan, na ang tulad nito ay hindi namamangmang doon. Ang mga patunay sa mga tagasirang ito ay marami sa Qur'ān at Sunnah.

 B. Ang Kalayaan sa Opinyon

Nagbigay si Allāh ng kalayaan sa opinyon sa Islām ayon sa isang kundisyon na hindi makipagsalungatan ang opinyong iyon sa mga katuruan ng Islām. Nag-utos Siya sa Muslim na magsabi ng salita ng katotohanan sa harapan ng bawat isa, nang hindi siya natatangay alang-alang kay Allāh ng paninisi ng isang tagasisi. Ginawa naman Niya iyon na bahagi ng pinakamainam na pakikibaka. Nag-utos si Allāh sa Muslim na makipagpayuhan sa mga katangkilik ng mga kapakanan ng mga Muslim at sumaway Siya sa kanila laban sa mga pagsalungat. Nag-utos Siya sa Muslim na tumugon laban sa sinumang nag-aanyaya tungo sa kabulaanan at sumaway roon. Ito ay isang higit na dakila at isang higit na marikit na sistema ng paggalang ng opinyon. Hinggil naman sa opinyong sumasalungat sa Batas ni Allāh, hindi pinapayagan para sa tagapagtaglay nito ang paglalantad nito dahil ito ay isang pagwasak, isang katiwalian, at isang pakikipagdigmaan sa katotohanan.

 C. Ang Kalayaan sa Personalidad

Sa Islām, nagbigay si Allāh ng kalayaan sa personalidad sa loob ng mga hangganan ng dinalisay na Batas ng Islām. Naglagay Siya para sa tao, lalaki man o babae, ng kalayaan sa mga aksiyon niya sa anumang nasa pagitan niya at ng mga ibang tao gaya ng pagtitinda, pagbili, pagreregalo, pagkakaloob, at pagpapaumanhin. Naglagay Siya sa bawat isa sa lalaki at babae ng kalayaan sa pagpili ng kabiyak kaya naman hindi pipilitin ang isa sa dalawang ito sa hindi nito kinalulugdan. Sa kaso naman ng pagpili ng babae ng isang lalaking hindi nakapapantay sa kanya sa relihiyon, tunay na ito ay hindi papayagan para sa kanya sa gayon bilang pangangalaga sa pinaniniwalaan niya at dignidad niya sapagkat iyon ay isang pagpigil para sa kapakanan niya mismo at ng pamilya niya.

Ang walīy ng babae, ang pinakamalapit sa mga lalaki sa kanya sa kaangkanan o ang katiwala nito, ay ang magsasagawa ng pagpapakasal sa kanya dahil ang babae ay hindi nagpapakasal ng sarili niya dahil may pagpapakawangis sa nangangalunya sa gawaing iyon. [Sa pagkakasal,] magsasabi ang walīy sa lalaki: "Ipinakakasal ko sa iyo si Polana" at sasagot naman ang lalaki sa pamamagitan ng pagsabi nito ng: "Tinatanggap ko ang pagkakasal na ito." Dadaluhan ang pagkakasal ng [kahit] dalawang lalaking tagasaksi.

Hindi pumapayag ang Islām para sa Muslim na lumampas siya sa hangganan na isinabatas ni Allāh para sa kanya yayamang tunay na siya at ang lahat ng minamay-ari niya ay isang pag-aari para kay Allāh kaya naman kinakailangan sa kanya na ang aksiyon niya ay maging nasa mga hangganan ng Batas ni Allāh, na isinabatas Nito bilang awa sa mga lingkod Nito. Ang sinumang kumapit dito ay mapapatnubayan at liligaya at ang sinumang sumalungat dito ay malulumbay at masasawi. Dahil dito, ipinagbawal ni Allāh ang pangangalunya at ang sodomiya nang pinakamatinding pagbabawal at ipinagbawal Niya sa Muslim ang pagpapakamatay at ang pagpapaiba sa pagkakalikha Niya na lumikha Siya sa tao ayon dito.

Hinggil naman sa paggupit ng bigote, pagputol ng mga kuko, pag-ahit ng buhok sa ari, pagbunot [ng buhok] sa kilikili, at pagtutuli, tunay na si Allāh ay nag-utos niyon.

Nagbawal si Allāh sa Muslim na magpakawangis sa mga kaaway Niya sa mga bagay-bagay na bahagi ng mga kakanyahan nila dahil ang pagpapakawangis sa kanila at ang pag-ibig sa kanila sa mga bagay-bagay na nakalantad ay nauuwi sa pagpapakawangis sa kanila at pag-ibig sa kanila sa puso.

Si Allāh ay nagnanais sa Muslim na siya ay maging isang pinagmumulan ng ideyang pang-Islām na tumpak at hindi isang tagapag-angkat ng mga ideya ng mga tao at mga opinyon nila. Si Allāh ay nagnanais para sa Muslim na siya ay maging isang magandang tinutuluran hindi isang tagagaya-gaya.

Hinggil naman sa anumang nauugnay sa mga industriya at mga kabatirang teknikal na tumpak, tunay na ang Islām ay nag-uutos ng pagkatuto sa mga ito at pagkuha sa mga ito, kahit pa man ang nauna sa mga ito ay hindi isang Muslim dahil si Allāh ay ang Tagapagturo sa tao. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿عَلَّمَ الْإِنسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْ﴾ [العلق:5]

{nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.} (Qur'ān 96:5)

Ito ay ang pinakamataas sa mga katayuan ng pagpapayo at pagsasaayos para sa tao sa pakikinabang sa kalayaan niya, pag-iingat sa karangalan niya, at pagsasanggalang dito laban sa kasamaan ng sarili niya at kasamaan ng iba pa sa kanya.

 D. Ang Kalayaan sa Kanlungan

Nagbigay si Allāh (napakataas Siya) sa Muslim ng kalayaan sa kanlungan kaya naman hindi papayagan para sa isa na pumasok sa kanya nang walang pahintulot niya at hindi titingin sa kanya sa kanlungan niya nang walang pahintulot niya.


 E. Ang Kalayaan sa Pagkita

Nagbigay si Allāh (napakataas Siya) sa Muslim ng kalayaan sa pagkita at paggugol sa loob ng mga hangganan ng isinabatas para sa kanya. Kaya naman nag-utos si Allāh sa kanya na magtrabaho siya at kumita siya upang magbigay-kasapatan sa sarili niya at pamilya niya at upang gumugol siya alang-alang sa layon ng pagsasamabuting-loob at paggawa ng maganda samantalang kaalinsabay mismo nito nagbawal si Allāh sa kanya ng mga kinikitang ipinagbabawal tulad ng pagpapatubo, pagsusugal, panunuhol, pagnanakaw, at upa ng panghuhula, panggagaway, pangangalunya, at sodomiya. Nagbawal si Allāh ng mga presyo ng mga ipinagbabawal na bagay gaya ng presyo ng mga imahen ng mga may kaluluwa,[70]alak, baboy, mga ipinagbabawal na instrumento ng paglilibang, at upa ng awit at sayaw. Kung paano na ang kinita mula sa mga pinanggagalingang ito ay ipinagbabawal, gayon din naman, ang paggugol sa mga ito ay ipinagbabawal sapagkat hindi natutumpak para sa Muslim na gumugol ng anuman malibang sa isang layong naisabatas. Ito ay ang pinakamataas sa mga katayuan ng pagpapayo, pagpapatnubay, at pagsasaayos para sa tao sa pagkita niya at paggugol niya upang mabuhay siya bilang maligayang mayaman sa pamamagitan ng ipinahihintulot na pagkita.

 Ikasiyam: Hinggil sa Pamilya

Inorganisa ni Allāh (napakataas Siya) ang pamilya sa Batas ng Islām ayon sa pinakalubos na sistemang naisasakatuparan para sa mga sumusunod dito ang mga kadahilanan ng kaligayahan sapagkat nagsabatas Siya ng paggawa ng maganda sa mga magulang, ang ina at ang ama, sa pamamagitan ng kaaya-ayang pagsasalita at tuluy-tuloy na pagdalaw kung naging malayo sa kanilang dalawa, ng paglilingkod sa kanilang dalawa, ng pagtugon sa mga pangangailangan nilang dalawa, ng paggugol sa kanilang dalawa, at ng pagbibigay-tirahan sa kanilang dalawa kung silang dalawa ay maralita o ang isa sa kanilang dalawa. Nagbanta si Allāh ng parusa sa sinumang nagpabaya sa mga magulang nito at nangako naman Siya sa tagagawa ng maganda sa kanilang dalawa ng kaligayahan. Nagsabatas Siya ng pag-aasawa at naglinaw sa kasanhian sa pagkaisinasabatas nito sa Aklat Niya at ayon sa pananalita ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

***

 Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pag-aasawa

1. Sa pamamagitan ng pag-aasawa nagkakaroon ng isang kadahilanan mula sa pinakamalaki sa mga kadahilanan ng kalinisang-puri, pangangalaga sa ari laban sa bawal: ang pangangalunya, at pangangalaga sa mata laban sa pagtingin sa bawal.

2. Sa pamamagitan ng pag-aasawa natatamo ang katahimikan at ang kapanatagan para sa bawat isa sa mag-asawa sa pamamagitan ng kabiyak nito dahil si Allāh ay naglagay sa pagitan nilang dalawa ng pagmamahal at awa.

3. Sa pamamagitan ng pag-aasawa dumarami ang bilang ng mga Muslim ayon sa legal na pagpaparamihan na may kadalisayan at kaayusan.

4. Sa pamamagitan ng pag-aasawa naglilingkod ang bawat isa sa mag-asawa sa kabiyak niya kapag nagsasagawa ang bawat isa sa kanilang dalawa ng katungkulan niya na nababagay sa kalikasan niya gaya ng pagkakagawa rito ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).

Kaya ang lalaki ay nagtatrabaho sa labas ng bahay at kumikita ng salapi upang gumugol sa maybahay niya at mga anak niya. Ang maybahay naman ay nagtatrabaho sa loob ng bahay sapagkat ang babae ay nagbubuntis, nagpapasuso, nag-aalaga ng mga bata, at naghahanda ng pagkain para sa asawa nito at ng bahay at higaan kaya naman kapag pumasok ang asawa nang pagod at nababalisa, maaalis sa kanya ang pagod at ang pagkabalisa, mapalalagay siya sa maybahay niya at mga anak niya, at mamumuhay ang lahat sa ginhawa at galak. Walang hadlang na magsagawa ang babae kaalinsabay ng asawa niya, kapag nagkaluguran silang dalawa, ng ilan sa mga trabaho na pagkakakitaan niya para sa sarili niya upang umalalay sa asawa niya sa pamamagitan ng pagkita niya subalit iyon ay isinasakundisyon na ang trabaho na isasagawa niya ay malayo sa mga lalaki kung saan hindi siya nakikihalubilo sa kanila. Iyon ay gaya ng [trabaho] sa bahay niya o sa taniman niya mismo o taniman ng asawa niya o mag-anak niya. Hinggil naman sa trabaho na naghahantad sa kanya sa pakikihalubilo sa mga lalaki sa pabrika o opisina o tindahan o tulad niyon, tunay na ito ay hindi pinapayagan para sa babae at hindi pinapayagan para sa asawa niya ni para sa mga magulang niya at mga kamag-anak niya ang magpahintulot sa kanya kahit pa man nalugod siya rito para sa sarili niya dahil sa dulot niyon na paghahantad sa kanya at paghahantad sa lipunan sa katiwalian. Kaya naman ang babae, hanggat siya ay napag-iingatan na napangangalagaan sa bahay niya nang hindi nahahantad sa mga lalaki, ay nasa isang katiwasayang hindi naaabot ng mga nagkakasalang kamay at hindi natitingnan ng mga matang taksil. Kapag naman lumabas siya sa gitna ng mga tao, tunay na siya sa sandaling iyon ay maaaring mapariwara at maging gaya ng tupa sa gitna ng mga lobo. Marahil hindi siya magtatagal sa isang maikling panahon malibang maggugutay-gutay ang mga masamang ito sa dignidad niya at karangalan niya. Kapag hindi nagkasya ang asawa sa nag-iisang maybahay, pumayag nga si Allāh para sa kanya ng poligamiya hanggang sa apat lamang ayon sa kundisyon ng pagkakaroon ng katarungan sa mga ito kaugnay sa nakakaya niya gaya ng tirahan, sustento, at pagpapagabi [sa piling ng bawat maybahay]. Hinggil naman sa pag-ibig ng puso, ang katarungan ay hindi isang kundisyon dito dahil ito ay isang damdaming hindi nakokontrol ng tao at hindi siya masisisi rito. Ang katarungan na ikinakaila ni Allāh sa kakayahan ng lalaki ayon sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَلَن تَسْتَطِيعُوا أَن تَعْدِلُوا بَيْنَ النِّسَاءِ وَلَوْ حَرَصْتُمْ﴾ [النساء:129]

{Hindi kayo makakakaya na magmakatarungan sa mga maybahay kahit pa nagsigasig kayo.} (Qur'ān 4:129)

 Ito ay ang pag-ibig at ang anumang nauugnay rito sapagkat ito ay isang katarungang hindi gumawa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa kawalan ng pagkasakatuparan nito ng bilang hadlang sa poligamiya dahil ito ay hindi makakakaya. Nagsabatas nga si Allāh ng poligamiya para sa mga sugo Niya at para sa sinumang magmamakatarungan ng katarungang makakaya dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay pinakamaalam sa anumang nababagay sa kanila kaya ito ay mabuti para sa mga lalaki at mga babae. Iyon ay dahil ang lalaking malusog ay may taglay na isang kahandaan sa aspetong seksuwal, na nakakaya niya dahilan dito na pumuno sa pangangailangang seksuwal na nasa apat na babae at mangalaga sa kalinisang-puri nila. Kaya kapag nilimitahan siya sa nag-iisang babae gaya ng kalagayan sa ganang mga Kristiyano[71]at iba pa sa kanila at gaya ng pananawagan niyon ng mga mapagpanggap sa Islām, kapag nilimitahan siya sa iisa, mangyayari ang mga sumusunod na kasiraan:

Ang Una: Kung ang asawa ay isang mananampalatayang tagatalima kay Allāh, na nangangamba kay Allāh, tunay na siya ay maaaring mamuhay ng buhay niya habang nakararamdam ng isang bahagya ng pagkakait at panunupil ng ipinahihintulot na pangangailangan ng sarili dahil ang pagbubuntis sa mga huling buwan, ang pagdurugo, ang pagreregla, at ang pagkakasakit ng nag-iisang babae ay pumipigil sa asawa niya sa pagtatamasa sa kanya. Kaya namumuhay ang asawa sa isang bahagi ng buhay niya na para bang siya ay walang maybahay. Ito ay kapag ang maybahay ay nagpapagalak sa asawa at umiibig naman sa kanya ang asawa at umiibig ito sa kanya. Kapag naman ang maybahay ay hindi nagpapagalak sa asawa, ang usapin ay higit na mapaminsala kaysa roon.

Ang Ikalawa: Kung ang asawa ay isang tagasuway kay Allāh, na isang taksil, tunay siya ay gagawa ng kahalayan ng pangangalunya at malilihis palayo sa maybahay niya. Marami sa hindi nagsasaalang-alang sa poligamiya ay gumagawa ng mga krimen ng pangangalunya at pagtataksil sa isang poligamiya na hindi natatakdaan. Higit na mabigat kaysa rito na siya ay mahahatulan ng kawalang-pananampalataya niya kapag siya ay nakikidigma sa poligamiyang isinasabatas at namimintas dito samantalang siya ay nakaaalam na si Allāh ay pumayag nito.

Ang Ikatlo: Tunay na marami sa mga babae ay mapagkakaitan ng kasal at mga supling kapag pinigilan ang poligamiya kaya mamumuhay ang babaing maayos na malinis ang puri kabilang sa kanila bilang pobreng napagkaitang balo at mamumuhay ang ibang babae bilang pakawalang patotot na pinaglalaru-laruan ng mga salarin ang dangal niya.

Nalalaman na ang mga babae ay higit na marami kaysa sa mga lalaki dahilan sa pagkahantad ng mga lalaki sa kamatayan nang higit na madalas dahilan sa mga digmaan at mga mapanganib na trabaho na isinasagawa nila. Nalalaman din na ang babae ay nakahanda sa pag-aasawa magmula ng pagdadalagita samantalang ang mga lalaki naman ay hindi lahat nakahanda dahil marami sa kanila ay hindi nakakakayang mag-asawa dahil sa kawalang-kakayahan sa pagbibigay ng bigay-kaya at sa mga nakaatang na tungkulin ng buhay may-asawa at iba pa. Sa pamamagitan nito, nalalaman na ang Islām ay ang pinakapatas sa babae at ang pinakamaawain sa kanya. Hinggil naman sa mga nakikidigma sa poligamiyang isinasabatas, tunay na sila ay mga kaaway para sa babae, para sa kagalingan, at para sa mga propeta sapagkat ang poligamiya ay kalakaran ng mga propeta ni Allāh (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) yayamang tunay na ang mga iyon ay nag-aasawa ng ilang babae at nagsasama sa mga ito sa loob ng mga hangganan ng isinabatas ni Allāh para sa mga iyon.

Hinggil naman sa paninibugho at kalungkutan na nadarama ng maybahay kapag kumuha ang asawa niya ng isa pang maybahay nito, ito ay isang bagay na emosyonal at ang emosyon ay hindi natutumpak na unahin sa alinmang usapin kabilang sa mga usapin higit sa Batas. Maaari para sa babae na magsakundisyon para sa sarili niya bago ng pagdaraos ng kasal na hindi mag-asawa ng higit sa kanya ang asawa niya saka kapag tinanggap naman ng asawa ang kundisyon ay mag-oobliga sa kanya ang kundisyon. Kaya kapag nagpasya ang asawa na mag-asawa ng higit sa maybahay, nasa maybahay ang opsiyon sa pananatili o pagpapawalang-bisa [sa kasal] at hindi makakukuha ang asawa ng anuman mula sa ibinigay nito sa maybahay.

Nagsabatas si Allāh ng diborsiyo at sa paraang higit na natatangi sa kaso ng salungatan at hidwaan sa pagitan ng mag-asawa at sa kaso ng kawalan ng pag-ibig ng isa sa mag-asawa sa isa upang hindi mamuhay ang dalawa sa kalumbayan at salungatan at upang makatagpo ang bawat isa sa kanilang dalawa ng kabiyak na ikalulugod niya at ikaliligaya niya sa nalalabi sa buhay niya at sa kabilang-buhay niya[72]kapag namatay ang bawat isa sa kanila sa Islām.


 Ikasampu: Hinggil sa Kalusugan

Naghatid ang Batas ng Islām ng mga prinsipyo ng medisina sa kabuuan nito sapagkat sa Dakilang Qur'ān at mga ḥadīth ng Sugong si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay may maraming paglilinaw ng mga sakit na sikolohikal at pisikal at paglilinaw ng materyal at espirituwal na paglulunas sa mga ito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَنُنَزِّلُ مِنَ الْقُرْآنِ مَا هُوَ شِفَاءٌ وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ﴾ [الإسراء:82]

{Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya,} (Qur'ān 17:82)

Nagsabi naman ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nagpababa si Allāh ng isang karamdaman malibang nagpababa nga Siya para rito ng isang lunas, na nakaalam dito ang sinumang nakaalam dito at nagmangmang dito ang sinumang namangmang dito."[73]

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {...kaya magpagamot kayo at huwag kayong magpagamot sa pamamagitan ng isang bawal.}[74]Sa aklat na Zād Al-Ma`ād Fī Hady Khayr Al-`Ibād ng Pantas na si Imām Ibnu Al-Qayyim ay may pagdedetalye niyon kaya sangguniin ang aklat na iyon sapagkat iyon ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang sa mga aklat na pang-Islām, pinakatumpak sa mga ito, at pinakamasaklaw sa mga ito sa paglilinaw sa Islām at talambuhay ng Pangwakas sa mga Isinugo, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

 Ikalabing-isa: Ang ekonomiya, ang pangangalakal, ang industriya, ang agrikultura,

At ang kinakailangan ng mga tao na tubig, pagkain, mga pampublikong pasilidad, organisasyon na naggarantiya para sa kanila ng pangangalaga sa mga lungsod nila at mga baranggay nila at ng kalinisan ng mga ito, organisasyon ng pamamalakad sa mga ito, at pagsugpo ng pandaraya, kasinungalingan, at iba pa roon. Ang lahat ng ito ay nasaad sa Islām ang paglilinaw nito nang detalyado sa pinakalubos na paraan.

 Ikalabindalawa: Hinggil sa Paglilinaw sa mga Kaaway na Nakakubli at ang Paraan ng Pagwaksi sa Kanila.

Nilinaw ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa Marangal na Qur'ān sa lingkod Nitong Muslim na mayroon siyang mga kaaway na humihila sa kanya sa kasawian sa Mundo at Kabilang-buhay kapag nagpaakay siya sa mga iyon at sumunod siya sa mga iyon kaya naman nagbigay-babala si Allāh laban sa mga iyon at naglinaw sa kanya ng daan sa pagwaksi sa mga iyon.

Ang una sa kanila ay ang demonyong kasumpa-sumpa na nagtutulak sa nalalabi sa mga kaaway at nagpapakilos sa mga ito laban sa tao sapagkat siya ay kaaway ng ama nating si Adan at ina nating si Eva, na nagpalabas sa kanilang dalawa mula sa Paraiso. Siya ay ang namamalaging kaaway para sa mga supling ni Adan hanggang sa katapusan ng Mundo. Gumagawa siya habang nagpupunyagi sa pagpapasadlak sa kanila sa kawalang-pananampalataya kay Allāh nang sa gayon magpanatili sa kanila si Allāh kasama niya sa Impiyerno – ang pagpapakupkop ay kay Allāh. Ang sinumang nawalang-kakayahan siya sa pagpapasadlak sa kawalang-pananampalataya, kikilos siya sa pagpapasadlak dito sa mga pagsuway na maghahantad dito sa galit at pagdurusang dulot ni Allāh.

Ang demonyo ay espiritung dumadaloy sa tao gaya ng pagdaloy ng dugo, na nagpapasaring sa dibdib nito at gumagayak para rito ng kasamaan hanggang sa masadlak ito roon kapag tumalima ito sa kanya. Ang paraan ng pagwaksi sa demonyo, gaya ng nilinaw ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ay na magsabi ang Muslim kapag nagalit o nagbalak ng paggawa ng isang pagsuway: "A`ūdhu bi-llāhi mina -sh-shayṭāni -ﷺ‬-rajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)" at hindi maisasagawa ang galit niya at hindi siya maglalakas-loob sa pagsuway, at na makaalam siya na ang tagapagtulak sa kasamaan na nadarama niya sa sarili niya ay tanging mula sa demonyo upang magpasadlak sa kanya sa kasawian, pagkatapos magpapawalang-kaugnayan sa kanya ito matapos niyon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمْ عَدُوٌّ فَاتَّخِذُوهُ عَدُوًّا إِنَّمَا يَدْعُو حِزْبَهُ لِيَكُونُوا مِنْ أَصْحَابِ السَّعِيرِ﴾ [فاطر:6]

{Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway. Nag-aanyaya lamang siya sa lapian niya upang sila ay maging kabilang sa mga kasamahan sa Liyab.} (Qur'ān 35:6)

Ang ikalawang kaaway ay ang pithaya. Bahagi nito ang maaaring maramdaman ng tao na pagkaibig sa pagtutol sa katotohanan at pagtanggi rito kapag inihatid ito ng iba pa sa kanya at pagkaibig sa pagtutol sa kahatulan ni Allāh (napakataas Siya) at pagtanggi rito dahil ito ay salungat sa ninanais niya. Bahagi ng pithaya ang pagpapauna ng emosyon higit sa katotohanan at katarungan. Ang paraan ng pagwaksi sa kaaway na ito ay na humiling ang tao ng pagkupkop ni Allāh (napakataas Siya) laban sa pagsunod sa pithaya niya at na hindi siya tumugon sa tagapagtulak sa pithaya kaya hindi siya susunod dito; bagkus sasabihin niya ang katotohanan, tatanggapin ito kahit pa man ito ay mapait, at hihiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa demonyo.

Ang ikatlong kaaway ay ang sariling palautos ng kasagwaan. Bahagi ng pag-uutos nito ng kasagwaan ang nararamdaman ng tao sa sarili niya na pagkaibig sa paggawa ng ipinagbabawal na pagnanasa gaya ng pangangalunya, pag-inom ng alak, pagtigil-ayuno sa Ramaḍān nang walang maidadahilang naisasabatas, at tulad niyon kabilang sa ipinagbawal ni Allāh. Ang paraan ng pagwaksi sa kaaway na ito ay na humiling siya ng pagkupkop ni Allāh (napakataas Siya) laban sa kasamaan ng sarili niya at laban sa demonyo, magtiis siya palayo sa paggawa ng ipinagbabawal na pagnanasang ito, magpigil siya [ng sarili] palayo rito bilang paghahangad sa kaluguran ni Allāh. Magpapatiis din siya ng sarili niya laban sa pagkain o inumin nga ninanasa niya subalit ito ay makapipinsala sa kanya kung sakaling kinain niya ito o ininom niya ito. Magsasaalaala siya na ang ipinagbabawal na pagnanasang ito ay mabilis maglaho, na may sumusunod dito na isang pagkalunos at isang kahabaan ng pagsisisi.

Ang ikaapat na kaaway ay ang mga demonyo ng tao. Sila ay ang tagasuway ng mga anak ni Adan, na mga pinaglaruan ng demonyo at naging gumagawa ng nakasasama at nagpaparikit nito para sa sinumang nakikisama sa kanila. Ang paraan ng pagwaksi sa kaaway na ito ay ang pag-iingat laban dito, ang paglayo rito, at ang hindi pakikisama rito.

 Ikalabintatlo: Hinggil sa Matayog na Layon at Maligayang Buhay:

Ang matayog na layon na nagpaharap si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa mga Muslim tungo roon ay hindi ang pangmundong buhay na ito at ang anumang narito na mga pang-akit na magmamaliw. Iyon lamang ay ang paghahanda para sa hinaharap na tunay na mananatili, ang buhay na pangkabilang-buhay matapos ng kamatayan. Kaya naman gumagawa ang tapat na Muslim sa buhay na ito ayon sa pagsasaalang-alang na ito ay isang kaparaanan para sa buhay na pangkabilang-buhay at isang taniman para roon at hindi isang tunguhin mismo.

Kaya siya ay nagsasaalaala ng sabi ni Allāh (napakataas Siya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ﴾ [الذاريات:56]

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56)

Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَلْتَنظُرْ نَفْسٌ مَّا قَدَّمَتْ لِغَدٍ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ (18) وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ نَسُوا اللَّهَ فَأَنسَاهُمْ أَنفُسَهُمْ أُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ (19) لَا يَسْتَوِي أَصْحَابُ النَّارِ وَأَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ هُمُ الْفَائِزُونَ (20)[الحشر:18-20]

{18. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. 19. Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail. 20. Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi.} (Qur'ān 59:18-20)

Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya):

﴿فَمَن يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ (7) وَمَن يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ (8)[الزلزلة:7-8]

{7. Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, 8. at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.} (Qur’ān 99:7-8)

Nagsasaalaala ang tapat na Muslim sa mga dakilang talatang ito at anumang nakatulad ng mga ito mula sa pananalita ni Allāh (napakataas Siya) na nagpapaharap Siya sa pamamagitan niyon sa mga lingkod Niya sa tunguhin na nilikha Niya sila alang-alang doon at sa hinaharap na naghihintay sa kanila nang walang pasubali. Kaya naman naghahanda ang Muslim para sa hinaharap na tunay na mananatili sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh lamang at ng paggawa ng nagpapalugod sa kanya habang nag-aasam ng pagkalugod ni Allāh sa kanya at pagpaparangal Nito sa kanya sa buhay na ito sa pamamagitan ng pagtalima at sa matapos ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya sa tahanan ng kagalantehan Nito. Magpaparangal sa kanya si Allāh sa buhay na ito sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa kanya sa isang kaaya-ayang buhay para mamuhay siya sa pagtangkilik ni Allāh at pag-iingat Nito samantalang tumitingin siya sa pamamagitan ng liwanag ni Allāh habang nagsasagawa siya ng mga pagsamba na ipinag-utos sa kanya ni Allāh para magpakasarap siya sa mga ito sa sarilinang pakikipag-usap kay Allāh (napakataas Siya) at mag-alaala siya kay Allāh sa puso niya at sa pamamagitan ng dila niya para mapanatag dahil doon ang puso niya.

Gumagawa ang Muslim ng maganda sa mga tao sa pamamagitan ng sinasabi niya at ginagawa niya kaya nakaririnig siya mula sa mararangal sa kanila ng pag-amin sa paggawa niya ng maganda at ng panalangin para sa kanya ng magpapagalak sa kanya at magpapaluwag sa dibdib niya. Nakakikita siya mula sa mga imbing naiinggit ng pagkakaila ng kabutihan niya ngunit hindi siya pumipigil ng paggawa ng maganda sa kanila dahil siya ay nagnanais lamang dahil dito ng ikalulugod ng mukha ni Allāh at gantimpala Nito. Nakaririnig siya at nakakikita siya mula sa masasamang namumuhi sa relihiyong [Islām] at mga alagad nito ng pangungutya at pananakit, na nagpapaalaala sa kanya sa mga sugo ni Allāh, ngunit nakaaalam siya na ito ay dahil sa [pagsunod sa] landas ni Allāh kaya nadaragdagan siya ng pag-ibig sa Islām at ng katatagan dito. Nagtatrabaho ang Muslim sa pamamagitan ng kamay niya sa opisina o taniman o tindahan o pabrika upang magpakinabang sa Islām at mga Muslim sa pamamagitan ng produksiyon niya, upang makamit para sa kanya ang pabuya mula kay Allāh sa araw na makikipagkita siya kay Allāh dahil sa pagpapakawagas niya at maayos na layunin niya, at upang magkamit siya ng kaaya-ayang kita na gugugulin niya sa sarili niya at pamilya niya at magkakawanggawa siya mula rito. Kaya mamumuhay siya na mayaman ang puso, isang marangal na kontento, habang nag-aasam ng pabuya mula kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) dahil si Allāh ay umiibig sa malakas na mananampalatayang naghahanap-buhay. Kumakain siya, umiinom siya, at natutulog siya nang walang pag-aaksaya upang magpalakas siya sa pamamagitan niyon para sa pagtalima kay Allāh. Nakikisama ang Muslim sa maybahay niya upang mangalaga sa kalinisang-puri nito at mangalaga sa kalinisang-puri ng sarili niya laban sa ipinagbawal ni Allāh at upang magkasupling siya ng mga anak na sasamba kay Allāh at mananalangin para sa kanya, buhay man [siya] o patay, para magpatuloy ang maayos na gawa niya at dumami sa pamamagitan nila ang bilang ng mga Muslim kaya makakamit para sa kanya dahil doon ang pabuya mula kay Allāh. Nagpapasalamat siya kay Allāh sa bawat biyayang nakakamit para sa kanya dahil sa pagpapatulong sa pamamagitan nito sa pagtalima kay Allāh at sa pag-amin na ito ay mula kay Allāh lamang, kaya naman nakakamit para sa kanya ang pabuya mula kay Allāh. Nakaaalam siya na ang dumadapo sa kanya magkaminsan na pagkagutom, pangamba, sakit, at mga kasawiangpalad ay isang pagsusulit lamang mula kay Allāh sa kanya upang makakita si Allāh – gayong si Allāh dito ay pinakamaalam[75]– sa saklaw ng pagtitiis niya at pagkalugod niya sa itinakda ni Allāh. Nagtitiis siya, nalulugod siya, at nagpupuri siya kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat kalagayan dala ng pag-aasam sa gantimpala Nito na inihanda Nito para sa mga nagtitiis. Kaya naman gumagaan sa kanya ang kasawiangpalad at tumatanggap siya nito gaya ng pagtanggap ng maysakit sa kapaitan ng gamot dala ng paghahangad sa paggaling.

Kaya kapag namuhay ang Muslim sa buhay na ito gaya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh sa pamamagitan ng mataas na espiritung ito, gagawa siya para sa hinaharap na tunay na mananatili upang lumigaya siya nang kaligayahang mananatili, na hindi nililigalig ng mga panligalig ng buhay na ito at hindi napuputol ng kamatayan, kaya naman siya, walang pagdududa, ang maligaya sa buhay na pangmundong ito at ang maligaya sa buhay na pangkabilang-buhay matapos ng kamatayan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ﴾ [القصص:83]

{Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur’ān 28:83)

Nagsabi ng totoo si Allāh, ang Dakila, yayamang nagsasabi Siya:

﴿مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِّن ذَكَرٍ أَوْ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُم بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾ [النحل:97]

{Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 16:97)

Sa marangal na naunang talatang ito at anumang nakatulad nito, nagpapabatid si Allāh (napakataas Siya) na Siya ay gaganti sa maayos na lalaki at maayos na babae, na mga gumagawa sa buhay na ito ng pagtalima sa Kanya dala ng paghahangad ng kaluguran Niya, ng isang maagang ganti sa buhay na ito, ang kaaya-ayang maligayang buhay na inuna natin ang pagbanggit dito, at ng isang antalang ganti matapos ng kamatayan, ang mananatiling kaginhawahan sa Paraiso. Kaugnay rito, nagsasabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isang paghanga para sa nauukol sa mananampalataya! Tunay na ang nauukol sa kanya sa kabuuan nito ay mabuti at hindi iyon ukol sa isa man kundi para sa mananampalataya. Kung may tumama sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging mabuti para sa kanya; at kung may tumama sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging mabuti para sa kanya."[76]

Sa pamamagitan nito, lumilinaw na nasa Islām lamang ang matinong ideya, ang tumpak na sukatan para sa maganda at pangit, at ang buong metodolohiyang makatarungan; at na ang lahat ng mga opinyon at mga teoriya sa sikolohiya, sosyolohiya, edukasyon, pulitika, at lahat ng mga sistema at mga metodolohiyang pantao ay kinakailangan na itumpak ayon sa tanglaw ng Islām at na hanguin mula rito at kung hindi naman ay kabilang sa imposible ang pananagumpay ng anumang sumalungat dito kabilang sa mga iyon; bagkus tunay na [ang pagsalungat na] ito ay ang pinanggagalingan ng kalumbayan ng mga tagasunod sa mga iyon sa Mundo at Kabilang-buhay.

***

 Ang Ikalimang Kabanata: Ang Pagbubunyag sa Ilan sa mga Kalabuan

 Una: Ang mga gumagawa ng masagwa sa Islām. Ang karamihan sa mga gumagawa ng masagwa sa Islām ay dalawang uri:

Ang unang uri ay mga taong nauugnay sa Islām at nag-aangkin na sila ay mga Muslim subalit sila ay sumasalungat sa Islām sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila sapagkat gumagawa sila ng mga gawain na ang Islām sa mga ito ay walang-kaugnayan. Sila ay hindi kumakatawan sa Islām at hindi natutumpak na iugnay ang mga gawain nila sa Islām. Ang mga ito ay:


 A. Ang mga nalilihis sa mga pinaniniwalaan nila gaya ng mga nagsasagawa ng ṭawāf sa mga libingan,

Humihiling ng mga pangangailangan nila sa mga nakalibing sa mga ito, naniniwala sa pakinabang at pinsala [na nagmumula] sa mga iyon,[77]at iba pa.

 B. Ang mga nakakalas sa mga kaasalan nila at relihiyon nila,

kaya umiiwan sila ng mga tungkulin kay Allāh; gumagawa sila ng mga ipinagbabawal Niya gaya ng pangangalunya, pag-inom ng alak, at iba pa; at umiibig sila sa mga kaaway ni Allāh at gumagaya sila sa mga ito.

 C. Kabilang sa mga gumagawa ng masagwa sa Islām ay mga taong

 Muslim subalit ang pananampalataya nila kay Allāh ay mahina at ang pagpapatupad nila sa mga katuruan ng Islām ay kulang sapagkat sila ay mga nagkukulang sa ilan sa mga kinakailangan, subalit sila ay hindi naman nag-iiwan ng mga ito. Gumagawa sila ng ilan sa mga ipinagbabawal na hindi naman umaabot sa antas ng malaking shirk o ng iba pa kabilang sa mga uri ng kawalang-pananampalataya. Nahirati na sila sa mga masagwang ipinagbabawal na nakahiratian, na ang Islām ay walang-kaugnayan sa mga ito at nagtuturing sa mga ito na kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala tulad ng pagsisinungaling, pandaraya, pagsira sa pangako, at pagkainggit. Ang mga ito sa kalahatan ay gumagawa ng masagwa sa Islām dahil ang namamangmang sa Islām kabilang sa hindi mga Muslim ay nagpapalagay na ang Islām ay pumapayag para sa kanila niyon.

Hinggil naman sa ikalawang uri kabilang sa mga gumagawa ng masagwa sa Islām, sila ay mga taong kabilang sa mga kaaway ng Islām, na mga napopoot dito. Kabilang sa mga ito ang mga oryentalista, ang mga Hudyo, ang mga ebanghelistang Kristiyano, at ang mga humalintulad sa kahalintulad nila na mga napopoot sa Islām. Nagpangitngit sa kanila ang kalubusan nito, ang kaluwagan nito, at ang bilis ng paglaganap nito dahil ito ay relihiyon ng naturalesa,[78]na tinatanggap ng naturalesa sa simpleng pag-alok niyon dito. Ang bawat taong hindi Muslim ay namumuhay sa pagkabagabag at sa pagkaramdam ng kawalan ng pagkalugod sa relihiyon niya o ideyolohiya niya, na niyayakap niya, dahil ito ay sumasalungat sa naturalesa niya na nilalang siya ni Allāh ayon doon, maliban ang Muslim sa totoo sapagkat tunay na siya ay ang kaisa-isang namumuhay nang maligaya, na nalulugod sa relihiyon niya dahil ito ay ang totoong relihiyon na isinabatas ni Allāh at ang Batas ni Allāh ay umaalinsunod sa naturalesang mula kay Allāh, na nilalang Niya ang mga tao ayon doon. Dahil dito, sinasabi natin sa bawat Kristiyano, sa bawat Hudyo, at sa bawat labas sa Islām: "Tunay na ang mga paslit mo ay ipinanganak sa naturalesa ng Islām subalit ikaw at ang ina nila ay nagpapalabas sa kanila mula sa Islām sa pamamagitan ng tiwaling edukasyon sa kawalang-pananampalataya, na anumang sumalungat sa Islām kabilang sa mga relihiyon at mga ideyolohiya."

Nanadya nga ang mga napopoot na iyon, kabilang sa mga oryentalista at mga ebanghelista, sa paggawa-gawa ng kasinungalingan hinggil sa Islām at hinggil sa Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

1. Sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa mensahe niya, minsan;

2. Sa pamamagitan ng pagpaparatang sa kanya ng kapintasan, minsan, gayong siya ay ang lubos (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pinawalang-kaugnayan ni Allāh – sa kabila ng pangmamata nila – sa bawat kapintasan at kakulangan;

3. Sa pamamagitan ng pagbabaluktot sa ilan sa mga makatarungang patakaran ng Islām, na isinabatas ni Allāh, ang Maalam, ang Marunong.

Subalit si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagpapawalang-saysay sa panlalansi nila dahil sila ay nakikidigma sa katotohanan samantalang ang katotohanan ay mangingibabaw at hindi pangingibabawan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

﴿يُرِيدُونَ لِيُطْفِئُوا نُورَ اللَّهِ بِأَفْوَاهِهِمْ وَاللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ (8) هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ وَلَوْ كَرِهَ الْمُشْرِكُونَ (9)[الصف:8-9]

{8. Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya. 9. Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.} (Qur'ān 61:8-9)

 Ikalawa: Ang mga Pinagkukunan ng Islām

Kapag nagnais ka, O taong nakapag-uunawa, na makilala ang Islām sa reyalidad nito, basahin mo ang Dakilang Qur'ān at ang mga tumpak na ḥadīth ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nakasulat sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, Ṣaḥīḥ Muslim, Muwaṭṭa’ Al-Imām Mālik, Musnad Al-Imām Aḥmad bin Ḥanbal, Sunan Abī Dāwud, Sunan An-Nasā’īy, Sunan At-Tirmidhīy, Sunan Ibnu Mājah, at Sunan Ad-Dārimīy. Basahin mo ang Sīrah Nabawīyah (Pampropetang Talambuhay) ni Ibnu Hishām, ang Tafsīﷺ‬ Al-Qur’ān Al-`Aḍ̆īm (Pagpapakahulugan ng Dakilang Qur’ān) ng Pantas na si Ismā’īl ibnu Kathīﷺ‬, ang aklat na Zād Al-Ma`ād Fī Hady Khayr Al-`Ibād (Baon sa Pinanunumbalikan sa Pagpatnubay ng Pinakamabuti sa mga Lingkod) ng Pantas na si Muḥammad Ibnu Al-Qayyim, at ang mga tulad ng mga ito kabilang sa mga aklat ng mga imām ng Islām, na mga alagad ng Tawḥīd at pag-aanyaya tungo kay Allāh batay sa pagkatalos, na mga tulad nina Shaykh Al-Islām Aḥmad Ibnu Taymiyah at Imām na Tagapagpanariwa na si Muḥammad bin `Abdulwahhāb, na pinatibay ni Allāh sa pamamagitan niya at sa pamamagitan ng Prinsipe ng mga Muwaḥḥid (alagad ng Tawḥīd) na si Muḥammad bin Sa`ūd ang Relihiyong Islām at ang Paniniwala sa Tawḥīd sa Arabya at ilan sa mga lugar noong ikalabindalawang siglo ng Hijrah hanggang sa ngayon matapos na naglipana ang Shirk.

Hinggil naman sa mga aklat ng mga oryentalista at mga pangkatin na nauugnay sa Islām, nauna na ang pagbanggit sa marami sa mga ito. Ang mga pangkating ito ay sumasalungat sa Islām dahil sa ipinaaanyaya ng mga ito na mga nauukol sa pagsalungat sa Islām; o sumasalansang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) o sa ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pang-aalipusta at panlalait; o naninirang-puri sa mga imām na tagapag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh (napakataas Siya), tulad nina Ibnu Taymiyah, Ibnu Al-Qayyim, at Muḥammad bin `Abdulwahhāb, at gumagawa-gawa laban sa kanila ng kasinungalingan. Tunay na ang mga ito ay mga aklat na tagapagligaw, kaya mag-ingat ka na malinlang ka dahil sa mga ito o magbasa ng mga ito.

 Ikatlo: Ang mga Madhhab na Pang-Islām

Ang lahat ng mga Muslim ay nasa nag-iisang ideyolohiya, ang Islām. Ang sanggunian nila ay ang Qur'ān at ang ḥadīth ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hinggil naman sa tinatawag na mga madhhab na pang-Islām gaya ng apat na madhhab: ang Ḥanbalīy, ang Mālikīy, ang Shāfi`īy, at ang Ḥanafīy; tumutukoy lamang ito sa mga iyon bilang mga paaralan ng hurisprudensiya (fiqh) na pang-Islām, na ipinanturo ng mga maalam na ito bilang mga batayan ng Islām samantalang ang sanggunian naman ng mga iyon sa kabuuan ng mga iyon ay ang Qur'ān at ang mga ḥadīth ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang anumang natagpuan sa pagitan ng mga [madhhab na] iyon na pagkakaiba-iba, ito ay sa mga pansangay na madalang na usapin, na nag-utos ang bawat maalam sa mga estudyante niya na sumunod sila sa mga ito ayon sa pahayag na kinakatigan ng teksto mula sa Qur'ān o Ḥadīth kahit pa man ang tagapahayag nito ay iba pa sa kanya.

Ang Muslim ay hindi inoobliga sa [pagsunod sa] isa sa mga ito. Siya ay inoobliga lamang na sumangguni sa Qur'ān at Ḥadīth. Hinggil naman sa kinasasadlakan ng marami sa mga nauugnay sa mga madhhab na iyon na paglihis sa pinaniniwalaan dahil sa ginagawa nila sa tabi ng mga libingan na pagsasagawa ng ṭawāf at pagpapatulong sa mga nakalibing sa mga ito at sa kinasasadlakan nila na pagbibigay-pakahulugan sa mga katangian ni Allāh at pagbaling sa mga ito palayo sa mga lantad na kahulugan ng mga ito, tunay ang mga [taong] ito ay mga sumasalungat sa mga imām ng mga madhhab nila sa paniniwala dahil ang paniniwala ng mga imām ay ang paniniwala ng Maayos na Kanunuan, na nauna ang pagkabanggit dito kaugnay sa maliligtas na pangkat.

 Ikaapat: Mga Pangkat na Labas sa Islām

May natatagpuan sa Daigdig ng Islām na mga pangkat na labas sa Islām. Ang mga ito ay nauugnay sa Islām at nag-aangkin na ang mga ito ay Muslim subalit ang mga ito sa reyalidad ay hindi Muslim dahil ang mga pinaniniwalaan ng mga ito ay mga pinaniniwalaan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, sa mga tanda Niya, at kaisahan Niya. Kabilang sa napaloob sa mga pangkating ito:


 1. Ang Pangkating Bāṭinīyah

Ito ay naniniwala sa pagtahan [ng Diyos sa tao] at reinkarnasyon at na ang mga teksto raw ng relihiyon ay may nakakubling kahulugang sumasalungat sa nakahayag na kahulugan na nilinaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at napagkaisahan ng mga Muslim. Ang nakakubling kahulugan na ito ay sila ang gumagawa alinsunod sa mga pithaya nila.[79]Ang pinag-ugatan ng paglago ng Bāṭinīyah ay na may isang pangkat ng mga Hudyo, mga Mago, at mga ateista ng mga pilosopo sa Persiya, na nagtipon noong nilupig sila ng paglaganap ng Islām at nagsanggunian para sa pagtatag ng isang ideyolohiyang ang pakay nito ay ang pagpapalansag-lansag sa mga Muslim at ang pagbagabag ng mga isipan hinggil sa kahulugan ng Dakilang Qur'ān nang sa gayon magpawatak-watak sila sa mga Muslim. Nagtatag sila ng palawasak na ideyolohiyang ito, nag-anyaya sila tungo rito, umugnay sila sa mag-anak ng sambahayan [ng Propeta], at nag-angkin sila na sila raw ay kabilang sa kakampi ng mga ito upang maging higit na masidhi sa pagpapalisya sa madla. Nakasakmal naman sila ng maraming tao kabilang sa mga mangmang kaya nakapagligaw sila sa mga ito palayo sa katotohanan.

 2. Kabilang sa mga pangkat na iyon ang

Qādyānismo bilang pag-uugnay kay Ghulām Aḥmad Qādyānīy na napatanyag tungkol sa kanya na siya ay nag-angkin ng pagkapropeta at nag-anyaya sa mga damuho ng Indiya at paligid nito sa pananampalataya sa kanya. Ginamit siya ng mga Ingles at ang mga tagasunod niya noong mga panahon ng kolonisasyon ng mga ito ng Indiya. Pinagpasasa siya ng mga ito at ang mga tagasunod niya hanggang sa sinunod siya ng marami sa mga mangmang. Kaya naman natatag ang Qādyānismo na nagkukunwari ng Islām samantalang ito ay nagsisikap sa pagwasak sa Islām at pagpapalabas ng sinumang nakaya nito mula sa bakuran ng Islām. Napatanyag na siya ay kumatha ng isang aklat [na pinamagatang]: "Pagpapatotoo sa mga Patunay Aḥmadeyo," na nag-angkin siya rito ng pagkapropeta at namilipit dito ng mga teksto ng Islām. Kabilang sa pamimilipit niya ng mga teksto ng Islām ang pag-aangkin niya na ang pakikibaka sa

Islām ay pinawalang-bisa na at na kinakailangan sa bawat Muslim na makipagpayapaan sa mga Ingles. Kumatha pa siya sa panahon ding iyon ng isang aklat na tinawag niyang: "Pangontra-lason ng mga Puso." Namatay na ang manunulat na ito noong taong 1908 matapos na nakapagligaw ng marami sa mga tao. Hinalilihan siya sa pag-aanyaya niya at pagkapangulo ng ligaw na pangkatin niya ng isang ligaw na lalaking tinatawag na Al-Ḥakīm Nūruddīn.


 3. Kabilang pa sa mga pangkat ng

Bāṭinīyah na labas sa Islām ang isang pangkat na tinatawag na Bahā'ismo na itinatag sa simula ng ikalabingsiyam na siglo sa Iran ng isang lalaking ang pangalan ay `Alīy Muḥammad, na sinasabi ring Muḥammad `Alīy Shīrāzīy. Siya noon ay kabilang sa pangkat ng Shī`ah na Labindalawahan saka nagsarili siya, ayon sa napatanyag tungkol sa kanya, sa isang ideyolohiyang nag-angkin siya rito para sa sarili niya na siya raw ay ang Napatnubayang Hinihintay. Pagkatapos nag-angkin siya matapos niyon na si Allāh (napakataas Siya) ay tumahan sa kanya kaya siya ay naging diyos para sa mga tao. Napakataas si Allāh higit sa anumang sinasabi ng mga ateistang tagatangging sumampalataya ayon sa kataasang malaki! Ikinaila niya ang pagbubuhay, ang pagtutuos, ang Paraiso, at ang Impiyerno. Sumunod siya sa pamamaraan ng mga Brahman at mga Budhista na mga tagatangging sumampalataya. Nagbuklod siya sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Muslim at wala raw pagkakaiba sa pagitan nila. Pagkatapos nagkaila siya sa pagkapropeta ng Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagkaila siya sa marami sa mga patakarang pang-Islām. Pagkatapos nagmana sa kanya, matapos ng pagkasawi niya, ang isang katuwang niya na tinatawag na Bahā'. Nagpalaganap naman ito ng paanyaya nito at dumami ang mga tagasunod nito kaya iniugnay ang pangkat sa pangalan niya saka tinawag na Bahā'ismo.

 4. Kabilang pa sa mga pangkat na labas sa Islām – kahit pa nag-aangkin nito,

Nagdarasal, nag-aayuno, at nagsasagawa ng ḥajj – ang mga pangkat na malaki ang bilang, na nag-aangkin na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay nagtaksil daw sa [paghahatid ng] mensahe yayamang naglihis siya nito papunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay isinugo raw kay `Alīy! Ang iba sa kanila ay nagsasabing si `Alīy ay si Allāh at nagpapakalabis-labis sa pagdakila kay `Alīy, at pagdakila sa mga anak niya, mga apo niya, maybahay niyang si Fāṭimah, at ina nitong si Khadījah (malugod si Allāh sa kanilang lahat). Bagkus gumawa nga sila sa mga ito bilang mga diyos kasama kay Allāh, na dinadalanginan nila at pinaniniwalaan nila na ang mga ito ay mga naisanggalang [sa pagkakasala] at na ang katayuan ng mga ito sa ganang kay Allāh ay higit na dakila kaysa sa katayuan ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).

Nagsasabi ang mga ito na tunay ang Qur'ān na nasa mga kamay ng mga Muslim sa ngayon ay may karagdagan at kakulangan. Gumawa sila para sa kanila ng mga natatanging kopya ng Qur'ān, na nilagyan nila ng mga talata at mga kabanata mula sa ganang mga sarili nila. Inaalipusta nila ang pinakamainam sa mga Muslim matapos ng Propeta ng mga ito na sina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Inaalipusta nila ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya). Nagpapasaklolo sila kay `Alīy at sa mga anak nito sa oras ng kariwaraan at kariwasaan at dumadalangin sila sa mga ito bukod pa kay Allāh. Si `Alīy at ang mga anak niya ay mga walang-kaugnayan sa kanila dahil sila ay gumawa sa mga ito bilang mga diyos kasama kay Allāh. Nagsinungaling sila laban kay Allāh at pumilipit sila sa pananalita Niya. Napakataas si Allāh higit sa anumang sinasabi nila ayon sa kataasang malaki![80]

Ang mga tagatangging sumampalataya na pangkat na ito na binanggit natin ay ilan sa kabilang sa mga pangkat ng kawalang-pananampalataya na nag-aangkin ng Islām samantalang ang mga ito ay nagwawasak dito kaya magpakamulat ka – O nakapag-unawa, O Muslim – sa bawat lugar na ang Islām ay hindi payak na pag-aangkin. Bagkus ito lamang ay ang pagkaalam sa Qur'ān at mga ḥadīth ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napagtibay buhat sa kanya at ang paggawa ayon doon. Kaya pagmuni-munian mo ang Qur'ān at ang mga ḥadīth ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), matatagpuan mo ang patnubay, ang liwanag, at ang landasing tuwid na nagpaparating sa tagatahak dito tungo sa kaligayahan sa Hardin ng Kaginhawahan sa piling ng Panginoon ng mga nilalang.

***

 Ang Paanyaya Tungo sa Kaligtasan

O taong nakapag-uunawa, na lalaki man o babae, kabilang sa hindi pa pumasok sa Islām, sa iyo ko inihaharap ang paanyayang ito tungo sa kaligtasan at kaligayahan kaya magsasabi ako:

Sagipin mo ang sarili mo mula sa pagdurusang idudulot ni Allāh (napakataas Siya) matapos ng kamatayan sa libingan, pagkatapos sa apoy ng Impiyerno.

Sagipin mo ang sarili mo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) bilang Sugo, at sa Islām bilang relihiyon. Sabihin mo nang tapatan: "Lā ilāha ill- Allāhu; Muḥammadur rasūlu -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh; si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)." Dasalin mo ang limang dasal. Ibigay mo ang zakāh ng yaman mo. Mag-ayuno ka sa buwan ng Ramaḍān. Magsagawa ka ng ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh kung nakaya mong [magkaroon] patungo roon ng isang landas.

Ipahayag mo ang pagyakap mo sa Islām para kay Allāh sapagkat tunay na walang kaligtasan para sa iyo at walang kaligayahan[81]kundi sa pamamagitan niyon.

Tunay na ako nanunumpa para sa iyo kay Allāh, ang Sukdulan, na walang Diyos kundi Siya, na ang Islām na ito ay ang totoong relihiyon na hindi tatanggap si Allāh mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito. Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, sa mga anghel Niya, at sa lahat ng nilikha Niya na: Walang Diyos kundi si Allāh, na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na ang Islām ay ang katotohanan, at na ako ay kabilang sa mga Muslim.

Humihiling ako kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan ng kagandahang-loob Niya at kagalantehan Niya na magbigay-kamatayan Siya sa akin bilang totoong Muslim at sa mga supling ko at sa lahat ng mga kapatid kong mga Muslim, at na magtipon Siya sa amin sa mga hardin ng Kaginhawahan kasama ng Propeta naming si Muḥammad, ang Tapat, ang Mapagkakatiwalaan (basbasan siya Nito at pangalagaan), at ng lahat ng mga propeta, at kasama ng mag-anak ng Propeta namin at mga Kasamahan niya. Humihiling ako kay Allāh (napakataas Siya) na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng aklat na ito sa bawat sinumang magbabasa nito at didinig nito. Pansinin, nakapagpaabot kaya ako? O Allāh, saksihan Mo.

Si Allāh ay pinakamaalam. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

***


 Index

Ang Relihiyon ng Katotohanan. 2

Ang Panimula at ang Paghahandog. 4

Ang Unang Kabanata: Ang Pagkakilala kay Allāh,[1] ang Tagalikhang Sukdulan  6

Ang Unang Patotoo: 6

Ang Pabuod na Kahulugan ng Marangal na Talata: 7

Ang Pabuod na Kahulugan ng Marangal na Talata: 9

Ang Ikalawang Patotoo: 10

Ang Ikatlong Patotoo: 10

Ang Ikaapat na Patotoo: 10

Ang Ikalimang Patotoo: 11

Ang Ikaanim na Patotoo: 11

Ang Ikapitong Patotoo: 11

Ang Ikawalong Patotoo: 11

Ang Ikasiyam na Patotoo: 12

Ang Ikasampung Patotoo: 12

Ang Kahulugan ng mga Talata: 13

Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata: 17

Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata: 23

Ang Ikalawang Kabanata: Ang Pagkakilala sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). 26

Ang Pabuod na Kahulugan ng mga Talata: 34

Ang Ikatlong Kabanata: Ang Pagkakilala sa Relihiyon ng Katotohanan, ang Islām   36

Ang Pagpapakilala sa Islām.. 36

Ang Pabuod na Kahulugan ng Dalawang Talata: 37

Ang Pabuod na Kahulugan ng Talata: 39

Ang Pabuod na Kahulugan ng Talata: 39

Ang mga Haligi ng Islām.. 41

Ang Unang Haligi 41

Ang Katungkulan ng mga Sugo na Ipinadala ni Allāh Dahil Doon. 56

Ang Kahulugan ng Dalawang Talata: 59

Ang Ikalawang Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Pagdarasal 60

Ang Pabuod na Kahulugan ng Dalawang Talata: 62

Ang mga Patakaran sa Ṣalāh. 64

Ang Ikaapat na Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Pag-aayuno. 74

Ang Pamamaraan ng Pag-aayuno. 74

Sa pag-aayuno ay may mga kapakinabangan na hindi maiisa-isa, na ang pinakamahalaga sa mga kapakinabangan nito ay ang sumusunod: 74

Ang Ikalimang Haligi Mula sa mga Haligi ng Islām: Ang Ḥajj 77

Ito ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj at `Umrah: 80

Ang Pananampalataya. 92

Ang Kahulugan ng Pananampalataya sa Pagtatakda. 94

Ang lahat ng naunang nabanggit na ito ay kinakailangan sa Muslim na sumampalataya rito. 95

Ang Kalubusan ng Relihiyong Islām.. 96

Sa mga Naunang Nabanggit na Talata: 97

Ang Ikaapat na Kabanata: Ang Metodolohiya ng Islām.. 99

Una: Hinggil sa Kaalaman. 99

Ang kaalaman sa Islām ay nahahati sa mga bahagi alinsunod sa pagkaobligasyon nito: 100

Ikalawa: Hinggil sa Pinaniniwalaan. 101

Ikatlo: Hinggil sa Pagkakaugnay sa Pagitan ng mga Tao. 102

Ikaapat: Hinggil sa Pagmamasid at Tagapangaral Pampuso Para sa Taong Mananampalataya  104

Ikalima: Hinggil sa Pagpapanagutan at Pagtutulungang Panlipunan. 106

Ikaanim: Hinggil sa Pulitikang Panloob. 108

Ikapito: Hinggil sa Pulitikang Panlabas. 112

Ikawalo: Hinggil sa Kalayaan. 114

A. Ang Kalayaan sa Pinaniniwalaan. 114

Ang mga tagasira sa Islām ay marami, na ang pinakatanyag sa mga ito ay ang sumusunod: 116

B. Ang Kalayaan sa Opinyon. 120

C. Ang Kalayaan sa Personalidad. 120

D. Ang Kalayaan sa Kanlungan. 122

E. Ang Kalayaan sa Pagkita. 123

Ikasiyam: Hinggil sa Pamilya. 123

Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pag-aasawa. 124

Ikasampu: Hinggil sa Kalusugan. 130

Ikalabing-isa: Ang ekonomiya, ang pangangalakal, ang industriya, ang agrikultura, 131

Ikalabindalawa: Hinggil sa Paglilinaw sa mga Kaaway na Nakakubli at ang Paraan ng Pagwaksi sa Kanila. 131

Ikalabintatlo: Hinggil sa Matayog na Layon at Maligayang Buhay: 134

Ang Ikalimang Kabanata: Ang Pagbubunyag sa Ilan sa mga Kalabuan. 140

Una: Ang mga gumagawa ng masagwa sa Islām. Ang karamihan sa mga gumagawa ng masagwa sa Islām ay dalawang uri: 140

A. Ang mga nalilihis sa mga pinaniniwalaan nila gaya ng mga nagsasagawa ng ṭawāf sa mga libingan, 141

B. Ang mga nakakalas sa mga kaasalan nila at relihiyon nila, 141

C. Kabilang sa mga gumagawa ng masagwa sa Islām ay mga taong. 141

Ikalawa: Ang mga Pinagkukunan ng Islām.. 144

Ikatlo: Ang mga Madhhab na Pang-Islām.. 145

Ikaapat: Mga Pangkat na Labas sa Islām.. 146

1. Ang Pangkating Bāṭinīyah. 147

2. Kabilang sa mga pangkat na iyon ang. 148

3. Kabilang pa sa mga pangkat ng. 149

4. Kabilang pa sa mga pangkat na labas sa Islām – kahit pa nag-aangkin nito, 149

Ang Paanyaya Tungo sa Kaligtasan. 151




[1]Ang katagang Ta`ālā (napakataas Siya) ay isang salita ng pagdakila at pagbubunyi kay Allāh at paglalarawan sa Kanya ng kataasan at kawalang-kapintasan.

[2]Ang pag-uunti-unting ito sa paglikha ay dahil sa isang kasanhiang ninais ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at kung hindi, Siya naman ay nakakakaya sa paglikha ng mga nilikha sa kabuuan nila sa higit na mabilis kaysa sa kisap ng mata dahil Siya ay nagpabatid na Siya, kapag nagnais ng isang bagay, ay nagsasabi rito ng "mangyari" saka mangyayari ito.

[3] Ang "lumuklok (istawaā) siya sa anuman" sa wika ng mga Arabe, na siyang wika ng Qur'ān, ay nangangahulugang: "pumaibabaw siya roon at umangat." Ang pagluklok ni Allāh sa trono Niya ay ang pagpaibabaw Niya roon ayon sa pagpaibabaw na nababagay sa kapitaganan sa Kanya, na walang nakaaalam sa pamamaraan Niya kundi Siya. Ang kahulugan ng "lumuklok" (istiwaā') ay hindi "sumamsam" (istawlā) sa paghahari, gaya ng inaakala ng mga ligaw na nagkakaila sa reyalidad ng mga katangian ni Allāh na ipinanlarawan Niya sa sarili Niya at ipinanlarawan sa Kanya ng mga sugo Niya, habang mga nag-aakala na sila, kapag nagpatibay sa mga katangian ni Allāh ayon sa reyalidad ng mga ito, ay nagwangis kay Allāh sa nilikha Niya. Ito ay isang tiwaling akala dahil ang pagwawangis ay na sabihin hinggil dito [sa iwinawangis na] iyon ay kawangis ng ganito o katulad ng ganito sa mga katangian ng nilikha. Hinggil naman sa pagpapatibay ng mga ito sa paraang nababagay kay Allāh nang walang tashbīh (pagwawangis ng kahulugan), walang tamthīl (pagtutulad ng kahulugan), walang takyīf (paglalarawan ng kahulugan), ta`ṭīl (pag-aalis ng Kahulugan), at walang ta'wīl (pagbibigay-pakahulugan ng kahulugan), ito ay pamamaraan ng mga sugo na tinahak ng Maayos na Kanunuan, na siyang ang totoo na kinakailangan sa mananampalataya na kapitan kahit pa umiwan dito ang higit na marami sa mga tao.

[4] Ang "Kaluwalhatian sa Kanya" ay nangangahulugang nagpakabanal si Allāh at nagpakawalang-kinalaman Siya sa kakulangan at kapintasan.

[5] Ang tulad niya ay ang ateista.

[6] Ang Mu`tazilah ay isang pangkating ligaw na pumilipit sa mga pangalang pinakamagaganda ni Allāh at nagbigay-pakahulugan sa mga kahulugan ng mga ito nang salungat sa ninais tukuyin ni Allāh (napakataas Siya) at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

[7] Batay sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Bumababa ang Panginoon natin – napakamapagpala Siya at napakataas – bawat gabi sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling isang katlo ng gabi saka nagsasabi: "Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya, sino ang humihiling sa Akin para magbigay Ako sa kanya, at sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"} [Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (7494), Imām Muslim (758), at Imām Al-Tirmidhīy (3498).]

[8] Ang mga jinn ay nilikhang nakapag-uunawa na nilikha ni Allāh para sa pagsamba sa Kanya tulad ng mga anak ni Adan at naninirahan kasama ng mga anak ng tao sa lupa subalit ang mga anak ng tao ay hindi nakakikita sa kanila.

[9] Batay sa ḥadīth ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Moises (sumakanya ang pangangalaga) ay nagtanong sa Panginoon nito kung ano ang pinakamababa sa mga maninirahan sa Paraiso sa katayuan? Kaya nagsabi Siya: 'Isang lalaking pupunta, matapos na nakapasok ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Paraiso sapagkat sasabihin dito: Pumasok ka sa Paraiso. Kaya magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano samantalang nanuluyan na ang mga tao sa mga tahanan nila at nakakuha na sila ng mga nakuha nila?' Kaya sasabihin dito: 'Malulugod ka ba na maging ukol sa iyo ang tulad ng paghahari ng isang hari kabilang sa mga hari ng Mundo?' Kaya magsasabi ito: 'Nalugod po ako, Panginoon ko.' Kaya magsasabi Siya rito: 'Ukol sa iyo iyon at ang tulad niyon at ang tulad niyon.' Kaya magsasabi ito sa ikalimang [pagkakataon]: 'Nalugod po ako, Panginoon ko.' Kaya magsasabi Siya: 'Ito ay ukol sa iyo at ang sampung tulad nito at ukol sa iyo ang ninasa ng sarili mo at masasarapan ang mata mo.' Kaya magsasabi ito: 'Nalugod po ako, Panginoon ko.' Nagsabi ito: 'Panginoon ko, kaya [sino] ang pinakamataas sa kanila sa katayuan?' Magsasabi Siya: 'Yaong mga nagnais Ako na magtanim ng karangalan nila sa pamamagitan ng kamay Ko at nagpinid Ako rito kaya hindi nakita ng isang mata, hindi narinig ng isang tainga, at hindi sumagi sa isang puso ng isang tao.'"} Nagsalaysay nito si Imām Muslim (189).

[10] Tingnan ang mga nakagagalak na balita hinggil kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya na nasaad sa Bibliya sa aklat na Al-Jawāb Aṣ-Ṣaḥīḥ Liman Baddala Dīn Al-Masīḥ (Ang Tumpak na Sagot sa Sinumang Nagpalit sa Relihiyon ni Kristo), Tomo 1, ni Shaykh Al-Islām Aḥmad Ibnu Taymiyah. Tingnan ang aklat na Hidāyah Al-Ḥayārī (Kapatnubayan sa mga Lito) ni `Allāmah Muḥammad Ibnu Al-Qayyim. Tingnan ang aklat na As-Sīrah An-Nabawīyah (Ang Pampropetang Talambuhay) ni Ibnu Hishām. Tingnan ang Mu`jizāt An-Nubūwah (Mga Himala ng Pagkapropeta) sa Tārīkh Ibni Kathīﷺ‬ (Kasaysayan ni Ibnu Kathīﷺ‬) at iba pa.

[11] Ang tawag sa mga himala sa Qur'ān ay mga tanda (āyah), na siyang pinakatumpak. Ang pagbanggit ng pananalitang mga himala ay natatangi sa mga labas sa karaniwan.

[12] Ito ay ang butil na lumilitaw sa balat na gaya ng garbansos o maliit pa rito. Ang tatak na ito ay pabilog tulad ng gasuklay at ang sukat nito ay singlaki ng itlog ng kalapati.

[13] Nagtala nito sina Imām Muslim (8) at Imām Abū Dāwud (4695).

[14] Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng pagdarasal, pagbibigay ng zakāh, pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh], at pag-aayuno sa Ramaḍān." Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya (8, 4515) at sa At-Tārīkh Al-Kabīﷺ‬ (4/213), (8/319, 322); at Imām Muslim (16). Ang mga patunay mula sa Qur'ān ay darating sa pagbanggit ng mga haligi ayon sa pagdedetalye.

[15] Nagtala nito sina Imām Muslim (1978) at Imām An-Nasā’īy (4422).

[16] Ang pagpapatulong ay ang paghiling ng pag-alalay sa pangkalahatan. Ang pagpapasaklolo ay ang paghiling ng saklolo sa sandali ng kagipitan at kasawiangpalad. Ang pagpapakupkop ay ang paghiling ng pagkalinga at pagsanggalang sa sinumang nakapagtutulak ng kasamaan at kinasusuklaman.

[17] Nagtala nito sina Imām Aḥmad (5/317/22758) at Imām Aṭ-Ṭabrānīy (10/246). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy.

[18] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy (2516), Imām Aḥmad (2802), at Imām Aṭ-Ṭabrānīy (2820, 12989). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy. Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy na isang magandang tumpak na ḥadīth [ito].

[19] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud (3904), Imām At-Tirmidhīy (135), at Imām Ibnu Mājah (639). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb wa At-Tarhīb (3047).

[20] Ang pananalig ay ang pagtitiwala ng puso at ang pagsandal nito sa pinananaligan. Ang pag-aasam ay ang pagkahumaling ng puso sa isang pagtamo ng isang bagay na iniibig sa hinaharap.

[21] Ang mga katangkilik (walīy) ni Allāh ay ang mga naniniwala sa kaisahan ni Allāh, na mga tagatalima sa Kanya, na mga tagasunod sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Kabilang sa kanila ang nakikilala dahilan sa kaalaman niya at pakikibaka niya at kabilang sa kanila ang hindi nakikilala. Ang kilala sa kanila ay hindi nalulugod na pakabanalin ng mga tao. Ang mga katangkilik [ni Allāh] sa totoo ay hindi nag-aangkin na sila ay mga katangkilik; bagkus nagtuturing sila na sila ay mga nagkukulang. Wala silang damit na itinatangi o anyong itinatangi maliban sa pagsasahuwaran sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon. Ang bawat Muslim na naniniwala sa kaisahan ni Allāh, na tagasunod sa Sugo Niya .ay mayroong bahagi ng pagkatangkilik (wilāyah) kay Allāh ayon sa sukat ng kaayusan niya at pagtalima niya. Sa pamamagitan nito, lumilinaw na ang mga nag-aangkin na sila ay mga katangkilik para kay Allāh at nagdadamit ng damit na natatangi upang dakilain sila ng mga tao at pakabanalin sila ay lumilinaw na sila ay hindi mga katangkilik ni Allāh; bagkus sila ay mga palasinungaling.

[22] Alinsunod sa estatistikang ipinahayag sa panahon ng pag-akda ng aklat na ito noong taong 1395 H / 1975 CE.

[23] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud (3842) at Imām Ibnu Mājah (3226). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` (1082) at As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah (203).

[24] Ibig sabihin: ang hindi pagkokomentaryo – sa anumang nangyari sa pagitan ng mga Kasamahan [ng Propeta] na pagkakaibahan – sa pamamagitan ng isang pagtuligsa o isang pagdudusta.

[25]na nangyari sa pagitan nito at ng iba pa na anumang pagkakaibahan.

[26] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (2697) at Imām Muslim (1718). Ang pananalita ay batay kay Imām Al-Bukhārīy.

[27] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy (2621), Imām An-Nasā’īy (463), at Imām Aḥmad (5/346). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`.

[28] Dahil kung sakaling bumigkas siya ng Qur'ān sa hindi wikang Arabe, ito ay hindi na magiging Qur'ān sapagkat tunay na ang mga pananalita ng Qur'ān ay hindi naisasalin [nang lubusan] at naisasalin lamang ang mga kahulugan nito dahil kapag isinalin ang mga titik nito at ang mga salita nito, maglalaho ang retorika nito at ang paghihimala nito at maaalis ang ilan sa mga titik nito at ito ay hindi na naging Qur'ān na Arabe.

[29] Maliban kapag nagnais [ang nagdarasal] na tumawag-pansin sa isa o tumugon dito sapagkat tunay na siya ay magsasabi ng subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh). Magsasabi nito ang ma`mūm (pinamumunuan sa dasal) sa imām (namumuno sa dasal) kapag nagkamali ang imām sa gawain [sa dasal] o nakadagdag o nakakulang upang matawag-pansin. Magsasabi nito ang nagdarasal sa sinumang tumatawag sa kanya, halimbawa. Ang babae ay tatawag-pansin sa pamamagitan ng pagpalakpak at hindi siya magsasalita dahil ang tinig niya ay tukso.

[30] Ang niṣāb ay ang halaga na kapag inabot ng yaman ay kakailangin dito ang [magbigay ng] zakāh.

[31]Ang panakip-sala ng panunumpa ay makapipili sa pagitan ng pagpapalaya ng isang alipin o pagpapakain ng sampung dukha o pagpapadamit sa kanila ngunit kung hindi nakatagpo ay mag-ayuno nang tatlong araw.

[32] Hinggil sa pagsasagawa ng ḥajj ng mga mangmang sa mga libingan ng mga walīy (pinaniniwalaang tinangkilik ni Allāh) at mga mashhad (dambana), tunay na ito ay isang pagkaligaw at isang pagsalungat sa utos ni Allāh (napakataas Siya) at utos ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sinisiyahan ang mga sasakyang hayop malibang patungo sa tatlong masjid: ang Masjid na Pinakababanal, ang Masjid kong ito, at ang Masjid na Pinakamalayo." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy (1189) at Imām Muslim (1397) mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah.

[33] Ang tulad nito ay ang ḥadīth na: "Magpakalapit kayo sa pamamagitan ng reputasyon ko sapagkat tunay na ang reputasyon ko sa ganang kay Allāh ay malawak" at ang ḥadīth na: "Ang sinumang nagpaganda ng palagay sa isang bato ay magpapakinabang ito sa kanya." Tunay na ito ay lahat mga ḥadīth na ginawa-gawa, na walang katumpakang ukol sa mga ito at hindi natatagpuan sa anuman mula sa mga isinasaalang-alang na aklat ng ḥadīth. Natatagpuan lamang ang mga ito at ang mga kawangis ng mga ito sa mga aklat ng mga tagapagpaligaw na nag-aanyaya tungo sa shirk at mga bid`ah mula sa kung saan hindi sila nakararamdam.

[34] Nagtala nito sina Imām Aṭ-Ṭabrānīy sa Al-Alwsaṭ (4480) at Imām Al-Bayhaqīy sa Shi`b Al-Īmān (2/17372). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah (6/212).

[35] Ang talbiyah ay ang magsabi ng Labbayka ḥajjā (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng ḥajj) o Labbayka `umrah (Bilang pagtugon sa Iyo sa pagsasagawa ng `umrah). Nangangahulugan ito ng pagpapamalagi ng pagtugon kay Allāh.

[36] Ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] tamattu` (pagtatamasa) ay ang nagsasagawa ng `umrah sa panahon [ng mga buwan] ng ḥajj, pagkatapos kumakalas siya sa iḥrām nang lubusan, kaya "nagtatamasa" siya ng mga ipinagbabawal sa [sandali ng] iḥrām. Pagkatapos magsasagawa siya ng iḥrām sa ḥajj sa ikawalong araw [ng buwan ng Dhulḥijjah]. Ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] qirān ay ang nagsasagawa ng ḥajj at `umrah nang magkasama kaya nagsasagawa siya ng mga gawain ng ḥajj lamang subalit siya ay naglalayon ng pagpasok sa `umrah bilang sakop niyon. Ang tagapagsagawa ng [ḥajj na] ifrād ay ang naglalayon ng pagsasagawa ng ḥajj lamang, nang namumukod-tangi [na ḥajj ] nang walang `umrah.

[37] Ang handog (hady) ay mga hayupan na kamelyo o baka o tupa na inihahandog ng tagapagsagawa ng ḥajj, ikinakawanggawa niya, at kinakain niya.

[38] Ibig sabihin: ang pagdating sa Bahay na Pinakababanal, ang Kabanal-banalan [na Masjid] sa Makkah.

[39] Maliban sa dalawang panulukan [ng Ka`bah] sapagkat tunay na siya magsasabi ng nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya): "Rabbanā ātinā fi -d-dunya ḥasanatan wa fi -l-ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba n-nāﷺ‬ (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy)." (Qur'ān 2:201)

[40] Ito ay ang Tinayuan ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga).

[41] Ang mas`ā ay ang pinagsasagawaan ng sa`y: ang paglalakad at ang pagtakbo sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, na dalawang maliit na burol.

[42] Magsasagawa siya ng ṭawāf niya sa araw ng `īd o matapos nito. Hinggil sa pagsasagawa ng unang ṭawāf niya bago ng pagsasagawa ng ḥajj, na tinatawag na ṭawāf ng pagdating (qudūm), tunay na ito ay nāfilah (kanais-nais gawin ngunit hindi kailangan). Hinggil naman sa pagsasagawa ng sa`y, ito ay iisa para sa tagapagsagawa ng ifrād at tagapagsagawa ng qirān. Kung nagpauna siya nito kasama ng ṭawāf ng pagdating (qudūm), sasapat na ito kahit pa hindi siya nagsagawa ng isang sa`y kasama ng ṭawāf ng paglisan (ifāḍah) sa araw ng `īd o matapos nito.

[43] Ang araw ng pag-aalay ay ang araw ng `īd, ang ikasampung araw ng Dhulḥijjah. Tinawag ito ng gayon dahil ang mga tagapagsagawa ng ḥajj ay nag-aalay, ibig sabihin: nagkakatay, ng handog (hady) nila.

[44] Ang pagtikis ng demonyo ay nangangahulugang pang-aaba niya.

[45] Ibig sabihin: lugar ng pananatili niya.

[46] Ang mga anghel ay mga espiritung nilikha ni Allāh (napakataas Siya) mula sa liwanag. Sila ay marami, na walang nakabibilang sa kanila kundi si Allāh. Kabilang sa kanila ang mga nasa mga langit at kabilang sa kanila ang mga itinalaga sa mga anak ni Adan.

[47] Ibig sabihin: sumasampalataya ang Muslim na ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya ay totoo, na walang natira sa mga ito kundi ang Qur'ān. Hinggil naman sa Bibliya na nasa mga kamay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, ito ay mula sa pagkakatha nila batay sa patunay ng pagkakasalungatan nito at sa sabi nila rito na ang Diyos ay tatlong persona at si Jesus ay anak ng Diyos. Ang totoo ay na ang Diyos ay nag-iisa, at Siya ay si Allāh, at na si Jesus ay lingkod ni Allāh at Sugo Niya, gaya ng nasaad sa Qur'ān. Ang nabanggit sa Bibliya mula sa pananalita ng Diyos ay napawalang-bisa sa pamamagitan ng Qur'ān. Nakakita nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang papel mula sa Torah sa kamay ni `Umar kaya nagalit siya at nagsabi siya rito: "Sa akin ba ay may pagdududa, O anak ni Al-Khaṭṭāb? Sumpa man kay Allāh; kung sakaling ang kapatid kong si Moises ay buhay, wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa akin." Kaya itinapon ni `Umar ang papel at nagsabi: "Humingi ka ng tawad para sa akin, O Sugo ni Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad (3/387) ayon kay Jābir bin `Abdillāh. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Al-Irwā' (1589).

[48] Nagtala nito sina Imām Muslim (153) at Imām Aḥmad (2/317).

[49] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud (4607), Imām At-Tirmidhīy (2676) ng tulad nito, Imām Ibnu Mājah (43) at ang pananalita ay batay sa kanya, at Imām Aḥmad (17142) nang may magaang pagkakaiba. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Ibni Mājah.

[50] Nagtala nito si Imām Mālik (3338). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` (2937).

[51]Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah (224) at si Imām Aṭ-Ṭabrānīy (22) sa Aṣ-Ṣaghīﷺ‬. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` (3808) at (3809).

[52] Nagtala nito sina Imām At-Tirmidhīy (2322) at Imām Ibnu Mājah (4112). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` (1609).

[53] Nauna nang nabanggit ang pagdedetalye niyon sa naunang tatlong kabanata.

[54] Pati na sa sandali ng pagkakatay ng hayop na ipinahihintulot sapagkat nag-utos nga ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatalas ng kutsilyo at pagbibigay-ginhawa sa kinakatay. Ang pinaghihiwaan ng pagkakatay ay sa lalamunan para maputol ang esopago at ang dalawang ugat ng dugo hanggang sa lumabas ang dugo nito. Ang kamelyo ay kinakatay sa pamamagitan ng pagtusok sa lagukan nito sa ibaba ng leeg. Hinggil naman sa pagpatay ng hayop sa pamamagitan ng paggamit ng kuryente o pagpalo sa ulo nito at tulad nito, tunay na ito ay ipinagbabawal at hindi pinapayagan ang pagkain nito.

[55] Ito ay ang asong ligaw na nakasasakit sa mga tao. Sumasaklaw ito sa kalahatan ng mga ligaw na nakapananakit na mabangis na hayop.

[56] Ang tagapamahala o ang pangulo.

[57] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (13) at Imām Muslim (45). Ang pananalita ay batay kay Imām Muslim.

[58] Ang mga ito ay mga dakilang talumpating malawak, na nagkalat-kalat sa mga aklat ng pampropetang ḥadīth.

[59]Nagtala nito si Imām Aḥmad (22978). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥah.

[60]Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (105) at Imām Muslim (1679). Ang pananalita ay batay kay Imām Al-Bukhārīy.

[61] Utos sa kanya kung makakaya niya.

[62] Ang mga hangganan ay ang mga kaparusahang itinakda sa Batas ng Islām sa sinumang nakagawa ng mga krimeng itinakda.

[63] Ang pampalupaypay ay ang mga sangkap na nagbibigay-dahilan ng pananamlay at katamaran ng katawan, isip, at mga ugat.

[64] Nagsanggalang si Allāh (napakataas Siya) sa mga kaangkanan laban sa pagkapariwara ng mga ito at pagkahalu-halo ng mga ito gaya ng pag-uugnay ng tao [ng kaangkanan] sa hindi ama nito dahilan sa pangangalunya.

[65] Ito ay higit na marapat kaysa sa pagpaputol ng maysakit na bulok na bahagi ng katawan batay sa pagpili ng maysakit at mag-anak niya.

[66] Sa ilalim ng pamamahalang pang-Islām, nagbabayad ang mga Muslim ng zakāh at nagbabayad ang hindi mga Muslim ng jizyah, na isang halaga ng salapi na kinukuha mula sa mga lalaking nasa hustong gulang, hindi mula sa mga babae, mga bata, mga baliw, mga matanda, at mga maralita. Ang jizyah ay isang pinagaang halagang hindi lumampas sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa iisang dinar sa bawat taon. Ito ay isang labis na magaang halagang ibinabayad ng bawat mayaman isang ulit sa isang taon. Iyon ay kapalit ng pamumuhay ng hindi mga Muslim nang matiwasay sa ilalim ng pagsasanggalang ng estadong pang-Islām at [kapalit] ng pagsasagawa ng mga ito ng lahat ng mga aktibidad ng buhay at mga kinikitang pinapayagan sa Batas ng Islām. Nagtatamasa ang mga ito ng matiwasay na pamumuhay at lubusang pagsasanggalang ng mga Muslim sa mga ito, sa mga ari-arian ng mga ito, at sa mga dangal ng mga ito, karagdagan sa katiwasayan ng mga ito sa mga simbahan ng mga ito at relihiyon ng mga ito. Kapag nawalang-kakayahan ang mga Muslim sa pagganap sa mga karapatan ng mga ito at pagsasanggalang sa mga ito laban sa kaaway ng mga ito, isasauli sa mga ito ang kinuha nila na jizyah dahil sa pagkawala ng kundisyon [ng pagkakaroon] ng jizyah, ang pagsasanggalang. Kung sakaling lumahok ang hindi mga Muslim sa pagtatanggol sa bayan nila, mag-aalis sa mga ito ng jizyah ang mga Muslim at magsasagawa ang estado ng pag-alalay sa mga ito sa mga maralita ng mga ito at ng pagpapagamot sa mga ito gaya ng mga Muslim.

[67] Mangyayari ang ligalig sa pamamagitan ng pagkakait sa mga tao ng pag-abot ng Islām sa kanila at pagpigil sa kanila ng kalayaan sa pagyakap nito nang walang pamimilit sa kanila rito.

[68] Ang pagtalikod (riddah} ay ang pag-iwan sa Islām patungo sa kawalang-pananampalataya. Hindi naglalakas-loob doon ang sinumang pumili sa Islām dahil sa pagkahikayat at hindi nagbabaling sa kanya palayo roon ang alinmang relihiyon at kultura maging anuman ito dahil ito ay hindi aabot sa kalubusan at paghihimala ng Islām. Kabilang sa mga tagapagtulak ng pagtalikod ay ang pagpukaw ng sigalot sa lipunang Muslim, ang pagtulak dito sa kawalang-pananampalataya o ang paghahabol ng ninanasa o mga kapakanang materyalistiko at panlipunan. Ang pagtalikod sa Islām ayon sa paraang ito ay isang paglabas buhat sa pinakamalaki at pinakamahalaga sa mga tipang pampanginoon. Iyon ay kawangis ng kinikilala ng pinakamarami sa mga estado sa kasalukuyang panahon na kriminalisasyon ng pinakasukdulang kataksilan sa bayan at pagpapataw ng parusang kamatayan bilang kaparusahan doon. Alinsunod dito, ang tumalikod [sa Islām] ay umaabot sa isang kalagayan ng katiwalian na hindi minamarapat sa kanya ang iba pa sa pagpuksa mula sa lipunang Muslim sa pamamagitan ng pagpatay, gayon pa man ang pagpapasya sa kalagayan ng tumalikod at ang pagpapataw ng takdang parusa sa kanya sa Batas ng Islām ay nasa kamay ng tagapamahala alinsunod sa mga hakbang panghukom na eksakto, na nakakamit sa pamamagitan ng mga ito ang pag-iingat laban sa kawalang-katarungan sa pinararatangan at ang pangangalaga sa Relihiyon ng lipunang Muslim.

[69] Ang pangungutya kay Allāh o sa isa sa mga sugo Niya gaya nina Muḥammad o Moises o Jesus (sumakanila ang pangangalaga) sa anumang nalalaman na ito ay bahagi ng Relihiyong Islām.

[70] Ang mga imahen ng mga may kaluluwa, na iginuhit ng kamay o iniukit sa kahoy at iba pa o hinugisan sa putik at iba pa. Ang mga ito ay napaloloob sa mga teksto ng banta sa mga tagapagsaimahen.

[71] Ang Propeta ni Allāh na si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay hindi nagbawal ng poligamiya at ang pumigil lamang nito ay ang mga Kristiyano dala ng pagsunod sa mga pithaya nila.

[72] Ang mga babaing Muslim na maayos (na mga hindi nakapag-asawa o diniborsiyo), kapag nagpapasok sa kanila si Allāh sa Paraiso matapos ng pagbuhay at pagtutuos, ay papipiliin sa mga maninirahan sa Paraiso na mga lalaking Muslim para makapag-asawa sila ng kalulugdan nila. Ang maybahay na Muslim, kapag namatay siya at nakapag-asawa na siya ng higit sa isang ulit, ay pipili ng pinakainiibig sa kanya sa mga [naging] asawa niya sa Mundo kapag ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.

[73] Nagtala nito sina Imām Aḥmad (1/377, 413, 453), Imām Ibnu Mājah (2/340), Imām Ibnu Ḥibbān (1394), Imām Al-Ḥākim (4/196). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa As-Silsilah Aṣ-Ṣaḥīḥ (451).

[74] Nagtala nito si Imām Abū Dāwud (3874). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`(1762).

[75] Nag-uutos si Allāh sa mga lingkod Niya at sumasaway Siya sa kanila, samantalang Siya ay nakaaalam kung sino ang tatalima at kung sino ang susuway bago niyon, subalit [ginawa pa rin Niya] upang palitawin Niya ang kaalamang ito nang sa gayon gantihan ang tao dahil sa gawa niya para hindi magsabi ang tagagawa ng masagwa: "Lumabag sa akin sa katarungan ang Panginoon ko yayamang nagparusa Siya sa akin dahil sa isang pagkakasalang hindi ko naman ginawa." Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin [Niya].} (Qur'ān 41:46)

[76] Nagtala nito sina Imām Muslim (2999), Imām Aḥmad (4/322), at Imām Ad-Dārimīy (2777).

[77] Gaya ng Khawārij na mga pumapatay ng mga inosente sa ngalan ng Islām samantalang sila sa kadalasan ay bahagi ng panlalansi ng mga kaaway ng Islām.

[78] Nagsabi ang Pangwakas sa mga Isinugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang ipinanganak malibang ipinanganganak siya sa naturalesa ngunit ang mga magulang niya ay nagpapasahudyo sa kanya, nagpapasakristiyano sa kanya, at nagpapasamago sa kanya." [Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (1292) at Imām Muslim (2658). Ang pananalita ay batay kay Imām Muslim.] Sa ḥadīth na ito, nagpapabatid ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay ipinanganganak sa naturalesa ng Islām, na sumasampalataya rito dahil sa naturalesa niya. Kaya kung sakaling hinayaan siya na mamili, pipiliin niya ang Islām nang walang pag-aatubili. Nangyayari lamang ang pagyakap sa Hudaismo, Kristiyanismo, Magismo (Mazdaismo o Zoroasterismo), at iba pa sa mga ito na mga relihiyon at mga ideyolohiyang bulaan dahilan sa edukasyon sa mga ito.

[79] Ang Bāṭinīyah ay may maraming taguri. Nagkahati-hati sila sa ilang pangkat na lumaganap sa Indiya, Sirya, Iran, Iraq, at maraming bayan. Naglinaw sa mga ito nang may pagdedetalye ang isang bilang ng mga naunang pantas. Kabilang sa kanila si Ash-Shahrastānīy sa aklat na Al-Milal wa An-Niḥal (Ang mga Kapaniwalaan at ang mga Sekta). Naglinaw din sa mga ito ang isang bilang ng mga nahuling pantas at naglinaw sila ng mga bagong pangkat, na kabilang sa mga ito ang Qādyānismo, ang Bahā'ismo, at ang iba pa sa mga ito. Kabilang sa mga naglinaw na ito ng mga pangkat na iyon ay si Muḥammad Sa`īd Kaylānīy sa [aklat na] Dhayl Al-Milal wa An-Niḥal (Suplemento sa mga Kapaniwalaan at mga Sekta) at si Shaykh `Abdulqādir Shaybah Al-Ḥamad, Propesor sa Pamantasang Pang-Islām sa Madīnah Munawarrah, sa aklat na Al-Adyān wa Al-Firaq wa Al-Madhāhib Al-Mu`āṣirah (Ang mga Relihiyon, ang mga Sekta, at ang mga Kontemporaryong Ideyolohiya).

[80] Kabilang sa mga gawain nila na ipinambabaluktot nila sa imahen ng Islām ang pagsampal sa mga mukha nila at mga dibdib nila at ang paghagupit sa mga katawan nila ng mga kadena at mga kutsilyo.

[81] Sa Mundo sa pamamagitan ng kaaya-ayang buhay at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng Paraiso.