Sa panulat ng Kagalang-galang na Shaykh na Pantas
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn
Magpatawad nawa si Allāh sa kanya, sa mga magulang niya, at sa mga Muslim.
*
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagbabalik-loob tayo sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga kasagwaan ng mga gawain natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang tagapagpaligaw sa kanya at ang sinumang pinaligaw ay walang tagapagpatnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya at sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagpapatuloy, tunay na ang mga dugo na inilalabas ng babae, ang regla, ang istiḥāḍah (pagdurugo na hindi regla), at ang nifās (pagdurugo bago o matapos manganak), ay kabilang sa mga mahalagang bagay na nananawagan ang pangangailangan sa paglilinaw sa mga ito, pagkaalam sa mga patakaran sa mga ito, at pagbubukod ng mali sa tama mula sa mga pahayag ng mga may kaalaman hinggil sa mga ito. Ang pagsalig sa anumang minamagaling mula roon o minamahina ay ayon sa tanglaw ng nasaad sa Qur'ān at Sunnah:
1. dahil ang dalawang ito ay ang dalawang pangunahing pinagmumulan na pinagbabatayan ng mga patakaran ni Allāh, na nagpakamananamba sa pamamagitan ng mga ito ang mga lingkod Niya at nag-atang Siya sa kanila ng mga ito;
2. dahil sa pagsalig sa Qur'ān at Sunnah ay may kapanatagan ng puso, pagkaluwag ng dibdib, pagkakaaya-aya ng sarili, at kawalang-kaugnayan sa pagkasisi;
3. dahil ang iba pa sa dalawang ito ay pinangangatwiranan lamang at hindi ikinakatwiran.
Ito ay yayamang walang katwiran kundi sa Salita ni Allāh, salita ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at gayon din sa salita ng mga may kaalaman kabilang sa mga Kasamahan ayon sa matimbang na pahayag, sa kundisyon na ito ay hindi nasaad sa Qur'ān at Sunnah ang sumasalungat doon at na hindi kumontra doon ang pahayag ng isa pang Kasamahan; sapagkat kung nasaad sa Qur'ān at Sunnah ang sumasalungat doon, kinakailangan ang pagsunod sa nasaad sa Qur'ān at Sunnah. Kung kumontra doon ang pahayag ng isa pang Kasamahan, hihilingin ang pagtitimbang sa dalawang pahayag at susundin ang matimbang mula sa dalawang ito. Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿ فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ذَلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا٥٩﴾ سُورَةُ النِّسَاءِ
{Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan.} (Qur'ān 4:59)
Ito ay isang pinaigsing polyeto hinggil sa tinatawag ng pangangailangan na paglilinaw sa mga dugong ito at mga patakaran sa mga ito. Sumasaklaw ito sa mga sumusunod na kabanata:
Ang Unang Kabanata: Hinggil sa Kahulugan ng Regla at Kasanhian Nito
Ang Ikalawang Kabanata: Hinggil sa Panahon ng Regla at Yugto Nito
Ang Ikatlong Kabanata: Hinggil sa mga Pangyayaring Di-inaasahan sa Regla
Ang Ikaapat na Kabanata: Hinggil sa mga Patakaran sa Regla
Ang Ikalimang Kabanata: Hinggil sa Istiḥāḍah at mga Patakaran Dito
Ang Ikaanim na Kabanata: Hinggil sa Nifās at mga Patakaran Dito
Ang Ikapitong Kabanata: Hinggil sa Paggamit ng Pumipigil sa Regla o Nagdudulot Nito at ng Pumipigil sa Pagdadalang-tao o Nagpapalaglag Nito
*
Ang regla sa literal na kahulugan ay ang pagdaloy ng isang bagay at ang pag-agos nito.
Sa Batas [ng Islām, ito ay] isang pagdurugong nangyayari sa babae dahil sa hinihiling ng kalikasan nang walang [panlabas na] kadahilanan sa mga oras na nalalaman. Kaya ito ay isang pagdurugong likas na hindi mula sa isang karamdaman o isang sugat o isang pagkalaglag ng fetus o isang panganganak. Yayamang ito ay isang likas na pagdurugo, tunay na ito ay nagkakaiba-iba alinsunod sa kalagayan ng babae, kapaligiran niya, at klima. Dahil doon, nagkakaiba-iba hinggil dito ang mga babae sa isang nagkakalayuang hayagang pagkakaiba-iba.
Ang kasanhian dito ay na yayamang ang fetus sa tiyan ng ina nito ay hindi maaari na magkamit ng sustansiya sa pamamagitan ng nakakamit na sustansiya ng sinumang nasa labas ng tiyan at hindi maaari para sa [inang] pinakamaawaing nilikha sa kanya na magparating sa kanya ng anuman mula sa sustansiya, sa sandaling iyon naglagay si Allāh sa babae ng mga inilalabas na pandugo na nagkakamit ng sustansiya sa pamamagitan ng mga ito ang fetus sa tiyan ng ina nito nang walang pangangailangan sa isang pagkain o isang pagtunaw, na nanunuot sa katawan niya sa pamamagitan ng pusod kung saan pumapasok ang dugo sa mga ugat saka nagkakamit ng sustansiya ang fetus sa pamamagitan nito. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamahusay sa mga tagalikha!
Kaya ito ay ang kasanhian sa pagrereglang ito. Dahil doon, kapag nagdalang-tao ang babae, napuputol ang regla sa kanya kaya hindi siya nagreregla kundi nang madalang. Gayon din ang tagapagpasuso, kakaunti ang nagreregla kabilang sa kanila, lalo na sa simula ng panahon ng pagpapasuso.
*
Ang pag-uusap sa kabanatang ito ay nasa dalawang tema:
Ang unang tema ay hinggil sa edad na dumarating ang pagreregla.
Ang ikalawang tema ay hinggil sa yugto ng pagreregla.
Hinggil sa unang tema, ang edad na nananaig dito ang pagkakaroon ng regla ay nasa pagitan ng 12 taon hanggang 50 taon. Marahil nagreregla ang babae bago niyon o matapos niyon, depende sa kalagayan niya, kapaligiran niya, at klima.
Nagkaiba-iba nga ang mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) kung ang edad ba na lumilitaw dito ang pagreregla ay may isang takdang limit kung kailan hindi nagreregla ang babae bago nito ni matapos nito at na ang dumarating sa kanya bago nito o matapos nito ay isang dugo ng kasiraan hindi regla.
Nagkaiba-iba nga ang mga maalam hinggil doon. Nagsabi si Ad-Dārimīy – matapos na binanggit niya ang mga pagkakaiba-iba: "Lahat ng ito sa ganang ay akin ay mali dahil ang sanggunian sa lahat ng iyon ay sa kairalan sapagkat ang alinmang lagay na umiral sa alinmang kalagayan at edad ay kinakailangan ang magturing dito bilang regla." Si Allāh ay Pinakamaalam.
Ang sinabing ito ni Ad-Dārimīy ay ang tama. Ito ay ang pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah. Kaya kapag nakakita ang babae ng regla, siya ay nagreregla kahit pa siya ay mababa sa siyam na taong gulang o higit sa limampu. Iyon ay dahil sa ang mga patakaran sa regla ay iniugnay ni Allāh at ng Sugo Niya sa kairalan niyon. Hindi naglimita si Allāh at ang Sugo Niya para roon ng isang takdang edad. Kaya kinailangan ang pagsangguni kaugnay rito sa pagkakaroon na pinag-uugnayan ng mga patakaran. Ang paglilimita rito sa isang takdang edad ay nangangailangan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, at walang patunay roon.
Hinggil naman sa Ikalawang Tema, ito ay ang yugto ng pagreregla, na nangangahulugang ang kantidad ng panahon.
Nagkaiba-iba nga ang mga maalam sa isang malaking pagkakaiba-iba ayon sa anim o pitong pahayag. Nagsabi si Ibnu Al-Mundhir (kaawaan siya ni Allāh): "May nagsabing isang pangkatin na ang pinakakaunting pagreregla at ang pinakamaraming pagreregla ay walang limit sa [bilang ng] mga araw."
Nagsabi ako: "Ang pahayag na ito ay gaya ng naunang pahayag ni Ad-Dārimīy. Ito ay ang pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah. Ito ang tama dahil ito ay pinatutunayan ng Qur'ān, Sunnah, at pagsasaalang-alang."
Ang Unang Patunay: Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّى يَطْهُرْنَ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ٢٢٢﴾سُورَةُ البَقَرَةِ
{Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa nirereglahan. Sabihin mo: "Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa nirereglahan at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa dumalisay sila,...} (Qur'ān 2:222) Ginawa ni Allāh bilang kawakasan ng pagbabawal [sa pakikipagtalik] ang paghinto ng regla at hindi Niya ginawa bilang kawakasan niyon ang paglipas ng isang araw ni ng isang gabi ni ng tatlong araw ni ng labinlimang araw. Kaya nagpatunay ito na ang kasanhian ng patakaran ay ang pagreregla: sa pagkakaroon nito at sa pagkawala nito. Kaya kapag umiiral ang regla, napagtitibay ang patakaran; at kapag nahinto ang babae rito, naglalaho ang [bisa ng] mga patakaran nito. Ang Ikalawang Patunay: Ang napagtibay sa Ṣaḥīḥ Muslim na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay `Ā'ishah noong nagregla ito habang ito ay nakapagsagawa ng iḥrām ng `umrah: "Gumawa ka ng ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj maliban na hindi ka magsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa mahinto ka sa regla." Nagsabi ito: "Noong Araw ng Pag-aalay, nahinto ako sa regla."
Nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay `Ā'ishah: "Maghintay ka; saka kapag nahinto ka sa regla, humayo ka sa Tan`īm." Ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang kawakasan ng pagbabawal ang paghinto ng regla at hindi niya ginawa bilang kawakasan [ng pagbabawal] ang isang takdang panahon. Kaya nagpatunay ito na ang patakaran ay nakaugnay sa pagkakaroon at pagkawala ng regla.
Ang Ikatlong Patunay: Ang mga pagtataya at ang mga pagdedetalye na ito na binanggit ng sinumang bumanggit ng mga ito kabilang sa mga faqīh (dalubhasa sa pag-unawa ng Batas ng Islām) kaugnay sa usaping ito ay hindi natatagpuan sa Aklat ni Allāh ni sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabila ng lahat na ang pangangailangan (need), bagkus ang pinangangailangan (necessity), ay nananawagan ng paglilinaw sa mga ito. Kaya kung sakaling ang mga ito ay naging kabilang sa kinakailangan sa mga tao ang pag-intindi nito at ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan nito, talagang naglinaw sana si Allāh at ang Sugo Niya nito sa isang paglilinaw na hayag sa bawat isa. Ito ay dahil sa kahalagahan ng mga patakarang inireresulta sa pagrereglang iyon gaya ng pagdarasal, pag-aayuno, pagpapakasal, pagdiborsiyo, pagmamana, at iba pa sa mga ito na mga patakaran. Gaya ng nalalaman, naglinaw si Allāh at ang Sugo Niya ng bilang ng mga ṣalāh, mga oras ng mga ito, pagyukod sa mga ito, at pagpapatirapa sa mga ito; ng zakah: ng mga uri nito, mga niṣāb nito, kantidad nito, at pinag-uukulan nito; at ng pag-aayuno: ng yugto nito at panahon nito; ng ḥajj; at iba pa roon; pati na ng mga etiketa sa pagkain, pag-inom, pagtulog, pakikipagtalik, pag-upo, at pagpasok sa bahay at paglabas mula roon at ng mga etiketa sa pagtugon sa tawag ng kalikasan pati na sa bilang ng mga pagpahid ng pag-ewang at iba pa roon kabilang sa kaliit-liitan ng mga bagay-bagay at kalaki-lakihan ng mga ito, kabilang sa ipinangkumpleto ni Allāh sa Relihiyon at ipinanlubos Niya sa biyaya sa mga mananampalataya, gaya ng sinabi Niya:
﴿ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِكُلِّ شَيْءٍ ﴾سُورَةُ النَّحۡلِ
{Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay,} (Qur'ān 16:89) at ng sinabi pa Niya:
﴿ مَا كَانَ حَدِيثًا يُفْتَرَى وَلَكِنْ تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ كُلِّ شَيْءٍ ﴾سُورَةُ يُوسُفَ
{Hindi ito naging isang sanaysay na magagawa-gawa, bagkus pagpapatotoo sa nauna rito, isang pagdedetalye sa bawat bagay, isang patnubay,} (Qur'ān 12:111) Kaya yayamang hindi natagpuan ang mga pagtataya at ang mga pagdedetalyeng ito sa Aklat ni Allāh ni sa Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), luminaw na walang pinanghahawakan sa mga ito at ang pinanghahawakan lamang ay sa katawagan sa regla na iniugnay rito ang mga patakarang pambatas sa pagkairal o sa pagkawala. Ang patunay na ito – ninanais kong sabihin na ang kawalan ng pagkabanggit ng patakaran sa Qur'ān at Sunnah ay isang patunay sa kawalan ng pagsasaalang-alang niyon – ay magpapakinabang sa iyo sa usaping ito at sa iba pa rito na mga usapin ng kaalaman dahil ang mga patakarang pambatas ay hindi napagtitibay kundi sa pamamagitan ng isang patunay mula sa Batas mula sa Aklat ni Allāh o Sunnah ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o isang nalalamang ijmā` (pagkakaisa ng hatol) o isang tumpak na qiyās (analohiya). Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah kaugnay sa isang panuntunan niya: "Kabilang doon ang pangngalang regla, na nag-ugnay si Allāh dito ng sarisaring patakaran sa Qur'ān at Sunnah. Hindi Siya nagtakda ng higit na kaunti rito ni higit na marami rito ni ng [tagal ng] paghinto ng regla sa pagitan ng dalawang pagreregla, sa kabila ng pagkapangkalahatan ng sigalot sa Kalipunan dahil doon at ng pangangailangan nila roon. Ang wikang [Arabe] ay hindi nagtatangi sa pagitan ng isang takda at isa pang takda. Kaya ang sinumang nagtakda kaugnay roon ng isang hangganan, sumalungat nga siya sa Qur'ān at Sunnah." Natapos ang pananalita niya. Ang Ikaapat na Patunay: Ang pagsasaalang-alang, na nangangahulugang ang tumpak na regular qiyās (analohiya). Iyon ay dahil si Allāh ay nagsakadahilanan sa regla sa pagiging ito ay isang pinsala; kaya kapag umiral ang regla, ang pinsala ay umiiral, na walang pagkakaiba sa pagitan ng ikalawang araw at ng unang araw ni sa ikaapat at ikatlo at walang pagkakaiba sa pagitan ng ika-16 araw at ika-15 araw ni ng ika-18 araw at ika-17 araw sapagkat ang regla ay ang regla at ang pinsala ay ang pinsala. Ang kadahilanan ay umiiral sa dalawang araw nang magkatulad kaya papaanong natutumpak ang pagpapaiba sa kahatulan sa pagitan ng dalawang araw sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa kadahilanan? Hindi ba ito kasalungatan ng tumpak na analohiya? Hindi ba ang tumpak na analohiya ay nagpapantay sa dalawang araw sa kahatulan dahil sa pagkakapantayan ng dalawa sa kadahilanan?
Ang Ikalimang Patunay: Ang pagkakaiba-iba ng mga pahayag ng mga naglilimita at ang kalituhan ng mga ito, tunay na iyon ay nagpapatunay na sa usapin ay walang patunay na kinakailangan ang humantong doon. Ang mga ito ay tanging mga kahatulang nahihinuha na napasasailalim sa tama at mali, na wala sa dalawang ito ang higit na marapat na sundin kaysa sa isa pa. Ang sanggunian sa sandali ng hidwaan ay sa Qur'ān at Sunnah.
Kapag luminaw ang lakas ng pahayag na walang limit sa pinakakaunting araw ng regla ni pinakamarami nito at na ito ang matimbang na pahayag, alamin mo na ang bawat nakita ng babae na likas na dugo na walang kadahilanang mula sa sugat o tulad nito, ito ay pagdurugo ng regla nang walang pagtataya ng isang panahon o isang edad, maliban na [ang pagdurugong] ito ay maging tuluy-tuloy na hindi natitigil magpakailanman o natitigil sa isang maikling yugto gaya ng isang araw o dalawang araw sa isang buwan sapagkat ito ay istiḥāḍah na. Darating, kung niloob ni Allāh, ang paglilinaw sa istiḥāḍah at mga patakaran nito. Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah: "Ang pangunahing panuntunan sa bawat [dugong] lumalabas mula sa matris ay na ito ay regla hanggang sa may mailatag na isang patunay na ito ay istiḥāḍah." Nagsabi rin siya: "Kaya ang anumang lumabas na dugo, iyon ay regla kapag hindi nalaman na iyon ay dugo ng ugat o sugat." Ang pahayag na ito, bukod sa ito ay ang matimbang sa punto ng patunay, ito rin ay pinakamalapit sa pagkaintindi at pagkatalos at pinakamadali sa pagsasagawa at pagpapatupad kaysa sa binanggit ng mga naglilimita. Ang anumang gayon ay higit na marapat tanggapin dahil sa pakikipagsang-ayunan nito sa espiritu ng Relihiyong Islām at tuntunin nito, ang kadalian at ang kagaanan. Nagsabi si Allāh:
﴿ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ﴾سُورَةُ الحَجِّ
{hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa,} (Qur'ān 22:78) Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang Relihiyon ay kadalian. Walang magpapakatindi sa relihiyon na isa man malibang mananaig ito sa kanya, kaya magpakatama kayo, makilapit kayo, at tumanggap kayo ng nakagagalak na balita." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Kabilang noon sa mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Na kapag pinipili siya sa pagitan ng `dalawang bagay, pinipili niya ang pinakamadali sa dalawa hanggang hindi ito naging isang kasalanan."
Ang Regla ng Nagdadalang-tao:
Ang lubhang nakararami ay na ang babae, kapag nagdalang-tao, ay napuputol ang pagdurugo sa kanya. Nagsabi si Imām Aḥmad (kaawaan siya ni Allāh): "Nakaaalam lamang ang mga babae ng pagdadalang-tao dahil sa pagkaputol ng pagdurugo." Kaya kapag nakakita ang nagdadalang-tao ng pagdurugo, kung ito ay sa kaunting panahon na gaya ng dalawa o tatlong araw bago magsilang at mayroon itong kasamang pananakit ng tiyan, ito ay nifās; kung ito naman ay sa maraming panahon bago magsilang subalit wala itong kasamang pananakit ng tiyan, hindi ito nifās. Subalit ito kaya ay isang regla na napagtitibay para rito ang mga patakaran sa regla o ito ay isang sirang dugo na hindi isinasapatakaran para rito ang mga patakaran sa regla?
Kaugnay rito ay may pagkakaibahan sa pagitan ng mga may kaalaman. Ang tama ay na ito ay regla kung ito ay nasa anyong nakahiratian sa pagreregla ng babae dahil ang pangunahing panuntunan sa inilalabas ng babae na dugo ay na ito ay regla kapag hindi ito nagkaroon ng isang kadahilanan na pumipigil dito sa pagiging ito ay isang regla. Sa Qur'ān at Sunnah ay walang anumang pumipigil sa [pagkakaroon ng] regla ng nagdadalang-tao.
Ito ay ang madhhab (doktrina) nina Imām Mālik at Imām Ash-Shāfi`īy at ang pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah, na nagsabi sa [aklat na] Al-Ikhtiyārāt, pahina 30: "Nagsanaysay nito si Al-Bayhaqīy sa isang salaysay ayon kay [Imām] Aḥmad; bagkus nagsanaysay ito na siya ay sumangguni roon."
Ayon dito, napagtitibay para sa regla ng nagdadalang-tao ang napagtitibay para sa regla ng hindi nagdadalang-tao maliban sa dalawang usapin:
Ang Unang Usapin: Ang Diborsiyo. Ipinagbabawal ang pagdiborsiyo ng isang naoobliga ng `iddah sa sandali ng regla sa hindi nagdadalang-tao ngunit hindi ito ipinagbabawal sa nagdadalang-tao dahil ang diborsiyo sa sandali ng regla sa hindi nagdadalang-tao ay sumasalungat sa sabi ni Allāh:
﴿ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحْصُوا الْعِدَّةَ ﴾سُورَةُ الطَّلَاقِ
{magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila} (Qur'ān 65:1) Hinggil naman sa pagdidiborsiyo ng nagdadalang-tao sa sandali ng pagreregla, hindi sumasalungat doon dahil ang nagdiborsiyo ng nagdadalang-tao ay nagdiborsiyo nga rito sa `iddah nito maging ito man ay may regla o walang regla dahil ang `iddah ay sa pamamagitan ng pagdadalang-tao. Dahil doon, hindi ipinagbabawal sa lalaki ang magdiborsiyo sa babae matapos makipagtalik dito, na salungat sa iba pa rito. Ang Ikalawang Usapin: Na ang pagreregla ng nagdadalang-tao ay hindi nagwawakas sa pamamagitan nito ang `iddah, na salungat sa regla ng iba pa rito dahil ang `iddah ng nagdadalangtao ay hindi nagwawakas kundi sa pamamagitan ng pagsisilang ng dinadalang-tao, maging ito man ay nagreregla o hindi. Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿و وَأُولَاتُ الْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ﴾[الطلاق: 4]
{Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila.} (Qur'ān 65:4)
*
Ang mga abnormalidad sa regla ay ilang uri:
Ang Unang Uri: Pagkalabis o pagkakulang, na tulad ng kung ang nakagawian ng babae ay 6 araw saka nagpatuloy sa kanya ang [paglabas ng] dugo hanggang sa 7 araw, o ang nakagawian niya ay 7 araw saka huminto ito sa ika 6 araw.
Ang Ikalawang Uri: Pagkauna o pagkahuli, na tulad ng kung ang nakagawian niya ay sa wakas ng buwan saka nakakikita siya ng regla sa simula niyon o ang nakagawian niya ay sa simula ng buwan saka nakakikita siya nito sa wakas niyon.
Nagkaiba-iba ang mga may kaalaman sa hatol sa `dalawang uring ito. Ang tama ay kapag nakakita ang babae ng pagdurugo, siya ay may regla; at kapag nahinto siya sa pagdurugo, siya ay walang regla, lumabis man siya sa nakagawian niya o nagkulang o nauna man siya o nahuli. Nauna na ang pagkabanggit ng patunay roon sa kabanata bago nito kung saan nag-ugnay ang Tagapagbatas ng mga patakaran sa regla sa pamamagitan ng pagkakaroon nito. Ito ay ang madhhab (doktrina) ni Imām Ash-Shāfi`īy at ang pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah. Nagpalakas dito ang may-akda ng Al-Mughnī, kumatig dito, at nagsabi: "Kung sakaling ang nakagawian ay maisasaalang-alang ayon sa paraang nabanggit sa madhhab, talaga sanang naglinaw nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at talaga sanang hindi niya nagawang magpahuli ng paglilinaw nito yayamang hindi pinapayagan ang pagpapahuli sa oras ng paglilinaw samantalang ang mga maybahay niya at ang mga iba pa sa kanila kabilang sa mga babae ay nangangailangan ng paglilinaw niyon sa bawat sandali kaya hindi naging ukol na malingat siya sa paglilinaw nito yayamang hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng paglilinaw sa oras nito samantalang ang mga maybahay niya at ang mga iba pa sa kanila na mga babae ay nangangailangan ng paglilinaw niyon sa bawat sandali kaya hindi naging ukol na malingat siya sa paglilinaw niyon. Walang iba ang nasaad buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagbanggit ng nakagawian at hindi paglilinaw nito kundi kaugnay sa panig ng may istiḥāḍah hindi sa iba pa. Ang Ikatlong Uri: Kadilawan o kakayumanggian, kung saan nakakikita siya sa dugo bilang kulay dilaw gaya ng nana ng sugat o kulay kayumangging nasa pagitan ng kadilawan at kaitiman. Kung ito ay nasa loob ng pagreregla o karugtong ng regla bago ng pagtigil ng regla, ito ay regla na napagtitibay para rito ang mga patakaran sa regla. Kapag naman ito ay matapos ng paghinto ng regla, ito ay hindi regla batay sa sabi ni Umm `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya): "Kami noon ay hindi bumibilang sa kadilawan at kakayumanggian bilang anuman [na regla] matapos ng paghinto ng regla." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud nang may tumpak na kawing ng pagpapaabot. Nagsalaysay nito rin si Imām Al-Bukhārīy nang walang sabi niyong: "matapos ng paghinto ng regla" subalit siya ay naglahad nito sa sabi niyang [napaloob ito sa]: "Kabanata ng Kadilawan at Kakayumanggian sa iba pa sa mga Araw ng Regla." Sinabi sa Sharḥ na Fatḥ Al-Bārī: Tumutukoy ito roon ng pagtutugma sa pagitan ng naunang ḥadīth ni `Ā'ishah sa sabi nitong: "...hanggang sa makakita kayo ng puting malauhog" at ng ḥadīth ni Umm `Aṭīyah na nabanggit sa paksa, na iyon – ibig sabihin: ang ḥadīth ni `Ā'ishah – ay maipakakahulugang kapag nakakita siya ng kadilawan at kakayumanggian sa mga araw ng regla; samantalang hinggil naman sa iba pa rito, ayon naman iyon sa sinabi ni Umm `Aṭīyah. Ang ḥadīth ni `Ā'ishah na tinukoy ay ang pinagkomentaryuhan ni Imām Al-Bukhārīy nang tiyakan bago ng paksang ito: na ang mga babae noon ay nagpapadala sa kanya ng mga maliit na kahon na may bulak na may paninilaw mula sa regla kaya nagsasabi siya: "Huwag kayong magmadali hanggang sa makakita kayo ng puting malauhog." Ang puting malauhog ay puting likido na inilalabas ng matris sa pagkatapos ng pagreregla.
Ang Ikaapat na Uri: Paghintu-hinto sa regla kung kailan nakakikita siya sa isang araw ng dugo at sa isa pang araw ng kawalang-dugo at tulad niyon. Ang ganito ay dalawang kalagayan:
Ang Unang Kalagayan: Na ito ay nasa babae palagi sa bawat sandali niya. Ito ay dugo ng istiḥāḍah, na sumasaklaw sa sinumang nakakikita nito ang patakaran sa babaing may istiḥāḍah.
Ang Ikalawang Kalagayan: Na ito ay hindi nagpapatuloy sa babae; bagkus dumarating ito sa kanya sa ilang panahon at mayroon siyang oras ng tumpak na kawalan ng regla. Nagkaiba-iba nga ang mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) kaugnay sa kawalang-dugo na ito. Ito ba ay kawalang-regla o mauukol dito ang mga patakaran sa regla?
Ang madhhab ni Imām Ash-Shāfi`īy kaugnay sa pinatumpak sa dalawang pahayag ay nagsasabing mauukol dito ang mga patakaran sa regla kaya ito ay regla. Ito ay ang pinili ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah, ng tagapag-akda ng Al-Fā'iq, at ng madhhab ni Abū Ḥanīfah. Iyon ay dahil ang puting malauhog ay hindi nakikita rito at dahil kung sakaling itinuring ito bilang kawalang-regla, talaga sanang ang bago nito ay regla at ang matapos nito ay regla. Walang nagpapahayag ng ganito at kung hindi naman ay talaga sanang nagwakas ang `iddah sa limang araw ng kawalang-regla. Iyon ay dahil kung sakaling itinuring ito bilang kawalang-regla, talaga sanang may mangyayari dahil dito na kawalang-ginhawa at hirap dahil sa pagpaligo at iba sa bawat dalawang araw. Ang kawalang-ginhawa ay tinatanggihan sa Batas na ito ng Islām. Ukol kay Allāh ang papuri.
Ang tumanyag sa madhhab ng Ḥanābilah ay na ang pagdurugo ay regla at ang kawalang-pagdurugo ay kawalang-regla maliban na lumampas ang kabuuan ng mga araw ng regla at kawalang-regla sa pinakamaraming araw ng pagreregla sapagkat ang pagdurugong lumalampas ay istiḥāḍah.
Sinabi sa Al-Mughnī: "Lumilitaw na ang pagkatigil ng pagdurugo, kapag kumulang sa isang araw, ay hindi kawalang-regla batay sa salaysay na isinaysay natin kaugnay sa nifās: na siya ay hindi papansin sa [pagdurugong] mababa sa isang araw. Ito ang tumpak – kung loloobin ni Allāh – dahil ang dugo ay dumadaloy minsan at nahihinto minsan. Sa pag-oobliga ng ghusl sa sinumang hinihintu-hintuan ng regla sa isang oras matapos ng isa pang oras ay may kawalang-ginhawang tinatanggihan. Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ﴾[الحج: 78]
{hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa,} (Qur'ān 22:78) Nagsabi pa ang tagapag-akda: "Kaya batay rito, ang pagtigil ng pagdurugo ay hindi mababa sa isang araw para maging kawalang-regla maliban na makakita siya ng nagpapatunay nito tulad ng kung ang pagtigil nito ay sa katapusan ng nakahiratian niya o nakakita siya ng puting malauhog."
Kaya ang sabi ng tagapag-akda ng Al-Mughnīy: "Ito ay kalagitnaan sa pagitan ng dalawang pahayag. Si Allāh ay higit na maalam sa tama.
Ang Ikalimang Uri: Panunuyo sa dugo kung saan nakakikita ang babae ng simpleng pamamasa (wetness). Kung ito ay nasa loob ng pagreregla o karugtong ng regla bago ng paghinto ng regla, ito ay regla. Kung ito ay matapos ng paghinto ng regla, ito ay hindi regla dahil ang katapusan ng kalagayan nito ay sundan ng kadilawan at kakayumanggian. Ito ang hatol doon.
*
Ang regla ay may maraming patakaran na lumalabis sa dalawampu. Babanggit tayo ng itinuturing natin na marami sa pangangailangan. Kabilang doon:
Ang Unang Patakaran: Ang Ṣalāh. Ipinagbabawal sa may regla ang pagsasagawa ng ṣalāh: ang tungkulin dito at ang kusang-loob dito. Hindi natutumpak ang pagsasagawa nito mula sa kanya. Gayon din, hindi kinakailangan sa kanya ang ṣalāh na makaabot siya mula rito ng singhaba ng isang buong rak`ah sapagkat kakailanganin sa kanya ang pagsasagawa ng ṣalāh sa sandaling iyon, naabutan man niya iyon mula sa simula ng oras o mula sa katapusan ng oras ng ṣalāh.
Ang halimbawa niyon mula sa simula nito: May isang babae na nagregla matapos ng paglubog ng araw nang singhaba ng isang rak`ah kaya kinakailangan sa kanya, kapag nahinto na siya sa regla, ang pagbabayad para sa ṣalāh na maghrib dahil siya ay nakaabot mula sa oras nito ng singhaba ng isang rak`ah bago siya magregla.
Ang halimbawa niyon mula sa katapusan nito: May isang babae na nahinto sa regla bago ng pagsikat ng araw nang singhaba ng isang rak`ah kaya kinakailangan sa kanya, kapag nakapagsagawa na siya ng ṭahārah, ang pagbabayad para sa ṣalāh na fajr dahil siya ay nakaabot mula sa oras nito ng isang yugtong nakasasapat para sa isang rak`ah.
Kapag naman nakaabot ang may regla mula sa oras[ng ṣalāh] nang isang yugtong hindi nakasasapat para sa isang buong rak`ah, tulad ng pagreregla niya sa unang halimbawa matapos ng paglubog [ng araw] nang isang saglit o paghinto niya sa regla sa ikalawang halimbawa bago ng pagsikat ng araw nang isang saglit, tunay na ang ṣalāh ay hindi kinakailangan sa kanya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh ay nakaabot nga sa ṣalāh." Napagkasunduan sa katumpakan. Tunay na ang pagkakaintindi rito ay na ang sinumang nakaabot sa higit na maiksi kaysa sa isang rak`ah ay hindi naging nakaabot sa ṣalāh.
Kapag nakaabot siya ng [singhaba ng] isang rak`ah mula sa ṣalāh na `aṣﷺ, kinakailangan ba sa kanya ang magsagawa ng ṣalāh na ḍ̆uhr kasama ng `aṣﷺ? O kapag nakaabot siya ng [singhaba ng] isang rak`ah mula sa huling ṣalāh na `ishā', kinakailangan ba sa kanya ang magsagawa ng ṣalāh na maghrib kasama ng `ishā'?
HInggil dito ay may pagkakaibahan sa pagitan ng mga maalam. Ang tama ay na ito ay hindi kinakailangan sa kanya maliban sa [ṣalāh na] naabutan niya ang oras nito: ang ṣalāh na `aṣﷺ at ang huling ṣalāh na `ishā' lamang, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa `aṣﷺ bago lumubog ang araw ay nakaabot nga sa `aṣﷺ." Napagkasunduan sa katumpakan. Hindi nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ay nakaabot nga ḍ̆uhr at `aṣﷺ." Hindi siya bumanggit ng pagkakinakailangan ng ḍ̆uhr dito. Ang pangunahing panuntunan ay pag-iwas sa pagkasisi. Ito ay doktrina nina Imām Abū Ḥanīfah at Imām Mālik, na naisanaysay naman ayon sa kanilang dalawa sa Sharḥ Al-Muhadhdhab. Hinggil naman sa pagsambit ng dhikr, takbīﷺ, tasbīḥ, at tasmiyah sa pagkain at iba pa rito, at pagbabasa ng ḥadīth at fiqh, pagdalangin, pagsambit ng āmīn, at pakikinig sa Qur'ān, hindi nagbabawal sa may regla ng anuman mula roon. Napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ at iba pa sa dalawang ito: "Na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumasandal noon sa kanlungan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), habang ito ay may regla, saka bumibigkas siya ng Qur'ān." Nasaad sa Dalawang Ṣaḥīḥ din na si Umm `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabing: "...lumabas ang mga dalagita, ang mga babaing may tabing, at ang mga may regla – tumutukoy siya sa pagdalo sa ṣalāh sa dalawang `īd – at dumalo sila sa kabutihan at paanyaya sa mga mananampalataya ngunit lalayo ang mga may regla sa dasalan." Hinggil naman sa pagbabasa ng may regla mismo ng Qur'ān, kung ito ay sa pagtingin ng mata o pagninilay-nilay ng isip nang walang pagbigkas ng dila, walang masama roon, tulad ng paglalagay [sa harapan] ng muṣḥaf o pisara saka titingin siya sa mga talata at magbabasa ng mga ito sa isip niya. Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa Sharḥ Al-Muhadhdhab: "Pinapayagan nang walang salungatan." Kung ang pagbabasa niya naman ay may pagbigkas ng dila, ang nakararami sa mga maalam ay naniniwala na ito ay ipinagbabawal at hindi pinapayagan. Nagsabi sina Imām Al-Bukhārīy, Imām Ibnu Jarīﷺ Aṭ-Ṭabarīy, at Imām Ibnu Al-Mundhir na ito ay pinapayagan. Naisanaysay ito ayon kay Imām Mālik at Imām Ash-Shāfi`īy sa matandang pahayag, na naisanaysay naman ayon sa kanilang dalawa sa Fatḥ Al-Bāri. Bumanggit si Imām Al-Bukhārīy ng isang komentaryo ayon kay Ibrāhīm An-Nakh`īy na walang masama na magbasa ito ng talata ng Qur'ān. Nagsabi naman si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah sa Al-Fatāwā na Koleksiyon ni Ibnu Qāsim: "Sa pagbabawal sa babae ng [pagbasa ng] Qur'ān ay walang sunnah sa orihinal [na kahulugan] sapagkat tunay na ang sabi raw ng Propeta na: 'Huwag magbasa ang may regla ni ang junub ng anuman mula sa Qur'ān' ay isang mahinang ḥadīth ayon sa pagkakasang-ayon ng mga may pagkakaalam sa ḥadīth. Ang mga babae noon ay nagreregla na sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); kaya kung sakaling ang pagbabasa [ng Qur'ān] ay naging ipinagbabawal sa kanila gaya ng ṣalāh, talagang ito sana ay kabilang sa nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at natuto nito ang mga ina ng mga mananampalataya at iyon noon ay kabilang sa ipinaaabot nila sa mga tao. Yayamang hindi nagpaabot ang isa man buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay roon ng isang pagsaway, hindi pinapayagan na gawin itong bawal kalakip ng kaalaman na siya ay hindi sumaway laban doon. Kapag hindi siya sumaway laban doon sa kabila ng dami ng pagreregla sa panahon niya, nalalaman na ito ay hindi ipinagbabawal."
Ang nararapat matapos na makaalam tayo ng salungatan ng mga may alam ay na sabihing ang higit na marapat para sa may regla ay na hindi siya magbasa ng Qur'ān nang may pagbigkas ng dila maliban sa oras ng pangangailangan para roon, tulad ng kung siya ay tagapagturo saka nangangailangan siya na magdikta sa mga mag-aaral o sa sandali ng pagsusulit sapagkat nangangailangan ang mag-aaral ng pagbabasa para sa pagsusulit dito o tulad niyon.
Ang Ikalawang Patakaran: Ang Pag-aayuno. Ipinagbabawal sa may regla ang pag-aayuno: ang tungkulin dito at ang kusang-loob dito. Hindi natutumpak ito mula sa kanya subalit kinakailangan sa kanya ang pagbabayad para sa tungkuling ayuno batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Dinadatnan kami noon niyon," tumutukoy siya sa regla, "saka inuutusan kami na magbayad para sa ayuno ngunit hindi kami inuutusan na magbayad para sa ṣalāh." Napagkasunduan sa katumpakan.
Kapag nagregla ang babae habang siya ay nag-aayuno, nawawalang-saysay ang ayuno niya, kahit pa man iyon ay isang saglit bago ng paglubog ng araw at kinakailangan sa kanya ang magbayad para sa ayuno ng araw na iyon kung ito ay tungkuling ayuno.
Kapag naman nakadama ang babae ng pagdating ng regla bago ng paglubog ng araw subalit hindi ito lumabas malibang matapos ng paglubog ng araw, tunay na ang pag-aayuno niya ay buo at hindi nawalang-saysay batay sa tumpak na pahayag dahil ang dugo sa loob ng katawan ay walang hatol para rito at dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – noong tinanong siya tungkol sa babae na nakakita sa panaginip nito ng [pagtatalik na] napananaginipan ng lalaki kung may kailangan ba sa kanya na pagsasagawa ng ghusl – ay nagsabi: "Oo, kapag siya ay nakakita ng likido." Nag-ugnay siya ng hatol sa pagkakita ng manīy hindi sa pagdating nito. Kaya gayon din ang regla, hindi napagtitibay ang mga patakaran dito maliban sa pagkakita rito habang lumalabas hindi sa pagdating nito.
Kapag sumapit ang madaling-araw habang ang babae ay may regla, hindi tutumpak mula sa kanya ang pag-aayuno sa araw na iyon kahit pa man huminto siya sa regla isang saglit matapos ng [pagsapit ng] madaling-araw.
Kapag huminto ang babae sa regla nang bahagya bago [ng pagsapit] ng madaling-araw saka nag-ayuno siya, tutumpak ang pag-aayuno niya kahit pa hindi siya nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos [ng pagsapit] ng madaling-araw. [Siya ay] gaya ng junub – kapag nilayon nito ang mag-ayuno habang ito ay junub pa at hindi nakapagsagawa ng ghusl malibang matapos [ng pagsapit] ng madaling-araw – sapagkat tunay na ang pag-aayuno nito ay tumpak batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaabot noon sa madaling-araw habang junub dahil sa pakikipagtalik hindi dahil sa pagkapanaginip ng pakikipagtalik, pagkatapos nag-aayuno siya sa Ramaḍān." Napagkasunduan sa katumpakan. Ang Ikatlong Patakaran: Ang Pagsasagawa ng Ṭawāf sa Bahay [ni Allāh]. Ipinagbabawal sa may regla ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh]: ang tungkulin dito at ang kusang-loob dito. Hindi natutumpak ang pagsasagawa nito mula sa kanya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā'ishah noong nagregla ito: "Gawin mo ang ginagawa ng tagapagsagawa ng ḥajj maliban na hindi ka magsagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa madalisay ka." Hinggil naman sa nalalabi sa mga gawain gaya ng pagsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, pagtigil sa `Arafah, pagpapagabi sa Muzdalifah at Minā, pagbato sa mga jamarah, at iba pa rito kabilang sa mga gawain ng ḥajj at `umrah, ang mga ito ay hindi bawal sa kanya. Batay rito, kung sakaling nagsagawa ng ṭawāf ang babae habang siya ay walang regla, pagkatapos lumabas ang regla matapos ng pagsasagawa ng ṭawāf kaagad o sa mga sandali ng pagsasagawa ng sa`y, walang maitututol kaugnay roon. Ang Ikaapat na Patakaran: Ang Pagkaalis sa Babae ng Pagsasagawa ng Ṭawāf ng Pamamaalam. Kapag nakakumpleto ang babae ng mga gawain ng ḥajj at `umrah, pagkatapos nagregla siya bago ng paglabas niya papunta sa bayan niya at nagpatuloy sa kanya ang regla hanggang sa paglabas niya, tunay na siya ay lalabas nang walang ṭawāf ng pamamaalam. Batay ito sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Nag-utos siya sa mga tao na ang kahuli-hulihan sa panahon nila ay [ṭawāf] sa Bahay [ni Allāh] ngunit siya ay nagpaumanhin sa babaing may regla." Napagkasunduan sa katumpakan. Hindi itinuturing na kaibig-ibig para sa may regla sa sandali ng pamamaalam na pumunta sa pintuan ng Masjid na Pinakababanal at manalangin dahil iyon ay hindi nasaad ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga pagsamba ay nakabatay sa nasasaad; bagkus ang nasasaad ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at humihiling ng salungat doon. Nasaad sa kuwento ni Ṣafīyah (malugod si Allāh sa kanya) nang nagregla siya matapos ng ṭawāf ng pamamaalam na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Kaya humayo ka na, samakatuwid." Napagkasunduan sa katumpakan. Hindi nag-utos ang Propeta ng pagpunta sa pintuan ng Masjid na Pinakababanal. Kung sakaling iyon ay naging isinasabatas, talagang naglinaw sana siya niyon. Hinggil naman sa ṭawāf ng ḥajj at `umrah, hindi ito naaalis sa babae; bagkus magsasagawa siya ng ṭawāf kapag nadalisay siya. Ang Ikalimang Patakaran: Ang Pananatili sa Masjid. Ipinagbabawal sa may regla na manatili sa masjid. Pati na sa dasalan ng `īd, ipinagbabawal sa kanya na manatili roon. Batay ito sa ḥadīth ni Umm `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "...lumabas ang mga dalagita, ang mga babaing may tabing, at ang mga may regla...ngunit lalayo ang mga may regla sa dasalan." Napagkasunduan sa katumpakan. Ang Ikaanim na Patakaran: Ang Pakikipagtalik. Ipinagbabawal sa asawa ng may regla na makipagtalik sa kanya at ipinagbabawal sa kanya ang magpahintulot dito roon. Batay ito sa sabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّى يَطْهُرْنَ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ٢٢٢﴾[البقرة: 222]
{Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa nirereglahan. Sabihin mo: "Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa nirereglahan at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa dumalisay sila,...} (Qur'ān 2:222) Ang ibig sabihin ng nirereglahan (maḥīḍ) ay panahon ng regla at lugar nito o maselang bahagi ng babae. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gawin ninyo ang bawat gawain maliban sa nikāḥ." Tinutukoy niya ang pakikipagtalik. Nagsalaysay nito si Imām Muslim. [Ito rin ay] dahil ang mga Muslim ay nagkaisa sa hatol sa pagbabawal sa pakikipagtalik sa may regla sa ari nito. Kaya naman hindi ipinahihintulot sa isang taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na maglakas-loob sa nakasasamang gawaing ito na nagpatunay sa pagbabawal dito ang Aklat ni Allāh (napakataas Siya), ang Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at ang pagkakaisa sa hatol ng mga Muslim sapagkat siya ay magiging kabilang sa mga nakikipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya at sumusunod sa hindi landas ng mga mananampalataya. Sinabi sa Al-Majmū` Sharḥ Al-Muhadhdhab, pahina 374, tomo 2: Nagsabi si Ash-Shāfi`īy (kaawaan siya ni Allāh): "Ang sinumang gumawa niyon ay nakagawa nga ng isang malaking kasalanan." Nagsabi naman ang mga kasamahan natin at iba pa sa kanila: "Ang sinumang nagturing na ipinahihintulot ang pakikipagtalik sa may regla ay hahatulan ng kawalang-pananampalataya niya." Pananalita ni Imām An-Nawawīy. Pinayagan nga para sa kanya – at ukol kay Allāh ang papuri – ang maipambabawas sa pagnanasa niya na mababa sa pakikipagtalik gaya ng paghalik, pagyakap, at pakikipagkarinyuhan sa anumang iba pa sa maselang bahagi subalit ang higit na marapat ay hindi makipagkarinyuhan sa anumang nasa pagitan ng pusod at tuhod malibang kapag may tabing. Batay ito sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-uutos noon sa akin na magtapis ako saka nakikipagkarinyuhan siya sa akin habang ako ay may regla." Ang Ikapitong Patakaran: Ang Diborsiyo. Ipinagbabawal sa asawa ang magdiborsiyo sa may regla sa sandali ng pagreregla niya. Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحْصُوا الْعِدَّةَ وَاتَّقُوا اللَّهَ رَبَّكُمْ لَا تُخْرِجُوهُنَّ مِنْ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخْرُجْنَ إِلَّا أَنْ يَأْتِينَ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ وَمَنْ يَتَعَدَّ حُدُودَ اللَّهِ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُ لَا تَدْرِي لَعَلَّ اللَّهَ يُحْدِثُ بَعْدَ ذَلِكَ أَمْرًا١﴾[الطلاق: 1]
{O Propeta, kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila,} (Qur'ān 65:1) Ibig sabihin: sa isang kalagayang makasasalubong siya ng isang nalalamang `iddah (panahon ng paghihintay) sa sandali ng diborsiyo at hindi mangyayari iyon malibang kapag diniborsiyo siya samantalang nagdadalang-tao o walang regla habang walang pagtatalik. Ito ay dahil ang babae, kapag diniborsiyo siya sa kalagayan ng pagreregla, ay hindi makasasalubong sa `iddah yayamang tunay na ang regla na diniborsiyo siya sa sandali nito ay hindi tinutuos kabilang sa `iddah; at kapag naman diniborsiyo sa habang walang regla matapos makatalik, ang `iddah na sinasalubong niya ay hindi magiging nalalaman yayamang hindi malaman kung nagdalang-tao ba siya sa pagtatalik na ito para magsagawa siya ng `iddah sa pamamagitan ng pagdadalang-tao o hindi siya nagdalang-tao para magsagawa siya ng `iddah sa pamamagitan ng [pagbilang ng] pagreregla. Kaya yayamang hindi nangyari ang katiyakan sa uri ng `iddah, ipinagbabawal ang diborsiyo hanggang sa luminaw ang lagay. Ang pagdiborsiyo sa babae sa sandali ng pagreregla niya ay bawal dahil sa mga patunay na sumusunod: Napagtibay sa Dalawang Ṣaḥīḥ at iba pa sa mga ito mula sa ḥadīth ni Ibnu `Umar na [si `Umar ay]: {nagdiborsiyo sa maybahay nito habang iyon ay nagreregla. Nagpabatid si `Umar hinggil doon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nainis dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "Utusan mo siya, balikan niya iyon. Pagkatapos panatilihin niya iyon hanggang sa huminto iyon sa regla, pagkatapos magregla iyon, pagkatapos huminto iyon sa regla. Pagkatapos kung loloobin niya ay panatilihin niya matapos nito at kung loloobin niya ay diborsiyuhin niya bago niya salingin. Iyon ang `iddah na ipinag-utos ni Allāh na diborsiyuhin batay roon ang mga babae."} Kaya kung diniborsiyo ng lalaki ang maybahay niya habang ito ay may regla, siya ay nagkakasala. Kailangan sa kanya na magbalik-loob kay Allāh at na magpanumbalik sa maybahay niya sa piling niya upang diborsiyuhin ito ayon sa isang diborsiyong Islāmiko na umaayon sa utos ni Allāh at ng Sugo saka hayaan niya ito matapos ng pagpapanumbalik dito hanggang sa mahinto ito sa regla na pinagdiborsiyuhan niya. Pagkatapos magreregla ito sa muli; pagkatapos kapag nahinto ito sa regla, kung loloobin niya ay panatilihin niya ito at kung loloobin niya ay diborsiyuhin niya ito bago siya makipagtalik dito. May lumalabas mula sa pagbabawal sa pagdiborsiyo sa sandali ng pagreregla na tatlong usapin: Una: Kapag ang diborsiyo ay bago makipagsarilinan ang lalaki sa babae o makipagtalik dito, walang masama na diborsiyuhin niya ito habang ito ay may regla dahil walang `iddah na kailangan dito sa sandaling iyon kaya ang pagdiborsiyo niya ay hindi sumasalungat batay sa sabi ni Allāh:
﴿يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِذَا طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحْصُوا الْعِدَّةَ وَاتَّقُوا اللَّهَ رَبَّكُمْ لَا تُخْرِجُوهُنَّ مِنْ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخْرُجْنَ إِلَّا أَنْ يَأْتِينَ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ وَمَنْ يَتَعَدَّ حُدُودَ اللَّهِ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُ لَا تَدْرِي لَعَلَّ اللَّهَ يُحْدِثُ بَعْدَ ذَلِكَ أَمْرًا١﴾ [الطلاق: 1]
{magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila,} (Qur'ān 65:1)
Ikalawa: Kapag ang pagreregla ay nasa kalagayan ng pagdadalang-tao. Nauna na ang paglilinaw sa kadahilanan niyon.
Ikatlo: Kapag ang pagdiborsiyo ay kapalit ng isang panumbas (compensation) sapagkat tunay na walang masama na magdiborsiyo siya rito habang ito ay may regla.
Ang halimbawa ay na sa pagitan ng mag-asawa ay may hidwaan at masamang pagsasama kaya magagamit ng asawa [ang diborsiyo] bilang panumbas upang diborsiyuhin niya ito kaya pinapayagan kahit pa man ito ay may regla. Batay ito sa ḥadīth ni ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na: {ang maybahay ni Thābit bin Qays bin Shammās ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay hindi naninisi sa kanya sa isang kasalanan ni isang pagrerelihiyon subalit nasusuklam ako sa kawalang-pananampalataya sa Islām." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsasauli ka ba sa kanya ng [ibinigay-kaya niyang] hardin niya?" Nagsabi ito: "Opo." Kaya nagsabi [kay Thābit] ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tanggapin mo ang hardin at diborsiyuhin mo siya sa isang pagdidiborsiyo."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Hindi nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung siya ba ay may regla o walang regla. Dahil sa ang diborsiyong ito ay isang pagtutubos ng babae sa sarili niya, pinapayagan ito sa sandali ng pangangailangan dito sa alinmang kalagayan. Sinabi sa Al-Mughnīy bilang pagbibigay-katwiran sa pagpayag sa khul`(pagkalas ng babae sa kasal) sa sandali ng pagreregla, pahina 52, tomo 7: "Dahil ang pagpigil sa pagdiborsiyo sa pagreregla ay alang-alang sa pinsala na daranasin niya dahil sa kahabaan ng `iddah at ang khul` ay para sa pag-alis ng pinsala na daranasin niya dahil sa kasamaan ng pakikisama at pananatili kasama ng kinasusuklaman niya at kinamumuhian niya. Iyon ay higit na mabigat kaysa sa pinsala ng kahabaan ng `iddah kaya pinayagan ang pagtulak sa higit na mataas na pinsala sa dalawa sa pamamagitan ng higit na mababang pinsala sa dalawa. Dahil doon, hindi nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa babaing humihiling ng khul` tungkol sa kalagayan nito."
Hinggil naman sa pagpapakasal sa babae habang ito ay may regla, walang masama rito dahil ang pangunahing panuntunan ay ang pagpapahintulot at walang patunay sa pagbabawal dito subalit ang pakipagsarilinan ng asawa sa maybahay habang ito ay may regla ay isasaalang-alang. Kung siya ay makapipigil na makipagtalik sa kanya, walang masama; at kung hindi naman, huwag siyang makipagsarilinan sa maybahay hanggang sa mahinto ito sa regla, dala ng pangamba sa pagkakasadlak sa ipinagbabawal.
Ang Ikawalong Patakaran: Ang Ginagamit na `Iddah ng Diborsiyo: Ang Pagreregla. Kapag diniborsiyo ng lalaki ang maybahay niya na nasaling niya o nakasarilinan niya, kinakailangan dito na magsagawa ng `iddah nang tatlong kumpletong pagreregla kung ito ay kabilang sa mga may pagreregla at hindi ito nagdadalang-tao. Batay ito sa sabi ni Allāh:
وَالْمُطَلَّقَاتُ يَتَرَبَّصْنَ بِأَنْفُسِهِنَّ ثَلَاثَةَ قُرُوءٍ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَنْ يَكْتُمْنَ مَا خَلَقَ اللَّهُ فِي أَرْحَامِهِنَّ إِنْ كُنَّ يُؤْمِنَّ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَلِكَ إِنْ أَرَادُوا إِصْلَاحًا وَلَهُنَّ مِثْلُ الَّذِي عَلَيْهِنَّ بِالْمَعْرُوفِ وَلِلرِّجَالِ عَلَيْهِنَّ دَرَجَةٌ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
{Ang mga babaing diniborsiyo ay mag-aantabay sa mga sarili nila ng tatlong buwanang dalaw.} (Qur'ān: 2:228) Ibig sabihin: Tatlong pagreregla. Kung ang diniborsiyo naman ay nagdadalang-tao, ang `iddah niya ay hanggang sa magsilang siya ng dinadalang-tao nang lubusan, humaba man ang yugto ng pagdadalang-tao o umikli. Batay ito sa sabi ni Allāh:
وَاللَّائِي يَئِسْنَ مِنَ الْمَحِيضِ مِنْ نِسَائِكُمْ إِنِ ارْتَبْتُمْ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَاثَةُ أَشْهُرٍ وَاللَّائِي لَمْ يَحِضْنَ وَأُولَاتُ الْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يَجْعَلْ لَهُ مِنْ أَمْرِهِ يُسْرًا
{Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila.} (Qur'ān 65:4) Kung siya naman ay hindi kabilang sa mga may pagreregla gaya ng may kabataang babaing hindi pa nagsimula ang pagreregla o babaing nawalan ng regla dahil sa katandaan o dahil sa isang operasyong inalisan siya ng matris niya o iba pa roon kabilang sa hindi na maaasahan ang pagbabalik ng pagreregla, ang `iddah niya ay tatlong buwan. Batay ito sa sabi ni Allāh:
وَاللَّائِي يَئِسْنَ مِنَ الْمَحِيضِ مِنْ نِسَائِكُمْ إِنِ ارْتَبْتُمْ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَاثَةُ أَشْهُرٍ وَاللَّائِي لَمْ يَحِضْنَ وَأُولَاتُ الْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يَجْعَلْ لَهُ مِنْ أَمْرِهِ يُسْرًا
{Ang mga nawalan ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [gayundin] ang mga hindi na niregla.} (Qur'ān 65:4) Kung siya ay kabilang sa mga may pagreregla subalit naglaho ang pagreregla niya dahil sa isang kadahilanang nalalaman gaya ng karamdaman at pagpapasuso, tunay na siya ay mananatili sa `iddah niya kahit pa humaba ang yugto nito hanggang sa manumbalik ang pagreregla niya saka magsasagawa siya ng `iddah batay rito. Kung napawi ang kadahilanan – samantalang hindi naman nanumbalik ang pagreregla – dahil gumaling siya mula sa karamdaman o huminto siya sa pagpapasuso habang nanatili ang pagreregla na naglaho, tunay na siya ay magsasagawa ng `iddah nang isang buong taon mula sa pagkapawi ng kadahilanan. Ito ay ang tumpak na pahayag na umaayon sa mga panuntunan ng Batas ng Islām. Tunay na kapag napawi ang kadahilanan, samantalang hindi naman nanumbalik ang pagreregla, siya ay naging gaya ng sinumang naglaho ang regla dahil sa hindi isang kadahilanang nalalaman; at kapag naglaho ang pagreregla niya dahil sa hindi isang kadahilanang nalalaman, tunay na siya ay magsasagawa ng `iddah nang isang buong taon: siyam na buwan para sa pagdadalang-tao bilang paniniguro dahil ito ay ang kadalasan sa pagdadalang-tao at tatlong buwan para sa `iddah. Hinggil naman sa diborsiyo matapos ng pagkakasal at bago ng pagtatalik at pagsasarilinan, lubusang hindi magkakaroon dito ng isang `iddah: hindi batay sa regla ni sa iba pa rito. Batay ito sa sabi ni Allāh:
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّونَهَا فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا
{O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling sa kanila, walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo.} (Qur'ān 33:49)
Ang Ikasiyam na Patakaran: Ang Patakaran sa Kawalang-laman ng Matris: ang Kawalan ng Pagdadalang-tao. Ito ay kinakailangan sa tuwing nangangailangan ng paghatol ng kawalang-laman ng matris. Mayroon itong ilang usapin.
Kabilang sa mga ito: Kapag namatayan ang isang babae ng isang taong makapagmamana rito ang dinadalang-tao niya habang siya ay may asawa, tunay na ang asawa niya ay hindi makikipagtalik sa kanya hanggang sa magregla siya o luminaw ang pagdadalang-tao niya. Kung luminaw ang pagdadalang-tao niya, maghahatol tayo ng pagmamana ng dinadalang-tao dahil sa paghatol natin ng kairalan nito sa sandali ng pagkamatay ng tagapagpamana nito. Kung nagregla siya, maghahatol tayo ng kawalan ng pagmamana nito dahil sa kawalang-laman ng matris dahil sa pagreregla.
Ang Ikasampung Patakaran: Ang Pagkatungkulin ng Ghusl. Kinakailangan sa nagdadalang-tao, kapag nahinto siya sa regla, na magsagawa ng ghusl sa pamamagitan ng pagdadalisay sa buong katawan niya. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh: "Kaya kapag sumapit ang regla, tumigil ka sa pagdarasal; at kapag lumisan ito, maligo ka at magdasal ka." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Ang pinakakaunti sa kinakailangan sa pagsasagawa ng ghusl ay na basain niya rito ang buong katawan niya hanggang sa ilalim ng buhok niya. Ang pinakamainam ay na ito ay maging batay sa paglalarawan na nasaad sa ḥadīth. Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagtanong sa kanya si Asmā' bint Shakl tungkol sa ghusl [matapos] ng pagreregla: {...Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kukuha ang [bawat] isa sa inyo ng tubig niya at sidrah niya saka magpapakadalisay siya saka magpapahusay sa pagdadalisay. Pagkatapos magbubuhos siya sa ulo niya saka magkukuskos siya nito nang masinsinang pagkukuskos hanggang sa umabot sa anit ng ulo niya. Pagkatapos magbubuhos siya rito ng tubig. Pagkatapos kukuha siya ng isang telang binahiran ng musk saka magpapakadalisay siya gamit nito." Kaya nagsabi si Asmā': "Papaano pong magpapakadalisay siya gamit nito?" Kaya nagsabi siya: "Kaluwalhatian kay Allāh,...!" Kaya nagsabi si `Ā'ishah rito...: "Maglalapat ka nito sa bakas ng dugo."...} Nagsalaysay nito si Imām Muslim. [Ang sidrah ay isang punong katulad ng mansanitas, na ang dahon ay ginagamit sa paglilinis ng katawan.] Hindi kinakailangan ang pagkalag [ng pagkatarintas] ng buhok maliban na ito ay nakatali nang may kahigpitan anupat pinangangambahan na hindi makaabot ang tubig sa anit ng ulo. Batay ito sa nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ni Umm Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: {"Tunay na ako ay isang babaing naghihigpit [ng pagtarintas] ng buhok ng ulo ko, kaya magkakalag po ba ako nito para sa paligo ng janābah?" – Nasaad naman sa isang salaysay: para sa regla at janābah. – Kaya naman nagsabi ito: "Hindi na; sasapat lamang sa iyo na magbubo ka sa ulo mo ng tatlong bubo. Pagkatapos magbubuhos ka sa iyo ng tubig saka madadalisay ka."}
Kapag nahinto sa regla ang babae sa sandali ng oras ng ṣalāh, kinakailangan sa kanya na magdali-dali sa pagsasagawa ng ghusl upang makaabot siya sa pagsasagawa ng ṣalāh sa oras nito. Kung siya ay nasa isang paglalakbay at wala siyang tubig o kung mayroon siyang tubig subalit nangangamba siya sa kapinsalaan sa paggamit nito o siya ay maysakit na makapipinsala sa kanya ang tubig, tunay na siya ay magsasagawa ng tayammum sa halip na magsagawa ng ghusl hanggang sa mapawi ang tagahadlang, pagkatapos magsasagawa siya ng ghusl.
Tunay na mayroon sa mga babae na nahihinto sa regla sa sandali ng oras ng ṣalāh at nagpapahuli ng pagsasagawa ng ghusl hanggang sa ibang oras, na nagsasabing hindi maaari sa kanya ang makakumpleto ng pagsasagawa ng ṭahārah sa oras na ito subalit ito ay hindi katwiran at maidadahilan dahil siya ay maaaring magpaikli sa pinakaminimum ng kinakailangan sa ghusl at magsagawa ng ṣalāh sa oras nito, pagkatapos kapag nagkaroon sa kanya ng maluwag na oras ay makapagdadalisay siya ng kumpletong pagpapakadalisay.
*
Ang istiḥāḍah ay ang pagpapatuloy ng pagdurugo sa babae kung saan hindi ito napuputol sa kanya magpakailanman o napuputol sa kanya sa isang maiksing panahon gaya ng isang araw o dalawang araw sa isang buwan.
Ang patunay sa unang kalagayan na hindi napuputol ang pagdurugo sa babae magpakailanman ay ang napagtibay sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Nagsabi si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay hindi nahihinto sa pagdurugo.'" Sa isang sanaysay: "Nagdurugo ako saka hindi ako nahihinto sa pagdurugo." Ang patunay sa ikalawang kalagayan na hindi napuputol ang pagdurugo sa babae kundi saglit ay ang ḥadīth ni Ḥamnah bint Jaḥsh kung saan pumunta siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagdurugo ng isang maraming matinding regla,..." Ang ḥadīth ay isinalaysay nina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud, at Imām At-Tirmidhīy, na sumang-ayon sa katumpakan nito. Naipaabot buhat kay Imām Aḥmad ang pagsang-ayon sa katumpakan nito at buhat kay Imām Al-Bukhārīy ang pagsang-ayon sa kagandahan nito.
Ang mga Kalagayan ng Istiḥāḍah
Ang Babaing may Istiḥāḍah ay may Tatlong Kalagayan:
Ang Unang Kalagayan: Na mayroon siyang regular na regla bago ng istiḥāḍah, kaya naman sasangguni siya sa yugto ng dating regular na regla niya saka magbabatay siya rito at sasaklaw sa kanya ang mga patakaran sa pagreregla. Ang iba pa rito ay istiḥāḍah, na sasaklaw sa kanya ang mga patakaran sa babaing may istiḥāḍah.
Halimbawa niyon: May isang babae na dinadatnan ng regla nang anim na araw sa simula ng bawat buwan, pagkatapos dumating sa kanya ang istiḥāḍah kaya naman ang pagdurugo ay dumarating sa kanya nang tuluy-tuloy, kaya ang regla niya ay magiging anim na araw mula sa simula ng bawat buwan at ang anumang iba pa roon ay istiḥāḍah. Batay ito sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi nahihinto sa pagdurugo. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Umm Ḥabībah bint Jaḥsh: "Tumigil ka [sa pagdarasal] nang singtagal ng dating ipinipigil sa iyo [sa pagdarasal] ng pagreregla mo. Pagkatapos maligo ka at magdasal ka." Kaya batay rito, titigil [sa pagdarasal] ang babaing may istiḥāḍah, na dating may isang regular na regla, nang singtagal ng sa dating pagreregla niya, pagkatapos magdarasal siya at hindi papansin sa pagdurugo sa sandaling iyon.
Ang Ikalawang Kalagayan: Na wala siyang regular na regla bago [ng pagkakaroon] ng istiḥāḍah dahil ang istiḥāḍah ay nagpapatuloy na sa kanya sa simula ng nakakita siya ng dugo sa kauna-unahang regla niya. Sa [kalagayang] ito ay gagawa siya ng pagtatangi. Kaya ang regla niya ay ang natatangi sa kaitiman o kalaputan o amoy, na sumasaklaw rito ang mga patakaran sa regla. Ang iba pa rito ay istiḥāḍah, na sumasaklaw rito ang mga patakaran sa istiḥāḍah.
Halimbawa niyon: May isang babae na nakakita ng dugo sa kauna-unahan ng pagkakita niya nito at nagpatuloy na ito sa kanya, subalit nakikita niya na ito sa 10 araw ay itim at sa nalalabing bahagi ng buwan ay pula, o nakikita niya na ito sa 10 araw ay malapot at sa nalalabing bahagi ng buwan ay malabnaw, o nakikita niya na ito sa 10 araw ay may amoy ng regla at sa nalalabing bahagi ng buwan ay walang amoy nito. Ang regla niya ay ang itim sa unang halimbawa, ang malapot sa ikalawang halimbawa, at ang may amoy sa ikatlong halimbawa. Ang iba pa roon ay istiḥāḍah. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh: "Kapag ito ay dugo ng regla, tunay na ito ay itim na nakikilala. Kaya kapag ito ay gayon, tumigil ka sa pagdarasal; saka kapag ito ay ang iba pa, magsagawa ka ng wuḍū' at magdasal ka sapagkat ito lamang ay [pagdurugo ng] isang ugat." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy. Sumang-ayon sa katumpakan nito sina Imām Ibnu Ḥibbān at Imām Al-Ḥākim. Ang ḥadīth na ito, kahit pa sa kawing ng salaysay nito at teksto nito ay may puna, ay nagsagawa ayon dito ang mga may kaalaman (kaawaan sila ni Allāh). Ito ay higit na marapat kaysa sa itulak ang babae sa kinagawian ng nakararami sa mga babae. Ang Ikatlong Kalagayan: Na wala siyang regular na regla at walang pagtatanging naaangkop dahil ang istiḥāḍah ay nagpapatuloy mula sa simula ng nakakita siya ng pagdurugo at ang pagdurugo niya ay nasa iisang katangian o nasa mga katangiang nakalilito na hindi maaari na maging isang regla. Ang babaing ito ay magsasagawa ayon sa kinagawian ng nakararami sa mga babae kaya ang pagreregla niya ay anim o pitong araw sa bawat buwan, na nag-uumpisa mula sa simula ng nakakita siya ng pagdurugo at ang anumang iba pa rito ay istiḥāḍah. Halimbawa niyon: Na nakakita siya ng pagdurugo sa unang pagkakita niya nito sa ikalimang araw ng buwan at nagpatuloy ito sa kanya nang hindi nagkaroon dito ng isang pagtatanging naaangkop para sa regla: wala sa kulay at wala sa iba pa rito. Kaya ang regla niya sa bawat buwan ay anim o pitong araw sa bawat buwan, na nag-uumpisa mula sa ikalimang araw ng bawat buwan. Batay ito sa ḥadīth ni Ḥamnah bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Na ito ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagdurugo ng isang maraming matinding regla, kaya ano po ang nakikita mo hinggil dito? Nakapigil nga ito sa akin sa pagdarasal at pag-aayuno." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagpapayo ako ng paggamit ng bulak na ilalagay mo sa ari sapagkat tunay na ito ay nakasisipsip ng dugo." Nagsabi ito: "Ito ay higit na malakas para roon." ...nagsabi siya...: "Ito lamang ay isang panlilito mula sa mga panlilito ng demonyo kaya magturing kang nagreregla ka nang anim na araw o pito sa kaalaman ni Allāh (napakataas Siya). Pagkatapos maligo ka. Kapag nakakita ka na ikaw ay tumigil na sa pagdurugo at nakatiyak, makapagdarasal ka sa dalawampu't apat o dalawampu't tatlong gabi at araw nito at makapag-aayuno ka."} Ang ḥadīth ay isinalaysay nina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud, at Imām At-Tirmidhīy, na sumang-ayon sa katumpakan nito. Naipaabot buhat kay Imām Aḥmad na siya ay sumang-ayon sa katumpakan nito at buhat kay Imām Al-Bukhārīy na ito rin ay sumang-ayon sa kagandahan nito. Ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "anim na araw o pito" ay hindi para sa pagpapapili; ito lamang ay para sa pagtatantiya kaya magsasaalang-alang ang babae kaugnay sa pinakamalapit sa lagay niya mula sa sinumang nakawawangis sa kanya sa kalagayang pisikal at nakalalapit sa kanya sa edad at pagkakamag-anak at kaugnay sa pinakamalapit sa regla sa dugo niya at tulad niyon na mga pagsasaalang-alang. Kaya kung ang pinakamalapit ay anim na araw, magtuturing siya nito na anim na araw; at kung ang pinakamalapit ay pito, magtuturing siya nito na pitong araw.
Kalagayan ng Nakawawangis ng May Istiḥāḍah
Maaaring may mangyayari sa babae ang isang kadahilanang nagdudulot ng paglabas ng dugo mula sa ari niya gaya ng operasyon sa matris o mababa pa sa operasyon. Ito ay ayon sa dalawang uri:
Ang Unang Uri: Na nalalaman na siya ay hindi maaaring magregla matapos ng operasyon tulad ng operasyon ng pag-aalis ng matris nang lubusan o pagsasara nito sa paraang walang lumalabas rito na dugo. Ang babaing ito ay hindi pinatutungkulan ng mga patakaran ng may istiḥāḍah. Tanging ang patakarang ukol sa kanya ay ang patakaran sa nakakikita ng kadilawan o kakayumanggian o pamamasa matapos ng paghinto ng regla. Kaya hindi siya titigil sa pagdarasal at pag-aayuno at hindi nahahadlangan ang makipagtalik sa kanya. Walang kinakailangang paligo (ghusl) dahil sa pagdurugo na ito subalit inoobliga sa kanya bago magdasal ang maghugas ng dugo at maglagay sa ari ng pantapal at tulad nito upang mapigilan ang paglabas ng dugo. Pagkatapos magsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh at hindi siya magsasagawa ng wuḍū' para rito kundi matapos ng pagsapit ng oras nito kung ito ay may oras gaya ng limang ṣalāh at kung hindi naman ay sa sandali ng pagnanais ng pagsasagawa ng ṣalāh gaya ng mga lubusang ṣalāh na nāfilah.
Ang Ikalawang Uri: Na hindi nalalaman ang pagtigil ng regla niya matapos ng operasyon; bagkus maaaring magregla siya kaya sa babaing ito, ang patakarang ukol sa kanya ay ang patakaran sa may istiḥāḍah. Napatutunayan ito ayon sa binanggit ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh: "Iyan ay isang [pagdurugo ng] ugat at hindi regla. Kaya kapag sumapit ang regla, tumigil ka sa pagdarasal;..." Tunay na ang sabi niya: "Kaya kapag sumapit ang regla,..." ay nagpapahiwatig na ang patakaran sa may istiḥāḍah ay sa may pagrereglang posibleng may pagsapit at paglisan. Hinggil naman sa walang pagrereglang posible, ang pagdurugo niya ay isang pagdurugo ng ugat sa bawat kalagayan.
Ang mga Patakaran sa Istiḥāḍah
Nalaman natin mula sa naunang pagtatalakay kung kailan ang dugo ay nagiging regla at kung kailan ito ay nagiging istiḥāḍah. Kapag ito ay naging regla, napagtitibay para rito ang mga patakaran sa regla; at kapag ito naman ay naging istiḥāḍah, napagtitibay para rito ang mga patakaran ng istiḥāḍah.
Nauna nang nabanggit ang mahalaga mula sa mga patakaran sa regla.
Hinggil sa mga patakaran sa istiḥāḍah, gaya ng mga patakaran sa pagkahinto ng regla ang mga ito kaya walang pagkakaiba sa pagitan ng babaing may istiḥāḍah at babaing walang regla, maliban sa sumusunod:
Una. Ang pagkakailangan sa kanya ng pagsagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh: "Pagkatapos magsagawa ka ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa Kabanata ng Paghuhugas ng Dugo. Ang kahulugan niyon ay na siya ay hindi magsasagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh na tinatakdaan ang oras kundi matapos ng pagpasok ng oras nito. Hinggil naman sa kapag ang ṣalāh ay hindi tinatakdaan ang oras, tunay na siya ay magsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng pagnanais ng pagsasagawa ng ṣalāh. Ikalawa. Kapag nagnais siya na magsagawa ng wuḍū', tunay na siya ay maghugas ng bakas ng dugo [sa underwear] at maglalagay sa ari ng bulak (o sanitary napkin) upang pumigil sa dugo. Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ḥamnah: "Nagpapayo ako ng paggamit ng bulak na ilalagay mo sa ari sapagkat tunay na ito ay nakasisipsip ng dugo." Nagsabi ito: "Ito ay higit na malakas para roon." Nagsabi siya: "Kaya gumamit ka ng tela." Nagsabi ito: "Ito ay higit na malakas para roon." Nagsabi siya: "Kaya magpasador ka." Hindi na makapipinsala sa kanya ang anumang lumabas matapos niyon batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh: "Huminto ka sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga araw ng pagreregla mo. Pagkatapos magsagawa ka ng ghusl at magsagawa ka ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh. Pagkatapos magsagawa ka ng ṣalāh, kahit pa pumatak ang dugo sa banig." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ibnu Mājah. Ikatlo. Ang Pakikipagtalik. Nagkaiba-iba nga ang mga maalam hinggil sa pagpayag dito kapag hindi natakot sa kalunya dahil sa hindi pakikipagtalik. Ang tama ay ang pagpayag dito nang lubusan dahil may maraming babae na umabot sa sampu o higit pa na dumanas ng istiḥāḍah sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi nagbawal si Allāh at ang Sugo Niya ng pakikipagtalik sa kanila. Bagkus sa sabi ni Allāh:
﴿وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّى يَطْهُرْنَ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ٢٢٢﴾ [البقرة: 222]
{humiwalay kayo sa mga babae sa nirereglahan} [Qur'ān 2:222] ay may patunay na hindi kinakailangan ang paghiwalay sa kanila hinggil sa iba pa rito at dahil ang ṣalāh ay pinapayagan sa kanya kaya naman ang pakikipagtalik ay higit na magaan. Ang paghahambing ng pakikipagtalik sa kanya sa pakikipagtalik sa may regla ay hindi tumpak dahil ang dalawang ito ay hindi nagkakapantay kahit pa sa ganang mga naniniwala sa pagbabawal nito. Ang paghahambing ay hindi natutumpak sa nagkakaiba.
*
Ang nifās ay dugo na inilalabas ng matris dahilan sa panganganak, na maaaring kasabay ng panganganak o matapos nito o bago nito nang mga dalawa o tatlong araw kasabay ng labor (pananakit ng tiyan).
Nagsabi si Shaykh Al-islām Ibnu Taymīyah:
"Ang nakikita niya kapag nagsisimula siya sa pagdanas ng labor ay nifās." Hindi siya naglimita rito sa dalawa o tatlong araw. Ang tinutukoy rito ay labor na sinusundan ng panganganak at kung hindi, ito ay hindi nifās. Nagkaiba-iba naman ang mga maaalam kung ito ba ay may limit sa pinakamarami nito o pinakakaunti nito.
Nagsabi si Shaykh Taqīyuddīn sa mensahe niya sa Al-Asmā' Allatī `Allaqa Ash-Shāri` Al-Aḥkām Bihā (Ang mga Pangalan na Nag-ugnay ang Tagapagbatas ng mga Hatol sa mga Ito), pahina 37: "Ang nifās ay walang limitasyon sa pinakakaunti nito at pinakamarami nito. Kaya kung sakaling ipagpalagay na may isang babaing nakakita ng pagdurugo nang higit sa apatnapu o animnapu o pitumpung araw at tumigil ito, ito ay nifās; subalit kung nagpatuloy ang pagdurugo, ito ay pagdurugo ng hindi nifās at sa sandaling iyon ang limit [na ituturing na nifās] ay [hanggang] apatnapung araw sapagkat tunay na ito ay ang maksimum ng nakararaming babae, na nasaad sa mga ulat."
Batay rito, kapag lumabis ang pagdurugo niya sa apatnapung araw at nagkaroon siya ng regular na regla matapos nito o lumitaw dito ang mga tanda ng pagkalapit ng pagkatigil [ng pagdurugo], maghihintay siya hanggang sa matigil ito at kung hindi naman ay magsasagawa siya ng ghusl sa pagkalubos ng apatnapung araw dahil ito ay ang madalas [sa mga babae] maliban kung natapat ito sa panahon ng pagreregla niya sapagkat maghihintay siya hanggang sa matapos ang panahon ng pagreregla. Kapag natigil ito matapos niyon, nararapat na ito ay maging gaya ng regular na regla sa kanya, saka gagawin niya ang alinsunod dito sa hinaharap. Kung nagpatuloy [ang pagdurugo], siya ay may istiḥāḍah, na sasangguni siya sa naunang pagtatalakay sa mga patakaran sa may istiḥāḍah.
Kung sakaling nahinto siya sa regla dahil sa pagtigil ng pagdurugo, siya ay wala ng istiḥāḍah kahit pa man bago ng ikaapatnapung araw, kaya magsasagawa siya ng ghusl, makapagdarasal siya, makapag-aayuno siya, makatatalik siya ng asawa niya; maliban na ang pagtigil ng pagdurugo ay maging higit na maikli kaysa sa isang araw sapagkat hindi ukol para rito ang hatol [ng paghinto ng nifās] (sinabi ito sa aklat na Al-Mughnī).
Hindi napagtitibay ang nifās malibang kapag nagsilang ang babae ng isang luminaw rito ang kaanyuang tao. Kaya kung sakaling nagsilang siya ng isang maliit na nalaglag na hindi luminaw rito ang kaanyuang tao, ang pagdurugo niya ay hindi pagdurugo ng nifās; bagkus ito ay pagdurugo ng ugat, kaya ang patakarang ukol sa kanya ay ang patakarang ukol sa may istiḥāḍah. Ang pinakamaikling yugto na luminaw rito ang kaanyuan ng tao ay 80 araw mula sa pagsisimula ng pagdadalang-tao at ang kadalasan pa nito ay 90 araw.
Nagsabi si Al-Mujidd Ibnu Taymiyah: "Kaya kapag nakakita siya ng isang pagdurugo isang araw nang may isang pananakit ng tiyan bago ng [80/90 araw] na ito, hindi siya papansin niyon; at [kapag nakakita ng pagdurugo] matapos nito, hihinto siya sa pagdarasal o pag-aayuno. Pagkatapos kung nahayag ang pagkakaroon ng anyong tao matapos na makapagluwal, isasagawa niya [ang nakaligtaang dasal o ayuno] kaya makapagtutuwid siya ng pagkukulang. Kung hindi nahayag ang pagkakaroon ng anyong tao, magpapatuloy ang patakaran ayon sa nakalitaw na lagay kaya walang pagsasagawa ng nakaligtaang [dasal at ayuno]." Ipinaabot buhat sa kanya sa aklat na Sharḥ Al-Iqnā`.
Ang mga Patakaran sa Nifās
Ang mga patakaran sa nifās ay gaya ng mga patakaran sa regla nang magkatulad na magkatulad, maliban sa sumusunod:
Una. Ang `iddah. Isinasaalang-alang ito sa diborsiyo hindi sa nifās dahil kung ang diborsiyo ay bago magsilang ng dinadalang-tao, natatapos ang `iddah dahil sa pagsisilang hindi dahil sa nifās; at kung ang diborsiyo ay matapos magsilang, maghihintay siya ng pagbabalik ng regla gaya ng naunang pagtatalakay.
Ikalawa. Ang yugto ng īlā'. Tinataya mula rito ang yugto ng regla at hindi tinataya mula rito ang yugto ng nifās.
Ang īlā' ay na manumpa ang lalaki na huminto sa pakikipagtalik sa maybahay niya magpakailanman o sa isang yugtong lumalabis sa apat na buwan. Kaya kapag nanumpa ang lalaki [na hindi makipagtalik] at humiling sa kanya ang maybahay na makipagtalik, magpapalugit sa kanya ng yugtong apat na buwan mula sa pagsumpa niya [na hindi makipagtalik], na kapag nalubos ay oobligahin siya [ng hukom] na makipagtalik o makipaghiwalay ayon sa hiling ng maybahay. Ang yugtong ito [ng hindi pakikipagtalik], kapag may dumaan sa babae na nifās, ay hindi bibilangin laban sa lalaki at magdaragdag sa apat na buwan ng katumbas ng yugto ng [nifās na] ito [hanggang sa paghinto nito]. Salungat naman ito sa regla sapagkat tunay na ang yugto nito ay bibilangin laban sa asawa.
Ikatlo. Ang pagdadalaga. Nangyayari ito dahil sa pagreregla at hindi ito nangyayari dahil sa nifās dahil ang babae ay hindi maaaring magdalang-tao hanggang sa magkaroon ng ovulation kaya naman ang pagkatamo ng pagdadalaga ay dahil sa pagkakaroon ng ovulation na nauuna sa pagdadalang-tao.
Ikaapat. Na ang pagreregla, kapag naputol pagkatapos nanumbalik sa regular na regla, ito ay tiyakang regla. Ang halimbawa ay na ang regular na regla niya ay walong araw saka nakakita siya ng pagreregla na apat na araw, pagkatapos naputol ito ng dalawang araw, pagkatapos nanumbalik [ang pagdurugo] sa ikapito at ikawalong araw. Ang pagdurugong nanunumbalik ay tiyakang regla, na napagtitibay para rito ang mga patakaran sa pagreregla. Hinggil naman sa pagdurugo ng nifās, kapag natigil ito bago ng ika-40 araw, pagkatapos nanumbalik ito sa ika-40 araw, ito ay napagdududahan, ngunit kinakailangan sa babae na magsagawa ng ṣalāh at mag-ayuno ng tungkuling tinatakdaan ng oras sa oras nito. Ipinagbabawal naman sa kanya ang ipinagbabawal sa may regla maliban sa mga kinakailangang gawain. Magbabayad siya matapos ng paghinto niya sa pagdurugo para sa hindi niya ginawa dahil sa pagdurugong ito gaya ng kinakailangang pagbayaran ng may regla. Ito ay ang napatanyag na patakaran sa ganang mga faqīh kabilang sa mga Ḥanbalīy.
Ang tama [sa ganang may-akda] ay na ang pagdurugo, kapag bumalik ito sa kanya sa isang panahon na maaari na ito ay maging isang nifās, ito ay nifās; at kung hindi naman, ito ay regla, maliban na magpatuloy ito sa kanya sapagkat ito ay magiging isang istiḥāḍah.
Ito ay malapit sa ipinaabot mula sa aklat na Al-Mughnīy buhat kay Imām Mālik (kaawaan siya ni Allāh) kung saan sinabi: "Nagsabi si Mālik: Kapag nakakita siya ng pagdurugo matapos ng dalawa o tatlong araw, ibig sabihin: mula sa pagkatigil nito, ito ay nifās; at kung hindi naman, ito ay regla." Ito ay katulad ng napiling hatol ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan siya ni Allāh). Sa dugo ay walang bagay na pinagdududahan hinggil dito alinsunod sa makatotohanan subalit ang pagdududa ay isang relatibong bagay na nagkakaiba-iba hinggil dito ang mga tao alinsunod sa mga kaalaman nila at mga pag-intindi nila. Ang Qur'ān at ang Sunnah ay nagsasaad ng paglilinaw sa bawat bagay. Hindi nag-obliga si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa isang tao na mag-ayuno nang `dalawang beses o magsagawa ng ṭawāf nang dalawang ulit maliban na sa unang pagsasagawa ay may depekto na hindi maisasaayos kundi ng muling pagsasagawa. Hinggil naman sa punto ng paggawa ng tao ng nakakakaya niya na iniatang na tungkulin alinsunod sa kakayahan niya, nagpapawala ito ng pagpapanagot sa kanya, gaya ng sinabi ni Allāh:
﴿لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ﴾ [البقرة: 286]
{Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito.} (Qur'ān 2:286) at sinabi pa Niya:
﴿فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ ﴾ [التغابن: 16]
{Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo} (Qur'ān 64:16) Ikalima. Ang pagkakaiba sa pagitan ng regla at nifās ay na sa regla, kapag nahinto ang babae sa regla bago ng regular na [haba ng] regla, pinapayagan para sa asawa niya ang makipagtalik sa kanya nang walang pagkasuklam. Hinggil naman sa nifās, kapag nahinto ang babae sa regla bago ng ika-40 araw, kinasusuklaman para sa asawa niya ang makipagtalik sa kanya, ayon sa napatanyag sa Madhhab Ḥanbalīy samantalang ang tama ay na hindi naman kinasusuklaman para sa asawa na makipagtalik sa kanya. Ito ay pahayag ng mayoriya ng mga maaalam dahil ang pagkakinasusuklaman ay isang kahatulang pang-Sharī`ah na nangangailangan ng isang patunay na pang-Sharī`ah. Sa usaping ito ay walang batayan maliban sa binanggit ni Imām Aḥmad ayon kay`Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ na ang maybahay niya ay lumapit sa kanya bago ng ika-40 araw [ng nifās] kaya nagsabi siya: "Huwag kang lumapit sa akin." Ito ay hindi nagpapahiwatig ng pagkasuklam dahil maaaring ang pag-ayaw mula sa kanya ay bilang pag-iingat dala ng pangamba na ang maybahay ay hindi nakatitiyak sa paghinto ng nifās o na baka mabulabog ang dugo dahilan sa pakikipagtalik o dahil sa iba pa roon na mga kadahilanan. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
*
1. Ang paggamit ng babae ng anumang pumipigil sa regla niya ay pinapayagan ayon sa dalawang kundisyon:
Una. Na hindi kinatatakutan ang kapinsalaan sa kanya; ngunit kung kinatakutan ang kapinsalaan sa kanya dahil doon, hindi ito pinapayagan. Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿ وَلَا تُلْقُوا بِأَيْدِيكُمْ إِلَى التَّهْلُكَةِ ﴾[البقرة: 195]
{at huwag kayong magbulid sa pamamagitan ng mga kamay ninyo [sa mga sarili] sa kasawian.} (Qur'ān 2:195) at
﴿ وَلَا تَقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا٢٩﴾[النساء: 29]
{Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.} (Qur'ān 4:29) Ikalawa. Na iyon ay may pahintulot ng lalaki kung iyon ay may kaugnayan sa kanya. Ang halimbawa ay na ang babae ay nagsasagawa ng `iddah dahil sa kanya habang kinakailangan sa kanya ang gumugol sa maybahay ngunit gumagamit naman ito ng pumipigil sa pagreregla upang humaba ang [yugto ng] `iddah at madagdagan sa kanya ang paggugol sa babae. Hindi pinapayagan para sa babae na gumamit ng pumipigil sa pagreregla sa panahong iyon malibang may pahintulot niya. Gayon din kung napagtibay na ang pagpigil sa pagreregla ay pumipigil sa pagdadalang-tao, kailangan ng pahintulot ng lalaki at kahit napagtibay ang pagpayag, ang pinakamarapat ay ang hindi paggamit niyon malibang dahil sa isang pangangailangan dahil ang hayaan ang kalikasan ayon sa kung ano ito ay higit na malapit sa kaayusan ng kalusugan at kaligtasan.
Hinggil naman sa paggamit ng nagdudulot ng regla, ito ay pinapayagan alinsunod sa dalawang kundisyon:
Una. Hindi gagamit nito ang babae bilang panlalalang para maalis sa isang tungkulin. Ang halimbawa ay na gumamit siya nito sa paglapit ng Ramaḍān upang makaiwas sa pag-aayuno o maalis niya sa pamamagitan nito ang pagsasagawa ng ṣalāh at ang tulad niyon.
Ikalawa. Na iyon ay may pahintulot ng asawa dahil ang pagkakaroon ng regla ay nakapipigil sa asawa sa kalubusan ng kasiyahan kaya naman hindi pinapayagan ang paggamit ng nakahahadlang sa karapatan niya malibang may pagkalugod niya. Kung ang babae naman ay diniborsiyo, may dulot itong pagpapaaga ng pag-alis ng karapatan ng asawa sa panunumbalik [sa pagsasama] kung ito ay may karampatan sa panunumbalik.
Hinggil naman sa paggamit ng pumipigil sa pagbubuntis, ito ay nasa dalawang uri:
Una. Na makapigil ito sa pagdadalang-tao nang isang pagpigil na tuluy-tuloy. Ito ay hindi pinapayagan dahil ito ay pumuputol sa pagdadalang-tao kaya mangangaunti ang supling, na kasalungatan ng pinapakay ng Tagapagbatas na pagpaparami ng Kalipunang Islāmiko at dahil hindi naman maigagarantiya na hindi mamatay ang mga anak niyang naririyan kaya siya ay baka maging isang balo na walang mga anak.
Ikalawa. Na makapigil ito sa pagdadalang-tao nang isang pagpigil na pansamantala. Ang halimbawa ay na ang babae ay madalas ang pagdadalang-tao at ang pagdadalang-tao ay nakapapata sa kanya kaya iibigin niya na magregula ng pagdadalang-tao niya para maging isang beses tuwing dalawang taon, o tulad niyon. Ito ay pinapayagan sa isang kundisyon na pumayag ang asawa niya at ito ay hindi maging isang kapinsalaan sa kanya. Ang halimbawa nito ay na ang mga Kasamahan [ng Propeta] ay nagsasagawa ng coitus interruptus (withdrawal method) sa mga maybahay nila sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang hindi magdalang-tao ang mga maybahay nila. Hindi siya nagbawal niyon. Ang coitus interruptus ay na makipagtalik ang lalaki sa maybahay niya at huhugutin niya ang ari sa sandali ng paglabas ng punlay para lumabas sa labas ng ari ng babae.
Hinggil naman sa paggamit ng paglalaglag ng dinadalang-tao, ito ay nasa dalawang uri:
Una. Na nilayon sa paglalaglag sa fetus ang pagpuksa rito. Ito, kung matapos ng pag-ihip ng espiritu sa fetus, ay bawal na walang pag-aalinlangan dahil ito ay isang walang katwirang pagpatay sa isang buhay na ipinagbawal. Ang pagpatay sa buhay na ipinagbabawal patayin ay bawal ayon sa Qur'ān, Sunnah, at Ijmā` (pagkakaisa ng hatol) ng mga Muslim. Kung [ang paglalaglag na] ito ay bago ng pag-ihip ng espiritu sa fetus, nagkaiba-iba ang mga maalam sa pagpayag dito. Mayroon sa kanila na pumapayag dito. Mayroon sa kanila na nagbabawal nito. Mayroon sa kanila na nagsabing pinapayagan ito hanggat ang fetus ay hindi pa naging isang malalinta (`alaqah), ibig sabihin: hanggat hindi pa lumipas dito ang 40 araw. Mayroon sa kanila na nagsabing pinapayagan ito hanggat hindi pa luminaw sa fetus ang kaanyuan ng isang tao.
Ang pinakamaingat ay ang magpigil sa paglalaglag ng fetus malibang dahil sa isang pangangailangan gaya ng kung ang ina ay maysakit na hindi makakakaya ng pagdadalang-tao o tulad niyon sapagkat pinapayagan ang paglalaglag ng fetus sa sandaling iyon maliban kung may nakalipas na rito na isang panahong maaaring luminaw rito ang kaanyuan ng isang tao sapagkat ipinagbabawal ito. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
Ikalawa. Na hindi nilayon sa paglalaglag sa fetus ang pagpuksa rito kapag ang pagtatangka ng paglalaglag dito ay sa sandali ng pagwawakas ng yugto ng pagdadalang-tao at pagkalapit ng pagsilang, ito ay pinapayagan sa kundisyon na sa paglalaglag na iyon ay walang pinsala sa ina at hindi mangangailangan ang proseso ng isang operasyon ngunit kung mangangailangan ito ng isang operasyon, mayroon itong apat na kalagayan:
A. Na ang ina ay buhay at ang dinadalang-tao ay buhay. Hindi pinapayagan ang operasyon malibang dahil sa pagkakailangan dahil hihirap ang panganganak niya kaya mangangailangan siya ng isang operasyon. Iyon ay dahil ang katawan ay isang ipinagkatiwalang bagay sa tao kaya hindi magsasagawa rito ng anumang kinatatakutan para rito [ang pinsala] malibang dahil sa isang pinakamalaking kapakanan dahil marahil ipinagpapalagay na walang kapinsalaan sa operasyon para mangyari ang pinsala.
B. Na ang ina ay namatay at ang dinadalang-tao ay namatay. Hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng operasyon para sa pagpapalabas nito dahil sa kawalan ng katuturan.
C. Na ang ina ay buhay at ang dinadalang-tao ay namatay. Pinapayagan ang pagsasagawa ng operasyon para sa pagpapalabas nito – maliban kung kinatatakutan ang pinsala sa ina – dahil ang hayag – at si Allāh ay higit na nakaaalam – ay ang dinadalang-tao, kapag namatay, ay hindi halos nakalalabas nang walang operasyon, kaya ang pananatili nito sa tiyan ng ina nito ay makapipigil sa pagdadalang-tao sa hinaharap at magiging mahirap ito para sa kanya at marahil mananatili siyang balo kapag siya ay nagsasagawa ng `iddah para sa isang naunang asawa.
D. Na ang ina ay namatay at ang dinadalang-tao ay buhay. Kung hindi maaasahang mabuhay ang sanggol, hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng operasyon.
Kung maaasahang mabuhay ang sanggol saka nakalabas na ang isang bahagi nito, bibiyakin ang tiyan ng ina para ilabas ang natitirang bahagi nito. Kung hindi nakalabas mula sa sanggol ang anuman, may nagsabi nga na mga kapwa naming [faqīh] (kaawaan sila ni Allāh): "Hindi bibiyakin ang tiyan ng ina para ilabas ang sanggol dahil iyon ay isang pagluray." Ang tama ay na bibiyakin ang tiyan kung hindi mangyayari ang pagpapalabas niyon nang walang pagbiyak. Ito ay ang pinili ni Ibnu Hubayrah, na nagsabi sa aklat na Al-Inṣāf na ito ay pinakamarapat. Lalo na sa panahon nating ito, tunay na ang pagsasagawa ng operasyon ay hindi isang pagluray dahil binibiyak ang tiyan pagkatapos tinatahi naman ito, dahil ang kahalagahan ng buhay ay higit na dakila kaysa sa kahalagahan ng patay,.at dahil ang pagsagip sa walang-sala mula sa kapahamakan ay kinakailangan at ang dinadalang-tao ay walang-sala kaya kinakailangan ang pagsagip dito. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
Abiso: Sa mga kalagayan na pinapayagan ang paglalaglag ng dinadalang-tao ayon sa naunang nabanggit, kinakailangan ng pahintulot kaugnay roon mula sa ama ng dinadalang-tao gaya ng asawa.
Hanggang dito nagwakas ang ninais natin na isulat hinggil sa mahalagang paksang ito. Nagkasya nga tayo rito sa mga pangunahin sa mga usapin at mga tuntunin ng mga ito. Dahil kung hindi, ang mga sangay ng mga ito, ang mga baha-bahagi ng mga ito, at ang nangyayari sa mga babae mula roon ay singlawak ng dagat na walang baybayin. Subalit ang nakatatalos ay makakakaya na makapag-ugnay ng mga sangay na usapin sa mga pangunahing usapin ng mga ito at ng mga baha-bahagi ng mga ito sa mga kabuuan ng mga ito at mga tuntunin ng mga ito, at makakakaya na mag-analohiya ng mga usapin sa mga katapat ng mga ito. Alamin ng muftī na siya ay isang tagapagitna sa pagitan ni Allāh at ng mga nilikha Nito sa pagpapaabot ng inihatid ng mga sugo Nito at paglilinaw Nito sa nilikha, at na siya ay tatanungin tungkol sa nasaad sa Qur'ān at Sunnah sapagkat tunay na ang mga ito ay ang mga pinagkukunan ng katuruan na inatangan ang tao ng tungkulin ng pag-intindi sa mga ito at paggawa ayon sa mga ito. Ang bawat sumalungat sa Qur'ān at Sunnah ay mali, na kinakailangang itulak sa tagapagsabi nito at hindi pinapayagan ang paggawa ayon dito. Kung ang tagapagsabi nito ay isang napapaumanhinang mujtahid, pabubuyaan siya sa pagsisikap niyang matanto ang kahatulan subalit ang iba sa kanya na nakaaalam sa mali niya ay hindi pinapayagan na tumanggap nito.
Kinakailangan sa muftī na magpakawagas ng layunin kay Allāh. Magpatulong siya kay Allāh sa bawat pangyayaring nagaganap sa kanya at humiling kay Allāh ng katatagan at pagtutuon sa tama.
Kinakailangan sa muftī na ang pokus ng pagsasaalang-alang niya ay ang nasaad sa Qur'ān at Sunnah. Kaya naman magmamasid siya at magsasaliksik doon o sa anumang ipantutulong niya mula sa pananalita ng mga may kaalaman sa pag-intindi sa mga ito.
Tunay na madalas na may mangyaring isang usaping kabilang sa mga usapin saka magsasaliksik tungkol dito ang tao ayon sa makakaya niya gaya ng pakikipag-usap sa mga may alam, pagkatapos hindi siya makatatagpo ng magpapanatag sa kanya kaugnay sa hatol niyon at marahil hindi makatatagpo para rito ng isang pagbanggit sa kalahatan. Kapag naman sumangguni siya sa Qur'ān at Sunnah, lilinaw sa kanya ang hatol ng dalawang ito nang malapit na hayag sa pag-unawa. Iyon ay alinsunod sa pagpapakawagas, kaalaman, at pag-intindi.
Kinakailangan sa muftī na magdahan-dahan sa paghatol sa sandali ng pagsusuliranin at na hindi magmadali sapagkat kay rami ng hatol na minadali, pagkatapos luminaw sa kanya matapos ng malapitang pagmamasid na siya ay nagkamali pala roon, kaya magsisisi siya dahil doon at marahil hindi na niya kayang bawiin ang inihusga niya.
Ang muftī, kapag nakaalam ang mga tao mula sa kanya ng paghihinay-hinay at pagsisiyasat, magtitiwala sila sa sabi niya at magsasaalang-alang dito. Kapag naman nakakita sila sa kanya na nagmamadali – at ang nagmamadali ay madalas ang pagkakamali – hindi sila magkakaroon ng tiwala sa inihuhusga niya. Kaya dahil sa pagmamadali niya at pagkakamali niya, nagkait nga siya sa sarili niya at nagkait nga siya sa iba sa kanya ng taglay niya na kaalaman at pagkatama.
Humihiling tayo kay Allāh (napakataas Siya) na magpatnubay Siya sa atin at sa mga kapatid natin na mga Muslim sa landasin Niyang tuwid at na tumangkilik Siya sa atin sa pamamagitan ng pangangalaga Niya at mag-ingat Siya sa atin laban sa mga lindol sa pamamagitan ng pag-aaruga Niya; tunay na Siya ay Galanteng Mapagbigay. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad at ang mag-anak nito at mga Kasamahan nito nang lahatan. Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa pamamagitan ng biyaya Niya nalulubos ang mga maayos na gawain.
Natapos sa pamamagitan ng panulat ng nangangailangan kay Allāh na si
Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn,
noong umaga ng araw ng Biyernes,
14 ng Sha`bān, taong 1392 H (22 ng Septiyembre, 1972).
*
Index
Isang Mensahe Hinggil sa mga Pagdurugong Likas sa mga Babae. 2
Ang Unang Kabanata: Hinggil sa Kahulugan ng Regla at Kasanhian Nito 6
Ang Ikalawang Kabanata: Hinggil sa Panahon ng Regla at Yugto Nito 7
Ang Ikatlong Kabanata: Hinggil sa mga Abnormalidad sa Regla. 15
Ang Ikaapat na Kabanata: Hinggil sa mga patakaran sa regla. 20
Ang Ikalimang Kabanata: Hinggil sa Istiḥāḍah at mga Patakaran Nito 35
Ang Ikaanim na Kabanata: Hinggil sa Nifās at mga Patakaran Nito. 43
Ang Ikapitong Kabanata: Hinggil sa Paggamit ng Pumipigil sa Regla o Nagdudulot Nito at ng Pumipigil sa Pagbubuntis o Nagpapalaglag Nito. 48