Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus

Pag-akda : Bilal Philips

Pagsalin:

Pagsusuri: Salamuddin Casim

Maikling buod

Isang munting aklat na nagpapahayag ng tunay na mensahe ni Cristo Jesus; pinatutunayan ang pagkatao ni Jesus at kailanman ay hindi maaaring maging Panginoon, matutunghayan sa aklat na ito kung ano ang katotohanan patungkol sa mga bersikulo ng bilbliya na madalas ginagamit ng mga Kristyano upang patunayan na si Jesus ay Diyos at sa huling bahagi nito ay ang paliwanag tungkol sa tunay na daan at katuruan ni Cristo.

Download
Ipadala ang kumento sa opisyal ng Webmaster

Mga detalye

 Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus

                Bilal Philips      

 Panimula                                                                          

Si Cristo Jesus ay kumakatawan sa panlahat na kawing sa pagitan ng dalawang relihiyon na may pinakamaraming kaanib sa mundo sa ngayon, ang Kristiyanismo at ang Islam. Ang sumusunod na pag-aaral sa mensahe ni Jesus at sa persona niya ay nakabatay sa kawing na ito. Inaasam na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay lalong mauunawaan ng mga Muslim at mga Kristiyano ang katuturan ni Jesus at ang kahalagahan ng kanyang mensahe.

Ngunit upang makilala natin nang tumpak ang totoong mensahe ni Cristo Jesus, ang isang malayang pananaw ay kailangang panatilihin sa buong yugto ng pananaliksik natin. Hindi natin dapat pahintulutan ang mga emosyon natin na magpalabo sa ating pananaw at sa gayon ay bubulagin tayo sa katotohanan. Kailangang tingnan natin nang makatuwiran ang lahat ng mga usapin at ihiwalay ang katotohanan sa kabulaanan, sa tulong ng Makapangyarihang Diyos.

Kapag pagmamasdan natin ang sari-saring uri ng mga huwad na relihiyon at mga lihis na paniniwala sa lahat ng dako ng mundo, at ang kasigasigan na inuukol ng mga tagasunod ng mga ito sa pagtataguyod sa mga paniniwalang ito, magiging ganap na malinaw na hindi nagawang matagpuan ng mga taong ito ang katotohanan dahil sa bulag nilang pagtitiwala sa mga paniniwala nila. Ang mahigpit nilang pagsunod ay kadalasang hindi nakabatay sa isang matalinong pagkaunawa sa mga katuruan, bagkus ay sa

makapangyarihang mga impluwensiya ng kultura o emosyon. Dahil pinalaki sila sa isang partikular na pamilya o lipunan, mahigpit silang kumakapit sa mga paniniwala ng lipunang iyon, sa paniniwalang kinakatigan nila ang katotohanan.

Ang tanging paraan upang harinawa’y masumpungan natin ang katotohanan hinggil sa anumang bagay ay ang lapitan ito nang maayos at makatuwiran. Una, titimbangin natin ang patunay at hahatulan natin ito sa pamamagitan ng katalinuhang ibinigay sa atin ng Diyos. Sa materyal na mundo, ang katalinuhan ang pangunahing nagtatangi sa atin sa mga hayop na kumikilos lamang ayon sa katutubong gawi. Matapos matiyak kung ano ang tunay na katotohanan, kailangan na nating ipagkatiwala rito nang madamdamin ang ating mga sarili. Opo, mayroong puwang para sa madamdaming pagtitiwala, subalit ang madamdaming pagtitiwala ay kailangang susunod sa pinangatwiranang pagkaunawa sa mga usapin. Ang madamdaming pagtitiwala ay napakahalaga sapagkat ito ay isang patunay ng totoong pagkaunawa. Kapag nauunawaan na nang ganap at wasto ng isang tao ang katotohanan ng mga usapin, handa na siya sa isip at diwa na masiglang itaguyod ang katotohanang iyon.

Mula sa pangkaisipan at pag-espirituwal na pananaw na ito, ang paksa ng mensahe ni Jesus at ang kaugnayan niya sa mga naghahangad na sumunod sa Diyos ay aanalisahin sa sumusunod na mga pahina.

Dr. Bilal Philips Saudi Arabia, 1989

Unang Kabanata: Ang mga Kasulatan

Ang paksang Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: 1. Ang Mensahe at 2. Ang Pagkatao ni Cristo Jesus. Ang bawat isa ay hindi maiiihiwalay sa isa’t isa. Upang maunawaan ang mensahe ni Jesus, kailangang malaman natin kung sino siya. Ngunit upang maunawaan natin kung sino siya, kinakailangan ding makilala at mawatasan ang kanyang mensahe.

May dalawang posibleng paraan na maaaring magamit

upang masiyasat ang pagkakakilanlan ni Cristo Jesus at ang nilalaman ng mensahe niya. Ang una ay ibinatay sa tala ng kasaysaysan na isinulat ng mga makabagong mananalaysay mula sa mga nasusulat at mga labi (relic) sa panahong iyon, at ang ikalawa ay nakabatay sa mga ulat na napaloloob sa inihayag na mga Kasulatan.

Sa katotohanan, mayroong napakakaunting katibayan batay sa kasaysayan na magagamit upang magpabatid sa atin hinggil sa kung sino si Cristo Jesus o upang matiyak kung ano ang mensahe niya. Ang opisyal na mga dokumento ng kasaysayan ng panahong iyon ay halos hindi naglalaman ng tala tungkol kay Jesus. Ang isang iskolar ng Bibliya, si

R. T. France, ay sumulat na, “Walang pang-unang siglong

inskripsiyon na bumanggit sa kanya at walang bagay o gusali na nananatili na may tiyak na kaugnayan sa kanya.”1

Ang katotohanang ito ay nagsilbing-daan pa nga sa ilang mga Kanluraning mananalaysay upang magpahayag nang mali na si Cristo Jesus ay hindi naman talaga umiral. Samakatuwid, ang pagsasaliksik ay kailangang nakabatay una sa mga kasulatan na tumatalakay sa pagkatao at misyon ni Cristo Jesus. Ang mga kasulatan na tinutukoy ay yaong mga opisyal na kinikilala ng Kristiyanismo at Islam. Gayon pa man, upang tumpak na masuri ang mga impormasyon na napaloob sa mga tekstong panrelihiyong ito, napakahalaga na tiyakin muna ang katumpakan ng mga ito. Ang mga ito ba ay mapanananaligang mga pinagkukunan ng nasusulat na katibayan, o mga kuwento at mga alamat na gawa-gawa ng tao, o paghahalo ng dalawa? Ang Matanda at Bagong Tipan ng Bibliya ba ay mga kasulatang ipinahayag ng Diyos? Ang Qur’an ba ay mapaniniwalaan?

Para ang Bibliya at ang Qur’an ay maging tunay na salita ng Diyos, ang mga ito ay kailangang hindi maglaman ng di-maipaliwanag na mga pagkakasalungatan, at hindi dapat magkaroon ng pag-aalinlangan hinggil sa nilalaman ng mga ito o hinggil sa kung sino ang may-akda ng mga ito. Kapag nagkagayon nga, ang nakasulat na napaloloob sa Matanda at Bagong Tipan at sa Qur’an ay maaari nang maituring na mapanananaligang mga pinagkukunan ng

1  Time, December 18, 1995, p. 46.

impormasyon tungkol sa mensahe at persona ni Cristo Jesus.

Ang Mapaniniwalaang mga Kasulatan

Naisadokumento na ng maraming iskolar mula sa sari- saring sangay at sekta ng Kristiyanismo na ang marami sa naisulat sa Bibliya ay mapag-aalinlanganan ang pagkatotoo.

Sa paunang salita ng The Myth of God Incarnate (Ang Alamat ng Diyos na Nagkatawang-tao), ang patnugot ay nagsulat ng sumusunod: “Noong ikalabingsiyam na siglo, ang Kanluraning Kristiyanismo ay gumawa ng dalawang pangunahing bagong pag-aakma sa pagtugon sa mahalagang mga paglaki ng kaalaman ng tao: tinanggap nito na ang tao ay bahagi ng kalikasan at lumitaw sa loob ng ebolusyon ng mga anyo ng buhay na nasa daigdig na ito; at tinanggap nito na ang mga aklat ng Bibliya ay isinulat ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang mga katayuan, at hindi maaaring mapagkalooban ng literal na pangdiyos na awtoridad.”2

Sa pandaigdigang magasin ng mga balita, Newsweek,3 na

naglathala ng isang artikulong pinamagatang ‘O Lord, Who Wrote Thy Prayer?,’ may isang pangkat ng mga teologo mula sa mga pangunahing sektang Protestante kasama ng mga kilalang Romano Katolikong iskolar ng Bibliya sa Estados Unidos, matapos ang isang masusing pagsisiyasat

2  The Myth of God Incarnate, p. ix. Ang pagbibigay-diin ay idinagdag.

3  October 31, 1988, p. 44.

sa mga pinakaunang manuskrito ng Bagong Tipan, na nagbigay ng konklusyon na ang mga salita lamang sa ‘Panalangin ng Panginoon’4 na maipagpapalagay nang tumpak na nagmula Cristo Jesus ay “ama.” Kaya, ayon sa mga dalubhasang iskolar na ito ng iglesya, ang lahat ng mga salitang sumunod pagkatapos ng panimulang parirala na “Ama namin” ng pinakapangunahing panalanging Kristiyano ay idinagdag, ilang siglo ang nakaraan, ng mga eskriba ng iglesya na kumopya sa naunang mga manuskrito ng mga Ebanghelyo.5 Sinipi pa ng ﷻ‬.S. News & World Report ang pangkat ng mga iskolar na nagsabing mahigit sa 80 porsiyento ng mga salitang ipinagpapalagay na nagmula kay Jesus na nasaad sa mga Ebanghelyo ay maaaring apocryphal.6 Napabibilang na roon ang talumpating pang-Eukaristiya7 ni Jesus sa Banal na Hapunan (Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan...) at ang bawat salita na sinasabing binigkas daw niya habang nasa krus.8

4  Lucas 11:2 at Mateo 6:9-10.

5  Ang salitang ‘ebanghelyo’ ay hango sa Espanyol na evangelio, na isang pagkakasalin ng Latin na evangelium at ng Griego na euangelion, na

nangangahulugang “mabuting balita” o “mabuting salaysay.”

6  Apocryphal: malamang na hindi tunay; hindi totoo o inembento.

(Oxford Advanced Learner’s Dictionary, p. 45.)

7  Ang Eukaristiya (Eucharist) ay ang tinapay at ang alak na tinatanggap sa seremonyang Kristiyano na batay sa huling hapunan ni Cristo. (Oxford Advanced Learner’s Dictionary, p. 45.)

8  July 1, 1991, p. 57.

Si Dr. J. K. Elliott ng Department of Theological and Religious Studies sa Leeds University ay sumulat ng isang artikulo na inilathala sa The Times, London (Sept. 10, 1987) na pinamagatang “Checking the Bible’s Roots” (Pagsisiyasat sa mga Ugat ng Bibliya). Dito ay nagpahayag siya na: “Mahigit sa 5,000 manuskrito ang naglalaman ng kabuuan o bahagi ng Bagong Tipan sa orihinal na wika nito. Ang mga ito ay may petsa na mula sa ikalawang siglo hanggang sa pagkaimbento ng pag-iimprenta. Tinataya na walang dalawang [manuskrito na] nagkakatugma sa lahat ng detalye. Hindi maiiwasan na ang lahat ng kasulatan na isinulat-kamay ay malamang na maglaman ng mga hindi sinasadyang pagkakamali sa pagkokopya. Gayon pa man, sa mga umiiral na akdang teolohikal, hindi kataka- taka na ang sinasadyang mga pagpapalit ay ipinapasok upang iwasan o baguhin ang mga pahayag na nakita ng eskriba na may-diperensiya. Mayroong pagkahilig din ang mga eskriba na magdagdag ng maikling paliwanag. Ang sinasadyang mga pagpapalit ay malamang na naipasok na sa maagang yugto bago napagtibay ang pagiging canonical9 ng katayuan ng Bagong Tipan.”

Nagpatuloy pa ang may-akda sa pagpapaliwanag na “walang isang manuskrito na naglalaman ng orihinal na di- nabagong teksto sa kabuuan nito,” at na “hindi makapipili

9  Ang isang aklat ay sinasabing canonical kung kabilang ito sa canon. Ang canon ay ang opisyal na tala na tinatanggap bilang Banal ng Kasulatan. (Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary.)

sa isa man sa mga manuskritong ito at aasahan nang tangi ito na para bagang naglalaman ito ng monopolyo ng orihinal na mga salita ng orihinal na mga may-akda.”

Sinabi pa niya: “Kung may isang mangangatuwiran pa na ang orihinal na teksto ay nanatili sa kung saan man sa libo-libong natitirang mga manuskrito, kung gayon ay mapipilitan siya na basahin ang lahat ng manuskritong ito, na pagtipun-tipunin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga iyon sa sistematikong paraan, at pagkatapos ay na tatayain nang isa-isa ang bawat pagkakaiba kung aling mga manuskrito ang nagtataglay ng orihinal [na teksto] at kung alin ang teksto na sekondaryo. Ang gayong tanawin ay nagpapahina ng loob ng maraming iskolar ng Bibliya na nagkasya na sa pag-asa sa naimprentang mga teksto noong maaga-agang panahon, na ang katibayan ng kakaunting tinangkilik na mga manuskrito lamang ang ginamit sa mga ito. Kahit na ang maraming kamakailan naimprenta na edisyon ng Griego na Bagong Tipan at ang makabagong mga salin batay sa mga ito ay kadalasang sumusunod sa nakagawiang ito ng pagbuo ng kanilang teksto batay sa limitadong basehan na malabong maging lubos na orihinal.”

Ang mga Bersiyon ng Bibliya sa Ingles

Sa panimulang salita ng pinakamalawakang ginagamit na bersiyon ng Bibliya, ang Revised Standard Version, sinulat ng mga tagapagsalin ang mga sumusunod:

“Ang Revised Standard Version ng Bibliya ay isang awtorisadong bersiyon ng American Standard Version, na

inilathala noong 1901, na isang rebisyon ng King James Version, na inilathala noong 1611...

Ang King James Version ay nangailangangan na makipagpaligsahan sa Geneva Bible (1560) sa paggamit ng madla; subalit bandang huli ay nanaig ito, at sa mahigit sa dalawa at kalahating siglo ay wala nang iba pang awtorisadong salin ng Bibliya sa Ingles ang ginawa. Ang King James Version ay naging “Authorized Version” ng mga bansang nagsasalita ng Ingles...Gayon pa man, ang King James Version ay mayroong malubhang mga kasiraan. Sa kalagitnaan ng ikalabingsiyam na siglo, ang pag-unlad ng mga pag-aaral sa Bibliya at ang pagkatuklas sa maraming manuskrito na higit na matanda kaysa mga pinagbatayan ng King James Version ay nagpalitaw na ang mga kasiraang ito ay lubhang marami at lubhang malala anupa’t nananawagan na para sa pagrerebisa sa salin na Ingles. Ang gawain ay isinagawa, sa bisa ng awtoridad ng Iglesya ng Inglatera, noong 1870. Ang English Revised Version ng Bibliya ay inilathala noong 1881-1885; at ang American Version, ang isa pang anyo nito na kumakatawan sa mga pagtangi ng mga iskolar na Amerikano na nakilahok sa gawain, ay nailathala noong 1901.”10

“Ang King James Version na Bagong Tipan ay

ibinatay sa isang tekstong Griego na pininsala ng mga kamalian, na naglalaman ng natipong mga pagkakamali

10  The Holy Bible: Revised Standard Version, p. iii.

ng labing-apat na siglong pagkokopya ng manuskrito. Ito talaga ay ang tekstong Griego ng Bagong Tipan ayon sa pagsasaayos ni Beza, 1589, na malapit na sumunod sa inilathala ni Erasmus, 1516-1535, batay sa iilang mga manuskritong medieval.11 Ang pinakauna at pinakamainam sa walong manuskrito na sinangguni ni Erasmus ay mula sa ikasampung siglo, at ginamit niya ito nang pinakakaunti sapagkat higit na naiiiba ito sa karaniwang natanggap na teksto; si Beza ay mayr daan sa dalawang manuskritong may malaking kahalagahan, na nagmula sa ikalima at ikalimang siglo, subalit ginamit niya ang mga ito nang napakadalang sapagkat ang mga ito ay naiiba sa tekstong inilathala ni Erasmus.”12

“...Ang American Standard Version ay binigyan ng copyright upang mapangalagaan ang teksto laban sa hindi awtorisadong mga pagbabago. Noong 1928 ang copyright na ito ay nakamit ng International Council of Religious Education, at sa gayon ay nailipat sa pagmamay-ari ng mga iglesya ng Estados Unidos at Canada na kaaugnay sa Council na ito sa pamamagitan ng kanilang mga lupon ng edukasyon at publikasyon. Humirang ang Council ng isang komite ng mga iskolar na may pananagutan sa teksto ng American Standard Version at na magsasagawa

11  Manuskritong nasulat noong Middle Ages o Kalagitnaang mga Panahon at iyon ang panahon sa pagitan ng 500 AD hanggang sa 1500

AD.

12  Ibid., p. v.

ng pag-uusisa kung ang karagdagang rebisyon ay kinakailangan... [Pagkalipas ng dalawang taon] ang pasiya ay naabot na mayroong pangangailangan sa isang puspusang rebisyon ng bersiyon ng 1901, na mananatiling malapit sa tradisyon ng Tyndale-King James hangga’t makakaya...Noong 1937, ang rebisyon ay pinahintulutan ng botohan ng Council.”13

“Tatlumpu’t dalawang iskolar ang nagsilbing mga kaanib ng Komite na itinalaga sa paggawa ng rebisyon, at nakuha nila ang pagsusuri at payo ng Lupong Tagapayo ng limampung kinatawan ng nagtutulungang mga denominasyon…Ang Revised Standard Version ng Bagong Tipan ay inilathala noong 1946.”14 “Ang Revised Standard Version ng Bibliya, na naglalaman ng Matanda at Bagong Tipan, ay inilathala noong Setyembre 30, 1952, at sinalubong ng malawak na pagtanggap.”15

Sa Revised Standard Version ng Bibliya, ang ilang mahahalagang mga bersikulo mula sa King James Version ng Matanda at Bagong Tipan, na napagpasiyahan ng mga iskolar sa Bibliya na idinagdag noong mga huling siglo, ay inalis sa teksto at inilagay sa mga talibaba. Halimbawa, ang bantog na sipi sa Ebanghelyo ni Juan 8:7 tungkol sa isang babaing nangalunya, na napipintong nang batuhin. Si Jesus diumano ay nagsabi: “ Ang walang kasalanan sa

13  The Holy Bible: Revised Standard Version, p. iii-iv.

14  Ibid. p. iv.

15  Ibid. p. iv.

inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.” Ang mga talibaba ng Revised Standard Version ng Bibliya (1952) ay nagpapahayag na “Kinaligtaan ng pinakamatandang mga authority16 ang [Juan:] 7:53-8:11.”17 Yamang ang Vatican manuscript no. 1209 at ang Sinaitic manuscript codex mula sa ika-4 na siglo ay hindi naglalaman ng labindalawang bersikulong ito, napaghulo ng mga iskolar sa Bibliya na ang mga salitang ito ay hindi maaaring ituring na sinabi ni Jesus. Ang isa pang halimbawa ay ang sipi na itinuturing na sinabi ni Jesus at ginagamit bilang patunay ng pagtukoy sa Trinidad sa mga Kasulatan. Sa I Juan 5:7, si Jesus daw ay nagsabi: “ For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.” 18 [Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang, Anak, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay nagkakaisa.]19 Ang

16  authority: pinagkukunan ng tamang impormasyon o mapaniniwalaang sanggunian. Leo James English C. Ss. R., English- Tagalog Dictionary,

17  Ang mga sipi ng Bibliya na ginamit dito ay mula sa Ang Biblia ng Philippine Bible Society, maliban sa ilang sipi. Ang Tagapagsalin.

18  Holy Bible: (King James Version)

19  Pinanatili ang pagkakasipi mula sa wikang Ingles mula sa King James Version at isinalin ito sa Tagalog sapagkat ang nasasaad sa

dalawang bersiyon ng Bibliyang Tagalog na pinagsasanggunian ay may malaking kaibahan sa nasasaad sa KJV. Halimbawa, ganito ang nasa I Juan 5:7 ng Ang Biblia: “ At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.” ; at ganito naman ang nasa Magandang Balita Biblia (PBS): “ Tatlo ang nagpapatotoo:” Ang Tagapagsalin.

tanyag na iskolar ng Bibliya na si Benjamin Wilson ay sumulat na ang teksto na ito hinggil sa “nagpapatotoo sa langit” ay hindi napaloloob sa anumang tekstong Griego na nasulat ng higit na maaga kaysa sa ika-15 siglo! Kaya naman sa Revised Standard Version, ang bersikulo na ito ay inalis sa teksto at ni hindi man lamang ginawa bilang isang talibaba.20 Gayon pa man, upang ang bilang ng mga bersikulo sa Revised Standard Version ay mapanatiling katulad ng nasa King James Version, hinati ng mga nagrebisa ang bersikulo 8 sa dalawang bersikulo.21

Ang Ikalawang Edisyon ng salin ng Bagong Tipan (1971) ay nakinabang sa mga pag-aaral sa teksto at ng lingguwistika na inilathala magmula nang ang Bagong Tipan ng Revised Standard Version ay unang inilabas noong 1946.22 Kaya naman ang ilan sa mga bersikulong inalis noong una ay pinanumbalik, at ang ilang mga dating tinatanggap na bersikulo ay inalis. “Ang dalawang sipi, ang higit na mahabang katupasan ng Marcos 16:9-20 at ang sanaysay tungkol sa babaing nahuli sa pangangalunya (Juan 7:53-8:11), ay pinanumbalik sa teksto, na nakahiwalay rito sa pamamagitan ng isang walang laman na puwang at

20  Ganito rin ang ginawa sa dalawang bersiyon ng Bibliya sa Tagalog na ginamit namin, na sinipi sa talibaba bilang 19. Ang Tagapagsalin.

21  Ganito rin ang ginawa sa Ang Biblia (PBS) at Magandang Balita Biblia (PBS): ang I Juan 5:8 ay hinati sa dalawa para maging I Juan 5:7

at 5:8 at ang dating I Juan 5:7, na matatagpuan pa rin hanggang ngayon sa King James Version, ay inalis. Ang Tagapagsalin.

22  The Holy Bible: (King James Version).

nalalakipan ng mga punang nagbibigay-kaalaman...Dahil sa suporta ng bagong manuskrito, ang dalawang sipi, ang Lucas 22:19b-20 at 24:51b, ay pinanumbalik sa teksto; at ang isang sipi, ang Lucas 22:43-44, ay inilagay sa talibaba, gaya ng pararila sa Lucas 12:39.23

Ang May-akda

Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, pati na ang mga may- akda ng mga aklat ng Lumang Tipan at ng mga Ebanghelyo ay mapagdududahan.

 Ang Pentateuch

Ang unang limang aklat ng Bibliya (Pentateuch)24 ay nakaugalian nang ipinagpapalagay na kay Propeta Moises,25 subalit mayroong maraming bersikulo sa loob ng mga aklat na ito na nagpapahiwatig na hindi maaaring isinulat ni Propeta Moises ang bawat nasa loob ng mga ito. Halimbawa, Deuteronomio 34:5-8 ay nagsasabi: “ Sa gayo’y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay

roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon. At

23  Ibid., p. vii.

24  Ang Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang at Deuteronomio.

25  Ang mga Orthodox na Hudyo ay nagsasabi na ang Torah raw, ang pangalan sa Hebreo ng unang limang aklat [ng Bibliya], ay nilikha 974

salinlahi bago nilikha ang mundo. Ayon sa kanila, idinikta ng Diyos ang Torah sa loob ng 40 araw noong si Moises ay nasa Bundok ng Sinai, sa gayong panghuli at di-mapapalitang anyo nito kaya isang pagkakasalang sabihin na si Moises mismo ay may naisulat na isang titik.

kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; ngunit sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito. At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya’y mamatay: ang kaniyang mata’y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina. At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises.” Lubhang maliwanag na may iba pang taong sumulat sa mga bersikulong ito tungkol sa pagkamatay ni Propeta Moises.

Ipinaliwanag ng ilang Kristiyanong iskolar ang mga di- pagkakatugunan na ito sa pamamagitan ng pagmumungkahi na isinulat ni Moises ang kanyang mga aklat, subalit ang sumunod na mga propeta, pati na rin ang kinasihang mga tagasulat, ang gumawa ng mga pagdaragdag na nauna nang nabanggit. Kaya naman, ayon sa kanila, ang teksto, sa kabuuan nito, ay nanatiling kinasihang kasulatan ng Diyos. Gayon man, ang pagpapaliwanag na ito ay hindi nakatayo sa harap ng pagsisiyasat, sapagkat ang istilo at ang mga katangiang pampanitikan ng idinagdag na mga bersikulo ay katulad ng nalalabing mga teksto.

Noong ika-19 siglo, sinimulan ng mga Kristiyonong iskolar ng Bibliya na pagtalunan ang kahulugan ng mga doublet (dalawahan) na lumitaw sa Pentateuch. Ang mga ito ay mga kuwentong lumitaw nang makalawa, sa tuwina ay may magkaibang mga detalye. Kabilang sa mga ito ang

dalawang bersiyon ng paglalang ng mundo, ng tipan sa pagitan ng Diyos at ni Abraham, ng pagpapalit ng Diyos ng pangalan ni Jacob upang maging Israel, at ng pagkuha ni Moises ng tubig sa isang bato.26

Ang mga tagapagtanggol ng pagkamay-akda ni Moises ay nagsabi na ang mga dalawahan ay hindi nagsasalungatan, bagkus ay nakapagtuturo. Ang layunin nila ay ituro sa atin ang tungkol sa higit na malalim, higit na mahiwagang mga kahulugan ng Pentateuch. Gayunpaman, ang pahayag na ito ay kaagad na binale-wala ng mga iskolar na bukas ang isip, na nakapuna, na hindi lamang sa ang ilang sanaysay ay malinaw na nagsasalungatan, kapag din ang mga dalawahan ay ipinaghiwalay sa dalawang magkahiwalay na sanaysay, ang bawat sanaysay ay palagiang gumagamit ng magkaibang pangalan para sa Diyos. Ang isa ay laging tumutukoy sa Diyos bilang Yahweh/Jehovah. Ang kasulatang ito ay tinawag na “J”. Ang ikalawa naman ay laging tumutukoy sa Diyos bilang Elohim, at tinawag na “E”.27 Mayroong sarisaring iba pang pampanitikang mga katangian na nakita na palasak sa isang kasulatan o sa iba. Ang makabagong pangwikang mga pagsusuri, ayon kay Propesor Richard Friedman,28 ay nagpapahiwatig na ang

26  Who Wrote the Bible, p. 54-70.

27  Ang iskolar na Aleman noong huling bahagi ng ika-19 siglo, si Julius Wellhausen, ay ang unang nakabatid sa maraming pinagkunan ng

limang aklat.

28  Si Richard Elliot Friedman ay isang propesor sa University of California at San Diego. Nakamit niya ang kanyang Doctorate sa Hebreo

limang aklat ni Moises ay isang paghahalo ng Hebreo mula sa ikasiyam, ikawalo, ikapito, at ikaanim na siglo BC. Samakatuwid, si Moises, na nabuhay noong ika-13 siglo BC, ay higit na malayo sa Hebreo ng Bibliya kaysa sa layo ni Shakespeare sa Ingles sa ngayon.

Ang karagdagang pag-aaral sa Pentateuch ay humantong sa pagkatuklas na ito ay hindi binuo ng dalawang pinagkunan kundi ng apat. Natuklasan na ang ilang salaysay ay hindi lamang pala dalawahan kundi tatluhan pa. Ang karagdagang pampanitikang mga katangian ay nakilala para sa mga kasulatang ito. Ang ikatlong pinagkunan ay tinawag na “P” (para sa pampari), at ang ikaapat ay tinawag na “D” (para sa Deuteronomio).29

Ang lawak ng di gaanong halatang mga pagdaragdag na ginawa sa orihinal na teksto ay lubhang mahirap na mabaitd. Kaya, ang isang malaking anino ng pagdududa ay nakalukob sa pagkakilanlan ng may-akda ng mga aklat sa kabuuan.

Sa apendise ng Revised Standard Version, na pinamagatang “Books of the Bible,” ang sumusunod ay isinulat hinggil sa pagkakilanlan ng may-akda ng higit sa ikatlong bahagi ng nalalabing mga aklat ng Matandang Tipan:

ng Bibliya sa Harvard University, at siya rin ang may-akda ng kontrobersiyal na aklat, Who Wrote the Bible.

29  The Interpreter’s Dictionary of the Bible, vol. 1, p. 756, at vol. 3, p.

617. Tingnan din ang The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14 p.773-4.

 Mga Aklat

 Mga May-akda

Mga Hukom

Maaaring si Samuel

Ruth

Marahil si Samuel

I Samuel

Hindi Kilala

II Samuel

Hindi Kilala

I Mga Hari

Hindi Kilala

II Mga Hari

Hindi Kilala

I Mga Cronica

Hindi Kilala

Esther

Hindi Kilala

Job

Hindi Kilala

Eclesiastes

Hindi Kilala

Jonas

Hindi Kilala

Malakias

Walang Nalalaman

 Apocrypha

Mahigit sa kalahati ng mga Kristiyano sa mundo ay mga Romano Katoliko. Ang bersiyon nila ng Bibliya [na Ingles] ay inilathala noong 1582 mula sa Latina Vulgata ni Jerome, at muling inilathala sa Douay noong 1609. Ang Matandang Tipan ng RCV (Roman Catholic Version) ay naglalaman ng karagdagang pitong aklat na higit kaysa sa King James Version na kinikilala ng mga Protestante. Ang karagdagang mga aklat ay tinataguriang apocrypha (nakapagdududang awtoridad) at inalis sa Bibliya noong 1611 ng mga iskolar na Protestante ng Bibliya.

 Ang mga Ebanghelyo

Aramaic ang wikang sinasalita noon ng mga Hudyo sa Palestina. Kaya pinaniniwalaang si Jesus at ang mga disipulo niya ay nagsalita at nagturo sa Aramaic.30 Ang pinakaunang sinasalitang tradisyon hinggil sa mga ginawa at mga sinabi ni Jesus ay walang dudang ipinalaganap sa Aramaic. Subalit ang apat na Ebanghelyo ay naisulat sa salitang ganap na naiiba, ang palasak na Griego, ang wikang sinasalita ng mundong sibilisado ng Mediterraneo,31 para maglingkod sa karamihan sa Iglesya na naging Hellenistico (nagsasalita ng Griego) sa halip na Palestino. May mga bakas pa ng Aramaic na natira sa mga Ebanghelyong Griego. Halimbawa, sa Marcos 5:41: “ At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa kaniya, Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.” at sa Marcos 15:34: “ At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na

30  Ang Aramaic ay isang wikang Semito na unti-unting pumalit sa Akkadeo bilang palasak na wika ng Malapit na Silangan noong ika-7 at ika-6 na siglo BC. Bandang huli ito ay naging wikang opisyal ng Emperyo ng Persia. Ang Aramaic ang pumalit sa Hebreo bilang wika ng mga Hudyo; ang ilang bahagi ng mga aklat nina Daniel at Ezra sa Matandang Tipan ay isinulat sa Aramaic, gaya ng mga Talmud ng Babilonia at Jerusalem. Ang yugto ng pinakamalaking impluwensiya nito ay magmula sa 300 BC hanggang sa 650 CE, na pagkatapos niyon ay unti-unting pinalitan ng Arabe. (The New Encyclopedia Britannica, vol. 1, p. 516.)

31  Mga pook sa paligid sa Karagatang Mediterraneo. Ang Tagapagsalin.

tinig: Eloi, Eloi, lama sabachtani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan.” 32

Ang Ebanghelyo ni Marcos sa Bagong Tipan, bagaman itinuturing ng mga iskolar ng Iglesya na pinakamatanda sa mga Ebanghelyo, ay hindi isinulat ng isang disipulo ni Jesus. Nahinuha ng mga iskolar ng Bibliya, batay sa katunayang nasa Ebanghelyo, na si Marcos mismo ay hindi disipulo ni Jesus. Karagdagan pa roon, ayon sa kanila, hindi nga rin tiyak kung sino talaga si Marcos. Ang sinaunang may-akda na Kristiyano, si Eusebius (325 CE), ay nag-ulat na ang isa pang sinaunang may-akda, si Papias (130 CE), ay ang unang nagpalagay na ang Ebanghelyo ay kay Juan Marcos, na isang kasamahan ni Pablo.33 Ang mga iba ay nagmungkahi na maaaring siya ang tagasulat ni Pedro at ang mga iba naman ay nagpapalagay na siya ay maaaring ibang tao pa.

Gayon din ang lagay ng iba pang Ebanghelyo. Bagaman

ang Mateo, Lucas, at Juan ay mga pangalan ng mga disipulo ni Jesus, ang mga may-akda ng mga Ebanghelyong nagtataglay ng mga pangalang ito ay hindi ang mga tanyag na disipulong iyon, kundi ibang mga taong gumamit ng mga pangalan ng mga disipulo upang mabigyan ng kredibilidad ang mga sanaysay nila. Sa katunayan, lahat ng Ebanghelyo

32  Encyclopedia Americana, vol. 3, p. 654.

33  The Gospels, p. 20, at The New Encyclopedia Britannica, vol. 14, p. 824. Para sa mga reperensiya sa sarisaring Marcos sa Bagong Tipan, tingnan ang sumusunod: Mga Gawa 12:12, 25; 13:5; 15:36-41; Mga Taga Colossas 4:10; II Timoteo 4:11; Filemon 24; at I Pedro 5:13.

ay lumaganap noong una nang walang nakasaad na pangalan ng may-akda. Ang kinikilalang mga pangalan ay ikinapit na bandang huli sa mga ito ng mga hindi kilalang tao sa sinaunang iglesya.34

Mga Aklat

Mga May-akda

Ebanghelyo ni Mateo

Hindi Kilala35

Ebanghelyo ni Marcos

Hindi Kilala36

Ebanghelyo ni Lucas

Hindi Kilala37

Ebanghelyo ni Juan

Hindi Kilala38

Mga Gawa

Ang May-akda ng Lucas39

I, II, III Juan

Ang May-akda ng Juan40

Si J.B. Phillips, isang prebendary41 ng Katedral ng Chichester ng Iglesya Angglicano ng Inglatera, ay sumulat ng

34  The Five Gospels, p. 20.

35  “Bagaman mayroong isang Mateo na tinatawag sa sarisaring tala ng mga disipulo ni Jesus…ang sumulat ng Mateo ay maaaring hindi

kilala.” The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 826.

36  “Bagaman ang may-akda ng Marcos ay maaaring hindi kilala…” The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 824.

37  “Ang Muratorian Canon ay tumutukoy kay Lucas, ang manggamot, na kasamahan ni Pablo; inilarawan ni Iranaeus si Lucas na isang

tagasunod ng ebanghelyo ni Pablo upang mabigyan ang Ebanghelyo ng apostolikong awtoridad.” The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14,

p. 827.

38  “Mula sa katunayan na panloob ang Ebanghelyo ay isinulat ng isang minamahal na disipulo na di-alam ang pangalan.” The New

Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 828.

39  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 14, p. 830.

40  Ibid., vol. 14, p. 844.

sumusunod na paunang salita para sa kanyang salin ng Ebanghelyo ayon kay San Mateo: “Ang naunang tradisyon ay nagpalagay na ang Ebanghelyo ay kay apostol Mateo, ngunit ang mga iskolar sa ngayon ay halos lahat tumatanggi sa pananaw na ito. Ang may-akda, na makabubuting tawagin nating Mateo, ay maliwanag na kumuha sa mahiwagang “Q”42 na maaaring isang kalipunan ng mga sinasalaysay na

41  Isang paring tumatanggap ng suweldo mula sa kinita ng isang iglesya, lalo na sa isang katedral. (Oxford Advanced Learner’s Dictionary, p. 973.)

42   May mga dalawang daang magkatulad na bersikulo na matatagpuan sa Mateo at Lucas (halimbawa: Mateo 3:7-10 & Lucas 3:7-9; Mateo

18:10-14 & Lucas 15:3-7), na walang katumbas sa Marcos o Juan. Bilang isang paraan ng pagpapaliwanag sa kapansin-pansing pagkakaayon, nahaka ng iskolar na Aleman na may umiiral noon na isang kasulatang pinagkunan (source), na tinagurian niya na Quelle (Aleman ng “pinagkunan”). Ang daglat na “Q” ay ginamit bandang huli bilang pangalan nito.

Ang pagkakaroon ng Q ay minsang pinag-alinlanganan ng ilang iskolar dahil ang ebanghelyo ng kawikaan ay hindi talaga ebanghelyo. Ang mga nag-aalinlangan ay nangatuwirang hindi nagkaroon ng mga sinaunang [sanaysay na] kaparis ng nasa isang ebanghelyo na naglalaman lamang ng mga kawikaan at mga talinghaga at nagkukulang sa mga kuwento hinggil kay Jesus, lalo na ang kuwento hinggil sa paglilitis sa kanya at sa kamatayan niya. Ang pagkatuklas sa Ebanghelyo ni Tomas ay nagpabago sa lahat ng iyon. (The Five Gospels, p. 12.) Naglalaman ang Tomas ng 114 kawikaan at talinghaga na ipinagpapalagay na kay Jesus; wala itong balangkas ng pagsasalaysay: walang sanaysay tungkol sa mga pagpapalayas ni Jesus sa mga masamang espiritu, mga panggagamot niya, paglilitis sa kanya, kamatayan niya at pagkabuhay na muli; walang mga kuwento tungkol

tradisyon. Malaya niyang ginamit ang Ebanghelyo ni Marcos, bagaman muli niyang isinaayos ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari at sa ilang pagkakakataon ay gumamit ng ibang mga salita para sa isang maliwanag na magkatulad na kuwento.43 Ang Ikaapat na Ebanghelyo (Juan) ay kinalaban ng sinaunang Iglesya dahil heretical,44 at wala itong nalalaman sa mga kuwentong kaugnay kay Juan na anak ni Zebede.45 Sa palagay ng maraming iskolar, ito ay isinulat ng isang “pangkat” ng mga disipulo, marahil sa Siria noong huling dekada ng unang siglo.46

sa kapanganakan o pagkabata; at walang naiulat na sanaysay tungkol sa pangangaral niya sa mga tao sa Galilea at Judea. Ang salin sa [wikang] Coptic ng kasulatang ito (nasulat mga 350 CE), na natagpuan noong 1945 sa Nag Hammadi sa Ehipto, ay nakatulong sa mga iskolar upang mabatid ang tatlong bahagi ng [manuskritong] Griego (nasulat mga 200

CE), na nauna nang natuklasan, bilang mga piraso ng tatlong magkaibang kopya ng mismong ebanghelyo. Ang Tomas ay may 47 na katapat ng nasa Marcos, 40 katapat ng nasa Q, 13 [katapat ng] nasa Mateo, 4 [katapat ng] nasa Lucas at 5 [katapat ng] nasa Juan. Mga 65 kawikaan o mga bahagi ng mga kawikaan ay natatangi sa Tomas. (The Five Gospels. p. 15).

43  The Gospels in Modern English.

44  Taliwas sa tinatanggap na paniniwala o pamantayan. Ang Tagapagsalin.

45  Magmula noong huling bahagi ng ika-18 siglo, ang unang tatlong Ebanghelyo ay tinatawag nang Ebanghelyong Synoptic dahil ang mga

teksto nito, kapag pinagtabi-tabi, ay magpapakita ng magkahawig na pagtalakay sa buhay at kamatayan ni Cristo Jesus. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 5, p. 379).

46  The Five Gospels, p. 20.

 Ang Mga Pagkakasalungatan

Ang katunayan sa pagiging di-mapananaligan ng marami sa nilalaman ng Bibliya ay matatagpuan din sa maraming pagkakasalungatan sa mga teksto ng Matanda at Bagong Tipan. Ang sumusunod ay iilang halimbawa lamang:

 Ang Matandang Tipan

1.  Nagsalaysay ang mga may-akda ng Samuel at Mga Cronica ng magkatulad na kuwento tungkol kay Propeta David na gumawa ng pagbilang sa mga Israelita. Subalit sa II Samuel, kumilos si Propeta David ayon sa atas ni Diyos, habang sa I Mga Cronica ay kumilos siya ayon sa atas ni Satanas.

II SAMUEL 24:1

Ang Pagbilang

I MGA CRONICA 21:1

Ang Pagbilang

At ang galit ng Panginoon ay At si Satan ay tumayo laban

nag-alab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.

sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.

2. Sa paglalarawan ng tagal ng kagutom na hinulaan ni Gad,47 itinala ng may-akda ng II Samuel na pitong taon

47  “At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na nagsasabi,” I Mga Cronica 21:9. Ayon sa talatang ito, Gad ang pangalan ng tagakita (manghuhula) ni Propeta David.

iyon, samantalang itinala naman ng may-akda ng I Mga Cronica na tatlong taon iyon.

II SAMUEL 24:13

Ang Kagutom

Sa gayo’y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng

I MGA CRONICA 21:11-12

Ang Kagutom

Sa gayo’y naparoon si Gad kay David, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Piliin mo ang iniibig mo: Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan ng pagkalipol sa harap ng iyong mga

iyong mga kaaway kaaway, samantalang ang

samantalang hinahabol ka nila?

tabak ng iyong mga kaaway ay umaabot sa iyo;

3. Sa II Mga Cronica, inilarawan si Joachin na walong taong gulang nang magpasimulang maghari, samantalang sa II Mga Hari ay inilarawang labingwalong taong gulang.

II MGA CRONICA 36:9

Ang Gulang

Si Joachin ay may walong

II MGA HARI 24:8

Ang Gulang

Si Joachin ay may labing

taong gulang nang siya’y walong taon nang siya’y magpasimulang maghari: at magpasimulang maghari; at

siya’y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem: at siya’y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.

siya’y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan: at ang pangalan ng kanyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem.

4. Ang may-akda ng II Samuel ay nagsabing ang bilang ng mga taga Siria na namatay sa pakikidigma kay Propeta David ay mga tao ng pitong daang karo, samantalang ang may-akda naman ng I Mga Cronica ay nagsabing mga tao sa pitong libong karo.

II SAMUEL 10:18

Ang Patay

I MGA CRONICA 19:18

Ang Patay

At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo, at apat na pung libo na nangangabayo, at sinaktan si Sobach na kapitan ng kanilang hukbo, na anopa’t namatay roon.

At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at si David ay pumatay sa mga taga Siria ng mga tao sa pitong libong karo, at apat na pung libong naglalakad, at pinatay si Sophach na pinunong kawal ng hukbo.

Bagamat may mga magsasabing ang pagdadagdag o ang pag-aalis ng isang “1” o isang sero ay hindi napakahalaga, yamang ito ay isang pagkakamali lamang sa pagkopya, hindi ganito ang lagay niyan dito sapagkat isinusulat noon ng mga Hudyo sa salita ang kanilang mga bilang at hindi sila gumagamit ng mga numero.

 Ang Bagong Tipan

Maaari ring makakita sa Bagong Tipan ng katulad na mga pagkakasalungatan. Ang sumusunod ay iilan lamang:

1. Ang mga sanaysay ng Ebanghelyo ay nagkakaiba hinggil sa kung sino ang pumasan ng krus na pinagpakuan daw kay Jesus. Sa Mateo, Marcos at Lucas, iyon ay si Simon na taga Cirene; at sa Juan, iyon ay si Jesus.

LUCAS 23:2648

Ang Krus

At nang siya’y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na naggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

JUAN 19:16-17

Ang Krus

At nang magkagayo’y nga’y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus. Kinuha nga nila si Jesus: at siya’y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo,

2. Matapos ang “pagpapako” kay Jesus, ang mga sanaysay ng Ebanghelyo ay nagkakaiba hinggil sa kung sino ang dumalaw sa libingan niya, kung kailan naganap ang pagdalaw, at kung ano rin ang kalagayan ng libingan nang ito ay dinalaw. Ang mga Ebanghelyo nina Mateo, Lucas at Juan ay nagsabing iyon ay bago sumikat ang araw, samantalang ang Ebanghelyo ni Marcos ay nagsabing iyon ay matapos sumikat ang araw. Sa tatlong Ebanghelyo (Marcos, Lucas at Juan), natagpuan ng mga babae ang pintong bato na naalis na sa libingan; at sa isa naman (sa Mateo) ang libingan ay nakasara hanggang sa may bumaba na isang anghel bago sila dumating at iginulong ito pabalik.

48  Tingnan din ang Mateo 27:32 at Marcos 15:21.

MARCOS 16:1-2

Ang Pagdalaw

At nang makaraan ang Sabath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang sila’y magsiparoon at siya’y pahiran. At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sang-linggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.

JUAN 20:150

Ang Pagdalaw

Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan.

MATEO 28:1-2

Ang Pagdalaw

Nang magtatapos ang araw ng Sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsipa-roon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan. At narito, lumindol ng malakas; sapagka’t bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.

49  Tingnan din ang Lucas 24:1-2.

3.  Ang mga sanaysay sa Bagong Tipan ay nagkakaiba tungkol sa nangyari kay Judas Iscariote at sa salaping natanggap niya sa pagkakanulo kay Jesus. Nasasaad sa Mateo na nagbigti siya, samantalang nasasaad naman sa Mga Gawa na nagpatihulog siya nang patiwarik at namatay.

MATEO 27:3-6

Ang Nangyari kay Judas

Nang magkagayo’y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pag- kakitang siya’y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,…at siya’y yumaon at nagbigti.

MGA GAWA 1:18

Ang Nangyari kay Judas

Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katam-palasanan; at pagpapatihu-log ng patiwarik, ay pumu-tok siya sa gitna, at sumam- bulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.

5. Kapag ang talaangkanan ni Jesus mula kay David ayon sa Mateo 1:6-16 ay ipinaghambing sa ayon sa Lucas 3:23- 31, mayroong malaking mga di-pagkakaayon. Una, si Jesus ayon sa Mateo ay may 26 ninuno sa pagitan niya at ni David, subalit ayon naman sa Lucas, siya ay may 41 ninuno. Ikalawa, ang mga pangalan sa kapwa tala ay sukdulang nagkakaiba pagkatapos ni David, at dalawang pangalan lamang ang magkatulad: Jose at Zorobabel. Ang kapwa tala ay nagsimula kay Jose, na lubhang kataka- taka, bilang ama ni Jesus [dahil hindi niya naman ama si Jose]. Sa Mateo, itinala ng may-akda na ang lolo sa ama ni Jesus ay si Jacob; samantalang sa Lucas naman ay si Heli. Kung tatanggapin ang mungkahi na ang isa sa mga tala ay talaangkanan ni Maria, hindi ito maaaring makapagbigay- dahilan sa anumang pagkakaiba matapos ang kanilang kapwa ninuno na si David. Ang kapwa tala ay nagtagpo muli kay Abraham, at sa pagitan nina David at Abraham ang karamihan sa mga pangalan ay magkatulad. Gayon pa man, sa tala ng Mateo, ang pangalan ng anak ni Hezron ay

Ram, ang ama ni Amminadab, samantalang sa tala naman ni Lucas, ang pangalan ng anak ni Hezron ay Arni, na ang pangalan ng anak ay Admin50 na ama ni Amminadab.51

Kaya sa pagitan nina David at Abraham ay mayroon 12 ninuno ayon sa tala ni Mateo at 13 ayon sa tala ni Lucas.

Ang mga di-pagkakaayon na ito at marami pang ibang tulad ng mga ito sa mga Ebanghelyo ay maliwanag na mga kamalian na naglulukob ng anino ng pagdududa sa pagkatotoo ng mga ito bilang mga kasulatang ipinahayag ng Diyos. Kaya naman, ang karamihan sa Kristiyanong mga iskolar sa ngayon ay nagtuturing sa mga aklat ng Matanda at Bagong Tipan bilang sanaysay ng tao na pinaniniwalaan nilang kinasihan ng Diyos. Subalit, kahit na ang pahayag na ang mga ito ay kinasihan ng Diyos ay mapag-aalinlanganan yamang ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay nagkasi sa mga may-akda na magsulat ng mga kamalian at mga di- pagkakaayon sa Kanyang mga kasulatan.

Matapos mapatunayang ang pagkatotoo ng Matanda at Bagong Tipan ay mapag-aalinlanganan, masasabi nang may katiyakan na ang Bibliya ay hindi maaaring magamit bilang mapananaligang pagkukunan ng reperensiya para

50  Sa tala rin ni Mateo (Revised Standard Version), ang pangalan ng anak ni Nahshon ay Salmon, samantalang sa tala ni Lucas naman, ang pangalan ng anak ni Nahshon ay Sala.

51  Ang mga pangalan na ito ay mula sa Revised Standard Version. Sa King James Version naman at sa mga bersiyong Tagalog ay hindi na

ganito ang makikita. “Inayos” na ng mga tagapagsalin ang di- pagkakaayong nabanggit ng may-akda. Ang Tagapagsalin.

pagtibayin kung sino si Jesus at ano ang nilalaman ng mensahe niya.

 Ang Qur’an

Sa kabilang dako, ang Qur’an—na pinaniniwalaan ng mga Muslim na salita ng Diyos na ipinahayag kay Propeta Muhammad—ay naisulat at naisaulo mula simula hanggang katapusan noong nabubuhay pa ang Propeta mismo.

Sa loob lamang ng isang taon pagkamatay niya, ang unang batayang nakasulat na teksto ay nagawa na.52 At sa loob ng 14 taon pagkamatay niya, may awtorisadong mga kopya (Teksto ni ‘Uthmān) na ginawa mula sa batayang codex53 ang ipinadala sa mga kabisera ng sambayanang Muslim, at ang mga hindi awtorisadong kopya ay sinira.54

Magmula nang yumao ang Propeta noong 632 CE, may dumaraming bilang ng mga tao sa bawat sumusunod na salinlahhi ang nakasaulo ng buong teksto ng Qur’an mula sa simula hanggang sa katapusan. Sa ngayon ay mayroong libo-libong tao sa buong mundo na bumibigkas ng buong Qur’an, sa memorya, sa buwan ng Ramadan taun-taon at sa iba pang mga okasyon.

52  Shorter Encyclopaedia of Islam, p. 278.

53  Isang nakasulat-kamay na aklat ng sinaunang mga teksto.

54  Shorter Encyclopaedia of Islam, p. 279. Tingnan din ang The New Encyclopaedia Britannica, vol. 22, p.8.

Ang isa sa mga pangunahing orientalista,55 si Kenneth Cragg, ay nagsabi ng sumusunod hinggil sa pagsasaulo at pagpapanatili ng teksto ng Qur’an, “Ang pangyayari ng pagbigkas ng Qur’an ay nangangahulugang ang teksto ay bumagtas ng mga siglo ng walang patid na buhay na bunga ng debosyon. Hindi ito maaari, samakatuwid, na ituring na isang bagay na antiquarian,56 ni isang pangkasaysayang dokumento mula sa isang malayong kahapon.”57 Ang isa pang iskolar na orientalista, William Graham, ay nagsulat: “Para sa di-mabilang na milyon-milyong Muslim sa higit sa labing-apat na siglong kasaysayan ng Islam, ang ‘kasulatan,’ al-kitab ay aklat na pinag-aaralan, binabasa at ipinapasa sa pamamagitan ng may-tinig na pag-uulit-ulit at pagsasaulo. Ang nakasulat na Qur’an ay maaaring ‘magtakda’ nang nakikita sa teksto na sinasanggunian ng Makadiyos na Salita sa paraang hindi nalaman ng kasaysayan, ngunit ang pagsinasanggunian ng aklat na Qur’an ay naisasakatuparan lamang sa kabuuan at kaganapan nito kapag binibigkas ito nang tumpak.”58 May isa pa, si John Burton, na nagpahayag: “Ang paraan ng pagpaparating sa Qur’an mula sa isang salinlahi tungo sa

55  Iskolar na nagsasaliksik sa kasaysayan, wika, relihiyon at kultura ng mga bansa sa Asia at Gitnang Silangan. Ang kadalasang may kiling na pag-aaral nila ay halos nakatutok sa Islam at mga Muslim. Ang Tagapagsalin.

56  Isang matanda at bihirang aklat. Ang Tagapagsalin.

57  The Mind of the Qur’an, p. 26.

58  Beyond the Written Word, p. 80.

kasunod sa pamamagitan ng pagpapasaulo sa mga bata ng binibigkas na kaugalian ng mga nakatatanda nila ay nagpahupa kahit paano sa simula pa sa napakasaklap na mga panganib ng tanging pag-asa sa nakasulat na mga kasulatan…”59 Sa katapusan ng makapal na akda hinggil sa pagtitipon ng Qur’an, ipinahayag ni Burton na ang teksto ng Qur’an na taglay ngayon ay “ang tekstong dumating sa atin sa anyo na binuo at inayunan ng Propeta…Ang taglay natin ngayon sa kamay natin ay ang mushaf60 ni Muhammad.”61

 Panunuring Pampanitikan ng Kasulatan

Ang katulad na mga tuntunin ng pag-aanalisa, na ginamit ng mga iskolar ng Bibliya sa mga manuskrito ng Bibliya at naglantad sa mga kasiraan at mga pagpapalit, ay ginamit sa mga manuskrito ng Qur’an na kinalap sa iba’t- ibang lupalop ng mundo. Ang mga matandang manuskrito mula sa Library of Congress sa Washington DC, Chester Beatty Museum sa Dublin sa Ireland, sa London Museum, at pati na rin sa mga Museo sa Tashkent, sa Turkey at sa Egipto, mula sa lahat ng yugto ng kasaysayan ng Islam ay naipaghambing na. Ang resulta ng lahat ng gayong pag- aaral ay nagpatotoo na hindi nagkaroon ng anumang pagbabago sa teksto mula sa orihinal na pagkakasulat nito. Halimbawa, nangalap ang “Institute fur Koranforschung” ng Paamantsan ng Munich, Alemanya, na mahigit 42,000

59  An Introduction to the Hadith, p. 27.

60  Isang terminolohiyang Arabe na ipinantatawag sa teksto ng Qur’an.

61  The Collection of the Qur’an, p. 239-240.

kumpleto at di-kumpletong kopya ng Qur’an at masusing ipinaghambing ang mga ito. Matapos ang mga limampung taon ng pag-aaral, iniulat nila na sa mga usapin ng pagkakaiba sa pagitan ng sarisaring kopya ay walang mga pagkakaiba, maliban sa paminsan-minsang mga pagkakamali ng mga tagakopya, na madali namang matiyak. Ang Institute ay nawasak ng mga bomba ng Amerikano noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.62

 Mga Pagkakasalungatan daw sa Qur’an

Ang Qur’an ay nananatili sa orihinal na wika nito, ang Arabe, at hinahamon ng Qur’an ang mga mambabasa nito sa Kabanata an-Nisā’ (4):82 na maghanap ng mga mali dito, kung hindi sila naniniwalang ito ay mula talaga sa Diyos.

﴿أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلقُرءَانَ وَلَو كَانَ مِن عِندِ غَيرِ ٱللَّهِ لَوَجَدُواْ فِيهِ ٱختِلَفا كَثِيرا﴾

 “Kaya hindi ba nila pinagninilay-nilayan ang Qur’an? Kung ito ay mula sa iba pa kay Allah, talagang naka- sumpong na sana sila rito ng maraming salungatan.”

Ang ilang “tila” salungatan na karaniwang binabanggit ng mga nagtatangka na ibaba ang Qur’an sa antas ng Bibliya ay madaling ipaliwanag. Halimbawa, ang “unang mananampalataya” sa sumusunod na mga talata:

Kab. al-An‘ām (6):14

Sabihin mo: “Ang iba pa ba kay Allah ay gagawin kong

taga-tangkilik, ang Lumalang sa mga Langit at Lupa, samantalang Siya ay nagpapakain at hindi pina- kakain?” Sabihin mo: “Tunay na ako ay naatasan na ako ay maging una sa yumakap sa Islam.” Huwag ka ngang ma- ging kabilang sa mga pagano.

Kab. al- A‘rāf (7):143

…Ngunit noong tumambad ang Panginoon niya sa bundok, ginawa Niya ito na tibag-tibag at napahandusay si Moises nang walang ulirat. Kaya noong nagkamalay siya, nagsabi siya: “Napakamalu-walhati mo, nagsisi ako sa Iyo at ako ay ang una sa mga mananampalataya.”

62  Muhammad Rasulullah, p. 26.

Ang unang talata ay tumutukoy kay Propeta Muhammad, na sinabihan na ipabatid niya sa mga pagano noong panahon niya na hindi siya tatanggap sa idolatriya nila at magiging siya ang una sa mga tao noong panahon niya na susuko kay Allah. Sa ikalawang talata, si Propeta Moises ay nagpahayag na siya ang una sa panahon niya na sumuko kay Allah nang mapagtanto niya na imposibleng makita si Allah. Ang bawat propeta ay ang una sa panahon niya na sumuko kay Allah.

Gayon din ang “araw para sa Diyos” na nabanggit sa sumusunod na dalawang talata:

Kab. as-Sajdah (32):5

Pinangangasiwaan Niya ang atas mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos ay babalik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon sa pagbibi-lang ninyo.

Kab. al-A‘rāf (70):4

Aakyat ang mga anghel at si Gabriel sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.

Ang dalawang talata ay tumutukoy sa dalawang lubos na magkaibang pangyayari. Ang una ay tumutukoy sa tadhana na ibinababa at inuulat pabalik sa loob ng isang araw na sumasaklaw sa isang libong taon ng tao.63 Ang ikalawa naman ay tumutukoy sa pag-akyat ng mga anghel mula sa mundo patungo sa pinakamataas sa mga langit, na para sa kanila ay inaabot lamang ng isang araw na katumbas sa 50,000 taon ng tao.64 Si Allah ay hindi nasasaklawan ng panahon. Siya ang lumikha ng panahon at ginawa niya ito na relatibo sa mga nilikhang nasasaklawan nito. Kaya ayon sa pagtataya ng makabagong mga siyentipiko, ang isang taon sa Mars ay katumbas ng 687 araw sa mundo, habang ang isang taon sa Uranus ay katumbas ng 84 taon sa mundo.65

Ang teksto ng Qur’an ay lubhang nagkakaayon sa kaisipan at paglalahad nito. Sa panimula ng isa sa pinakamahusay sa mga salin ng mga orientalista ng Qur’an, ang tagapagsalin, si Arthur John Arberry, ay nagsulat: “May isang kalipunan ng kilalang mga paksa na inuulit-ulit sa buong Koran; bawat Sura66 ay naglilinaw o nagpapahiwatig ng isa o higit —madalas marami—sa mga ito. Kung gagamitin ang wika ng musika, bawat Sura ay isang napakamadamdaming pag-usal na binubuo ng buo o baha-bahaging tema na nagbabalik; ang paghahalintulad ay

63  Tafseer al-Qurtubee, vol. 8, p. 5169-5170.

64  Fathul-Qadeer, vol. 4, p. 349.

65  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 27, p. 551 & 571.

66  O Sūrah: Kabanata ng Qur’an.

pinalalakas ng mahusay na sarisaring maindayog na daloy ng pagtatalakay.”67

Ang makaagham na mga reperensiya sa teksto ng Qur’an ay napatunayan na palagian at di-maipaliwanag na tamang-tama. Sa isang panayam na ibinigay sa French Academy of Medicine, noong 1976, na pinamagatang “Physiological and Embryological Data in the Qur’an,” si Dr. Maurice Bucaille ay nagsabi, “Walang umiiral na gawang tao na naglalaman ng mga pahayag na lampas sa antas ng kaalaman ng panahon nito na gaya ng Qur’an. Ang makaagham na mga opinyon na maihahambing sa mga nasa Qur’an ay bunga ng makabagong kaalaman.”68

Sa pagsasalita hinggil sa awtoridad ng Qur’an, si Propesor Reynold A. Nicholson ay nagsabi, “Mayroon tayong mga batayan [sa Qur’an] na natatangi at di- matutulang awtoridad para sa pagbakas sa pinagmulan at unang pagyabong ng Islam, gayong mga kaalaman na hindi matatagpuan sa panig ng Budhismo o Kristiyanismo o anumang ibang matandang relihiyon.”69

Samakatuwid, ang Qur’an lamang ang kumakatawan sa isang tumpak na tumpak na paraan ng pagkilala kung sino si Jesus at kung ano ang kanyang mensahe. Karagdagan pa roon, ang Qur’an ay magagamit din sa paghahatol sa kung

67  The Qur’an Interpreted, p. 28.

68  The Qur’an and Modern Science, p. 6.

69  Literary History of the Arabs, p. 143.

anong antas ang ilan sa mga ipinahayag na salita ng Diyos nananatili sa loob ng Bibliya.

Sa Qur’an, inaatasan ng Diyos ang mga mananampalataya na tanggapin, bilang bahagi ng pananampalataya nila, ang mga salita ng Diyos na ipinahayag kay Propeta Moises, na kilala bilang Torah; kay Propeta David na nasa orihinal na Salmo; at kay Jesus na nasa orihinal na Ebanghelyo. Lahat ng Muslim ay inoobligang maniwala sa lahat ng ipinahayag na kasulatan. Subalit, gaya ng nasasaad sa Qur’an, lahat ng kasulatang ipinahayag bago ang Qur’an ay hindi nanatili gaya ng pagkakahayag sa mga ito. Binago ng mga tao ang ilang bahagi ng mga ito upang umayon sa mga mithiin nila.

﴿فَوَيل لِّلَّذِينَ يَكتُبُونَ ٱلكِتَبَ بِأَيدِيهِم ثُمَّ يَقُولُونَ هَذَا مِن عِندِ ٱللَّهِ لِيَشتَرُواْ بِهِ ثَمَنا قَلِيلا فَوَيل لَّهُم مِّمَّا كَتَبَت أَيدِيهِم وَوَيل لَّهُم مِّمَّا يَكسِبُونَ﴾

“Kaya kasawian ay ukol sa mga sumulat ng Kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos ay magsasabi sila, “Ito ay buhat kay Allah,” upang magkamit sila sa pamamagitan nito ng isang kaunting halaga. Kaya kasawian ay ukol sa kanila dahil sa sinulat ng mga kamay nila at kapaghatian ay ukol sa kanila dahil sa kinita nila.” Qur’an 2:79.

Bukod pa roon, sa Matandang Tipan, ang Diyos ay sinipi sa Jeremias 8:8 na nagsasabi, “ Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, at ang kautusan ng Panginoon ay

sumasaamin? Ngunit, narito ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.”

 Ikalawang Kabanata: Si Jesus, ang Tao

Gaya ng naipakita na sa nagdaang kabanata, ang Bibliya, ang Bago at Matandang Tipan, ay di- mapananaligang mga batayan at hindi maaari, samakatuwid, na gamitin bilang isang kapani-paniwalang paraan ng pag- aalam sa katotohanan hinggil sa taong tinatawag na Cristo Jesus o hinggil sa kanyang misyon at mensahe. Gayon pa man, ang isang matamang pagsusuri sa mga kasulatan na ito sa liwanag ng mga talata ng Qur’an ay maghahayag sa

ilan sa mga katotohanan hinggil kay Jesus na nanatili sa Bibliya.

Isang Sugo

Sa buong Qur’an, si Jesus ay nakikilala bilang isang Sugo lamang ng Diyos. Sa kabanta as-Saff (61):6, ang Diyos ay nagpahayag ng sumusunod tungkol kay Jesus:

﴿وَإِذ قَالَ عِيسَى ٱبنُ مَريَمَ يَبَنِي إِسرَءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيكُم مُّصَدِّقا لِّمَا بَينَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّورَىةِ وَمُبَشِّرَا بِرَسُول يَأتِي مِن بَعدِي ٱسمُهُ أَحمَدُ فَلَمَّا جَاءَهُم بِٱلبَيِّنَتِ قَالُواْ هَذَا سِحر مُّبِين﴾

 “Banggitin noong magsabi si Jesus na anak ni Maria:

“O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allah sa inyo na nagpapatotoo sa nauna sa akin na Torah…”

Mayroong maraming bersikulo sa Bagong Tipan na kumakatig sa pagkasugo o pagkapropeta ni Jesus. Ang sumusunod ay iilan lamang: Sa Mateo 21:11, ang mga tao sa panahon niya ay nasusulat na tumawag sa kanya bilang isang propeta: “ At sinabi ng mga karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.” Sa Marcos 6:4 ay nasasaad na tinawag ni Jesus ang kanyang sarili na isang propeta: “ At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay.” Sa sumusunod na bersikulo, nabanggit na si Jesus ay isinugo kung paanong isinusugo ang isang sugo. Sa Mateo 10:40, naiulat na si Jesus ay nagsabi: “ Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang

tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.” Sa Juan 17:3, nasipi na si Jesus ay nagsabi: “ At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” 70

 Isang Tao

Ang pahayag sa Qur’an ay hindi lamang kumikilala sa pagkapropeta ni Jesus, malinaw rin nitong itinatanggi na si Jesus ay Diyos. Sa kabanata al-Maa’idah (5):75 ay sinasabi ng Diyos na si Jesus ay kumakain ng pagkain, na gawain ng isang tao, na malinaw na hindi nababagay sa Diyos.

﴿مَّا ٱلمَسِيحُ ٱبنُ مَريَمَ إِلَّا رَسُول قَد خَلَت مِن قَبلِهِ ٱلرُّسُلُ وَأُمُّهُ صِدِّيقَة كَانَا يَأكُلَانِ ٱلطَّعَامَ ٱنظُر كَيفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ ٱلأيَتِ ثُمَّ ٱنظُر أَنَّى يُؤفَكُونَ﴾

 “Ang Kristo na anak ni Maria ay isang sugo lamang;

may nagdaan nang mga sugo noong wala pa siya. Ang ina ina niya ay isang napakatapat. Silang dalawa ay kumakain noon ng pagkain. Tingnan mo kung papaano Naming nililinaw sa kanila ang mga Tanda, pagkatapos ay tingnan mo kung papaano silang nalihis.”

Mayroong maraming sanaysay sa Bagong Tipan na nagkakaila rin na si Jesus ay Diyos. Halimbawa, sa Mateo 19:17, ang isinagot ni Jesus sa taong tumawag sa kanya na “ O Good Master” (Mabuting Guro) ay “ Why callest thou me good? there is none good but one, that is, God” (Bakit mo tinawag ako na mabuti? walang sinumang mabuti kundi

isa, alalaong baga’y, ang Diyos).71 Kung tinanggihan niyang tawagin siya na mabuti72 at nagpahayag na tanging ang Diyos ang totoong mabuti, malinaw na ipinahihiwatig niya na siya ay hindi Diyos.

70  Tingnan din ang Juan 4:34, 5:30, 7:16 & 28, 11:42, 13:16, 14:24.

Sa Juan 14:28, si Jesus ay nagsasabi: “ …ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.” Sa pagpapahayag na ang “Ama” ay lalong dakila sa kanya, ipinahayag ni Jesus ang kaibahan niya sa Diyos. Sa Juan 20:17 naman ay sinabihan ni Jesus si Maria Magdalena na sabihin sa kanyang mga tagasunod: “ ...Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” Ang pagtukoy ni Jesus sa Diyos bilang “ aking Ama at inyong Ama” ay nagbigay-diin pang lalo sa kaibahan niya sa Diyos. Dagdag pa roon, sa pagtawag niya sa Diyos bilang “kanyang Diyos,” hindi na siya nagbigay pa ng pagkakataon para sa sinuman na ipagpalagay nang may katuwiran na siya ay Diyos.

Kahit na sa ilan sa mga isinulat ni Pablo, na itinuring na banal ng Simbahan, si Jesus ay tinawag na “tao,” kaiba at naiiba sa Diyos. Sa I Kay Timoteo 2:5, si Pablo ay nagsulat:

71  Pinanatili sa Ingles ang orihinal na sipi ng may-akda sa Bibliya mula sa King James Version at pagkatapos ay isinalin ito sa Tagalog sapagkat ang nasasaad sa dalawang Bibliyang Tagalog na ginagamit niya ay naiiba sa nasasaad sa King James Version. Ang Tagapagsalin.

72  Tinanggihan dito ni Jesus na tawagin siyang ganap na mabuti

sapagkat ang kaganapan ay nauukol sa Diyos lamang. Siya ay mabuti, subalit bilang Anak ng tao (Mateo: 19:25)—tulad ng ibig niyang itawag sa sarili niya—siya ay maaaring magkamali.

“ Sapagkat may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” Mayroong mga talata rin sa Qur’an na nagpapatunay sa pagiging tao ni Propeta Muhammad upang hadlangan ang mga tagasunod niya sa pag-aangat sa kanya sa pagka-Diyos o mala-Diyos na kalagayan, gaya ng ginawa kay Propeta Jesus. Halimbawa, sa kabanata al-Kahf (18):110 ay inatasan ni Allah si Propeta Muhammad na ipabatid ang ganito sa lahat ng mga nakaririnig sa kanyang mensahe:

﴿قُل إِنَّمَا أَنَا بَشَر مِّثلُكُم يُوحَى إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَهُكُم إِلَه وَحِد فَمَن كَانَ يَرجُواْ لِقَاءَ رَبِّهِ فَليَعمَل عَمَلا صَلِحا وَلَا يُشرِك بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدَا﴾

 “Sabihin mo: “Tunay na ako ay tao lamang tulad

ninyo. Ikinasi sa akin na ang Diyos ninyo ay nag- iisang Diyos”

Sa kabanata al-A‘rāf (7):187 ay inutusan din ni Allah si

Propeta Muhammad na kilalanin na ang oras ng Araw ng Paghuhukom ay Diyos lamang ang nakaaalam:

﴿يَسَلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرسَىهَا قُل إِنَّمَا عِلمُهَا عِندَ رَبِّي لَا يُجَلِّيهَا لِوَقتِهَا إِلَّا هُوَ ثَقُلَت فِي ٱلسَّمَوَتِ وَٱلأَرضِ لَا تَأتِيكُم إِلَّا بَغتَة يَسَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنهَا قُل إِنَّمَا عِلمُهَا عِندَ ٱللَّهِ وَلَكِنَّ أَكثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعلَمُونَ﴾

 “Tinanatanong ka ba nila hinggil sa Oras ng Wakas, kung kailan ang takdang sandali nito? Sabihin mo: “Ang kaalaman hinggil doon ay nasa Panginoon ko lamang; walang makapagpapahayag ng oras nito

kundi Siya.”

Sa Ebanghelyo ayon kay Marcos 13:31-32, naiulat na si Jesus ay nagkaila na siya ay may kaalaman hinggil sa kung kailan ang huling oras ng mundo. Sinabi niya: “ Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas. Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay

walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.” Ang isa sa mga katangian ng Diyos ay ang lubos na kaalaman sa lahat ng bagay. Samakatuwid, ang kanyang pagkakaila sa pagkakaalam sa kung kailan ang Araw ng Paghuhukom ay pagkakaila na rin ng pagkadiyos; dahil ang hindi nakaaalam kung kailan ang Huling Araw ay hindi maaaring maging Diyos.73

Ang Kalinis-linisang Paglilihi

Pinatotohanan ng Qur’an ang kuwento sa Bibliya hinggil sa pagkapanganak kay Jesus ng isang birheng ina. Gayon pa man, sa sanaysay ng Qur’an tungkol sa kapanganakan ni Jesus, si Maria ay isang babaing walang asawa, na ang buhay ay itinalaga ng kanyang ina sa pagsamba sa Diyos. Samantalang sumasamba siya sa loob ng isang silid na laan lamang sa pagsamba, pinuntahan siya ng mga anghel at ipinabatid sa kanya ang kanyang nalalapit na pagbubuntis.

﴿إِذ قَالَتِ ٱلمَلَئِكَةُ يَمَريَمُ إِنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَة مِّنهُ ٱسمُهُ ٱلمَسِيحُ عِيسَى ٱبنُ مَريَمَ وَجِيها فِي ٱلدُّنيَا وَٱلأخِرَةِ وَمِنَ ٱلمُقَرَّبِينَ﴾

ﻳ ﷲﺍ

 “Banggitin noong magsabi ang mga anghel: “O Maria, tunay na si Allah ay nagpapalugod sa iyo ng balita ng

73  Dapat mapansin na sa kabila ng mga babala sa Qur’an at sa iba pang mga pahayag ni Propeta Muhammad mismo, may ilang Muslim na nag-angat sa kanya sa mala-Diyos na kalagayan sa pamamagitan ng pagbaling ng mga panalangin nila sa kanya o sa pamamagitan niya.

isang Salita mula sa Kanya, na ang pangalan niyon ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria; pinarangalan sa mundo at sa Kabilang-buhay, at kabilang sa mga ginawang malapit kay Allah.”” Qur’an 3:45.

﴿قَالَت رَبِّ أَنَّى يَكُونُ لِي وَلَد وَلَم يَمسَسنِي بَشَر قَالَ كَذَلِكِ ٱللَّهُ يَخلُقُ مَا يَشَاءُ إِذَا قَضَى أَمرا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُن فَيَكُونُ﴾

 “Nagsabi siya: “O Panginoon ko, papaano po akong magkakaroon ng anak samantalang hindi naman ako nasaling ng isang lalaki?” Nagsabi ito: “Ganyan si Allah, linilikha Niya ang anumang niloloob Niya; kapag ipinasya Siya ang isang bagay ay magsasabi lamang Siya rito: ‘Mangyari,’ at mangyayari.”” Qur’an 3:47.

Gayon pa man, nililinaw ng Qur’an na ang pagkasilang kay Jesus mula sa isang birheng ina ay hindi nagpabago sa kalagayan ng pagiging tao niya. Ang paglikha sa kanya ay kawangis ng paglikha kay Adan, na walang ama ni ina.

﴿إِنَّ مَثَلَ عِيسَى عِندَ ٱللَّهِ كَمَثَلِ ءَادَمَ خَلَقَهُ مِن تُرَاب ثُمَّ قَالَ لَهُ كُن فَيَكُونُ﴾

 “Tunay na ang pagkakahalintulad kay Jesus para kay Allah ay gaya ng pagkakahalintulad kay Adan; nilikha Niya siya mula sa alabok at pagkatapos ay nagsabi Siya sa kanya: “Mangyari,” at nangyari.” Qur’an

3:59.

 Ang mga Himala

Ang sanaysay ng Qur’an hinggil sa pangangaral ni Jesus ay kumikilala sa karamihan sa kanyang mga himalang

nabanggit sa Bibliya74 at bumabanggit pa ng ilang hindi nabanggit sa Bibliya. Halimbawa, ipinabatid ng Qur’an na si Jesus ay isa nang sugo ng Diyos mula sa pagkasilang niya, at ang kanyang unang himala ay ang pagsasalita noong siya ay isang batang nasa duyan pa. Matapos siyang maisilang ni Maria, pinaratangan ito ng mga tao ng pangangalunya. Sa halip na tumugon sa kanilang paratang, itinuro nito ang bagong silang na anak nito:

﴿فَأَشَارَت إِلَيهِ قَالُواْ كَيفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلمَهدِ صَبِيّا﴾

 “Kaya itinuro niya ito. Nagsabi sila: “Papano naming

kakausapin ang nasa duyan pa na isang bata?” Nagsabi ito: “Tunay na ako ay lingkod ni Allah; binigyan Niya ako ng Kasulatan at ginawa Niya akong isang propeta.””Qur’an 19:29-30.

Kabilang sa iba pa niyang mga himala na pagbubuhay sa mga patay, pagpapagaling sa mga ketongin, at pagbibigay ng paningin sa mga bulag, bumabanggit pa ang Qur’an ng iba pang himala na hindi nabanggit sa Bibliya. Si Propeta Jesus ay humugis ng mga ibon mula sa putik, hinipan niya ang mga ito at nagliparan ang mga ito na naging mga buhay na ibon. Subalit ang puntong binibigyang-diin sa buong Qur’an ay na kapag gumagawa si Jesus ng isang himala ay ipinababatid niya sa mga tao na

iyon ay sa pamamagitan ng kapahintulutan ng Diyos. Nilinaw niya sa mga tagasunod niya na hindi siya gumagawa ng himala sa pamamagitan ng sarili niya, gaya ng ginawang paglilinaw ng mga naunang Propeta sa mga nakapaligid sa kanila.

74  Ang kuwento ng Bibliya tungkol sa paggawa ni Jesus alak mula sa tubig ay maliwanag na wala sa Qur’an.

Sa kasawiang-palad, ang mga nagtuturing na si Jesus ay Diyos ay kadalasang bumabatay sa mga himala niya bilang patunay [sa pagkadiyos daw niya]. Subalit, nasusulat sa Matandang Tipan na ang ibang mga propeta ay nakagawa rin ng katulad o kahawig na mga himala.

Si Jesus ay nagpakain ng 5,000 tao sa pamama-gitan ng limang pirasong tinapay at dalawang isda.

Si Eliseo ay nagpakain ng 100 tao sa pamamagitan ng dalawampung tinapay na sebada at mga murang uhay ng trigo (II Mga Hari 4:44).

Si Jesus ay nagpagaling ng mga ketongin.

Si Eliseo ay nagpagaling kay Naaman na ketongin (II Mga Hari 5:14).

Si Jesus ay nagbigay ng paningin sa bulag.

Si Eliseo ay nagbigay ng paningin sa bulag (II Mga Hari 6:17&20).

Si Jesus ay bumuhay ng patay.

Si Elias ay bumuhay rin ng patay (I Mga Hari 17:22). Ganoon din si Eliseo (II Mga Hari 4:34). Pati ang mga buto ni Eliseo ay nakabubuhay ng patay (II Mga Hari 13:21).

Si Jesus ay naglakad sa ibabaw ng tubig.

Si Moise at ang mga kalipi niya ay tumawid sa Dagat (Exodo 14:22).

May mga teksto rin sa Bagong Tipan na nagpapatotoo na si Jesus ay hindi gumawa ng ayon sa sariling kapangyarihan niya. Si Jesus ay masisipi sa Juan 5:30 na nagsabi: “ Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili…” at sa Lucas 11:20 na nagsabi: “ Nguni’t kung sa pamamgitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.” Sa Mga Gawa 2:22 ay sumulat si Pablo: “ Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;…”

Ang “Katunayan” ng Pagka-Diyos ni Cristo

Mayroong ilang bersikulo na pinakahulugan ng mga Iglesyang Katoliko at Protestante na katunayan sa pagka- Diyos ni Cristo Jesus. Subalit, sa isang masusing pagsusuri sa mga bersikulong ito, magiging malinaw na, maaaring ang pananalita [sa bersikulo] ay malabo anupa’t bukas ito sa ilang iba’t ibang pagpapakahulugan, o ang mga ito ay mga idinagdag na hindi matatagpuan sa mga naunang manuskrito ng Bibliya. Ang sumusunod ay ang ilan sa mga argumentong madalas sipiin.

 1.         Ang Alpha at ang Omega

Sa aklat ng Apocalipsis 1:8 ay ipinahihiwatig na sinabi ni Jesus ang sumusunod hinggil sa kanyang sarili: “ I am Alpha and Omega, the beginning and the ending, saith the Lord, which is, and which was, and which is to come, the almighty.” Ang mga ito ay katangian ng Diyos. Kaya si Jesus, ayon sa mga sinaunang Kristiyano, ay nagpapahayag dito ng pagka-Diyos. Subalit, ang nabanggit na pananalita sa taas ay ayon sa King James Version. Sa Revised Standard Version ay iwinasto ng mga iskolar ng Bibliya ang salin at isinulat ang ganito: “I am the Alpha and the Omega,” says the Lord God, who is and who was and who is to come, the Almighty.” 75 Ang isang pagwawasto ay isinagawa rin sa New American Bible na ginawa ng mga Katoliko. Ang salin sa bersikulong iyon ay binago upang mailagay ito sa tamang konteksto nito: “ The Lord God says: ‘I am the Alpha and the Omega, the one who is and who was, and who is to come, the Almighty.’” Sa pamamagitan ng pagwawastong ito, naging malinaw na ito ay isang pahayag ng Diyos at hindi isang pahayag ni Propeta Jesus.

 2.         Ang Pag-iral ni Cristo Bago Ipanganak

Ang isa pang bersikulo na karanieang ginagamit sa pagkatig sa pagka-Diyos ni Jesus ay ang Juan 8:58: “ Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohang, sinasabi ko

75  Gayon din sa Ang Biblia ng Philippine Bible Society: “ Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” Ang Tagapagsalin.

sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham ay ako nga.” Ang bersikulong ito ay ginamit ipinakakahulugan na si Jesus ay umiiral na bago pa siya lumitaw sa mundo. Ang konklusyon na nahango mula rito ay na si Jesus ay talagang Diyos, dahil ang kairalan niya (existence) ay nauna pa sa pagkasilang sa kanya sa mundo. Subalit ang konsepto ng pag-iral bago pa man isinilang (Pre-existence) ang mga propeta, at ang tao sa kalahatan, ay matatagpuan sa Matandang Tipan at gayon din sa Qur’an. Inilarawan ni Jeremias ang sarili niya sa Aklat ng Jeremias 1:4-5 ng ganito: “ Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang Propeta sa mga bansa.”

Si Propeta Solomon ay naiulat sa Mga Kawikaan 8:23- 27 na nagsabi: “ Ako’y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako’y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako’y nailabas: Samantalang hindi pa niya nilikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:…”

Ayon sa Job 38:4 at 21, ang Diyos ay nagsalita kay Job ng ganito: “ Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. ...Marahil nalalaman mo, sapagkat ikaw nga’y

ipinanganak noon, At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!”

Sa Qur’an, kabanata al-A‘rāf (7):172 ay ipinabatid ng Diyos na umiiral na ang tao sa espirituwal na anyo bago nalikha ang materyal na mundo:

﴿وَإِذ أَخَذَ رَبُّكَ مِن بَنِي ءَادَمَ مِن ظُهُورِهِم ذُرِّيَّتَهُم وَأَشهَدَهُم عَلَى أَنفُسِهِم أَلَستُ بِرَبِّكُم قَالُواْ بَلَى شَهِدنَا أَن تَقُولُواْ يَومَ ٱلقِيَمَةِ إِنَّا كُنَّا عَن هَذَا غَفِلِينَ﴾

“Banggitin noong kinuha ng Panginoon mo mula sa mga anak ni Adan, mula sa mga likod nila, ang mga supling nila at pinasaksi Niya sila sa mga sarili nila, na nagsasabi: “Hindi ba’t Ako ay Panginoon ninyo?”

ay nagsabi sila: “Opo, sumaksi kami,” upang hindi ninyo sabihin sa Araw ng Pagkabuhay: “Tunay na Kami hinggil dito ay mga nalilingat.”

Kaya ang pahayag ni Propeta Jesus na “ Bago ipinanganak si Abraham ay ako nga” ay hindi maaaring gamitin bilang katunayan sa pagka-Diyos niya. Sa loob ng konteksto ng Juan 8:54-58, ipinahihiwatig na si Jesus ay nagsasalita tungkol sa kaalaman ng Diyos hinggil sa Kanyang mga propeta, kaalamang nauna pa sa paglikha ng mundong ito.

 3.         Ang Anak ng Diyos

Ang isa pa sa mga katunayang ginagamit para sa pagka- Diyos ni Jesus ay ang paggamit ng taguring “Anak ng Diyos” kay Jesus. Subalit, mayroong maraming bahagi sa Matandang Tipan na ang taguring ito ay ibinigay rin sa iba.

Sa Exodo 4:22-23, tinawag ng Diyos si Israel (Propeta Jacob) na “anak” Niya nang inutusan Niya si Propeta Moises na pumunta kay Paraon: “ At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking Panganay: At aking sinabi sa iyo, Pahintulutan mong ang aking anak ay yuaaon, upang siya’y makapaglingkod sa akin; ...” 76 Sa II Samuel 7:13-14 ay tinawag ng Diyos si Propeta Solomon na Kanyang anak: “ Kaniyang (Solomon) ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man. Ako’y magiging kaniyang ama, at siya’y magiging aking anak:...”

Sa Mga Awit 89:26-27 ay nangako ang Diyos na gagawin Niya si Propeta David na Kanyang Anak: “ Siya’y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Diyos ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay ko, Na pinakamataas sa mga hari sa lupa.” 77

Ang mga anghel ay tinawag na “mga anak ng Diyos” sa Aklat ng Job 1:6: “ Isang araw nga nang ang mga anak ng

76  Tingnan din ang Hosea 1:10 ng King James Version.

77  Sa Revised Standard Version ay ganito ang nasasaad: “ And I will make him the first-born, the highest of the kings of the earth.” Tingnan

din ang Jeremias 31:9: “ …sapagka’t ako ay pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.”

Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.” 78

Sa Bagong Tipan ay mayroong maraming tinawag na “mga anak ng Diyos” bukod pa kay Jesus. Halimbawa, nang itinala ng may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Lucas ang mga ninuno ni Jesus hanggang kay Adan ay ganito ang sinulat niya: “ Si Cainan ay anak ni Enos na anak naman ni Set. At si Set ay anak ni Adan na anak ng Diyos.” 79

Sinasabi ng iba na ang katangi-tangi sa lagay ni Jesus ay na siya ang only begotten80 Son of God, samantalang ang mga iba ay “mga anak ng Diyos” lamang. Subalit naisulat na ang Diyos ay nagsabi kay David sa Mga Awit 2:7: “ Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; Sa araw na ito ay ipinanganak kita.”

Dapat mapansin na walang matatagpuan sa Ebanghelyo na si Jesus ay talagang tumawag sa kanyang sarili bilang

78  Tingnan din ang Job 2:1 at 38:4-7. Ang iba pang mga pagbanggti sa mga anak ng Diyos ay matatagpuan sa Genesis 6:2, Deuteronoio 14:1 at Hosea 1:10.

79  Lucas 3:38, Magandang Balita Biblia (PBS).

80  Ang kahulugan ng katagang begotten sa Matandang Ingles ay

naging anak ng isang ama. Ginagamit ito upang maitangi si Jesus, na diumano’y literal na anak ng Diyos, sa di-literal na paggamit ng katawagang anak para sa mga nilikhang anak ng Diyos, yamang para sa mga ito ang katawagang anak ng Diyos. (Ang May-akda.) Sa mga salin ng Bibliya sa Tagalog, bugtong na anak ng Diyos ang ginagamit; hindi ginamit ang ipinanganak na siyang katumbas ng begotten. Ang Tagapagsalin.

“Anak ng Diyos.”81 Bagkus, nasasaad na makailang ulit niyang tinawag ang sarili niya na “Anak ng tao” (Hal. Lucas 9:22). At sa Lucas 4:41 ay tumanggi pa nga siyang tawagin na anak ng Diyos: “ At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At sinaway sila, na di niya tinutulutang mangagsalita, sapagka’t naalaman nilang siya ang Cristo.”

Yamang ang mga Hebreo ay naniniwala na ang Diyos ay Isa, at walang asawa o anak sa literal na kahulugan, malinaw na ang katawagang “anak ng Diyos” ay nangangahulugan lamang sa kanila na “Lingkod ng Diyos;” ang isang tao, na dahil sa kanyang tapat na paglilingkod, ay malapit at mahal sa Diyos, gaya ng isang anak sa isang ama. Bandang huli,

81  Sa Aklat ng Mga Gawa sa Bagong Tipan, mayroong ilang balangkas ng mga talumpati ng mga unang disipulo ni Jesus, mga talumpating ginawa noong mula 33 CE, halos mga apat na pung taon bago naisulat ang Apat ng Ebanghelyo. Sa isa sa mga talumpating ito, si Jesus ay tinukoy nang tiyakan bilng andra apo tou theou: isang tao mula sa Diyos (Mga Gawa 2:22). Ni minsan man ang mga sinaunang pahayag ng pananampalataya ay hindi gumamit ng pananalitang wios tou theou: Anak ng Diyos, subalit makailang ulit silang nagsalita tungkol kay Jesus bilang lingkod at propeta ng Diyos (Mga Gawa 3:13, 22, 23, 26). Ang kahalagahan ng mga talumpating ito ay ipinakikita nang tumpak na tumpak ng mga ito ang orihinal na paniniwala at terminolohiya ng mga disipulo, bago nabuo ang paniniwala at terminolohiya sa ilalim ng impluwensiya ng relihiyon ng mga Romano at pilosopiya ng mga Griego. Ang mga ito ay sumasalamin sa tradisyong higit na matanda kaysa sa ginamit ng Apat na Ebanghelyo, na doon si Jesus ay hindi pinagkalooban ng pagka-Diyos o pagka-Anak-ng-Diyos. (Bible Studies From a Muslim Perspective, p. 12).

ginamit nang mali ng mga Kristiyanong nagmula sa kulturang Griego o Romano ang katawagang ito. Sa kanilang manang kultura, ang taguring “anak ng Diyos” ay nagpapakahulugan ng pagkakatawang-tao ng isang diyos o ng isang ipinanganak bunga ng pagtatalik ng isang lalaking diyos at babaing diyos.82 Nang isinantabi ng Iglesya ang mga pundasyong Hebreo nito, ginamit naman nito ang paganong konsepto ng “anak ng Diyos,” na lubos na naiiba sa paggamit ng mga Hebreo.83

Kaya ang paggamit ng katawagang “anak ng Diyos” ay dapat lamang unawain ayon sa simbolikong pakahulugan ng Semito (Israelita at Arabe) na “lingkod ng Diyos,” at hindi ayon sa pakahulugang pagano na literal na “supling ng Diyos.” Sa apat na Ebanghelyo, nasasaad na si Jesus ay nagsabi: “ Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng Dios.” 84

Gayon din naman, ang paggamit ni Jesus sa katagang abba, “ama,” ay dapat na unawain nang katulad niyon. May isang pagtatalo ang mga iskolar ng Bagong Tipan hinggil sa kung ano ang wastong ipinakakahalugan ng abba noong

82  Tingnan ang Mga Gawa 14:11-13. Sa lungsod ng Listra (sa Turkey) ay nangaral sina Pablo at Bernabe, at inakala ng mga pagano na sila ay mga diyos na nagkatawang-tao. Tinawag nilang Jupiter si Bernabe, at Mercurio si Pablo. Ang mga ito ay mga pangalan ng mga diyos ng mga Romano.

83  Bible Studies from a Muslim Perspective, p. 15.

84  Mateo 5:9.

panahon ni Jesus at kung gaano rin kalaganap ang paggamit nito ng iba pang mga sektang Hudyo nang panahong iyon.

Kamakailan ay mariing iginiit ni James Barr na ito ay hindi nagtataglay ng sadyang malalim na kahulugan na madalas na ikinakapit dito, bagkus ito ay nangangahulugan lamang na “ama.”85 Ang isipin ang Diyos bilang “Ama natin sa langit” ay hindi sa anumang paraan bago, sapagkat sa “Panalangin ng Panginoon” ay naiulat na nagturo siya sa mga disipulo niya na tawagin ang Diyos sa tulad nitong nakagawian nang katawagan.

 4.         Isa Kasama ng Diyos

Ang mga nagpapahayag na Diyos si Jesus ay naniniwala na siya ay hindi hiwalay na diyos, kundi ang isa at mismong Diyos na nagkatawang-tao. Humango sila ng batayan para sa paniniwalang ito mula sa ika-30 bersikulo ng Ebanghelyo ayon kay Juan, kapitulo 10, na dito si Jesus ay naiulat na nagsabi: “ Ako at ang Ama ay iisa.” Labas sa konteksto; ang bersikulong ito ay hindi nagpapahiwatig ng pagka-Diyos ni Jesus. Subalit nang paratangan siya ng mga Hudyo na nag-aangkin ng pagka-Diyos, batay sa pahayag na iyon, “ Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo’y mga dios?” 86

Nilinaw niya para sa kanila, sa pamamagitan ng

85  Journal of Theological Studies, vol. 39 at Theology, vol. 91, no.

741.

86  Juan 10:34. Sinipi ni Jesus ang Mga Awit 82:6: “ Aking sinabi,

Kayo’y mga dios, At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.”

halimbawang alam na alam nila mula sa kasulatan, na ginagamit niya ang patalinghagang wika ng mga propeta, na hindi dapat ipakahulugang nag-uukol ng pagka-Diyos sa sarili niya o sa iba pang mga tao.

Ang karagdagang katunayan ay hinango mula sa bersikulo sampu at labing-isa ng Ebanghelyo ayon kay Juan, kapitulo 14. Nasasaad dito na hiniling ng mga tao kay Jesus na ipakita sa kanila ang Ama, at diumano’y nagsabi siya: “ Hindi ka baga nananampalataya na ako ay nasa ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kung di kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.”

Ang mga pangungusap na ito ay maaaring magpahiwatig ng pagka-Diyos ni Jesus kung ang natitira sa mismong Ebanghelyo ay isasawalang-bahala. Subalit, pagkatapos ng siyam na bersikulo, sa Juan 14:20, nasasaad din na nagsasabi si Jesus sa mga disipulo niya: “ Sa araw na yao’y makikilala ninyong ako’y nasa aking Ama, at kayo’y nasa akin, at ako’y nasa inyo.” Samakatuwid, kung ang pahayag ni Jesus na ako ay nasa ama, at ang Ama ay nasa akin ay nangangahulugan na siya ay Diyos, kung gayon ay ganoon din ang mga disipulo niya. Ang simbolikong pahayag na ito ay nangangahulugan ng kaisahan ng layunin at hindi kaisahan ng pagka-Diyos. Ang simbolikong pagpapakahulugan ay binigyang-diin pang lalo

sa Juan 17:20-21, na si Jesus ay nagsabi roon: “ Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; Upang silang lahat ay maging isa; na gayo mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo.” 87

 5.         Tumanggap Siya ng Pagsamba

Ipinangangatuwiran na yayamang naiulat na si Jesus ay tumanggap ng pagsamba ng ilan sa mga tagasunod niya, siya ay talagang Diyos. Subalit ang isang masinsinang pagsusuri sa mga teksto ay nagpapakita ng isang kaso ng kahina-hinalang salin, pati na maling pakahulugan. Ang katawagan na “pagsamba” ay matatagpuan sa mga sanaysay ng King James Version at Revised Standard Version88 hinggil sa tatlong mago na nanggaling sa Silangan. Sila ay naiulat sa Mateo 2:2 na nagsabi: “ Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagkat aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya’y sambahin.” 89 Subalit sa The New American Bible (Catholic Press, 1970) ay ang teksto ay mababasa ng ganito: “ Where is the newborn king of the Jews? We observed his star at its rising and have come to

87  Tingnan din ang Juan 17:11.

88  Ganito rin ang nasasaad sa Ang Biblia (PBS) at Magandang Balita Biblia. Ang Tagapagsalin.

89  Tingnan din ang Mateo 2:8.

pay him homage.” 90 Sa Revised Standard Version, Juan 9:37-38: “ Jesus said to him, ‘You have seen him, and it is he who speaks to you.’ He said, ‘Lord, I believe’; and he worshiped him.” 91 Subalit sa The American Bible, nagdagdag ang mga pantas na tagapagsalin ng talibaba na ganito ang nakasulat:

9:38 Ang bersikulong ito, na inalis sa mahalagang MSS (mga manuskrito), ay maaaring pagdaragdag para sa liturhiya ng pagbibinyag.

Ang bersikulong ito ay hindi makikita sa mahalagang mga sinaunang kasulatan na naglalaman ng Ebanghelyong ito. Malamang na ito ay pagdaragdag bandang huli na ginawa ng mga eskriba ng Iglesya para gamitin sa mga pagbibinyag.

Karagdagan pa roon, bilang isang kilalang awtoridad sa Bibliya at sa orihinal na wika nito, nagpaliwanag si George

M. Lamsa, “Ang salitang Aramaic na sagad, pagsamba, ay nangangahulugan din na yumukod o lumuhod. Ang mga taga-silangan kapag nagbabatian ay kalimitang nagyuyuko ng ulo o yumuyukod.”92 “ ...At siya’y sinamba niya” ay hindi nangangahulugang sinamba niya si Jesus tulad ng

90  Homage: show of respect paggalang; pitagan. THE NEW STANDARD English-Filipino Dictionary, p. 256.

91  Tingnan din ang Mateo 28:9: “ At narito, sila’y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila’y nagsilapit at niyakap ang

kaniyang mga paa, at siya’y sinamba.”

92  Tingnan halimbawa ang I Samuel 25:23: “ At nang makita ni Abigail si David, ay nagmwdali siya, at lumunsad sa kanyang asno, at

nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa.”

pagsamba sa Diyos. Ang gayong gawa ay ituturing na kalapastanganan at isang paglabag sa Unang Utos sa mga mata ng mga Hudyo, at ang taong iyon ay baka binato na. Bagkus lumuhod siya sa kanya tanda ng pagpipitagan at pagpapasalamat.93

Ang huling kasulatan, ang Qur’an, ay naglilinaw sa usapin ng pagsamba o di pagsamba kay Jesus, sa pamamagitan ng pagsisipi sa pag-uusap na magaganap sa pagitan ni Jesus at ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom. Ipinahayag ni Allah sa kabanata al-Mā’idah (5):116-117:

﴿وَإِذ قَالَ ٱللَّهُ يَعِيسَى ٱبنَ مَريَمَ ءَأَنتَ قُلتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَهَينِ مِن دُونِ ٱللَّهِ قَالَ سُبحَنَكَ مَا يَكُونُ لِي أَن أَقُولَ مَا لَيسَ لِي بِحَقٍّ إِن كُنتُ قُلتُهُ فَقَد عَلِمتَهُ تَعلَمُ مَا فِي نَفسِي وَلَا أَعلَمُ مَا فِي نَفسِكَ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّمُ ٱلغُيُوبِ﴾

 “Banggitin kapag magsasabi si Allah: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: ‘Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang mga diyos bukod pa kay Allah?”…Wala po akong sinabi sa kanila kundi ang ipinag-utos Mo po sa akin: ‘Sambahin ninyo si Allah, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo.’…”

 6.         “Nang pasimula siya ang Verbo”

Marahil ang pinakamadalas sipiing ‘katunayan’ sa pagka-Diyos ni Jesus ay ang Juan 1:1 at 14: “ Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios....At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahahan sa gitna natin...na puspos ng biyaya at katoohanan.” Subalit ang mga pahayag na ito ay hindi

93  Gospel Light, (1936 ed.), p. 353, sinipi mula sa Jesus, p. 21.

ginawa ni Cristo Jesus, o ikinapit sa kanya ng may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Juan. Kaya ang mga bersikulong ito ay hindi magiging katunayan sa pagka-Diyos ni Jesus, lalo na kung isasaalang-alang ang pagdududa sa Ikaapat na Ebanghelyo ng mga Kristiyanong iskolar. Ang mga iskolar sa Bibliya na umakda sa The Five Gospels ay nagsabi: “Ang dalawang larawang iginuhit ni Juan at ng mga sinoptikong Ebanghelyo (mga Ebanghelyo nina Mateo, Marcos at Juan) ay hindi maaaring maging kapwa tumpak ayon sa kasaysayan.94 …Ang mga salitang ipinagpalagay na

94   Ang Ebanghelyo ni Juan ay lubhang naiiba sa tatlong Sinoptikong Eabanghelyo, kaya ang pagkatotoo nito ay nakapagdududa. Halimbawa:

Ang Sinoptikong mga Ebanghelyo

Ang Ebanghelyo ni Juan

Ang pangangaral ni Jesus sa mga

tao ay nagtagal ng isang taon.

Ang pangngaral ni Jesus sa mga

tao ay nagtagal ng tatlong taon.

Si Jesus ay nagsasalita ng

maikling pangungusap at mga talinghaga.

Nagsasalita si Jesus ng mahabang

pilosopikal na mga talumpati.

Si Jesus ay may kakaunting

sinabi tungkol sa kanyang sarili.

Malawakang pinagbubulay-

bulayan ni Jesus ang misyon at persona niya.

Ang pagtataboyng mga namamalit

ng salapi ay ang huling

pangyayari sa kanyang misyon.

Ang pagtataboy ng mga namamalit

ng salapi ay ang unang pangyayari sa kanyang misyon.

Ipinagtatanggol ni Jesus ang mga

kapakanan ng mga dukha at api.

May kakaunti o walang nasabi si

Jesus tungkol sa mga dukha at api.

Si Jesus ay nagpapalayas ng mga

masamang espiritu.

Si Jesus ay hindi nagpalayas ng

mga masamang espiritu.

Si Jesus ay ipinako noong ika-15 ng Nisan.

Si Jesus ay ipinako noong ika-14 ng buwan ng Nisan, ang araw ng paghahain sa paskua ng mga Hudyo.

mula kay Jesus na nasa Ikaapat na Ebanghelyo ay katha ng mga ebanghelista sa nakararaming bahagi, at sumasalamin sa maunlad na wika ng Kristiyanong komunidad ni Juan.95

Ang katawagang Griego na ginamit ng di-kilalang may- akda ng Ikaapat na Ebanghelyo para sa “verbo” (salita) ay logos.96 Sa gayon ay iniugnay ng may-akda si Jesus sa paganong logos ng pilosopiyang Griego, na katuwiran ng Diyos, na nahihiwatigan sa sansinukob, na nag-uutos dito (sa sansinukob) at nagbibigay rito ng anyo at kahulugan.97

Ang ideya ng logos sa kaisipang Griego ay maaaring matunton kahit papaano sa ika-6 na siglo BC na pilosopo, na si Heracleitus, na siyang nagpanukalang mayroong isang logos sa kalakaran ng sansinukob na kahawig ng kakayahang mangatuwiran ng tao. Bandang huli, binigyang- kahulugan ng mga Stoic98 ang logos bilang isang aktibo, makatuwiran at espirituwal na tuntunin na lumaganap sa

95  The Five Gospels, p. 10.

96  Ang pangmaramihan nito ay logoi at nangangahulugan din itong

“katuwiran” o “balak.”

97  Ang konseptong itinatakda ng terminong logos ay matatagpuan sa mga sistemang pilosopikal at teolohikal ng India, Egipto, at Persia. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 7, p. 440)

98  Ang mga Stoic ay mga pilosoper na sumunod sa mga katuruan ng palaisip na si Zeno na taga Citicum (nabuhay sa ika-4-ika-3 siglo BC).

buong reyalidad.99 Ang Hudyong pilosoper na nagsasalita ng Griego, na si Judaeus Philo ng Aleāndria (15BC-45AD) ay nagturo na ang logos ay ang tagapagmagitan sa pagitan ng Diyos at sansinukob, na instrumento sa pagitan ng Diyos at sansinukob at instrumento ng paglikha at instrumentong sa pamamagitan nito ay nauunawaan ng isip ng tao ang Diyos.100 Ang mga sinulat ni Philo ay pinangalagaan at itinampok ng Iglesya, at nagbigay ng inspirasyon para sa isang masalimuot na pilosopikal na teolohiyang Kristiyano. Tumalikod siya sa kaisipang Platoniko101 hinggil sa logos (Verbo) at tinawag niya itong “ang unang isinilang na Anak ng Diyos.”102

Ang pagkakilala kay Jesus bilang logos ay lalo pang lumago sa sinaunang Iglesya resulta ng mga pagsisikap na ginawa ng mga sinaunang teologong Kristiyano at ng mga tagapagtanggol ng doktrina upang ipahayag ang paniniwalang Kristiyano sa mga terminong mauunawaan ng sambayanang naimpluwensiya ng kulturang Griego. Dagdag pa roon, ito ay upang ikintal sa isip ng mga tagapakinig nila

99  Ang logos ay tinatawag nila na pangangalaga ng Diyos, kalikasan, diyos at ang kaluluwa ng sansinukob.

100  Ayon kay Philio at sa mga Middle Platonist, ang logos ay

nananahan sa mundo at siya ring mataas na isip ng Diyos. Ang mga Middle Platonist ay ang mga pilosoper na nagpakahulugan sa mga katuruan ng pangunahing pilosoper noong ika-4 na siglo BC, na si Plato, sa pamamagitan ng mga terminong panrelihiyon. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 7, p. 440.)

101  Ayon o batay sa mga katuruan ng pilosoper na si Plato.

102  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 9, p. 386.

ang pananaw na ang Kristiyanismo ay nakalalamang, o tagapagmana, sa lahat ng pinakamainam sa pilosopiyang pagano. Kaya nga sa kanilang mga akda na nagtatanggol sa doktrina at mga akda na nakikipagtalo para rito, ang sinunang mga Ama ng Iglesya ay nagpahayag na si Cristo ang dati nang umiiral na logos.103

Ang salitang Griego para sa ‘Diyos’ na ginamit sa pararila na “ at ang Verbo ay sumasa Dios,” ay ang kaanyuang tiyak (definite form) na hotheos, na nangangahulugang Ang Diyos. Subalit sa ikalawang pararila, “at ang Verbo ay Dios,” ang katagang Griego na ginamit para sa ‘Diyos’ ay ang kaanyuang di-tiyak (indifinite form) na tontheos, na nangangahulugang isang diyos.104

Kaya naman, ang Juan 1:1 ay nararapat na higit na tumpak na isalin na: “ Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay isang dios.” Samakatuwid, kung ang Verbo ay isang ‘dios’ sa literal na kahulugan, mangangahulugang mayroong dalawang DIYOS at hindi isa. Subalit sa lengguwahe ng Bibliya, ang terminong ‘diyos’ ay ginagamit nang patalinghaga upang ipahiwatig ang kapangyarihan. Halimbawa, tinawag ni Pablo ang demonyo na “diyos” sa II Mga Taga Corinto 4:4: “ Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila’y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng

103  Ibid., vol. 7, p. 440.

104  Christ in Islam, p. 40-41.

kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” Si Moises ay tinawag din na “diyos” sa Exodo 7:1 “ At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.” 105

 Mga Matandang Kaisipan

May malubhang salungatan sa pagitan ng pakahulugan ni Pablo at ng mga taga-Jerusalem kay Jesus at sa mensahe niya. Ang salungatang ito, matapos na kumulo nang ilang taon, ay nauwi sa wakas sa isang lubusang paghihiwalay, na sa pamamagitan nito ay natatag ang maka-Pablong Iglesyang Kristiyano, na naging, sa katotohanan, isang bagong relihiyon na nahiwalay sa Judaismo. Sa kabilang dako, ang mga Nazareno ng Jerusalem ay hindi naglagot ng kaugnayan nila sa Judaismo, bagkus ay itinuring nila ang mga sarili nila na mga relihiyosong Hudyo, na tapat sa Torah, na naniniwala rin kay Jesus na isang taong Mesiyas.106

105  Ito ay ayon sa King James Version, Authorized Version at Ang Biblia (PBS). Ang pagkakasalin sa bersikulong ito sa Revised Standard Version ay ganito: “ And the Lord said to Moses, ‘See, I make you as God to Pharaoh; and Aaron your brother shall be your prophet.” ; at sa Magandang Biblia (PBS): “ …“ Gagawin kitang parang Diyos sa harapan ni Faraon, at ang kapatid mong si Aaron…”

106  The Myth-maker: Paul and the Invention of Christianity, p. 172.

Nang ang paghihimagsik ng mga Hudyo ay dinurog ng mga Romano at ang Templo nila ay sinira noong 70 CE, ang mga Hudyong Kristiyano ay nagsikalat, at ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya bilang Inang Iglesya at sentro ng kilusan ni Jesus ay nagwakas na.107 Ang maka- Pablong Kristiyanong kilusan, na noong hanggang 66 CE ay nagpupunyagi nang manatili laban sa malakas na pagtutol ng Jerusalem, ay nagsisimula na ngayon na sumulong.

Ang Iglesya ng Jerusalem, sa ilalim ng pamumuno ni Santiago, na dating kilala bilang mga Nazareno, ay nakilala bandang huli sa mapanlait na taguring “mga Ebionita” (mula sa Hebreo na evyonium, “mga aba”), na ginamit naman nang may pagmamalaki ng ilang mga Nazareno bilang paalaala sa sinabi ni Jesus, “ Mapalad ang mga aba.” 108 Matapos ang pagtaas ng Iglesyang Griego- Romano, ang mga Nazareno ay naging mga

107  Pagkalipas ng 70 taon, muling nabuo ang isang Iglesyang Kristiyano sa Jerusalem, matapos na winasak ng mga Romano ang lungsod na ito sa ikalawang pagkakataon at muling itinayo bilang isang lungsod na Hentil na tinawag na Aelia Capitolina. Ang bagong Iglesyang Kristiyano ay walang pagkakaugnay sa unang ‘Iglesya ng Jerusalem’ na pinamunuan ni Santiago. Ang mga kaanib nito ay mga Hentil, gaya ng patotoo ni Eusebius, at ang mga doktrina nito ay ang Kristiyanismo ni Pablo. (Eusebius, Ecclesiastical History, v. III. p. 2-3, sinipi mula sa The Myth-maker, p. 174).

108  Mateo 5:3, Magandang Balita Biblia (PBS). Ang Tagapagsalin.

kinasusuklaman bilang mga erehe, dahil sa pagtanggi nila sa mga doktrina ni Pablo.109

Ayon sa sinaunang mananalaysay ng Iglesya, si Irenaeus (mga 185 CE), ang mga Ebionita ay naniniwala sa isang Diyos, ang Tagapaglikha, nagtuturo na si Jesus ang Mesias, gumagamit lamang ng Ebanghelyo ayon kay Mateo, at tumanggi kay Pablo dahil sa pagiging isang nagtatakwil sa Batas ng Judaismo.110

Ang mga Ebionita ay nalamang umiiral pa noong ika-4 siglo. Nilisan ng ilan sa kanila ang Palestina at nanirahan sa Transjordan at Siria at napag-alaman bandang huli na nasa Asia Minor, Egipto, at Roma.111

Ang Monarchianismo,112 isang kilusan ng mga Kristiyano na Hentil na lumago noong ika-2 at ika-3 siglo, ay nagpatuloy na kumakatawan sa “sukdulang” monoteistiko113 na pananaw ng mga Ebionita. Naniniwala ito na si Cristo ay isang tao, na mahimilang ipinaglihi, subalit isa lamang “Anak ng Diyos” dahil sa pagkapuspos ng karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Ang pananaw na ito ay itinuro sa Roma, noong mga bandang katapusan ng ika-2 siglo, ni Theodotus na itiniwalag ni Papa Victor, at nang mga bandang huli ay itinuro rin ni Artemon na itiniwalag naman ni Papa Zephyrinus. Noong

109  The Myth-maker: Paul and the Invention of Christianity, p. 175.

110  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 4, p. 344.

111  Ibid., vol. 4, p. 344.

112  Kilala rin bilang Dynamic o Adoptionist Monarchianism.

113  Batay sa monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos. Ang Tagapagsalin.

mga 260 CE, muli itong itinuro ni Pablo ng Samosata,114 ang obispo ng Antioquia sa Siria, na hayagang nangaral na si Jesus ay isang tao na sa pamamagitan nito ay sinalita ng Diyos ang Kanyang Verbo (Logos), at pinatotohanan niya nang mariin ang lubos na kaisahan ng Diyos.

Sa pagitan ng taong 263 at 268 ay nagdaos ng hindi kukulangin sa tatlong konseho ng iglesya sa Antioquia upang pagtalunan ang kawastuhan ng paniniwala ni Pablo Samosata. Ang ikatlong konseho ay tumuligsa sa kanyang doktrina at nagpaalis sa kanya sa tungkulin. Subalit nagtamasa si Pablo ng pagtangkilik ni Zenobia, ang reyna ng Palmyra, na may sakop sa Antioquia nang panahong iyon, at noon lamang 272 nang magapi ni Emperador Aurelian si Zenobia nang ang totoong pagpapaalis sa tungkulin ay naisagawa.115

Noong huling bahagi ng ikatlong siglo at unang bahagi ng ikaapat na siglo, si Arius (ipinanganak noong mga 250 sa Libya at namatay noong 336), isang pari sa Aleāndria sa Egipto, ay nagturo rin ng limitadong kalikasan ni Cristo at ang ganap na kaisahan ng Diyos, na nakaakit ng maraming tagasunod hanggang sa siya ay ideklarang erehe ng konseho sa Nicaea noong Mayo, 325. Noong idinadaos ang konseho, tumanggi siyang lagdaan ang pahayag ng pananampalataya na nagsasaad na si Cristo ay may kalikasan ng pagkadiyos na tulad ng sa Diyos. Subalit ang

114  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 8, p. 244.

115  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 9, p. 208.

maimpluwensiyang suporta mula sa mga kasama sa Asia Minor at kay Constantia, ang anak na babae ni Emperador Constantino, ay nagtagumpay sa pagpapauwi kay Arius mula sa pagkakatapon at sa muling pagtanggap sa kanya sa iglesya.116 Ang kilusang ipinagpalagay na pinasimulan niya, na kung tutuusin ay isang karugtong ng paniniwala ng Nazareno/Hudyong mga Kristiyano sa Jerusalem, ay nakilala bilang Arianismo at nagsilbing pinakamalaking bantang panloob sa paniniwala sa pagka-Diyos ni Jesus ng tinanggap na maka-Pablong Kristiyanismo.

Mula 337 hanggang 350 CE, ang emperador sa Kanluran [ng Emperyong Romano] Kanluran, si Constans, ay kasang- ayon ng mga Kristiyanong Orthodox,117 at si Constantius II, na emperador sa Silangan [ng Emperyong Romano], ay kasang-ayon naman ng mga Arian. Ang impluwensiyang Arian ay lubhang napakalaki kaya sa isang konseho ng iglesya na idinaos sa Antioquia (341 CE), nagpalabas ng isang pagpapahayag ng paniniwala na nag-alis ng parirala na nagsasaad na si Jesus ay may “mismong kalikasang pandiyos na tulad ng sa Diyos.” Noong 350 si Constantius II ay naging nag-iisang puno ng Emperyo, at sa ilalim ng kanyang pamumuno ang pangkat ng Nicene (mga orthodox ng Kristiyano) ay dinurog higit sa lahat. Pagkamatay ni

116  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 1, p. 556-7.

117  Ang mga orthodox na Kristiyanong tinutukoy rito ay ang mga naniniwala sa Trinidad. Bandang huli ay nahati sila sa dalawa: ang

Kanluraning Kristiyano (Iglesya Romana Katolika) at ang Silanganing Kristiyano (Iglesya Orthodox). Ang Tagapagsalin.

Constantius II noong 361 CE, pinatatag ng mayoriyang mga Orthodox na Kristiyano sa Kanluran ang kanilang katayuan. Gayon pa man, ang pagtatanggol sa ganap na monoteismo at ang pagsasawata sa mga paniniwalang maka-Trinidad ng mga Orthodox na Kristiyano ay nagpatuloy sa Silangan sa ilalim ng Emperador na Arian na si Valens (364-383 CE). Noong si Emperador Theodosius I (379-395CE) na ang humawak sa pagtatanggol ng paniniwalang Orthodox ay tuluyan nang nadurog ang Arianismo. Ang mga paniniwalang maka-isang-Diyos ni Arius, gayon pa man, ay nagpatuloy sa ilang liping Aleman hanggang sa katapusan ng ika-7 siglo.118

Mga Makabagong Kaisipan

Sa ngayon, mayroong maraming makabagong iskolar sa Kristiyanismo na naniniwalang si Cristo Jesus ay hindi Diyos. Noong 1977, ang isang grupo ng pitong iskolar ng Bibliya, kabilang ang mga nangungunang teologong Anglicano at ang iba pang mga iskolar ng Bagong Tipan, ay naglathala ng isang aklat na pinamagatang The Myth of God Incarnate (Ang Mito ng Diyos na Nagkatawang-tao), na nagsanhi ng isang malaking kaguluhan sa Pangkalahatang Kapulungan ng Iglesya ng Inglatera. Sa panimulang salita, ang patnugot, si John Hick, ay nagsulat ng sumusunod: “Ang mga manunulat ng aklat na ito ay kumibinsido na ang isa pang pangunahing pagsulong sa

118  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 1, p. 549-550.

teolohiya ay kinakailangan sa huling bahaging ito ng ikadalawampung siglo. Ang pangangailangan ay lumitaw mula sa lumalaking kaalaman sa mga pinagmulan ng Kristiyanismo, at kinapapalooban ng isang pagkilala na si Jesus (gaya ng paglalahad sa kanya sa Mga Gawa 2:22) ay lalaking pinatunayan ng Dios para isang natatanging papel sa loob ng layunin ng Diyos, at na ang palagay bandang huli sa kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao, ang Ikalawang Persona ng Banal na Trinadad na namuhay ng isang buhay tao, ay isang pangmitolohiya o pangmakatang paraan ng pagpapahayag ng halaga niya para sa atin.”119

Mayroong isang malawak na pagsasang-ayunan ang mga iskolar ng Bagong Tipan na ang makasaysayang Jesus ay hindi gumawa ng pahayag ng pagkadiyos na naisip ng mga Kristiyano bandang huli na gawin para sa kanya; hindi niya naunawaan ang kanyang sarili na Diyos, o Diyos Anak na nagkatawang-tao [sa laman].120 Ang nasirang Arsobispo Michael Ramsey, na mismong isang iskolar ng Bagong Tipan, ay nagsulat na “Si Jesus ay hindi nag-angkin ng pagka-Diyos para sa kanyang sarili.”121 Ang kapanahon niya, ang iskolar ng Bagong Tipan na si C. F. D. Moule, ay nagsabi, “Ang anumang usapin para sa isang ‘mataas’ na Cristolohiya na umaasa sa pagkatunay ng sinasabing mga pahayag ni Jesus

119  The Myth of God Incarnate, p. ix.

120  The Metaphor of God Incarnate, p. 27-28.

121  Jesus and the Living Past, p. 39.

tungkol sa kanyang sarili, lalo na ang nasasaad sa Ikaapat na Ebanghelyo, ay tunay na walang katiyakan.122

Sa isang pangunahing pag-aaral ng mga pinagmulan ng doktrina ng pagkakatawang-tao [ng Diyos], si James Dunn, na nagpapatotoo sa orthodox na Cristolohiya,123 ay nagbigay ng konklusyon na “walang tunay na katunayan sa pinakauna na tradisyon kay Jesus na makatarungang matatawag na isang kamalayan [niya] sa pagka-Diyos [niya].”124 Muli pa, si Brian Hebblethwaite, isang matapat na tagapagtanggol ng tradisyonal na Cristolohiya na Nicene-Calcedonia, ay kumikilala na “hindi na posibleng ipagtanggol ang pagka-Diyos ni Jesus sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga pahayag ni Jesus.”125 Sina Hebblethwaite at Dunn, at iba pang mga iskolar na tulad nila na naniniwala pa rin sa pagka-Diyos ni Jesus, ay nangangatuwirang hindi nalaman ni Jesus na siya ay Diyos na nagkatawang-tao. Nalaman lamang ito pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na muli.

Ang pinakakilala sa mga obispo ng Iglesya ng Inglatera, na nagdududa sa pagka-Diyos ni Jesus, ay ang tahas magsalita na si Reverend Professor David Jenkins, ang

122  The Origin of Christology, p. 136.

123  Ang Cristolohiya na tinatanggap na tumpak ng marami o nakabatay sa Trinidad. Ang Tagapagsalin.

124  Christology in the Making, p. 60.

125  The Incarnation, p. 74.

Obispo ng Durham sa Inglatera, na tahasang nagpahayag na si Jesus ay hindi Diyos.126

Ang sumusunod na artikulo, na lumabas sa The Daily News ilang taon na ang nakaraan, ay malinaw na nagpapakita sa antas ng mga pagdududa ng mga kleriko hinggil sa pagka-Diyos ni Jesus.

 Shock Survey of Anglican Bishops

LONDON: More than half of England’s Anglican bishops say Christians are not obliged to believe that Jesus Christ was God, according to survey published today.

The poll of 31 of England’s 39 bishops shows that many of them think that Christ’s miracles, the virgin birth and the resurrection might not have happened eaxctly as described in the Bible.

Only 11 of the bishops insisted that Christians must regard Christ as both God and man, while 19 said it was sufficient to regard Jesus as “God’s supreme agent”. One declined to give a definite opinion.

The poll was carried out by London Weekend Television’s weekly religion show, Credo.

“DAILY NEWS” 25/6/84127

126  The Economist, April 1, 1989, vol. 311, no. 7596, p. 19.

127  Nakayayanig na Pagsisiyasat sa mga Anglicanong Obispo LONDON: Mahigit sa kalahati ng mga Anglicanong obispo ng Inglatera

ay nagsasabing ang mga Kristiyano ay hindi obligadong maniwala na si Cristo Jesus ay Diyos, ayon sa isang pagsisiyasat na inilathala ngayon. Ang pagtatanong sa 31 sa 39 obispo ay nagpakita na ang marami sa kanila ay nagpapalagay na ang mga himala ni Cristo, ang pagkapanganak mula sa birhen at ang pagkabuhay na muli ay maaaring

Ikatlong Kabanata: Ang Mensahe

Ang ikalawang usapin, ‘Ang Mensahe ni Jesus,’ ay marahil ang pinakamahalagang punto na isasaalang-alang. Sapagkat, kung si Jesus ay hindi Diyos na nagkatawang-tao, kundi isang propeta ng Diyos, ang mensahe na inihatid niya mula sa Diyos ay ang pinakadiwa ng kanyang misyon.

Ang Pagsuko

Ang saligan ng mensahe ni Jesus ay ang pagsuko sa kalooban ng Diyos, sapagkat iyon ang saligan ng relihiyong itinagubilin ng Diyos sa tao magmula noong simula ng panahon. Sinasabi ng Allah128 sa Kabanata Āl ‘Imrān, ang ikatlong kabanata ng Qur’ān, talata 19:

hindi nangyari gaya mismo ng inilarawan sa Bibliya. Tanging 11 sa mga obispo ang naggiit na ang mga Kristiyano ay kailangang magturing kay Cristo bilang kapwa Diyos at tao, samantalang ang 19 ay nagsabing sapat nang ituring si Jesus bilang “pinakamataas na alagad ng Diyos.” Ang isa ay tumangging magbigay ng isang tahasang opinyon. Ang pagtatanong ay isinagawa ng lingguhang palatuntunang panrelihiyon ng London Weekend Television, Credo.

128  Bagamat ilang ulit nang nasipi sa aklat na ito ang katagang “Allāh,”

nais nating bigyang-diin na ang katagang “Allāh” ay ang pangngalang pantangi ng Diyos sa wikang Arabe. Hindi ito katumbas ng katagang GOD sa Inggles o DIEU sa Pranses o DIOS sa Espanyol o ILĀH sa Arabe o EL sa Hebreo sapagkat ang mga ito ay HINDI PANGALAN NG DIYOS, kundi pawang mga katawagan lamang sa Panginoon o Tagapaglika o sa tinatawag na DIYOS sa Tagalog. Mali ring akalaing si Allāh ay Diyos lamang ng mga Arabe o mga Muslim, sapagkat kahit na ang mga Hudyong Arabe at ang mga Kristiyanong Arabe ay Allāh ang

﴿إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلإِسلَمُ وَمَا ٱختَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلكِتَبَ إِلَّا مِن بَعدِ مَا جَاءَهُمُ ٱلعِلمُ بَغيَا بَينَهُم وَمَن يَكفُر بَِايَتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلحِسَابِ﴾

 “Tunay na ang relihiyon para kay Allah ay Islam...”

Sa wikang Arabe, ang pagsuko sa kalooban ng Diyos ay tinawag na Islām. Sa Ebanghelyo ayon kay Mateo 7:21, si Jesus ay nasipi na nagsasabi: “ Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, Panginoon,Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Sa pahayag na ito, si Jesus ay nagbigay- diin sa kalooban ng aking Ama, ang pagsuko ng kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos. Sa Juan 5:30, naisalaysay na si Jesus ay nagsabi rin: “ Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko ay matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.”

Ang Kautusan

Ang “kalooban” ng Diyos ay napaloloob sa mga kautusan na ipinahayag ng Diyos, na itinuro ng mga propeta sa mga tagasunod nila. Kaya naman, ang pagtalima sa kautusan ng Diyos ang saligan ng pagsamba. Ang pangangailangang tumalima sa mga kautusang ipinahayag ng Diyos ay pinagtibay ng Qur’an sa Kabanata al-Mā’idah (5), talata 44:

tawag sa Diyos na siyang lumalang sa langit at lupa. Allāh ang ipinantatawag ng mga Muslim sa Diyos sapagkat nakatitiyak silang ito ay pangalan ng Diyos yamang ang Diyos ay nagpakilala sa pangalang ito. Ang Tagapagsalin.

﴿إِنَّا أَنزَلنَا ٱلتَّورَىةَ فِيهَا هُدى وَنُور يَحكُمُ بِهَا ٱلنَّبِيُّونَ ٱلَّذِينَ أَسلَمُواْ لِلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلرَّبَّنِيُّونَ وَٱلأَحبَارُ بِمَا ٱستُحفِظُواْ مِن كِتَبِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ عَلَيهِ شُهَدَاءَ فَلَا تَخشَوُاْ ٱلنَّاسَ وَٱخشَونِ وَلَا تَشتَرُواْ بَِايَتِي ثَمَنا قَلِيلا وَمَن لَّم يَحكُم بِمَا أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَئِكَ هُمُ ٱلكَفِرُونَ﴾

 “Tunay na Aming ibinaba ang Torah na sa loob nito ay may patnubay at liwanag, na naghahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta na mga sumuko kay Allah…Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang mga tumatangging sumampalataya.”

Naiulat din sa Ebanghelyo ayon kay Mateo 19:16-17 na

si Jesus ay gumawa sa pagtalima sa mga kautusan ng Diyos na susi sa paraiso: “ At narito, lumapit sa kanya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.” Naiulat din sa Mateo 5:19 na ipinagpilitan ni Jesus ang mahigpit na pagsunod sa mga kautusan; sinabi niya: “ Kaya’t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa’t ang sinumang gumanap at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.”

Ang batas ng Diyos ay kumakatawan sa patnubay para sa sangkatauhan sa lahat ng gawain sa buhay. Ito ay nagtatakda ng tama at mali sa kanila at nagbibigay sa mga tao ng isang kumpletong sistema na namamahala sa lahat

ng kapakanan nila. Ang Tagapaglikha lamang ang higit na nakaaalam sa kung ano ang nakabubuti para sa mga nilikha Niya at kung ano ang hindi nakabubuti. Kaya ang kautusan ng Diyos ay nag-uutos at nagbabawal sa ilang mga gawain at mga bagay upang mapangalagaan ang kaluluwa ng tao, ang katawan ng tao, at ang lipunan ng tao laban sa kapinsalaan. Upang ang mga tao ay makaganap sa potensiyal nila sa pamamagitan ng matuwid na pamumuhay, kailangan nilang sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya.129

Ito ang relihiyong ipinararating sa mensahe ni Jesus: ang pagsuko sa kalooban ng nag-iisang tunay na Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya. Binigyang-diin ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na ang kanyang misyon ay hindi nagpawalang-bisa sa mga kautusan na natanggap ni Propeta Moises. Yamang ang mga propetang dumating pagkatapos ni Moises ay nagpanatili sa kautusan, gayon din ang ginawa ni Jesus. Ang kabanata al-Mā’idah (5), talata 46 ng Qur’an ay nagpapakitang pinatotohanan ni Jesus sa kanyang mensahe ang mga Kautusan sa Torah.

﴿وَقَفَّينَا عَلَى ءَاثَرِهِم بِعِيسَى ٱبنِ مَريَمَ مُصَدِّقا لِّمَا بَينَ يَدَيهِ مِنَ ٱلتَّورَىةِ وَءَاتَينَهُ ٱلإِنجِيلَ فِيهِ هُدى وَنُور وَمُصَدِّقا لِّمَا بَينَ يَدَيهِ مِنَ ٱلتَّورَىةِ وَهُدى وَمَوعِظَة لِّلمُتَّقِينَ﴾

 “Pinasunod Namin sa mga bakas nila si Jesus na anak

ni Maria, bilang nagpapatotoo sa Torah na nauna sa kanya at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo na

129  The Purpose of Creation, p. 42-43.

sa loob nito ay may patnubay at liwanag, at bilang nagpapatotoo sa Torah na nauna rito...”

Sa Mateo 5:17-18 ay nagpahayag si Jesus: “ Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan at ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.” Subalit maparaang pinawalang-bisa ni Pablo, na nag-aangking isang disipulo ni Jesus, ang mga kautusan. Sa sulat niya sa Mga Taga Roma 7:6, ipinahayag niya: “ Datapuwat ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.”

Ang Unitaryanismo130

Dumating si Jesus bilang isang propetang nag-aanyaya sa mga tao sa pagsamba sa Diyos lamang, gaya ng mga propetang nauna sa kanya. Ang sabi ng Diyos sa Kabanata an-Nahl (16):36 ng Qur’an:

﴿وَلَقَد بَعَثنَا فِي كُلِّ أُمَّة رَّسُولًا أَنِ ٱعبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجتَنِبُواْ ٱلطَّغُوتَ فَمِنهُم مَّن هَدَى ٱللَّهُ وَمِنهُم مَّن حَقَّت عَلَيهِ ٱلضَّلَلَةُ فَسِيرُواْ فِي ٱلأَرضِ فَٱنظُرُواْ كَيفَ كَانَ عَقِبَةُ ٱلمُكَذِّبِينَ﴾

130  Ang Unitaryanismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos na may isang Persona. Taliwas ito sa Trinitaryanismo na naniniwala sa iisang Diyos na may tatlong Persona. Ang Tagapagsalin: Sulaiman Idris Alojado.

“Talaga nga nagpadala Kami131 sa bawat kalipunan ng isang sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang diyus-diyusan.”…”

Sa Lucas 4:8 ay hiniling ng Demonyo kay Jesus na

sambahin siya at nangako na ibibigay rito ang paghahari at ang kaluwalhatian ng lahat ng kaharian sa mundong ito, “ At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.” Kaya naman, ang pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay tanging ang Diyos ang karapat-dapat sa pagsamba at ang pagsamba sa kaninuman o sa anumang iba pa sa Diyos o kasama sa Diyos ay walang-kabuluhan. Hindi lamang inanyayahan ni Jesus ang mga tao sa mensahe na ito, ipinakita niya rin ito sa kanila sa gawa sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa pagdalangin at ng pagsamba sa Diyos mismo. Nasasaad sa Marcos 14:32: “ At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, magsiupo kayo rito samantalang ako’y nananalangin.” At sa Lucas 5:16: “ Datapuwa’t siya’y lumigpit sa mga ilang, at nanalangin.”

Inanyayahan sila ni Jesus na sumamba sa nag-iisang tunay na Diyos na namumukod-tangi sa mga katangian Niya. Ang Diyos ay hindi nagtataglay ng katangian ng

131  Bagamat ang panghalip na Kami na ginamit dito ay plural, ito ay nangangahulugang Ako dahil ito ay plural of majesty, na ginagamit sa maraming wika gaya ng Inggles, Arabe, at Hebreo. Ang Tagapagsalin.

Kanyang mga nilalang, at ang anumang nilalang ay hindi nakikihati sa anuman sa mga katangian Niya. Sa Mateo 19:16-17, nang ang isang lalaki ay tumawag na mabuti kay Propeta Jesus, na nagsasabi: “ Good Master, what good thing shall I do, that I may have eternal life?” (Mabuting Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan?) ay sumagot si Propeta Jesus: “Why callest thou me good? there is none good but one, that is, God.” (Bakit mo tinawag ako na mabuti? walang sinumang mabuti kundi isa, alalaong baga’y, ang Diyos.)132 Itinanggi niya ang pagtataguri sa kanya ng ‘walang hanggang kabutihan’ o ‘ganap na kabutihan’ at iginiit niya na ang katangiang ito ay nauukol lamang sa Diyos.

Ang malaking mayoriya ng mga Kristiyano sa ngayon ay dumadalangin kay Jesus sa pag-aakalang siya ay Diyos. Ang mga Pilosopo sa kanila ay nagsasabing hindi nila sinasamba ang taong si Jesus, kundi ang Diyos na lumitaw sa taong si Jesus. Ito rin ang katuwiran ng mga paganong yumuyukod sa pagsamba sa mga anito. Kapag tinanong ang isang paganong pilosopo kung bakit siya sumasamba sa isang anito na ginawa ng mga kamay ng tao, ang itinutugon niya ay hindi naman talaga niya sinasamba ang anito. Dagdag pa roon, maaari pa niyang sabihin na ang anito ay pokus ng kinaroroonan ng Diyos, kaya nasasabing ang sinasamba ay ang Diyos na nasa anito at hindi ang pisikal na

132  Tingnan ang talibaba bilang 71.

anito mismo. May kakaunti o walang pagkakaiba ang paliwanag na iyon at ang sagot na ibinibigay ng mga Kristiyano sa pagsamba kay Jesus. Ang pinagmulan ng likong paniniwala na ito ay ang maling paniniwala na ang Diyos ay nasa nilikha Niya. Ang gayong paniniwala ay nagbibigay-katwiran sa pagsamba sa nilikha ng Diyos.

Ang mensahe ni Jesus, na humihimok sa mga tao na sumamba sa nag-iisang Diyos lamang, ay nabaluktot matapos ang paglisan niya. Ang dalisay at payak na mensahe ay ginawa ng mga tagasunod niya bandang huli, magmula kay Pablo, na isang masalimuot na pilosopiya ng Trinidad na nagbibigay-katuwiran sa pagsamba kay Jesus, at pagkatapos ay sa pagsamba sa ina ni Jesus na si Maria,133 sa mga anghel134 at sa mga santo. Ang mga Katoliko ay

133  Tinatawag na Santa Maria, naging layon siya ng veneration (pagsamba; pagpipitagan) ng Iglesyang Kristiyano magmula nang panahong apostoliko. Binigyan siya ng taguring theotokos, na nangangahulugang “nagdala sa Diyos” o “ina ng Diyos” noong ika-3 at ika-4 na siglo. Ang popular na debosyon kay Maria—na nasa anyong mga pista, mga debosyon at rosaryo —ay may ginampanang napakalaking papel sa buhay ng mga Romano Katoliko at mga Orthodox. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 7. p. 897-898 at vol. 16, p. 278-279.)

134  Ang mga anghel na sina Miguel, Gabriel at Rafael ay ginawang mga santo at ang panrelihiyong pagdiriwang na kilala sa tawag na

Michaelmas (tinatawag ng mga Anglicano na “Feast of Saint Michael and All Saints”) ay inilaan para sa kanila ng mga Kanluraning Iglesya sa ika-29 ng Setyembre, at ng mga Silanganing Iglesya sa ika-8 ng Nobyembre. Ang kulto ni San Miguel ay nagsimula sa Silanganing Iglesya noong ika-4 na siglo CE. Dahil sa tradisyonal na katungkulan

may mahabang talaan ng mga santo na kanilang dinudulugan sa mga sandali ng pangangailangan. Kapag may nawala, si Saint Anthony ng Thebes ay dinadalanginan upang tumulong sa paghahanap nito.135 Si Saint Jude Thaddaeus ay ang santong patron ng mga imposible at dinadalanginan para mamagitan sa mga sakit na walang lunas, ditiyak na mga pag-aasawa at mga tulad nito.136 Ang santong patron ng mga manlalakbay ay si Saint Christopher (San Cristobal). Dinadalangin siya noon ng mga manlalakbay hanggang bago sumapit ang 1969, kung kailan siya pormal na inalis sa talaan ng mga santo sa ayon sa atas ng Papa, matapos na mapatotohanan na siya ay gawa- gawa lamang.137 Bagamat pormal na siyang binura sa talaan ng mga santo, mayroong maraming Katoliko sa buong mundo sa ngayon na nanalangin pa rin sa kanya.

Ang pagsamba sa mga santo ay sumasalungat at nakasisira sa pagsamba sa iisang Diyos; at ito ay walang kabuluhan, sapagkat walang buhay o patay na makatutugon sa mga panalangin ng tao. Ang pagsamba sa Diyos ay hindi dapat ibahagi sa anumang paraan, hugis o

ni San Miguel bilang pinuno ng mga hukbo ng langit, ang veneration sa lahat ng mga anghel ay isinama sa wakas sa kulto sa kanya. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 8, p. 95.) Siya ang naging patron ng mga sundalo.

135  The World Book Encyclopedia, vol. 1, p. 509.

136  The World Book Encyclopedia, vol. 11, p. 146.

137  The World Book Encyclopedia, vol. 3, p. 417.

anyo sa Kanyang nilalang. Kaugnay rito, sinabi ni Allah ang sumusunod sa kabanata al-A‘rāf (7):194:

﴿إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ عِبَادٌ أَمثَالُكُم فَٱدعُوهُم فَليَستَجِيبُواْ لَكُم إِن كُنتُم صَدِقِينَ﴾

 “Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa

kay Allah ay mga lingkod na mga tulad ninyo...”

Ito ang mensahe ni Cristo Jesus at ng lahat ng propeta na nauna sa kanya. Ito rin ang mensahe ng huling propeta, si Muhammad—sumakanilang lahat ang kapayapaan at ang pagpapala ni Allah. Kaya naman kapag ang isang Muslim o ang isang taong ang tumatagawag sa kanyang sarili na isang Muslim ay nanalangin sa isang banal na tao, lumabas na siya sa mga hangganan ng Islam. Ang Islam ay hindi lamang isang paniniwala, na ang isang tao ay inoobliga lamang na magpahayag na siya ay naniniwala na walang Diyos na karapat-dapat sambahin kundi si Allah at na si Muhammad ay ang Kahuli-hulihan sa mga sugo, upang magkamit ng Paraiso. Ang pagpapahayag na ito ng pananampalataya ay nagpapahintulot sa tao na nagpahayag nito na pumasok sa mga pinto ng Islam, subalit mayroong maraming gawain na maaaring sumalungat sa pagpapahayag na ito at magtiwalag sa taong iyon sa Islam nang kasing bilis ng pagpasok niya rito. Ang pinakamabigat sa mga gawain na ito ay ang pananalangin sa iba pa sa Diyos.

 Muslim Hindi Muhammadano

Yamang ang relihiyon ni Jesus, at ng lahat ng naunang propeta, ay relihiyon ng pagsuko sa Diyos, na kilala sa wikang Arabe sa tawag na Islām, ang tunay niyang mga

tagasunod ay dapat tawagin na mga sumusuko sa Diyos, na kilala sa Arabe bilang mga Muslim. Sa Islam, ang dasal ay ibinibilang na isang pagsamba. Naiulat na si Propeta Muhammad (SAS) ay nagsabi, “Ang panalangin ay isang pagsamba.”138 Kaya hindi tinatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga Muhammadano, gaya ng mga tagasunod ni Cristo na tinatawag na mga Kristiyano at mga tagasunod ni Buddha na tinatawag na mga Buddhist. Sinasamba ng mga Kristiyano si Cristo at sinasamba ng mga Buddhist si Buddha. Ang katawagang mga Muhammadano ay nagpapahiwatig na sinasamba ng mga Muslim si Muhammad, na kailanman ay hindi nangyayari. Nasasaad sa Qur’an na pinili ng Diyos ang katawagang Muslim para sa lahat ng sumusunod talaga sa mga Propeta. Ang katagang Muslim sa Arabe ay nangangahulugang “ang sumusuko sa kalooban ng Diyos.”

﴿ هُوَ سَمَّىكُمُ ٱلمُسلِمِينَ مِن قَبلُ وَفِي هَذَا لِيَكُونَ ٱلرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيكُم وَتَكُونُواْ شُهَدَاءَ عَلَى ٱلنَّاسِ ﴾

 “…Siya ay tumawag sa inyo na mga Muslim noon pa at dito sa Qur’ān...” Qur’an (22):78.

Kaya ang pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay sa Diyos

lamang sasamba ang tao. Hindi Siya sasambahin sa ano

mang paraan sa pamamagitan ng mga nilikha Niya. Kaya

ang larawan Niya ay hindi maaaring maipinta, malilok o

maiguhit. Siya ay hindi maaabot ng pang-unawa ng tao.

138  Sunan Abu Dawud, vol. 1, p. 387, no. 1474.

Mga Imahen

Hindi inayunan ni Jesus ang gawaing pagano ng paggawa ng mga imahen ng Diyos. Pinagtibay niya ang pagbabawal na nabanggit sa Torah, Exodo 20:4 “ Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Samakatuwid, ang paggamit ng mga panrelihiyong imahen, na tinatawa na mga icon,139 ay matatag na sinalungat ng

139    Ang Iconoclastic Controversy ay isang hidwaan sa paggamit ng mga imaheng panrelihiyon (mga icon) sa Emperyong Byzantium noong ika-8 at ika-9 siglo. Ang mga Iconoclast (ang mga tumanggi sa mga imahen) ay tumutol sa pagsamba sa icon dahil sa mga ilang kadahilanan, kabilang na ang pagbabawal laban sa mga imahen na nasasaad sa Sampung Utos (Exodo 20:4) at ang posibilidad ng idolatriya. Ipinaggiitan ng mga tagapagtanggol ng pagsamba sa imahen ang simbolikong katangian ng mga imahen at ang karangalan ng nilkhang bagay.

Sa sinaunang iglesya, ang paggawa at ang veneration (pagpipitagan; pagsamba) sa larawan ni Cristo at ng mga santo ay walang humpay na kinalaban. Ang paggamit ng mga icon, gayon pa man, ay patuloy na nagtamo ng popularidad, lalo na sa mga silanganing lalawigan ng Emperyong Romano. Sa pagtatapos ng ika-6 na siglo CE at sa ika-7 siglo, ang mga icon ay naging layon ng isang kultong pormal na hinihikayat, na kadalasang nagpapahiwatig ng mapamahiing paniniwala sa pagkakaroon ng mga ito ng buhay. Ang pagtutol sa gayong mga gawain ay naging lubhang malakas sa Asia Minor. Noong 726, ang Emperador ng Byzantium na si Leo III ay hayagang nanindigan laban sa mga icon at bago sumapit ang 730 pormal nang ipinagbawal ang paggamit sa mga ito. Ito ay humantong sa pag-uusig sa mga sumasamba sa mga icon na umabot sa matinding kasidhian sa panunungkulan ng kahalili ni Leo, si Constantino V (741-775 CE).

mga naunang salinlahi ng mga iskolar na Kristiyano. Gayon pa man, ang kaugaliang Griego at Romano ng paggawa ng mga imahen at ang paglalarawan sa Diyos sa anyong tao ay kaagad na nanaig. Ang pagbabawal ay upang pigilin ang maaaring pagkahantong ng pagsamba sa Diyos sa pagsamba sa nilikha. Oras na inilarawan ng isang tao ang Diyos sa kanyang isip, ang taong iyon, kung tutuusin, ay nagtatangkang gawin ang Diyos na katulad ng Kanyang nilikha, dahil ang isip ng tao ay makapaglalarawan lamang ng mga bagay na nakita na nito, at ang Diyos ay hindi makikita dito sa mundo.

Ang mga Kristiyano na may isang kaugaliang sumamba

sa pamamagitan ng mga imahen ay madalas magtanong kung papaanong masasamba ang Diyos nang hindi Siya nailalarawan sa isip. Ang Diyos ay dapat sambahin batay sa kaalaman tungkol sa mga katangian Niya na ipinahayag Niya sa mga tunay na kasulatan. Halimbawa, sa Qur’an ay inilarawan ni Allah ang Kanyang sarili na Maawain, kaya ang mga sumasamba sa Kanya ay dapat magnilay-nilay sa

Subalit noong 787, si Emperadora Irene ay nagpatawag ng ikapitong pangkalahatang konseho sa Nicaea, na tinuligsa roon ang Iconoclasm (pagtutol sa mga imahen) at ang paggamit ng mga imahen ay pinanumbalik. Nabawi ng mga Iconoclast ang kapangyarihan noong 814 matapos na malukluk si Leo V, at ang paggamit ng mga icon ay muling ipinagbawal sa isang konseho (815 AD). Ang ikalawang yugto ng mga Iconoclast ay nagwakas pagkamatay ni Emperador Teofilo noong 842. Noong 843 ay pinanumbalik na sa wakas ng kanyang balo ang veneration sa icon, isang pangyayaring ipinagdiriwang pa rin sa Eastern Orthodox Church bilang Pista ng Orthodoxy. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 1, p. 509.)

maraming awa na ipinagkaloob Niya at magpasalamat sa Kanya dahil sa mga iyon. Dapat din nilang pagnilay-nilayan ang katangian ng awa Niya sa kanila at magpakita din ng awa sa ibang tao. Inilarawan din ni Allah ang sarili Niya na Mapagpatawad, kaya ang mga sumasamba sa kanya ay dapat magbalik-loob na nagsisi sa Kanya at hindi mawalan ng pag-asa kapag nakagawa sila ng mga kasalanan. Dapat dina nilang pahalagahan ang kapatawaran ni Allah sa pamamagitan ng pagiging mapagpatawad sa ibang mga tao.

Ang Propesiya

Bahagi ng mensahe ni Propeta Jesus ay ang ipabatid sa kanyang mga tagasunod ang tungkol sa propeta na darating pagkatapos niya. Gaya ng pagbabalita ni Juan Bautisata sa pagdating ni Jesus, ibinalita rin ni Jesus ang pagdating ng kahuli-hulihan sa mga propeta ng Diyos, si Muhammad. Sa Qur’an Kabanta as-Saff (61):6 ay sinipi ng Diyos ang propesiya ni Jesus tungkol kay Muhammad:

﴿وَإِذ قَالَ عِيسَى ٱبنُ مَريَمَ يَبَنِي إِسرَءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيكُم مُّصَدِّقا لِّمَا بَينَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّورَىةِ وَمُبَشِّرَا بِرَسُول يَأتِي مِن بَعدِي ٱسمُهُ أَحمَدُ فَلَمَّا جَاءَهُم بِٱلبَيِّنَتِ قَالُواْ هَذَا سِحر مُّبِين﴾

 “Banggitin noong magsabi si Jesus na anak ni Maria:

“O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allah sa inyo bilang nagpapatotoo sa nauna sa akin na Torah at nagbabalita ng nakalulugod na isang Sugo na darating kapag wala na ako, na ang pangalan niya ay Ahmad.”140...”

140  Ang “Ahmad” tulad ng “Muhammad” ay hinango sa salitang ugat na Arabe na hamd na nangangahulugang “papuri; pasasalamat.” Kilala rin si Propeta Muhammad sa pangalang Ahmad.

May ilan pagtukoy rin sa mga Ebanghelyo na waring tumutukoy sa pagdating ni Propeta Muhammad—ang kapayapaan at ang biyaya ng Diyos ay makamit ng lahat ng propeta. Sa Ebanghelyo ayon kay Juan 14:16, nasipi si Jesus na nagsasabi: “ At ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw,141 upang siyang suma inyo magpakailan man.” Binibigyang- pakahulugan ng mga karaniwang Kristiyano ang Mang- aaliw na nabanggit sa Juan 14:16 bilang Espiritu Santo.142

Subalit ang pararilang “ ibang Mangaaliw” ay nagpapahiwatig na ito ay isa pang gaya ni Jesus at hindi ang Espiritu Santo,143 lalo kung isasaalang-alang ang Juan 16:7,

141  Ang salitang Griego na paraclete ay isinalin na Comforter (Mang- aaliw) sa King James Version, at Advocate (Tagatangkilik) at Helper (Katulong) sa ibang mga salin. Ang parakletos ay nangangahulugang ang ngtatanggol sa kapakanan ng iba, ang nagpapayo o nagpapaalaala sa iba dahil sa malaking malasakit sa kagalingan ng iba. (Beacon Bible Commentary, vol. 7, p. 168).

142  Tingnan ang Juan 14:26: “ Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay…” Subalit sa I Juan 4:1, ginamit ang katagang Espiritu sa pagtukoy sa isang propeta: “ Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Diyos: sapagkat maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.”

143  Sa Tagalog ang katagang iba ay maaaring mangahulugang “isa pa mula sa katulad na uri” o “isa pa mula sa naiibang uri.” Ang tekstong

Griego ng Bagong Tipan ay gumamit ng katagang allon, na kaanyuang panlalaking palayon ng allos: “isa pa mula sa katulad na uri.” Ang salitang Griego para sa “isa pa mula sa naiibang uri” ay heteros, subalit

na naiulat na nagsabi si Jesus: “ Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paparito sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo.” Ang katagang Mang- aaliw ay hindi maaaring tumutukoy rito sa Espiritu Santo, dahil—ayon sa mga Ebanghelyo—ang Espiritu Santo ay nasa mundo na bago pa isinilang si Jesus,144 at gayon din noong panahon ng pangangaral niya.145 Nagpapahiwatig ang bersikulong ito na ang Mang-aaliw ay hindi pa noon dumating.

Ang pahayag ni Jesus na ang propetang mang-aaliw ay sumainyo magpakailan man ay maaaring ipakahulugan na nangangahulugang wala nang pangangailangan sa dagdag na mga propeta upang humalili sa Mang-aaliw na ito [kapag wala na ito]. Siya ay magiging kahuli-hulihan sa mga propeta ng Diyos at ang mensahe niya ay pangangalagaan hanggang sa wakas ng mundo.146 Ang propesiyang ibinigay ni Jesus hinggil sa pagdating ni Propeta Muhammad, sumakanila ang kapayapaan at pagpapala ni Allah, ay

hindi ginamit ng Bagong Tipan ang salitang ito sa Juan 14: 16. (Jesus, A Prophet of Islam, p. 15-16).

144  Puspos na si Juan Bautista ay puspos ng Espiritu Santo habang

nasa sinapupunan pa ng ina niya (Lucas 1:15); si Elisabeth ay napuspos ng Espiritu Santo (Lucas 1:41); ang ama ni Juan, si Zacaria, ay napuspos din ng Espiritu Santo (Lucas 1:67).

145  Ang Espiritu Santo ay nasa kay Simon (Lucas 2:25) at bumaba ito kay Jesus na nasa anyo ng isang kalapati (Lucas 3:22).

146  Jesus, A Prophet of Islam, p. 13.

nagpatotoo sa mga propesiya sa kanya sa Torah. Sa Deuteronomio 18:18-19, nasusulat na ang Panginoon ay nagsabi kay Moises: “ Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo;147 at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya,148 at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kanyang sasalitain sa aking pangalan,149 ay aking sisiyasatin yaon sa kanya.” Sa Isaias 42:1,4 at 11, si Isaias ay nagpropesiya tungkol sa isang hinirang na “Lingkod ng Panginoon” na ang misyon niya bilang propeta ay sa buong sangkatauhan, di gaya ng mga propetang Hebreo na limitado sa Israel ang misyon. “ Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya’y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa…Siya’y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan…

147  Ang mga kapatid ng mga Hudyo—na mga inanak ni Isaac na anak Abraham—ay ang mga Arabe, na mga inanak ni Ismael na kapatid ni Isaac.

148  Ang Qur’an, sa literal na kahulugan, ay “ang pagbigkas.” Itinuro ni Propeta Muhammad na ang Qur’an ay mga salita ng Diyos. Ang

kanyang sariling mga pagpapaliwanag at mga tagubilin ay tinatawag na

Hadīth.

149  Nagsisimula ang bawat isa sa 114 kabanata ng Qur’an sa panalanging “Sa ngalan ni Allah, ang Pinakanaaawa, ang Maawain,”

liban sa Kab. 9.

Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon ng Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.” Ang naiibang lingkod na ito ng Panginoon ay ang isang tanging naiugnay sa Cedar,150 ang mga Arabe.151

 Ikaapat na Kabanata: Ang Daan

Ang isa pang aspeto ng mensahe ni Propeta Jesus ay ang kanyang pag-aanyaya sa mga tao na sundin ang ‘daan’ niya. Ang mga propeta ay naghatid ng mga kautusan ng Diyos o nagpatotoo sa mga inihatid ng mga naunang propeta, at nag-anyaya sa mga tao na sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusang ipinahayag ng Diyos. Ipinakita rin nila sa gawa sa kanilang mga tagasunod kung papaanong mamuhay ayon sa kautusan. Kaya inanyayahan din nila ang mga naniwala sa kanila na sundin ang daan nila bilang siyang tamang daan para mapalapit sa Diyos. Ang simulaing ito ay naisulat sa Ebanghelyo ayon kay Juan 14:6 “ Sinabi sa kaniya ni Jesus,

150  Ang mga inanak ni Ismael ay nakilala sa tawag na mga Arabe, isang katawagan na sa Hebreo ay nangangahulugang mga nakatira sa ‘arabah o disyerto (Dictionary of the Bible, p. 47). Ang madalas mabanggit sa labindalawang anak ni Abraham ay si Cedar (Kedar sa Hebreo at sa ibang salin ng Bibliya sa Ingles at Tagalog). Sa ilang mga bersikulo ng Bibliya, ang Cedar ay kasingkahulugan ng mga Arabe sa kabuuan (Jeremias 2:10; Ezekiel 27:21; Isaias 60:7; Mga Awit ng Mga Awit: 1:5).

151  Jesus, A Prophet of Islam, p. 11.

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Bagamat karaniwan nang sinisipi ng mga sumasamba kay Jesus ang bersikulong ito bilang bahagi ng patunay sa pagka-Diyos niya, hindi inanyayahan ni Jesus ang mga tao na sambahin siya sa halip na ang Diyos, o bilang Diyos. Kung ang mga salitang ito ay talagang sinalita ni Jesus, ang ibig sabihin ng mga ito ay hindi masasamba ang Diyos kung hindi sa pamamagitan ng pamamaraang itinakda ng mga propeta ng Diyos. Binigyang-diin ni Jesus sa mga disipulo niya na masasamba lamang nila ang Diyos sa ayon paraang itinuro niya sa kanila. Sa Qur’an 3:31, nagtagubilin ang Diyos kay Propeta Muhammad na tagubilinan ang mga tao na sundin siya kung talagang iniibig nila ang Diyos:

﴿قُل إِن كُنتُم تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحبِبكُمُ ٱللَّهُ وَيَغفِر لَكُم ذُنُوبَكُم وَٱللَّهُ غَفُور رَّحِيم﴾

 “Sabihin mo: “Kung kayo ay umiibig kay Allah ay sundin ninyo ako, mamahalin kayo ni Allah at

magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.””

Ang daan ng mga propeta ay ang tanging daan patungo sa Diyos, sapagkat ito ay itinakda ng Diyos mismo at ang layunin ng mga propeta ay iparating ang mga tagubilin ng Diyos sa mga tao. Kung walang propeta, hindi malalaman ng mga tao kung papaanong sasambahin ang Diyos. Kaya naman ang lahat ng mga propeta ay nagpabatid sa kanilang mga tagasunod kung papaanong sasambahin ang Diyos. Samakatuwid, ang pagdaragdag ng anuman sa relihiyong inihatid ng mga propeta ay mali. Ang anumang pagbabago na ginawa sa relihiyon kapag wala na ang mga propeta ay

kumakatawa sa paglihis na inudyukan ni Satanas. Kaugnay rito, naiulat na si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Ang sinumang gumawa ng bago sa kautusan Namin, na iyon ay hindi naman bahagi nito, iyon ay tatanggihan.”152

Karagdagan pa roon, ang sinumang sumamba sa Diyos nang salungat sa mga tagublin ni Jesus ay sumamba nang walang kabuluhan.

Ang Daan ni Jesus

Una at higit sa lahat, kailangang mabatid na si Cristo Jesus na anak ni Maria ay ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga propetang Hebreo. Namuhay siya ayon sa Torah, ang kautusan ni Moises, at nagturo sa mga tagasunod niya na gawin ang gayon. Sa Mateo 5:17-18 ay nagpahayag si Jesus: “ Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan at ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.” Sa kasawiang palad, mga limang taon matapos magwakas ang pangangaral ni Jesus, ang isang rabbi na ang pangalan ay Saul na taga Tarsus, na nagsabing nakita raw niya si Jesus sa isang pangitain, ay nagsimulang magpalit sa daan ni Jesus. Si

152  Sahih Al-Bukhari, vol. 3, p. 535, no. 861, at Sahih Muslim, vol. 3,

p. 931, no. 4266.

Pablo (ang pangalang Romano ni Saul) ay may malaking paggalang sa pilosopiyang Romano at kanyang ipinagmamalaki ang kanyang pagkamamamayang Romano. Ang paniniwala niya ay na ang mga di-Hudyo na naging mga Kristiyano ay hindi dapat pabigatan ng Torah sa anumang paraan. Sinipi ng may-akda ng Mga Gawa 13:39 si Pablo na nagsasabi: “ At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.” Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Pablo, higit sa lahat, nagsimula ang Iglesya sa pagkamit ng mga katangian nitong hindi Hudyo. Si Pablo153 ang sumulat sa karamihan sa mga sulat sa Bagong Tipan, na tinatanggap ng Iglesya bilang opisyal na doktrina at kinasihang Kasulatan. Ang mga sulat na ito ay hindi nagpanatili sa Ebanghelyo ni Jesus o kumatawan doon;154 sa halip, binago ni Pablo ang mga katuruan ni Cristo at naging isang pilosopiyang Hellenistiko (Griego- Romano).

Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng mga katuruang sinunod at itinuro ni Jesus, ngunit bandang huli ay tinalikdan ng Iglesya. Subalit, ang karamihan sa mga katuruang ito ay binuhay sa kahuli-hulihang mensahe ng Islam na hinatid ni Propeta Muhammad at nanatiling isang

153  Pinugutan siya sa Roma 34 taon makalipas ang pangangaral ni Jesus.

154  Biblical Studies From a Mulsim Perspective, p. 18.

pangunahing bahagi ng gawaing panrelihiyon ng mga Muslim hanggang ngayon.

Ang Pagtutuli

Si Jesus ay tinuli. Ayon sa Lumang Tipan, ang kaugaliang ito ay nagsimula kay Propeta Abraham, na siya mismo ay hindi isang Hudyo o Kristiyano. Nasusulat sa Genesis 17:9-13: “ At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng inyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa’t lalake sa inyo. At kayo’y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa inyong lahi. At ipinanganak sa bahay at ang binili ng inyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.”

Sa Ebanghelyo ayon kay Lucas 2:21 “ At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na Jesus ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.” Samakatuwid, ang maging tuli ay bahagi ng daan ni Jesus. Subalit sa ngayon ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi tuli, dahil sa katuwirang pinasimulan ni Pablo. Sinabi niyang ang

pagtutuli raw ay ang pagtutuli ng puso. Sa sulat niya sa Mga Taga Roma 2:29 ay sumulat siya: “ Datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik;” Sa sulat niya sa Mga Taga Galacia 5:2 ay sumulat siya: “ Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabangan na anoman kay Cristo.” Ito ang bulaang pakahulugan ni Pablo. Sa kabilang dako, si Jesus ay hindi tinuli sa puso at wala siyang anumang sinabi tungkol sa pagtutuli ng puso; pinangalagaan niya ang “pinakatipang walang hanggan” at siya ay tinuli sa laman. Samakatuwid, isang mahalagang bahagi sa pagsunod sa daan ni Jesus ang pagtutuli. Si Propeta Muhammad ay nasipi na nagsasabi: “May limang likas na kaugalian sa kalinisan: pag-aahit ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, pagtutuli, pagpuputol ng bigote, pagbubunot ng

buhok sa kili-kili at pagpuputol ng kuko.”155

Ang Baboy

Si Jesus ay hindi kumain ng baboy. Sinunod niya ang mga kautusan ni Moises at hindi siya kumain ng baboy. Sa Levitico 11:7-8 “ At ang baboy, sapagka’t may hati ang paa at baak, datapuwa’t hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo. Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga

155  Sahih Al-Bukhari, vol. 7, p. 515, no. 777 at Sahih Muslim, vol. 1,

p. 159, no. 495.

karumaldumal nga sa inyo.” Ang ginawa lamang ni Jesus na may kaugnayan sa mga baboy ay ang pagpapahintulot niya sa mga maruming espiritu na lumukob sa isang tao, na pumasok sa mga baboy. Nang makapasok na ang mga maruruming espiritu sa kawan ng mga baboy ay tumakbo sila sa tubig at nalunod. Subalit ang karamihan sa mga tao sa ngayon na nagtuturing sa kanilang mga sarili na Kristiyano ay hindi lamang kumakain ng baboy, gustong gusto pa nila ito anupa’t ginawa pa nila ang mga baboy na paksa ng nursery rhymes (Hal. This little piggy went to the market...) at ng mga kuwentong pambata (Hal. Ang Tatlong Munting Baboy). Si Porky Pig ay isang sikat na cartoon chracter, at kamakailan lamang ay may isang buong pelikula na ginawa tungkol sa isang baboy na tinawag na “Babe.” Kaya masasabing ang mga nagtuturing sa kanilang mga sarili na mga tagasunod ni Cristo ay hindi talaga sumusunod sa daan ni Cristo.

Sa Batas ng Islam, ang pagbabawal sa baboy at sa mga produktong mula rito ay mahigpit na napanatili mula noong panahon ni Propeta Muhammad hanggang ngayon. Sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):173, ang Diyos ay nagsabi:

﴿إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيكُمُ ٱلمَيتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحمَ ٱلخِنزِيرِ وَمَا أُهِلَّ بِهِ لِغَيرِ ٱللَّهِ فَمَنِ ٱضطُرَّ غَيرَ بَاغ وَلَا عَاد فَلَا إِثمَ عَلَيهِ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُور رَّحِيمٌ﴾

 “Ipinagbawal Niya lamang sa inyo ang patay,156 ang

dugo, ang laman ng baboy at ang inialay sa iba pa kay Allah. Ngunit ang sinumang napilitan, hindi dahil sa

156  Hayop na namatay nang hindi kinatay.

paghahangad ni sa paglabag, wala siyang kasalana.

Tunay na si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”157

 Ang Dugo

Si Jesus ay hindi rin kumain ng anumang may halong dugo, at hindi rin siya kumain ng dugo. Nasulat na ang Diyos ay nag-utos kay Propeta Moises sa Torah, Deuteronomio 12:16: “ Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig,” at sa Levitico 19:26158 “ Huwag kayong kakain ng anumang karneng may dugo. Huwag ninyong paiiralin ang panghuhula o panggagaway.” Ang pagbabawal na ito ay napanatili hanggang sa ngayon sa kahuli-hulihang kapahayagan sa Kabanata al-An‘ām (6):145:

﴿قُل لَّا أَجِدُ فِي مَا أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَى طَاعِم يَطعَمُهُ إِلَّا أَن يَكُونَ مَيتَةً أَو دَما مَّسفُوحًا أَو لَحمَ خِنزِير فَإِنَّهُ رِجسٌ أَو فِسقًا أُهِلَّ لِغَيرِ ٱللَّهِ بِهِ فَمَنِ ٱضطُرَّ غَيرَ بَاغ وَلَا عَاد فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُور رَّحِيم﴾

 “Sabihin mo: “Wala akong natatagpuan sa anumang

ikinasi sa akin na ipinagbabawal sa isang kumakain

na kakain niyon maliban kung iyon ay isang patay, o dugong ibinubuhos o laman ng baboy sapagkat tunay na iyon ay isang kasalualaan...”

Samakatuwid, may mga partikular na paraan ng pagkatay na itinakda ang Diyos para sa lahat ng bansa na pinadalhan ng mga propeta, upang matiyak na ang karamihan sa dugo ay lubusang naalis sa hayop na kinatay

157  Tingnan din ang Kabanata al-Maa’idah (5):3.

158  Salin ng Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society.

at upang ipaalaala sa tao ang mga biyaya ng Diyos. Tinukoy ng Qur’an ang mga tagubuling ito sa kabanata al- Hajj (22):34:

﴿وَلِكُلِّ أُمَّة جَعَلنَا مَنسَكا لِّيَذكُرُواْ ٱسمَ ٱللَّهِ عَلَى مَا رَزَقَهُم مِّن بَهِيمَةِ ٱلأَنعَمِ فَإِلَهُكُم إِلَه وَحِد فَلَهُ أَسلِمُواْ وَبَشِّرِ ٱلمُخبِتِينَ﴾

 “Para sa bawat kalipunan ay gumawa Kami ng paraan ng pagkatay upang banggitin nila ang pangalan ni Allah

sa itinustos Namin sa kanila na mga hayupan.…”

Si Jesus at ang kanyang mga naunang tagasunod ay sumusunod sa wastong paraan ng pagkatay sa pamamagitan ng pagbanggit sa panglan ng Diyos at pagputol sa ugat sa leeg samantalang buhay pa ang hayop upang mailabas ng puso ang dugo. Subalit ang mga Kristiyano sa ngayon ay hindi nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa wastong mga paraan ng pagkakatay, na itinakda ng Diyos.

Ang Alak

Inialay ni Jesus ang sarili niya sa Diyos at samakatuwid umiwas siya sa mga inuming nakalalasing ayon sa tagubiling nakatala sa Mga Bilang 6:1-4: “ At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng Nazareo,159 upang tumalaga sa Panginoon: Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya’y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing

159  Isang ihiniwalay o itinalaga.

sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas. Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.”

Sa Qur’an, Kabanata al-Mā’idah (5):90, ay tuluyang nang ipinagbawal ni Allah ang mga bagay na nakalalasing:

﴿يَأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ إِنَّمَا ٱلخَمرُ وَٱلمَيسِرُ وَٱلأَنصَابُ وَٱلأَزلَمُ رِجس مِّن عَمَلِ ٱلشَّيطَنِ فَٱجتَنِبُوهُ لَعَلَّكُم تُفلِحُونَ﴾

 “O mga sumampalataya, ang alak, ang sugal, ang mga dambana, at ang mga pagpapahula ay kasalaulaan na kabilang sa gawain ni Satanas. Kaya iwaksi ninyo ito, nang harinawa kayo ay magtagumpay.”

Tungkol naman sa himala ng paggawa ng alak mula sa tubig,160 matatagpuan lamang ito sa Ebanghelyo ni Juan, na madalas sumalungat sa tatlong Ebanghelyo. Gaya ng nabanggit kanina, ang Ebanghelyo ni Juan ay kinalaban sa sinaunang Iglesya161 dahil sa pagkaerehe, samantalang ang tatlong iba pang Ebanghelyo ay tinaguriang Sinoptikong Ebanghelyo sapagkat ang mga teksto ay naglalaman ng magkahawig na pagtatalakay sa buhay ni Jesus.162 Kaya nga may mga iskolar ng Bagong Tipan na nagpapahayag ng pag-aalinlangan sa pagkatotoo ng pangyayaring ito.

160  Juan 2:1-11.

161  The Five Gospels, p. 20.

162  The New Encyclopaedia Britannica, vol. 5, p. 379.

Ang Paghuhugas Bago Magdasal

Bago magsagawa ng pormal na pagdarasal, naghuhugas si Jesus ng kanyang mga kamay at mga paa alinsunod sa mga katuruan ng Torah. Sina Moises at Aaron ay naisulat sa Exodo 40:30-32 na nagsasagawa niyon: “ At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan ng at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan. At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa;...gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.”

Sa Qur’an, kabanata al-Mā’idah (5):6, ang paghuhugas para sa pagdarasal ay itinagubilin nang ganito:

﴿يَأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ إِذَا قُمتُم إِلَى ٱلصَّلَوةِ فَٱغسِلُواْ وُجُوهَكُم وَأَيدِيَكُم إِلَى ٱلمَرَافِقِ وَٱمسَحُواْ بِرُءُوسِكُم وَأَرجُلَكُم إِلَى ٱلكَعبَينِ وَإِن كُنتُم جُنُبا فَٱطَّهَّرُواْ ﴾

 “O mga sumampalataya, kapag nagpasya kayong magdasal, hugasan ninyo ang mga mukha ninyo, ang mga kamay ninyo hanggang sa mga siko—haplusin ninyo ang mga ulo ninyo—at ang mga paa ninyo hanggang sa bukong-bukong...”

Ang Pagpapatirapa sa Pagdarasal

Inilarawan si Jesus sa mga Ebanghelyo na nagpapatirapa sa pagdarasal. Sa Mateo 26:39, inilarawan ng may-akda ang isang pangyayaring naganap nang si Jesus ay pumunta kasama ng mga disipulo niya sa Getsemane: “ At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay

lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.”

Ang mga Kristiyano ngayon ay lumuluhod, nagpapalakpak ng kanilang mga kamay, sa pusturang hindi masasabing galing kay Jesus. Ang pamamaraan ng pagpapatirapa na sinunod ni Jesus sa pagradasal niya ay hindi niya ginawa-gawa. Ito na ang kalakaran ng mga propetang nauna sa kanya. Sa Matandang Tipan, Genesis 17:3, nasusulat na si Propeta Abraham ay nagpatirapa sa kanyang pagdarasal; nasusulat sa Mga Bilang 16:22 at 20:6 na sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa kanilang pagsamba; nasasaad sa Josue 5:14 at 7:6 na si Josue ay nagpatirapa at sumamba; nasasaad sa I Mga Hari 18:42 na si Elias ay yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod. Ganito ang pamamaraan ng mga propeta na pinili ng Diyos na magparating ng Kanyang salita sa sanglibutan; at sa pamamagitan lamang nito magtatamo ang mga nagsasabing sumusunod daw sila kay Jesus ng kaligtasan na ipinangaral niya sa Ebanghelyo.

Ang kabanata al-Insān (76):25-26 ay isa lamang sa maraming halimbawa sa Qur’an ng mga atas ng Diyos sa mga sumampalataya na magpatirapa sa pagsamba sa Kanya:

﴿وَٱذكُرِ ٱسمَ رَبِّكَ بُكرَة وَأَصِيلا وَمِنَ ٱلَّيلِ فَٱسجُد لَهُ وَسَبِّحهُ لَيلا طَوِيلًا﴾

“Gunitain mo ang pangalan ng Panginoon mo sa

umaga at sa hapon, at sa bahagi ng gabi, kaya

magpatirapa ka sa Kanya at luwalhatiin mo Siya nang matagal sa gabi.”

Ang Pagbebelo

Ang mga babae sa palibot ni Jesus ay nakabelo ayon sa kaugalian ng mga babae sa palibot ng mga naunang propeta. Ang mga kasuutan nila ay maluwang at bumabalot buong katawan nila, at nagsusuot sila ng mga belo na nagtatakip sa mga buhok nila. Sa Genesis 24:64-65 “ Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, bumaba sa kamelyo. At sinabi ni Rebeca sa alililang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa akin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon; at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya’y

nagtakip.” 163 Isinulat ni Pablo sa Unang Sulat niya sa mga

Taga Corinto 11:5-6: “ Datapuwa’t ang bawa’t babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagkat gaya rin ng kung kaniyang inahitan. Sapagka’t kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; ngunit kung kahiya-hiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.” Maaaring ipangatuwiran ng iba na pangkalahatang kaugalian nang mga panahong iyon ang pagbabalot ng buong katawan. Subalit hindi ganoon ang

163  Sa Magandang Balita Biblia (PBS): Kumuha ng belo si Rebeca at nagtalukbong. Ang Tagapagsalin.

kalagayan. Sa Roma at Grecia, na ang mga kultura ng mga ito ay nangibabaw sa rehiyon, ang palasak na kasuutan ay sadyang maiksi at nagpapakita ng mga kamay, mga binti at mga dibdib. Tanging ang mga relihiyosang babae sa Palestina, alinsunod sa kaugaliang Hudyo, ang mahinhin na nagbabalot ng mga sarili nila.

Ayon kay Rabbi164 Dr. Menachem M. Brayer, (Propesor

ng Biblical Literature sa Yeshiva University), nakaugalian noon na ang mga babaeng Hudyo ay lumalabas sa publiko na nakasuot ng lambong sa ulo na, kung magkaminsan, nakatakip pa sa buong mukha, na hinayaan lamang ang isang mata na malaya [na nakalitaw].165 Sinabi pa niya na “noong Tannaitic period, ang pagkukulang ng isang babaeng Hudyo na magtakip ng ulo ay itinuturing na isang lantarang paghamak sa kanyang kahinhinan. Kapag naalisan ng balot ang kanyang ulo, maaari siyang mamultahan ng apat na raang zuzim dahil sa paglabag na ito.”166

Ang bantog na sinaunang teologo na si San Tertullian (namatay noong 220 CE), sa kanyang mga bantog na sulatin: ‘Tungkol sa Pagbebelo ng mga Birhen,’ ay nagsulat ng ganito: “Mga dalaga, isuot ninyo ang inyong mga belo sa paglabas sa mga lansangan, kaya dapat na isuot ninyo ang mga ito sa simbahan; isusuot ninyo ang mga ito kapag

164  Ito ang tawag sa iskolar o klero o pastor ng mga Hudyo.

165  The Jewish Woman ni Rabbinic Literature, p. 239.

166  Ibid., p. 139.

kayo ay nasa gitna ng mga estranghero, at saka isuot ninyo ang mga ito sa gitna ng nma kapatid ninyo...” Kabilang sa mga batas Kanoniko ng Iglesya Katolika hanggang ngayon, ang isang batas na nag-oobliga sa mga babae na magtakip ng ulo nila sa loob ng simbahan.167 Ang mga denominasyong Kristiyano, gaya ng Amish at Menonites, halimbawa, ay nagpapanatili sa kanilang mga kababaihan na nakabelo hanggang sa ngayon.

Sa Qur’an, kabanata an-Nūr (24):31, ang mga babaeng mananampalataya ay inaatasang takpan nila ang kanilang mga panghalina at magsuot ng mga belo sa kanilang mga ulo hanggang sa mga dibdib.

﴿وَقُل لِّلمُؤمِنَتِ يَغضُضنَ مِن أَبصَرِهِنَّ وَيَحفَظنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنهَا ﴾

“Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na

magbaba sila ng mga paningin nila, pangalagaan nila ang mga puri nila, huwag nilang ilitaw ang gayak nila maliban sa nakalantad na mula sa mga ito, paabutiin nila ang mga talukbong nila hanggang sa mga dibdib nila,...”

Sa kabanata al-Ahzāb (33):59, ay ibinigay ang dahilan ng pagbebelo. Ipinahayag ni Allah na ang pagbebelo ay nagpapakilala sa [kabinihan ng] mga babae sa lipunan at nagbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa posibleng kapinsalaang panlipunan.

167  Clara M. Henning, “Canon Law and Battle of the Sexes,” in

Religion and Sexism, p. 272.

 Ang mga Pagbati

Binati ni Jesus ang mga tagasunod niya sa pamamagitan ng pagsabi ng “Kapayapaan ang sumainyo.” Sa Kapitulo 20:21, ang hindi kilalang may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Juan ay nagsulat ng sumusunod hinggil kay Jesus matapos ang diumano’y pagpako sa kanya: “ Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung papaanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.” Ang pagbating ito ay ayon sa mga propeta, gaya ng nabanggit sa mga aklat ng Matandang Tipan. Halimbawa, sa I Samuel 25:6, inatasan ni Propeta David ang mga sugo na ipinadala niya kay Nabal: “ At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa, Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang sumaiyong sambahayan, at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik.” Inaatasan ng Qur’an ang lahat ng pumapasok sa mga bahay na bumati ng pagbati ng kapayapaan;168 at ang mga papasok sa Paraiso ay babatiin ng mga anghel ng tulad din niyon.169 Sa Kabanata al-An‘ām (6):54, inatasan ni Allah ang mga mananampalataya na magbatian ng kapayapaan:

﴿وَإِذَا جَاءَكَ ٱلَّذِينَ يُؤمِنُونَ بَِايَتِنَا فَقُل سَلَمٌ عَلَيكُم ﴾

168  Kabanata an-Nūr (24):27.

169  Kabanata al-Ā‘rāf (7):46.

“Kapag pinuntahan ka ng mga sumasampalataya sa mga Tanda Namin ay sabihin mo: “Kapayaapan ay sumainyo.”...”

Tuwing nagkikita ang mga Muslim ay ginagamit nila ang pagbating ito.

Ang Takdang Kawanggawa

Kumilala si Jesus sa institusyon ng takdang kawanggawa, na kilala sa tawag na “ikapu,” na hinihiling sa taunang anihan para ibigay sa Diyos sa pagdiriwang. Sa Deuteronomio 14:22 “ Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nangagaling taontaon sa iyong bukid.”

Sa ika-6 na Kabanata ng Qur’an, al-An‘ām, talata 141, ang Diyos ay nagpapaalaala sa mga mananampalataya na magbigay ng kawanggawa sa panahon ng pag-aani:

﴿وَهُوَ ٱلَّذِي أَنشَأَ جَنَّت مَّعرُوشَت وَغَيرَ مَعرُوشَت وَٱلنَّخلَ وَٱلزَّرعَ مُختَلِفًا أُكُلُهُ وَٱلزَّيتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُتَشَبِها وَغَيرَ مُتَشَبِه كُلُواْ مِن ثَمَرِهِ إِذَا أَثمَرَ وَءَاتُواْ حَقَّهُ يَومَ حَصَادِهِ وَلَا تُسرِفُواْ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلمُسرِفِينَ﴾

 “Siya ang nagpatubo ng mga hardin na mga binalagan

at hindi mga binalagan, ng mga puno ng datiles at mga pananim na nagkakaiba ang lasa, at ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at hindi nagkaka- hawigan. Magsikain kayo mula sa bunga ng mga ito

kapag namunga at ibigay ang nauukol mula rito170 sa araw ng pag-aani nito. Huwag kayong mag-aksaya; tunay na hindi Niya iniibig ang mga nag-aaksaya.”

Ang sistema ng takdang kawanggawa (zakāh sa Arabe) ay naisaayos nang maigi, na may ibang bahagdan para sa pera, ginto at pilak kaysa sa produkto ng sakahan at hayupan. Ang mga karapat-dapat tumaggap ay malinaw ring itinakda sa Qur’an, kabanata at-Tawbah (9):60. Ito, una sa lahat, ay ipinamamahagi sa iba’t ibang kategorya ng mga mahirap at hindi ginagamit para magbigay ng isang maginhawang buhay para sa mga pari.

Ang Pag-aayuno

Ayon sa mga Ebanghelyo, si Jesus ay nag-ayuno nang apat na pung araw. Mateo 4:2: “ At nang siya’y makapag- ayuno ng apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.” 171 Ito ay alinsunod sa ginagawa ng mga naunang propeta. Nasasaad din sa Exodo 34:28 na si Moises ay nag-ayuno: “ At siya’y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang salita ng tipan, ang sangpung utos.”

170  Ikasampung bahagi ng ani kung ang lupa ay likas na napatutubigan at ikadalawampung bahagi kung napatutubigan sa hindi likas na paraan.

171  Tingnan din ang Mateo 6:16 at 17:21.

Inatasan sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):183 ang mga mananampalataya na magsagawa ng regular na pag-aayuno:

﴿يَأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبلِكُم لَعَلَّكُم تَتَّقُونَ﴾

 “O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno gaya ng pagsasatungkulin nito sa mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay mangilag magkasala.”

Ang layunin ng pag-aayuno ay malinaw na itinakda na para sa pagpapalago ng kamalayan sa Diyos. Tanging ang Diyos ang nakaaalam kung sino talaga ang nag-aayuno at kung sino ang hindi nag-aayuno. Kaya ang isang nag- aayuno ay nagpipigil sa pagkain at pag-inom dahil sa kamalayan [niya] sa Diyos. Ang regular na pag-aayuno ay nakadaragdag sa kamalayang iyon, na sa bandang huli ay mag-aakay sa higit na malaking pagkahilig sa pagpapakabuti.

Ang mga mananampalataya ay inoobligang mag-ayuno mula sa madaling araw hangang sa takipsilim sa buong buwan ng Ramadān. Nagsabi rin ang Propeta Muhammad:“Ang pinakamainam na pag-aayuno[sa hindi Ramadān ay ang pag-aayuno ni [Ptopeta] David na nag-aayuno noon sa isang araw at humihinto sa isang araw.”172

172  Sahih Muslim, vol. 2, p. 565, no. 2595 at Sahih Al-Bukhari, vol. 3,

p. 113-114, no. 200.

Ang Patubo sa Pautang

Alinsunod sa pagsang-ayon sa Kautusan, tinutulan din ni Propeta Jesus ang pagbibigay at ang pagkuha ng patubo sa pautang sapagkat ang teksto ng Torah ay maliwanag na nagbawal sa patubo sa pautang. Nasasaad sa Deuteronomio 23:19: “ Huwag kayong magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo;” 173 Ang patubo ay mahigpit ding ipinagbawal sa Kabanata al- Baqarah (2):278 ng Qur’an:

﴿يَأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَذَرُواْ مَا بَقِيَ مِنَ ٱلرِّبَواْ إِن كُنتُم مُّؤمِنِينَ﴾

 “O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allah at iwan na ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya.”

Upang matupad ang kahilingang ito ng Diyos, ang mga Muslim ay nakabuo ng isang alternatibong sistema ng pagbabangko, na karaniwang tinatawag na Islamic Banking, na hindi nakabatay sa pagpapatubo sa pautang.

Ang Poligamiya

Walang nakasaad na tinutulan ni Propeta Jesus ang poligamiya. Kung tinutulan niya iyon, nangangahulugang minasama niya ang ginagawa ng mga propetang nauna sa kanya. Mayroong maraming halimbawa ng pag-aasawang

173  Subalit sa bersikulo na kasunod nito, ipinahintulot ng mga Hudyo ang pagpapautang na may tubo sa mga hindi Hudyo: “ Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni’t sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo:…” (Deuteronomio 23:20)

higit sa isa na ginawa ng mga propeta na nakatala sa Torah. Si Propeta Abraham ay may dalawang asawa, ayon sa Genesis 16:3: “At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.” Ganoon din ang ginawa ni Propeta David ayon sa I Samuel 27:3 “ At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at ang kaniyang mga lalake, bawa’t lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayang, sa makatuwid baga’y si David pati ang kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal.” Sa I Mga Hari 11:3 ay sinabing si Solomon ay: “ ... nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.” Ang anak ni Solomon, si Roboam, ay mayroon ding maraming asawa, ayon sa II Mga Cronica 11:21 “ At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at kaniyang mga babae (sapagka’t siya’y nagasawa ng labing walo, at anim na pu’t walong babae, at nagkaanak ng dalawang pu’t walong lalake, at anim na pung babae.) Sa katunayan, ang Torah ay nagtakda pa ng mga batas sa paghahati ng pamana [sa mga anak] sa higit sa isang asawa. Sa Deuteronomio 21:15-16, ang batas ay nagsasaad ng ganito: “ Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa’y sinisinta, at ang isa’y kinapopootan, at kapuwa

magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan: ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay.” Ang paghihigpit lamang sa poligamiya, na nasa Levitico 18:18, ay ang pagbabawal na gawing kaagaw na asawa ang kapatidng asawa: “ At huwag kang makisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid, na maging kaagaw niya, na iyong ililitaw ang kahubaran nito, bukod sa kahubaran niyaon, sa buong buhay niya.” Ang Talmud174 ay nagpapayo ng hanggang apat na asawa gaya ng ginawa ni Propeta Jacob.175

Ayon kay Padre Eugene Hillman, “Wala saan man sa Bagong Tipan na may maliwanag na kautusan na ang pag- aasawa ay dapat limitado sa isa o anumang maliwanag na kautusan na nagbabawal sa poligamiya.”176 Binigyang-diin pa niya ang katotohan na ang Iglesya sa Roma ay nagbawal sa poligamiya upang umalinsunod sa kulturang Griego- Romano na nagtatakda nga ng isang legal na asawa lamang

174  Ang Pinananaligang kalipunan ng tradisyong Hudyo, na naglalaman ng Mishnah at Gemarah (Merriam-Webster Collegiate Dictionary).

175  Women in Judaism, p. 148.

ngunit nagpapahintulot naman sa concubinage177 at prostitusyon.178

Nilimitahan ng Islam ang poligamiya sa hanggang sa apat na asawa sa isang panahon at itinakda nito ang pagpapanatili ng katarungan sa pakikitungo bilang isang pangunahing kondisyon sa poligamiya. Sa kabanata an- Nisā’(4):3, si Allah ay nagsabi:

﴿وَإِن خِفتُم أَلَّا تُقسِطُواْ فِي ٱليَتَمَى فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَاءِ مَثنَى وَثُلَثَ وَرُبَعَ فَإِن خِفتُم أَلَّا تَعدِلُواْ فَوَحِدَةً أَو مَا مَلَكَت أَيمَنُكُم ذَلِكَ أَدنَى أَلَّا تَعُولُواْ﴾

“…mag-asawa kayo ng mga babaeng nakalulugod para sa inyo: dalawahan o tatluhan o apatan. Ngunit kung nangangamba kayo na hindi kayo magiging makatarungan ay iisa na lamang...”

Konklusyon

Mayroong isang Diyos lamang na lumikha sa isang lahi ng mga tao, at nagpahayag sa kanila ng isang mensahe: pagsuko sa kalooban ng Diyos, na kilala sa wikang Arabe bilang Islلm. Ang mensaheng iyon ay ipinarating sa unang mga tao sa mundong ito, at pinagtibay ng lahat ng propeta ng Diyos na dumating sa iba’t ibang panahon noong wala na sila. Ang pinakadiwa ng mensahe ng Islam ay na ang tao ay dapat sumamba sa Iisang Diyos lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan Niya at, dapat magwaksi sa

177 Ang concubinage ay ang pagsasama ng lalaki at babae nang walang kasal. Isang malaking pagpapaimbabaw na masamain ang poligamiya kung pikit-mata namang tinatanggap ang concubinage. Ang Tagapagsalin.

pagsamba sa nilikha ng Diyos sa anumang paraan, hugis o anyo.

Si Cristo Jesus, na isinilang ni Birheng Maria, ay nagsagawa ng mga himala at nag-anyaya sa mga Israelita sa katulad na mensahe ng pagsuko (Islam), gaya ng ginawa ng lahat ng propetang nauna sa kanya. Hindi siya Diyos, at hindi siya [literal na] ‘Anak ng Diyos,’ bagkus ang Mesiyas, isang tanyag na propeta ng Diyos. Hindi inanyayahan ni Jesus ang mga tao na sumamba sa kanya; sa halip ay inanyayahan niya sila na sambahin ang Diyos, at siya mismo ay sumamba sa Diyos. Pinagtibay niya ang mga kautusan ng Torah na itinuro ni Propeta Moises; ipinamuhay niya ang mga iyon, at tinagubilinan niya ang mga disipulo niya na sundin ang mga iyon hanggang sa kaliit-liitang detalye. Bago siya lumisan, ipinabatid niya sa mga tagasunod niya ang tungkol sa huling propeta, si Muhammad ng Arabia, na darating pagkatapos niya, at nagtagubilin siya sa kanila na sundin ang mga katuruan niya.

Sa mga salinlahing dumating matapos na lisanin ni Jesus ang mundong ito, ang kanyang mga katuruan ay binaluktot at iniangat siya kalagayan ng Diyos. Pagkalipas ng anim na siglo, sa pagdating ni Propeta Muhammad, ang katotohanan hinggil kay Jesus ay muling isinalaysay sa wakas at pinanatili magpakailanman sa huling Aklat ng kapahayagan ng Diyos, ang Qur’an. Karagdagan pa roon, ang mga kautusan ni Moises, na sinunod ni Jesus, ay muling binuhay sa puro at dalisay na anyo ng mga ito, at ipinatupad sa

pamamaraan ng pamumuhay na itinakda ng Diyos, na kilala bilang Islam.

Kaya naman, ang katotohanan hinggil sa mga propeta, ang iisang mensahe nila, at ang pamamaraan ng pamumuhay na kanilang sinunod, ay matatagpuan lamang na napanatili sa Relihiyong Islam, ang tanging Relihiyon na itinakda ng Diyos para sa tao. Karagdagan pa roon, tanging ang mga tunay na Muslim lamang ang talagang sumusunod sa ngayon kay Jesus at sa mga tunay na katuruan niya. Ang kanilang pamamaran ng pamumuhay ay lubhang higit na kaugma sa pamamaraan ng pamumuhay ni Jesus kaysa sa alin man sa mga makabagong “Kristiyano” sa ngayon. Ang pag-ibig at ang paggalang kay Cristo Jesus ay isang saligan ng pananampalataya sa Islam. Binigyang-diin ni Allah ang kahalagahan ng paniniwala kay Jesus sa maraming bahagi ng Qur’an. Halimbawa, sa Kabanata an-Nis١٥٩:(٤) ‘ل ay nagsabi Siya:

﴿وَإِن مِّن أَهلِ ٱلكِتَبِ إِلَّا لَيُؤمِنَنَّ بِهِ قَبلَ مَوتِهِ وَيَومَ ٱلقِيَمَةِ يَكُونُ عَلَيهِم شَهِيدا﴾

“Walang sinumang kabilang sa mga May Kasulatan maliban na sasampalataya nga sa kanya bago ang kamatayan at sa Araw ng Pagkabuhay siya ay magiging saksi laban sa kanila.”

Ang Pagbabalik ni Jesus

Pati na ang inaasahang pagbabalik ni Jesus, na hinihintay ng mga Kristiyano, ay bahagi rin ng paniniwala ng Islam. Subalit hindi siya darating upang hatulan ang sanglibutan gaya ng paniniwala ng mga makabagong

Kristiyano, sapagkat ang paghahatol ay sa Diyos lamang. Itinuturo ng Qur’an na si Jesus ay hindi napatay ng mga Hudyo, bagkus ay buhay na iniangat ng Diyos sa langit.

﴿وَقَولِهِم إِنَّا قَتَلنَا ٱلمَسِيحَ عِيسَى ٱبنَ مَريَمَ رَسُولَ ٱللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَكِن شُبِّهَ لَهُم وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱختَلَفُواْ فِيهِ لَفِي شَكّ مِّنهُ مَا لَهُم بِهِ مِن عِلمٍ إِلَّا ٱتِّبَاعَ ٱلظَّنِّ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينَا﴾

 “…at dahil sa sabi nila: “Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, ang Sugo ni Allah,” ngunit hindi nila siya napatay at hindi nila siya naibitin sa krus, ngunit pinagmukhang gayon para sa kanila; at ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa pag-aalinlangan sa kanya; wala silang kaaalaman sa kanya maliban pa sa pagsunod sa pag- aakala; at tiyakang hindi nila siya napatay; bagkus ay itinaas siya ni Allah sa Kanya; at si Allah ay laging Makapangyarihan, Marunong.” (an-Nisل(4):157-158)

Kabilang sa mga bagay na naitalang sinabi ni Propeta Muhammad hinggil sa pagbabalik ni Propeta Jesus ay ang sumusunod: “Walang propeta sa pagitan ko at niya—si Jesus—at tunay na siya ay bababa. Kapag nakita ninyo siya ay makikilala ninyo siya; siya ay lalaking may katamtamang laki, may mamula-mulang puting kutis, bababang nakasuot ng dalawang pirasong pulang kasuutan, parang namasa-masa ang ulo niya, gayong hindi ito nasaling ng basa. Makikibaglaban siya sa mga tao alang-alang sa Islam; dudurog siya ng krus, papatay

siya ng baboy at magpapawalang-bisa sa jizyah.179

Pupuksain ni Allah sa panahon niya ang lahat ng relihiyon maliban sa Islam at mapupuksa ang Bulaang Kristo. Pagkatapos niyon ay mananatili siya sa lupa sa loob ng apat na pung taon. Pagkatapos ay mamamatay siya at dadasalan siya ng mga Muslim.”180

Ang pagbabalik ni Jesus ay magiging isa sa mga tanda ng pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

179  Ang buwis ng mga Kristiyano at mga Hudyo na naninirahan sa pamahalaang Muslim sa halip na zakāh at paglilingkod sa hukbo.

180  Sunan Abu Dawud, vol. 3, p. 1203, no. 4310 at pinatotohanan sa

Saheeh Sunnan Abee Daawud, vol. 3, p. 815-816, no. 3635.

  Talasanggunian

Arberry, Arthur J., The Koran Interpreted, London: George Allen & Unwin, 1980.

Barr, James, “Abba Isn’t ‘Daddy’,” in Journal of Theological Studies, vol. 39, 1988.

--------, “Abba, Father”, in Theology, vol. 91, no. 741, 1988.

Bayer, Menachem M., The Jewish Woman in Rabbinic Literature: A Psychological Perspective, Hoboken, N.J: Ktav Publishing House, 1986.

Burton, John, An Introduction to the Hadith, UK: Edinburgh University Press, 1994.

--------, The Collection of the Qur’an, Cambridge: Cambridge University Press, 1977.

Cragg, Kenneth, The Mind of the Qur’an, London: George Allen & Unwin, 1973.

Deedat, Ahmed, Christ in Islam, Durban, South Africa: The Islamic Propagation Centre, n. d.

Dunn, James, Christology in the Making, London: SCM Press, and Philadelphia: Westminster Press, 1980.

Friedman, Richard, Who Wrote the Bible?, ﷻ‬.S.A.: Summit Books, 1987.

Funk, Robert W., Roy W. Hoover and The Jesus Seminar, The Five Gospels, New York: Polebridge Press, Macmillan Publishing Co., 1993.

Graham, William, Beyond the Written Word, UK: Cambridge University Press, 1993.

Hamidullah, Mohammed, Muhammad Rasullullah, Lahore, Pakistan: Idara-e-islamiat, n. d.

Hasan, Ahmad, Sunan Abu Dawud, (English Trans.), Lahore: Sh. Muhammad Ashraf Publishers, 1st ed., 1987.

Hastings, J., Dictionary of the Bible, New York: Chas.

Scribner’s Sons, revised ed., 1963.

Hebblethwaite, Brian, The Incarnation, England: Cambridge University Press, 1987.

Hick, John, ed., The Myth of God Incarnate, London: SCM Press Ltd., 1977.

--------, The Metaphor of God Incarnate, London: SCM Press Ltd., 1993.

Hillman, Eugene, Polygamy Reconsidered: African Plural Marriage and the Christian Churches, New York: Orbis Books, 1975.

Hornby, A. S., The Oxford Advanced Learner’s Dictionary, England: Oxford University Press, 4th ed., 1989.

Khan, Muhammad Muhsin, Sahih Al-Bukhari, (Arabic- English), Lahore: Kazi Publications, 6th ed., 1986.

Gibb, H. A. R. and J. H. Kramers, Shorter Encyclopaedia of Islam, Ithaca, New York: Cornell University Press, 1953.

Maccoby, Hyam, The Myth-maker: Paul and the Invention of Christianity, New York: Harper & Row, 1987.

Mayfield, Joseph H., Beacon Bible Commentary, Kansas City: Beacon Hill Press, 1965.

Moule, C. F. D., The Origin of Christology, ﷻ‬.K.: Cambridge University Press, 1977.

Mufassir, Sulayman Shahid, Biblical Studies from a Muslim Perspective, Washington: The Islamic Center, 1973.

--------, Jesus, A Prophet of Islam, Indianapolis: American Trust Publications, 1980.

Nicholson, Reynold A., Literary History of the Arabs, Cambridge: Cambridge University Press.

Philips, Abu Ameenah Bilal, The Purpose of Creation, Sharjah, ﷻ‬.A.E.: Dar Al Fatah, 1995.

Ramsey, Michael, Jesus and the Living Past, UK: Oxford University Press, 1980.

Ruether, Rosemary R., ed., Religion and Seīsm: Images of Woman in the Jewish and Christian Traditions, New York: Simon and Schuster, 1974.

Spray, Lisa, Jesus, Tucson, AZ: Renaissance Productions, 1987.

Siddiqi, Abdul Hamid, Sahih Muslim, (English Trans.), Lahore: Sh. Muhammad Ashraf Publishers, 1987.

The New Encyclopaedia Britannica, Chicago: Encyclopaedia Britannica, Inc., 15th Edition, 1991.

The World Book Encyclopedia, Chicago: World Book, Inc., 1987.

Mga pinagmumulan:

ISLAMIC PROPAGATION OFFICE IN ZULFI

Ang mga kategorya:

Mga kumento o puna