Ang mga kategorya

معلومات المواد باللغة العربية

Ang bilang ng mga item: 56

  • Tagalog

    PDF

    Ang Paglilinaw sa salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Quran sa Wikang Filipino - Tagalog

  • Tagalog

    PDF

    Isang mahalagang aklat na naglalaman ng pinaigsing pagpapakahulugan sa Islām, na naglilinaw sa pinakamahalaga sa mga batayan nito, mga katuruan nito, at mga kagandahan nito mula sa mga pangunahing pinagkukunan nito, ang Marangal na Qur'ān at ang mga Pampropetang Sunnah. Ang aklat ay nakatuon sa lahat ng mga inaatangan [ng pananagutan] kabilang sa mga Muslim at hindi mga Muslim sa mga wika nila sa bawat panahon at lugar sa pagkakaiba-iba ng mga katayuan at mga kalagayan.

  • Tagalog

    PDF

    ANG SUGO NG ISLAM NA SI MUḤAMMAD – BASBASAN SIYA NI ALLAH AT PANGALAGAAN

  • Tagalog

    PDF

    Islām at sa Ateismo harap-harapan- Tanong at Sagot

  • Tagalog

    PDF

    Ang aklat na ito ay isang buod kung saan nais kong linawin ang pinagmulan ng kristiyanismo at ang kasalukuyang katotohanan hinggil dito upang ipaalam sa mga kristiyano ang pinagmulan ng kanilang mga paniniwala (upang maniwala sa nag-iisang Diyos at pag-isahin ang pagsamba sa kanya). Sa buod na ito, ako ay gumawa ng pagsisikap upang banggitin ang mga talata sa Qur’an na binabanggit ang kuwento ni Hesukristo at ang kanyang ina, at magbigay ng katibayan mula sa kasalukuyang teksto ng Torah at Ebanghelyo upang ilarawan sa mga kristiyanong mambabasa Ang Tunay na Mensahe ni Hesukristo gamit ang kanilang sariling mga batayan. Ang aklat na ito ay makakatulong sa mga may malawak na pag-iisip, bukas na kaisipan at mga naghahanap ng katotohanan upang malaman kung ano ang ipinadala ng Diyos sa lahat ng nasyon, at sa lahat ng mga sugo sa kasaysayan ay isang natatanging mensahe (purong monoteismo o paniniwala sa tunay na nag-iisang Diyos lamang). Si Propeta Hesus ay isa sa mga banal na mensahero na nagsisikap na gabayan ang kanilang mga tao sa katotohanan, ngunit maraming tao ang sumunod sa kanilang mga kagustuhan at sa gayon ay lumayo sa mga aral ng propeta.

  • Tagalog

    MP4

    Isang napakahalagang paliwanag ukol sa tunay na mensahe ni Hesus sa wikang tagalog, naipaliwanag dito ang katotohanang tungkol sa pagkapropeta ni Hesus at bilang Sugo sa angkan ng Israel

  • Tagalog

    MP4

    Isang maiking pagpapaliwanag patungkol sa ilang mga kagandahan at kabutihan ng Islam para sa sangakatauhan

  • Tagalog

    MP4

    Ang lektor : Muhammad Taha Ali Pagsusuri : Salamuddin Casim

    Pagpapaliwanag na ang Pagpasok sa Islam ay Hindi Pagtakwil sa Pananampalataya at Pagpapalit ng Pananalig, Bagkus ito ay Paglalagay nito sa Tamang Kinalalagyan

  • Tagalog

    MP4

    Ang lektor : Muhammad Taha Ali Pagsusuri : Salamuddin Casim

    Ang pagsasalaysay sa sinabi ng Allah (Katotohanan, ang tunay na Relihiyon sa Paningin ng Allah ay ang Islam), kasunod ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Islam.

  • Tagalog

    YOUTUBE

    Ang lektor : Muhammad Taha Ali Pagsusuri : Salamuddin Casim

    Ang Pagpapaliwanag sa Dahilan ng pagkakalikha sa Tao at ang mga kondisyon ng Ibadah

  • Tagalog

    YOUTUBE

    Ang lektor : Ismael Ricky Espanol

    Isang maikling pagpapakilala sa Islam sa loob ng 5 na minute, ipinapaliwanag nito ang kahulugan ng Islam at pagsamba sa Allah lamang, isang napakagandang pagpapaliwanag sa maikling panahon lamang na nababagay sa mga taong kulang ang oras sa pakikinig sa mahahabang paliwanag tungkol sa Islam.

  • Tagalog

    PDF

    Pag-akda : Laurence Brown

    Ang mga linya ay naghahatid mula sa kauna-unahang Kristiyanismong Judio hanggang sa ikapitong dantaon, katiyakang patungo sa Islam. . . . Ang mga paghahambing sa pagitan ng larawan sa Qur’an ni Jesus at ng isang Kristolohiyang may isang timbreng Judio-Kristiyano ay nakalilito. Ang mga pagkakatulad na ito ay dimatatanggihan at humihingi ng mas malawak na makasaysayan at mapamaraang pagninilay.

  • Tagalog

    MP4

    Ang lektor : Nasser Datumanong

    TUKLASIN ANG TUNAY MONG RELIHIYON

  • Tagalog

    MP4

    Ang lektor : Nasser Datumanong

    ALAM MO BA KUNG BAKIT KA NARITO SA LUPA?

  • Tagalog

    PDF

    Pagsusuri : Nur Maguid

    Ang Muslim ay isang naniniwala at nananalig sa Diyos at nagsusumikap na magampanan at maisaayos ng ganap ang kanyang buhay ayon sa ipinahayag na patnubay (Qur’an) at mga aral (Sunnah) ng Propeta. Siya ay nagpupunyagi upang makapagtatag ng isang makabuluhang lipunan ayon din sa naturang patnubay at aral.

  • Tagalog

    PDF

    Pag-akda : Muhammad Mendoza Pagsusuri : Omar Taron

    Ang Allah ay liwanag ng mga kalangitan at ng kalupaan. Ang kahalintulad ng Kanyang liwanag ay wari bang may isang (madilim na) hukay na sa loob nito’y may isang lamparang nasa (loob ng) isang salamin na tila nagniningning na bituin. Ang lamparang ito’y pinagniningas ng (langis ng) isang pinag-palang puno ng oliba na wala sa silangan at maging sa kanluran.

  • Tagalog

    PDF

    Ang manunulat : Mohammad M.Monteverde Pagsusuri : Muhammad Taha Ali

  • Tagalog

    PDF

    Pag-akda : Ahmed Ricalde Pagsalin : Omar Taron The Publisher : Islamic Propagation Office in Rabwah

    Magbalik-Islam, ito ay isang paanyaya na may malalim na kahulugan. Magbalik-Islam, paanyayang ginagamit ng mga Muslim sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Allah (swt).

  • Tagalog

    DOC

    Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”

  • Tagalog

    PDF

    Iisang Mensahe Lamang

Ang pahina : 3 - Mula sa : 1