(1) Sumumpa si Allāh sa mga kabayong tumatakbo hanggang sa may marinig, dahil sa paghinga nito, na isang tunog dala ng tindi ng pagtakbo.
(2) Sumumpa Siya sa mga kabayong nagpapaningas ng apoy sa pamamagitan ng mga kuko ng mga ito, kapag sumaling ang mga [kabayong] ito sa pamamagitan ng [mga paa ng] mga ito sa mga bato, dahil sa tindi ng pagsalpok ng mga [kukong] ito sa mga [batong] ito.
(3) Sumumpa Siya sa mga kabayong nanlulusob sa mga kaaway sa oras ng bukang liwayway.
(4) Saka nagpagalaw ang mga ito, sa pamamagitan ng pagtakbo ng mga ito, ng mga alikabok.
(5) Saka pumagitna ang mga ito sa pamamagitan ng mga mangangabayo ng mga ito sa isang pagtitipon.
(6) Tunay na ang tao ay talagang mapagkait ng kabutihang ninanais mula sa kanya ng Panginoon niya.
(7) Tunay na siya, sa pagkakait niya ng kabutihan, ay talagang isang tagasaksi, na hindi nakakakaya ng pagkakaila niyon dahil sa kaliwanagan niyon.
(8) Tunay na siya, dahil sa pagkalabis ng pag-ibig niya sa yaman, ay nagmamaramot nito.
(9) Kaya hindi ba nakaaalam ang taong ito na nalilinlang ng buhay na pangmundo – kapag bumuhay si Allāh ng anumang nasa mga puntod na mga patay at nagpalabas Siya sa kanila mula sa lupa para sa pagtutuos at pagganti – na ang usapin ay hindi magiging gaya ng dati nilang hinahaka-haka.
(10) at pinalantad at nilinaw ang anumang nasa mga dibdib na mga layunin, mga paniniwala, at iba pa sa mga ito,
(11) tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga lingkod Niya at gaganti sa kanila roon.