(1) Ang Napakamaawain ay ang may awang malawak.
(2) Nagturo Siya sa mga tao ng Qur’ān sa pamamagitan ng pagpapadali sa pagsasaulo nito at pagpapagaan sa pag-intindi sa mga kahulugan nito.
(3) Lumikha Siya ng tao nang lubos at nagpaganda Siya sa pagbibigay-anyo rito.
(4) Nagturo Siya rito kung papaanong maglinaw tungkol sa nasa budhi niya sa pagbigkas at pagsulat.
(5) Ang araw at ang buwan ay tinakdaan Niya, na umiinog ayon sa pagtutuos na tumpak upang malaman ng mga tao ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos.
(6) Ang walang tangkay na halaman at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang mga nagpapaakay at mga sumusuko sa Kanya.
(7) Ang langit ay inangat Niya ito sa ibabaw ng lupa bilang bubong, pinagtibay Niya ang katarungan sa lupa, at ipinag-utos Niya ito sa mga lingkod Niya.
(8) Pinagtibay Niya ang katarungan upang hindi kayo mang-api, O mga tao, at [upang hindi kayo] magtaksil sa pagtitimbang at pagtatakal.
(9) Magpanatili kayo ng pagtitimbang sa pagitan ninyo ayon sa katarungan at huwag kayong magpakulang sa pagtitimbang o pagtatakal kapag tumakal kayo o tumimbang kayo para sa iba sa inyo.
(10) Ang lupa ay inilagay Niya na nakahanda para sa pamamalagi ng nilikha sa ibabaw nito.
(11) Dito ay ang mga punong-kahoy na namumunga ng mga bungang-kahoy at dito ay ang mga punong datiles na may mga sisidlan na mula sa mga ito ang bungang datiles.
(12) Dito ay ang mga butil na may mga uhay gaya ng trigo at sebada at dito ay ang mga halamang ipinapampabango ninyo ang halimuyak ng mga ito.
(13) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(14) Lumikha Siya kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa putik na tuyo na nakaririnig dito ng kalansing na tulad ng putik na niluto.
(15) Lumikha Siya ng ama ng mga jinn mula sa isang liyab na dalisay sa usok.
(16) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(17) [Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan ng araw at ng dalawang kanluran nito sa taglamig at tag-init.
(18) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(19) Nagpahalo si Allāh sa dalawang dagat na maalat at matabang habang nagtatagpo ayon sa nakikita ng mata.
(20) Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang harang na humahadlang sa bawat sa dalawang ito na lumampas sa isa pa upang manatili ang matabang sa pagiging matabang at ang maalat sa pagiging maalat.
(21) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(22) Lumalabas mula sa pagsasama ng dalawang dagat ang malalaki sa mga perlas at ang maliliit sa mga ito.
(23) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(24) Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – lamang ang pagpapagalaw sa mga daong na naglalayag sa mga dagat tulad ng mga bundok.
(25) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(26) Bawat sinumang nasa ibabaw ng lupa kabilang sa mga nilikha ay masasawi nang walang pasubali.
(27) Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, O sugo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya sapagkat hindi Siya nasusundan ng pagkalipol magpakailanman.
(28) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(29) Nanghihingi sa Kanya ang bawat sinumang nasa mga langit na mga anghel at sinumang nasa lupa na jinn at tao ng mga pangangailangan nila; sa bawat araw Siya ay nasa isang nauukol kabilang sa mga nauukol sa mga lingkod Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagtutustos, at iba pa roon.
(30) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(31) Magtutuon Kami para sa pagtutuos sa inyo, O tao at jinn, kaya gaganti Kami sa bawat isa ayon sa magiging karapat-dapat sa kanya na gantimpala o parusa.
(32) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(33) Magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon kapag tinipon Niya ang jinn at ang tao: "O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na makatagpo kayo ng isang labasan mula sa isang dako kabilang sa mga dako ng mga langit at lupa ay gawin ninyo. Hindi kayo makakakaya na gumawa niyon kundi sa pamamagitan ng isang lakas at isang malinaw na patunay at mula saan mayroon kayo niyon?"
(34) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(35) May isusugo sa inyong dalawa, O tao at jinn, na isang lagablab ng apoy na walang usok at isang usok na walang lagablab, saka hindi kayong dalawa nakakakaya sa pagpigil niyon.
(36) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(37) Saka kapag nabiyak ang langit para sa pagbaba ng mga anghel mula roon at ito ay naging pula gaya ng langis sa pagningning ng kulay nito.
(38) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(39) Kaya sa dakilang araw na iyon ay walang magtatanong na isang tao ni isang jinn tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh sa mga gawain nila.
(40) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(41) Makikilala ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon sa mga palatandaan nila: ang kaitiman ng mga mukha at ang kabughawan ng mga mata, saka idudugtong ang mga buhok ng noo nila sa mga paa nila saka itatapon sila sa Impiyerno.
(42) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(43) Sasabihan sa kanila bilang panunumbat: "Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin sa Mundo, na nasa harapan na ng mga mata nila, na hindi sila makakakaya ng pagkakaila nito."
(44) Magpapabalik-balik sila sa pagitan nito at ng tubig na mainit na matindi ang init.
(45) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(46) Ukol sa nangamba sa pagtayo sa harapan ng Panginoon niya sa Kabilang-buhay – saka sumampalataya at gumawa ng maayos – ay dalawang hardin.
(47) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(48) Ang dalawang harding ito ay may maraming sangang malaking luntiang namumunga.
(49) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(50) Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal, na dinadaluyan sa pagitan ng dalawang ito ng tubig.
(51) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(52) Sa dalawang ito, bawat prutas na tatamasahin ay magkapares.
(53) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(54) Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang inaani na mga bunga at mga prutas mula sa dalawang hardin ay malapit: naabot ito ng nakatayo, nakaupo, at nakasandal.
(55) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(56) Sa mga iyon ay may mga babaing naglilimita ng pagtingin ng mga ito sa mga asawa ng mga ito, na hindi nakuha ang pagkabirhen ng mga ito, bago ng mga asawa ng mga ito, ng isang tao ni ng isang jinn.
(57) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(58) Para bang sila ay mga rubi at mga koral sa karikitan at kabusilakan.
(59) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(60) Walang iba ang ganti sa sinumang gumawa ng maganda sa pamamagitan ng pagtalima sa Panginoon niya kundi na gumawa ng maganda si Allāh sa pagganti sa kanya.
(61) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(62) Sa paanan ng nabanggit na dalawang harding ito ay may dalawang iba pang hardin.
(63) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(64) Tumingkad nga ang pagkaluntian ng dalawang ito.
(65) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(66) Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal na matindi ang pagbuga ng tubig, na hindi napuputol ang pagbuga ng tubig ng dalawang ito.
(67) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(68) Sa dalawang harding ito ay may maraming prutas, mga malaking punong datiles, at mga granada.
(69) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(70) Sa mga harding ito ay may mga babaing kaaya-aya ang mga kaasalan, na magaganda ang mga mukha.
(71) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(72) May mga dilag na mga itinago sa mga kubol bilang pangangalaga sa kanila.
(73) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(74) Walang nakalapit sa mga ito, bago ng mga asawa ng mga ito, na isang tao ni isang jinn.
(75) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(76) Mga nakasandal sa mga unan na nababalot ng mga pambalot na luntian at mga higaang magaganda.
(77) Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
(78) Napakadakila at dumami ang kabutihan ng pangalan ng Panginoon mo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya.