6 - Al-An'aam ()

|

(1) Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang-takda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad at lumikha ng gabi at maghapon na nagsusunuran, kaya nagpadilim Siya sa gabi at nagtanglaw Siya sa maghapon. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa rito bilang katambal para sa Kanya.

(2) Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa putik nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula rito. Pagkatapos nagtalaga Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng yugto ng pamamalagi ninyo sa makamundong buhay at nagtalaga Siya ng isa pang taning na walang nakaaalam kundi Siya para sa pagbubuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kayo ay nagdududa sa kakayahan niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagbubuhay.

(3) Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan sa mga langit at sa lupa. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo na mga layunin, mga sinasabi, at mga ginagawa; at nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo mula roon. Gaganti Siya sa inyo sa mga iyon.

(4) Walang pumupunta sa mga tagapagtambal na isang katwiran mula sa ganang Panginoon nila malibang iniwan nila habang hindi mga pumapansin dito. Dumating nga sa kanila ang mga katwirang nagliliwanag at ang mga patotoong hayag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at dumating sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Niya. Gayon pa man, umayaw sila sa mga ito nang hindi mga nag-aalintana sa mga ito.

(5) Sila – kung umayaw sila sa mga katwirang naglilinaw at mga patotoong hayag na iyon – ay umayaw nga sa higit na maliwanag sapagkat nagpasinungaling nga sila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na Qur'ān. Makikilala nila na ang dati nilang kinukutya kabilang sa inihatid niya sa kanila ay ang katotohanan kapag nakikita nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.

(6) Hindi ba nakaalam ang mga tagatangging sumampalatayang ito sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga kalipunang tagalabag sa katarungan? Nagpahamak nga si Allāh bago pa nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa habang hindi Niya ibinigay sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulan na nagkakasunuran. Nagpadaloy Siya para sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sumuway sila sa Kanya kaya nagpahamak Siya sa kanila dahil sa nagawa nila na mga pagsuway. Lumikha Siya, nang matapos nila, ng mga kalipunang iba pa.

(7) Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo, O Sugo, ng isang aklat na nakasulat sa mga papel at nakasaksi sila rito sa pamamagitan ng mga mata nila at nakatiyak sila rito sa pamamagitan ng pagkadama nila sa aklat sa pamamagitan ng mga kamay nila, talagang hindi sila sumampalataya rito dala ng isang pagtanggi mula sa kanila at isang pagkayamot, at talaga sanang nagsabi sila: "Hindi lumampas ang inihatid mo sa pagiging isang panggagaway na maliwanag kaya hindi kami sasampalataya rito."

(8) Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito: "Kung sakaling nagpababa si Allāh kasama kay Muḥammad ng isang anghel na magsasalita sa amin at sasaksi na siya ay isang sugo, talaga sanang sumampalataya kami." Kung sakaling nagpababa Kami ng isang anghel ayon sa paglalarawan na ninais nila ay talaga sanang nagpahamak Kami sa kanila kapag hindi sila sumampalataya at hindi sila palulugitan para sa pagbabalik-loob kapag bumaba iyon.

(9) Kung sakaling gumawa Kami sa isinugo sa Kanila na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki upang magawa nila na makapakinig sa kanya at tumanggap sa kanya yayamang hindi sila makakakaya niyon sa anghel ayon sa anyo nitong nilikha Namin ito. Kung sakaling gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki ay talaga sanang nagpalito sa kanila ang lagay niya.

(10) Kaya kung nangungutya ang mga ito sa paghiling nila ng pagpapababa ng isang anghel kasama sa iyo ay may nangutya ngang mga kalipunan bago mo pa sa mga sugo sa mga iyon kaya pumalibot sa kanila ang pagdurusang dati nilang ikinakaila at kinukutya sa sandali ng pagpapangamba sa kanila roon.

(11) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapasinungaling na nangungutyang ito: "Humayo kayo sa lupain, pagkatapos magmuni-muni kayo kung papaano naging ang wakas ng mga tagapasinungaling sa mga sugo ni Allāh sapagkat dumapo sa kanila ang parusa ni Allāh matapos ng dati nilang taglay na lakas at kapangyarihan."

(12) Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa mga lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang paghahari sa mga ito sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay magtitipon siya sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para sumagip sila sa mga sarili nila sa kalugihan.

(13) Sa Kanya lamang ang pagmamay-ari sa bawat bagay kabilang sa tumitigil sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga iyon.

(14) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at iba pa sa mga ito: "Maiisip ba na gagawa ako sa iba pa kay Allāh bilang tagaadya o doon ako magpapaadya samantalang Siya ang lumikha sa mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad at hindi naunahan sa pagkalikha sa mga ito? Siya ay ang tumutustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isa kabilang sa mga lingkod Niya na tumutustos sa Kanya sapagkat Siya ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya samantalang ang mga lingkod Niya ay mga nangangailangan sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – na maging una sa nagpaakay sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito. Sinaway Niya ako na maging kabilang sa mga nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."

(15) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba – kung sumuway ako kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbawal Niya sa akin gaya ng shirk at iba pa rito o pag-iwan sa ipinag-utos Niya sa akin gaya ng pananampalataya at iba rito kabilang sa mga pagtalima – na pagdurusahin Niya ako ng isang pagdurusang sukdulan sa Araw ng Pagbangon."

(16) Ang sinumang inilayo ni Allāh sa pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon ay nagtamo nga dahil sa awa ni Allāh sa kanya. Ang kaligtasang iyon sa pagdurusa ay ang pagkatamong maliwanag na hindi ito mapapantayan ng isang pagkatamo.

(17) Kung may umaabot sa iyo, O anak ni Adan, mula kay Allāh na isang pagsubok ay walang tagatulak sa pagsubok palayo sa iyo kundi si Allāh. Kung may umaabot sa iyo mula sa Kanya na isang kabutihan ay walang tagahadlang sa Kanya mula roon at walang tagatanggi sa kabutihang-loob Niya sapagkat Siya ay ang Nakakakaya sa bawat bagay: walang nagpapahina sa Kanya na anuman.

(18) Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman ni nadadaig ng isa man. Ang lahat sa Kanya ay mga nagpapasailalim. [Siya ay] na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya, ang Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

(19) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling sa iyo: "Aling bagay ang pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsasaksi sa katapatan ko?" Sabihin mo: "Si Allāh ay pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsaksi sa katapatan ko. Siya ay Saksi sa pagitan ko at ninyo. Nakaaalam Siya sa anumang inihatid ko sa inyo at anumang tatanggihan ninyo. Nagkasi nga si Allāh sa akin ng Qur'ān na ito upang magpangamba ako sa inyo nito at magpangamba ako nito sa sinumang inabot nito na tao at jinn. Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay sumasampalataya na kasama kay Allāh ay may mga sinasambang iba pa. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumasaksi sa kinikilala ninyo dahil sa kabulaanan nito. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang: walang katambal sa Kanya. Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa bawat itinatambal ninyo kasama sa Kanya."

(20) Ang mga Hudyo na nabigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyano na nabigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakakikilala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang lubos na pagkakilala gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila kaysa sa mga anak ng iba sa kanila. Ang mga nagpaluging iyon sa mga sarili nila dahil sa pagpapasok sa mga ito sa Apoy, sila ay hindi sumasampalataya.

(21) Walang isang higit na sukdulan sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng isang katambal saka sumamba rito kasama sa Kanya o nagpasinungaling sa mga tanda Niya na pinababa Niya sa Sugo Niya. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal kay Allāh at ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niya ay hindi magtatamo [ng tagumpay] magpakailanman kapag sila ay hindi nagbalik-loob.

(22) Banggitin mo sa Araw ng Pagbangon kapag magtitipon si Allāh sa kanila sa kalahatan, na hindi Siya mag-iwan sa kanila ng isa man, pagkatapos magsasabi Siya sa mga sumamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya bilang pagsumbat sa kanila: "Nasaan ang mga itinambal ninyo, na kayo noon ay nag-aangkin nang pasinungaling na sila ay mga katambal kay Allāh?"

(23) Pagkatapos walang iba ang pagdadahilan nila matapos ang pagsusulit na ito kundi na magpawalang-ugnayan sila sa mga sinasamba nila at magsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon sa Mundo ay hindi mga tagapagtambal sa Iyo, bagkus kami noon ay mga mananampalataya sa Iyo, na mga naniniwala sa kaisahan Mo."

(24) Tumingin ka, O Muḥammad, kung papaanong nagsinungaling ang mga ito laban sa mga sarili nila sa pagkakaila nila ng shirk sa mga sarili nila, at naglaho sa kanila at nagtatwa sa kanila ang dati nilang nililikha-likha na mga katambal kay Allāh sa buhay nila sa Mundo.

(25) Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag binigkas mo ang Qur'ān subalit sila ay hindi nakikinabang sa napakikinggan nila dahil Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga takip upang hindi nila maunawaan ang Qur'ān dahilan sa pagmamatigas nila at pag-ayaw nila, at naglagay naman Kami sa mga tainga nila ng pagkabingi para sa pagdinig na napakikinabangan. Anuman ang nakikita nila sa mga katunayang maliwanag at mga katwirang hayag ay hindi sila mananampalataya sa mga ito. Hanggang sa kapag dumating ka sa kanila, makikipag-alitan sila sa iyo sa katotohanan sa pamamagitan kabulaanan, na nagsasabi: "Walang iba ang inihatid mo kundi isang kinuha buhat sa mga aklat ng mga sinauna."

(26) Sila ay sumasaway sa mga tao laban sa pananampalataya sa Sugo at nagpapakalayo-layo sa kanya kaya hindi nila hinahayaan ang sinumang nakikinabang sa kanya at hindi sila mismo nakikinabang sa kanya. Hindi sila nagpapahamak dahil sa pinaggagawa nilang ito kundi sa mga sarili nila ngunit hindi nila nalaman na ang isinasagawa nila ay pagpapahamak sa mga ito.

(27) Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag isasalang sila sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila dala ng panghihinayang: "O kung sana kami ay pababalikin sa buhay na pangmundo at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at maging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh, talaga sanang makakikita ka ng isang kagulat-gulat mula sa kasagwaan ng kalagayan nila!"

(28) Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila na sila, kung sakaling isnauli sila, ay talaga sanang sumampalataya sila. Bagkus lalantad sa kanila ang dati nilang itinatago mula sa sinasabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami noon ay hindi mga tagapagtambal" kapag sasaksi laban sa kasinungalingan nila ang mga bahagi ng katawan nila. Kung sakaling itinakdang sila ay babalik sa Mundo ay talagang babalik sila sa sinasaway sa kanila na kawalang-pananampalataya at pagtatambal. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pangako nila ng pananampalataya kapag bumalik sila.

(29) Nagsabi ang mga tagapagtambal na ito: "Walang buhay kundi ang buhay na kami ay narito, at kami ay hindi mga bubuhayin para sa pagtutuos."

(30) Kung sakaling nakakikita ka, O Sugo, kapag pinatayo ang mga tagakaila sa Pagkabuhay sa harapan ng Panginoon nila, ay talaga sanang makakikita ka ng kataka-taka mula sa kasagwaan ng kalagayan nila kapag magsasabi sa kanila si Allāh: "Ang Pagbubuhay na ito, na kayo noon ay nagpapasinungaling dito, ay hindi ba totoong napagtibay na walang pag-aalangan hinggil dito ni duda?" Magsasabi sila: "Sumumpa kami sa Panginoon namin na lumikha sa amin, tunay na ito ay talagang totoo, na napagtibay na walang duda hinggil dito." Kaya magsasabi sa kanila si Allāh sa sandaling iyon: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Araw na ito sapagkat kayo noon dito ay nagpapasinungaling sa buhay na pangmundo."

(31) Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa Pagkabuhay sa Araw ng Pagbangon at nagturing na malayong mangyari ang pagtayo sa harap ni Allāh, na hanggang sa kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang nauunang kaalaman ay magsasabi sila dala ng tindi ng pagsisisi: "O talagang panghihinayang namin at kabiguan ng pag-asa namin dahil nagkulang kami sa nauukol kay Allāh dala sa kawalang-pananampalataya sa Kanya at kawalan ng paghahanda para sa Araw ng Pagkabuhay," habang sila ay nagdadala ng mga masagwang gawa nila sa ibabaw ng mga likod nila. Pansinin, kay pangit ang pinapasan nila mula sa mga masagwang gawang iyon!

(32) Walang iba ang buhay na pangmundo na sinasaligan ninyo kundi isang paglalaro at isang kahibangan para sa sinumang hindi gumagawa rito ng nagpapalugod kay Allāh. Ang tahanan sa Kabilang-buhay naman, iyon ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya gaya ng pananampalataya at pagtalima, at ng pag-iwan sa sinaway Niya gaya ng shirk at pagsuway. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa, O mga tagapagtambal, niyon para sumampalataya kayo at gumawa kayo ng mga maayos?

(33) Kami ay nakaaalam na ikaw, O Sugo, ay pinalulungkot ng pagpapasinungaling nila sa iyo nang lantaran kaya alamin mo na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo sa mga sarili nila dahil sa pagkakaalam nila sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo, subalit sila ay mga taong tagalabag sa katarungan na nagkakaila sa nauukol sa iyo nang lantaran samantalang sila ay nakatitiyak nito sa mga sarili nila.

(34) Huwag kang mag-akala na ang pagpapasinungaling na ito ay natatangi sa inihatid mo sapagkat may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa at sinaktan sila ng mga kalipi nila ngunit hinarap nila iyon nang may pagtitiis sa pag-aanyaya at pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa dumating sa kanila ang pag-aadya mula kay Allāh. Walang tagapalit sa itinakda ni Allāh na pag-aadya. Nangako Siya nito sa mga sugo Niya. Talaga ngang may dumating sa iyo, O Sugo, na mga salaysay bago mo pa mula sa mga sugo, mga dinanas nila mula sa mga kalipi nila, at ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga ito.

(35) Kung nangyaring humirap sa iyo, O Sugo, ang dinaranas mo na pagpapasinungaling nila at pag-ayaw nila sa inihatid mo sa kanila na katotohanan saka kung nakaya mo na humiling ng isang lagusan sa lupa o isang akyatan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang katwiran at isang patotoo, na iba pa sa ipinang-alalay ni Allāh sa iyo, ay gawin mo. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pagsasama sa kanila sa patnubay na inihatid mo ay talaga sanang ipinagsama Niya sila, subalit Siya ay hindi lumuob niyon dahil sa isang malalim na kasanhian. Kaya naman huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang doon para mauwi ang sarili mo sa mga panghihinayang dahil sila ay hindi sumampalataya.

(36) Tumutugon lamang sa iyo habang tumatanggap sa inihatid mo ang mga nakaririnig sa salita at nakaiintindi nito. Ang mga tagatangging sumampalataya ay mga patay na walang kahalagahan sa kanila sapagkat namatay na ang mga puso nila. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos tungo sa Kanya lamang sila pababalikin upang gumanti Siya sa kanila sa anumang gawang ipinauna nila.

(37) Nagsabi ang mga tagapagtambal habang mga nangyayamot at mga nag-aantala sa pananampalataya: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na isang tandang mahimala na magiging isang patotoo mula sa Panginoon niya sa katapatan niya kaugnay sa inihatid Niya?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya sa pagbaba ng isang tanda ayon sa ninanais nila subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal na humihiling ng pagpapababa ng isang tanda ay hindi nakaaalam na ang pagpapababa sa mga tanda ay alinsunod sa kasanhian Niya – pagkataas-taas Siya – at hindi alinsunod sa hinihiling nila." Kung sakaling nagpababa Siya nito, pagkatapos hindi sila naniwala, talaga sanang nagpahamak Siya sa kanila.

(38) Walang anumang hayop na kumikilos sa ibabaw ng lupa ni ibong lumilipad sa langit malibang mga uring tulad ninyo, O mga anak ni Adan, sa pagkakalikha at pagtutustos. Walang iniwan si Allāh sa Tablerong Pinag-iingatan na anuman malibang pinagtibay Niya. Ang lahat – ang kaalaman sa kanila – ay nasa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila lamang sa Araw ng Pagbangon titipunin sila para sa pagpapasya ng ihuhusga para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa nagiging karapat-dapat dito.

(39) Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay tulad ng mga bingi na hindi nakaririnig at mga pipi na hindi nagsasalita habang sila bukod pa roon ay nasa mga kadiliman na hindi nakakikita. Kaya paano para sa sinumang ito ang kalagayan niya na mapatnubayan? Ang sinumang loloobin ni Allāh ang pagliligaw rito kabilang sa mga tao ay magliligaw Siya rito. Ang sinumang loloobin Niya ang kapatnubayan dito ay magpapatnubay Siya rito sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon.

(40) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin, kung may dumating sa inyo na isang parusa mula kay Allāh o dumating sa inyo ang Huling Sandali na pinangakuan kayo na ito ay darating, hihiling ba kayo sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh upang pawiin ang ibinaba sa inyo na pagsubok at kalamidad kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang mga sinasamba ninyo ay nagdudulot ng pakinabang at nagtutulak ng pinsala?"

(41) Ang totoo ay na kayo ay hindi dadalangin sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh na lumikha sa inyo para magbaling Siya palayo sa inyo ng kasawian at mag-alis Siya sa inyo ng pinsala kung niloob Niya sapagkat Siya ay ang karapat-dapat doon at ang nakakakaya niyon. Hinggil naman sa mga sinasamba ninyo na itinambal ninyo kasama kay Allāh, mag-iiwan kayo ng mga ito dahil sa pagkakaalam ninyo na ang mga ito ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala.

(42) Talaga ngang nagpadala Kami sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito at umayaw sila sa inihatid ng mga ito sa kanila kaya nagparusa Siya sa kanila ng mga sigalot gaya ng karalitaan at ng nakapipinsala sa mga katawan nila gaya ng karamdaman upang magpasailalim sila sa Panginoon nila at magpakaaba sa Kanya.

(43) Kung sakaling sila, nang dumating sa kanila ang pagsubok ni Allāh, ay nagpakaaba sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya, talaga sanang pinawi Niya sa kanila ang pagsubok at talaga sanang kinaawaan Niya sila. Subalit sila ay hindi gumawa niyon, bagkus tumigas ang mga puso nila kaya hindi sila nagsaalang-alang at hindi sila napangaralan. Pinaganda sa kanila ng demonyo ang dati nilang nagagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya nagpatuloy sila sa dating lagay nila.

(44) Kaya noong iniwan nila ang ipinangaral sa kanila dala ng katindihan ng karalitaan at karamdaman at hindi nila ginawa ang mga utos ni Allāh, pinainan Niya sila sa pamamagitan ng pagbukas sa mga pinto ng panustos sa kanila at ng pagpapayaman sa kanila matapos ng karalitaan at pinalusog Niya ang mga katawan nila matapos ng karamdaman, na hanggang sa nang dumapo sa kanila ang kawalang-pakundangan at naghari sa kanila ang paghanga sa sarili dahil sa ipinatamasa sa kanila ay dumating naman sa kanila ang parusa Niya nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalilito, mga nawawalan ng pag-asa sa inaasam nila.

(45) Kaya pinutol ang pinakahuli sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pagpuksa sa kanila sa kalahatan sa pamamagitan ng pagpapahamak at ng pag-aadya sa mga sugo ni Allāh. Ang pasasalamat at ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh lamang, ang Panginoon ng mga nilalang, dahil sa pagpapahamak Niya sa mga kaaway Niya at pag-aadya Niya sa mga katangkilik Niya.

(46) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung biningi kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pag-alis sa mga pandinig ninyo at binulag Niya kayo sa pamamagitan ng pagkuha sa mga paningin ninyo at pagpinid sa mga puso ninyo kaya hindi kayo nakaunawa ng anuman, sinong sinasamba ayon sa karapatan ang magdudulot sa inyo ng nawala ninyo mula roon? Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Siyang naglilinaw sa kanila ng mga katwiran at nag-uuri-uri ng mga patotoo, pagkatapos sila ay umaayaw sa mga ito!"

(47) Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung dumating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan nang walang pagkadama nito mula sa inyo, o dumating ito sa inyo nang hayagang lantaran sa mga mata sapagkat tunay na walang kinukuha sa pamamagitan ng pagdurusang iyon kundi ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya."

(48) Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin kundi upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng magpapagalak sa kanila na kaginhawahang mananatili, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang magpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga kapalarang pangmundo.

(49) Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh ay tatama sa kanila ang pagdurusa dahilan ng paglabas nila sa pagtalima kay Allāh.

(50) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh ng panustos para makapagsagawa ako rito ng anumang niloob ko. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid maliban sa ipinatalos sa akin ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel kabilang sa mga anghel sapagkat Ako ay isang sugo mula kay Allāh. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Hindi ako nagkukunwari ng anumang wala sa akin." Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Nagkakapantay kaya ang tagatangging sumampalataya na nabulag ang paningin sa katotohanan at ang mananampalataya na nakakita ng katotohanan at sumampalataya rito? Kaya hindi ba kayo nagmumuni-muni sa pamamagitan ng mga isipan ninyo, O mga tagapagtambal, sa mga nakapalibot sa inyo na mga tanda."

(51) Magpangamba ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān na ito sa mga nangangamba na kakalapin sila tungo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon – walang ukol sa kanila na isang katangkilik bukod pa kay Allāh na nagdudulot sa kanila ng pakinabang, ni isang mapagpamagitang mag-aalis sa kanila ng pinsala – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang mga ito ay ang mga nakikinabang sa Qur'ān.

(52) Huwag kang magpalayo, O Sugo, sa pagtitipon mo ng mga maralita ng mga Muslim na nasa isang pagsambang palagian kay Allāh sa simula ng maghapon at katapusan nito bilang mga nagpapakawagas sa pag-ukol sa Kanya ng pagsamba. Huwag kang magpalayo sa kanila upang makaakit ka ng mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa mga maralitang ito sa anuman. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa ganang Panginoon nila lamang. Walang kailangan sa kanila na pagtutuos sa iyo sa anuman. Tunay na ikaw, kung nagpalayo ka sa kanila sa pagtitipon mo, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.

(53) Gayon Kami sumubok sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa kaya ginawa Namin sila na mga nagkakaibahan sa mga kapalarang pangmundo. Sumubok Kami sa kanila ng ganoon upang magsabi ang mga mayamang tagatangging sumampalataya sa mga maralita ng mga mananampalataya: "Ang mga maralitang ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng kapatnubayan sa gitna namin? Kung sakaling ang pananampalataya ay mabuti, hindi sana nila kami naunahan doon sapagkat kami ay ang mga may pangunguna." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya para magtuon Siya sa kanila sa pananampalataya at higit na nakaaalam sa mga tagatangging kumilala sa mga ito para magtatwa Siya sa kanila sapagkat hindi sila sumasampalataya? Oo nga; tunay na si Allāh ay higit na maalam sa kanila.

(54) Kapag dumating sa iyo, O Sugo, ang mga sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo ay gumanti ka sa kanila ng pagbati ng kapayapaan bilang pagpaparangal sa kanila. Magbalita ka sa kanila ng nakalulugod na lawak ng awa ni Allāh sapagkat nagsatungkulin Siya sa sarili Niya ng pagkaawa bilang pagsasatungkulin ng pagmamabuting-loob. Ang sinumang nakagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway sa sandali ng kamangmangan at kahunghangan, pagkatapos nagbalik-loob nang matapos ng pagkagawa niya nito at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya sa nagawa niya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

(55) Kung paanong naglinaw Kami para sa iyo ng nabanggit, naglilinaw Kami ng mga patunay Namin at mga katwiran Namin laban sa mga alagad ng kabulaanan at para sa pagpapaliwanag sa daan ng mga salarin at pamamaraan nila para makaiwas dito at makapag-ingat laban dito.

(56) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh sa pagsamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo sa pagsamba sa iba pa kay Allāh sapagkat ako, kung sumunod sa mga pithaya ninyo roon, ay magiging isang naliligaw palayo sa daan ng katotohanan, na hindi napapatnubayan tungo roon." Ito ang lagay ng bawat sumunod sa pithaya nang walang patotoo mula kay Allāh.

(57) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko, hindi nasa isang pithaya, samantalang kayo ay nagpasinungaling sa patotoong ito. Wala sa ganang akin ang minamadali ninyo na pagdurusa at mga tandang mahimala na hiniling ninyo. Iyon ay nasa mga kamay ni Allāh lamang sapagkat ang paghahatol – at bahagi ng kabuuan nito ang hiniling ninyo – ay ukol kay Allāh lamang. Nagsasabi Siya ng katotohanan at humahatol Siya nito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamainam na naglinaw at nagbukod sa tagapagtotoo mula sa tagapagpabula."

(58) Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Kung sakaling nasa ganang akin at nasa hawak ko ang minamadali ninyo na pagdurusa ay talaga sanang nagpababa ako nito sa inyo. Sa sandaling iyon ay pagpapasyahan ang usaping nasa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan kung gaano katagal Siya magpapalugit sa kanila at kung kailan Siya magpaparusa sa kanila."

(59) Nasa kay Allāh lamang ang mga imbakan ng Lingid; hindi nakaaalam sa mga iyon ang iba pa sa Kanya. Nakaaalam Siya sa lahat ng nasa katihan na mga nilikha na hayop, halaman, at walang-buhay na bagay. Nakaaalam Siya sa anumang nasa dagat na hayop, halaman, walang-buhay na bagay, at anumang nalalaglag na dahon sa alinmang pook. Walang natatagpuang isang butil na nakatago sa lupa, walang natatagpuang isang mahalumigmig, at walang natatagpuang isang tuyot malibang ito ay pinagtibay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.

(60) Si Allāh ay ang kumukuha sa mga kaluluwa ninyo sa isang pagkuhang pansamantala sa sandali ng pagtulog. Siya ay ang nakaaalam sa nakamit ninyo na mga gawa sa maghapon sa oras ng aktibidad ninyo. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo sa maghapon matapos ng pagkuha sa mga kaluluwa ninyo sa pagtulog upang magsagawa kayo ng mga gawain ninyo hanggang sa magwakas ang mga taning ng mga buhay ninyong naitakda sa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa pamamagitan ng Pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa sa buhay ninyo sa Mundo. Gaganti Siya sa inyo roon.

(61) Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Nagpapadala Siya sa inyo, O mga tao, ng mga anghel na mararangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila.

(62) Pagkatapos isasauli ang lahat ng mga kinuha ang mga kaluluwa nila kay Allāh, ang Tagapagmay-ari nilang totoo, upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad at ang paghahatol na makatarungan sa kanila. Siya ay ang pinakamabilis na bumilang sa inyo at mag-isa-isa sa mga gawain ninyo.

(63) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magliligtas sa inyo mula sa mga kapapahamakan na nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at dagat? Dumadalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung magbibigay-kaligtasan sa amin ang Panginoon namin mula sa mga kapapahamakang ito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya."

(64) Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang sasagip sa inyo mula roon at magbibigay-kaligtasan sa inyo mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo, matapos niyon, ay nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya sa kalagayan ng kaluwagan kaya may aling kawalang-katarungang higit pa sa isinasagawa ninyo?"

(65) Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusang darating sa inyo mula sa ibabaw ninyo tulad ng mga bato, mga lintik, at mga baha; o darating sa inyo mula sa ilalim ninyo tulad ng mga lindol at paglamon ng lupa; o na magpasalungat sa mga puso ninyo saka susunod ang bawat isa sa inyo sa pithaya niya kaya maglalaban ang isa't isa sa inyo." Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Kaming nag-uuri-uri para sa kanila ng mga patunay at mga patotoo at naglilinaw ng mga ito, nang sa gayon sila ay makaiintindi na ang inihatid mo ay katotohanan at na ang taglay nila ay kabulaanan.

(66) Nagpasinungaling sa Qur'ān na ito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil sa pagiging mula sa ganang kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako isang inaatangan ng pagmamasid sa inyo sapagkat walang iba ako kundi isang tagababala sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi."

(67) Para sa bawat ulat ay isang panahong titigilan nito at isang wakas na pagwawakasan nito. Kabilang doon ang ulat ng kauuwian ninyo at kahihinatnan ninyo at malalaman ninyo iyon kapag bubuhayin kayo sa Araw ng Pagbangon.

(68) Kapag nakakita ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagsasalita kaugnay sa mga talata Namin nang may panunuya at pangungutya, lumayo ka sa kanila hanggang sa pumasok sila sa isang pag-uusap na walang panunuya at pangungutya sa mga talata Namin. Kapag nagpalimot sa iyo ang demonyo at nakaupo ka kasama nila, pagkatapos nakaalaala ka, lumisan ka sa pagtitipon nila at huwag kang umupo kasama sa mga tagalabag na ito.

(69) Walang kailangan sa mga nangingilag magkasala kay Allāh, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na pagtutuos sa mga tagalabag sa katarungan na ito sa anuman. Kailangan sa kanila lamang na sumaway sa mga ito sa ginagawa ng mga ito na nakasasama, nang sa gayon ang mga ito ay mangingilag magkasala Allāh kaya susunod ang mga ito sa mga ipinag-uutos Niya at iiwas ang mga ito sa mga sinasaway Niya.

(70) Pabayaan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito na gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang, na nanlalait dito at nangungutya rito. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng taglay nito na mga kasiyahang naglalaho. Mangaral ka, O Propeta, ng Qur'ān sa mga tao upang hindi maisuko ang isang kaluluwa sa kapahamakan dahilan sa nakamit niya na mga masagwang gawa. Walang ukol sa kanya, bukod pa kay Allāh, na isang kakamping pagpapaadyaan niya ni isang tagapagpagitnang makapipigil para sa kanya ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Kapag tutubos siya [ng sarili] mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng alinmang pantubos ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Ang mga nagsukong iyon sa kapahamakan ng mga sarili nila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway, ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang lumabis-labis sa init at isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.

(71) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin; at tatalikod kami sa pananampalataya matapos na magtuon sa amin si Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo saka iniwang litung-lito na hindi napapatnubayan sa landas, habang mayroon siyang mga kasamahan sa daang tuwid na nag-aanyaya sa kanya tungo sa katotohanan samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.

(72) Nag-utos nga Siya sa amin ng pagpapanatili sa pagdarasal sa paraang pinakalubos, at nag-utos Siya sa amin ng pangingilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang pagtitipunan sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila.

(73) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman na mangyari ay mangyayari ito. Kapag magsasabi Siya sa Araw ng Pagbangon na bumangon kayo ay babangon sila. Ang sabi Niya ay ang katapatan na magaganap nang walang pasubali. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. [Siya] ang Nakaaalam sa anumang nalingid at ang Nakaaalam sa anumang nasaksihan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid na walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga ito.

(74) Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niyang tagapagtambal na si Āzar: "O Ama ko, gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos na sinasamba mo bukod pa kay Allāh? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mong sumasamba sa mga diyus-diyusan sa isang pagkaligaw na malinaw at isang kalituhan sa daan ng katotohanan dahilan sa pagsamba ninyo sa iba pa kay Allāh sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan samantalang ang iba pa sa Kanya ay isang sinasamba ayon sa kabulaanan."

(75) Gaya ng pagpapakita ni Allāh kay Abraham ng pagkaligaw ng ama nito at mga kalipi nito, ipinakita ni Allāh kay Abraham ang malawak na paghahari sa mga langit at lupa upang makapagpatunay ito sa pamamagitan ng malawak na paghaharing iyon sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya – upang si Abraham ay maging kabilang sa mga nakatitiyak na Siya ay nag-iisa – walang katambal sa Kanya – at na Siya ay Nakakakaya sa bawat bagay.

(76) Kaya noong dumilim sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala kaya nagsabi: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong naglaho ang tala ay nagsabi siya: "Hindi ko naiibigan ang naglalaho dahil ang Diyos na totoo ay naririyan, hindi naglalaho."

(77) Nang nakita niya ang buwan na lumalabas ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong nawala ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi magtutuon sa akin si Allāh sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong malayo sa Relihiyon Niyang totoo."

(78) Kaya nang nakita niya ang araw na lumilitaw ay nagsabi siya: "Ang lumilitaw na ito ay Panginoon ko; ang lumilitaw na ito ay higit na malaki kaysa sa tala at kaysa sa buwan;" ngunit noong naglaho ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo kasama kay Allāh;

(79) Tunay na ako ay nagpakawagas sa pag-uukol ng relihiyon ko sa lumikha ng mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad, habang kumikiling palayo sa pagtatambal tungo sa dalisay na paniniwala sa kaisahan [ni Allāh], at hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal na mga sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya."

(80) Nakipag-alitan sa kanya ang mga kalipi niyang mga tagapagtambal hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Nagpangamba sila sa kanya laban sa mga anito nila kaya nagsabi siya sa kanila: "Nakikipag-alitan ba kayo sa akin hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba samantalang nagtuon nga sa akin ang Panginoon tungo sa Kanya? Hindi ako nangangamba sa mga anito ninyo sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng isang pinsala para maminsala sa akin ni ng isang pakinabang para magpakinabang sa akin malibang niloob ni Allāh sapagkat ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari. Kaalinsabay ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay, walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala, O mga tao, sa kalagayan ninyo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya para sumampalataya kayo kay Allāh lamang?"

(81) Papaanong magaganap sa akin ang pangamba para sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan samantalang walang nagaganap sa inyo mismo na pangamba dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh nang nagtambal kayo kasama sa Kanya ng nilikha Niya nang walang patotoo para sa inyo roon? Kaya alin sa dalawang umpukan: umpukan ng mga monoteista at umpukan ng mga tagapagtambal, ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan at kaligtasan? Kung kayo ay nakaaalam sa higit na karapat-dapat sa dalawa, sumunod kayo roon. Ang karapat-dapat sa dalawa – walang pag-aalinlangan – ay ang umpukan ng mga mananampalatayang monoteista.

(82) Ang mga sumampalataya kay Allāh, sumunod sa isinabatas Niya, at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang pagtatambal, ukol sa kanila ang katiwasayan at ang kaligtasan – tanging sa kanila hindi sa iba pa sa kanila. Sila ay mga naituon; nagtuon sa kanila ang Panginoon nila sa daan ng kapatnubayan.

(83) Ang katwirang iyon ay ang sabi niya: "Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan," na nanaig si Abraham sa pamamagitan nito sa mga kalipi niya hanggang sa naputol ang katwiran nila. Ito ay katwiran Namin; nagtuon Kami sa kanya para mangatwiran sa mga kalipi niya sa pamamagitan nito at nagbigay Kami sa kanya nito. Nag-aangat Kami sa sinumang niloloob Namin mula sa mga lingkod namin sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya.

(84) Nagkaloob Kami kay Abraham ng anak niyang si Isaac at apo niyang si Jacob. Nagtuon Kami sa bawat isa sa kanilang dalawa tungo sa landasing tuwid at nagtuon Kami kay Noe bago pa nila. Nagtuon Kami tungo sa daan ng katotohanan sa mga supling ni Noe: sa bawat isa kina David at anak niyang si Solomon, kina Job, Jose, at Moises, at kapatid niyang si Aaron – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Tulad ng pagganting ito na iginanti Namin sa mga propeta dahil sa paggawa nila ng maganda, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda na iba pa sa kanila dahil sa paggawa ng mga ito ng maganda.

(85) Nagtuon si Allāh, gayon din, sa bawat isa kina Zacarias, Juan, Jesus na anak ni Maria, at Elias – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Lahat ng mga propetang ito ay kabilang sa mga maayos. Pumili si Allāh sa kanila bilang mga sugo.

(86) Nagtuon Kami, gayon din, kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Lahat ng mga propetang ito, sa pangunguna sa kanila ni Propeta Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ay itinangi Namin sa mga nilalang.

(87) Nagtuon Kami sa ilan sa mga ama nila, ilan sa mga anak nila, at ilan sa mga kapatid nila kabilang sa niloob Namin ang pagtutuon sa kanila. Pinili Namin sila at itinuon Namin sila sa pagtahak sa daang matuwid na siyang daan ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya.

(88) Ang nangyaring iyon sa kanila na pagtutuon ay pagtutuon ni Allāh; nagtutuon Siya roon ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay talaga sanang nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil ang pagtatambal ay isang tagapawalang-saysay sa gawaing maayos.

(89) Ang mga propetang nabanggit na iyon ay ang mga binigyan Namin ng mga kasulatan, binigyan Namin ng karunungan, at binigyan Namin ng pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya ang mga kalipi mo sa ibinigay Namin sa mga iyon na tatlong ito, naglaan na Kami para sa mga iyan at nagtalaga Kami ng mga taong hindi mga tagatangging sumampalataya sa mga iyan. Bagkus sila ay mga mananampalatayang kumakapit sa mga iyan. Sila ay ang mga lumikas, ang mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila ayon sa pamamagitan ng paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Paggagantimpala.

(90) Ang mga propetang iyon at ang sinumang nabanggit kasama sa kanila kabilang sa mga ama nila, mga anak nila, at mga kapatid nila ay ang mga alagad ng kapatnubayan sa totohanan, kaya sumunod ka sa kanila at gumaya ka sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga kalipi mo: "Hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng Qur'ān ng isang ganti sapagkat ang Qur'ān ay walang iba kundi isang pangaral para sa mga nilalang na tao at jinn upang ipanggabay nila tungo sa landasing tuwid at daang tumpak.

(91) Hindi dumakila ang mga tagapagtambal kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagsabi sila sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman na pagkakasi." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nagpababa ng Torah kay Moises bilang liwanag, kapatnubayan, at paggabay para sa mga tao niya? Inilalagay ito ng mga Hudyo sa mga sinusulatan, na naglalantad sila mula rito ng umaalinsunod sa mga pithaya nila at nagtatago sila ng sumasalungat sa mga iyon gaya ng paglalarawan kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Nakaalam kayo mismo, O mga Arabe, mula sa Qur'ān ng hindi ninyo mismo nalaman, ni ng mga ninuno ninyo noong una. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpababa nito si Allāh." Pagkatapos iwan mo sila sa kamangmangan nila at pagkaligaw habang nangungutya sila at nanlalait sila hanggang sa puntahan sila ng kamatayang tiyak.

(92) Itong Qur'ān ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang makalangit upang magbabala ka sa pamamagitan nito sa mga mamamayan ng Makkah at sa nalalabi sa mga tao sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa buhay na pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda para rito ayon sa Batas [ng Islām].

(93) Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil nagsabi: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman;" o nagsabi ng isang kasinungalingan: "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa kanya," samantalang si Allāh ay hindi nagkasi sa kanya ng anuman; o nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh na Qur'ān." Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag dinadapuan ang mga tagalabag ng katarungan na ito ng hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay ng mga ito sa kanila sa pagpaparusa at paghagupit, na nagsasabi sa kanila bilang panunuligsa: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo sapagkat kami ay kukuha ng mga iyan. Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng isang pagdurusang hahamak sa inyo at magpapaaba sa inyo dahilan sa kayo noon ay nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aangkin ng pagkapropeta, pagkakasi, at pagpapababa ng tulad sa pinababa ni Allāh, at dahilan sa pagkamapagmalaki ninyo laban sa pananampalataya sa mga tanda Niya. Kung sakaling nakakikita ka niyon ay talaga sanang nakakita ka ng isang bagay na kahindik-hindik."

(94) Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay: Talaga ngang pumunta kayo sa Amin sa araw na ito bilang mga indibiduwal na walang ari-ariang kasama sa inyo ni katungkulan gaya ng pagkabuo Namin sa inyo sa unang pagkakataon na mga nakayapak, na mga nakahubo, na mga supot. Umiwan kayo ng ibinigay Namin sa inyo mula roon sa likuran ninyo sa Mundo nang labag sa loob ninyo. Hindi Kami nakakikita ngayong araw kasama sa inyo ng mga diyos na inangkin ninyo na sila ay mga tagapagpagitna para sa inyo at inangkin ninyo na sila ay mga katambal kay Allāh sa pagiging karapat-dapat sa pagsamba. Talaga ngang nagkaputul-putol ang pagkakaugnay sa pagitan ninyo. Naglaho sa inyo ang dati ninyong inaangkin na pamamagitan nila, at na sila ay mga katambal kay Allah.

(95) Tunay na si Allāh lamang ay ang nagbibiyak ng mga butil kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga tanim at nagbibiyak ng mga buto kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga punong gaya ng puno ng datiles, ubas, at iba pa sa dalawang ito. Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay yayamang lumalabas ang tao at ang nalalabi sa mga hayop mula sa punlay at nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay yayamang lumalabas ang punlay mula sa tao at ang itlog mula sa manok. Yaong gumagawa nito ay si Allāh na lumikha sa inyo. Kaya papaano kayo nababaling, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan sa kabila ng nasasaksihan ninyo mula sa karikitan ng pagkakagawa Niya?

(96) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpapabuka ng liwanag ng madaling-araw mula sa dilim ng gabi. Siya ay ang gumawa sa gabi bilang pamamahinga para sa mga tao. Namamahinga sila rito mula sa pagkilos para sa paghahanap ng kabuhayan, upang makapagpahinga sila mula sa pagod nila sa paghahanap niyon sa maghapon. Siya ay ang gumawa sa araw at buwan na umiinog ayon sa isang pagtutuos na nakatakda. Ang nabanggit na iyon na bahagi ng karikitan ng pagkakagawa ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam sa mga nilikha Niya at anumang naaangkop sa kanila.

(97) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga anak ni Adan, ng mga bituin sa langit upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga paglalakbay ninyo kapag nagpalito sa inyo ang mga daan sa katihan at dagat. Nilinaw nga Namin ang mga patunay at ang mga patotoong nagpapatunay sa kakayahan Namin para sa mga taong nagbubulay-bulay sa mga patunay at mga patotoo na iyon kaya makikinabang sila sa mga iyon.

(98) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, ang kaluluwa ng ama ninyong si Adan, sapagkat nagsimula ang paglikha sa inyo sa paglikha sa ama ninyo mula sa putik. Pagkatapos lumikha Siya sa inyo mula rito. Lumikha Siya para sa inyo ng titigilan ninyo gaya ng mga sinapupunan ng mga ina ninyo at ng isang pinaglalagakan na paglalagakan sa inyo gaya ng mga gulugod ng mga ama ninyo. Nilinaw nga namin ang mga tanda para sa mga taong umiintindi sa Salita ni Allāh.

(99) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, ang tubig ng ulan. Nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng bawat isa sa mga uri ng mga halaman. Nagpalabas Siya mula sa mga halaman ng mga pananim at mga punong luntian, na nagpapalabas naman Siya mula sa mga ito ng mga butil na pumapatong sa isa't isa gaya ng nangyayari sa mga puso ng mga butil. Mula sa mga bulaklak ng mga punong datiles lumalabas ang mga piling ng mga ito nang malapit, na naaabot ng nakatayo at nakaupo. Nagpalabas Siya ng mga hardin ng mga ubas. Nagpalabas Siya ng oliba at granada, na nagkakatulad ang mga dahon ng dalawang ito, na nagkakaiba ang mga bunga ng dalawang ito. Tumingin kayo, O mga tao, sa mga bunga ng mga ito sa unang paglitaw at sa mga ito kapag nahihinog. Tunay na sa gayon, O mga tao, ay talagang may mga patunay na maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh sapagkat sila ay ang mga nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong ito.

(100) Gumawa ang mga tagapagtambal sa mga jinn bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba nang naniwala sila na ang mga ito ay nakapagpapakinabang at nakapipinsala, samantalang nagpairal nga sa kanila si Allāh at hindi lumikha sa kanila ang iba pa sa Kanya, kaya naman Siya ay higit na karapat-dapat na sambahin. Lumikha-likha sila [para sa Kanya] ng mga anak na lalaki gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Ezra at ng mga Kristiyano kay Hesus, at ng mga anak na babae gaya ng ginawa ng mga tagapagtambal sa mga anghel. Pagkasakdal-sakdal Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga kampon ng kabulaanan.

(101) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Tagalikha ng mga langit at Tagalikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad. Papaano mangyayaring mayroon siyang anak samantalang hindi naman nangyaring mayroon siyang asawa? Siya ay lumikha nga sa bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

(102) Iyon, O mga tao, ang nailalarawan sa mga katangiang iyon. Siya ay Panginoon ninyo sapagkat walang Panginoon para sa inyo na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Siya ay tagapairal ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya lamang sapagkat Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba. Siya sa bawat bagay ay Mapag-ingat.

(103) Hindi nakasasaklaw sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaabot sa mga paningin at nakasasaklaw sa mga ito. Siya ay ang Nakatatalos sa mga lingkod Niyang maayos, ang Mapagbatid sa kanila.

(104) May dumating nga sa inyo, O mga tao, na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag mula sa Panginoon ninyo. Kaya naman ang sinumang nagpakaunawa at nagpahinuhod sa mga ito, ang pakinabang doon ay manunumbalik sa kanya; at ang sinumang nabulagan sa mga ito, hindi nagpakaunawa sa mga ito, at hindi nagpahinuhod sa mga ito, ang pinsala niyon ay nalilimitahan sa kanya. Hindi ako sa inyo isang mapagmasid, na umiisa-isa sa mga gawa ninyo. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon ko, ang Mapagmasid sa inyo.

(105) Kung paanong nag-uri-uri ng mga patunay at mga patotoo sa kakayahan ni Allāh, nag-uuri-uri ng mga talata hinggil sa pangako, banta, at pangaral. Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Hindi ito isang pagkakasi; nag-aral ka lamang nito buhat sa mga May Kasulatan mula sa nauna sa iyo." Ito ay upang linawin Namin ang katotohanan sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasarisari Namin ng mga talatang ito para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sapagkat sila ay ang mga tumatanggap sa katotohanan at sumusunod dito.

(106) Sumunod ka, O Sugo, sa ikinakasi sa iyo ng Panginoon mo na katotohanan sapagkat walang sinasamba ayon sa katotohanan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Huwag mong abalahin ang puso mo dahil sa mga tagalabag sa katarungan at pagmamatigas nila sapagkat ang usapin ukol sa kanila ay nasa kay Allāh.

(107) Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man ay hindi sana sila nagtambal sa Kanya ng isa man. Hindi ka, O Sugo, ginawa na isang mapagmasid na nag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Hindi ka sa kanila isang katiwala. Ikaw ay sugo lamang. Walang tungkulin sa iyo kundi ang pagpapaabot.

(108) Huwag kayong mang-alipusta, O mga mananampalataya, sa mga anitong sinasamba ng mga tagapagtambal kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito ay pinakahamak na bagay at pinakakarapat-dapat sa pag-alipusta, upang hindi mang-alipusta ang mga tagapagtambal kay Allāh dala ng pagmamataas laban sa Kanya at kamangmangan sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung paanong ipinang-akit para sa mga ito ang taglay ng mga ito na pagkaligaw, ipinang-akit ni Allāh para sa bawat kalipunan ang gawa nila, kabutihan man o kasamaan, kaya ginawa nila ang ipinaakit Niya sa kanila mula roon. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa kanila roon.

(109) Nanumpa ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pinakamatindi sa mga panunumpa nila na nakakakaya nila na talagang kung naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng isang tanda mula sa mga tanda na iminungkahi nila ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang mga tanda ay hindi nasa ganang akin para magpababa ako ng mga ito; ang mga ito ay nasa ganang kay Allāh lamang. Nagpapababa Siya ng mga ito kapag niloob Niya. Ano ang magpapaalam sa inyo, O mga mananampalataya, na ang mga tandang ito, kapag dumating alinsunod sa iminungkahi nila, ay hindi sila sasampalataya? Bagkus mananatili sila sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila dahil sila ay hindi nagnanais ng kapatnubayan."

(110) Pumipihit Kamit sa mga puso nila at mga paningin nila sa pamamagitan ng pagharang sa pagitan ng mga ito at ng pagkapatnubay sa katotohanan kung paanong humarang Kami sa pagitan nila at ng pagsampalataya sa Qur'ān sa unang pagkakataon dahilan sa pagmamatigas nila, at nag-iiwan Kami sa kanila sa pagkaligaw nila at paghihimagsik nila sa [Amin na] Panginoon nila habang mga litung-litong natutuliro.

(111) Kahit pa Kami ay sumagot sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng iminungkahi nila saka nagbaba Kami sa kanila ng mga anghel at nakasaksi sila sa mga ito, kumausap sa kanila ang mga patay at nagpabatid ang mga ito sa kanila hinggil sa katapatan mo sa inihatid mo, at nagtipon Kami para sa kanila ng bawat bagay mula sa iminungkahi nila na haharapin nila nang mata sa mata, hindi sila naging ukol sumampalataya sa inihatid mo, maliban sa sinumang niloob Namin para rito ang kapatnubayan kabilang sa kanila. Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya hindi sila dumudulog kay Allāh para magtuon Siya sa kanila para sa kapatnubayan.

(112) Kung paanong sumubok Kami sa iyo sa pamamagitan ng pangangaway ng mga tagapagtambal na ito sa iyo, sumubok Kami sa bawat propeta noong bago mo. Nagtalaga Kami para sa bawat isa sa kanila ng mga kaaway na mga naghihimagsik na tao at mga kaaway na mga naghihimagsik na jinn. Nanulsol ang iba sa kanila sa iba pa kaya naipang-akit ng mga ito sa kanila ang kabulaanan upang linlangin sila. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila ginawa iyon, subalit Siya ay lumuob sa kanila niyon bilang isang pagsubok. Kaya iwan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila na kawalang-pananampalataya at kabulaanan. Huwag kang pumansin sa kanila.

(113) at upang kumiling sa isinusulsol ng ilan sa kanila sa iba pa ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at upang tumanggap sila niyon para sa mga sarili nila at masiyahan sila roon, at upang magkamit sila ng anumang sila ay mga magkakamit kabilang sa mga pagsuway at mga kasalanan.

(114) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Maiisip ba na tumanggap ako ng iba pa kay Allāh bilang hukom sa pagitan ko at ninyo? Si Allāh ay ang nagpababa sa inyo ng Qur'ān bilang tagapaglinaw na tagalubos para sa bawat bagay." Ang mga Hudyong binigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyanong binigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakaaalam na ang Qur'ān ay ibinaba sa iyo na naglalaman ng katotohanan, dahil nakatagpo sila sa mga kasulatan nila ng patunay roon. Kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa sa ikinasi Namin sa iyo.

(115) Umabot ang Qur'ān sa rurok ng katapatan sa mga sinasabi at mga ulat; walang tagapagpaiba sa mga salita Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ito kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Gaganti Siya sa sinumang nagsisikap para sa pagpapalit ng mga salita Niya.

(116) Kung sakaling itinakda na ikaw ay tumalima, O Sugo, sa higit na marami sa nasa lupa kabilang sa mga tao ay magliligaw sila sa iyo palayo sa Relihiyon ni Allāh sapagkat umiral nga ang kalakaran ni Allāh na ang katotohanan ay maging kasama ng kakaunti. Ang higit na marami sa mga tao ay sumusunod sa pagpapalagay lamang na walang sinasandigan yayamang nag-akala sila na ang mga sinasamba nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh nang dikitan habang sila ay nagsisinungaling hinggil doon.

(117) Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya kabilang sa mga tao. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan doon; walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

(118) Kaya kumain kayo, O mga tao, mula sa binanggit ang pangalan ni Allāh roon sa sandali ng pagkatay, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sa mga patotoo Niyang maliwanag.

(119) Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, na kumakain kayo mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nilinaw nga Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iwan dito, maliban kapag pinilit kayo roon ng kagipitan sapagkat ang kagipitan ay nagpapahintulot sa ipinagbabawal? Tunay na marami sa mga tagapagtambal ay talagang nagpapalayo ng mga tagasunod nila sa katotohanan dahil sa mga tiwaling opinyon nila dala ng kamangmangan mula sa kanila, yayamang nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila gaya ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām) at iba pa rito at nagbabawal sila ng ipinahintulot Niya sa kanila gaya ng baḥīrah, waṣīlah, ḥāmī, at iba pa sa mga ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Gaganti Siya sa kanila sa paglampas nila sa mga hangganan Niya.

(120) Iwanan ninyo, O mga tao, ang paggawa ng mga pagsuway nang hayagan at palihim. Tunay na ang mga gumagawa ng mga pagsuway nang palihim at hayagan ay gagantihan ni Allāh sa nakamit nila mula sa mga ito.

(121) Huwag kayong kumain, O mga Muslim, mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon, binanggit man doon ang pangalan ng iba pa sa Kanya o hindi. Tunay na ang pagkain mula roon ay talagang paglabas sa pagtalima kay Allāh tungo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nanunulsol sa mga katangkilik nila sa pamamagitan ng pagpupukol ng maling-akala upang makipagtalo sila sa inyo kaugnay sa pagkain ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām). Kung tumalima kayo sa kanila, O mga Muslim, sa ipinupukol nila na maling-akala ng pagpapahintulot ng maytah, kayo at sila ay magiging magkatulad sa pagtatambal.

(122) Ang tao na bago ng kapatnubayan ni Allāh sa kanya ay isang patay dahil sa taglay niyang kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway saka binuhay siya ni Allāh sa pamamagitan ng kapatnubayan sa kanya sa pananampalataya, kaalaman, at pagtalima, ay nakapapantay ba ng taong nasa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway, na hindi niya nakakakaya ang paglabas mula sa mga ito, na nakalito sa kanya ang mga daan, at dumilim sa kanya ang mga tinatahak? Kung paanong pinaganda sa mga tagapagtambal na ito ang ginagawa nila na shirk, pagkain ng maytah, at pakikipagtalo sa pamamagitan ng kabulaanan, pinaganda sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa na mga pagsuway upang gantihan sila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang masakit.

(123) Tulad ng nangyari sa mga pinakamalaking tao ng mga tagapagtambal sa Makkah na pagbalakid sa landas ni Allāh, gumawa Siya sa bawat pamayanan ng mga pangulo at mga pinunong gumagawa ng panggugulang nila at pakana nila sa pag-aanyaya tungo sa landas ng demonyo at pakikidigma sa mga sugo at mga tagasunod ng mga ito. Ang reyalidad ay na ang panlalansi nila at ang pakana nila ay bumabalik lamang sa kanila subalit sila ay hindi nakadarama niyon dahil sa kamangmangan nila at pagsunod sa mga pithaya nila.

(124) Kapag dumating sa mga malaking tao ng mga tagatangging sumampalataya ang isa sa mga tanda na ibinaba ni Allāh sa Propeta Niya ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa magbigay sa amin si Allāh ng tulad sa ibinigay Niya sa mga propeta na pagkapropeta at pagkasugo." Kaya tumugon si Allāh sa kanila na Siya ay higit na maalam sa kung sino ang naaangkop sa pagkasugo at pagsasagawa sa mga tungkulin nito para itangi Niya ito sa pagkapropeta at pagkasugo. Magtatamo ang mga maniniil na ito ng isang kaabahan, isang panghahamak dahil sa pagkamapagmalaki nila, at isang pagdurusang matindi dahilan sa panlalansi nila.

(125) Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magtuon tungo sa daan ng kapatnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito at maghahanda Siya rito sa pagtanggap sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magtatwa at hindi magtuon sa kapatnubayan ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi ang kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso nito gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat nito sa langit at kawalang-kakayahan nito roon sa sarili nito. Kung paanong naglagay si Allāh sa kalagayan ng naliligaw sa kalagayang ito na matinding paninikip, maglalagay Siya ng pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya.

(126) Itong relihiyong isinabatas ni Allāh para sa iyo, O Sugo, ay landasing matuwid ni Allāh na walang kabaluktutan dito. Nilinaw nga Niya ang mga tanda para sa sinumang may kamalayan at pag-intinding nagkakamalay siya sa pamamagitan nito tungkol kay Allāh.

(127) Ukol sa kanila ay tahanang maliligtas sila roon laban sa bawat kinasusuklaman: ang Paraiso. Si Allāh ay tagaadya nila at tagaayuda nila bilang ganti sa dati nilang ginagawa na mga matuwid.

(128) Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap si Allāh sa dalawang pangunahing nilikha: ang tao at ang jinn. Pagkatapos magsasabi si Allāh: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo ng pagliligaw sa tao at pagbalakid sa kanila sa landas ni Allāh." Magsasabi ang mga tagasunod nila kabilang sa tao habang mga sumasagot sa Panginoon nila: "O Panginoon namin, nagtamasa ang bawat isa kabilang sa amin sa kasamahan niya sapagkat ang jinn ay nagtamasa sa pagtalima ng tao sa kanya at ang tao ay nagtamasa sa pagkamit niya ng mga nasa niya. Umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin sapagkat ito ay Araw ng Pagbangon." Magsasabi si Allāh: "Ang Apoy ay pagtitigilan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni Allāh na isang sukat ng yugto sa pagitan ng pinagbuhayan sa kanila mula sa mga libingan nila hanggang sa kahahantungan nila sa Impiyerno sapagkat iyon ang yugtong hindi isinama ni Allāh sa pananatili nila sa Apoy." Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya hinggil sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa kanila sa pagdurusa.

(129) Gaya ng pagpapatangkilik Namin sa mga naghihimagsik na jinn at pagpapangibabaw Namin sa kanila sa ilan sa mga tao upang magligaw sila sa mga ito, ipinatatangkilik Namin ang bawat tagalabag sa katarungan sa isa pang tagalabag sa katarungan, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok sa kanya roon, nagpalayo ng loob niya sa kabutihan, at nagpapasalat sa kanya rito bilang ganti para sa kanila dahil sa dati nilang nakakamit na mga pagsuway.

(130) Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo sapagkat sila ay kabilang sa tao, na bumibigkas sa inyo ng pinababa ni Allāh sa kanila at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagpaabot nga sa amin. Kumilala kami sa pakikipagkita sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pakikipagkita sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila ang pagkilalang ito ni ang pananampalataya dahil sa pagkaalpas ng oras nito.

(131) Ang pagbibigay-dahilang iyon sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo sa tao at jinn ay upang hindi parusahan ang isa dahil sa nagawang krimen nito habang walang naisugo sa kanya na isang sugo at walang umabot sa kanya na isang paanyaya sapagkat hindi Kami nagpaparusa sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan malibang matapos ng pagsusugo ng mga sugo sa kanila.

(132) Ang lahat sa kanila ay may mga antas ayon sa mga gawa nila sapagkat hindi nagkakapantay ang marami sa kasamaan at ang kaunti sa kasamaan, ni ang tagasunod at ang sinusunod gaya ng hindi pagkakapantay ng gantimpala ng mga gumagawa ng mga maayos. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa dati nilang ginagawa, bagkus Siya ay nakababatid doon: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.

(133) Ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya kaya hindi Siya nangangailangan sa kanila ni sa pagsamba nila. Hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya nila. Sa kabila ng kawalang-pangangailangan Niya sa kanila, Siya ay May Awa sa kanila. Kung loloobin Niya ang pagpapahamak sa inyo, O mga taong sumusuway, ay lilipulin Niya kayo sa pamamagitan ng isang parusang mula sa ganang Kanya at paiiralin Niya matapos ng pagpapahamak sa inyo ang sinumang loloobin Niya kabilang sa mga sumasampalataya sa Kanya at tumatalima sa Kanya, gaya ng pagkalikha Niya sa inyo mismo mula sa inapo ng mga ibang taong bago ninyo noon.

(134) Tunay na ang ipinangangako sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, na pagbubuhay, pagtitipon, pagtutuos, at parusa ay talagang darating na hindi maiiwasan. Hindi kayo makalulusot sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagtakas sapagkat Siya ay hahawak sa mga buhok ng bumbunan ninyo at magpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng parusa Niya.

(135) Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao ko, manatili kayo sa pamamaraan ninyo at anumang kayo ay nariyan gaya ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw sapagkat napagpaumanhinan na ako at naglahad na ako ng katwiran sa inyo sa pamamagitan ng pagpapaabot na malinaw, kaya ako ay hindi pumapansin sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo bagkus mananatili ako sa anumang ako ay nariyan gaya ng katotohanan. Saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng pag-aadya sa Mundo, sino ang magmamana ng lupa, at sino ang pag-uukulan ng tahanan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagapagtambal: hindi sa Mundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus ang kahihinatnan nila ay ang pagkalugi, kahit pa nagtamasa sila ng tinamasa nila sa Mundo."

(136) Nagpauso ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pagtatalaga para kay Allāh ng isang bahagi mula sa nilikha Niya na mga tanim at mga hayupan saka inangkin nilang ito ay para kay Allāh, at ng isa pang bahagi para sa mga diyus-diyusan nila at mga rebulto nila. Ang anumang inilaan nila para sa mga pantambal nila kay Allāh ay hindi nakararating sa mga guguling isinabatas ni Allāh ang paggugol gaya ng sa mga maralita at mga dukha at ang anumang inilaan nila para kay Allāh, ito ay nakararating sa mga pantambal nila kay Allāh na mga diyus-diyusan, na ginugugol sa mga kapakanan ng mga ito. Pakatandaan, kay sagwa ang hatol nila at ang pagbahagi nila!

(137) Kung paanong pinaganda ng demonyo para sa mga tagapagtambal ang pasyang mapang-aping ito, pinaganda rin sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila kabilang sa mga demonyo ang pagpatay nila sa mga anak nila dala ng takot sa karalitaan upang magpahamak ang mga ito sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa pagpatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh ang pagpatay nito malibang ayon sa katwiran, at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila kaya hindi nila nakikilala kung ano ang isinabatas at kung ano ang hindi isinabatas. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila gumawa niyon ay hindi sana sila gumawa niyon, subalit Siya ay lumuob niyon dahil sa isang kasanhiang malalim. Kaya iwanan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito at ang paggawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh sapagkat tunay na iyon ay hindi nakapipinsala sa iyo at isuko mo kay Allāh ang nauukol sa kanila.

(138) Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Ang mga ito ay mga hayupan at mga tanim na ipinagbabawal." Walang kakain mula sa mga ito kundi ang sinumang niloloob nila ayon sa pag-aangkin nila at paggawa-gawa nila, kabilang sa mga tagapaglingkod ng mga diyus-diyosan at iba pa sa kanila. Ang mga ito ay mga hayupang ipinagbawal ang mga likod, kaya hindi sinasakyan at hindi kinakargahan. Ang mga ito ay ang baḥīrah, ang sā'ibah, at ang ḥāmī. Ang mga ito ay mga hayupan na hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa mga ito sa sandali ng pagkakatay. Kumakatay lamang sila ng mga ito sa ngalan ng mga anito nila. Gumawa sila niyon sa kalahatan niyon dala ng pagsisinungaling laban kay Allāh, na iyon daw ay mula sa ganang Kanya. Gaganti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng parusa Niya dahilan sa sila noon ay gumawa-gawa laban sa Kanya.

(139) Nagsabi sila: "Ang nasa mga tiyan ng mga sā’ibah at mga baḥīrah na ito na mga sanggol, kung ipinanganak na buhay, ay ipinahihintulot sa mga lalaki namin at ipinagbabawal sa mga maybahay min. Kung ipinanganak ang mga sanggol na nasa tiyan ng mga ito na patay, ang mga lalaki at ang mga babae rito ay magkakatambal." Gaganti sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa sabi nilang ito ng nagiging karapat-dapat sa kanila. Tunay na Siya ay Marunong sa batas Niya, at pangangasiwa Niya sa kapakanan ng nilikha Niya, Maalam sa kanila.

(140) Napahamak nga ang mga pumatay sa mga anak nila dahil sa kahinaan ng mga isip nila at kamangmangan nila, at nagbawal sa itinustos sa kanila ni Allāh na mga hayupan habang mga nag-uugnay niyon kay Allāh bilang isang kasinungalingan. Nalayo nga sila sa landasing tuwid, at sila noon ay hindi mga napatnubayan tungo roon.

(141) Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha ng mga patanimang nakalatag sa balat ng lupa para sa [halamang] walang katawan at para sa nakaangat sa ibabaw ng mga ito na may katawan. Siya ang lumikha ng mga datiles at lumikha ng mga pananim na nagkakaiba-iba ang mga bunga sa anyo at lasa. Siya ang lumikha ng mga oliba at mga granada, na ang mga dahon ng mga ito ay nagkakahawigan at ang mga lasa ng mga ito ay hindi nagkakahawigan. Kumain kayo, O mga tao, mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng zakāh ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong lumampas sa mga hangganang legal sa Islām sa pagkain at paggugol sapagkat si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa mga ito ni sa iba pa sa mga ito, bagkus kinasusuklaman Niya. Tunay na ang lumikha niyon sa kabuuan niyon ay ang pumayag nito sa mga lingkod Niya kaya hindi ukol sa mga tagapagtambal ang pagbabawal niyon.

(142) Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng mga hayupan na naaangkop na pagpasanin gaya ng mga malaki sa mga kamelyo at hindi naaangkop para roon gaya ng mga maliit sa mga ito at gaya ng mga tupa. Kumain kayo, O mga tao, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh kabilang sa mga bagay na pinayagan Niya sa inyo. Huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo sa pagpapahintulot ng ipinagbawal ni Allāh at pagbabawal ng ipinahintulot Niya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal. Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway yayamang nagnanais ito sa inyo na sumuway kayo kay Allāh sa pamamagitan niyon.

(143) Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa mga babae?' O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki?' O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.'"

(144) Ang natitira sa walong kategorya ay magkapares mula sa mga kamelyo at magkapares mula sa mga baka. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Si Allāh ba ay nagbawal sa ipinagbawal mula sa mga ito dahil sa pagkalalaki nito o dahil sa pagkababae nito o dahil sa pagkakalaman dito ng sinapupunan? O kayo ba noon, O mga tagapagtambal, ay mga nakadalo ayon sa pag-aangkin ninyo nang nagtagubilin sa inyo si Allāh ng pagbabawal sa ipinagbawal ninyo mula sa mga hayupang ito? Walang isang higit mabigat sa kawalang-katarungan ni higit na malaki sa krimen kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan saka nag-ugnay sa Kanya ng pagbabawal ng hindi Niya ipinagbawal upang magpaligaw sa mga tao palayo sa landasing tuwid nang walang kaalaman na mapagbabatayan doon. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa mga tagalabag ng katarungan dahil sa paggagawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh.

(145) Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya."

(146) Nagbawal Kami sa mga hudyo ng anumang hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga daliri gaya ng mga kamelyo at mga ostrits. Nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng mga baka at mga tupa maliban sa kumapit sa mga likod ng dalawang uring ito o nadala ng mga bituka o nahalo sa buto gaya ng pigi at tagiliran. Gumanti nga Kami sa kanila dahil sa kawalang-katarungan nila sa pagbabawal niyon sa kanilang sarili. Tunay na Kami ay talagang Tapat sa bawat ipinababatid Namin.

(147) Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi pagmamadali Niya sa inyo sa pagdurusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi nabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan."

(148) Magsasabi ang mga tagapagtambal habang mga nangangatwiran ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sa katumpakan ng pagtatambal nila kay Allāh: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magtambal mismo ni ang mga magulang namin ay talaga sanang hindi kami nagtambal sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magbawal ng ipinagbawal namin sa mga sarili namin ay talaga sanang hindi kami nagbawal niyon." Sa pamamagitan ng tulad ng katwiran nilang napabubulaanan, nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila sa mga sugo ng mga iyon, na mga nagsasabi: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magpasinungaling sa kanila ay talaga sanang hindi kami nagpasinungaling sa kanila." Nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling na ito hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin na pinababa Namin sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Mayroon kaya sa ganang inyo na isang patunay na nagpapatunay na si Allāh ay nalugod sa inyo na magtambal kayo sa Kanya at na magpahintulot kayo ng ipinagbawal Niya at magbawal kayo ng ipinahintulot Niya? Ang payak na pagkaganap niyon mula sa inyo ay hindi isang patunay sa pagkalugod Niya sa inyo. Tunay na kayo ay walang sinusunod kaugnay roon kundi ang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi naipapalit sa katotohanan sa anuman. Kayo ay walang [ginagawa] malibang nagpapasinungaling."

(149) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Kung wala kayong mga katwiran maliban sa mga mahinang katwirang ito, tunay na sa kay Allāh ang katwirang pamputol na mapuputol sa harap nito ang mga dahi-dahilan ninyong inilalahad ninyo at mawawalang-saysay sa pamamagitan nito ang mga maling akala ninyong kinakapitan ninyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh ang pagtutuon sa inyo sa kalahatan sa katotohanan, O mga tagapagtambal, ay talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon."

(150) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Magdala kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo." Ngunit kung sumaksi sila nang walang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, huwag kang maniwala sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal saka nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?"

(151) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Halikayo, bibigkas ako sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo: na magtambal kayo sa Kanya ng anuman kabilang sa mga nilikha Niya; na magpakasutil kayo sa mga magulang ninyo, bagkus kinakailangan sa inyo ang paggawa ng maganda sa kanila; na pumatay kayo ng mga anak ninyo dahilan sa karalitaan gaya ng ginagawa noon ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan, si Allāh ay nagtutustos sa inyo at nagtutustos sa kanila; nagbawal Siya na lumapit kayo sa mga malaswa: anumang inihayag mula sa mga ito at anumang inilihim; at na pumatay kayo ng buhay na ipinagbawal ni Allāh na patayin malibang ayon sa karapatan gaya ng pangangalunya matapos makapag-asawa at pagtalikod sa Islām." Ang nabanggit na iyon ay itinagubilin ni Allāh sa inyo, nang sa gayon kayo ay uunawa sa Kanya sa mga ipinag-uutos Niya at mga sinasaway Niya.

(152) Nagbawal si Allāh na makialam kayo sa ari-arian ng ulila (ang nawalan ng ama niya bago nagbinata o nagdalaga) kundi ayon sa may dulot itong kabutihan, pakinabang sa kanya, at karagdagan sa ari-arian niya hanggang sa umabot siya sa kahustuhang gulang at matalos mula sa kanya ang katinuan ng isip. Nagbawal Siya sa inyo ng pang-uumit sa pagtatakal at timbangan, bagkus kinakailangan sa inyo ang katarungan sa pagkuha at pagbibigay sa pagtitinda at pagbili. Hindi Siya nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kaya ang anumang hindi maaaring maiwasan na pagkadagdag o pagkakabawas sa mga takalan at iba pa sa mga ito ay walang paninisi roon. Nagbawal Siya sa inyo na magsabi kayo ng iba pa sa tama kaugnay sa pag-uulat o pagsasaksi, nang walang pagkiling sa isang kaanak o isang kaibigan. Nagbawal Siya sa inyo ng pagkalas sa kasunduan sa Kanya kapag nakipagkasunduan kayo sa Kanya, bagkus kinakailangan sa inyo ang paglubus-lubos niyon. Ang naunang nabanggit na iyon ay nag-utos sa inyo si Allāh ng isang utos na binibigyang-diin, sa pag-asang magsaalaala kayo sa kahihinatnan ng lagay ninyo.

(153) Nagbawal Siya sa inyo na sumunod kayo sa mga landas ng pagkaligaw at mga daan nito, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagsunod sa daang tuwid ni Allāh na walang kabaluktutan doon. Ang mga daan ng pagkaligaw ay nagpapahantong sa inyo sa pagkakahati-hati at pagkakalayo sa daan ng katotohanan. Ang pagsunod na iyon sa daang tuwid ni Allāh ay ang itinagubilin Niya sa inyo, sa pag-asang mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya.

(154) Karagdagan, matapos ng pagpapabatid sa nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa paggawa niya ng maganda sa gawain, bilang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang katunayan sa katotohanan, at bilang awa, sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang maayos.

(155) Ang Qur'ān na ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na marami ang pagpapala dahil sa nilalaman nito na mga pakinabang panrelihiyon at pangmundo, kaya sumunod kayo sa pinababa rito at mag-ingat kayo sa pagsalungat dito, sa pag-asang kaawaan kayo.

(156) upang hindi kayo magsabi, O mga tagapagtambal ng mga Arabe: "Nagbaba lamang si Allāh ng Torah at Ebanghelyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano bago pa namin at hindi Siya nagbaba sa amin ng isang kasulatan. Tunay na kami ay hindi nakaaalam ng pagbigkas ng mga kasulatan nila dahil ang mga ito ay nasa wika nila at hindi nasa wika namin."

(157) Upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng pinababa Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa wika ninyo. Iyon ay isang katwirang maliwanag, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot sa pamamagitan ng mga mahinang palusot at magdahilan sa pamamagitan ng mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumilihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito.

(158) Naghihintay kaya ang mga tagapasinungaling maliban pa na pumunta sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito para kunin ang mga kaluluwa nila sa Mundo; o pumunta ang Panginoon mo sa Araw ng Pagpapasya sa Kabilang-buhay, O Sugo, para sa pagpapasya ng husga sa pagitan nila; o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo na nagpapatunay sa Huling Sandali? Sa araw na pupunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo, gaya ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, ay hindi magpapakinabang sa isang tatangging sumampalataya ang pananampalataya nito at hindi magpapakinabang sa isang mananampalataya ang gawain nito [kung] hindi siya gumawa ng isang kabutihan bago pa nito. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Maghintay kayo sa isa sa mga bagay na ito; tunay na Kami ay mga naghihintay."

(159) Tunay na ang mga gumawa sa relihiyon nila na nagkahati-hati kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano yayamang kumuha sila ng isang bahagi nito at nag-iwan sila ng isang bahagi nito at sila ay naging mga sektang nagkaiba-iba, ikaw, O Sugo, ay hindi kabilang sa kanila sa anuman sapagkat ikaw ay walang-kaugnayan sa anumang taglay nilang pagkaligaw. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagbibigay-babala sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay nakatalaga kay Allāh. Pagkatapos Siya, sa Araw ng Pagbangon, ay magpapabatid sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo para gumanti Siya sa kanila roon.

(160) Ang sinumang naghatid sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda kabilang sa mga mananampalataya ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung magandang gawa. Ang sinumang naghatid ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.

(161) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Tunay na ako ay ginabayan ng Panginoon ko tungo sa daang tuwid, ang daan ng relihiyong nagtataguyod sa mga kapakanan ng Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay ang kapaniwalaan ni Abraham na nakakiling sa katotohanan, na hindi naging kabilang sa mga tagapagtambal kailanman."

(162) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang dasal ko, ang pagkakatay para kay Allāh at sa ngalan ni Allāh hindi sa iba pa sa Kanya, ang buhay ko, at ang kamatayan ko, ang lahat ng iyon ay ukol kay Allāh lamang, ang Panginoon ng mga nilikha. Ang iba pa sa Kanya ay walang bahagi roon."

(163) Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay walang katambal at walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Itong Tawḥīd na dalisay sa Shirk ay ipinag-utos sa akin ni Allāh. Ako ay una sa mga sumusuko sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito.

(164) Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sa iba pa ba kay Allāh maghahanap ako ng isang Panginoon samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay ang Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi magpapasan ang isang inosente ng pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kabilang sa usapin ng relihiyon."

(165) Si Allāh ay ang gumawa sa inyo na humahalili sa nauna sa inyo sa lupa para sa pagsasagawa ng paglinang nito. Nag-angat Siya sa ilan sa inyo sa mga antas sa pagkakalikha, pagtustos, at iba pa sa mga ito higit sa iba upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo mula roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay mabilis ang parusa sapagkat Siya ay malapit sa bawat dumarating. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain dito.