(1) Magpawalang-kapintasan ka sa Panginoon mo na pumaitaas sa nilikha Niya, habang bumibigkas sa pangalan Niya sa sandali ng pagbanggit mo sa Kanya at pagdakila mo sa Kanya,
(2) na lumikha sa tao na nahubog at nagpaangkop sa tikas niya,
(3) na nagtakda ng mga nilikha sa mga lahi ng mga ito, mga uri ng mga ito, at mga katangian ng mga ito, at nagpatnubay sa bawat nilikha tungo sa naaangkop dito at tumutugma rito,
(4) na nagpalabas ng pastulan mula sa lupa na panginginainan ng mga hayop ninyo,
(5) saka gumawa Siya rito na dayaming tuyo na medyo nangingitim matapos na ito dati ay luntiang sariwa.
(6) Magpapabigkas Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur’ān at mag-iipon Kami nito sa dibdib mo at hindi ka makalilimot nito kaya huwag kang makipag-unahan kay Anghel Gabriel sa pagbigkas gaya ng dati mong ginagawa dahil sa pagsisigasig na hindi ka makalimot nito,
(7) maliban sa niloob ni Allāh na makalimot ka mula roon dahil sa isang kasanhian. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam sa anumang inihahayag at anumang ikinukubli. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
(8) Magpapagaan Kami sa iyo ng paggawa ng nagpapalugod kay Allāh na mga gawain na nakapagpapasok sa Paraiso.
(9) Kaya mangaral ka sa mga tao sa pamamagitan ng ikinasi Namin sa iyo mula sa Qur'ān, at magpaalaala ka sa kanila hanggat ang paalaala ay naririnig.
(10) Mapangangaralan sa pamamagitan ng mga pangaral mo ang sinumang nangangamba kay Allāh dahil siya ay ang makikinabang sa pangaral,
(11) at lumalayo sa pangaral at umiiwas dito ang tagatangging sumampalataya dahil siya ay pinakamatindi sa mga tao sa pagkalumbay sa Kabilang-buhay dahil sa pagpasok niya sa Apoy,
(12) na papasok sa Apoy na pinakamalaki ng Kabilang-buhay upang magdusa sa init niyon at magpakasakit doon magpakailanman.
(13) Pagkatapos pamamalagiin siya sa Apoy kung saan hindi siya mamamatay roon para makapagpahinga sa pinagdurusahan niya na pagdurusa at hindi mabubuhay sa isang kaaya-ayang buhay na marangal.
(14) Nagtamo nga ng hinihiling ang sinumang nagpakadalisay mula sa pagtatambal at mga pagsuway
(15) at bumanggit sa Panginoon niya sa pamamagitan ng isinabatas Niya na mga uri ng pagbanggit at pag-alaala (dhikr) at nagsagawa ng dasal ayon sa katangiang hinihiling para sa pagsasagawa nito.
(16) Bagkus nag-uuna kayo ng buhay na pangmundo at nagmamagaling kayo nito higit sa Kabilang-buhay sa kabila ng isang sukdulang pagkakaibahan sa pagitan ng dalawang ito.
(17) Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang narito na mga tinatamasa at mga minamasarap, at higit na namamalagi dahil ang anumang naroon na kaginhawahan ay hindi napuputol magpakailanman.
(18) Tunay na ang nabanggit Naming ito sa inyo na mga utos at mga ulat ay talagang nasa mga kalatas na pinababa bago pa ng Qur'an,
(19) Ang mga ito ay ang mga kalatas na pinababa kina Abraham at Moises – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.