Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.
Ang aklat na ito ay napakahalaga sapagka’t ito ay tumatalakay sa bagay na patungkol sa Kristyanismo at kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan) at ang mga katibayan mula sa bibliya na si Hesus ay Sugo at Propeta ng Diyos
Ang aklat ay naglalaman ng ilang mga piling Hadith kasama ang paglalahad sa kasaysayan ng bawa’t taga-ulat nito, gayundin ang mga benepisyong pang-agham nito sa pitumpung Hadith.
Isang munting aklat na nagpapahayag ng tunay na mensahe ni Cristo Jesus; pinatutunayan ang pagkatao ni Jesus at kailanman ay hindi maaaring maging Panginoon, matutunghayan sa aklat na ito kung ano ang katotohanan patungkol sa mga bersikulo ng bilbliya na madalas ginagamit ng mga Kristyano upang patunayan na si Jesus ay Diyos at sa huling bahagi nito ay ang paliwanag tungkol sa tunay na daan at katuruan ni Cristo.
Isang pagpapaliwanag tungkol sa pananampalatayang Islam, ang tungkol sa Allah, kung ano ang kahulugan ng Islam, at sino ang Muslim, at sino si Mohammad at iba pang may kaugnayan sa pananampalatayang Islam.
Isang Aklat sa wikang tagalong na nagpapaliwanag tungkol sa pamamaraan ng Hajj at Umrah nang kompleto, tunay na kanyang iniulat nang malinaw ang tungkol sa hajj at umrah, sanhi ng kahilingan ng mga kapatid na mga muslim lalung-lalo na ang mga balik-islam.
Isang aklat na nagpapaliwanag tungkol sa mga pangunahing dapat pag-aaralan ng bagong muslim, kabilang na dito ang Haligi ng Islam at Pananampalataya at gayundin, naipaliwanag nang malinaw dito ang tungkol sa pag-sasagawa ng wudu’ at Salah (dasal) nang may kasamang litrato.
Napaloloob sa aklat na ito ang mga pamagat na sumusunod: 1- Pagiging ganap ng Hajj sa panahon, lugar at pamamaraan. 2- Mga dakilang layunin sa Hajj: ang katuparan ng pagkaalipin sa Allah, pagmamahal, pagdakila, pag-aasam, pagkatakot, pagtitiwala, pagbalik loob at pagpapakumbaba sa Kanya. 3- Mga katangian ng Makkah
Isang Aklat na pinamagatang\” ang paninigarilyo\” isinulat ang aklat na ito dahil narin sa paulit-ulit na tanung ng mga kapatid na muslim lalung-lalo na ang mga bagong Muslim sapagkat iilan lamang sa mga Muslim ang hindi naninigarilyo, ito ay napakadelikado sa isang tao kaya’t isinulat ang aklat na ito upang magkaroon sila ng tamang kaalaman tungkol dito.