معلومات المواد باللغة العربية

Laurence Brown - Lahat ng mga materyalis.

Ang bilang ng mga item: 3

  • Tagalog

    Pag-akda : Laurence Brown

    Ang mga linya ay naghahatid mula sa kauna-unahang Kristiyanismong Judio hanggang sa ikapitong dantaon, katiyakang patungo sa Islam. . . . Ang mga paghahambing sa pagitan ng larawan sa Qur’an ni Jesus at ng isang Kristolohiyang may isang timbreng Judio-Kristiyano ay nakalilito. Ang mga pagkakatulad na ito ay dimatatanggihan at humihingi ng mas malawak na makasaysayan at mapamaraang pagninilay.

  • Tagalog

    Pag-akda : Laurence Brown

    Nasaksihan ng mga dekada kamakailan ang isang malawak na panlipunang pagbabago tungkol sa mga katangiang sumusukat sa katotohanan at mabuting uri. Sa kanilang mga tahanan at pagawaan hanggang sa mga sentrong pampamayanan at bulwagang pambayan, tinalakay ng ating mga ninuno ang mga paksang malalalim at mahahalaga, gaya ng mga kaasalang pulitikal, mabuting pag-uugaling panlipunan at ang mga makabuluhang hangganan ng siyensiya, mga batas at relihiyon. Lumundag kayo sa makabagong daigdig, at ang mga pag-uusap ay karaniwang nakatuon sa mga relasyon, salapi, palakasan at paglilibang. Samantalang ang mga naunang henerasyon ay nagdaos ng mga panggabing talakayan, pagsusuri at bahaginan ng talino, karamihan ng mga mamamayan ngayon ay iniuukol ang kanilang mga sarili sa mga walang saysay na oras ng panlilinlang sa isip ng media sa pamamagitan ng panginoong iyon ng hipnotismo, ang telebisyon.

  • Tagalog

    Pag-akda : Laurence Brown

    Ang aklat na ito ay pinakahuli sa isang serye ng apat. Ang unang aklat sa seryeng ito, The Eighth Scroll, ay isang obra ng kathang-isip sa kasaysayan—isang nobela ng aksyon/pakikipagsapalarang naglalayong panabikin ang madla, at kasabay na ipanatag sila sa paksa ng hambingan sa relihiyon. Ang ikalawang aklat sa seryeng ito, The First and Final Commandment (mga lathalain ng Amana), ay muling naisulat at nahati sa dalawang tomo (kabuuan), NaDiyos’grasya (MisGod’ed) at NaDiyos’kubre (God’ed). Sa paglathala ng dalawang tomong ito—ngayon ay mga aklat bilang dalawa at tatlo sa seryeng ito—ang The First and Final Commandment ay nagiging kalabisan, at tatanggalin na sa pamilihan. Ang NaDiyos’grasya ay nagbibigay ng isang mapa ng landas ng paggabay at kawalang-gabay sa mga relihiyong Abrahamiko, at inilalantad ang pagpapatuloy ng rebelasyon mula sa Judaismo sa Kristiyanismo, at pagkatapos ay sa Islam. Pinupulot ng NaDiyos’kubre ang iniwanan ng NaDiyos’grasya, at ipinaglalaban ang kapakanan ng Islam bilang kaganapan ng rebelasyon.