Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.
Ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha ang siyang UNANG KAUTUSAN na nakatala sa mga Banal na Kasulatang ipinahayag Niya sa Sangkatauhan. Ang Suhuf (Kalatas ni Abraham), ang Zabur (Psalmo ni David), ang Tawrah (Torah ni Moises), ang Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at ang Qur’an na ipinahayag kay Muhammad – lahat ay tila isang tanikalang gumagapos sa iisang hugpong na mensahe – “O, Sangkatauhan! sambahin ninyo ang inyong Diyos na Lumikha sa inyo!”
Ang Aklat na ito ay nagtatalakay sa mga katotohanan patungkol kay Hesus (sumakanya ang kapayaan) kabilang na rito ang kanyang pagbabalik sa lupa bilang isang tanda ng nalalapit na paggunaw ng Mundo at pagsapit ng Araw ng Paghuhukom
Ang isang halimbawa na binigyan ng liwanag ay ang katotohanan tungkol sa buhay ni Maryam (Maria) ang dakilang Ina ni Isa (Hesus) sapagka’t ang magandang kasaysayang ipinahayag ng Banal na Qur’an tungkol sa kanya ay makapagdudulot ng higit pang magandang kaisipan hindi lamang sa mga Muslim kundi sa mga Kristiyano na nagmamahal sa kanya. Ang kanyang kalinisan, at wagas na pagsamba ay sadyang maingat na nakatala sa Banal na Qur’an.
Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang Anti-Kristo? Sa pananaw ng isang debotong Kristiyano, ang “Anti-Kristo” ay isang katawagan na tuwirang tumutukoy sa sinumang tao na nagtakwil o patuloy na nagtatakwil at hindi tinatanggap si Hesukristo. Sila ang mga taong hindi naniniwala kay Hesus, hindi tinatanggap at ginagampanan ang dalang aral o mensahe nito, samakatuwid, hindi kinikilala si Hesus.
ANG MGA ALITUNTUNIN Ng Hajj, Umrah at Ziyarah : Ang maikli nguni’t madaling maunawaang alituntuning ito ay malugod na inilalahad sa lahat ng Muslim na naglalayong magsagawa ng Hajj sa Banal na Tahanan (Makkah) ng Dakilang Allah. Ito ay isang aklat na binigyan ng kaukulang balangkas para sa ilang mga ritwal ng Hajj at Umrah upang inyong mapag-aralan at inyong sanayin ang inyong mga sarili sa wastong pagsasakatuparan nito.
Ang aklat na ito patungkol sa karangalan at karapatan ng babae sa Islam, at ang doktrina ng mga muslim kay Maria at Eisa AlayhI Salam, at ano ng Islam at paano maging Muslima.