Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta. Ang tanging kaibahan ay nakasalig sa katauhan ni Hesus.
Ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe na batay sa prinsipyo (Aqeedah) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na Diyos (Allah). Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa mga tagasunod (mananampalataya) nito maging ang kulay ay itim, puti, o ang lahi ay Arabo at di-Arabo.
Ang Allah ay liwanag ng mga kalangitan at ng kalupaan. Ang kahalintulad ng Kanyang liwanag ay wari bang may isang (madilim na) hukay na sa loob nito’y may isang lamparang nasa (loob ng) isang salamin na tila nagniningning na bituin. Ang lamparang ito’y pinagniningas ng (langis ng) isang pinag-palang puno ng oliba na wala sa silangan at maging sa kanluran.
Inihanda ang lathalaing ito upang ibigay ang pangunahing mensahe ng Islam lalung-lalo na sa mga di-Muslim na may maling haka-haka o impormasyon tungkol dito na sadyang lihis sa tunay na kahulugan o diwa ng Islam.
Magbalik-Islam, ito ay isang paanyaya na may malalim na kahulugan. Magbalik-Islam, paanyayang ginagamit ng mga Muslim sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Allah (swt).
Ang pagpapahaba ng balbas ay Wajib (ipinag-uutos at nararapat gawin) para sa lahat ng kalalakihan na may kakayahang gawin ito. Tulad ng pagpapaliwanag sa ibaba, may sapat na katibayan tungkol dito mula sa Sunnah, at ito ang napagkasunduang pananaw ng mga Ulama (pantas) ng Islam.
Ang relihiyon sa makabagong kahulugan nito ay binubuo ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon at isinasaalang-alang ito bilang isang pananagutan sa isang relihiyosong paniniwala na may kaakibat na pamamaraang umuugnay sa mga relihiyosong pag-uugali, rituwal na pagsasagawa.